Ikatlong Buwanang Pagsusulit Filipino 9 2015

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

Pangalan:___________________________________________________Petsa:__________________________________
Taon & Pangkat: _____________________________________________Inihanda ni:

I. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.


______1. Isang uri ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing tauhan.
A. elehiya B. epiko C. tanaga D. awit
______2. Isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing gabay sa marangal na pamumuhay ng mga
tao. A. pabula B. anekdota C. parabula D. nobela
______3. . “ Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Ang pahayag ay _________________.
A. nakikiusap B. nag-uutos C. nagmamakaawa D. nagpapaunawa
______4. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang
lahat ng kayamanan,” sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita kay Ravana ay nangangahulugang
________. A. Natatakot B. Mahal ang kanyang asawa C. Hindi si Ravana ang kaniyang gusto D. Naniniwala sa milagro
______5. Ang pahayag na, “ Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli” ay nangangahulugang ________.
A. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis. C. ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis.
B. lahat ay may pantay- pantay na karapatan ayon sa napag-usapan. D. mahalaga ang oras sa paggawa.
______6. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa
nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa? Kung ikaw ang isa sa mga huling dumating na isang
oras lamang gumawa, ano ang gagawin mo?
A. tatanggapin ang ibinigay na upa C. hindi pakikinggan ang reklamo ng ibang kasama
B. pababayaran lang ang nararapat na oras ng paggawa D. ibibigay ang sobrang upa sa nagrereklamo
______7.. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. Ano ang kahulugan ng salitang “bihagin”?
A. ikulong B. hulihin C. bitagin D. akitin
______8. Ang paratang sa kaniya ay isang kamalian. Ano ang kahulugan ng salitang paratang?
A. bintang B. akala C. maltrato D. palagay
______9. “Nahagip ng kaniyang espada ang tenga at ilong ng higante.” Ano ang kahulugan ng salitang nahagip?
A. nasagasaan B. nadaplisan C. natamaan D. nasugatan
______10. Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana kaya umiisip sila ng ibang paraan. Ang salitang nakumbinsi ay nangangahulugang ____.
A. napaniwala B. napasubaybay C. napasunod D. napapayag
______11. Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho. Ang ibig sabihin ng upa ay _____.
A. pautang B. utang C. bayarin D. kaukulang bayad sa paggawa
______12. Ang mga sumusunod ay katangian ng epiko maliban sa ________________.
A. Naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing tauhan
B. Inilalarawan ang pakikipagsapalarang pinagdaanan ng pangunahing tauhan
C. Inilalarawan ang taong namatay
D. Nagtataglay ng katangiang supernatural ang tauhan
______13. Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian.
A. Komparatibo B. palamang C. pasahol D. di-magkatulad
______14.May mahigit na katangian ang pinaghahambingansa bagay na inihahambing
A. Pahambing na komparatibo C. pahambing na pasahol
B. Pahambing na palamang D. pahambing na magkatulad
______15. Lalong maunlad ang Saudi Arabia sa India. Ang salitang lalo ay salitang naghahambing sa paraang:
A. Magkatulad B. komparatibo C. palamang D. pasahol
______16. Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalala ng batang banga ang pangaral ng kanyang ina. Anong aral
ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
A. Walang mabuting maidudulot ang pagsaway sa magulang
B. Habang may buhay, magpakasaya ka
C. Alam ng magulang kung anong makabubuti sa anak.
D. Umiwas sa kaway ng tukso sa paligid
______17. Ano ang mangyayari kung lagging sumusunod sa payo ng magulang?
A. Magiging sikat sa pamayanan C. mapabubuti ang buhay
B. Bibigyan ng medalya ng pagkilala D. hindi masasangkot sa anumang kapahamakan
______18. “Ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.” Ano ang nais ipahiwatig nito?
A. Huwag pakialaman ang buhay ng iba C. Huwag sasama sa hindi kauri
B. Huwag magtitiwala sa iba D. Iwasan ang pakikipagkaibigan
______19. Ang Talinghaga tungkol sa May-ari ng Ubasan ay nagmula sa Bagong Tipan ng Bibliya. Ito ay mula sa Ebanghelyo ni:
A. Mateo 20:1-16 B. Lucas 15:11 C. Juan 14:6 D. Mateo 21:1-15
______20. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” “tandaan mo ito sa buong buhay mo.” Ito ay hinango sa
parabola ng:
A. Parabula ng banga C. Parabula ng isang lapis
B. Talinghaga ng Butil ng Mustasa D. Alibughang anak
______21. Ito ay pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito.
A. Pagpapakahulugang semantika
B. Pagpapakahulugang gramatika
C. Pagpapakahulugang retorika
D. Pagpapakahulugang ponemiko
______22. “ Tandaan mo na ang pawis ko ang ipinambayad mo sa tuition fee mo.” Paano ginamit ang salitang pawis sa
pangungusap?
A. Literal B. retorika C.ponemiko D. metaporikal
______23. Ito ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni na nagpapakita ng masidhing damdamin
patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.
A. Pasalaysay B. Pangkalikasan C. elehiya D. dalit

______24. “Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na. Ang salitang masaklap ay nangangahulugang __________.
A. Hindi malilimutan B. Masama C. hindi maganda D. kawalang pag-asa
______25. Malungkot na lumisan ang tag-araw sa kaniyang buhay. Ang ibig sabihin ng lumisan ay ______________.
A. Lumayo B. lumikas C. humiwalay D. umalis
______26. Anong uri ng teksto ang akdang “Elehiya para sa kamatayan ni Kuya?”
A. Nagsasalaysay B. naglalarwan C. naglalahad D. nangangatuwiran
______27. Ang mga sumusunod ay katangian ng Elehiya maliban sa ______________.
A. Tula ng pananangis B. Tula ng luwalhati c. tula ng pag-alaala D. tula ng pagpaparangal
______28. Ito ay isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat.
A. Elehiya B. Oda C. Dalit D. Epiko
______29. “Matamis na Virgeng pinaghahandugan, cami nangangaco naman pong mag-aalay nang isang guirnalda bawat isang
araw” Ano ang guirnalda?
A. Parol B. tuhog ng bulaklak C. pagkain D. alak
______30. Sanlibong punglo ang naubos sa kaniyang pakikipagbakbakan. Ang ibig sabihin ng punglo ay _______________.
A. Bala B. pera C. itak D. baril
______31. Sino ang may-akda ng tulang “Kung Tuyo na ang Luha mo, Aking Bayan?”
A. Jose p. Rizal B. Pat V. Villafuerte C. Amado V. Hernandez D. Andres Bonifacio
______32. “Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng Singapore sapagkat sila ang sentro ng teknolohiya” Sa pangungusap, anong uri ng
paghahambing ang ginamit?
A. Komparatibo B. palamang C. pasahol D. di-magkatulad
______33. Nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtatangi, o pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap.
A. Paghahambing na di- magkatulad C. Paghahambing na magkatulad
B. Modernisasyon/ katamtaman D. paghahambing na komparatibo
______34. “nararapat lang na tayo’y magsaya at magdiwang, sapagkat patay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay, nawala, ngunit
muling natagpuan. Ito ay hango sa _________________.
A. Elehiya B. Dalit C. Pabula D. Parabula
______35. Ang mga mensahe ng parabola ay isinulat sa ____________ salita.
A. Paliteral B. patalinghaga C. panggramatikal D. pangretorikal

You might also like