Tambelina

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sir Tambelina

May isang mag-asawa na hindi pa nagkakaanak sa mahabang panahon. Ginawa na nila ang lahat
ngunit hindi pa rin sila biniyayan ng anak. Humingi sila ng tulong sa isang matandang bruha, kapalit ng
isang butil ng ginto at binigyan naman niya ang mag-asawa ng isang buto ng halaman. Ipinatanim ang
buto at kinabukasan lamang ay may isang napakagandang bulaklak na lotus na ito. Sa loob ng bulaklak
ay naroon ang isang maliit at kaygandang babae. Pinangalanan nila itong Tambelina na ang ibig sabihin
ay “sinliit ng daliring hinlalaki.”

Mahal na mahal ng mag-asawa si Tambelina. Ang higaan niya ay mga talulot ng bulaklak. Kay gandang
pagmasdan ni Tambelina kapag siya ay naglalaro sa kanyang malaking bandehadong may tubig at mga
bulaklak at dahon.

Isang gabi, habang mahimbing na natutulog si Tambelina, tuwang-tuwang pinagmasdan siya ng inahing
palaka. Dinukot siya nito upang ipakasal sa kanyang binatang anak. Nang magising si Tambelina, napag-
alaman niya ang ibig mangyari ng Inang Palaka. Umiyak nang umiyak si Tambelina hanggang siya ay
marinig ng mga isda. Tinulungan ng mga isda si Tambelina upang makaalis sa pinaglagyan sa kanya ng
palaka.

Nakita ng mga ibon si Tambelina. Isang salagubang din ang nakakita kay Tambelina. Dinagit ng
salagubang si Tambelina at inilipad sa itaas ng mga sanga ng kahoy upang gawing laruan ng mga anak
ngunit ayaw nila kay Tambelina. Inilagay ng salagubang si Tambelina sa loob ng malaking bulaklak at
iniwan na siya ng mga ito. Namuhay si Tambelina nang mag-isa hanggang dumating ang taglamig.
Umulan ng yelo, gininaw at nagutom si Tambelina. Humingi siya ng tulong kay Dagang-bukid, at doon na
siya pinatira ng butihing Dagang-bukid. Sa ilalim ng lagusan ng kuweba ay may isang ibon na nakaratay.
Ginamot at inalagaan ito ni Tambelina. Lubos nang magaling ang ibon na ang pangalan ay Layang-layang,
isinama ng ibon si Tambelina upang di ito maipakasal sa anak ni Dagang-bukid.

Isang umaga, bumalik si Layang-layang. Dinala niya ito sa kaharian ng mga anghel ng bulaklak. Laking
gulat ni Tambelina nang makita niya ang isang makisig na lalaki na kasinlaki niya. Ang lalaki ay nasa ubod
ng bulaklak at may koronang ginto. Ito palal ang kanilang hari, at nalaman din ni Tambelina na maraming
maliliit na babae at lalaki na kaparis niya.

Naging maligaya si Tambelina sa piling ng mga anghel ng bulaklak.

Hango sa: Landas sa Pagbasa 6 ni Paz M. Belvez pp.167-173

You might also like