Mga Halimbawa NG Alamat
Mga Halimbawa NG Alamat
Mga Halimbawa NG Alamat
Alamat ng Pilipinas
Noong unang panahon ay wala pang tinatawag na bansang Pilipinas. Mayroon lamang maliliit na
mga pulo. Noong hindi pa rin ito bahagi ng mundo ay may nakatira ditong isang higante. Ang
kweba nya ay nasa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko. Kasama niyang naninirahan ang kanyang
tatlong anak na babae na sina Minda, Lus at Bisaya.
Isang araw kinakailangang umalis ng amang higante upang mangaso sa kabilang pulo. Kailangang
maiwan ang tatlong magkakapatid kaya pinag sabihan niya ang tatlo.
“Huwag kayong lumabas ng ating kweba,” ang bilin ng ama. “Dyan lamang kayo sa loob dahil may
mga panganib sa labas. Hintayin ninyo ako sa loob ng kweba.”
Nang makaalis na ang amang higante, naglinis ng kweba ang magkakapatid. Inayos nila itong
mabuti para masiyahan ang kanilang ama. Subalit hindi nila katulong sa paggawa si Minda. Hindi
ito masunurin sa ama. Lumabas pala si Minda at namasyal sa may dagat. Hindi man lamang
nagsabi sa mga kapatid.
Tuwang-tuwa si Minda na naglalaro ng mga along nanggagaling sa dagat. Namasyal sya at hindi
nya napansin na malayo na pala sya sa tabi ng dagat. Habang sya ay naglalakad, isang
napakalaking alon na masasabing dambuhala ang lumamon kay Minda. Nagsisigaw sya habang
tinatangay ng malaking alon sa gitna dagat.
“Tulungan ninyo ako!” sigaw ni Minda. Narinig nina Lus at Bisaya ang sigaw ni Minda. Abot
ang sigaw sa loob ng kweba kaya tumigil sa paggawa ang dalawa.
“Si Minda humihingi ng tulong!” sabi ni Lus na nanlalaki ang mga mata sa pagkagulat.
Mabilis silang tumakbo sa may dagat. Tingin dito, tingin doon. Nakita nila sisinghap-
singhap sa tubig ang kapatid.
“Hindi marunong lumangoy si Minda ah!” sabi ni Bisaya at tumakbo na naman ang dalawa.
Sabay iyak ni Lus.
Mabilis nilang nilusong si Minda, malalim pala doon. Inabot nila ang kamay nila sa kapatid.
Pati sila ay nadala ng dambuhalang alon. Kawag, sipa, taas ng kamay, iyak sigaw at walang
tigil na kawag. Sa kasamaang palad ang tatlong dalagang higante ay hindi na nakaahon.
Nang dumating ang amang higante nagtataka siya bakit walang sumalubong sa kanya.
Dati-rati ay nakasigaw na sa tuwa ang tatlo nyang anak kung dumating sya. Wala ang tatlo
sa kweba, ni isa ay wala roon.
“Saan kaya nagtungo ang tatlo kong anak?” Tanong nya sa sarili. “Saan kayo Lus, Minda,
Bisaya!”
Walang sumasagot, hinanap niya sila sa paligid ngunit wala sila roon. Pinuntahan niya ang
ilang malapit na pulo, ni anino ay wala.
“Baka may pumuntang tao at dinala silang pilit,” sabi ng higante sa sarili.
Biglang umalon ulit at dumagundong, napalingon ang ama at naisip niya na baka nalunod
ang tatlo. Dumako pa sya sa malayo at hindi nagkamali ang higante. Nakita niya ang labi
ng ilang pirasong damit na nakasabit sa bato. Para tuloy niyang nakita ang tatlong kamay
na nakataas at humihingi ng saklolo. Naalala niya bigla na hindi niya pinayagang lumabas
ang mga ito. Tumalon sa dagat ang higante. Sa isip lamang pala niya ang larawan ng
tatlong kamay na nakataas, nawalan siya ng lakas.
“Mga anak! Ano pa? Wala na” himutok ng ama. Nawalan na siya ng ganang kumain.
Tumayo, umupo, tumingin sa malayo. Isa-isang hinagod ng tingin ang bawat munting
bato at kahoy sa malayo. At sa pagod at hapis napahilig sa isang bato at tuluyang natulog.
Mahabang pagkatulog ang nagawa ng kawawang higante.
Nang magising ang higante, kinusot niya ang kanyang mga mata. May nakita siyang wala
doon dati. Tumayo bigla at tiningnan mabuti.
“Ano ito? Saan galing ang tatlong pulong ito? Sila kaya ang tatlong ito?” Tanong sa sarili,
lalong lungkot ang naramdaman ng amang ulila.
“Ang tatlong pulong ito! Sina Lus, Minda at Bisaya ito!” ang sabi niyang malakas.
At buhat noon tinawag na Luson, Bisaya at Mindanaw ang tatlong pulo. Dito nagmula ang
bansang Pilipinas. Nasa gawing timog ng Asya. Bahagi ito ng Pilipinas sa katimugang
bahagi ng Asya.
Aral:
Ang pagiging matigas ang ulo ay nagdudulot ng kapahamakan sa tao. Pagkaminsan pa
nga ay kapahamakan din ang dulot nito sa iba.
Ang pagsunod sa magulang ay hindi isang parusa. Bagkus ito ay nagpapakita ng
paggalang natin sa knila.
Sumunod sa utos ng magulang upang makaiwas sa kapahamakan.
2. Alamat ng Butiki
Noong araw sa isang liblib na nayon ay may mag-ina na naninirahan sa tabi ng kakahuyan.
Ang ina na si Aling Rosa ay isang relihiyosang babae. Palagi siyang nagdarasal, at sinanay
din niya ang kanyang anak na lalaki na magdasal at mag-orasyon bago sumapit ang dilim.
Ang anak na si Juan ay isang mabuti at masunuring anak. Palagi niyang sinusunod ang
utos ng kanyang ina tungkol sa pagdarasal. Bago dumilim, kahit saan sya naroon ay
umuuwi siya upang samahan ang ina sa pag-oorasyon sa tapat ng kanilang bahay.
Maagang namatay ang asawa ni Aling Rosa. Natutuwa naman siya at naging mabait ang
kanyang anak na si Juan, na nakatuwang niya sa pagtatanim at paghahanap ng mga
makakain.
Si Helena ay lubhang kaaki-akit kung kaya’t agad umibig dito si Juan. At dahil sa
panunuyo ni Juan kay Helena, gabi na ito nang makauwi.
“O anak, ginabi ka yata ng uwi ngayon. Hindi mo na tuloy ako nasamahang mag-orasyon,”
ang wika ni Aling Rosa sa anak.
Pasensiya na po, Inay! Nahirapan ho kasi akong maghanap ng mga prutas sa gubat,” ang
pagsisinungaling ni Juan.
Dumalas ang pagtatagpo ni Juan at Helena sa gubat. Nahulog ng husto ang damdamin ni
Juan sa dalaga. Hangang minsan, nabigla si Juan sa sinabi ni Helena.
“Hanggang ngayon ay hindi ko pa nararamdaman na tunay ang pag-ibig mo sa akin, kaya
nagpasya ako na ito na ang huli nating pagkikita.”
“Ngunit, bakit? Sabihin mo, paano ko mapapatunayan sa iyo na tunay ang aking pag-ibig.
Sabihin mo at kahit ano ay gagawin ko,” ang pagsusumamo ni Juan.
“Maniniwala lamang ako sa pag-ibig mo, kung dadalhin mo sa akin ang puso ng iyong ina
na nasa iyong mga palad!” ang matigas na wika ni Helena.
Hindi makapaniwala si Juan sa narinig. Malungkot itong umuwi dahil binigyan siya ng
taning ni Helena. Kailangan niyang madala ang puso ni Aling Rosa bago maghatinggabi
Nang dumating si Juan sa kanilang bahay ay agad siyang niyaya ni Aling Rosa na mag-
orasyon. Nagtungo ang mag-ina sa harap ng kanilang bahay. Ngunit habang nagdarasal
iba ang nasa isip ni Juan. Naiisip niya ang pag-iibigan nila ni Helena. At bigla, hinugot ni
Juan ang kanyang itak at inundayan si Aling Rosa sa likod. Bumagsak sa lupa ang ina ni
Juan, at kahit nanghihina na ay nagsalita ito.
“Anak, bakit? Ngunit anupaman ang iyong dahilan ay napatawad na kita. Ngunit humingi
ka ng tawad sa Diyos! Napakalaking kasalanan ang nagawa mo sa iyong sariling ina,” ang
umiiyak na wika ni Aling Rosa.
“Diyos ko po, Inay! Patawarin n’yo ako!” ang nagsisising nawika ni Juan na nagbalik sa
katinuan ang isip. Umiyak nang husto si Juan lalo na nang pumanaw ang kanyang ina.
Kasabay niyon ay bigla na lamang nagbago ang anyo ni Juan. Siya ay naging isang maliit
na hayop na may buntot. Si Juan ay naging isang butiki; ang kauna-unahang butiki sa
daigdig.
Mula sa malayo, natanaw ni Juan si Helena na papalapit. Nasindak si Juan nang makita
niyang si Helena ay naging isang napakapangit-pangit na engkanto. Humalakhak itong
lumapit.
Nakita rin ni Juan ang engkanto, sa labis na katuwaan ay naging iba’t ibang uri ng kulisap
at insekto, at naglaro sa paligid.
Agad na pinagkakain ng butiking si Juan ang mga kulisap na napagawi sa kanya. At dahil
doon ay hindi na nakabalik sa dating anyo ang engkanto, at nagtago na lamang ito sa
mga halamanan bilang kulisap.
Nagsisi ng husto si Juan ngunit huli na. At bilang pag-alala sa kanyang ina, sinasabing si
Juan at ang sumunod pa niyang lahi ay patuloy na bumababa sa lupa bago dumilim
upang mag-orasyon.
At hanggang sa ngayon nga ay patuloy pa ring pinupuksa ng mga butiki ang mga kulisap
na sa paniniwala nila ay mga engkanto.
Aral:
Kilalanin muna ang taong iniibig at huwag magpadala sa panlabas na kagandahan
lamang.
Walang makapapantay sa pagmamahal ng magulang sa anak kaya naman sa ating mga
anak ay gantihan din natin sila ng pagmamahal na nararapat sa kanila.
Iwasan ang pagsisinungaling sa magulang man o sa kapwa
3. Alamat ng Rosas
Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na nagngangalang
Rosa na kilala dahil sa natatangi nitong ganda at dahil na rin sa kanyang mapupulang mga
pisngi, kung kaya’t pinagkakaguluhan si Rosa ng mga kalalakihan.
Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa kanyang mga
manililigaw na si Antonio na kausap ang kanyang mga magulang at humihing ng
pahintulot na manligaw kay Rosa kung saan ay masaya naman siyang pinayagan ng mga
magulang ni Rosa at dahil na rin sa rason na si Antonio lamang ang lalaking unang
umakyat ng ligaw sa kanila. Ang kinakailangan lang naman na gawin ni Antonio ay ang
mapatunayan ang sarili kay Rosa at pasiyahin ito.
Iyon ang naghimok kay Antonio kaya naman ay pinagsilbihan niya ang pamilya ni Rosa sa
pamamagitan ng dote. Lubos namang natuwa ang mga magulang ni Rosa, lalong-lalo na
ang dalaga na unti-unti ay nahuhulog na ang loob sa masugid na binata.
Sa araw na kung saan ay dapat sanang sagutin ni Rosa ang kanyang manliligaw ay doon
rin siya labis na nagtaka kung bakit wala pa ito. Doon din niya nalaman na pinaglalaruan
lang pala siya ni Antonio nang marinig niya ito habang kausap ang kanyang mga kaibigan.
Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rosa sa kanyang narining. Nadurog ang
kanyang puso sa kanyang unang pag-ibig.
Hindi tumigil sa pag-iyak si Rosa habang siya ay pabalik sa kanilang bahay. Nag-aalala
naman siyang tinanong nang kanyang mga magulang pero hindi sumagot ang dalaga.
Kinabukasan ay hindi na nakita si Rosa at pati na rin sa mga sumunod na araw.
Isang araw ay nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa dapat sanang tagpuan
nina Rosa at Antonio.
Tinawag ang halaman na rosas dahil ang pulang kulay nang bulaklak ay nagsisilbing
paalala sa mga mapupulang pisngi ni Rosa. Ang naiiba lamang ay ang tinik na napapalibot
sa halaman na pinapaniwalaan na si Rosa na nagsasabing wala sinuman ang makakakuha
sa magandang bulaklak na hindi nasasaktan.
Aral:
Pag dating sa pag-ibig ay hindi dapat pinaglalaruan ang puso ng kahit sinuman dahil
maaari itong magdulot ng poot sa damdamin ng taong nasaktan.
Kilalaning mabuti ang taong nais pag-alayan ng iyong pag-ibig. Hindi kailangang mag-
madali, sa halip ay hilingin at ipanalangin sa Diyos na ibigay sa iyo ang tamang
lalaki/babae sa tamang panahon.
Ang pinuno ng mga Bikolano ay si Raha Makusog. Mayroon siyang kaisa-isang anak na
dalaga, si Daragang Magayon na ang ibig sabihin ay Dalagang Maganda.
Samantala, hindi ito nalingid kay Alapaap. Siya sampu ng kanyang mga tauhan ay lumusob
bago naisakatuparan ang kasala nina Daragang Magayon at Pagtuga. Napatay ni Alapaap
si Pagtuga ngunit sa kasamaang-palad ay tinamaan nang hindi sinasadya si Daragang
Magayon. Sa pagtulong ni Alapaap kay Daragang Magayon, siya ay nahagip din ng isang
saksak ng tauhan ni Pagtuga. Ang tatlo ay sabay-sabay na namatay sina Daragang
Magayon, Alapaap at Pagtuga. Silang tatlo ay sabay-sabay ding inilibing sa gitna ng
malawak na bukid. Lahat ng hiyas at kayamanan ni Daragang Magayon ay kasama sa
hukay niya pati na ang mga regalo sa kanya ni Pagtuga.
Pagkalipas ng tatlong gabi, nagulat ang mamamayan sa lakas ng lindol sabay ng tunog ng
malalakas na kulog at kidlat. Kinabukasan ay nagisnan nilang tumaas ang ipinaglibingan ni
Daragang Magayon at ng dalawa niyang mangingibig. Tumaas nang tumaas ang puntod
natila isang bundok. Nagkaroon ito ng magandang hugis at naging bulkan. Ayon sa pari
ang magandang bulkan ay si Daragang Magayon ang maitim na usok ay ang maitim na
budhi ni Pagtuga na labis ang kasakiman sa kayamanan. Naroon pa siya at gustong bawiin
ang mga iniregalo kay Daragang Magayon. Maganda ang bulkan ngunit ito’y pumuputok
at nag-aapoy sa galit kapag naaalala nito ang kasakiman ni Pagtuga. Unti-unting
pumapayapa ito kapag nararamdaman niyang nasa piling niya si Alapaap at patuloy na
nagmamahal sa kanya.
Mula noon ang bulkan ay tinawag na Mayon. Ang bayan na kinatatayuan ng bulkan ay
tinawag na Daraga bilang pag-alaala kay Daragang Magayon.