LP in Ap 5 Co1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN V

I. Layunin:
Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas batay sa teoryang
Austronesyano, Mitolohiya at Relihiyon.
2. Nailalarawan ang Pinagmulan ng tao sa Pilipinas batay Teorya, Mitolohiya at Relihiyon.
3. Naipaliliwanag kahulugan ng Teorya, Mitolohiya at Relihiyon na pinaniniwalang
pinagmulan ng lahing Pilipino.

II. Nilalaman:
Paksa: Pinagmulan ng unang pangakt tao batay sa Teorya, Mitolohiya at Relihiyon
Integrasyon:
ESP- Paggalang sa opinion at paniniwala.
Estratehiya: - Brainstorming, Think & Share
Kagamitan: - Video clips
Manila paper, pentil pen
Masking tapes
Sanggunian: 1. Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 3: Ang Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao
Unang Edisyon, 2020

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain

1. Balitaan – (Tungkol sa mahalagang pangyayari sa bansa.)


2. Balik-Aral
Panuto: Itaas ang Masayang Mukha kung ang pangungusap ay TAMA at itaas
naman ang malungkot na mukha kung ang pangungusap ay MALI.

1. Pwersahang pinapagawa ang mga Pilipino sa patakaran ng Polo y servicio o sapilitang


paggawa. TAMA
2. Magagaang mga trabaho ang pinapagawa ng mga Espanyol sa mga Pilipino? MALI
3. 16 hanngang 60 taong gulang and edad ng mga kalalakihan na nagtratrabaho sa ilalim
ng sapilitang paggawa. TAMA
4. Polista ang tawag sa mga manggagawa TAMA
5. Isa ang Polo Y servicio sa dahilan kung bakit nag-alsa ang mga Pilipino laban sa mga
Espanyol. TAMA
3. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng ibat ibang uri/lahi ng tao.

Ano ang nakikita Ninyo sa mga larawan?


Bakit kaya iba-iba ang itsura at katangian ng bawat tao sa Pilipinas?
Mahalaga ang ating pag-aaral dahil malalaman natin kung saan daw nagmula ang lahing Pilipino
batay sa Teorya Relihiyon at Mitolohiya.

B. Panlinang na Gawain
A. Gawain/activity

Buuin ang mga sumusunod na letra upang makabuo ng salita.

1. AYOTER
2. YIHAOLETOM
3. IHILERONY

B. Pagsusuri / Analysis

Saan ng ba tayo nagmula?


May tatlong bagay na pinaniniwalan kung saan nagmula nag lahing Pilipino.
Una, Teoryang Austronesyano. Pangalawa, Mitolohiya. Pangatlo, Relihiyon.

Una ayon Teoryang Austronesyano ay pinaninigwalang ang lahing Pilipino ay nagmula sa timog
tsina at nag lakbay patungong Pilipinas.

Ayon naman sa Mitolohiya ang lahing Pilipino ay nag mula kina Malaks at Maganda,
Samantalang ang sa Relihiyon naman ay sinasabing ang lahing Pilipino ay nagmula kina Adan at
Eba.

C. . Pahalaw/ Abstraction
Magpakita ng mga Video clip upang mas maintindihan ang pinagmulan ng lahing Pilipino batay
sa teoryang austronesyano, mitolohiya at relihiyon.

1. Teoryang Austronesyano – isa sa teryang nabuo ng mga arkeologo ay ang Teorya ng


Austronesyano na sinasabing nagmula sa Timog China. Ayon sap ag-aaral, maaaring
dumating sila sa bansa at nanatili sila dito hanggang sa kumalat na sila sa buong
kapuluan. Sila ay nakasakay gamit ang isanag blanagy upang makarating dito.

Ayon kay Peter Bellwood, Isang arkeologong Australian, ang mga Austrenesian ang mga
ninonu ng mga Pilipino. Dumating sila sa pilipinas mula sa Taiwan noong 2500 B.C.E.
ngunit orihinal na nagmula sa kapuljuan ng Indonesia, Malaysia, New Gunea, Samoa,
Hawaii, Easter Island hanggang Madagascar. Ang pagkakatulad ng wikang ginamit,
kultugra at pisikal na katangian sa Timog-Silangang Asya at sa PAsipiko ang nagging
batayan ni Bellwood.

Si Wilhelm Solheim II, isanag antropologong Amerikano ay naniniwalang ang


Austronesyano din ang mga unang tao sa Pilipinas batay sa kanyang Nusantao Maritime
Trading and Communication Network Hypothesis. Ang nusantao ay mula sa salitang
Austronesyan na nusa at tao na ang ibig sabihin ay mula sa timog.

Sinanasabi pa niya na ang pakikipagkalakalan ang pangunahing dahilan ng


pagpapalawqak ng kanilang teritoryo. Mula Celebes at Sulu lumawak ang kanilang
pakikipag-ugnayan hanggang sa nagkaroon ng pakikipagkasunduan, kasalan, at
migrasyon ng mga tao sa Timog-Silangang Asya hanggang sa makarating sa Pilipinas.

Ibigay ang ibigsabihin ng Teorya:


Teorya-

2. Mitolohiya – ayon naman sa mitolohiya ang ang pinagmulan ng unang lahi ng mga
Pilipino ay kina Malakas at Maganda.

(Magpakita ng video tungkol sa kwento nila Malakas at Maganda.)

Isang ibong kulay abuhin ang naghahanap ng makakain. Nakita niya ang isang butiki na nasa
isang puno ng kawayan. Tinuka niya nang tinuka ang bahaging ito upang makuha at makain ang
uod. Hindi niya tinigilan ang pagtuka hanggang sa mabiyak ito. Nakatakas ang uod ngunit
lumakas ang dalawang nilikha na tinawag na Malakas at Maganda. Si Malakas ay matipuno at
guwapong lalaki. Si Maganda ay mahinhin,balingkinitan ang katawan at masipag. Sila ang
kauna-unahang babae at lalaki salahi ng mga Tagalog.

Ibigay ang ibigsabihin ng Mitolohiya:


Mitolohiya- Kwento lamang na nagpapaliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.
3. Relihiyon- Mula sa aklat ng Genesis, sinasabing nilikha ng Diyos sa ikaanim na araw ang
mga unang tao. Ayon sa Banal na Bibliya, lahat ng lalaki at babae ay nagmula sa unang
lalaki na si Adan at sa unang babae na si Eba na nilikha ng Diyos.
D. Values Integration

Values Time:
Sa mga paliwanag na ito tungkol sa pinagmulan ng lahing Pilipino, Ano ang mas iyong
pinaniniwalaan?
Iba man ang paniniwala ng bawat isa, dapat nating igalang ang paniniwala ng bawat isa. Dahil
yan ay isang mabuting pag-uugali na dapat nating tandaan.

E.Aplikasyon/Application

Pangkatang Gawain: Puzzle Game:


Hatiin ang klasi sa tatlong grupo.
Panuto: buuin ang puzzle na inyong mabubunot. Pagkatapos ay ilahad sa klasi kung ano ang
inyong natutunan tungkol sa inyong nabuong larawan.

Rubrik sa Pagmamarka ng Pangkatang Gawain


Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos
Wasto ang impormasyong napaloob sa ulat. 8
Sapat ang impormasyong napaloob sa ulat. 7
Maayos at kawili-wili ang isinagawang ulat. 5
Maayos at malinis ang pagkakagawa ng
5
puzzle
Kabuuang Puntos 25

IV- Pagtataya:

Unang Gawain:
Panuto: Pumili sa loob ng kahon ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang numero.

TEORYA MITOLOHIYA RELIHIYON

__________ 1. Nilikha ng Diyos ang sanlibutan kasama ang unang pangkat ng tao sa Pilipinas.
__________ 2. Nagmula sa Timog Tsina ang mga unang tao sa Pilipinas.
__________ 3. Si Malakas at Maganda ang unang lalaki at babae nanirahan sa ating bansa.
__________ 4. Bibliya ang batayan na aklat na pinagmulan nila Eba at Adan.
__________ 5. Si Wilhelm Solheim II, isang antropologong Amerikano, may naniniwala ang
mga Austronesyan ang mga unang tao sa Pilipinas.

Pangalawang Gawain:
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Saan nakasakay ang mga Austronesyano nang dumating sa bansa?


a. Bangka
b. Balangay
c. Galyon
d. Eroplano
2. Kailan dumating sa Pilipinas mula sa Taiwan ang mga unang tao?
a. 250 B.C
b. 25,000 B.C
c. 2500 D.C
d. 2500 B.C
3. Naglakbay ang ilang pangkat ng Austronesyan patimog maliban sa saang lugar?
a. Indonesia
b. Malaysia
c. Siberia
d. Madagascar
4. Batay sa paniniwalng ito si Malakas at si Maganda ang unang tao sa Pilipinas.
a. Teorya
b. Mitolohiya
c. Relihiyon
5. Siya ay isang antropologong Amerikano na naniniwalang ang mga Austronesyan ang
unang tao sa Pilipinas batay sa kanyang Nusantao Theory.
a. Peter Bellwood
b. Wilhelm Solheim II
c. Charles Darwin

V. Takdang Aralin:

Panuto: Lagyan ng kulay ang larawan.

Rubrik sa Pagmamarka ng Takdang Aralin


Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos
Maayos ang pagkakakulay. 8
Malinis ang nagawang output 7
Tamang mga kulay ang ginamit sa drawing. 5
Kabuuang Puntos 25

Prepared by:

SHIERRA MAY R. GALANG


Teacher 1
Pagninilay:

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya _____


B. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation ____
C. Nakatulong ba ang remediation? _____
D. Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin. ____
E. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation _____
F. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? ____
G. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor? ____
H. Anong kagamitan ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? ____

You might also like