ASQ1W4
ASQ1W4
ARALIN 4
Unang Araw
Tuklasin Mo
May pakinabang ba o wala?
Alamin Mo
Pakinggan ang kuwentong babasahin ng guro upang masagot
ang mga tanong na ibinigay.
1. Ano- ano ang katangiang taglay ng mga tauhan sa kuwento?
2. Bakit nagpapapansin ang mga basura sa basurero?
3. Nagtagumpay ba si Tembong sa kaniyang balak?
4. Ano ang posibleng nangyari kinaTembong at Tata Lata?
5. Ano kaya ang dahilan kung bakit ganoon ang katangiang
ipinakita ng mga tauhan sa kuwento?
1
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4
Gawin Ninyo
Think Like A Writer
Gawin ang sumusunod.
A. Ilarawan ang mga tauhan sa kuwentong Ang Tambakan.
B. Alin sa mga tauhan ang nakaugnay ka? Bakit?
C. Paano tinapos ng manunulat ang kuwento? Kung ikaw naman
ang manunulat paano mo tatapusin ang kuwento?
Gawin Mo
Tukuyin ang mga salitang magkasingkahulugan sa sumusunod na
mga pangungusap.
1. Iwasan ang pambubuyo sa kapwa dahil lahat tayo ay may
pagkukulang. Humingi ng tawad sa kapwang naasar upang
maging maganda relasyon ng bawat isa.
Maraming programa ang pamahalaan upang mabawasan ang
mga kababayan nating nagpapalaboy laboy sa lansangan dahil
hindi ligtas ang lansangan tuwing gabi at maaaring silang
maaksidente kapag nagpatuloy silang magpakalat kalat.
2. Dumagsa ang tulong sa ibat ibang panig ng bansa para sa mga
kababayan nating naapektuhan ng bagyo. Dumating rin ang
3. Sabay sabay na nagbungkal ng lupa ang mga mag-aaral para
sa pagtatanim ng mga halaman sa kanilang mga paaralan.
Mataba ang lupang kanilang hinukay kayat nasisigurado ang
malulusog na halaman na tutubo rito.
4. Tila mga diyamante ang mga nagkikislapang bituin sa
kalangitan tuwing gabi kayat tuwang tuwa ang mga batang
pagmasadan ang kanilang makikinang sa kulay.
2
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4
Isaisip Mo
Ibigay ang maaaring maganap sa sumusunod na pangyayari.
Sitwasyon 1 Hindi natutong magresikulo ang mga Pilipino
Sitwasyon 2 Kung saan saan tinatapon ang mga basura
Sitwasyon 3 Patuloy na pagdagsa ng mga tao sa kalunsuran
Sitwasyon 4 Nagkaroon ng initiyatibo ang bawat mamamayan
sa tamang pagreresikulo
Sitwasyon 5 Walang siyentista ang umalis sa bansa at patuloy
na tumuklas ng panibagong kaalaman
Isapuso Mo
Sa paanong paraan ka makatutulong upang luminis ang ating
kapaligiran?
Isulat Mo
Tuwing pauwi ka galing sa inyong paaralan nakita mo ang tambak
ng basura sa iyong dinaraanan. Bawat araw hindi ito nababawasan
bagkus lalo pa itong nadaragdagan. Naisip mong bumuo ng isang
patalastas upang hikayatin ang iyong mga kabarangay sa isang
kampanya sa kalinisan. Simulang punan ang poster upang mabuo
ang Panata ng Kalinisan.
3
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4
Ikalawang Araw
Tuklasin Mo
Pansinin ang mga simbolo sa bawat larawan.
4
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4
Alamin Mo
Basahin ang usapan ng mag-ama.
Joriz : Tay Kardo andami na pong basura sa
likod bahay. Itapon na po natin ang
lahat ng yun.
Mang Kardo : Joriz, anak tandaan mo hindi lahat ng
basura ay basura na. May mga basura na
maaari pa nating pakinabangan.
Matutulungan pa natin si Kapitan na
maging maayos ang ating paligid.
Joriz : Hala! Tulad ng ano po?
Mang Kardo : Halimbawa ang mga bote maaari pa
nating gamiting pandekorasyon tulad ng
plorera atbp. O di kaya ibenta natin.
Ginagamit rin ang mga lumang gulong at
lata bilang taniman ng mga halaman.
Kulayan lang ito at tiyak gaganda ang
ating paligid.
Noong bata pa ako tinuruan ako ng
aking mga magulang ng wastong
pagreresikulo ng mga basura. Kaya
ituturo ko naman sa iyo ito.
Joriz : Oo nga po naaalala ko na. Gawa sa mga
boteng plastik yung parol sa aming
paaralan. Pinakolekta kami ng aming
mga guro ng boteng plastik mula Hunyo
hanggang Disyembre. Tuwang-tuwa
kaming magkakaklase sa aming
naipon. Pinagtulungan naming lahat ang
pagbuo ng parol na iyon.
5
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4
Kasarian ng Pangngalan
1. Panlalaki- Tumutukoy ito sa pangngalang ukol sa lalaki
lamang.
Halimbawa: Gaudencio, Luis, Joriz, Pedro, Juan,
2. Pambabae- Tumutukoy ito sa pangngalang ukol sa babae
lamang.
Halimbawa: Leticia, Maria, Agnes, Blossom,
3. Walang kasarian- tumutukoy ito sa pangngalan ng mga
bagay na walang buhay.
Halimbawa: pambura, lapis, papel, upuan
6
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4
Gawin Ninyo
Balikan ang kuwentong Ang Tambakan.
Ilista ang mga pangngalang ginamit sa kuwento at tukuyin ang
kasarian nito. Gamitin ang mga ito sa isang usapan kasama ng iyong
pangkat.
Gawin Mo
Tukuyin ang kasarian ng pangngalang may guhit sa sumusunod
na mga pangungusap. Gamitin ito sa pangungusap.
1. Magkasamang nagbukod ng basura ang mag-ama.
2. Nagturo ang guro ng wastong pagreresikolo ng basura.
3. Pinagbukod-bukod ni Michelle ang mga nabubulok sa hindi
nabubulok.
4. Pinarangalan ang kanilang barangay bilang pinakamalinis na
barangay.
5. Tuwang- tuwa si nanay Leticia dahil sa paglilinis ng kanyang
mag-ama ng likod bahay.
Isaisip Mo
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Isapuso Mo
Isaisip at isapuso ang wastong pagreresikulo dahil ito ay ugat
ng malinis na pamayanan.
Isulat Mo
Balikan ang Panata ng Kalinisan na ginawa noong nakaraang
linggo. Isapinal ito at bumuo ng iskrip kung paano mo ipaliliwanag
ang sumusunod na mga puntos na nakalahad rito.
7
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4
Ikatlong Araw
Tuklasin Mo
Awitin at isakilos.
Ako (2x)
Akoy isang pamayanan
Ako (2x)
Akoy isang pamayanan
Ako (2x)
Akoy isang pamayanan
Akoy isang pamayanan
Lalala
Sumayaw sayaw kat
Umindak indak
Sumayaw sayaw ka
katulad ng dagat
Sumayaw sayaw ka
katulad ng dagat
(Palitan ang ako ng ikaw, tayo)
Alamin Mo
Ang sumusunod ang uri ng panghalip:
1. Panghalip Panao Panghalip na gingaamit sa panghalili sa
ngalan ng tao
Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, atin, inyo, kata, mo,
siya, kanila, kaniya
2. Panghalip Pamatlig- Panghalip na ginagamit upang
ipanghalili sa mga itinuturong tao o bagay
8
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4
Gawin Mo
Punan ang patlang nang wastong uri ng panghalip upang mabuo ang
diwa ng diyalogo.
John : Nabasa ____ ba ang poster sa kanto na
inilathala ng tanggapan ni Mayor?
Luis : Tungkol saan _____?
John : Ayon sa _______ magkakaroon raw ng
paligsahan sa pinakamaganda at
pinakamalinis na barangay. May puntos rin
ang barangay na gagamit ng mga materyales
na mula sa basura bilang dekorasyon.
9
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4
Ikaapat na Araw
Pagbibigay kahulugan ng pamilyar at di kilalang
salita sa pamamagitan ng gamit sa pangungusap
Tuklasin Mo
Bumuo ng tableau sa pamamagitan ng sumusunod na mga
salita. Pumili ng tauhang gagampanan hango sa kuwentong
Ang Tambakan. 30 segundo ang ilalaan sa bawat salita upang
makabuo ng tableau. Gagamitin ang rubriks para markahan ang
mga nabuo.
10
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4
Rubriks ng Pagmamarka:
11
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4
Alamin Mo
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salunggguhit sa
sariling salita.
1. Pumosing ang mga basurero ng dumating ang mga dayuhang
bisita nang malaman nilang kukunan sila ng litrato para sa
isang dokyumentaryo.
2. Pilit na nagpapogi si Buknoy para mapansin ng mga dayuhan
kahit na mababakas ang humpak niyang pisngi, maputla at
nanlilimahid na kutis at halos nakadikit na balat sa kanyang
buto.
3. Pagdating ng trak ng basura animoy gintong nagkislapan ito
sa paningin ng mga basurero.
4. Parang hinahalukay ng kanyang sikmura dahil sa kinain
niyang pagkain mula sa basurahan.
5. Tulad siya ng isang manok na patuloy na nangangalahig
makakuha lamang ng basurang maaari niyang pakinabangan
6. Binungkal niya ang tambak ng basura.
7. Nagpagulung-gulong ang bulto ng basurang nagmula sa trak.
8. Nilisan ni James ang kanilang probinsiya upang
makipagsapalaran sa Maynila dahil dito nagpalabuy laboy siya
sa lansangan.
12
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4
13
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4
Isulat Mo
Pagtulungan kasama ang iyong kapareha na bumuo ng sariling
pangungusap gamit ang mga napiling salita. Pumili ng maaaring
maging tema ng inyong pangungusap.
Kahalagahan ng wastong pagreresikulo
Pagdami ng basura sa lansangan
Dulot ng paggamit ng droga
Dahilan ng mga Pilipinong namamatay at pinapatay
Ikalimang Araw
Tuklasin Mo
Balikan ang mga nabasang sanggunian, Ang Tambakan at
diyalogo. Sagutin ang sumusunod na mga tanong
Ang Tambakan
Paano sinimulan ng manunulat ang kuwento?
Ano ang kasukdulan ng kuwento?
Alin sa mga tauhan ang pinakanagustuhan mo?
Ano ang wakas ng kuwento?
Diyalogo
Tungkol saan ang usapan ng mag-ama?
Naka-ugnay ka ba sa kanilang usapan?
Natuto ka ba sa kanilang usapan?
14
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4
Alamin Mo
Bahagi ng Maikling Kuwento
Panimula- Sa bahaging ito gumagamit ng pansariling teknik ang
manunulat. Kritikal ang bahaging ito dahil ito ang unang mababasa
na hihikayat sa mga mababasa.
Gitna- Karaniwan nasa bahaging ito ang kasukdulan ng kuwento.
Ang gitna ang magpapakita ng mayaman na impormasyon at
pangyayari sa loob ng kuwento.
Wakas- Dito tinatapos ng manunulat ang kabuuan ng kuwento.
Ngunit nakadepende sa kanya kung ito ay kakalas, tatapusin o mag-
iiwan ng kakintalan sa mga mambabasa
15
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4
Gawin Ninyo
Pumili ng isang kuwentong nabasa ng pangkat. Pag-usapan ito
at tukuyin ang mga bahagi at sangkap nito.
Gawin Mo
Inaasahan na natapos na ang mga nakaraang gawain:
a. Panata ng Kalinisan
b. Iskrip sa pagharap sa mga kabarangay
c. Iskrip sa pagharap sa kapitan.
Mula sa mga nabuong ito bubuo ka ngayon ng sarili mong kuwento.
Ikaw mismo, mga kabarangay at kapitan ang tauhan ng bubuing
kuwento. Tiyakin ang mga bahagi at sangkap ng maikling kuwento.
Rubriks ng Pagmamarka
Nilalaman 5 4 3 2 1
1. Malikhaing inilahad ang simula ng kuwento
2. Malinaw ang paglalahad ng gitna ng kuwento
3. Matalinong tinapos ang nabuong kuwento na mag-
iiwan ng kakintalan sa mga mambabasa
4. May lohikal na pagkakasunud sunod ang mga
pangyayari sa kuwento
5. Nakahihikayat basahin ang kuwento
Isaisip Mo
Ano-ano ang bahagi at sangkap ng isang kuwento?
Isapuso Mo
Paano mo ipakikita ang pagpapahalaga sa mga kuwento?
Isulat Mo
Ano ang natutuhan mo sa pagbuo ng sariling kuwento?
16