Kabanata 1-3 Research Method

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

KABANATA I

ANG SULIRANIN

Kaligiran ng Pag-aaral
Tunay na makikilala ang lahing pinagmulan kapag binalikan

ang bakas ng nakaraan. Ang kultura ay ang pamanang iniwan ng

nakaraan upang ipabatid sa kasalukuyan ang pagkakakilanlang

pinagmulan. Ang kasaysayan ang magsisilibing tulay upang

maiuugnay ang nakalipas sa kasalukuyan. Ang kultura at kasaysayan

ay magkaugnay dahil ito ay salamin at susi sa pag-unlad ng isang

bayan.

Ang mga historikal at kultural na pamana sa isang bayan ay

nararapat lamang na pahalagahan dahil ito ang mga yamang handog

ng nakaraan. Ang mga pamanang ito ay maaaring materyal at hindi

materyal na bagay. Ang mga historikal at kultural na pamanang

materyal ay mga naiwang edipisyo, tanawin at mga kagamitan ng mga

sinaunang tao. Samantala, ang mga hindi materyal na pamana ay mga

kaugalian, tradisyon at paniniwalang hanggang sa kasalukuyan ay

umiiral.

Isang problemang kinahaharap ng bansa kung paano

mapananatili at mapahahalagahan ang mga historikal at kultural na

pamana. Nararapat lamang na gumawa ng hakbang upang maagapan ang

unti-unting pagkasira at paglaho ng mga pamanang ito. Sa


pamamagitan ng pag-aaral tungkol dito, makabubuo ng tiyak na

solusyon kung paano higit na mapahahalagahan at maipatatangkilik

sa mga tao ang mga ito. Marami pang mga historikal at kultural na

pamanang hindi pa nabibigyan ng pansin kaya marapat lamang na

kilalanin ang mga ito bago tuluyang maibaon sa limot.

Ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining

(National Commission for Culture and the Arts) na nalikha noong

taong 1987 sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap bilang 118 at

naging ganap na batas noong 1992 ay nag-atas na bumalangkas ng

mga patakaran sa pagpapaunlad ng kultura at sining. Malaki ang

maitutulong nito sa pagpreserba ng mga historikal at kultural na

pamana dahil sa pamamagitan ng mga patakaran at programang

ilulunsad ng komisyon mas mapapaigting ang kampanya sa

pagpapahalaga at pagtangkilik sa mga pamanang ito.

Batay sa Artikulo 14 Blg. 16 ng Konstitusyon, ang lahat ng

mga kayamanang historikal at kultural ng bansa ay dapat

pangalagaan at ipalaganap sa pagpapanatili at pagpapayaman ng

panitikan ng isang bansa. Ibig sabihin lamang nito ay patuloy na

pahalagahan at tangkilikin ang sariling atin na siyang maghahatid

ng kaunlaran sa bansa.

Ang historikal at kultural na pamana ay nararapat lamang na

maitawid sa susunod na henerasyon. Kailangang imulat ang mga


mamamayan lalong-lalo na ang mga kabataan sa kahalagahan ng

pagpapanatili ng mga pamanang ito sa sariling bayan.

Kakaunti lamang ang mga pag-aaral tungkol sa mga historikal

at kultural na pamana sa bansa kung kaya karamihan sa mga tao ay

hindi gaanong pamilyar dito at walang ideya kung ano ang

kahalagahan nito sa sariling bansa. Limitado lamang ang mga

kaalaman hinggil sa tamang paggamit at pagpapahalaga sa mga ito.

Ang usapin tungkol sa mga pamanang ito ay hindi dapat

ipagsawalang bahala dahil ito ay bahagi ng idetidad ng bawat

mamamayan ng isang bayan. Nararapat lamang na pagtuunang pansin

ang isyu tungkol sa kung paaano ang mabisang paraan ng

pagpapakilala, pagpapahalaga at pagpreserba sa mga historikal at

kultural na pamanang bayan.

Mahalaga na matukoy ang mga natatanging historikal at

kultural na pamana sa isang bayan nang sa gayon makikilala ang

identidad ng bayan at matalunton ang pinagdaanang kasaysayan

nito. Kaya naman pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na

tiyakin kung ano ang ambag ng mga historikal at kultural pamana

sa identidad ng mga Barcelonanon.

Paglalahad ng Suliranin
Titiyakin sa pag-aaral na ito na malaman ang mga historiko-

kultural na pamana sa mga Barcelonanon.

Sasagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod:

1. Ano ang mga historiko-kultural na pamana sa mga

Barcelonanon?

2. Ano-ano ang kwento sa mga historiko-kultural na

pamanang Barcelonanon?

3. Ano ang ambag sa pagkilala sa mga historiko-kultural na

pamanang Barcelonanon sa:

a. Edukasyon

b. Panitikan

c. Turismo

4. Ano ang mairerekomendang awtput batay sa resulta ng

pag-aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay naniniwalang makatutulong ang mga datos

at impormasyong makakalap sa pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

Komunidad. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito maaaring

mamulat ang komunidad sa pinagdaanang kasaysayan ng sariling

lugar at matuklasan ang kanilang sariling pagkakakilanlan. Maaari

ring makatulong ang komunidad sa pagpapakilala ng lokal na


turismo ng sariling lugar, sa pamamagitan ng pagtangkilik at

pagtulong sa pagpreserba ng mga historikal at kultural na

pamanang handog dito.

Mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring

magmulat sa kanilang kamalayan na makilala ang mga historikal at

kultural na pamana sa mga Barcelonanon. Sa pamamagitan nito, mas

higit nilang mauunawaan ang kahalagahan ng pagkilala,

pagtangkilik at pagpreserba sa mga pamanang ito. Ito ay maaaring

maging daan upang mas mabuksan ang isipan at damdamin ng mga mag-

aaral na alamin at pahalagahan ang mga historikal at kultural na

pamana sa bawat lugar.

Guro. Ang mga makakalap na impormasyon ay maaaring

magsilbing karagdagang kagamitan sa pagtuturo. Ang mga kwento sa

bawat historikal at kultural na pamana ay maaaring maging

lunsaran sa pagtuturo ng kasaysayan at panitikan sa mga mag-aaral

upang mas lalong mapayabong ang kanilang kaalaman sa sariling

bayan.

Lokal na Pamahalaan. Ang pag-aaral na ito ay maaaring maging

batayan din ng lokal na pamahalaan sa paggawa ng mga patakaran at

programa na maaaring makatulong upang mas lalong mapahalagahan at

maipreserba ang mga historikal at kultural na pamana sa mga

Barcelonanon. Sa pamamagitan ng paglunsad ng mga polisiya at

patakaran kaugnay sa pangangalaga sa mga pamanang ito, maaari


itong makatulong upang patuloy na maipasa sa susunod na

henerasyon ang mga pamanang ito.

Lokal na Turismo. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay

maaaring magsilbing gabay upang mas paigtingin pa nila ang

kanilang kampanya at mga proyekto hinggil sa pagpapakilala sa

sariling lugar. Ang mga makakalap na kwento sa bawat historikal

at kultural na pamana sa mga Barcelonanon ay maaaring magamit

upang mas maging epektibo ang pagpapakilala sa sariling bayan at

tumatak ang identidad nito sa bawat turistang bibista rito.

Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magbubukas sa isipan

ng iba pang mananaliksik na pag-aralan din ang mga natatanging

pamana sa sariling lugar. Maaaring magsilbing sanggunian rin ang

resulta ng pag-aaral na ito sa iba pang mananaliksik na may

kaugnayan ang paksa.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Titiyakin sa pag-aaral na ito na malaman ang mga historikal

at kultural na pamana sa mga Barcelonanon. Tutukuyin din dito ang

mga kwento sa mga historikal at kultural na pamana at ano ang

magiging ambag ng pagkilala sa mga ito sa edukasyon, panitikan,

at turismo.
Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay bubuuin ng 100 mula

sa mamamayan ng Barcelona na may edad 20 pataas. Mga materyal na

pamanang historikal at kultural lamang ang sakop ng pag-aaral na

ito na mula pa noong panahon ng mga Kastila.

Hindi kasali sa pag-aaral na ito ang mga Barcelonanon na may

edad 19 pababa. Hindi rin saklaw sa pag-aaral na ito ang mga

hindi materyal na pamana kagaya ng mga kaugalian, tradisyon at

paniniwala ng mga Barcelonanon.

Katuturan ng Talakay

Ang mga sumusunod na salita o lipon ng salita ay bibigyang

katuturan upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa ang pag-aaral

na ito.

Pagbungkal. Kasingkahulugan ito ng paghuhukay. Sa

arkeolohiya, ang paghuhukay ang pagkakalantad, pagproseso at

pagtatala ng mga arkeolohiko na labi (Mimir Encylopedia, 2021).

Ito ay tumutukoy sa pagtuklas at pagpapakilala ng mga historikal

at kultural na pamana sa mga Barcelonanon.

https://mimirbook.com/tl/44984597c02

Historiko-Kultural. Ito ay tumutukoy sa pag-uugnay ng

nakaraan sa kasalukuyan at ano ang naging implikasyon nito sa

pamumuhay ng mga tao (Marcos, 2009). Ito rin ay tumutukoy sa mga


pinagmulang mana ng mga Barcelonanon na magpapaliwanag sa

kanilang pagkakakilanlan. http://culturahistorica.org

Pamana. Ito ay tumutukoy sa pag-aari na karaniwang kabilang

sa pamayanan ng mga tao. Ang salitang pamana ay mula sa Latin na

"acervus" na nangangahulugang "akumulasyon ng mga bagay"

(Encyclopedia-Titanica, 2021). Ito ay tumutukoy sa mga historiko-

kultural na edipisyo, tanawin at mga kagamitang minana ng mga

Barcelonanon mula sa mga ninuno. https://tl.encyclopedia-

titanica.com/significado-de-acervo

Barcelonanon. Ito ay tumutukoy sa mga mamamayan ng Barcelona

na matatagpuan sa ikalawang distrito sa lalawigan ng Sorsogon sa

pagitan ng mga bayan ng Gubat at Bulusan

(https://barcelona.sorsogon.gov.ph).

Ambag. Ito ay tumutukoy sa naging kontribusyon, mga bagay na

naibigay o naibahagi upang makapagdagdag ng kaalaman

(www.panitikan.com.ph,2013). Ito rin ay tumutukoy sa naging

kontribusyon ng pagkilala sa mga historiko-kultural na pamanang

Barcelonanon sa edukasyon, panitikan at turismo. Ito rin ay

magpapatunay na ang mga Barcelonanon ay mayroong mga natatanging

pamana na salamin ng kanilang pagkakakilanlan.

Edukasyon. Ito ay tumutukoy sa pagtamo ng kaalaman,

kasanayan, at pag-uugali na gumagabay sa tao upang mamuhay ng

tama (Calderon, 1998). Ito rin ay magsisilbing daan para


maipakilala ang mga historiko-kultural na pamanang Barcelonanon

sa pamamagitan ng pagtuturo nito sa mga mag-aaral.

Panitikan. Ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng mga kaisipan,

mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao (Hennig,

2010). Sa kasalukuyang pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy sa mga

makakalap na kwentong historiko-kultural na pamanang Barcelonanon

na maaaring maging karagdagang babasahin at lunsaran sa

pagkatuto.

Turismo. Ito ay tumutukoy sa hanay ng mga aktibidad na

isinasagawa ng mga tao sa mga paglalakbay, sa mga lugar na

matatagpuan sa labas ng kanilang kinaugalian na tirahan o lugar,

para sa paglilibang, negosyo at iba pang kadahilanan (United

Nations World Tourism Organization, 2008). Ang kasalukuyang pag-

aaral ay nagnanais na makapagbigay ng ambag sa pagpapaunlad ng

turismo sa Barcelona, Sorsogon sa pamamagitan ng pagpapakilala sa

mga historiko-kultural na pamanang makikita rito.

https://tl.encyclopedia-titanica.com/significado-de-turismo
KABANATA II

TEORETIKAL, KONSEPTWAL AT OPERASYUNAL NA BATAYAN NG PAG-AARAL

Sa kabanatang ito, inilahad ang buod ng mga napiling

literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang

pananaliksik. Inilahad din dito ang sintesis ng pag-aaral, gap,

batayang konseptwal, at operasyunal na pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Ang mga sumusunod na literaturang nabasa ng mananaliksik ay

nagtataglay ng mga konseptong mayroong kaugnayan sa kasalukuyang

pag-aaral.

Ayon sa Pambansang Komisyon ng United Kingdom sa UNESCO

(2014), ang mga kultural at likas na pamana sa bansa ay mga hindi

mapapalitang pinagkukunan ng buhay at inspirasyon. Ito ay mga

pamana ng nakaraan, mga makikita sa kasalukuyan at mga yaong

ipapasa sa susunod na henerasyon. Ibig sabihin lamang nito ito ay


mga yamang ipinamana sa isang bansa na nararapat na linangin at

ipasa sa mga susunod pang henerasyon.

Wika ni Deverin (2005), may dalawang uri ang kultura ito ang

materyal at di materyal na kultura na siyang nagiging batayan at

pagkakakilanlan ng isang pook. Napapausbong nito ang yamang

kultural sa bawat lugar.

Mahalaga ang mga nabanggit na literatura sa pag-aaral

sapagkat ipinapaliwanag ng mga ito ang katuturan ng kultura

bilang salamin ng buhay at pagkakakilanlan ng isang bansa. Ang

mga ito ay tumutugon din sa mga pangangailan ng bawat lugar na

makilala batay sa kung anong kultura mayroon sila.

Ayon sa Presidential Decree No. 1505, dapat pangalagaan at

ipreserba ang mga makasaysayang historikal at kultural na pamana

sapagakat ito ay pagkakakilanlan ng isang bayan o bansa na siyang

magiging tulay sa paglago ng turismo. Ang mga ito ay magsisilbing

sukatan sa mga bagay na maaaring maging resulta sa pagbuo ng

isang kasaysayan ng isang lugar.

Ayon din sa artikulong isinulat ni Panganiban (2020),

saanmang panig ng mundo ang kultural na pamana ay sumasalamin sa

buhay at pagkakakilanlan ng isang bansa. Kaya naman nararapat

lamang na ipreserba ang mga kultural na pamana dahil binibigyan

nito ng katuturan ang pamumuhay sa isang bansa noon hanggang

ngayon. Ipinapakita rito ang mga paniniwala at tradisyon; ito rin


ang humuhubog sa pagkatao, pag-uugali, adhikain at

pagkakakilanlan bilang isang Filipino.

Ang mga nabanggit na literatura ay nagpapatibay sa

kasalukuyang pag-aaral sapagkat ang batas at artikulong nabanggit

ay nagsasaad ng pangangalaga at pagpapanatili ng mga pamanang

historikal at kultural. Ang kasalukuyang pag-aaral ay naglalayon

ding pahalagahan at ipreserba ang mga historikal at kultural na

pamana sa mga Barcelonanon at maipakilala ang turismo ng lugar.

Ayon naman kay Vega et al. (2006), ang pag-unawa sa kultura

ay magbibigay sa sangkatauhan ng pagyakap sa iba pang kultura

upang maiugnay sa kanilang buhay sa kinabukasan. Ang kultura ng

mga tao ay isa sa mga magagandang pagtuunan ng pansin sapagkat

ito ay nalilikha sa pamamagitan ng kaalaman na nanggagaling sa

kailaliman ng komunidad.

Ang nabanggit na literatura ay mahalaga sapagkat nakatuon

ito sa pag-unawa sa kultura na makatutulong upang higit na

maunaawan ng mamamayan ang kahalagahan ng pagkakaroon nito.

Mahalaga ito sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat nakadaragdag ito

sa konsepto kung paano gagamitin ang kulturang kinagisnan.

Kaugnay na Pag-aaral
Ang mga sumusunod na pag-aaral ay may kaugnayan sa

kasalukuyang pananaliksik. Inilalahad dito ang pagkakatulad at

pagkakaiba ng mga ito sa kasalukuyang pag-aaral.

Ang pag-aaral ni Llaneta (2020) ay nagpapatunay na marami pa

ang iba’t ibang karunungang-bayan ang naipreserba ng mga Irosanon

na sumasalamin sa kanilang kultura. Natuklasan rin niya ang

implikasyon ng mga karunungang-bayang ito sa pamumuhay ng mga

Irosanon dahil para sa kanila nagsisilbi itong gabay sa tamang

landas ng buhay, kapupulutan ito ng aral, nagpapatalas ng isipan

at nakatutulong upang mapanatili ang kultura ng isang lugar.

Ang pag-aaral na ito ay may pagkakatulad sa kasalukuyang

pag-aaral dahil parehas itong may layunin na alamin ang mga

natatanging naipreserbang pamana sa isang lugar. Ang pagkakaiba

ng dalawa ay ang naunang pag-aaral ay nakapokus sa mga

naipreserbang karunungang-bayang Irosanon samantalang ang

kasalukuyang pag-aaral ay nakatuon sa mga naipreserbang edipisyo,

tanawin at mga kagamitang historiko-kultural na pamanang

Barcelonanon.

Ayon sa pag-aaral ni Jolo (2016), natiyak niya ang paggamit

ng Filipino sa literaturang panturismo ng lungsod ng Sorsogon.

Batay sa natuklasan ng pag-aaral na ito, mahalaga ang

literaturang panturismong nakasulat sa wikang Filipino sapagkat

napapaunlad nito ang wika at kultura ng isang lugar.


Pinakapangunahing naitutulong ng turismo sa pagpapaunlad ng wika

ay kapag ginamit ang Filipino sa anumang babasahin na may

kaugnayan sa turismo ay maaaring matuto rin ang mga dayuhan at

gamitin ito.

May malaking pagkakatulad ang kasalukuyang pag-aaral sa

naunang pag-aaral dahil hindi lamang layunin ng pag-aaral na ito

na matuklasan ang mag historikal at kultural na pamanang

Barcelonanon kundi pati na rin ang mga kwento sa likod ng mga

pamanang ito. Katulad ng naunang pag-aaral layunin din ng

kasalukayang pananaliksik na makatulong sa pagpapakilala ng

turismo ng lugar. Ang pagkakaiba lamang ay ang kasalukuyang pag-

aaral ay nakatuon sa mga historiko-kultural na pamanang

Barcelonanon samantalang ang unang pag-aaral ay nakapokus sa

paggamit ng wikang Filipino sa literaturang panturismo ng lungsod

ng Sorsogon.

Ayon sa pag-aaral ni Zafra (2016), natuklasan niya na may

ugnayan ang wika at kultura na posibleng maging batayan ng

pagpili ng dulog sa pagtuturo ng mga ito sa disiplinang Filipino.

Nasa wika ang kultura, at kung nais tuklasin ang kaalamang

nakapaloob sa kultura, kailangang pag-aralan ang wika.

You might also like