2nd Periodical Test in Grade 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Ikalawang Markahang Pagsusulit

Pangalan :_________________________________ Iskor:___________________


Grade 2-___________________________________ Petsa:__________________

I. Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay wasto at Mali kung di wasto.Isulat

ang sagot sa patlang.

_________1. Masaya kong tinatanggap ang aking pinsan sa aming tahanan.

_________2.Sinasabihan ni Mario nang masasakit na salita ang kanilang kapitbahay.

_________3. Nagtatago ako sa silid–tulugan kapag may bisitang dumadalaw sa amin.

_________4. Pinahihiram ko ng lapis ang kamag-aral kong walang lapis.

_________5. Tinutulungan ko ang aking kaklase kung nahihirapan siya sa mga gawaing

pampaaralan.

__________6. Ang mga kalaro ko na mayayaman lang ang pinapapasok ko sa aming bahay.

__________7. Inaasar ko ang aking kamag-aral na pilay dahil maiksi ang isang paa niya.

II. Panuto: Isulat sa bilang 8-11 ang magagalang na pananalita.

8. _______________________________

9. _______________________________

10. ______________________________

11.______________________________

III. Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa Hanay A. Piliin ang katumbas na magagalang
na pananalita sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
______12. Wala kang baon, hinatian ka ng iyong a. Walang anuman
kamag-aral. Ano ang iyong sasabihin?

_______13. Nagpasalamat ang iyong kalaro sa b. Makikiraan.


pagtulong mo sa kanyang makatayo dahil
nadapa siya. Ano ang iyong isasagot?

_______14. May mga batang nag-uusap sa tapat ng c. Magandang umaga


pinto ng inyong silid- aralan. Lalabas ka ng inyong din.
silid-aralan, ano ang iyong sasabihin?

_______15. Binati ka ng iyong kaibigan ng magandang d. Salamat


umaga. Ano ang iyong isasagot?
IV. Panuto: Piliin ang letra ng wastong sagot. Isulat ang sagot sa patlang.

_______ 16. Nadapa ang kamag-aral mong si Elsa kaya nilapitan mo siya upang ______.
a. tawanan b. tulungan c. pagalitan d. iyakan

_______ 17. Nasunugan ng bahay ang isa mongkamag-aral. Ano ang gagawin mo?
a. Pagtatawanan ko siya. c. Bibigyan ko siya ng damit.
b. Tutuksuhin ko siya. d. Bibigyan ko ng alahas.

_______ 18. Darating na ang trak, nahihirapang magdala ng maraming sako ng basura
ang dyanitor ng paaralan. Ano ang iyong gagawin?
a. titingnan ko siya c.tutulungan ko siya
b. sisigawan ko siya d. ngingitian ko siya.

________ 20. Maagang kang nakauwi ng bahay. Nakita mong abala ang iyong nanay sa
likod-bahay. Pagpasok mo ng kusina, nakita mong madaming hugasin. Ano
ang gagawin mo?
a. Papasok ako ng aking kwarto at matutulog.
b. Hihintayin kong dumating ang aking nanay.
c. Kusa kong huhugasan ang mga hugasin.
d. Sasabihin ko sa aking nanay na may pupuntahan ako.

_______ 21. Nauna kang pumasok sa silid-aralan. Nakita mong madumi pa ang loob. Ano
ang gagawin mo?
a. Lalabas ako at makikipaglaro.
b. Hihintayin kong dumating ang aming guro.
c. Kusa akong maglilinis ng aming silid-aralan.
d. Panonoorin ko sila.

_______ 22. Sa labas ng simbahan, marami kang nakitang mga batang lansangan na
nanlilimos. Ano ang gagawin mo?
a. Tutuksuhin ko silang mga pulubi.
b. Pagtatawanan ko sila.
c. Magiliw ko silang kakausapin at bibigyan ng limos.
d. Maiiyak ako sa awa sa kanila.

_______ 23. May palatuntunan sa inyong paaralan at gusto mong makapanood ng


mabuti. Puno na ang bulwagan at wala kang mapwestuhan, nakita mo ang
halamanan na maluwang. Ano ang gagawin mo?
a. Sa halamanan ako pupwesto.
b. Sisigaw ako sa gitna.
c. Hahanap ako ng magandang pwesto ng hindi natatapakan ang halaman.
d. Palalayasin ko ang mga nanunuod.

________24. May kaklase kang pilay na nahihirapang umakyat ng hagdan. Ano ang
gagawin mo?
a.Tatawanan ko siya.
b. Sasabihan ko siyang pakibilis ng lakad.
c. Aalalayan ko siyang umakyat ng hagdan.
d. Itutulak ko siya ng mauna siya pag-akyat.

________25. Tapos na ang inyong klase at lalabas na ng silid-aralan ang guro mo. Ano ang
sasabihin mo?
a . Magandang tanghali po.
b. Paalam na po, mahal naming guro.
c. Paumanhin po.
d. Pauwiin na ninyo kami!
_______26. May palatuntunan sa inyong paaralan. Nauna kayong dumating kaysa sa mag-
aaral sa kindergarten kaya kayo ay nasa unahan. Napansin mong nahihirapang
manood ang pinakamaliit na bata sa iyong likuran. Anong hakbang ang iyong
gagawin?
a. Magpatuloy sa panonood at huwag pansinin ang bata sa iyong likuran.
b. Sabihan ang batang maliit na maghanap ng puwesto.
c. Pagalitan ang bata na huwag magpapahuli sa susunod.
d. Lumipat ng ibang puwesto upang makapanood ng maayos ang bata.

______ 27. Bumibigkas sa loob ng inyong silid-aralan ang kamag-aral mo. Nagkataong may
nalimutan siyang linya ng tula. Kung ikaw ay nanonood, ano ang gagawin mo?
a. Pagtatawanan ko ang aking kamag-aral.
b. Tatahimik ako at hihintaying maalala niya ang tula.
c. Sasabihan ko siyang umupo na.
d.Ako na lang ang tutula.

______ 28. Ang isang kaklase mo ay medyo may diperensya sa paglalakad. Maikli ang
kanang paa niya. Ano ang dapat mong gawin?
a. Aalalayan ko siya sa paglakad.
b. Gagayahin ko ang paglalakad niya.
. c. Pagsasabihan ko siyang bilisan niya ang paglakad.
d. Uunahan ko siya sa paglakad.

_______29. Tapos na ang inyong klase at lalabas na ng silid-aralan ang kaklase mo ng


naitulak mo siya. Ano ang sasabihin mo?
a. Magandang tanghali po.
b. Paalam na.
c. Paumanhin ha, di ko sinasadya.
d. Pauwiin na ninyo kami.

_______30. Nakita mong napapagod ang iyong guro at marami pa siyang ginagawa. Ano
ang gagawin mo?
a. Mag-iingay ako.
b. Magkakalat ako sa loob ng silid-aralan.
c. Susundin ko ang mga ipinapagawa niya at tatahimik.
d. Maglalaro ako at sisigaw.

You might also like