Aklat Ulat

Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 13

I.

PAMAGAT NG AKLAT
Titser

II. MAY-AKDA NG AKLAT


Liwayway Arceo

III. PETSA AT LUGAR NA PINAGLIMBAGAN


Uri ng Panitikan: Nobela, isang serye mula sa
magasing Liwayway noong 1950's
Wika: Pilipino
Taon ng Paglalathala: 1995
Tagapaglimbag: Ateneo de Manila University
Press

IV. PAMAGAT NG NOBELA


Titser

Kahulugan:
DENOTASYON KONOTASYON

V. MAY-AKDA NG NOBELA
Historical, Background ng May-Akda

*Halaga sa panitikan
Si Liwayway A. Arceo ay pangunahing mangangathang
Tagalog at Filipino na nakasulat ng 90 nobela, 2 libong mahigit
na kuwento, 1 libong mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip
sa radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa telebisyon, at di-mabilang
na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing
publikasyong Tagalog o Filipino. Binago ni Arceo ang
topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay tinatawag
na panitikang popular, sa paglalathala ng mga akdang
nagtatampok ng halagahan [values], lunggati [vision], at
kaisipang Filipino. Ginamit din niyang lunsaran ang pamilya
bilang talinghaga ng Pilipinas; at sa pamamagitan ng masinop
ng paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal
ang mga kathang Tagalog, sa kabila ng pamamayani ng Ingles
bilang opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno.

*Mga pangunahing aklat


Kabilang sa mga pangunahing aklat ni Arceo ang sumusunod:
Maling Pook, Maling Panahon. . .Dito, Ngayon (1998)
Mga Bathalang Putik (1998)
Titser (1995)
Canal de la Reina (1985)
Ina, Maybahay, Anak at iba pa (1998)
Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997)
Mga Maria, Mga Eva (1995)
Ang Mag-anak na Cruz (1990)
Mga Piling Katha ni Liwayway A. Arceo (1992)
Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba pang Katha (1968)
Sumulat din ng biyograpikong nobela si Arceo at kabilang dito
ang Ako. . . Si Clara (1990) na hinggil sa buhay ni Santa Clara
ng Assissi; Claret, ang Misyonero (1988) na hinggil sa
pundador ng Misyong Claretian; at Francisco ng Assissi na
hinggil sa buhay ng pundador ng ordeng Fransiskano.

*Mga tuluyang nobela


Ilan sa tuluyang nobelang nalathala ni Arceo sa magasing
Liwayway at sinubaybayan ng libo-libong mambabasa ang
sumusunod: Tulad sa Bituin (1956); Topo-topo (1956–1957); Sa
Abo ng Lumipas (1957); Hanggahan ng Pangarap (1957); Kung
Sakali man at Salát (1958); Sa Habang Panahon (1957–1958);
Huwad na Dambana (1957–1958); Mga Doktor sa Bukid (1959);
Ikaw ay Akin (1962); Kung Saan Ka man Naroroon (1964);
Lydia Ansaldo, M.D. (1964); Dalawang Kalbaryo (1964); Tatak
ng Pagkakasala (1965); Kulay Rosas ang Pag-ibig (1964–965);
Iba-ibang Kulay ng Pag-ibig (1966); Liza (1966); Isa ang Susuko
(1966); Ang Panigbugho (1966); Hiram na Laya (1965–1966);
Ipakipaglaban Mo Ako (1966–1967); Daigdig na Kristal (1967);
Ginto sa Dulo ng Bahaghari (1967–1968); Minsan Lamang ang
Gabi (1968); Ikaw ang Ilaw Ko (1968); Bahaghari sa Lupa
(1969); Nagbabagang Paraiso (1969–1970); Sa Pinto ng
Impiyerno (1970); Bawal na Paraiso (1971); Hanggang sa
Kabila ng Langit (1972); Piitang Ginto (1972); Dalawang
Daigdig (1973–1974); Saan man at Kailan man (1973); at Krus
ang Aking Budhi (1976-1977).
Ang kakatwa ay malimit mapagkamalang pag-aari ni Arceo ang
magasing Liwayway dahil ang pangalan niya ay “Liwayway”
din. Bukod pa rito, naging mataas na pamantayan si Arceo
bilang manunulat at editor ng nasabing magasin, na
nakatulong nang malaki upang lumaki ang sirkulasyon nito at
umabot sa halos kalahating milyong sipi kada linggo.
Ang iba pang tuluyang nobela na hindi binanggit dito ay nasa
aklatan ngayon ng Unibersidad ng Pilipinas at Ateneo de
Manila University. Inihabilin ni Arceo ang karamihan sa
kaniyang antigong papeles, aklat, at memorabilya doon sa
aklatan ng UP noong 28 Agosto 1993 at sa Ateneo Library of
Women's Writing (ALIWW) noong 28 Nobyembre 1994. Ang iba
pa niyang natitirang aklat at memorabilya ay nasa dating
tahanan niya sa Project 6, Lungsod Quezon, at nakahanda para
sa Liwayway A. Arceo Foundation na itinatag ng kaniyang anak
na abogadong si Florante.

*Mga nobeleta
Sumulat din ng maiikling nobela si Arceo at ilan dito ang
kumita nang malaki, gaya ng Hanggang sa Kabila ng Langit
(1991); Paano Kita Iiwan (1993); Ang Sabi ni Vic (1993); Si
Dina, Si Rosauro, Si Demetria (1993); Laro ng Tadhana (1993);
Buhayin Mo Po ang Anak Ko (1993); Isang Ina. . . Isang Anak
(1993); Kahit Ikaw ang Huling Lalaki (1993); Gabing Payapa,
Gabing Tahimik (1993); Huwad na Paraiso (1993).
Ang paglaganap ng nobeletang Filipino ang nagpagiba sa dati
noong moog ng komiks. Itinaas ng gaya ng mga akda ni Arceo
ang kalidad ng mga kuwento at nobelang pangkomiks, at
hinatak ang mambabasa na magtuon sa bagong libangan:
libro.

*Dulang panradyo at pantelebisyon


Si Arceo ang kauna-unahang manunulat na Filipino na sumulat
ng soap opera sa radyo. Ang kaniyang dulang Ilaw ng Tahanan
na isinahimpapawid ng DZRH, DZMB, at DZPI ay nagsimula
noong Marso 1949 at nagwakas lamang noong Hulyo 1958.
Tinipon ni Arceo ang lahat ng kaniyang orihinal na iskrip,
kasama ang mga notasyon, at nakabuo ng 36 tomo na halos
sumalamin sa isang mahabang panahon ng pamilya at
lipunang Filipino. Nagkaroon din ng adaptasyon ang nasabing
dula, at ito ay isinalin sa iskrip na pantelebisyon. Ipinalabas
ang Ilaw ng Tahanan sa telebisyon noong 1978.
Lingid sa kaalaman ng nakararami, si Arceo ang manunulat sa
likod ni Tiya Dely Magpayo. Ang mga iskrip na binabasa ni Tiya
Dely sa kaniyang programang Ang Tangi Kong Pag-ibig na
isinahimpapahid sa DZRH noong 1965–1972 at 1990–1999, at
sa programang Kasaysayan ng mga Liham ni Tiya Dely (1965–
1972; 1998–1999) ay masinop na sinusulat ni Arceo araw-
araw. Ngunit nang yumao na Arceo, napabalitang bumaba ang
kalidad ng iskrip ni Tiya Dely dahil na rin marahil sa pagbabago
ng manunulat ng iskrip.
Ang mga iskrip ng Lovingly yours, Helen (1978) ni Helen Vela
sa radyo ay si Arceo ang utak. Isinalin sa telebisyon ang
nasabing programa dahil sa pambihirang halina nito sa madla.
Ang iba pang iskrip na sinulat ni Arceo sa telebisyon ay ang
Sangandaan (1975) at Damdamin (1978–1979) na pawang
sinubaybayan din ng mga manonood noon.

*Mga salin
Pumalaot sa pagsasalin ng mga akdang Ingles si Arceo at
kabilang dito ang Mahal ka ni Jesus (1988) at Si Jesus, ang
Aking Ilaw na pawang koleksiyon ng mga sanaysay ni dating
Monsigñor at ngayon ay Obispo Socrates B. Villegas; Birhen ng
Guadalupe(1997); Pagbubukas-loob sa Diyos (1994), na salin
ng Opening to God ni P. Thomas H. Greene, S.J.; Pagsasanay
na Espiritwal ni San Ignacio (1992) na salin ng Spiritual
Exercises ni P. Louis Publ, S.J.; Ang Nasusulat na Payo at
Pangaral ni Santa Clara (1990) na salin ng lahat ng akda ni
Santa Clara. Pinakamabigat na ginawa ni Arceo ang pagsasalin
ng Bibliya. Nakasama siya at ang kaniyang asawang si Manuel
Principe Bautista sa lupong nagsalin ng bibliyang
pinamagatang Bibliya ng Sambayanang Pilipino (1990), na
itinuturing ng ilang tagasubaybay na pinakamatinong salin
kompara sa ibang edisyon.
Ilan sa mga akda ni Arceo ay isinalin din sa ibang wika.
Maihahalimbawa rito ang Canal de la Reina na isinalin sa
Nihonggo ni Motoe Terami Wada at nalathala noong 1990; ang
“Uhaw ang Tigang na Lupa” na isinalin ni Michiko Yamasita sa
Nihonggo noong 1979; at “Banyaga” na isinalin ni Cbetocjiaab
Kojieb sa Bulgarian noong 1981 at sa Ruso noong 1967 at ni
Mabini Rey Centeno sa Ingles noong 1962 at nalathala sa
Philippines Free Press.

*Gabay
Naging gabay din si Arceo sa mga kabataang manunulat ng
Liwayway noon, at nagtatag ng Bagong Dugo upang pasiglahin
ang pagsusulat ng mga bagito sa pagsusulat. Marami sa
kaniyang tinuruan ang mga bantayog sa ngayon, at bago
mamatay ay nakaharap at gumabay din sa mga kasapi ng
Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), na pangunahing
samahan ngayon ng mga manunulat sa bansa. Karaniwang
itinuturo ni Aling Lily, ani Roberto T. Añonuevo, ang pagiging
masinop at mahigpit sa pagsusulat; ang paglinang sa mga
tauhan; ang halaga ng pagbalangkas ng mga pangyayari; ang
pagsasaharaya ng lunan; ang pagbusisi sa saloobin at
pananaw ng katha; ang paggamit ng malikhaing saliksik; at
ang pagkasangkapan sa guniguni upang maiangat ang
realidad sa higit na mataas na antas.

*Pelikula
Si Arceo ang itinuturing na pinakamagandang manunulat sa
kaniyang panahon, at walang katapat sa mga Ingleserong
manunulat. Napiling gumanap na pangunahing artista si Arceo,
kasama sina Carmen Rosales at Norma Blancaflor, sa
pelikulang Tatlong Maria na ipinalabas noong 1943 at idinirek
ni Gerardo de Leon. Sampaguita Pictures ang nagprodyus ng
pelikula. Muling inalok si Arceo na gumawa ng iba pang
pelikula, ngunit tinanggihan niya iyon dahil aniya'y ang
itinitibok ng puso niya ay sa pagsusulat.

*Kritika at papuri
Pinaratangan ng mga akademiko si Arceo na mangangathang
nalubog sa komersiyalismo. Gayunman ay hindi sinuri nang
malalim ang kaniyang mga akda. Si Arceo, sa pananaw ni
Añonuevo, ang nagtakda ng bagong pamantayan at bagong
kumbensiyon sa kathang Tagalog at panitikang popular na
nag-iwan ng malaking impluwensiya sa mga sumunod na
henerasyon ng mga manunulat.
Sinuri naman sa feministang pananaw ni Teresita V. Guillen
ang nobelang Mga Maria, Mga Eva ni Arceo, at ito ang patunay
na hindi sumusunod lamang ang awtor sa sinasabi ng mga
maka-lalaking kritiko. Ilan pang nag-aral sa mga akda ni Arceo
ay si Lolita Rodriguez Lacuesta na sumuri sa mga tema at
teknika ni Arceo sa pagbuo ng maiikling kuwento; si Mahal
Nabor Dureza, na sinuri ang saloobin ng mga tauhan sa
maiikling kuwento ni Arceo; si Carol de la Paz-Zialcita, bumusisi
sa halagahang Filipinong taglay ng Ilaw ng Tahanan; at sina
Anacleta Concepcion, Bienvenido Lumbera, Soledad S. Reyes,
Teresita Capili-Sayo, Ofelia Silapan, Paz Belvez, at iba na
tumingin sa iba't ibang anggulo ng pagkamanunulat ni Arceo.
Nilagom ni Efren R. Abueg, na kilalang mangangatha sa Filipino
at kabilang sa grupong Agos sa Disyerto, ang katangian ni
Arceo bilang manunulat: “Kung pag-uusapan ang panahong
sinaklaw ng pagsusulat, korpus ng mga nasulat, gantimpala at
karangalang natamo, natanggap na mga pagkilala sa kaniya at
sa kaniyang mga akda, pokus ng kaniyang mga paksa at
impluwensiya sa mga kabataan, walang babaing manunulat sa
kasalukuyan, sa anumang wikang ginagamit sa Panitikan sa
Pilipinas, ang makahihigit pa sa kaniya. . . ”
VI. PAHINA

VII. MGA TAUHAN


Ilarawan

PROTAGONISTA: Mauro at Amelita


ANTAGONISTA: Aling Rosa,, Osmundo
BILOG: Rosalida
LAPAD: Mauro, Amelita, Mang Ambo
Amelita
-ang pangunahing tauhan sa nobela na nagpamalas
ng kakaibang katapangan sa pagpapahayag ng
sariling desisyon sa kabila ng ibang plano na nais ng
ina para sa kanya. Mas pinili niya ang maging titser
kaysa sa ibang karera sanhi ng kakaibang kasiyahan
na nararanasan tuwing magtuturo kahit kakarampot
lamang ang kanyang nakukuha mula rito. Pinatunayan
niya sa kanyang ina na ang pagiging titser ay isang
marangal na trabaho.
Aling Rosa
-ang mapang-api at tusong ina kay Amelita
Mauro
-kapwa titser ni Amelita sa paaralang pinapasukan at
hindi nagtagal ay naging kanyang asawa. Mabait at
may galang sa lahat ng tao.
Osmundo
- ay isang makisig na binata na umiibig kay Amelita,
nagmula sa isang mayaman at respitadong pamilya.
Ngunit siya ay arogante, maka-mundo
Mang Ambo
- ang asawa ni Aling Rosa. Isa siyang mabait, at
maunawain na ama. Pinayagan niya si Amelita sa karerang
nais niya sa kabila ng pagtutol sa asawa.
Aling Idad
-ang ina ni Mauro na bukas-loob na tinanggap si
Amelita at itinuring para na ring isang anak. Siya ang
eksaktong kabaligtaran ni Aling Rosa.
Rosalida (Lida)
-ang matalino at mapagmahal na anak nina Mauro at
Amelita.
Felisa, Norberto at Jose
-mga kapatid ni Amelita na may “sinasabi”. Si Felisa
ay isang OB-Gyne; Si Jose ay isang inhinyero habang si
Norberto naman ay nagtatrabaho sa ibang bansa.
Letty
-siya ang batang pinalaki sa layaw ng magulang at
paboritong apo ni Aling Rosa.
Mister Batac
-Isang punung-guro na ang maybahay ay kamag-anak
ni Osmundo.
Enteng
-dating nakulong sa bilibid na tinulungan ni Osmundo
na makaalis. Inutusan siya ni Osmundo na patayin si
Mauro subalit hindi niya ginawa dahil sa utang niya sa
kabaitan ni Mauro, ang pagpapaaral sa anak.

VIII. BANGHAY

A) Pinangyarihan
Lugar: Isang pamayanan sa kanayunan
Tagpuan: Probinsya

B) Tunggalian
Ang hindi pagsang-ayon ni Aling Rosa sa
pagsasamahan nina Amelita at Mauro.
Sapagkat ang apat na anak ni Aling Rosa
ay nakapagtapos ng kolehiyo ng may
titulo. Tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng
kursong edukasyon ng kanyang bunso,
dala na rin ng kaisipang hindi titulong
maituturing ang pagiging "titser", bukod pa
sa kakarampot na sweldong nakukuha ng
anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa
si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo kaya
sinang-ayunan ni Aling Rosa ang muling
panliligaw ni Osmundo kay Amelita kahit
na may asawa ang dalaga. Kung kaya’t
gumawa si Osmundo ng maitim na plano at
inutusan ang isang katiwala upang patayin
si Mauro.

C) Kasukdulan
Nang magkaroon ng pagkakaayos sila
Osmundo, Amelita at Mauro. Matapos ay
napagkuro-kuro ni Osmundo sa kanyang
kaisipan na manirahan na lamang sa ibang
bansa at tuluyan ng kalimutan si Amelita.

D)Wakas
Nagkaroon ng malubhang karamdaman si
Aling Rosa at hinanap niya ang pagaaruga
ng kanyang mga anak. Ngunit wala ni
isang dumating kundi si Amelita. Sa kabila
ng lahat ng pagsisikap ni Aling Rosa na
mapaghiwalay silang mag-asawa, ay
kanyang tinulungan at isinasikaso pa rin
ang kanyang ina. At doon na natauhan ang
matanda sa kanyang pagkakamali.

E) Buod
Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay
sumesentro sa buhay ng mag-asawang
Amelita at Mauro na kapwa pinili ang
propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang
naratibo sa mariing di-pagsangayon ni
Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa
pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang
kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa
kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa
sa pagkuha ng kursong edukasyon ng
kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang
hindi titulong maituturing ang pagiging
"titser", bukod pa sa kakarampot na
sweldong nakukuha ng anak.
Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si
Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang
binata mula sa pamilya ng mga asendero
na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo
muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig
ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba
kung hindi si Mauro, isang ring guro sa
pampublikong paaralan.

Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling


Rosa sa binatang si Osmundo, agad na
nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro.
Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot
sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa
probinsya at nagbakasyon sa mga anak na
nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya
inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang
kanyang kaligayahan dahil sa asensong
tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na
lamang sa sarili na talagang abala ang
mga taong mauunlad ang buhay.
Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin
ang binatang si Osmundo na umalis na sa
nayon at magtungo sa Estados Unidos.
Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya
ng maitim na plano laban sa mga bagong
kasal. Inutusan niya ang isa sa mga
katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala
sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito
ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang
anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan
ng gurong si Mauro.

Nasa ikapitong buwan pa lamang ng


pagdadalantao si Amelita nang
ipinanganak ang kanilang anak na si
Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata
ay kailangan nitong manatili sa ospital.
Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na
binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit.
Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin
tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring
ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-
asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang
matinding pagtutol sa manugang na si
Mauro.

Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida


na isang mabait at matalinong bata. Isang
araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya,
at nagkaroon ng malaking pagdiriwang
para sa kanyang pagdating. Doon muling
nagkatagpo sina Mauro at Osmundo,
subalit kinalimutan na ng dalawa ang
nakaraan. Taliwas naman dito ang
nadaramang pangamba ni Amelita sa
pagbabalik ng masugid na panliligaw.
Nararamdaman nitong may plano itong
masama laban sa kanyang pamilya.

Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni


Osmundo kay Amelita, kahit na may
asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng
pagkakataong makilala niya si Rosalida, at
naging magaan ang loob nito sa bata.
Isang araw ay naisipang ipasyal ni
Osmundo si Rosalida sa kanyang
hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina
Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang
mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida
ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di
naglaon ay nagbalik rin ang bata,
ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa
ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin
ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang
bansa at kalimutan ang minamahal na si
Amelita.

Nagkaroon ng malubhang karamdaman si


Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga
anak ngunit wala ni isa mang dumating
maliban kay Amelita na matiyagang nag-
asikaso sa kanya. Pawang gamot at
padalang pera lamang ang ipinaabot ng
apat na anak. At doon natauhan ang
matanda sa kanyang pagkakamali.

IX. ARAL

Malinaw na ipinakita ng nobela ang agam-agam na


kinakaharap ng bawat guro. Ano ang dapat piliin, ang makapaglingkod
sa pamayanan kapalit ng isang kahig, isang tukang pamumuhay, o ang
makatikim ng karangyaan kapalit ng pagtalikod sa propesyong nais na
tahakin? Ang karakter ni Aling Rosa ang nagsilbing tagapag-tibay sa
agam-agam na ito. Siya ang nagpamukha kay Amelita at Mauro ng
magiging kapalit ng pagiging ideal ng mag-asawa: ang paghihikahos
sa aspetong pinansyal, ang pagiging "Sampu, sampera."

Ang nobela ni Arceo, bagama't halos animnapung taon na ang


nakaraan mula sa pagkakalathala nito, ay maliwanag pa ring
sumasalamin sa kalagayan ng mga titser sa kasalukuyang panahon.
Sila ang nagsisilbing tagapaghubog ng kaisipan ng susunod na
henerasyon, ngunit sila'y binibigyan lamang na maliit na pahalaga.
Isang patunay nito ang laganap pa ring paggigiit ng mga guro para sa
mas mataas na sahod, na kung pagbigyan man ng pansin ng
gobyerno'y di pa rin sapat para sa trabahong kanilang ginagawa.

Marahil luma na sa atin ang kasabihang, "kung ayaw mong maghirap,


huwag kang magtitser." At ang kalumaan nito siguro ang naging
dahilan kung bakit tinatanggap na lamang natin itong isang masakit na
katotohanan na walang solusyon. "Ang pagtuturo'y isang bokasyon,
hindi propesyon," wika nga. Ang kaisipang ito na rin marahil ang
dahilan kung bakit pinipili ng ibang mga guro sa kasalukuyan ang
magtrabaho sa ibang bansa kaysa sa sariling bayan: una'y nagagawa
nila ang gusto nilang gawin, at ikalawa’y nagagawa nila ito ng may
natatanggap na pagpapahalaga at pribilehiyo. Sa lipunang ito,marahil
kailangan na nating buwagin ang kaisipang kailangang magsakripisyo
ng mga guro. Marahil kailangan na nating bigyan ng mataas na
pagtingin at kabayaran ang pagsisilbing ginagawa ng mga titser ng
lipunan. Sila ang tagapaghulma ng mga susunod na "tituladong"
mamamayang tinitingala ni Aling Rosa. Sila ang gagawa ng mga
bagong "Dr.", "Atty.", "Engr.", "PhD" at iba pa. Bakit kailangan nilang
maghirap pinansyal?

You might also like