Buwan NG Wika Narrative Report

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI-Western Visayas
DIVISION OF AKLAN

UNION NATIONAL HIGH SCHOOL


Union, Nabas, Aklan

NARRATIVE REPORT
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA

Buwan ng Wikang Pambansa. Ito ay ipinagdiriwang nating tuwing buwan ng Agosto, at ngayong
buwan taong dalawampu at labing siyam (2019) ay mayroon tayong temang “Wikang Katutubo: Tungo
sa Isang Bansang Filipino” na kung saan nagpapahayag ito ng pangangalaga sa ating wikang katutubo sa
bansang Filipinas. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pangangalaga sa wikang katutubo ay
nakabatay sa mga sumusunod na simulain. Una, Ang Filipino bilang Wikang Pambansa ay tulay para
maging wikang panlahat ng mahigit sandaang wika sa buong kapuluan. Pangalawa, ang Filipino ay dapat
pagyamanin sa pamamagitan ng mga wikang katutubo. At pangatlo, kailangang gumawa ng mga
hakbang upang sa isang banda ay igalang at mahalin ang bawat katutubong wika at sa kabilang banda,
panatilihin itong buhay at ginagamit ng mga nagsasalita nito.

Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wikang Pambansa, ang Union National High School ay
nagsagawa ng mga patimpalak upang maipababatid sa lahat ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng sarili
nating wika. Ang mga patimpalak na ito ay ang mga sumusunod: Ika - 19 ng Agosto nagkaroon ng
Tagisan sa pagsulat ng sanaysay at tula (Filipino/Akeanon). Ika – 20 ng Agosto nagkaroon naman ng
patimpalak para sa Dagliang Talumpati para sa mga Senior High School Students. Ika - 23 naman ng
Agosto ay nagkaroon ng patimpalak sa Interpretatibong pagbasa para sa mga Junior High School
Students. Ang panghuli ay pagkakaroon ng programa para sa Buwan ng Wikang Pambansa noong ika –
28 ng Agosto 2019 at dito nagbigay ng mensahe ang Prinsipal ng Paaralan tungkol sa kahalagahan ng
wikang Filipino. Dito din ipinakita ng mga mag-aaral ang kani-kanilang mga talento at husay sa pagtula
(Spoken Poetry), Paggawa ng Awitin (Komposo), Fliptop Battle, At Isahang pag-awit sa Classical at Pop
gamit ang wikang Filipino at wikang katutubo.. Isinagawa rin dito ang pagbibigay parangal sa mga nanalo
sa mga patimpalak na isinagawa.

Sa pangkalahatan, masasabi kong naging makabuluhan at maayos naming naiparating sa mga


mag-aaral at magulang ng aming paaralan ang kahalagahan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa. Nasasabi ko ito sapagkat ang lahat ng mga kabataan at natutong magsaliksik, nagganyak
upang gamitin ang wikang Filipino at ang katutubong wika, at nagamit ito upang maipakita ang kani –
kanilang mga talent.

You might also like