Ang Suliranin at Ang Saklaw Nito
Ang Suliranin at Ang Saklaw Nito
Ang Suliranin at Ang Saklaw Nito
important tools teachers can use to understand the needs of the students.” Sa pahayag na ito,
sinasabing ang pagtataya ay mahalagang kasangkapan upang masukat ng guro ang kaalamang
natamo ng mga estudyante. Matutuklasan ng guro ang mga kalakasan at kahinaan ng bawat
indibidwal. Kung gayon, mabibigyang gabay siya upang mas mapaunlad ang paraan ng
pagtuturo at mabigyang direksyon ang mga estudyante tungo sa pagkatuto.
Ayon kay Howard Gardner (Mayos 2008) sa kanyang teoryang multiple intelligences,
ang bawat estudyante ay may iba’t ibang lebel ng katalinuhan. Ang mga ito ay ang linggwistik,
lohikal-mathematikal, biswal-spatial, musical, bodily-kinesthetik, intrapersonal, interpersonal,
naturalist at eksistensyal. Sinasabing mahalaga sa isang mabuting pagtuturo at pagkatuto ang
pagtuklas at pag-uunawa sa mga katalinuhan o istilo ng pagtuturo ng mga estudyante. Ipinahayag
ni Gardnerna ang bawat isa sa atin ay nagtataglay ng siyam na uri ng katalinuhan ngunit sa iba’t
ibang sukat o kakayahan.
Ang teoryang Multiple Intelligences ay makikita at magagamit sa tuwing nagbibigay ang
guro ng alternatibong pagtataya. Sa bahaging ito,hindi lamang puro kaalaman at masteri ang
nasusukat, bagkus, nalilinang ang iba’t ibang kasanayan at kakayahan ng bawat indibidwal. Sa
pamamagitan ng alternatibong pagtataya gamit ang Multiple Intelligences, mas lalong
naipapakita ng mga estudyante ang kanilang kaalaman gamit ang kanilang katalinuhan at
kakayahan.
Samakatuwid, pawang ang tradisyunal na pagtataya at ang alternatibong paraan ay may
kaakibat na batayan ng mga teorya. Mayroon mang iba’t ibang paniniwala, pawang ang layunin
nito ay maintindihan at mauwanaan, masukat ang kakayahan ng bawat estudyante sa natamong
kabatiran.
Ayon kay Novak (1998), “Ang tradisyunal na pagtuturo ay yaong nakapokus sa guro
bilang taga – kontrol sa kapaligiran ng mag-aaral. Ang kakayahan at responsibilidad ay nasa
guro at ginagampanan niya ang tungkulin bilang instruktor sa paggamit ng talakayan sa leksyon
at nagsisilbing tagapagdesisyon sa laman ng kurikulum at mga posibleng kalalabasan nito ang
pinag-uusapan. Tinatangkilik nila ang mag-aaral bilang “knowledge holes” na kailangang punan
ng sapat na kaalaman at impormasyon. Sa katunayan, ang mga tradisyunal na guro ang siyang
dahilan sa katagumpayan ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Dito sila unang namulat sa kaalaman
sapagkat ito ang unang ginamit ng mga guro na paraan sa pagtuturo.
Ayon kay Lardizabal (1995), ang pagtuturo ay isang proseso ng komunikasyon ng guro at mag-
aaral. Ang pagtuturo ay hindi na nakasalig lamang sa berbal na komunikasyon ng guro at mag-
aaral. Maraming kagamitan ang pagtuturo at pagkatuto. Ang kagamitan pampagtuturo o
kagamitang instruksyonal ay anumang karanasan o bagay na ginagamit ng guro bilang pantulong
sa paghahatid ng impormasyon, kasanayan, saloobin, palagay, katotohanan, pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging konkreto, tunay, dinamiko at ganap ang
pagkatuto.
Sa paghahanda ng mga midyang instruksyonal ay kailangang alamin ang karakteristik at
pangangailangan ng estudyante. Tiyakin ang layunin, balangkasin ang nilalaman, iplano ang
suportang kakailanganin at isaalang-alang din ang mga materyal na paghahanguan. Sa
pagsusulat, ihanay ng maayos ang mga ideya, pag-isipan at simulang buuin ang mga gawain at
fidbak, humanap ng mga halimbawa at umisip ng mga grafiks.
Sinasabi ngang walang kagamitang panturo ang maipapalit sa isang mabuting guro,
ngunit isang katotohanang hindi maitatanggi na ang mabuting guro ay gumagamit ng mga
kagamitang pampagtuturo tungo sa mabisang pagkatuto ng mga estudyante.
Ayon kina Abad at Ruedas (2001), ang mga kagamitang panturo sa modernong
pagtuturo, tulad ng midyang instruksyonal ay nagbibigay ng kongkretong pundasyon sa pag-
katuto, halimbawa:
Nagbubunga ito ng wastong gawi sa pag-aaral;
Nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag-aaral sapagkat higit na napasisigla at napagagaan
ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto;
Nagdudulot ito ng maayos, madali, makahulugan at mabisang pagtuturo at pagkatuto;
Nag-aambag ito ng iba’t ibang karanasan sa mga mag-aaral tungo sa pagtatamo nila ng mga
minimithing kaalaman, pagkakamit ng kasanayan at pagpapahalaga sa kanilang sarili at
kapaligiran;
Nagbibigay ito ng mga tunay at iba’t ibang kalagayan upang mapasigla ang pansariling
gawain ng mag-aaral;
Nagkakaroon ng tiwala sa sarili ang mag-aaral at guro sapagkat may direksyon ang
pagtuturo at pagkatuto;
Nagkakaroon din ang mga guro ng kawilihan, magaan at sistematikong pagtuturo;
Nababawasan ang pagiging dominante ng guro sa pag-sasalitao pagtalakay ng aralin
sa loob ng silid-aralan.