Isports Lingo

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang isports lingo ay ang koleksyon ng terminolohiya na ginagamit sa isang isport na may ibang

paggamit o kahulugan. Dito sa Pilipinas ay madalas gamitin ang isports lingo sa mga larong
basketball, volleyball at boxing dahil ito ang mga sikat na isports sa Pilipinas.

Ang sumusunod ay ang mga isports lingo para sa basketball:

1. Tinambakan

2. Inilublob sa putik

3. Nilampaso

4. Nilamon

5. Sinapa ng balat sibuyas na player ang basketball

Ang sumusunod ay ang mga isports lingo para sa volleyball:

1. mala - kidlat na spike

2. mala - bulkang pinatubo na toss

3. mala - kidlat na serve

ang halimbawa ng sports linggo ay:


pinataob,kayod-marino,malasipa-kabayong lakas,tumipak
ipinalasap,umarangkada,ipinalagpak,pinag-mukhang basang
sisiw,naglalagablab,isinubsub,inilugmok sa putikan ng kahihiyan,pumailanlang,pangkalahatng
kampeon,nagpasabog.

Ateneo, wagi kontra La Salle, kampeon sa UAAP men's basketball


Nanaig ang Ateneo Blue Eagles kontra karibal na De La Salle Green Archers para masungkit ang
kampeonato sa UAAP Season 80 men's basketball tournament nitong Linggo.

Isang mainit na fourth quarter run ang pinakawalan ng Ateneo para tuluyang iwan ang La Salle,
88-86, at maagaw sa kanila ang korona.

Umpisa pa lang ng laban, agad ipinakita ng Blue Eagles ang determinasyon. Lumamang pa sila ng
10 sa pagtatapos ng unang quarter, 24-14.

Pagdating ng ikalawang quarter, pinilt ng La Salle na bumalik sa laban sa pamamagitan ng


shooting at inside plays nina Ricci Rivero at season Most Valuable Player Ben Mbala.
Nagtapos ang unang half sa iskor na 45-38, lamang ang Ateneo.

Nagpakitang gilas ang Green Archers sa third quarter. Tumindi ang dipensa para maitabla ang
iskor sa 66.

Ito ang unang kampeonato ng Ateneo makalipas ang limang taon, nang tuldukan ng La Salle ang
kanilang five-peat domination.

Nagtala ng gate attendance na 22,000 sa Araneta Coliseum kung saan idinaos ang laro.

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

You might also like