Katuturan NG Mga Katawagang Ginamit

You are on page 1of 4

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Aspekto. Ito ay ang katangian ng pandiwa na


nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap
ang kilos o kung nasimulan na at kung natapos
nang ganapin o ipinagpatuloy pa ang pagganap.

Balangkas. Ito ay isang iskeleton ng sulatin,


ito man ay simple o mahaba. Sa pamamagitan ng
balangkas ay magkakaroon ka ng ideya ukol sa
kabuuan ng isang sulatin. Nagsisilbi itong
talaan ng mga ideya nais paksain. Ito ay
binubuo ng pangunahing at pantulong na ideya.

Balbal. Ito ay ang di-pamantayang paggamit ng


mga salita sa isang wika ng isang particular
na grupo ng lipunan, Tinatawag din itong
salitang kanto o salitang kalye. Ito ang mga
salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraan.
Ito rin ang mga salitang nabuo sa pinagsama-
sama o pinagdugtong na salita. Maari itong
mahaba o maikling salita lamang.

Depinisiyon. Pagbigay ng paglilinaw o paglalahad


sa isang piling paksa. Naglalayon itong
magbigay-linaw tungkol sa isang bagay na
tinutukoy. Mas pangkalahatan ang salitang ito
kaysa sa kahulugan, na mas ginagamit para sa
mga salita, at katuturan, na mas ginagamit para
sa mga bagay o konsepto.
Diksiyunarista. Ang tawag sa taong tagapaghulog
o tagapagtala ng mga salita sa isang
diksiyunaryo.

Diksiyunaryo. Ito ay isang aklat ng mga


nakatalang mga salita ng isang particular na
wika na ang ayos ay ayon sa pagkakasunod-sunod
ng titik ng abakada o alpabeto.

Edukasyon. Ito ay kinabibilangan ng pagtuturo at


pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang
bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit
na malalim: ang pagbabahagi ng kaalaman,
mabuting paghusga at karunungan.

Ensiklopedya. Ito ay maaring naglalaman ng


malawak na kaalaman sa iba’t ibang larangan o
maaring naglalaman lamang patungkol sa isang
particular larangan. Mayroon din mga ensiklopedya
na naglalaman ng paksa tungkol sa isang
partikular na kultura o pangbansang pananaw,
tulad ng Great Soviet Encyclopedia.

Etimolohiya. Ito ay ang pag-aaral ng kasaysayan


ng mga salita at kung paano nag-iba ang
kanilang anyo at ibig sabihin sa paglipas ng
panahon.
Impormasyon. Ito ay nagkakaroon ng pagkakaiba ng
mga kahulugan na sumasakop mula pangaraw-araw
hanggang teknikal. Sa makatuwid, ang konsepto ng
impormasyon ay may kaugnayan sa mga palagay ng
limitasyon, komunikasyon, kontrol, datos, anyo,
direksyon, kaalaman, kahulugan, mental na
pampabuhay, padron, persepsyon at representasyon.

Interaksyon. Ito ay ang pakikipagugnayan ng tao


sa ibang tao at sa ibang organismo, at ang
pakikipagugnayan ng lahat ng nabubuhay na
organismo sa kanilang kapaligiran.

Istraktural. Ito ay isang teorya sa pagbasa


kung saan binigyang pansin ang bawat detalyeng
nakapaloob sa akdang binasa.

Kapuluan. Ito ay isang pangkat ng mga isla o


pulo. Ang kapuluan o arkipelago ay isang anyong
lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na
pulo. Panay tubig ang nakapaligid sa isang
pulo. Ang isang halimbawa ng kapuluan ay ang
mga bansa ng Pilipinas, Hapon, Indonesia at
Nagkakaisang kaharian.

Kategorya. Ito ay isang panggalan na ang ibig


sabihin ay nabibilang na isang kaurian, pangkat,
grupo, klase o kalidad.
Komposisyon. Ito ay tinuturing na pinakapayak na
paraan ng pagsulat. Ito rin ang itinuturing na
pinakapayak na paraan ng pagsulat ng natatanging
karanasan, pagbibigay interpretasyon sa mga
pangyayari sa kapiligiran at puna sa mga
nabasang akda o napanood na pagtatanghal ay
nagagawa sa pamamagitan ng pagsulat ng
komposisyon.

You might also like