01

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Guro: Gng.

Sarah Langub-Tabugo
Grade 8-Venus-7:30-8:30
Grade 8-Saturn-1:30-2:30
Petsa: Agosto 15, 2018
Tema: Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin

Banghay sa Pagtuturo ng Filipino 8


I. Layunin ●natutukoy ang payak na salita mula sa salitang maylapi
●nabibigkas nang wasto at may damdamin ang tula.
II. A. Pamanatayang  Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikang
Pangnilalaman lumaganap sa panahon ng Amerikano, Komonwelt, at sa kasalukuyan
B. Pamantayang  Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sap ag-ibig sa
Pagganap tao, bayan o kalikasan
C. Kasanayan
 F8PS-IIa-24
Pampagkatuto
III. A. Paksa ● Tula: Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan
B. Kagamitan ● Batayang aklat sa Filipino 8
Baybayin 8
Ni: Remedios Infantado
pp.47-56
●Tula
IV. Pamamaraan
A. Motibasyon/ ● Itanong: Sino sa inyo ang marunong tumala, o nakaranas ng sumali sa paligsahan sa
Pagganyak tula?
 Ipabasa ang isang saknong ng tula na nasa ibaba.

Ang Buhay ng tao ay parang kandila


Habang umiikli nanatak ang luha
Buhat sa pagsilang, hanggang sa pagtanda
Ang luksang libingay, laging nakahanda
B. Aktibiti ● Pangkatin ang klase sa anim para sa sabayang pagbigkas pagkatapos ng talakayan
● Pagtukoy sa kahulugan ng mga mahihirap na salita
● Paggamit ng talasalitaan sa pangungusap
● Pagbasa ng tula
 Unang pagbasa- guro
 ikalawang Pagbasa-mga mag-aaral
 ikatlong pagbasa- estudyante
C. Analisis ●Tungkol saan ang tulang binasa?
●Anong dramatikong sitwasyon ang ipinahihiwatig nito?
●Suriin ang sumusunod na mga pantulong na kaisipan.
Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika, nagpapahiwatig ito na ___
Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan! ang taong tinutukoy
ay____
Iluha mo ang sambuntong kasawiang tagtalakop, Nagpapahiwatig ito na dapat
iyakan ang _____
D. Abstraksiyon ●Sa kabuoan ng tula, ano ang pinaiiral nitong damdamin?
●Ano ang inaasahan ng may-akda na maging tugon ng kanyang mga mambabasa?

E. Aplikasyon ●Sino ang tinutukoy na lumuha sa tual?


●Bakit kailangan lumuha ng bayan?
●Bilang mamamayang Pilipino, paano mo ipakikita ang iyong katapatan sa bansa?

●Sino ang may akda ng tula?


F. Ebalwasyon ●Ilan ang sukat ng tula?
●Magbigay ng limang salita na magkatugma na makikita sa tula.

●Magsaliksik tungkol sa anyo ng mga salita


G. Takdang Aralin

Remarks: _________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________
Guro: Gng. Sarah Langub-Tabugo
Grade 8-Venus-7:30-8:30
Grade 8-Saturn-1:30-2:30
Petsa: Pebrero 8, 2019
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 8

Aralin 2: Makapangyarihan ang Pag-ibig


Florante at Laura (Saknong 69–82)
 A. Panimula Magpakita ng mga larawan na may kinalaman sa pag-ibig.
Mga halimbawa: mga rosas na pula, isang masayang pamilya, mga batang nasa flag
ceremony, kinakasal, o isang batang tumutulong sa isang matanda
Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa mga larawang kanilang nakikita.
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang inyong nakikita?
2. Sa palagay ninyo, paano ipinakikita o ipinararamdam ang pag-ibig sa mga larawan?
3. Paano ninyo ipapakita o ipaparamdam ang pagibig sa inyong kapwa?
 B. Katawan
1. Kaalamang Pampanitikan
Pagbasa nang Tahimik: Ipabasa sa mga mag-aaral ang saknong 69–82 ng
Florante at Laura.
Bigyan ng pagkakataon ang mga magaaral na basahin ang mga saknong ng Florante
at Laura. Ang babasahing ito ay naibigay na ng guro bilang takdang-aralin kaya inaasahang
ang gagawing pagbasa ay paghahanda na para sa talakayan sa araw na ito.
2. Pagpapalawak ng Talasalitaan Bilugan ang salitang naiiba ang kahulugan sa grupo ng mga
salita. (Maaaring dagdagan o palitan ang mga salitang nakalista)
.
1. tikas bikas kaanyuan lakas
2. adarna pananggalang pantakip pandepensa
3. ginugunam-gunam isinasaulo Binubulay-bulay Nagninilay-nilay
4. panaghoy Pag-iyak pagsigaw paghagulgol
5. bathin tiisin lisanin kayanin
6. pagkapang-anyaya pagkalimot pagkapahamak pagkapariwara
7. mapanglaw masaya malungkot malumbay
8. makatatatap makababatid makaaalam makapagtatago
3. Pag-unawa sa Binasa
Sa panahon ng talakayan at palitan ng mga opinyon, mahalagang tiyakin na naiuugnay
ng mga mag-aaral ang kanilang binasa sa iba’t ibang anyo ng pagibig at nakapagbibigay sila
ng sariling pananaw tungkol sa mga ito.
Gamiting gabay ang sumusunod na mga tanong para dito.
Talakayan:
1. Sino ang dumating sa gubat?
2. Bakit siya malungkot? Ano ang problema niya?
3. Base sa mga sinasabi ni Aladin, ano kayang klaseng anak siya? Bakit mo nasabi?
4. Sa iyong palagay, tama ba ang sinasabi ni Aladin sa mga saknong 78–79?
5. Gagawin kaya niya ang kanyang iniisip? Bakit mo nasabi?
6. Sa iyong palagay, nangyayari pa rin ba sa kasalukuyan ang karanasan ni Aladin?
Magbigay ng mga halimbawa.
7. Ano-ano ang alam mong uri ng pag-ibig?
8. Paano mo ito maipag-iiba o maihahalintulad sa iba pang mga uri o anyo ng pag-ibig?
9. Sa iyong palagay, paano naipakikita ng tao ang pag-ibig?
10. Paano mo ipakikita ang pag-ibig sa
a. kapwa?
b. sa iyong pamilya?
c. sa iyong kaibigan?
d. sa kapaligiran?
e. sa bayan?
11. Sa iyong palagay, dapat bang ipaglaban ang pag-ibig? Ipaliwanag ang iyong sagot.
 C. Kongklusyon Pebrero 7, 2019
Magpabuo ng isang maikling dula-dulaan. Hatiin ang klase sa apat na grupo. Bawat
isang grupo ay may ilalaang gawain batay sa binasang akda.

Pangkat 1: Gagawa ng maikling dula-dulaan base sa binasang akda.


Pangkat 2: Gagawa ng background at props para sa dula at ihahanda ang mga damit ng
tauhan.
Pangkat 3: Isasadula ang iskrip na ginawa ng unang pangkat.
Pangkat 4: Tatalakayin ang problemang kinakaharap ng tauhan sa dula at magbibigay ng
payo.
Rubric sa Dula-Dulaan
Pamantayan 5 4 3 2 1
Nagpakita nang wasto ang damdamin ng tauhan sa pamamagitan
ng pagsasalita.
Naipakita nang wasto ang damdamin ng tauhan sa pamamagitan
ng pag-arte.
Angkop ang background at damit na ginamit sa dula
Mahusay ang talakayan at payo na binigay sa tauhang may
problema
5 – Napakahusay
4 – Mahusay
3 – Di gaanong mahusay
2 – Katamtaman
1 – Kailangan pang pagbutihin

Pagtataya
Ang pagtataya na ito ay tatawagin ding self-evaluation. Bubuuin ng mga mag-aaral
ang mga pangungusap na nakalista sa ibaba ayon sa kung paano niya ito nakikitang tama.
Tandaan na walang maling sagot sa pagtataya na ito dahil ang sagot ay depende sa mga
karanasan, paniniwala, at pagpapahalaga ng mag-aaral.

1. Ginagawa ko ang aking mga nakatakdang gawain sa bahay dahil ___________


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
2. Naniniwala akong ang pagmamahal sa bayan ay naipakikita sa pamamagitan ng
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Gustong-gusto kong gawin ang _____________________________________
dahil _____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
4. Pangarap kong _______________________________________sapagkat ____
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
5. Para sa akin, ang pag-aaral ay _______________________________________
sapagkat __________________________________________________________
__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 8
Guro: Gng. Sarah Langub-Tabugo
Grade 8-Venus-7:30-8:30
Grade 8-Saturn-1:30-2:30
Petsa: Pebrero 9, 2018

 Aralin 3: Ang Mapagkandiling Ama


Florante at Laura (Saknong 83–107)
Mga Layunin:
 Nauunawaan ang akda sa pamamagitan ng paguugnay nito sa personal na karanasan
 Nakabubuo ng mga palagay tungkol sa tauhan base sa binasang akda
 Naiuugnay ang mga pangyayari sa akda sa kasalukuyang panahon
A. Panimula
I. Aktibitis
Isulat ang sumusunod na mga salita sa pisara at tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang naiisip
nila kapag naririnig o nababasa ang mga salitang ito:
• Ama
• Daddy
• Papa
• Tatang
• Father
• Itay
• Dad
• Pappy
Tanungin din kung may alam pa silang ibang salitang ginagamit na tumutukoy sa ama.
1. Kaalamang Pampanitikan
Pagbasa nang Tahimik:
Babasahin ng mga mag-aaral ang saknong 83–107 ng Florante at Laura. Bigyan ng
pagkakataon ang mga magaaral na basahin ang mga saknong ng Florante at Laura. Ang
babasahing ito ay naibigay na bilang takdang-aralin kaya inaasahang ang gagawing pagbasa
ay paghahanda na para sa talakayan sa araw na ito.
2. Pagpapalawak ng Talasalitaan
Atasan ang mga mag-aaral na ipaliwanag sa sariling pagkakaunawa ang sumusunod
na mga matalinghagang parirala:
Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang sagot sa kuwaderno at makikipagpalitan sa
katabi para sa pagwawasto.
a. Walang ikalawa ka sa lupa
Sa anak na kandong sa pag-aaruga
b. Sa habag ay halos magputok ang dibdib
c. Sa sintang inagaw ang itinatangis
Dahilan ng aking luhang nagbabatis
d. At kung mangyaring hanggang sa malibing
Ang mga buto ko kita’y sisintahin
e. Ang layaw sa ama’y dusa’t pawing luha
Hindi nakalasap kahit munting tuwa
B. Abstraksiyon
I. Katawan
3. Pag-unawa sa Binasa
Pipili ng kaparehas ang bawat mag-aaral at bubuuin nila ang bookmark
organizer sang-ayon sa akdang kanilang binasa.
Pumili ng mga magkapares na siyang magbabahagi ng kanilang isinulat.
Ipaalala na mahalagang ipaliwanag ng mga nagre-report ang kanilang isinulat upang
maunawaan itong mabuti ng mga kaeskuwela.
Maaari ding magtanong ang mga kaeskuwela o magbigay ng sarili nilang
opinyon batay sa kanilang isinulat o sa napakinggang report.
Mga Gabay na Tanong para sa Bookmark Organizer:
a. Isulat ang pamagat at sumulat ng akdang binasa.
b. Pangalan ng pangunahing tauhan.
c. Ilarawan ang tagpuan ng akda.
d. Ano ang iyong nagustuhan sa akda?
e. Ano ang hindi mo nagustuhan sa akda?
f. Alin ang pinakamadamdaming tagpo sa akda?
g. Ano ang kaisipang nakuha mo sa binasang akda?
Bookmark Organizer
a.
b.
c.
d.
e.
f.
g.
4. Pagpapalalim
Hatiin sa limang grupo ang buong klase at atasan silang magsagawa ng sarbey sa 10 mga
kakilala o kaibigan tungkol sa kanilang ama.

Mga Tanong:
a. Ano ang tawag mo sa iyong ama?
b. Ilarawan mo ang itsura ng iyong ama.
c. Ano ang pinakagusto mong katangian ng iyong ama?
d. Ano ang pangarap ng iyong ama para sa iyo? Ire-report ng bawat grupo sa klase
ang mga impormasyong nakuha nila sa sarbey.

C. Kongklusyon
Malikhaing Pagbasa ng Tula
1. Pangkatin sa tatlo ang mga mag-aaral at ipabasa ang tula sa pamamagitan ng sabayang
pagbigkas.
2. Maglaan ng sapat na oras upang makapagsanay ang mga mag-aaral para sa sabayang
pagbigkas.
Rubric para sa Sabayang Pagbigkas
Pamantayan 5 4 3 2 1
Paggamit ng iba’t ibang tinig na angkop sa damdamin ng
tauhan
Lakas ng boses
Pagbaba at pagtaas ng boses (tono)
Pagkakasabay-sabay ng pagbasa
Kabuuang Pagpupuntos

5 – Napakahusay
4 – Mahusay
3 – Di gaanong mahusay
2 – Katamtaman
1 – Kailangan pang pagbutihin

You might also like