Talumpatiiiiii
Talumpatiiiiii
Talumpatiiiiii
St. Dominic
EDUKASYON
Sa aking guro, mahal kong mga kaibigan at aking mga kamag aral
magandang araw sainyong lahat. Nais Kong ibahagi sainyo ang aking talumpati na
patungkol sa kahalagahan ng edukasyon sa ating buhay.
Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang nawawalan ng interes sa Pag
aaral . Ang iba sakanila ay nagpapabaya na lamang. Dahil dito hindi na alam ng
nakakarami kung ano ba talaga ang silbi ng edukasyon sa ating pang-araw-araw
na pamumuhay. “ ang edukasyon ba ang siyang tanging yaman ng bawat tao?” “
paano ito makakatulong sa ating buhay? Yan ang Ilan sa mga katanungan sa ating
isipan.
Ang edukasyon ay mahalaga dahil ito ang ugat ng maginhawang buhay. Ang
edukasyon ay hindi lamang susi sa tagumpay kundi sa marami pang bagay. Ang
kaalamang natututunan natin sa paaralan ang nagbubukas at nagmumulat sa
ating kaisipan tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating kapaligiran at
nagbibigay sa atin ng pagkatuto. Ang edukasyon ang ating sandata para sa
magandang kinabukasan , hindi lamang para satin kundi pati na rin sa ating bayan.
Ang edukasyon ay nakakatulong sa ating buhay sa napakaraming paraan at Isa
narito ang pagpasok o paghanap ng maganda at maayos na trabaho dahil sa
panahon ngayon mahirap nang makahanap ng trabaho ang mga taong hindi
nakapag aral. Hindi hadlang ang kahirapan sa kinabukasan bagkus gawin natin
itong inspirasyon para makaahon sa buhay at magkaroon ng magandang
kinabukasan.
Ang edukasyon ang tanging yaman na hindi mananakaw o maangkin
ninuman. Ito ay Isa sa pinakamahalagang bagay para magtagumpay sa ating
buhay. Tunay ngang edukasyon ang pasaporte tungo sa tagumpay.