Filipino Peridical 4th QTR

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Page 1 of 5

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa FILIPINO VIII

Test I. Multiple Choice

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan. Piliin lamang ang titik ng tamang
sagot.

1. Sinong makata ang nagsabi ng ganitong kaisipan “ tayo mismo ang humuhulma
sa ating daigdig” kaninong pahayag ito?
a. Francisco Balagtas c. Jose Dela Cruz
b. Winston Churchill d. Juan Miguel

2. Kailan ipinanganak si Francisco Balagtas?


a. Abril 2, 1786 c. Abril 2, 1788
b. Abril 2, 1787 d. Abril 2, 1789

3. Ano ang trabaho/hanapbuhay ng ama ni Francisco Balagtas?


a. Panadero c. Panday
b. Carpentiro d. Manunulat

4. Ano ang layunin ni Francisco Balagtas kung bakit pumunta siya sa Maynila ?
a. Makapagtrabaho c. Makapag-aral
b. Makahanap ng magiging kabiyak d. Makadalaw

5. Anu ang kursong nakuha at natapos ni Francisco Balagtas?


a. Guro c. Geograpiya at Teolohiya
b. Teolohiya at Pilosopiya d. Abogasya

6. Sinong pari ang naging guro ni Francisco Balagtas ?


a. Padre Gomez c. Padre Pilapil
b. Padre Zamora d. Padre Burgos

7. Ano ang bansag kay Jose dela Cruz, Siya ay kilala sa tawag na _________?
a. MAR c. Huseng sisiw
b. FB d. Dakilang manunulat

8. Kanino una namagneto si Francicsco Balagtas,dahil sa kanya nagbigay ito ng


ibayong inspirasyon para makasulat ng mga tula.
a. Maria Asuncion Rivera c. Juana dela Cruz
b. Juana Tiambeng d. Wala sanabanggit

9. Sino ang naging karibal ni Francisco Balagtas sa panunuyo kay Maria Asuncion
Rivera?
a. Mariano Pilapil c. Florante
b. Mariano Kapuli d. Victor Figueroa
Page 2 of 5

10. Sino ang naging asawa o kabiyak ni Francisco Balagtas?


a. Juan Tiambeng c. Juana dela Cruz
b. Maria Asuncion Rivera d. Juana Tiambeng

11. Anong taon ikinasal si Francisco Balagtas at ang kanyang kabiyak ?


a. 1841 c. 1843
b. 1842 d. 1844

12. Ilang taon si Francisco Balagtas nang ikasal sila ni Juana Tiambeng?
a. 52 c. 54
b. 53 d. 55

13. Ilan ang naging supling nina Francisco Balagtas at Juana Tiambeng?
a. 10 c. 12
b. 11 d. 13

14. Ilan ang edad o taon ni Juana Tiambeng nang ikasal sila ni Francisco Balagtas?
a. 30 c. 32
b. 31 d. 33

15. Sa mga naging anak ni Francisco Balagtas, Sino lamang ang nakapagmana sa
masining na pagsususulat ni Balagtas?
a. Miguel c. Victor
b. Juan d. Ceferino

16. Anong taon, nagtungo si Balagtas sa Balanga , Bataan na kung saan namasukan
siya rito bilang kawani ng Jues de Resedencia?
a. 1840 c. 1842
b. 1841 d. 1843

17. Saang lugar namuhay ng matiwasay ang mag-asawang Francisco Balagtas at


Juana Tiambeng?
a. Balanga, Bataan c. Udyong ( Orion)
b. Tondo, Manila d. Pandacan, Manila

18. Sa mga anak ni Francisco Balagtas at Juana Tiambeng, ilan lamang ang nabuhay
niyang mga anak?
a. 3 c. 5
b. 4 d. 6

19. Ilang taon si Francisco Balagtas nang siya ay palayain sa piitan, sa kanyang
huling pagkakakulong?
a. 70 c. 72
b. 71 d. 73

20. Ilang taon si Francisco Balagtas ng Sumakabilang buhay na siya.


a. 74 c. 76
b. 75 d. 77
Page 3 of 5

21. Saan isinulat ang Florante at Laura?


a. Bahay c. Manila
b. Piitan d. Tabing dagat

22. Anu ang pagkakaiba ng awit at korido?


a. Bilang ng sukat c. Bilang ng taludtod
b. Bilang ng pantig d. Bilang ng salita

23. Ilang pantig mayroon ang korido sa bawat taludtod?


a. 6 c. 10
b. 8 d.12

24. Ilang pantig mayroon ang awit sa bawat taludtod?


a. 6 c. 10
b. 8 d.12
25. Anong taon inilimbag ni Fernando Monleon ang kanyang edisyon ng Florante at
Laura?
a. 1967 c. 1969
b. 1968 d. 1970

Test II. Talasalitaan:


Paghambingin: Paghambingin ang kahulugan ng salita sa Hanay A sa Hanay B.
Isulat lamang ang titik sa bawat patlaang.

Hanay A Hanay B

______1. Pinaratangan a. Nakatulog


______2. Bukal b. Nagtrabaho
______3. Maidlip c. Tapat
______4. Namasukan d. Marangal
______5. Kapos e. Pinagbintangan
______6. Mariwasa f. Nakakatakot
______7. Nakakasindak g. Kulang
______8. Nagsisiyasat h. Pinaghahanap
______9. Pinag-uusig i. Nag-iimbestiga
--------10. Dakong j. Banda
_____11. Naglaon k. Kaawa-awa
_____12. Mapagkandiling l. Mapag-alaga
_____13. Ibubulalas m. Makakagamot
_____14. Ipinagkanulo n. Nagtagal
_____15. Makalulunas o. Pinagtaksilan
p. Sasabihin
Page 4 of 5

Test III. Palabigkasan

Isulat ang titik ng salita na may kakaiba ang bigkas.

1. Bi:lang at Bilang
_____a. Bilang ang lahat ng inimbita niya sa pagtitiipon sapagkat sapat na sapat lang
ang handa.
_____b. Ang Bilang ng mga tiket na ipinagawa ay kulang kaya nagpaimprenta pa siya
sa palimbagan.
_____c. ipinagtawid buhay nila ang dugong nananalaytay sa kanya bilang artista ng
panulaang Pilipino.

2. Su:nog at Sunog
______a. Sunog ang iprinito mong isda sapagkat sobra sa apoy.
______b. Makakaiwas tayo sa Sunog kung mag-iingat sa paggamit ng koryente.
______c. Kinain ng isang malaking Sunog sa Udyong ang maraming komedya at tula ni
Balagtas.

3. Ba:lot at Balot
______a. Marami sa mga panauhin ang sarap na sarap sa pagkain ng Balot.
______b. Isang Balot ng pansit ang dala-dala ng ama para sa mga anak.
______c. “ Tanang mga baging na namimilipit, ‘sa sanga ng kahoy ay Balot ng tinik”.

4. Ba:gong at Bagong
______a. May Bagong kasosyo siya sa negosyo kaya natagalan sa pakikipagpulong.
______b. masarap isawsaw ang manggang hilaw sa ginisang Bagong.
______c. “ Bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,/sangkap ng katawa’y pawang
magkaayos.”

5. Sa:ma at Sama
______a. Hinuli siya ng mga pulis sapagkat nabubuhay siya sa sama.
______b. Sama ka ng sama kaya nasermunan ka ng mga magulang mo.
______c. Kaliliha’y sama ang ulo’y nagtayo,/at ang kabaita’y kimi’t nakayuko,/santong
katwira’y lugami at hapo”.

6. La:mang at Lamang
_______a. Aalis lamang ako kung aalukin mo siya ng pamatid uhaw.
_______b. Lamang ang nakapula sapagkat mabilis kaagad nilang nailampaso ang mga
nakaputi.
_______c. “ Santong katuwira’y lugami at hapo,/ang luha na lamang ang pinatutulo”.

7. Da:ting at Dating
_______a. Dating boksingero ang ama niya.
_______b. Matapat kasi kaya napakalakas ang Dating ng pulitikong yan sa mga tao.
_______c. Kamatayan nasan ang Dating bangis mo.
Page 5 of 5

8. Ta:kot at Takot
_______a. Ayaw niyang gumawa ng masama sapagka’t Takot siyang magkasala sa
Diyos.
_______b. May Takot siya sa masasamang elemento ng lipunan.
_______c. “ Nanalo man ako kung bagong nanasok/ nakikita mo na’y may dala pang
Takot”.

9. La:bi at Labi
_______a. Katotohanan ang dapat lumabas sa kaniyang mga Labi.
_______b. Hindi ko na siya nakausap, ang tanging nadatnan ko ay kaniyang Labi.
_______c. kung ako’y mayroong kahapisang munti, hanggang di malining ay
dinarampi,sa mga mukha ko ang rubi mong Labi.
10. Hi:rap at Hirap
_______a. Sanay siya sa Hirap kaya nakukuha pa niyang ngumiti kahit may mga
problema.
_______b. Hirap sila ngayon kaya pinagkakasya nila ang maliit na pinagkakakitaan.
_______c. “ O Konde Adolfo, inilipat mo man/sa akin ang hirap ng sansinukoban/ ang
kabiguan mo ay pinasasalamatan.

You might also like