Filipino 9 Summative - Test
Filipino 9 Summative - Test
Filipino 9 Summative - Test
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Laguna
Don Manuel Rivera Memorial National High School
Bulilan Sur, Pila, Laguna
PANGYUNIT NA PAGSUSULIT SA
FILIPINO 9
Pangalan:__________________________ Petsa:____________________
Baitang/Seksyon:____________________ Guro:_____________________
I. Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang kasagutan at isulat sa
sagutang papel.
1. Ibigay ang posibleng dahilan sa pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan na may mga anak na
tinatalikuran ang magulang.
a. Mahal nila ito kaya lang wala na silang sapat na oras.
b. Pilit silang umiwas sa responsabilidad o tungkulin.
c. Mayroon ng ahensiyang nangangalaga sa matanda.
d. Magastos at nakapapagod ang pag-aalaga ng magulang.
2. Tukuyin kung alin ang dapat mong gawin sa pangyayaring naiwan sa ‘yo ang responsabilidad na
alagaan ang iyong magulang.
a. Magpatulong ka sa iyong mga kapatid.
b. Tanggapin mo bilang pagtanaw ng utang na loob.
c. Alagaan pagkat sila’y minamahal mong magulang.
d. Dalhin sa Home for the Aged at doon ay paalagaan.
3. Sa pangyayaring pagbabali ng sanga ng kahoy na kanilang mararaanan, sinisimbolo nito ang
a. Palatandaan na dito sila dumaan.
b. Upang hindi si Adrian mawala sa kanyang pagbalik
c. Mahal ng ama ang anak kaya gumagawa siya ng palatandaan para hindi mawala sa daanan
pabalik.
d. Nais ng ama na makatulong kay Adrian.
4. Ang pagbabasa ng maikling kuwento ay nakatutulong sa mambabasa, maliban sa:
a. nagbibigay ito ng kabutihang-asal. b. nagpapahamak dahil hindi tama ang nilalaman nito.
c. nagsisilbing gabay sa buhay. d. napapalawak nito ang imahinasyon...
5. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito’y mauuri bilang
maikling kuwentong _________________.
a. kababalaghan b. katutubong-ulay
c. makabanghay d. pangtauhan
6. Ito ang tinaguriang utak, puso at kaluluwa ng maikling kuwento dahil ditto makikita ang ganda at
maayos na pagkasunod-sunod ng mga panyayari sa kuwento.
a. panimula b. gitna c. wakas d. banghay ng maikling kuwento
7. Nakakapaso sa balat ang sikat ng araw sa sobrang init. Batay sa pagkakagamit ng salitang may
salungguhit sa pangungusap tukuyin kung anong uri ng pagpapakahulugan ito.
a. denotatibo b. konotatibo c. personipikasyon d. simile
8. Biniyayaan ng kagalingan sa paghawak ng bola si Joaquin kaya siya ang kinilalang MVP ng liga.
Batay sa pagkakagamit ng salitang may salungguhit sa pangungusap tukuyin kung anong uri ng
pagpapakahulugan ito.
a. denotatibo b. konotatibo c. personipikasyon d.tayutay
9. Itunuring niyang kapatid si Nene ngunit isa pala itong ahas. Batay sa pagkakagamit ng salitang may
salungguhit sa pangungusap tukuyin kung anong uri ng pagpapakahulugan ito.
a. denotatibo b. konotatibo c. personipikasyon d. simile
10. Lubhang nakalilibang ang panonood ng sine kaysa sa pakikinig ng musika. Batay sa pangungusap
ano ang pinaghahambing?
a. panonood b. nakalilibang c. sine at musika d. sine
11. Ang mga koreanovelang Start Up at Fight For My Way ay ilan sa kinahuhumalingang panuorin ng
mga kabataan sa bansa. Batay sa pangungusap ano ang pinaghahambing?
a. Start Up at Fight for My Way b. bansa c. koreanovela d. kabataan
12. Di - hamak na mapagpursigi ang mga taong lumaki sa hirap kaysa sa lumaki sa yaman. Batay sa
pangungusap ano ang pinaghahambing?
a. mapagpursigi b. taong lumaki sa yaman at lumaki sa hirap c. yaman d. tao
13. Ito ay elemento ng maikling kuwento na siyang nagbibigay-buhay at kulay sa bawat pangyayaring
nakapaloob sa kuwento.
a. tagpuan b. tahanan c. tauhan d. tunggalian
14. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng matinding buhos ng emosyon ng tauhan.
a. kakalasan b. kalutasan c. kasamaan d. kasukdulan
15. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita o naglalarawan ng iba’t ibang lugar sa
kuwento. Pinupukaw nito ang imahenasyon ng mga mambabasa.
a. tahanan b. tagpuan c. tauhan d. tunggalian
16-19. Piliin ang tamang pang-ugnay upang mapagsunud-sunod ang mga pangyayari. Titik lamang
ang isusulat.
a. kaya b. dahil sa c. ngunit d. saka
16. ______ naiwan sa kanya ang pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na ring iniinda.
17. ______ nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili.
18. ______ nagpatuloy si Adrian na pasan-pasan ang ama habang patuloy ang pagtulo ng kanyang
luha.
19. Alam kong nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan,______ binabali ko ang mga sanga ng puno
para sa pagbalik mo ay hindi ka maligaw.”
20. Ang taong nanunuod ng programa ay panay reklamo. Ano ang ipinapahiwatig nito?
a. katotohanan b. kagandahan c. kalokohan d. kabutihan
21. Nanalo pa rin si May sa paligsahan gamit ang kasimplehan at tiwala sa sarili.
a. katotohanan b. kagandahan c. kalokohan d. kabutihan
22. Ang suporta, tiawala at pagmamahal ng pamilya ni May ang nakatlong upang manalo siya sa laro.
a. katotohanan b. kagandahan c. kalokohan d. kabutihan
23. Nagdadalawang isip si Ogie na lumapit sa ama upang humingi ng tulong.
a. Tao laban sa tadhana b. Tao laban sa kalikasan
c. Tao laban sa kapwa tao d. Tao laban sa sarili
24. Ibig kong magsaka na ang aanihin ikabuhay ko ma’y sa pawis ko galing. - Rogelio Sicat, Malaya
a. paghingi ng tulong sa ibang tao b. pagsisikap sa sariling paraan
c. gawing mag-isa ang isang gawain d. hindi paghingi ng tulong sa iba
25. Ito ay elemento ng telenobela na nagpapakita ng matinding buhos ng emosyon ng tauhan.
a. kakalasan b. kalungkutan c. kasamaan d. kasukdulan
26. Madalas na nagkakaroon ng paglalaban sa pagitan ng tao at ng kanyang kapwa nakalimitang
resulta ay gulo at patayan.
a. tao vs kalikasan b. tao vs lipunan c. tao vs. sarili d. tao vs tao
27. Ang sobrang init o lamig ng panahon ay dapat na labanan ng tao upang siya'y mabuhay nang
maayos makaiwas sa sakit.
a. tao vs kalikasan b. tao vs lipunan c. tao vs. sarili d. tao vs tao
28. Ito ay naglalaman ng sariling saloobin, kuro-kuro at paniniwala ng tao.
a. pang-ugnay b. katotohanan c. opinyon d. pangngalan
29. Napakasayang isipin na may isang bata na namang isinilang sa mundo.
a.nasisiyahan b. nagpapasalamat c. nalulungkot d. nagagalit
30. Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na pinababayaan ang mga anak.
a. natutuwa b. nagpapasalamat c. nalulungkot d. nagagalit
31. “Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili” Anong ang nais ipaabot ng may akda sa pahayag
na ito?
a. Ang pananaw na ang tao ay nabubuhay na walang pribilehiyo sa buhay
b. Ang pananaw na nakatakda ang lahat sa buhay ng tao
c. Sa buhay, may mga pagkakataon na kailangan mong tanggapin ang mga pangyayayri na babago
sa iyong buhay
d. Ang buhay ng tao ay sadyang mahirap
32. Ayon sa may-akda, ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay. Anong pananaw ang iyong
maiugnay sa kaisipang ito?
a. Ito ay naglalahad na malayo pa ang panahon ng kamatayan ng tao
b. Hintayin ng tao ang kanyang kamatayan
c. Mahaba pa ang paglakbay ng tao para sa kangyang pagyao.
d. Ang tao ay binibigyan ng sapat na panahon upang paghandaan ang kanyang paglisan
33. Ang ating bansa ay binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga katutubo na may katangi-tanging mga
kaugalian, paniniwala at mga batas. Ano ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng bawat tao sa kani-
kanilang mga pangkat?
a. kultura b. tradisyon c. nakasanayan d. gawain
34. Ano ang iyong mabubuong pananaw sa mensaheng nais ipaabot ng taludtod na nasa ibaba?
Bukas, ang kulturang itinudla ng nakaran
at inereregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan
a. Hindi maglalaho ang kultura
b. Maituturo ang kultura
c. Mapapanatili ang kultura at tuluyang gagamitin
d. Makakalimutan na ang kultura
35. Sa tingin mo, mahalaga ba ang tugma sa pagbuo ng tula?
a. Oo, mahalaga dahil kailangan ng mga salita sa tula
b. Oo, mahalaga dahil napalulutang nito ang ganda ng tula
c. Hindi dahil nagpapahirap ito sa kahulugan
d. Hindi dahil may mga salitang walang tugma
36. Alin sa mga elemento ng tula ang sadyang paglayo sa paggamit ng mga karaniwang salita upang
maging kaakit-akit ang tula?
a. tugma b. larawang-diwa c. sukat d. talinghaga
37. Ang pahayag na “May iilan pa ring tumututol sa ganitong pagpapakasal dahil hindi ito nakapaloob
sa bibliya" ay nagsasaad ng:
a. pagtutulad b. opinyon c. paglalarawan d. pagpapaliwanag
38. Anong uri ng pahayag ang isinasaad sa pahayag na "Talagang mahirap ang buhay ngayon sa
panahon ng pandemya.’’
a. opinyon b. katotohanan c. pasasalaysay d. pangangatwiran
39. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapahiwatig ng pangangatwiran?
a. Ang Same Sex Marriage ay isang uri ng pagpapakasal sa dalawang taong may parehong
kasarian.
b. Marami ang tumututol sa ganitong pagpapakasal.
c. Subalit marami ang nagsasabi na bigyan ng kalayaan at karapatan ang mga LGBT na maging
masaya.
d. Karapatang nilang maging masaya at lumigaya sa piling ng kanilang minamahal.
40. Ano sa palagay mo ang epekto ng mga maaaksyong pelikula sa mga kabataan?
a. nagiging inspirasyon sa kanilang pag-aaral
b. nagsusubok ang kanilang kuryusidad
c. naiimpluwensyahan ang paggawa ng desisyon
d. nagkakaroon ng maraming kaalaman
41. Anong uri ng pang-ugnay nabibilang ang salitang “para sa”?
a. pang-angkop b. pang-ugnay c. pangatnig d. pang-ukol
42. Anong uri ng pang-ugnay nabibilang ang “na” at “ng”?
a. pang-ukol b. pang-angkop c. pangatnig d. pamukod
43. Hindi mapakali si Biboy ― “Gabi na at wala pa ang mga ate ko. Sana walang nangyaring masama
sa kanila.” Anong damdamin ang pinapakita?
a. matampuhin b. nagagalit c. maalalahanin d. reklamador
44. “Nakakainis naman si Itay. Naglalaro pa nga ako eh, utos pa ng utos.” Anong damdamin ang
pinapakita?
a. maalalahanin b. reklamador c. nagagalit d. matampuhin
45. Sumusulat ng tula si Archie para sa kanyang pinakamamahal na ina bilang regalo para sa nalalapit
nitong kaarawan. Nasa anong aspekto ng pandiwa ang salitang may salungguhit?
a. perpektibo b. imperpektibo c. kontemplatibo d. katatapos
46. Malagong-malago ang mga pananim ni Mikaela dahil araw-araw niya itong ____.
a. dinidiligan b. didiligan c. diligan d. dilig
47. Sa pagpapahayag ng katotohanan, kailangang maging tumpak at ______ ang mga pahayag, salita
at gramatikang gagamitin sa pagpapahayag.
a.mali b. pananaw c. wasto d. malinaw
48. Ang mga salitang ito ay nagpapahayag ng ekspresyong katotohanan, maliban sa isa?
a. Totoo b. Talaga c. Tunay d. Ayoko
49. Ayon kay Santiago et. Al. (2000), ang kahirapan ng Pilipinas ay bunga ng katamaran ng mga
Pilipino. Aling salita ang nagpapahayag ng ekspresyon ng katotohanan?
a. Ayon kay b. Pilipinas c. Kahirapan d. Katamaran
50. Ano ang isang pahayag na may suportang datos, pag-aaral, pananaliksik at suportang
impormasyong napatunayang tama o mabisa para sa lahat?
a. Katotohanan b. Opinyon c. Oposisyon d. Damdamin