Grade 9 TG Filipino Module 2
Grade 9 TG Filipino Module 2
Grade 9 TG Filipino Module 2
NG SILANGANG ASYA
DRAFT
April 1, 2014
38
Deskripsyon ng Modyul 2
DRAFT
PAALALA SA GURO:
Ang matutunghayang mga gawain at estratehiya ay pawang mga mungkahi lamang.
Malaya ang guro sa paggamit ng iba pang mga pamamaraan na sa tingin niya ay angkop
gamitin sa kaniyang klase. Maaaring palitan ng guro ang mga kasanayan sa bawat
domain ngunit tiyaking nakabatay pa rin sa pagtamo ng bawat pamantayan. Ang bansa
April 1, 2014
na pinagmulan ng teksto at ang genre ng pantikan ay hindi maaaring palitan. Kung may
iba pang teksto na maaaring gamitin sa pagtalakay ng aralin, maaaring gumamit ng ibang
teksto. Ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat domain ay malilinang sa
pamamagitan ng mga gawaing magaganap sa loob ng klase. Hindi ito nangangahulugang
ang lahat ng kasanayan ay lilinangin sa loob ng isang araw o pag-aaral. Ngunit
inaasahang malilinang ang mga kasanayang ito sa loob ng nakatalagang bilang ng
sesyon.
39
7. B 17. C 27. A 37. B
8. D 18. B 28. D 38. A
9. C 19. B 29. A 39. A
10. D 20. A 30. C 40. D
41. B
TUKLASIN
1. Simulan sa isang malikhaing pagganyak ang klase. Maaaring gamitin ang
Pahulaan kung saan magbibigay ang guro ng pamagat ng iba’t ibang
akda at huhulaan ng mga mag-aaral ang kung saang bansa ito nagmula.
2. Itanong ang mahalagang tanong para sa Aralin 2, ito ang “paano mabisa
ang mga akdang pampanitikan ng Silangang Asya sa pagpapakilala ng
kultura at kaugalian ng mga bansa nito?” Maaring bigyan ang mga mag-
aaral ng ilang minuto upang limiin ang tanong. Matapos nito, isa-isang
DRAFT
ipasulat ang kanilang sagot sa ipapaskil na sulatan na tila “malaking haligi
ng nakatalang kaisipan”.
3. Ilahad ang inaasahang pagganap/produkto gayundin ang pamantayang
gagamitin.
4. Ipasagot ang mga panimulang pagtataya para sa yugtong tuklasin. Ang
mga sagot sa ibaba ay ilan lamang sa mga posibleng maging sagot.
April 1, 2014
1. Japan- Bihasa sa Teknolohiya
2. Korea- May matatag na hukbong militar
3. Taiwan- kinikilala ang karapatan ng kababaihan
4. China- mayaman sa kultura at kaugalian
5. Mongolia- sanay sa malayang pamumuhay
LINANGIN
Dito na papasok ang iba’t ibang paksa na nakapaloob sa Modyul 2 na
magsisimula sa panitikan ng Japan tungo sa panitikan ng Mongolia.
40
Aralin 2.1
Deskripsyon ng Aralin
Ang araling ito ay magiging tulay ng mag-aaral sa pagtuklas ng
kultura ng Japan sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang Tanka na
sinulat ni Ki ño Tomonori at Haiku na isinulat ni Bashõ . Lilinangin din
dito ang kasanayan nila sa wastong paggamit ng mga ponemang
suprasegmental upang mabigkas nang wasto ang Tanka.
DRAFT
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa at pagpapahalaga sa Tanka at Haiku ng Japan gamit ang
teknolohiya at suprasegmental na katangian ng wika upang
mapahalagahan ang kultura ng Japan
April 1, 2014
Pamantayan sa Pagganap: Nabibigkas nang wasto ng mag-aaral ang
Tanka at Haiku
PAALALA SA GURO
Ang mga gawain at estratehiya sa gabay na ito ay pawang mga
mungkahi lamang. Malaya ang guro sa paggamit ng iba pang mga
pamamaraan na sa tingin niya ay angkop gamitin sa kaniyang klase.
Maaaring palitan ng guro ang mga kasanayan sa bawat domain ngunit
tiyakin na nakabatay pa rin sa pagtamo ng bawat pamantayan. Ang
bansa na pinagmulan ng teksto at genre ng panitikan ay hindi maaaring
palitan. Kung may iba pang teksto na maaaring gamitin sa pagtalakay
ng aralin, maaaring gumamit ng ibang teksto.
41
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN
Domain Kasanyang Pampagkatuto
Pag-unawa Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang
sa napakinggan Tanka at Haiku
Pag-unawa Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo
sa Binasa ng pagkakabuo ng Tanka at Haiku
Paglinang Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang salitang
ng Talasalitaan ginamit sa Tanka at Haiku
Panonood Naibabahagi ang sariling damdamin at ang damdamin
ng bumibigkas ng Tanka at Haiku
Pagsasalita Nabibigkas nang may wastong antala/ hinto,
diin/haba,intonasyon at damdamin ang Tanka at Haiku
Pagsulat Naisusulat ang saling wika ng Tanka at Haiku
Gramatika/Retorika Naipaliliwanag kung paano binibigkas nang may
wastong antala/ hinto, diin/haba,intonasyon ang Tanka
at Haiku
Estratehiya Nasasaliksik ang kulturang nakapaloob sa Tanka
sa Pananaliksik at Haiku ng Silangang Asya
DRAFT
Tuklasin
April 1, 2014
Gawain.
GAWAIN 1. Suriin Mo
Maaaring gumawa na ng template para sa gawaing ito na susulatan ng mga
mag-aaral. Pagkatapos ay pahapyaw lamang na iproseso ang gawain.
Ipabasa ang halimbawa ng Tanka at Haiku. Ipasuri sa mga mag-aaral kung ano ang
paksa at mensaheng nais ipabatid nito.
GAWAIN 2. Paghambingin Mo
Susukatin naman sa gawaing ito ang kakayahan ng mag-aaral na sumuri ng
tula batay sa kayarian nito.
Linangin
Paalala sa guro
1. Maaaring gawing isahan o pangkatan ang pagbabasa.
42
2. Talakayin ang nilalaman ng Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka
at Haiku at ang mga halimbawang naibigay.
3. Bigyang diin sa pagtalakay na ang damdaming nangingibaw sa Haiku at
Tanka ang magiging batayan sa kung paano ito bibigkasin.
Bigyan ng pansin ang mga tunog na ginamit sa Tanka. Mapapansing ang
tunog ng /h/ ay paulit-ulit na ginamit. Sa mga Japanese ang tunog ng /h/ ay
lumilikha ng damdamin ng kapayapaan at katahimikan.
DRAFT
Matandang sapa/
Ang palaka’y tumalon
Lumalagaslas
April 1, 2014
Paglinang ng Talasalitaan
Gawain 3. Webbing
Maaaring gumawa na ng template para sa gawaing ito upang mas maging
mabilis na maisagawa ng mga mag-aaral.
Panuto:
1. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang Tanka at Haiku ay naglalaman ng
mga salitang may malalim na kahulugan o may iba pang ipinahihiwatig.
2. Batay sa kultura ng Japan ipasulat sa loob ng kahon ang mga salitang
kaugnay ng kahulugan o ipinahihiwatig ng mga salitang nasa bilohaba.
3. Maaari pang dagdagan ang mga kahon kung kinakailangan.
4. Maaaring tumawag ng mga mag-aaral na magpapaliwanag sa harap ng
klase batay sa nabuo niya webbing.
Haiku
Panahon kung kalian isinulat: Ikawalong siglo
Paksa: Simula ng tagsibol
Sukat: 5-7-5
Paraan ng pagbigkas: Walang pagkakaiba
DRAFT
binasa.
April 1, 2014
Pagsasanay 1. Bigkasin Mo
Ibigay ang dalawang paraan ng pagbigkas ng sumusunod na mga salitang
iisa ang tunog o baybay. Ibigay ang kahulugan.
Pagsasanay 2. Tono
Ipabigkas sa mga mag-aaral ang bawat salita bago ipasagot ang gawain.
Pagsasanay 3. Diin
Ipagamit sa pangungusap ang mga salita upang mahalaw ang pagbabago ng
kahulugan ng salita kapag nagbago ang diin sa pagbigkas.
Pagsasany 4. Hinto/Antala
Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga pangungusap. Bigyang diin ang mga
bantas na ginamit sa pangungusap upang matukoy ang wastong pagbasa ng mga
ito. Ipaliliwanag ng mag-aaral kahulugan ng pangungusap sa bawat bilang.
44
Pagnilayan at Unawain
Ilipat
DRAFT
at maunawaan ng mga panauhing bata man o may edad na.
P - Pangkatang Pagbigkas ng Tanka at Haiku
S – Malinaw at malakas na pagbigkas, kaangkupan ng paglapat
ng damdamin
April 1, 2014
45
Aralin 2.2
Deskripsyon ng Aralin
DRAFT
pang uri ng panitikan, ang pabula na mula sa Korea. Mauunawaan nila at
mapahahalagahan ang mga hayop na ginamit bilang tauhan sa pabula.
April 1, 2014
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa
at pagpapahalaga sa pabula gamit ang teknolohiya at modal upang lubos na
maunawaan at mapahalagahan ang katangian ng mga tao sa bansang
pinagmulan nito.
Paalala sa Guro:
Ang mga gawain at estratehiya ay pawang mga mungkahi lamang.
Malaya ang guro sa paggamit ng iba pang mga pamamaraan na sa tingin
niya ay angkop gamitin sa kaniyang klase. Maaaring palitan ng guro ang mga
kasanayan sa bawat domain ngunit tiyakin na nakabatay pa rin sa pagtamo
ng bawat pamantayan. Ang bansa na pinagmulan ng teksto at genre ng
panitikan ay hindi maaaring palitan. Kung may iba pang teksto na maaaring
gamitin sa pagtalakay ng aralin, maaaring gumamit ng ibang teksto.
Ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat domain ay malilinang sa
pamamagitan ng mga gawaing magaganap sa loob ng klase. Hindi ito
nangangahulugan na ang lahat na kasanayan ay lilinangin sa loob ng isang
araw na pag-aaral. Ngunit inaasahan na malilinang ang mga kasanayang ito
sa loob ng nakatalagang bilang ng sesyon.
46
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN
Domain Kasanayang Pampagkatuto
Pag-unawa Naipadarama ang pag-unawa sa damdamin ng mga
sa Napakinggan tauhan batay sa diyalogong napakinggan
Pag-unawa Nabibigyang puna ang kabisaan ng paggamit ng mga
sa Binasa tauhan na parang mga taong nagsasalita at kumikilos
Paglinang sa Nabibigyang kahulugan ang pahayag na ginamit sa
Talasalitaan pabula
Panonood Naipakikita ang transpormasyong nagaganap sa
tauhan batay sa pagbabagong
pisikal
emosyonal
intelektwal
Pagsasalita Naibabahagi ang ang katangian ng mga hayop na
ginamit na tauhan sa mga pabula ng Korea
Pagsulat Naisusulat ang paglalarawan ng mga hayop na
ginamit sa mga pabula
Gramatika/Retorika Naggamit nang wasto ang mga modal sa
pagpapahayag ng kaisipan
DRAFT
Estratehiya Nasasaliksik ang iba’t ibang tauhang hayop na
sa Pananaliksik ginagamit sa mga tanyag na pabula sa Korea
Tuklasin
April 1, 2014
Bago talakayin ang araling ito, ibigay bilang takdang- aralin ng mga mag-aaral
ang pagsaliksik sa mga pabulang mula sa Korea. Magagamit nila ang kanilang mga
nasaliksik sa lubos na pag-unawa sa araling ito. Pahapyaw na pag-usapan ang mga
nalalaman ng mga bata tungkol sa Korea.
GAWAIN 1. Iguhit Mo
Mainam ang gawaing ito hindi lamang upang masukat ang kaalaman ng mga
mag-aaral sa mga nabasang pabula, matutukoy rin ang kaugalian at pananaw nila
sa buhay. Masusulyapan ng guro ang bahagi ng pagkatao ng mga mag-aaral.
GAWAIN 2. Iugnay Mo
Basahin sa klase ang pabulang mula sa Korea na pinamagatang “Ang
Pasaway na Palaka”, at ipasagot ang mga tanong.
47
Ang Pasaway na Palaka
Kapag sinabi ng kanyang ina na maglaro siya sa tabi ng burol, maglalaro siya
sa dalampasigan. Kapag naman sinabing pumunta siya sa mga kapit-bahay sa itaas,
magtutungo siya sa ibaba. Anuman ang sabihin ng kanyang ina ay gagawin niya ang
kabaligtaran nito.
“Ano kaya ang gagawin ko sa batang iyon?” bulong niya sa kanyang sarili.
“Bakit hindi siya maging tulad ng ibang mga batang laging sumusunod sa mga
ipinag-uutos sa kanila. Sila ay mabubuti at magagalang. Hindi ko alam kung ano ang
mangyayari sa kanya, kapag magpapatuloy siyang ganito. Kailangan kong maituwid
ang mga baluktot niyang pag-uugali.” Buntong- hininga ng nanay na palaka.
DRAFT
“Ganoon ba?” wika ni Inang Palaka. “Bakit hindi ka makakokak nang wasto?
Ni hindi mo alam lumikha ng tunog na tulad ng isang palaka. Hayaan mong turuan
kita.” Huminga nang malalalim si Inang Palaka nang may ngiti sa kanyang mga labi
at buong lakas na bimigkas ng Kokak! Kokak! "Sige, subukin mo."
April 1, 2014
Ngumisi nang todo ang batang palaka at huminga rin nang malalim. Buong
lakas niyang isinigaw ang Kakok! Kakok!
“Pasaway! Sutil kang bata ka! Papatayin mo talaga ako!” sigaw ni Inang Palaka.
Makinig ka sa akin kung alam mo kung ano ang makabubuti sa iyo. Ngayon...”
Isang araw ay tinawag niya ang kanyang anak habang nakahiga sa kama.
“Anak”, wika niya, “ Sa tingin ko’y di na ako magtatagal pa. Kapag namatay
ako,huwag mo akong ilibing sa bundok, ilibing mo ako sa tabi ng sapa. Nasabi niya
ito dahil alam niyang gagawin ng kanyang anak ang kabagtiran ng kanyang sinabi.
Lumipas ang ilang araw, namatay na si Inang Palaka. Umiyak nang umiyak ang
batang palaka. “O, kawawang ina ko. Labis siyang nag-alala sa pagiging pasaway
ko. Bakit hindi ko siya pinakinggan?” sumbat niya sa kanyang sarili. Ngayon, wala na
siya. Pinatay ko siya. Pinatay ko siya."
48
Simula noon , ang mga berdeng palaka ay nag-iingay ng kokak! kokak!
kapag umuulan. Ito rin ang dahilan kapag ang isang Korean ay gumagawa ng
kabaligtaran ng dapat niyang gawin ay tinatawag na Cheong Kaeguli, palakang
puno.
Linangin
DRAFT
GAWAIN 3. Tukuyin ang Ipinahihiwatig
Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga nais ipahiwatig ng mga bahayag na
nabanggit sa gawain.
April 1, 2014
Ipaayos sa mga mag-aaral ang wastong pagkakasunod-sunod ng paglabas
ng mga tauhan sa pabula. Mula rito ay ipalarawan sa kanila ang katangian at
ginampanan ng bawat tauhan.
GAWAIN 6. Basahin Mo
Ipabasa ang pabulang pinamagatang “Nagkamali ng Utos” mula sa Pilipinas.
Ihambing ito sa pabulang galing Korea. Suriin kung may pagkakatulad ba o
pagkakaiba ang katangian ng mga hayop na ginamit sa mga pabulang galing sa
magkaibang bansa.
49
Pagsasanib ng Gramatika
Talakayin ang modal bilang malapandiwa at panuring sa pandiwa. Balik-
tanawin din na ang modal tulad ng napag-aralan nila noong sila ay nasa baitang
walo ay isang uri ng pangungusap na walang paksa.
Pagsasanay 1
Hahalawin ng mga mag-aaral ang mga modal na ginamit sa pabulang
“Nagkamali ng Utos”, at kikilalanin nila kung paano ito ginamit.
Pagsasanay 2
Layunin ng gawaing ito na malinang ang mag-aaral sa pagpapahayag ng
kanilang saloobin at masukat ang lawak ng kamalayan nila tungkol sa mga isyung
panlipunan sa bansa.
Pagsasanay 3
Ipasagot sa mag-aaral upang mas malinang ang kanilang kasanyan sa
pagkilala ng mga gamit ng modal.
Pagsasanay 4
DRAFT
Magpasulat ng isang batas na nais ng mag-aaral na ipatupad sa bawat isyung
panlipunan. Maaari rin silang magmungkahi ng isa o dalawang mga hakbang na
dapat gawin upang malutas ang mga isyung nabanggit. Ipasuri sa mga mag-aaral
kung anong uri ng modal ang ginamit sa bawat pangungusap.
Pagnilayan at Unawain
April 1, 2014
Bago ipagawa ang gawaing ito bigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong
magsaliksik sa internet o aklatan tungkol sa iba pang hayop na kadalasang
ginagamit ng mga taga Korea sa kanilang mga pabula. Pahapyaw na talakayin sa
klase.
Ilipat
50
Aralin 2.3
Deskripsyon ng Aralin
Ang Aralin 2.3 ay naglalaman ng mga konsepto tungkol sa sanaysay.
DRAFT
Naglalahad ito ng isang sanaysay ng Taiwan na pinamagatang “Ang Kababaihan ng
Taiwan : Ngayon at Noong Nakalipas na 50 Taon”, na isinalin sa Filipino ni Sheila C.
Molina. Kabilang din sa pagtalakay ang mga pangatnig na magkatimbang at di-
magkatimbang na yunit na magagamit ng mga mag-aaral sa pagsulat ng editoryal
na nagpapahayag ng sariling opinyon o pananaw.
April 1, 2014
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
sanaysay gamit ang teknolohiya at mga pangatnig upang makapaglahad ng sariling
opinyon sa ilang napapanahong isyu
Paalala sa Guro:
Ang matutunghayang mga gawain at estratehiya sa gabay na ito ay pawang
mga mungkahi lamang. Malaya ang guro sa paggamit ng iba pang pamamaraan na
sa tingin niya ay angkop gamitin sa kaniyang klase. Maaaring palitan ng guro ang
mga kasanayan sa bawat domain ngunit tiyakin na nakabatay pa rin sa pagtamo ng
bawat pamantayan. Ang bansa na pinagmulan ng teskto at genre ng panitikan ay
hindi maaaring palitan. Kung may iba pang teksto na maaaring gamitin sa
pagtalakay ng aralin, maaaaring gumamit ng ibang teksto. Ang mga kasanayang
pampagkatuto sa bawat domain ay malilinang sa pamamagitan ng mga gawaing
magaganap sa loob ng klase. Hindi ito nangangahulugan na ang lahat ng
kasanayan ay lilinangin sa loob ng isang araw na pag-aaral. Ngunit inaasahan na
malilinang ang mga kasanayang ito sa loob ng nakatalagang bilang ng sesyon.
51
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN
Domain Kasanayang Pampagkatuto
Pag-unawa Naipaliliwanag ang opinyon/pananaw ng may-akda tungkol
sa Napakingggan sa paksa batay sa napakinggan
Pag-unawa Naipaliliwanag ang mga :
sa Binasa kaisipan
layunin
paksa; at
paraan ng pagkakabuo ng sanaysay
Paglinang Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa
ng Talasalitaan pagkakagamit sa sanaysay
Panonood Naibabahagi ang sariling opinyon/ pananaw sa paraan
ng paglalahad ng nagsasalita
Pagsasalita Naipapahayag ang sariling opinyon/pananaw tungkol
sa napapanahong isyu
Pagsulat Nakasusulat ng talatang naglalahad ng sariling
opinyon/pananaw tungkol sa napapanahong isyu o paksa
Gramatika/ Nagagamit ang angkop na mga pangatnig sa pagbibigay
DRAFT
Retorika ng sariling opinyon/pananaw
Tukasin
April 1, 2014
Ipababasa nang tahimik ang maikling talata upang tayain ang kakayahan ng
mga mag-aaral sa pag-unawa sa binasa. Sasagutin ang mga tanong at ito ay
isasagawa nang dalawahan.
52
2. Patunayan na karapat-dapat ang dalagang Pilipina sa isang tunay na
pagtatangi.
Linangin
Pag-usapan :
Ang sanaysay ay isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong
tuluyan at tumatalakay sa kapaligiran, tao, hayop, pook, pangyayari, bagay at guni-
guni na kayang unawain ng damdamin at ipaliwanag ng isip. Matapos nito, maaari
DRAFT
nang simulan ang mga gawain.
April 1, 2014
1. parehong pagkakataon - oportunidad
2. pantay na karapatan - pribilehiyo
3. naiiba na ang gampanin - tungkulin
4. hindi makatarungan ang trato - makatwiran
5. higit na mapanghamon - nangangailangan ng
ibayong lakas ng isip at katawan
53
GAWAIN 6. Tugunang Tanong Sagot
Ang Tugunang Pagtatanong ay tungkol sa sistemang pagsusuri ng mga
tanong at paraan ng pagsagot. Nahahati sa tatlong kategorya ang ugnayang
tanong sagot. Ipaliliwanag ng guro ang tatlong kategorya ng mga tanong.
Hahatiin sa tatlo ang klase. Babasahin ng kinatawan ng pangkat ang nabuong
sagot.
DRAFT
Sariling Sikap- ang pagsagot sa mga tanong ay manggagaling sa sariling
pananaw, kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral.
April 1, 2014
kababaihan sa lipunan.
2. Isa-isahin ang katangiang taglay ng sanaysay.
Sagot sa Pagsasanay:
at kundi
o upang
nang
54
Pagsasanay 2. Opinyon Mo’y Ipahayag
Magpapakita ng mga larawan ang guro tungkol sa napapanahong mga isyu
sa bansa. Bubuo ng mga pangungusap ang mga mag-aaral na nagpapahayag ng
kanilang opinyon gamit ang mga pangatnig. Isusulat sa papel ang sagot.
Pagnilayan at Unawain
DRAFT
Maaaring Sagot sa mga Pokus na Tanong:
1. Paano masasalamin sa sanaysay ang kalagayang panlipunan at kultura ng
Silangang Asya?
Posibleng sagot:
Sa binasang sanaysay ng Taiwan ipinapakita ang katotohanan na
April 1, 2014
hanggang sa kasalukyan ay hindi pantay ang katayuan ng babae at lalaki sa
lipunan. Maaaring may kinalaman ito sa higit na pagpapahalaga ng lipunan
sa kalalakihan dahil ang lalake ang magdadala ng pamilya. Bagamat ang
kababaihan ay nabibigyan na ng karapatan sa pagtatamo ng edukasyon hindi
pa rin ito sapat upang mabigyan ng pantay na karapatan ang babae at lalaki
sa larangan ng trabaho.
55
Ilipat
DRAFT
Kaangkupan sa paksa
Kawastuhan ng balangkas
April 1, 2014
2 - Hindi mahusay
1 - Kailangan pang linangin
56
Aralin 2.4
Panitikan: Niyebeng-itim
Maikling Kuwento – Tsina ni Liu Heng
Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra
Deskripsyon ng Aralin
Ang Aralin 2.4 ay naglalaman ng mga konsepto tungkol sa maikling
kuwento. Nagsasalaysay ito ng kaugalian at uri ng pamumuhay ng Tsina na
pinamagatang “Niyebeng Itim ni Liu Heng” na isinalin sa Filipino ni Galileo S.
Zafra Kabilang din sa pagtalakay ang mga panuring bilang pampalawak ng
pangungusap na magagamit ng mga mag-aaral sa paglalarawan ng kaugalian at
DRAFT
uri ng pamumuhay ng alinmang bansa sa Silangang Asya.
April 1, 2014
bansang pinanggalingan nito
Paalala sa Guro:
Ang mga gawain at estratehiya sa gabay na ito ay pawang mga mungkahi
lamang. Malaya ang guro sa paggamit ng iba pang pamamaraan na sa tingin niya
ay angkop gamitin sa kaniyang klase. Maaaring palitan ng guro ang mga
kasanayan sa bawat domain ngunit tiyakin na nakabatay pa rin sa pagtamo ng
bawat pamantayan. Ang bansa na pinagmulan ng teskto at genre ng panitikan ay
hindi maaaring palitan. Kung may iba pang teksto na maaaring gamitin sa
pagtalakay ng aralin, maaaaring gumamit ng ibang teksto.
57
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN
Domain Kasanayang Pampagkatuto
Pag-unawa Nasusuri kung anong uri ng maikling kuwento batay sa mga
sa Napakinggan pangungusap
Pag-unawa Nailalahad ang kulturang nakapaloob sa binasang halimbawa
sa Binasa ng isang kuwentong pangkatutubong kulay
Paglinang Nabibigyang-kahulugan ang mga kaisipan mula sa maikling
ng Talasalitaan kuwento
Panonood Napaghahambing ang mga bansa sa Silangang Asya batay sa
napanood na bahagi ng teleserye o pelikula
Pagsasalita Naikukuwento ang sariling karanasan na may kaugnayan
sa kulturang nabanggit sa alinmang nabasang maiklin kuwento
Pagsulat Nailalarawan ang sariling kultura batay sa sariling maikling
kuwento na may uring pangkatutubong-kulay
Gramatika/ Napapalawak ang mga pangungusap
Retorika
Estratehiya Nasasaliksik ang mga tradisyon, paniniwala at kaugalian
sa Pananaliksik ng mga Asyano batay sa maikling kwento ng mga ito
DRAFT
Tuklasin
April 1, 2014
papel ang sagot.
2. Tauhan
Tauhan
3.
Lugar
4.
5. Pangyayari
Linangin
DRAFT
Pag-usapan :
Tatanungin ng guro kung may alam ang mga mag-aaral tungkol sa uri ng
maikling kuwento. Ipaliliwanag ng mag-aaral ang pagkakaiba ng kuwento ng
tauhan, kuwento ng banghay at kuwento ng katutubong kulay. Ang konsepto ng
mga mag-aaral tungkol sa pagkakaiba-iba ng mga uri ng maikling kuwento ay higit
na lilinawin ng guro sa kaniyang pagpapaliwanag. Matapos ang talakayan ay
April 1, 2014
pasasagutan na ng guro ang mga gawain.
59
GAWAIN 6. Ilarawan Mo
May nakahandang larawan ang guro ng dating anyo ng Maynila partikular na
ang Avenida. Mula sa tekstong binasa ay ilalarawan ng mga mag-aaral ang lugar,
kilos/gawi at uri ng pamumuhay sa Maynila. Maaari itong isagawa bilang isahan o
pangkatan.
DRAFT
Pagsasanay 2. Saliksik… Dunong…
Ibibigay bilang takdang-aralin ang pananaliksik tungkol sa kaugalian at uri ng
pamumuhay ng alinmang bansa sa Silangang Asya. Itatala sa papel ang
kinalabasan ng pananaliksik at bilinan ang mga mag-aaral na sikaping gumamit ng
mga panuring sa pagpapalawak ng pangungusap. Isasagawa ng dalawahan.
April 1, 2014
Mga Kagamitan: tsart ng talasalitaan; grapiko ng kayarian ng kwento; mga
larawan; tsart ng gramatika; Maaaring gumamit ng overhead projector.
Pagnilayan at Unawain
1. Paano naiiba ang maiking kwento ng katutubong kulay sa iba pang uri ng
kuwento?
60
rin ang pangkalahatang pag-uugali ng mga tao roon, ang kanilang mga
kilos/gawi, mga paniniwala,pamahiin at pananaw sa buhay.
Ilipat
DRAFT
kaugalian at uri ng pamumuhay ng alinmang bansa sa Silangang Asya. Tandaang
ang pagganap ay batay sa GRASP.
April 1, 2014
A-udience: Ang Kamag-aral ay mga turista
S-ituation: Sila ay iyong hihikayatin na magustuhan ang bansang binisita
P-erformance: Pasalitang Paglalarawan
S-tandard: (nasa ibaba ang pamantayang kung paano tatayain ang performance
ng mag-aaral)
61
Aralin 2.5
C. Teksto: Naglalarawan
DRAFT
karaniwang pamumuhay ng mamamayan
Paalala sa Guro:
Ang matutunghayang mga gawain at estratehiya ay pawang mga mungkahi
lamang. Malaya ang guro sa paggamit ng iba pang mga pamamaraan na sa tingin
niya ay angkop gamitin sa kaniyang klase. Maaaring palitan ng guro ang mga
April 1, 2014
kasanayan sa bawat domain ngunit tiyaking nakabatay pa rin sa pagtamo ng bawat
pamantayan. Ang bansa na pinagmulan ng teksto at ang genre ng pantikan ay hindi
maaaring palitan. Kung may iba pang teksto na maaaring gamitin sa pagtalakay ng
aralin, maaaring gumamit ng ibang teksto. Ang mga kasanayang pampagkatuto sa
bawat domain ay malilinang sa pamamagitan ng mga gawaing magaganap sa loob
ng klase. Hindi ito nangangahulugang ang lahat ng kasanayan ay lilinangin sa loob
ng isang araw o sesyon. Ngunit inaasahang malilinang ang mga kasanayang ito sa
loob ng nakatalagang bilang ng sesyon.
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN
Domain Kasanayang Pampagkatuto
Pag-unawa sa Nauuri ang mga tiyak na bahagi ng dula na
Napakinggan nagpapakita ng karaniwang pamumuhay batay sa
napakinggang diyalogo/pag-uusap
Pag-unawa Nasusuri ang dula batay sa pagkakabuo at mga
sa Binasa elemento nito
Paglinang Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang ginamit
ng Talasalitaan sa dula
Panonood Naipaghahambing ang mga napanood na dula batay
sa mga katangian at elemento ng mga ito
Pagsasalita Naibabahagi ang mga pangyayari sa sariling buhay
at natutukoy ang elemento ng dula na litaw rito
62
Pagsulat Naisusulat ang isang iskrip/banghay tungkol sa
karaniwang buhay ng isang Asyano
Gramatika/Retorika Nagagamit ang kohesiyong gramatikal na
pagpapatungkol sa pagsulat ng diyalogo ng dula
Tuklasin
DRAFT
ipatupi at ihulog sa isang Drop Box.Tawagin ang ilang mag-aaral at ipalahad sa
klase ang kanilang sagot ngunit huwag itong wastuhin, sabihin lamang na sila
ang makatutuklas ng tamang sagot/konsepto sa pagtatapos ng aralin.
4. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga Gawain 1 hanggang Gawain 3, tandaan
na hindi kailangang maging wasto ang kanilang sagot at hindi rin sa bahaging
ito tatalakayin ang aralin, iwasan ang pagpapaliwanag. Ito ay magsisilbing
gabay lamang sa guro kung ano ang eskima ng mga mag-aaral tungkol sa
April 1, 2014
elemento ng dula at kohesiyong gramatikal. Batay sa kinalabasan ng
panimulang pagtataya ay makapaghanda ang guro ng angkop na mga
estratehiya.
5. Kung maaari’y isagawa ang yugtong ito sa loob ng isang sesyon.
Linangin
63
GAWAIN 5. Unawain Mo!
1. Bahagi ng dula na naglalarawan ng karaniwang pamumuhay:
Paggawa ng paraan ni Yesügei upang makasundo ang kaalitang tribo
Pagsunod ni Tamujin sa utos ng kanyang ama na mamili ng
mapapangasawa
Pagpili ni Tamujin ng babaeng kaniyang pakakasalan ayon sa sariling
kagustuhan
Pagdadalawang-isip ni Borte sa pakikipagkasundo ng kasal kay
Tamujin
Pghingi ng bendisyon sa mga magulang ni Borte tungkol sa
kasunduang naganap
Pag-unawa ni Yesügei sa pagpapasya ng kanyang anak na si Tamujin.
DRAFT
2. Samantala, bago suriin ang ikalawang teksto marapat na mailahad ng guro
ang koneksyon ng dalawang akda.
3. Aalamin ng guro ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa binasang dula sa
pamamagitan ng mga tanong na:
April 1, 2014
b. Bakit kaya mahalaga ang payo ng isang kaibigan batay sa ipinakita sa
dula?
c. Sino sa mga tauhan ang nauunawaan mo/ di mo nauunawaan? Bakit?
d. Anong uri ng teksto ang binasa? Patunayan.(Naglalarawan sapagkat
ipakita sa dula ang relasyong namamagitan sa mag-ama at ang mga
kaakibat nitong mga damdamin batay sa mga kaganapan.)
e. Sa iyong pananaw, dapat bang pakialaman ng magulang ang
pagpapasya ng kanyang anak? Ipaliwanag.
f. Ano ang damdaming nangibabaw sa iyo matapos mong mabasa ang
dula? Ipaliwanag.
4. Matapos nito, isagawa ang Gawain 7, hindi na rin inilagay ang sagot
sa paghahambing sapagkat nasa patnubay na ito ng guro.
5. Sa puntong ito, ipasuri ang mga pahayag at diyalogong may salunggguhit.
Itanong sa mga mag-aaral, ano ang napansin nila rito? Mula rito, igiya ang
mga mag-aaral tungo sa aralin sa gramatika.
6. Ipaliwanag nang komprehensibo ang kohesiyong gramatikal na
7. pagpapatungkol, ang anapora at katapora.
8. Isunod ang pagsasakatuparan sa mga isinuhestiyong gawain.
9. Naririto ang sagot sa mga gawain sa gramatika/retorika:
DRAFT
5. Bakit sa Tribong Merit siya kailangang magmula? Hindi naman iyon
ang ating tribo. (Anapora)
April 1, 2014
iminumungkahi na ang pagtalakay sa unang teksto ay isang sesyon, isang
sesyon rin para sa ikalawang teksto at isang sesyon sa gramatika/retorika.
Pagnilayan at Unawain
65
Sagot sa Mahalagang Sagot sa Mahalagang
Tanong sa Panitikan Tanong sa
Gramatika/Retorika
Ang dula ay hango sa Gamit ang mga
kasaysayan ng buhay ng kohesiyong gramatikal
tao, mayaman ito sa mga na pagpapatungkol na
makatotohanang anapora at katapora
pangyayari na ating maiiwasan ang pag-uulit
nasaksaksihan sa pang- ng mga salita na
araw-araw na makatutulong sa
pamumuhay. mabisang pagsulat ng
diyalogo.
Ilipat
DRAFT
1. Pag-usapan ang kulturang Mongolia na lumitaw sa unang dulang pinag-
aralan o iba pang kultura ng Silangang Asya. Maaaring magpalaro ng
paramihan ng maitatalang kultura ng Silangang Asya. (Makabubuti rin na
bago ang yugtong ilipat ay ibigay na takdang-aralin sa mag-aaral ang
pagsasaliksik sa kultura ng Silangang Asya.)
April 1, 2014
2. Pagkatapos, itanong sa mga mag-aaral kung ano ang inaasahan sa kanila sa
pagganap. Ihayag ang GRASPS:
Pamantayan Bahagdan
Kahusayan Sa Pagganap 30%
Orihinalidad 30%
Kabuuang Pagtatanghal 30%
Pagkamakatotohanan 10%
Kabuuang Marka 100%
Marka:
Napakahusay- 100-91%
Mahusay- 90-81%
Mahusay-husay- 80-75%
Nagsisimula- 74%-pababa
66
Bago sumulat ng iskrip at magtanghal ang mag-aaral, magbigay ng input tungkol
dito.
Sa pagsulat ng iskrip ng dula isinasaalang-alang ang sumusunod:
1. Diyalogo
Ang dramatikong diyalogo ay dapat na masining, pili ang mga salita at
pinatindi batay sa sitwayon;
Kailangang mapalilitaw ang natural na pagsasalita ng mga tauhan gamit
ang mga diyalogo
2. Banghay
Magkakaugnay ang mga pangyayaring isinisiwalat;
Masining ang pagkakasunod-sunod ng nito.
Hinahati-hati ang buong banghay sa mga yugto o bahagi at ang bawat
yugto ay sa mga tagpo o eksena.
Gaano man kahaba o kaikli ang isang dula, dapat itong magtaglay ng
paglalahad, suliranin, gusot at ang kawakasan.
Ang suliranin o ang gusot ay ang pagtaas na ng aksyon na
kinakailangan malutas sa pagtutunggalian ng mga tauhan.
DRAFT
Ang huling bahagi ng dula ay ang resolusyon at wakas na bunga ng
tunggalian ng mga tauhan o pwersa sa kapaligiran.
April 1, 2014
Bilang takdang-aralin, isinusuhestiyong papanoorin ang mga mag-aaral ng isang
dula at ipahambing ang mga elemento nito sa mga pinag-aralang akda. Maaari ring mula
sa napanood na dula ay pumili ang mag-aaral ng isang karaniwang pangyayari at
sumulat ng iskrip tungkol dito na gagamitin ang mga kohesiyong gramatikal na anapora
at katapora sa mga pahayag o diyalogo.
1. Para sa yugtong ito, ipasagot ang Gawain 1-3 upang matiyak na natutuhan ng
mga mag-aaral ang mga kasanayan at mahalagang konsepto ng aralin.
2. Nasa pamamatnubay na ng guro ang mga sagot para sa Gawain 1 at 2.
Samantala, nasa ibaba ang sagot para sa mahalagang tanong, ngunit
tandaan na maaring iba ang paraan ng pagpapahayag ng mag-aaral, ang
mahalaga ay nakapaloob ito sa konteksto nng pahayag na nasa kahon.
DRAFT
Blg. Deskripsiyon Bahagdan
1 Kalinawan 25%
2 Kaangkupan 15%
3 Kahustuhan 15%
4 Katiyakan 15%
5 Kawastuhan 15%
April 1, 2014
6 May layunin 15%
Kabuuan 100%
68
V. PANGWAKAS NA PAGTATAYA PARA SA Modyul 2.
(Ang susi sa pagwawasto ay nasa huling bahagi.)
DRAFT
Naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon
kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan
nang pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay
tumatanggap nang pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon
pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing
April 1, 2014
lider nito.Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa
kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid p arinsakanila. Marami pa ring
dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking
pag-asa na Makita ang ganap at pantay na karapatan nila salipunan.
A. balita C. lathalain
B. editoryal D. sanaysay
A. pang-ukol C. pang-angkop
B. pangatnig D. pantukoy
69
7. Ang patunay na hindi pa ganap na pantay ang kalagayan ng babae
at lalaki sa Taiwan ay _________.
A. iskrip C. diyalogo
B. direktor D. tanghalan
A. aktor C. direktor
B. iskrip D. tanghalan
DRAFT
sa pinalitang pangalan sa unahan.
A. anapora C. nominal
B. berbal D. katapora
11. Ano ang ipinahihiwatig ng hatol nina Pino at Baka na... dapat kainin
April 1, 2014
ng tigre ang tao?
13. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito? Hindi, ako ang doktor.
70
14. Buuin ang kaisipan ng tula ayon sa pinakawastong pagkakasunod-sunod ng
mga taludtod.
1 Nang humangi’y yumuko
2 Nagkabunga ng ginto
3 Palay siyang matino
4 Nguni’t muling tumayo
A. 3214 C. 1234
B. 3142 D. 3214
A. Kawayan C. Palay
B. Damo D. Ginto
DRAFT
pinakamalalang panahon, walang ibinubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas
mabuting maghintay kaysa umayaw, dahil walang makakaalam kung kailan kakatok
ang oportunidad. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba ?
Nag-iisip si Huiquan.
April 1, 2014
ni Liu Hengsalin ni Galileo Zafra
A. karpintero C. ahente
B. kargador D. negosyante
A. aktor C. manonood
B. iskrip D. tanghalan
22. “Ang tanging alam ko lamang ay ito ang ibinigay ng pagkakataon sa akin. Ikaw
ang aking nakita.”Ano ang panlaping ginamit sa pahayag ilang kohesiyong
gramatikal?
A. akin C. ikaw
B. ito D. ko
DRAFT
23. Anong uri ng kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol ang sagot sa bilang 4?
A. anapora C. nominal
B. berbal D. katapora
April 1, 2014
ang kaniyang pinaniniwalaang tama.
A. nila C. sila
B. niya D. siya
29. Mahilig gamiting paksa sa Tanka at Haiku ng Japan ang tungkol sa paglipas
ng panahon. Ano ang ipinahihiwatig nito tungkol sa kultura at kaugalian
ng mga Japanese?
DRAFT
30. Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan ng Silangang Asya?
April 1, 2014
Sa ngayon, ang kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan.
Hindi man ito maituturing na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang
pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual
harassment na madalas ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga
suliraning pambansa.
73
31. Ang sumusunod ay mga kaisipan na nais ipahayag ng may-akda
maliban sa ___________.
A. nagpapaawa C. nangangamba
B. nagpapaunawa D. nagagalit
April 1, 2014
ipinagbibili. Madalian ang kanilang usapan. Mabilis magkasundo. Tiyak ang
pook na tipanan - - sa harap ng isang mesa: sa ibabaw ng umaasong kapeng-
mais na pinapuputla ang kulay ng gatas na may bantong gata ng niyog. Kung
sila’y palarin: kakamal ng libo, kung mabigo naman ay gutom maghapon.
A. kargador C. ahente
B. tindero D. negosyante
35. Sa pangungusap na “Kung sila’y palarin: kakamal ng libo, kung mabigo naman
ay gutom maghapon.” Ipinahihiwatig nito na __________.
74
36. Sa pariralang “mga mamimili ng walang puhunan (karamiham), at mga
tagapagbili ng mga bagay na wala sa kanila at lalong hindi kanilang pag-aari.”
Masasabing ang mga taongt ulad nila ay _______.
A. madiskarte C. matulungin
B. matalino D. matiyaga
Temüjin: Itay ako’y masyado pang bata para sa bagay na iyan. Ang kasal
ay sa matatanda lamang.
Yesügei: Aba’t ang batang ito, hindi naman ibig sabihin na kapag nakapili
ka na ng babaing pakakasalan mo ay magsasama na kayo. Isang
simpleng pamimili lamang ng babae ang gagawin mo at
pangakong siya’y iyong pakakasalan.
Temüjin: Ganoon po ba iyon?
Yesügei: Oo, anak.Tayo’y nabibilang sa Tribong Borjigin kaya’t ikaw ay pipili
ng babaing mapapangasawa sa Tribong Merit.
Temüjin: Bakit sa Tribong Merit siya kailangang magmula? Hindi naman
iyon ang ating tribo.
Yesügei: Malaki ang atraso ko sa tribo, kaya’t sa ganitong paraan ako’y
DRAFT
makababawi sa kanila.
Halaw sa “Munting Pagsinta”
Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora
April 1, 2014
A. pambayad atraso ang anak
B. maagang pag-aasawa
C. pagpili ng mapangangasawa sa murang edad
D. pag-iisa ng dalawang tribo bunsod ng kasal
75
40-50. Sumulat ng isang lathalain tungkol sa kultura at kaugalian ng alinmang bansa
sa Silangang Asya.
SUSI SA PAGWAWASTO
1. C 11. B 21. B 31. D 40- 50
2. B 12. B 22. D 32. B p
3. A 13. D 23. D 33. B a
4. C 14. B 24. B 34. C t
5. D 15. C 25. C 35. D n
6. B 16. D 26. D 36. A u
7. C 17. B 27. C 37. D b
8. C 18. D 28. C 38. D a
9. B 19. A 29. C 39. D y
10. A 20. C 30. C
DRAFT
Bilang sintesis o paglalagom para sa kabuuan, iminumungkahi na isagawa
ang Hagdan ng Kosepto na nakatala sa aklat ng mga mag-aaral. Narito ang mga
pahayag na kokumpletuhin:
Ngayon masasabi ko na…
Natuklasan ko na…
Natutuhan ko sa buong modyul na…
April 1, 2014
Marahil, mainam rin kung makabubuo ang guro ng ibang paraan o estratehiya
para sa paglalagom na akma sa mga mag-aaral.
76