Si Tambelina (Kuwento)
Si Tambelina (Kuwento)
Si Tambelina (Kuwento)
I. PAKIKINIG SA KUWENTO
SI TAMBELINA
May isang mag-asawa na hindi pa nagkakaanak sa mahabang panahon.Ginawa na nila ang lahat
ngunit hindi pa rin sila biniyayaan ng anak. Humingi sila ng tulong sa isang matandang bruha, kapalit ng
isang butil na ginto at binigyan naman niya ang mag-asawa ng isang buto ng halaman. Ipinatanim ang
buto at kinabukasan lamang ay may isang napakagandang bulaklak na lotus na ito. Sa loob ng bulaklak
ay naroon ang isang maliit at kay gandang babae. Pinangalanan nila itong Tambelina na ang ibig sabihin
ay “sinliit ng daliring hinlalaki”
Mahal na mahal ng mag-asawa si Tambelina. Ang higaan niya ay may talutot ng bulaklak.
Kay gandang pagmasdan si Tambelina kapag siya ay naglalaro sa kanyang malaking bandehadong may
tubig at mga bulaklak at dahon.
Nakita ng mga ibon si Tambelina. Isang salagubang din ang nakakita kay Tambelina.Dinagit ng
salagubang si Tambelina at inilipad sa itaas ng mga sanga ng kahoy upang gawing laruan ng mga anak
ngunit ayaw nila kay Tambelina. Inilagay ng salagubang si Tambelina sa loob ng malaking bulaklak at
iniwan na siya ng mga ito. Namuhay si Tambelina nang mag-isa hanggang dumating ang taglamig.
Umulan ng yelo, gininaw at nagutom si Tambelina. Humingi sya ng tulong kay Dagang-bukid, at doon na
siya pinatira ng butihing Dagang-bukid.Sa ilalim ng lagusan ng kuweba ay may isang ibon na nakaratay.
Ginamot at inalagaan ito ni Tambelina.Lubos nang magaling si ang ibon na ang pangalan ay Layang-laya,
isinama ng ibon si Tambelina upang di ito maipakasal sa anak ni Dagang-bukid.
Isang umaga, bumalik si Layang-laya. Dinala niya ito sa kaharian ng mga anghel ng bulaklak. Laking
gulat ni Tambelina nang makita niya ang isang makisig na lalaki na kasinlaki niya. Ang lalaki ay nasa ubod
ng bulaklak at may koronang ginto. Ito pala ang kanilang hari, at nalaman din ni Tambelina na maraming
maliliit na babae at lalaki na kaparis niya.