Literacy MOOC Module 3 Packet
Literacy MOOC Module 3 Packet
Literacy MOOC Module 3 Packet
Ang mga magulang ni Apolinario ay mahirap lamang kaya kailangang magtrabaho nang
husto ang mga ito para buhayin ang pamilya.
Isang araw, maagang dumating sa bahay ang ina ni Pole na may dalang malaking basket
na may lamang bigas. Kasalukuyan naming nagpapalipad ng saranggola si Pole. Kasama niya ang
kanyang mga kaibigan nang tawagin siya ng kanyang ina. Patakbo namang umuwi si Pole.
“Bakit po kayo bumili ng ganitong uri ng bigas, Inay? Kalahati po nito ay puro maliliit na
bato.”
“Hindi ko iyan binili anak, ibinigay lamang iyans akin.”
Kaagad nagtungo sa sakahan ang ina ni Pole at siya ay naiwang mag-isa. Sinimulan niyang
isa-isahing alisin ang mga maliliit na bato sa bigas.
“Halina, Pole,”tawag ng mga batang lalaking nagpapalipad ng saranggola.
“Hindi ako makapaglaro,”tugon ni Pole.”Abala ako rito.”
Madaling nagtungo ang mga batang lalaki sa bahay ni Pole upang mag-usyoso sa kanyang
ginagawa. Sinubukan nilang tulungan si Pole ngunit matapos makapag-alis ng ilang bato, umalis
din ang mga bata.
“Iwanan mo na iyang maruming bigas at tayo nang maglaro ,”yaya ng isang klaro. Ngunit
buong sipag ng nagpatuloy si Pole sa paglilinis ng bigas. Nang dumating ang kanyang ina,
nakadama ito ng kasiyahan nang makita niyang malinis na ang bigas at handa na para isaing.
May isang batang ang pangalan ay David. Marunong manalangin at saka umawit.
Itong batang si David ay kumuha ng limang bato uapng gamitin niya sa kanyang
paltik laban kay Goliat na lubhang malaki sa kanya. Noong ngkaharap na si David
at Goliat, tinawanan lang niya ito dahil sa bata pa siya at maliit pa. Ngunit di natakot
si David isang bato ang nilagay sa kanyang tirador at pinaikot-ikot. At tumama ito
sa noo ni Goliat at natumba at tumamapa ang ulo nito sa bato.
Mga Tanong:
Sinu-sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
Bakit pinagtatawanan lamang ni Goliat si David?
Walang Panginoon
Deogracia Rosario
Ito ay kwento ng isang lalaking nangangalang Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang
asenderong si Don Teong. Si Don Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang
dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos.
Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos
ang kanyang galit kay Don Teong, kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa
mundo si Don Teong.Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng
pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao. Sina Marcos
ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito’y kanilang minana sa
kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan, napipilitan
silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari, iyan ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama
at dalawang kapatid. Namatay silang punong-puno ng sama ng loob kay Don Teong na matagal
na nilang pinagsilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niya
ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang kasintahang si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don
Teong si Anita na siyang na siyang ikamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa nuhay ni
Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot tunog ng kampana.
Hindi pa naman humuhupa ang galit niya, siya namang pagdating ng isang kautusan ng
pamahalaan na sila ay pinaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kaniyang
palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang
buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring
iyon sa buhay nila ay kagagawan ng mapansamantalang si Don Teong. Dahil sa galit na
nararamdaman ni Marcos ky Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano siya
makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos ng tulad kay Don Teong at kaniyang pinahihirapan
ang kanyang paboritong alagang kalabaw. Ginawa niya iyon upang magalit ang kalabaw sa imahe
ni Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang
mamasyal sa bukid si Don Teong nang hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at
hinayaang suwaginang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng
mag-ina sa bukid, habang nag-iimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang
balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng
kampana, hindi tulad ng dati na ayaw niya itong marinig. Sa halip na ipanalangin niya ang
kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas naisip pa niya ang kaniyang matapang na kalabaw.