Banyagang Pag-Aaral
Banyagang Pag-Aaral
Banyagang Pag-Aaral
ayon sa pag-aaral ni maria teresa barbaros, (2018) na pinamagatang ang epekto ng estilo ng
pagtuturo ng guro sa panggaganyak ng mga mag-aaral: Kailangan ng mga guro ng kakayahan at
kaalaman upang makapagbigay ng kaalaman sa kanyang mga estudyante. Ang guro rin ang nagsisilbing
ilaw ng silid aralan at pigura ng edukasyon. Dapat makilala ng guro ang bawat indibidwal at pagkakaiba
ng ng kanyang mag-aaral at ayusin ang mga tagubilin na angkop sa mag-aaral. Ang mabuting pagtuturo
ay napakapersonal na paraan at ang mabisang pagtuturo ay nagbibigay bahala sa mag-aaral bilang isang
tao at sa kanyang pag-unlad.
ayon naman sa mga guro ng Unibersidad ng Corcodia Portland (2017), bilang isang guro ikaw ay
nagnanais na gumamit ng isang mabisang paraan at epektibo para sa lahat ng iyong estudyante upang
tamasin nila ang proseso ng pag-aaral at para naman sa iyong silid aralan upang maging maayos at
kontrolado. Bukod dito walang dalawang guro ang nagtuturo sa parehong paraan. Ang pagtuturo ng
guro ay nakabatay sa kanilang pilosopiya sa edukasyon, demograpiko ng kanilang silid-aralan, kung ano
ang paksa, at kung ano ang misyon ng paaralan
Ayon kay Lee (2013) na marami pa ring guro sa ating mga paaralan, pribado man o pampubliko, ang
gumamit ng tradisyon na pamaraan ng pagtuturo na nahasa sa maraming dekada. Sa ganitong
sitwasyon, hindi magkatugma ang kakahayan ng nagtuturo sa tinuturuan dahil mas maalam ang mga
estudyante sa paggamit ng makabagong gadyet kaysa sa kanilang guro. May mga guro na ginagamit ang
internet sa pagbibigau ng pagsusulit at iba pang kinakailangan sa pamamagitan nito, mas lalong
nadadagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral hindi lamang sa leksyon na gustong matutuhan nila
kundi pati na rin ang pagiging pamilyar sa bagong teknolohiya na ginagamit sa kasalukuyan
Ayon kay Pingol (2011) ang teknolohiya ay may kakayahan na gawing mas produktibo pa ang kalidad
ng edukasyon sa isang lipunan. Mas napapabilis ng bawat estudyante at titser sa impormasyon saan
mang dako sa daigdig
Ayon kay Mickshiey (2011) mula sa aklat na inilimbag ni Mayos sa mga guro ng Filipino, kailangan pag
iba-ibahin ng guro ang kanyang pamamaraan at estrahetiya sa pangangailangan ng mga mag-aaral.
Dagdag pa sa pag-aaral mula aklat nila Mayos et. al. ang paggamit ng iba't ibang pamamaraan sa
pagtururo ay siyang kinagigiliwan ng mga mag-aaral. Ito ang paggamit ng alternatibong pagtuturo sa
karaniwang paksa. Pinatunayan ito ng resulta ng pag-aaral ni Anosans na kinagigiliwan ng mga mag-aaral
ang gurong gumagamit ng iba't ibang pamamaraan sapagkat nabubuhay nito ang kanilang atensyon at
interes. Lalo na ang paggamit ng telebisyon at ibang teknolohiya sa loob ng klase dahil napupukaw ang
interes ng mga mag-aaral at may mataas na lebel ng pagkatuto.