Essay Noli Me Tangere

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

NG NOLI ME TANGERE

Ang Noli Me Tangere ay ang kauna- unahang nobelang isinulat ni Rizal

magdadalawampu’t apat na taon pa lamang siya nang isulat niya ito. Ang pamagat ng Noli

Me Tangere ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay “Huwag Mo Akong Salingin”

na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na

nagpapahirap sa buhay ng isang tao. Naisipan ni Rizal na sumulat ng Noli Me Tangere dahil

sa tatlong aklat na nagbigay sa kaniya ng inspirasyon: ito ay ang “The Wandering Jew”, “

Uncle Tom’s Cabin” at syempre ang bibliya. Ang bunga ng pagbasa ni Rizal sa Uncle Tom's

Cabin ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa

kamay ng mga panginoong puting Amerikano, inilalarawan din dito ang iba't ibang

kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim.Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit

ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila. Samantalang ang The Wandering Jew ay

tungkol sa isang lalaking kumutya kay Hesus habang siya ay patungo sa Golgota. Ang

lalaking ito ngayon ay pinarusahan na maglakad sa buong mundo nang walang tigil. Dahil

sa mga naabasa mas tumindi ang pagnanais ni Rizal na makabuo ng aklat na tumatalakay

sa pagmamalupit ng Kastila sa mga Pilipino. Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat

bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakakabatid sa uri ng lipunan sa

Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niya upang maging nobela. Ngunit hindi ito

nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang

walang katulong. Bago matapos ang taong 1884 ay sinimulan niya itong isulat sa Madrid at

doo’y natapos niya ang halos kalahati ng nobela at nagpatuloy ng pagsusulat sa paris at

natapos sulatin ang huling bahagi ng nobela sa Alemanya taong 1887.Inilathala ang unang
nobela ni Rizal noong dalawampu’t anim na taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na

ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang

pagkakakilanlan .Si Rizal mismo ang nagdisenyo ng nobela, pinili ni Rizal ang mga

elemento na ipapaloob niya rito, hindi lamang ang aspektong astetiko ang kanyang naging

konsiderasyon- higit sa lahat ay ang aspekto ng simbolismo.Nagalit man ang mga Espanyol

kay Rizal at nangamba ang kanyang pamilya na baka siya’y mapahamak inibig parin niyang

makabalik sa Pilipinas at dahil sa mga kadahilanang Una,ninanais niyang maoperahan ang

kanyang ina dahil sa lumalalang panlalabo ng mata nito. Pangalawa, upang mabatid niya

ang dahilan kung bakit hindi tinugon ni Leonor Rivera ang kanyang mga sulat mula taong

1884-1887.

13. Panghuli, ibig niyang malaman kung ano ang naging bisa ng kanyang nobela sa

kanyang bayan at mga kababayan.Umalis si Rizal sa Maynila noong ika-3 ng Pebrero,1888,

at namalagi sa iba’t-ibang bansa habang siya ay nasa ibang bansa ay itinuon ni Rizal ang

kanyang panahon sa pagsulat ng mga tugon sa mga tuligsa sa kanya.Ang layunin ni Dr.

Jose Rizal kung bakit niya isinulat ang Nobelang Noli Me Tangere ay; Ang maisakatuparan

ang mithiin na magamit ang edukasyon sa pagkakamit ng kalayaan at kaunlaran para sa

bansang Pilipinas, sanayin sa kakayahan at interes ang mga mag-aaral upang ang

pagkatuto ay maging integratibo, makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng

kritikal at mapanuring pag-iisip, at nakapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at

realidad ng totoong buhay.

You might also like