Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3
PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA
Tema: FILIPINO: WIKANG MAPAGBAGO
Ang Paaralang Elementarya ng Labuin ay nagdaos ng isang
palatuntunan upang itanghal ang mga talento ng bawat mag-aaral sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “FILIPINO: WIKANG MAPAGBAGO”. Ang palatuntunan ay sinimulan sa pamamagitan ng pambansang awit sa pagkumpas ni Gng. Marivie F. Rempillo, Guro III, na kaagad sinundan ng isang panalangin na ginampanan ni Gng. Anabelle P. Ceribo, Guro I. Ginampanan naman ni G. Jean Paul V. Banay, Guro II-Jade, ang Panatang Makabayan at si Gng. Bernadette A. Dela Cruz ang panunumpa sa watawat, Guro V-Emerald. Nagbigay ng kanyang panimulang pagbati ang masipag na itinalagang-guro ng paaralan na si Gng. Alma SM. Tomacruz na kanyang dinagdagan ng isang makabuluhang mensahe tungkol sa pagmamahal sa sariling wika at kung paano ito gamitin sa adhikain para sa wika ng pambansang karunungan. Matapos ang unang yugto ng palatuntunan ay isa isang nagpakita ng kanilang mga natatanging talento ang bawat baitang. Pinangunahan ito ng mga mag-aaral sa Kinder na umawit ng “Ako’y Isang Pinoy”. Kagiliw- giliw na panoorin ang mga munting anghel na umaawit. Isa namang maramihang pagsayaw ang ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa Baitang II gamit ang kantang “Balot Penoy”. Isang malakas na palakpakan ang ibinigay ng mga manonood sa mga batang sumayaw. Isang maikling mensahe naman ang ibinigay ni G. Luis A. Perez, Pangulo ng Pampaaralang Samahan ng mga Guro at Magulang, ukol sa kahalagahan ng Wikang Pambansa hindi lamang sa paaralan kundi sa ating araw araw na pamumuhay. At bilang huling pagtatanghal ay ipinamalas ang pinagsamang galing ng mga piling mag-aaral mula sa ika-apat hanggang ika-anim na baitang ang “BIGSAYWIT” na kanilang inilaban sa pan-Distritong Paligsahan para sa Buwan ng Wika kung saan nakamit ang unang pwesto. Talaga namang tinutukan ng mga manonood, bata man o matanda ay namangha sa talentong ipinakita ng mga piling mag- aaral. Ang lahat ng mag-aaral ay masiglang nakilahok at nagpakita ng kanilang galing sa palatuntunan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. BIGSAYWIT – DIVISION LEVEL AT FAMY-MABITAC DISTRICT