LP Ap Week 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V

DATE:_________________________

I. LAYUNIN:
Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo gamit ang mapa batay sa absolute location (longhitud)
II. NILALAMAN:
A. Paksa: Kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo batay sa absolute location (longhitud)
B. Sanggunian: Kapaligirang Pilipinas 4 pp. 15, 21, 22
C.G.K12 AP4G5Q1 1.1.1. p. 1
C. Kagamitan : Mapa / Globo
D. Pagpapahalaga: Naipagmamalaki ang katangi-tanging kinalalagyan / kinaroroonan ng Pilipinas.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan – (Tungkol sa mahalagang pangyayari sa bansa.)
2. Balik – Aral
Itanong: 1. Kung nais nating makita ang kinaroroonan o kinalalagyan ng isang bansa /
lugar sa mundo, ano ang maari nating tignan o gamitin. (mapa / globo)
2.Ano ang kaibahan ng mapa sa globo?
Mapa – patag na paglalarawan ng mundo.
Globo – pabilog na paglalarawan ng mundo.
3. Pagganyak
1. Pagpapakita ng aktuwal na bilog na bagay na kahilintulad ng globo.
2. Pagpapakita ng globo / mapa.
Itanong: 1. Ano ang inyong nakikita?
2.Ano-ano ang nakikita ninyo sa loob ng globo / mapa?
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1
(maaring gumamit ng power point presentation)
a. Gumhit ng bilog sa pisara may patayong guhit sa painakagitna nito at sabihin na ito ang prime
meridian o guhit longhitud
b. Ipahanap ang prime meridian sa globo at ipalarawan ito.
c. Itanong: Saan matatagpuan ang Prime Meridian? Sa anong digri ang kinalalagyan nito? Sa ilang
bahagi hinahati ng prime meridian ang mundo? Ano ang tawag sa bawat bahagi?
1.1. Gawain 2 (Pangkatang Gawain)
I – Ipaguhit ang globo at ipakita ang International Date Line(IDL)
II – Ipaguhit ang globo at ipakita ang Prime Meridian at isulat kung saang digri ito
makikita.
III – Ipaguhit ang globo at ipakita ang silangang hating globo at kanlurang hating
globo.
IV – Ipaguhit ang globo at ipakita ang digri na kinalalagyan ng Pilipinas sa guhit
longhitud.

2. Pagsusuri / Analysis

Gumuhit ng bilog, ipasulat sa mga bata ang kinalalagyan ng mga sumusunod.

a. Polong Hilaga
b. Polong Timog
c. Prime Meridian
d. International Date Line
e. Silangang hating globo
f. Kanlurang hating globo
g. Iguhit sa loob ng globo ang digri longhitud na kinaroroonan ng Pilipinas

3. Pahalaw / Abstraction
Ano-ano ang mga espesyal na guhit longhitud at saang digri longhitud makikita ang Pilipinas.
4. Aplikasyon / Application
A. Punan ang tsart ng tamang sagot.

Guhit Longhitud Lokasyon Kahalagahan


Patayo o Meridian
International Date Line

B. Iguhit sa loob ng globo ang kinalalagyan ng Pilipinas.


IV. Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat pangungusap. Punan ang patlang ng
tamang sagot.
1. Ito ang naghahati sa silangang hating globo at kanlurang hating globo. _______________
2. Tawag sa pinakamataas na polong bahagi ng mundo. __________________
3. Ito ang replica ng mundo. _______________________
4. Ito ang guhit patayo na katapat ng prime meridian. ____________________
5. Saang digri longhitud makikita ang kinalalagyan ng Pilipinas. __________________
V. Kasunduan
1. Magsaliksik tungkol sa espesyal na guhit latitude.
2. Magdala ng mapa / globo
Banghay Aralin sa ARALING PANLIPUNAN V

DATE:_________________________

I. LAYUNIN:
Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo gamit ang mapa batay sa absolute location (longhitud)
II. NILALAMAN:
A. Paksa: Kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo batay sa absolute location (longhitud)
B. Sanggunian: Kapaligirang Pilipinas 4 pp. 15, 21, 22
C.G.K12 AP4G5Q1 1.1.1. p. 1
C. Kagamitan : Mapa / Globo
D. Pagpapahalaga: Naipagmamalaki ang katangi-tanging kinalalagyan / kinaroroonan ng Pilipinas.
E. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan – (Tungkol sa mahalagang pangyayari sa bansa.)
2. Balik – Aral
Itanong: 1. Kung nais nating makita ang kinaroroonan o kinalalagyan ng isang bansa /
lugar sa mundo, ano ang maari nating tignan o gamitin. (mapa / globo)
2.Ano ang kaibahan ng mapa sa globo?
Mapa – patag na paglalarawan ng mundo.
Globo – pabilog na paglalarawan ng mundo.
3. Pagganyak
3. Pagpapakita ng aktuwal na bilog na bagay na kahilintulad ng globo.
4. Pagpapakita ng globo / mapa.
Itanong: 1. Ano ang inyong nakikita?
2.Ano-ano ang nakikita ninyo sa loob ng globo / mapa?
C. Panlinang na Gawain
5. Gawain 1
(maaring gumamit ng power point presentation)

d. Gumhit ng bilog sa pisara may patayong guhit sa painakagitna nito at sabihin na ito ang prime
meridian o guhit longhitud
e. Ipahanap ang prime meridian sa globo at ipalarawan ito.
f. Itanong: Saan matatagpuan ang Prime Meridian? Sa anong digri ang kinalalagyan nito? Sa ilang
bahagi hinahati ng prime meridian ang mundo? Ano ang tawag sa bawat bahagi?
g. Ipakita sa bata ang kinaroroonan ng International Date Line (IDL), sabihin na ito ay katapat ng
prime meridian sa kabila ng panig ng mundo at dumadaan ito sa Karagatang Pasipiko.
5.1. Gawain 2 (Pangkatang Gawain)

I – Ipaguhit ang globo at ipakita ang International Date Line(IDL)


II – Ipaguhit ang globo at ipakita ang Prime Meridian at isulat kung saang digri ito
makikita.
III – Ipaguhit ang globo at ipakita ang silangang hating globo at kanlurang hating
globo.
IV – Ipaguhit ang globo at ipakita ang digri na kinalalagyan ng Pilipinas sa guhit
longhitud.

6. Pagsusuri / Analysis
Gumuhit ng bilog, ipasulat sa mga bata ang kinalalagyan ng mga sumusunod.
a. Polong Hilaga
b. Polong Timog
c. Prime Meridian
d. International Date Line
e. Silangang hating globo
f. Kanlurang hating globo
g. Iguhit sa loob ng globo ang digri longhitud na kinaroroonan ng Pilipinas
7. Pahalaw / Abstraction
Ano-ano ang mga espesyal na guhit longhitud at saang digri longhitud makikita ang Pilipinas.
8. Aplikasyon / Application

C. Punan ang tsart ng tamang sagot.

Guhit Longhitud Lokasyon Kahalagahan


Patayo o Meridian
International Date Line

D. Iguhit sa loob ng globo ang kinalalagyan ng Pilipinas.

4. Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat pangungusap. Punan ang patlang ng
tamang sagot.
1. Ito ang naghahati sa silangang hating globo at kanlurang hating globo. _______________
2. Tawag sa pinakamataas na polong bahagi ng mundo. __________________
3. Ito ang replica ng mundo. _______________________
5. Kasunduan
Magsaliksik tungkol sa espesyal na guhit latitude.
Magdala ng mapa / globo
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan V

DATE:_________________________
I. LAYUNIN:
Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa karatig bansa na nakapaligid dito gamit
ang pangunahing direksyon
II. NILALAMAN:
A. Paksa: Pagtukoy sa relatibong lokasyon ng bansa batay sa karatig bansa gamit ang
pangunahing direksyon.
B. Sanggunian: Kapaligiran Pilipino 4 pp. 18-20
Araling Panlipunan 4 (K-12) p.9
CG K12 AP4G5Q1A1.1.3 p. 2
C. Kagamitan: World Map / Asia Map
D. Pagpapahalaga: Nabibigyan pansin at napapahalagahan ang mga karatig bansa ng
Pilipinas
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan: (Maaring balita mula sa karatig bansa ng Pilipinas)
2. Balik – Aral (paper & pen)
a. Pagsasanay
Panuto: Tukuyin kung anong guhit latitud ang isinasaad ng bawat pangungusap.
Pumili ng sagot sa loob ng kahon.

Ekwador Kabilugang Artiko Kabilugang Antartiko

Tropiko ng Kanser Tropiko ng Kaprikornyo


__________1. Ito ay may 00 na humahati sa hilaga at timog bahagi ng globo.
__________2. Espesyal na guhit latitude na may 23 ½ 0 mula sa ekwador
patimog.
__________3. Ito ay espesyal na guhit mula ekwador patungong hilaga na may
66 ½ 0.
__________4. Espesyal na guhit latitude na may 66 ½ 0 patimog.
__________5. Ang degree sentegrado ng Tropiko ng Kanser.

3. Pagganyak (YouTube The Cardinal Direction Geography Song)

Ipakita ang larawan ng mapa ng Pilipinas na may Compress Rose.


Itanong: 1. Ano ang tawag sa bagay na nasa tabi ng mapa ng Pilipinas na kumakatawan sa apat na
pangunahing direksyon. (compaas rose)
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1
ASIAN MAP ANALYSIS
Magpakita ng Asian Map, itanong sa mga bata kung anong bansa ang nasa Hilaga, Timog, Silangan
at Kanlurang bahagi ng Pilipinas.5
1.1 Gawain 2
Pangkatang Gawain
Gamit ang World Map. Alamin kung ano ang nakapaligid na anyong lupa at anyong tubig sa
Pilipinas kung pangunahing direksyon ang pagbabatayan.
Anyong Lupa Anyong Tubig
1. Hilaga
2. Silangan
2. Pagsusuri / Analysis
Anong bansa ang nakapaligid sa Pilipinas sa dakong Hilaga _________________ Silangan
__________________ Timog _____________at Kanluran ______________.
3. Paghalaw / Abstraction
Ano ang apat na pangunahing direksyon?
Ano ang ibig sabihin ng relatibong lokasyon?
4. Aplikasyon / Application (Optional – Two Think Pares)
A. Punan ang patlang na bumubuo sa pangungusap.
Ang mga pangunahing direksyon ay ang 1. _____________________________, 2.
____________________3. ___________________ 4. ___________________
B. Gamit ang World Map tukuyin ang eksaktong lokasyon sa mapa ng mga sumusunod na karatig
bansa ng Pilipinas. Gawin gabay ang pangunahing direksyon.
1. Taipei ________________________
2. Indonesia ________________________
3. Cambodia ________________________
IV. PAGTATAYA
A. Panuto: Isulat sa patlang ang H kung gawaing hilaga, S kung sa Silangan, T kung sa Timog at K kung sa
Kanluran ng Pilipinas makikita ang mga karatig bansa ng Pilipinas. Gawin ito sa sagutang papel.
_______ 1. Dagat Celebes
_______ 2. Vietnam
V. KASUNDUAN

1. Iguhit ang inyong silid tulugan. Iguhit ang mga bagay na makikita a gawing Hilaga, Timog, Silangan at
Kanluran.
2. Maghanap / Magbasa ng balita tungkol sa mga pangyayari sa karatig bansa ng Pilipinas.
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan V

DATE:_________________________
I. LAYUNIN:
Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa karatig bansa na nakapaligid
dito gamit ang pangalawang direksyon
II. NILALAMAN:
A. Paksa: Pagtukoy sa relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa karatig bansa gamit ang
pangalawang direksyon.
B. Sanggunian: Kapaligirang Pilipino 4 p. 12-20
Araling Panlipunan 4 (K-12) pp. 10-14
CGK12APG5Q1A1.1.4 p.2
C. Kagamitan: Mapa ng Asya / World Map
D. Pagpapahalaga: Nabibigyang pansin at napahahalagahan ang mga karatig bansa ng
Pilipinas.
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan – Mga pangyayari sa karatig bansa ng Pilipinas.
2. Balik-Aral
A. Pagsasanay
Panuto: Hanapin sa puzzle ang mga pangunahing direksyon at ilang salita na may kinalaman sa
pagtukoy ng direksyon.
K O M P L E S S
A N T A A N I S
N U I B G L A A
L E M I A N P P
U B O N L G L M
R L G K I I U O
A A D R H S H C
N A B O K T A L
B. Pagganyak (YouTube how to use a compass – Video)
Ipakitang muli ang larawan ng Compass Rose na ginagamit sa pagtukoy ng direksyon.
Itanong: Ano ang gamit ng compass? Kailan ito ginagamit o saan ito kadalasang
ginagamit? Sino ang madalas na gumagamit nito?
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1
ASIAN MAP ANALYSIS
Magpakita ng Asian Map, itanong sa mga bata kung anong bansa nag nasa Hilaga Silangan,
Hilagang Kanluran, Timog Silangan at Timog Kanluran bahagi ng Pilipinas.
1.1. Gawain 2 (Pangkatang Gawain)
Gamit ang Mapa ng Asya o World Map. Ipahanap sa bawat grupo kung
ano ang mga karatig na Anyong Lupa at Anyong Tubig ng Pilipinas gamit ang
pangalawang direksyon

Karatig Bansa Karagatan / Dagat

a. Hilagang Silangan
b. Hilagang Kanluran
c. Timog Silangan
d. Timog Kanluran

2. Pagsusuri / Analysis
Itanong: 1. Ano-ano ang apat na pangalawang direksyon?
Gamit ang inyong mapa, saang bahagi ng Asya matatagpuan ang
Pilipinas?

Sagot: 1. Makikita ang Pilipinas sa Hilagang Globo sa Asya sa gawaing silangan ng


Prime Meridian

Itanong: 2. Ano ang tiyak na kinalalagyan nito?

Sagot: 2.Ang tiyak na kinalalagyan nito ay sa pagitan ng 40 hanggang 210 Hilagang


latitud at 1160 hanggang 1270 silangang longhitud.

3. Paghahalaw / Abstraction
Itanong: 1. Ano – ano ang apat na pangalawang direksyon?
2.Paano nabubuo ang pangalawang direksyon?
3. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?
4. Ano ang tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas sa mapa o globo
4. Aplikasyon / Application
A. Gamit ang inyong mapa, tukuyin kung ang mga sumsunod na anyong lupa at anyong tubig na
karatig ng Pilipinas ay matatagpuan sa HS Hilagang Silangan, HK Hilagang kanluran, TS Timog
Silangan at TK Timog Kanluran. Isulat sa inyong sagutang papel.
_____ 1. Pacific Ocean
_____ 2. Dagat Timog China
B. Ipakopya ang Tandaan Mo p.13 Araling Panlipunan 4 (K-12)
C.
IV. Pagtataya: (Essay) 5 pts.

Bakit mahalagang mabigyang pansin at pahalagahan ang mga karatig bansa ng Pilipinas?

Tignan ang krokis sa ibaba. Ibigay ang pangalawang direksyon sa pagitan ng pangunahing direksyon at ibigay ang
mga karatig bansa na makikita dito gamit ang mapa.

KH (Bansa) HS (Bansa)

TK (Bansa) TS (Bansa)

V. Kasunduan:

1. Tukuying ang eksaktong lokasyon sa mapa ng mga sumusunod na bansa na nakatala sa ibaba. Gawaing gabay
ang mga uri ng direksyon.

_______________ 1. Pilipinas ______________ 6. Egypt


_______________ 2. Greece ______________ 7. Iraq
_______________ 3. Argentina ______________ 8. Malaysia
_______________ 4. Japan ______________ 9. Spain
_______________ 5. Australia ______________ 10. Peru

Source: Pundasyon ng lahing Pilipino (Workbook sa HEKASI)


Conchita F. Leong – may akda
Magbasa tungkol sa Klima ng Pilipinas
Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan V
DATE:_________________________
I. Layunin
2.1.1 Natutukoy ang mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa tulad ng temperatura
II. Nilalaman
A. Paksa:
Mga Salik na may Kinalaman sa Klima ng Bansa tulad ng Temperatura
B. Sanggunian
K-12 APG 5 A.3.2.1.1
Pilipinas, Heograpiya at Kasaysayan IV pp.33-36
C. Kagamitan:
Learners’ Material 4 pp. 27-30, MISOSA IV Ang Klima ng Pilipinas, globo, lente,
mga larawan, video clip (weather forecast, activity card

D. Pagpapahalaga:
Napapahalagahan ang temperatura ng bansa

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magpakita ng video clip tungkol sa lagay ng panahon o magbalitaan ang
mga bata tungkol sa lagay ng panahon sa araw na ito.
2. Balik-aral
Pagtapat-tapatin. Hanapin ang titik ng wastong sagot sa Hanay B na
hinihingi ng impormasyon sa Hanay A

Hanay A Hanay B
______1. 0º latitud a. mataas na latitud
______2. Klimang tropical b. gitnang latitude
______3. Klimang polar c. Tropiko ng Kanser
______4. Klimang temperate d. mababang latitude
______5. 23½ latitude e. Tropiko ng Kaprikornyo
f. ekwador
3. Pagganyak
Magpakita ng dalawang larawan

a. Ano ang masasabi mo sa unang larawan? Ikalawang larawan?


b. Pansinin ang kanilang kasuotan. Ano ang suot nila?
c. May kinalaman din kaya ang ganitong kapaligiran sa klima nito?
B. Paglinang ng Aralin
1. Gawain
Hatiin sa apat na pangkat ang klase. Bigyan ng Activity Card
Pangkat 1- Panel Discussion
Pag-usapan ang klima ng bansa tulad ng temperatur
Pangkat II- Paggamit ng globo at lente
Gamitin ang lente bilang representasyon ng araw. Paikutin ang globo at sagutin ang mga
tanong na ito.
a. Sa anong posisyon ng mundo nakaharap sa araw ang mga rehiyong nasa pagitan
ng Kabilugang Arktiko at Hilagang Polo? Sa anong posisyon malayo sa araw
ang rehiyong ito?
Ano ang temperature sa mga bansang ito?
b. Kapag nakaharap sa araw ang hilagang rehiyong polo, ano naman ang posisyon
ng Timog rehiyong polo? Ano ang temperature sa mga bansang ito?
c. Sa anong posisyon ng mundo nakaharap sa araw ang hilagang hating-globo?
Ang timog hating globo? Isulat ang mga bansa rito.

Pangkat III Awit/ Rap


Gumawa ng isang awit o rap na may kaugnayan sa klima at temperature
Pangkat IV – Dula-dulaan
Magpakita ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng temperature sa ating bansa.

2. Pagsusuri
a. ano ang kahulugan ng temperature?
b. Bakit kailangang alamin ang temperature ng isang bansa?
c. Ano ang epekto ng “Climate Change” sa temperature ng bansa kung tag-ini
t o tag-araw?

3. Paghahalaw
Ano ang temperature?
Ang temperature ay tumutukoy sa nararanasang init o lamig sa isang lugar.
May Katamtamang klima ang Pilipinas sapagkat nararanasan sa bansa ang hindi
gaanong init at lamig.
4. Aplikasyon
Saan matatagpuan ang inyong tirahan, sa mataas o mababang lugar ?
Ano ang klima rito?
Ilarawan ang klima sa inyong pook.

IV. Pagtataya
Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang letra ng sagot.
1. Alin ang tamang paglalarawan sa klima ng bansa?
A. Napakainit sa Pilipinas.C. Malamig at mainit sa Pilipinas.
B. Napakalamig sa Pilipinas. D. Hindi gaanong mainit at malamig sa
Pilipinas.

2. Saang lungsod nakapagtala ng pinakamataas na temperature?

A. Lungsod ng Tuguegarao C. Lungsod ng Baguio


B. Lungsod ng Tagaytay D. Metro Manila

3. Saang lalawigan nakapagtala ng pinakamababang temperature?


A. Baguio C. Bukidnon
B. Tagaytay D. Atok, Benguet

4. Saan nagmumula ang hanging nagpapaganda sa klima ng bansa?\


A. Dagat Kanlurang Pilipinas C. Dagat Celebes
B. Karagatang Pasipiko D. Dagat Luzon

5. Aling pangungusao ang maling paglalarawan tungkol sa temperature ng isang lugar?


A. Kainaman ang temperature sa Pilipinas.
B. Hindi magkakatulad ang tindi ng init at lamig sa Pilipinas.
C. Malamig ang klima sa mga lugar na mataas ang kinaroroonan,
D. May Kinalaman ang kinaroroonang latitude ng mga lugar sa temperature.

V. Takdang Aralin
Gumawa ng isang linggong talaan ng temperature sa inyong lugar tuwing 12:00
ng tanghali. Itala sa tsart gamit ang tsart tulad ng nasa ibaba.
Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado Linggo

You might also like