Paano Mailalarawan Ang Sistema NG Edukasyon Sa Pilipinas

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Paano mailalarawan ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas?

Edukasyon ang isa sa pinakamahalaga para sa mga kabataang Pilipino sapagkat ito ang
makakapag bigay sa atin ng magandang kinabukasan at upang maging maunlad ang isang
bansa. Subalit paano mabibigyan ng magandang kinabukasan ang bawat mamayang Pilipino
kung hindi nila matatamasa ang dekalidad na edukasyon sa ating bansa.
Ang k-12 ang pangunahing kurikulum na ginagamit sa ating bansa. Naglalayong ito na tulungan
ang mga kabataan at ang pantayan ang sistema ng edukasyon. Dito ay nadagdagan ng
dalawang taon na tinatawag nating senior highschool. Ang karagdagang taon na ito ay
nagnanais na ihanda ang mga mag aaral sa pag tatapos ng high school sapagkat maari na
silang makapag hanap ng trabaho kahit hindi nakapag kolehiyo. lingid sa kaalaman ng ating
pamahalaan ay madaming tao lubos na naapektuhan dahil sa makabagong implementasyon na
ito kahit na alam ng mga mamayang Pilipino na may magandang maidudulot ito.
Sa kinakaharap nating pandemya. Hindi madali ang naging Sistema ng ating edukasyon
sapagkat madami sa ating kababayan ang walang sapat na teknolohiyang gagamitin. Malaki
ang epekto nito sa ating edukasyon dahil hindi lahat ng studyanteng mag-aaral ay mayroong
kaggamitan at internet connection sakani-kanilangg tahanan. Online class ang panggunahing
daan upang maituloy ang pag aaral. Ang mga studyante ay nasa loob ng kani kanilang tahanan.

Ano-ano ang mga hakbang ng gobyerno kasama ang CHED, DepEd at TESDA upang gawing
handa sa mga trabahong naghihintay sa ibang bansa ang mga mag-aaral na Pilipino?

Ayon sa CHED Layunin nilang magtaguyod ng mas mabilis na paraan para makahanap ng
trabaho ang mga bagong tapos. Sa ilalim ng K-12, sinasabing nagkakaroon na ng sapat na
kakayahan ang isang estudyante para makapagtrabaho kahit hindi siya nakatapos pa ng
kolehiyo ayon sa DEPED Gayunman, hindi tiyak ng isang online jobs portal kung mayroon nga
bang mga trabahong partikular na bubuksan o magiging rekisito ang pagtatapos sa senior
highschool. Maging ang Department of Education, tiwalang makahahanap ng trabaho ang mga
magsisipagtapos na mag aaral na pilipino Ayon kay Jesus Lorenzo Mateo, undersecretary for
planning and field operations ng Department of Education (DepEd), binuo ang tracks o ang mga
specialization sa K-12 para mismo masanay ang mga estudyante sa mga kakayahang
pinakahinahanap sa trabaho.
Ipinagmalaki ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director
General Joel Villanueva na 6 sa 10 graduate ng technical vocational education and training
(TVET)ay nakakakuha ng trabaho anim na buwan makaraan ang kanilang pagtatapos. Nabatid
na 62 percent ang hiring rate na nakalap ng TESDA sa ginawa nilang ebalwasyon sa kanilang
mga graduates na nakakuha ng international certificates. Sa ilalim rin ng Training for Work
Scholarship Program (TWSP), nakikipag-ugnayan ang TESDA sa mga industriya para sa
pagsasanay sa mga graduate na kanilang kailangan, kabilang sa Information Communication
Technology, Business Process Outsourcing, Tourism, Health and Wellness, Agriculture, Agri-
Business at General Infrastructure and Constructions
Anong mga programang pang-edukasyon ang dapat na repasuhin upang maging paborable

Para sa akin dapat na bigyan din ng atensyon ng gobyerno ang Sistema ng edukasyon natin sa
ating bansa lalo na’t nasa gitna tayo ng pandemya. Para sa akin dapat repasuhin ang pag
sasagawa ng online class. Sapagkat hindi naging handa ang gobyerno sa ganitong klaseng
edukasyon at ang lahat sa atin ay nag aadjust sa makabagong sistemang na ito. Dahil sa
pandemyang ito ang online education ang magiging daan upang maipagpatuloy ang ating pag
aaral.

Ayon sa CHED Layunin nilang magtaguyod ng mas mabilis na paraan upang makahanap ng
trabaho ang mga bagong tapos. Sa ilalim ng K-12, sinasabing nagkakaroon na ng sapat na
kakayahan ang isang estudyante para makapagtrabaho kahit hindi siya nakatapos pa ng
kolehiyo ayon sa DEPED. binuo ang tracks o ang mga specialization sa K-12 para mismo
masanay ang mga estudyante sa mga kakayahang pinakahinahanap sa trabaho.

Layunin ng Gobyerno na magbigay ng mas mabilis na paraan upang makahanap ng sapat na


trabaho ang mga sisipag tapos ng pag aaral. Sa ilalim ng k-12 ay binibigyan ng sapat na
kakayahan ang isang studyante upang maging handa dahil binuo ang mga tracks o ang mga
specialization sa k-12 upang masanay ang mga estudyante sa mga kakayahang hinahanap sa
trabaho. Mayroong 62 percent hiring rate na nakalap ng gobyerno sa ginawa nilang ebalwasyon
sa mga bagong tapos na magg aaral.

You might also like