Filipino Orv Tool Grade 12

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

GRADE 12 ORAL READING VERIFICATION TEST (ORVT) ASIGNATURANG FILIPINO ANTAS

SEKONDARYA

Muling Maging Dakila


ni Ferdinand Marcos

Sa araw na ito, animpu’t siyam na taon na ang nakalipas, namatay ang isang batang
bayani at propeta ng ating lipi sa kanyang minamahal na lupain. Isang bala ng diktador ang
pumaslang sa kanya, at mula sa pagdaloy ng dugo ng martir ay tumubo ang isang bagong
bansa.
Ang bansang iyon ang naging unang makabagong republika sa Asya at Africa. Ito ang
ating bansa. Ipinagmamalaki nating matatag ang ating bayan sa isang rehiyong matatag;
kung saan balota, at hindi bala, ang humuhusga sa kapalaran at mga Partido.
Kung kaya, pinararangalan natin sa ating kasaysayan ang Kawit at Malolos bilang mga
halimbawa ng pambansang kadakilaan. Bakit pambansang kadakilaan? Sapagkat itinayo ng
ating mga ninuno ang matibay na haligi ng unang republika sa Asya na taglay lamang ang
tapang, talino, at kabayanihan.
Ngayon, ang hamon ay hindi na gaanong mapapansin, ngunit ito’y mahalaga pa rin.
Kailangang ulitin natin ang mga ginawa ng ating mga ninuno sa isang mas karaniwang
panahon, malayo sa madugo at dakilang pakikipagsapalaran sa pamamagitan ng
pagpapabilis ng pagbabago ng ating lipunan at kalakalan. Sapagkat ngayon, tila nalimutan na
ng Pilipino ang kanyang diwa, dangal, at tapang.
Maaari pang muling maging dakila ang bayang ito. Paulit-ulit kong binabanggit ito.
Ito ang aking pinaniniwalaan, at ninanais ng Poong Maykapal na tayo’y magtulungan upang
isakatuparan ang ating panalangin. Maraming beses ko nang sinabi ito: sinusulat ng bawat
salinlahi ang sariling kasaysayan. Naisulat na ng ating mga ninuno ang kanila. Tangan ang
lakas ng loob at kahusayan, kailangang isulat natin ang atin.
Pangarap natin ito. Sa pagpili sa akin, inaako ninyo ito. Samahan ninyo ako sa
pagkamit ng pangarap ng kadakilaan.
MGA TANONG:
1. Anong uring talumpati ang nangingibabaw sa teksto?
A.Talumpating Panghikayat
B.Talumpating Pampasigla
C.Talumpating Panlibang
D.Talumpati ng Papuri

2. Anong katangian ang nangingibabaw sa may-akda ng teksto?


Matapang
B.Masipag
C.Mapagmalasakit
D.Malalahanin

3. Ano ang mensahing nais iparating sa mambabasa?


A.Pagmamahal sa bayan bilang isang Pilipino
B.Pagmamalasakit sa kapwa Pilipino
C.Paglilingkod sa bayan ng walang kapalit
D.Pagkaka-isa bilang isang Pilipino

4. Sa ikalawang talata, anong katangian ng isang Pilipino ang nangingibabaw rito?


A. Matapang
B. Masipag
C. Mayabang
D. Makabayan

5. Sa ikalimang talata, ano ang hamon ng manunulat sa mga mambabasa?


A. Magkaisa ang bawat Pilipino para sa pagbabago ng bayang Pilipinas
B. Magdalamhati sa lahat ng naranasan ng mga ninuno noong unang panahon
C. Magbalik-looob sa Diyos upang maisakatuparan ang pagbabago
D. Magtulungan ang bawat isa upang maisakatuparan ang ating panalangin na pagbabago

6. Bakit mahalagang balikan ang kadakilaan ng ating mga ninuno?


A. Dahil sa ating ninuno nagmula ang kabayanihan ng ating bayan
B. Dahil ang mga ninuno natin ang nagbuwis ng buhay upang maging malaya tayo
C. Dahil sa kadakilaan ng ating mga ninuno ay tumubo ang isang bagong bansa
D. Dahil ang mga ninuno ang unang bayani ng bayan na lumupig sa mga mapangnakop na dayuhan

7. Kung ikaw ay isang makabagong bayani, paano mo maipapakita ang iyong kadakilaan?
A. Maipapakita ko sa paggawa ng mga kabutihan para sa bayan
B. Maipapakita ko sa pagsulat ng isang madamdaming talumpati para sa bayan
C. Maipapakita ko sa pamamagitan ng pagmamalasakit at ipagmamalaki ang mga kadakilaan ng mga
ninuno
D. Maipapakita ko sa pamamagitan ng pagiging matapat at responsableng mamamayan para sa
bansang Pilipinas

8. Kung ikaw isang SK chairman ng inyong barangay, paano mo ipapakita kadakilaan sa bayan?
A. Bilang SK chairman, masasagawa ako ng isang symposium na nagpapakita ng impormasyon
tungkol sa
kadakilaan
B. Bilang SK chairman, maglalahad ako ng mga programang magsusuporta sa pagpapaunlad ng bayan
C. Bilang SK chairman,sasali ako ng mga programa sa gobyerno na nagpapalaganap ng pagpapatupad
ng katapatan sa bayan
D. Bilang SK chairman,maging modelo sa pagiging matapat at mapagmalasakit sa paglaganap ng
kadakilaan ng ating bayan

GRADE 12 ANSWER KEY (ORVT sa FILIPINO)

MGA SAGOT:
1.A
2.C
3.D
4.D
5.D
6.C
7.D
8. D

You might also like