Pabula
Pabula
Pabula
Ang “Parabula ng Sampung Dalaga” ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Mateo kabanata 25
talata 1 hanggang 13 (Mateo 25:1-13).
Bagama’t may dala-dalang ilawan ang limang dalagang hangal, wala naman silang
baon na langis na reserba. Kabaligtaran naman ng limang dalagang matatalino dahil
bukod sa kanilang ilawan na dala ay mayroon pa silang baong langis.
Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya naman ang mga dalaga ay inantok at
nakatulog sa paghihintay.
Mabilis na bumangon ang sampung dalaga at agad na inayos ang kani-kanilang ilawan.
Kaya naman agad na lumakad ang limang babaeng hangal upang bumili ng langis.
Ngunit tumugon ang lalaking ikakasal at sinabing, “Sino ba kayo? Hindi ko kayo kilala.”
Pagkatapos nito’y sinabi ni Jesus, “Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam
ang araw ni ang oras.”
Aral:
Isang araw ay lumapit kay Jesus ang mga taong makasalanan at mga maniningil ng buwis upang
makinig sa kanyang mga turo.
Nakita ito ng mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan kaya sila ay nagbulung-bulungan.
Nakikisama at nakikisalo daw umano si Jesus sa mga taong makasalanan.
Nang marinig ito ni Jesus ay kanyang ibinahagi ang talinghaga ng nawawalang tupa.
May isang lalaki na may isandaang tupa ngunit nawala ang isa. Iniwan niya ang siyamnapu’t
siyam at hinanap ang nawalang isa.
Nang makita ang nawawalang tupa ay masaya niya itong pinasan saka umuwi.
Pagdating sa bahay ay inanyayahan niya ang kanyang kaibigan at mga kapitbahay at sinabing,
“Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko na ang tupa kong nawawala!”
Aral:
Iwasan ang pagiging mapanghusga sa kapwa at ang pagpapalagay na ikaw o kayo lamang ang
hindi makasalanan. Hindi kinalulugdan ng Panginoon ang ganoong pag-uugali.
Naparito ang Diyos upang hanapin at iligtas ang mga naliligaw ng landas kaya naman kung
kumakatok siya sa iyong puso ay iyo siyang pagbuksan.
Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin
Ang parabulang “Talinghaga tungkol sa Tatlong Alipin” ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng
Mateo kabanata 25 talata 14 hanggang 30 (Mateo 25:14-30).
May isang taong maglalakbay kaya tinawag niya ang tatlo niyang alipin upang
pamahalaan ng kanyang ari-arian.
Ang unang alagad ay binigyan niya ng limanlibong salaping ginto, dalawang libong
salaping ginto naman sa ikalawang alipin, at isang libong salaping ginto sa ikatlo.
Agad na kumilos ang binigyan ng limanlibong salaping ginto at ipinangalakal ang salapi.
Siya ay kumita ng limanlibong salaping ginto.
Gayundin ang ginawa ng ikalawang alipin kaya tumubo din ang kanyang salapi ng
dalawang libong salaping ginto.
Lumapit ang unang alipin at sinabing, “Panginoon, tumubo po ng limang libo ang
salaping ipinagkatiwa ninyo sa akin.”
Natuwa ang panginoon at sinabi sa alipin, “Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging
tapat ka sa kaunting halaga, kaya’t pamamahalain kita sa malaking halaga. Samahan
mo ako sa aking kagalakan!”
Sunod na lumapit ang ikalawang alipin at sinabi sa kanyang panginoon, “Panginoon, ito
po ang iniwan ninyo sa aking dalawang libong salaping ginto. Heto naman po ang
dalawang libong salaping ginto na tinubo nito.”
Aral:
Ang Diyos ay pinagkatiwalaan ang bawat isa sa atin ng talento. Nais niyang gamitin
natin ito sa paraang makapagpapalugod sa kanya.
Bagaman magkakaiba ang talentong pinagkaloob sa atin ng Diyos, gusto niyang
pagyamanin natin ito. Sa bandang huli kapag ito’y tumubo, pantay-pantay ang
matatanggap nating gantimpala sa Kanya.