Piling Tula Ni Ka Bay

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SIGLIWA SA PAGLAYA

dugo ng dilag na tumigmak sa pakikibaka


ang patnubay ko sa paglilingkod sa masa
nakalilok sa aking bungo
ang kagitingan nila na hiyas ng puso

bayani sila sa altar ng kalayaan

*Lorena Barros
*Lisa Balando
*Maria Carino

luha ang napigtal sa dibdib ko


sa lasong itim ng pangungulila
ka Lori bigkis-kamao tayo
sa lansangan ng pangarap
ka Lisa isang-dibdib tayong
tumututol sa pambubusabos ng mga diyos
ka Maria ginto ka sa akin
sa sinuong nating angilan ng mga punglo

ka Lori-Lisa-Maria
kapatid, kapatid, kasama!
giba na ako, giba na
diwang anakpawis ang tanging
sumusuhay sa aking paghinga

kung saan man ako magtapos


sigliwa sa akin ang dangal ng inyong alaala

(Matimyas na pagpupugay sa Buwan ng Kababaihang Anakpawis)

Sigliwa Kamao – Bayani Abadilla 1 of 4


ELIHIA SA DUGO NG KAMAO

Mga imahen na nakaukit sa aming noo


yaong dugong dumadanak sa sigwa ng kamao:
Pula sa bandila ng bayan
ang mga bayani ng kalayaan.

Isinugo sila ng kasaysayan


na wasakin ang pader ng mga dayuhan.
Upang tumiwasay ang masang sambayanan
na dinayukdok ng mga imbi sa lupit ng kasakiman

Sa alab ng pakikibaka, nalugmok sila;


api at busabos ang kanilang inulila.
Lambong ng dapithapon ang hapdi ng pagpanaw,
dumadagundong sa karimlan ang luhang di man
nasilayan ang bangkay ng minamahal.

Sa hamog ng dalamhati
isinasakdal ang sugat ng dibdib:
Sa hangin idinadaing ang kimkim ng damdamin.

Kasama, ningas ng kandila ang pagluksa


na nagpupugay sa inyong mga dakila.
Kasama, ang tigmak ng dugo na hiyas sa pagbabago
silahis ng bukangliwayway sa pulso ng kamao.

Sigliwa Kamao – Bayani Abadilla 2 of 4


ROSAS NG MAYO

Kilusan sa paggawa na taga-sa-bayo


Makabayan, makatai ang prinsipyo
Ulirang daop-palad na kawal ng pagbabago

Taliba ang uring obrero sa digmaang bayang


Uutas sa mga diyos ng karimlan
Na bumubusabos sa sambayanang
Ang pagkatao’y dinadayukdok ng
Yamang panlipunan sa sinasalabusab ng mga dayuhan

Palaban ang sugo ng kasaysayan


Aserado ang paninindigan
Lubos na matapat sa paglilingkuran
Angkin ang talinong hiyas sa pagbabayuhay
Buhay at kamatayan ang mason a damdamin-diwa
Ang adhikaing lagutin ang tanikala
Ng pagkaalipin ng madla

Masang anakpawis
Ang sigwa sa naghaharing kabuktutan
Kapit-bisi sa bigkis diwang pakikipaglaban
Awit na “Internasyonal” na moog ng kaisahan
Banta ang himig sa di-makataong kairalan
Alab ng pakikibaka para sa kalayaan
Yumayanig mandin sa poder ng kasakiman
Ang bawat hagkis ng lirika ay pawang
Nota ng bukangliwayway ng tagumpay

Sigliwa Kamao – Bayani Abadilla 3 of 4


SUWELDO

Suweldo na minimum
Pantawig-gutom
Sa aming lalamunan
Ay kending Lason

PRESYO

Naku ang taas


Di maabot ng sahod
Sana’y parehas
Paninda at pasahod

Sigliwa Kamao – Bayani Abadilla 4 of 4

You might also like