Midterm Pan M1
Midterm Pan M1
Midterm Pan M1
La Carlota City
o0o
Modyul sa Panitikan 11
Unang Semestre, A.Y 2020-2021
V. COURSE OUTLINE
A. MIDTERM PERIOD
MODYUL 1 - Kaligirang Kasanayan ng Panitikan
MODYUL 2 - Panitikan, Kasaysayan at Lipunan
MODYUL 3 - Pagsipat sa mga Problema at Solusyon ng Panitikang Filipino
MODYUL 4– Mga Anyo ng Panitikan
B. SEMI-FINAL PERIOD
MODYUL 1 – Mga Elementong Lumilikha ng mga Akdang Pampanitikan
Aralin 2 – Mga impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa
Aralin 3 – Ang mga Kasangkapang Pampanitikan na nagbibigay-anyo sa Akda
MODYUL 2 – Mga Dulog Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
C. SEMI-FINAL PERIOD
MIDTERM
Yaman ng Kultuta at Panitikang Pilipino
MODYUL 1
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG PANITIKAN
Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan.
Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaring magpalya sa isang ideyang
nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa
sangkatauhan.
Bakit kailangan nating magbasa ng Panitikang Pilipino? Ito ang katanungang ni minsan ay hindi
sumagi sa isipan ng ating mga kabataan sa ngayon. Kapag naririnig natin ang salitang panitikan ay agad na
sumasagi sa ating isip ang pagbasa. Tipikal na sa isipan ng mga kabataan sa ngayon ang kahulugan ng
pagbasa na ito ay isang gawaing pang-akademiko lang at sa ayaw man o gusto nila ay kailangan nila itong
gawin. Hindi naman sa nilalahat natin na ang mga kabataab ngayon ay mas nahuhumaling na sa kanila ang
maglaro sa cellphone bilang pangunahing gamit sa kasalukuyan na biyaya ng teknolohiya.
Ang kasaysayan ng panitikan ay singhaba la mang ng kasaysayan ng wikang ginamit para ito ay
mapatiim sa isip kaysa sa papel. Kung pinananaligan ang pananalinhagang kaluluwa ng lahi ang wika, ang
panitikan ay siya naming kasasalaminan ng kaluluwang iyon. Samakatuwid, upang masipat ang kaluluwa ng
isang lahi, marapat lamang na matunghayan ang panitikang iyon. Ang wikang Filipino sa katawagan sa
ngayon ay may ebolusyong pinagdaan simula na ito ay gamitin bilang sagkaan sa anumang komunikasyon.
Bahagi ng wika ang pag-inog nito saan mang bahagi ng Pilipinas at patunay na ang yamang ito ay patuloy na
bahagi ng Pilipinas at patunay na ang yamang ito ay patuloy na pinagyayaman ng mga taong may
pagmamahal sa yamng biyaya ng ating bansa. Kayat marapat lamang na sap ag-aaral ng wikang Filipino para
sa mga Pilipino ay pag-aralan din natin ang panitikang siyang malusog na katibayan ng kayamanan ng ating
wika. Ang wika at kultura ay laging magkabuhol na siyang katangiang kakabit ng kasaysayan sapagkat ito ang
nagtala sa mga tao, noon hanggang sa ngayon at sa mga darating pang panahon. Ito ay bukod tanging sa
paraan ng pagpapahayag ay naipaparating nila ang mga kaisipan na natatngi para sa iba. Ang alindog,
luwalhati, katanyagang taglay ng panitikan ay naipapakita sa gamit ng wika gamit ng iilang makata. Bawat
bigkas ng bawat tunog ng isang wika ay aliw sa pandinig ng sinumang may nasa sa puso ng bawat tao.
Kasaysayan ang nagtala na ang panitikang nilinang ng bayan pagkat naging malaganap ay nagsimila sa tula,
dahil sa mga malikhaing pagsisikap ng mga makata at binigyang buhay mula sa pagbigkas gamit ang wikang
sariling atin.
Ang pagkamakata ng isang tao ay isang dahilan kung bakit namumukod siya sa kangyang mga
kasama; kalimitan ay nag-aangat sa karamihan ng tao. Sa paghahabi ng kabihasnan, napapatangi ang ambag
ng makata, pagkat pinatitibayan ng kasaysayan na siya ang masasabing isang artista at siyentipko. Ang bawat
lahi ay may kanya-kanyang panitikang tinaglay at pinag-iingatan ng karaniwan at di-karaniwan. Sa unang
panitikan ay hindi ito nabigyan ng pagkakataong malikom ang lahat pagkat bawat isa ay may kanya-kanyang
katanungan tungkol sa mga pangyayari sa kanilang sarili at sa kapwa, sa kanilang kapaligiran, sa namalayan
at di-namalayan, ang mga karaniwang nagtatanong ay may karaniwan ding naisasagot. May paliwanag na
natagpuan, may mga kabuluhang natutuklasan. Ang gayong mga pangyayari ay naitanglaw ng
mapanlikhaing-isip sa pamamagitan ng pagpapahayag mga salita, pili kaysa iba sa karaniwan na siyang pag-
usbong ng isang mayamang panitikan sa isipan ng tao dala ng kanyang mayamang guniguni at
mapangaraping buhay ng isang mamamayang Pilipino.
GAWAIN
Panuto: Talakayin
1. Ano ang hatid ng wikang makabago sa ating panitikan?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________