Hand-Out .Ang Wika at Ang Dalubwika

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kurso : FIL 501- Linguistikang Filipino

Term : Ikalawang Semestre


Taong Akdamekio : 2018-2019
Propesor : Dr. Alvin Rom De Mesa

ANG WIKA AT ANG DALUBWIKA


(Tagapagtalakay: Rosemarie Vero-Marteja)

Ano ang Wika?


• Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na
kahulugan ay “dila”, kayat ang magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay
simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng
ideya, opinyon, pananaw, lohika o mga kabatirang ginagawa sa proseso na
maaring pagsulat o pasalita.
Ano ang Dalubwika?
• Ang taong dalubhasa sa wika sapagkat nag-aangkin siya ng mga di-karaniwang
kaalaman at kakayahan hindi sa pagsasalita kundi sa pagsusuri ng wika.

Mga Dalubwika at ang Kanilang Pananaw sa Wika


• Ayon sa lingguwistang si Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit
ng mga taong kablilang sa isang kultura.
• Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang
maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na ponolohiya. Kapag ang ponema ay
pinagsama-sama maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag na
morpema. Sintaksis ang tawag sa makaagham na pinagugnay-ugnay na mga
pangungusap. Diskors, kapag nagkaroon ng makahalugang palitan ng dalawa o
higit pang tao.
• Ayon kay Whitehead, isang edukador at Pilosopong Ingles: Ang Wika ay kabuuan
ng kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang
palagay ng lahing lumikha nito. Ito raw ay salamin ng lahi at kanyang katauhan.
• Ayon kay Robins (1985), ang wika ay sistematikong simbolo na nababatay sa
arbitraryong tuntunin na maaaring magbago at mapadali ayon sa
pangangailangan ng taong gumagamit nito.
• Ayon kay Henry Sweet, ang wika ay pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng
mga pinagsama-samang tunog upang maging salita.
• Sa pagpapaliwanag ni Hymes (1972), nangangahulugan itong isang buhay, bukas
sa sistema ang wika na nakikipagnteraksyon. Binabago at bumabago sa
kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito. Isa itong
kasanayang panlipunan at makatao.
• Sa pagtalakay ni Halliday(1973)may gamit na instrumental ang wika. Tumutulong
ito sa mga tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin.
Kurso : FIL 501- Linguistikang Filipino
Term : Ikalawang Semestre
Taong Akdamekio : 2018-2019
Propesor : Dr. Alvin Rom De Mesa

• Nagagamit ang wika sa pagpapangalan, verbal na pagpapahayag,


pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos,at pakikipag-usap.
• Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing
na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago
at pagsisiwalat ng katotohanan.
• Ayon naman kina Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000), ang wika ay
isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga
ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.
• Binanggit naman ni Bienvenido Lumbera (2007) na parang hininga ang wika.
Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat pangangailangan natin.
• Ayon naman sa lingguwistang si Alfonso O. Santiago (2003), ang wika ay
sumasalamin sa mga mithiin, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin,
pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng
tao sa lipunan.
• Sa paliwanag ni Ngugi Ihiong (1987) isang Aprikanong manunulat: Ang wika ay
kultura. Isa itong konektibong kaban ng karanasan ng mga tao at ng kasaysayan
ng wika. Dahil sa wikang nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at panliteratura,
nagkikita ng bayan ang kanyang kultura na natutuhan nitong angkinin at
ipagmalaki.
• Ang wika ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay paraan ng pagpapahayag ng
kuru-kuro at damdamin sa pamamagitan ng mga salita upang makipag-unawaan
sa kapwa-tao. Ito ay binubuo ng mga salita, parirala, at pangungusap na may
kahulugan.
• Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na
ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang
binibigkas na tunog kundi ito’y sinusulat din. Ang mga tunog at sagisag na ito ay
arbitraryo at sistematiko. Dahil dito ay ayon sa kanya, walang dalawang wikang
magkapareho bagamat bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin.

You might also like