Ap wk9

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Petsa: _______________________________

Oras: 12:50- 1:30 PMGr.V- Panganiban


2:20 - 3:00 PM- Gr.V- Ponce

I. LAYUNIN
Natutukoy ang mga tungkulin o papel ng mga prayle sa ilalim ng Patronato
Real ( 8.2 )
Nakapagbibigay ng sariling reaksyon tungkol sa mga tungkulin ng mga prayle sa ilalim
ng Patronato Real
Nauunawaan ang kahulugan ng pagtupad sa iniatang na tungkulin

II. PAKSANG ARALIN


Paksa : Mga Tungkulin o Papel ng mga Prayle sa Ilalim ng Patronato Real
Sanggunian : AP5PKE-IIg-h-8 ( 8.2 )
Ang Pilipinas sa Iba’t Ibang Panahon V pahina 70-71
Isang Lahi..Isang Mithi Ikalimang Baitang pahina 50
Kagamitan : flashcards, larawan, puppet, activity cards, tsart
Pagpapahalaga : Pagtupad sa iniatang na tungkulin

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Watch Balita
* Pakikinig sa balita tungkol sa napapanahong isyu sa mga pari.
2. Balik – Aral - “ Off the Wall “
* Ipahanap sa mga mag-aaral ang mga salitang makikita sa
paligid ng silid-aralan at ipabuo ang kaisipan / kahulugan sa
pisara ng Patronato Real.

Patronato Real

kasunduan ng Santo Papa sa Roma na Hari ng Espanya at

Katolisismo sa mga lupaing palaganapin ang

sakop ng Espanya

3. Pagganyak - “Picture Analysis “


* Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng isang pari at hayaang
ilarawan ito.

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1 : “ Puppet Show “
* Ipakita ang puppet sa mga mag-aaral at hayaang ilahad nito ang
mga tungkulin o papel ng mga prayle sa ilalim ng Patronato Real.

Mga Tungkulin o Papel ng mga Prayle sa Ilalim ng


Patronato Real
 Ipaliwanag ang mga kautusan ng Diyos at mga aral ng
simbahang Katoliko.
 Mamahala sa sistemang pang-edukasyon sa bansa.
 Mangasiwa sa mga gawaing pambayan at mga gawaing
pangkultura.
 Makilahok sa mga gawaing pampulitika
 Humalili sa gobernador-heneral kung ito ay wala o may sakit.
 Magparusa sa mga taong napatunayang lumabag sa mga batas
ng simbahan.

Gawain 2 : Grupong Kasangga ko !


* Ipagawa sa mga mag-aaral ang pangkatang gawain upang lubos na maunawaaan ang aralin.

Pangkat 1: “Iguhit Mo”


Sa pamamagitan ng fact sheet, iguhit ang tungkulin ng mga prayle sa ilalim ng Patronato Real.

Mga Tungkulin o Papel ng mga Prayle sa Ilalim ng Patronato Real

Mahalaga ang bahaging ginampanan ng mga prayle (mga paring


Kastila) upang lubusang masakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Isa sa
mga tungkulin ng mga prayle ay ipaliwanag ang mga kautusan ng
Diyos at mga aral ng simbahan. Itinuro nila ang kabanalan, ang
pagiging maka-Diyos at pagiging relihiyoso.
Naatasan rin ang mga prayle na mamahala sa sistemang pang-
edukasyon sa bansa. Kinontrol nila ang pamamahayag at ang pagpasok
sa bansa ng mga aklat at iba pang nilimbag.

Pangkat 2: “Tulain Mo “
Sa pamamagitan ng fact sheet, lumikha ng tula tungkol sa tungkulin ng mga Prayle sa ilalim ng
Patronato Real.

Mga Tungkulin o Papel ng mga Prayle sa Ilalim ng Patronato Real


Tungkulin ng mga prayle na mangasiwa sa mga gawaing pambayan
at mga gawaing pangkultura. Ginawa nilang makulay ang pagdaraos ng
kapistahan ng mga patron ng ibat ibang lugar upang lalong mapalapit sa
kanila ang loob ng mga Pilipino.
Isa rin sa tungkulin ng mga prayle ay ang makilahok sa mga
gawaing pampulitika. Maari nilang ipalipat o ipaalis sa tungkulin ang
sinumang opisyal ng pamahalaan o maging ang gobernador-heneral.

Pangkat 3: “Isadula Mo”


Sa pamamagitan ng fact sheet, isadula ang tungkulin ng mga Prayle sa ilalim ng Patronato Real.
Mga Tungkulin o Papel ng mga Prayle sa Ilalim ng Patronato Real

Isa sa gampanin ng mga prayle ang humalili sa gobernador-heneral


kung ito ay wala o may sakit.
Gayundin, sa pamamagitan ng Inquisition, may karapatang
magparusa ang mga prayle sa mga taong napatunayang lumabag sa mga
batas ng simbahan.

2. Pagsusuri : Talakayan Portion


* Ipasuring mabuti sa mga mag-aaral ang mga katanungan at ipabigay ang mga kasagutan.
a. Batay sa Gawain 1, ano-ano ang mga tungkulin o papel ng mga prayle sa ilalim
ng Patronato Real?
b. Lahat ba ng tungkulin ng mga prayle ay may mabuting epekto sa mga Pilipino?
Alin sa mga ito ang may hindi magandang epekto?
c. Batay sa Gawain 2, ano-anong tungkulin ng mga prayle sa ilalim ng Patronato
Real ang iginuhit ng Pangkat 1?
d. Ano-anong tungkulin naman ng mga prayle ang nabanggit sa ginawang tula ng
Pangkat 2?
e. Sa ipinakitang pagsasadula ng Pangkat 3, ano-anong tungkulin ng mga prayle
ang inyong namalas?

3. Paghahalaw : Idikit mo !
* Ipahanap sa mga bata ang mga datos ng tungkol sa mga tungkulin ng prayle sa ilalim
ng Patronato Real .

Mga Tungkulin ng mga Prayle sa Ilalim ng


Patronato Real

Mga Tungkulin o Papel ng mga Prayle sa Ilalim ng Patronato


Real
1. Ipaliwanag ang mga kautusan ng Diyos at mga aral ng
simbahang Katoliko.
2. Mamahala sa sistemang pang-edukasyon sa bansa.
3. Mangasiwa sa mga gawaing pambayan at mga gawaing
pangkultura.
4. Makilahok sa mga gawaing pampulitika
5. Humalili sa gobernador-heneral kung ito ay wala o may sakit.
6. Magparusa sa mga taong napatunayang lumabag sa mga
batas ng simbahan.
4. Paglalapat : Ihambing Mo !
Ipahambing sa mga mag-aaral ang mga prayle (mga paring Kastila) at ang mga pari sa
kasalukuyan.
Ano ang masasabi nila sa mga pari noon at mga pari ngayon?

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsusulit upang mataya ang natutuhan sa aralin.
Panuto: Isulat ang T kung ang pangungusap ay tumutukoy sa tungkulin ng mga prayle
sa ilalim ng Patronato Real at HT kung hindi.

______1. Mamahala sa sistemang pang-edukasyon sa bansa


______2. Magtanggol sa mga naaaping Pilipino
______3. Makilahok sa mga gawaing pampulitika
______4. Humalili sa gobernador-heneral kung ito ay wala o may sakit.
______5. Magrekomenda ng mga arsobispo at mga pari sa parokya
______6. Magparusa sa mga taong napatunayang lumabag sa mga batasng simbahan
______7. Ipaliwanag ang mga kautusan ng Diyos at mga aral ng simbahang
Katoliko.
______8.Makipag-ugnayan at magdeklara ng pakikidigma sa ibang bansa.
______9.Magtatag ng iba’t ibang tanggapan na susubaybay sa mga gawain ng opisyal
______10. Mangasiwa sa mga gawaing pambayan at mga gawaing pangkultura.

V. TAKDANG ARALIN
* Ipabigay sa mga mag-aaral ang kanilang saloobin / reaksyon tungkol sa isang isyu.na
may kinalaman sa simbahang Katoliko.

Sa kasalukuyan, may mga pinuno ng simbahang Katoliko na


nakikilahok sa mga usaping pampulitika sa bansa. Sa palagay
ninyo dapat ba silang payagan sa aktibong pakikilahok sa
mga ganitong usapin? Bakit?

( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng kaukulang puntos. )


Rubrics :
5
Malinaw na naibigay reaksyon . Malinis at
Maayos ang sinulat , nakasunod sa
pamantayan ng pagsulat.

3
Hindi lubos ang ideyang
Ipinahahayag. Hindi lahat ng
pamantayan ay nasunod.

1
Kulang sa ideya at hindi
nakasunod sa pamantayan ng pagsulat
Petsa: _______________________________
Oras: 12:50- 1:30 PMGr.V- Panganiban
2:20 - 3:00 PM- Gr.V- Ponce

I. LAYUNIN
Natutukoy ang kapangyarihang Patronato Real. (8.2.1 )
Naipapaliwanag ang kapangyarihan Patronato Real
Nauunawaan ang paggalabg sa kapangyarihan ng namumuno.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa : Ang Kapangyarihang Patronato
Sanggunian : AP5PKE-IIg-h-8 ( 8.2.1 )
http://.digilearn.com.ph/epub/books/gs7 _ap01/Text/ch002-3.html
Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas ph. 7
Kagamitan : KWL Tsart , task kard , strip ng cartolina
Pagpapahalaga :Paggalang sa kapangyarihan ng namumuno

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : “ Mock TV Patrol “
* Pakikinig ngbalita tungkol sa kapangyarihan ng isang pinuno ng bansa
* Talakayin ang nilalaman ng balita
Tungkol saan ang kaganapan ?
Kailan at saan ito nangyari

2. Balik – Aral : “Off theWall “


* Ipahanap at ipakuha sa mga mag-aaral ang mga paraan sa pamamalakad ng mga
prayle na naksulat sa strip ng kartolina sa loob ng silid –aralan.

Nagtatag ng mga misyong panrelihiyon


Nagtatag ng mga paaralan at ospital.
.

Nagkawanggawa Nakipagkaibigan ang mga prayle sa


katutubo

Nagmay-ari sila ng mga lupain sa


pahintulot ng hari. Nagmalabis sa kanilang tungkulin .

3. Pagganyak : “ KWL “
* Pasagutan sa mga bata ang tsart. Hayaan silang magbigay ng datos o impormasyon .

Alam Nais Malaman Natutunan


( Know ) (Want to know )
Patron
Kapangyarihan
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : “ Teksto ko, basahin mo “
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto. Hayaang suriin nilang mabuti ang nilalaman ng teksto.

Pagkakaisa ng Simbahan at Estado

Sinasabing sinakop ng Espanya ang Pilipinas sa pamamagitan ng


Krus at Espada sapagkat kaagapay ng mga sundalong Espanyol na
armado ng mga superior na armas ang mga prayle na nagsikap upang
payapain ang mga sakop sa pamamagitan ng misteryo ng isang bagong
relihiyon. Kaya mula sa simula , katangian ng pamumunong Espanyol ang
pagsasanib ng simbahan at Estado .
Ang pagkakaisang ito ay unang binigyang diin sa pagbibigay ng Papa
ng karapatang Patronato Real sa Hari ng Espanya , bilang pagkilala sa
nagawang tulong ng Hari sa pagtataboy sa mga Muslim palabas ng
Espanya. Dahil ang hari ng Espanya ang kinilalang patron ng simbahan ,
ang gobernador - heneral bilang kanyang kinaatawan ay vice royal patron
o patron ng simbahan sa klonya.
Ang Patronato Real ay isang kasunduan ng hari ng Espanya at ng
Santo Papa ng simbahang Katoliko Romano , palalaganapin ng Espanya
ang relihiyong Katolisismo sa iba’t-ibang lugar sa daigdig . Nasa
kapangyarihan din ng hari ng espanya bilang Real Patron ang pagpili ng
mga obispo sa lugar na kolonya nito. Dahil sa Patronato Real , nagakaroon
ng pagsasanib ang estado at simbahan kaya maging ang mga misyonerong
Katoliko ay may kapangyarihang political din. Sa PIlipinas, ang mga
misyonero ay hindi lamang mga kinatawan ng simbahan kundi ng estado.
Ang linya ng demarkasyon sa pagitan ng simbahan at estado ay lubhang
malabo , katunayan ginamit ng gobernador – heneral ang kanyang
kapangyarihan sa pagbuo ng kura – paroko , na tumatanggap ng sahod
mula sa gobyerno. May ilang pagkakataon din noong ika-18 siglo kung
kalian tumayong gobernador – heneral ang Arsobispo o Obispo habang
hinihintay ang kapalit ng nauna mula sa Espanya. Tinangkilik ng gobyerno
ang simbahan t gayundin naman tinangkilik ng simbahan ang gobyerno.

2. Pagsusuri: Ikabit mo !
* Ipakita sa mga mag-aaral ang tsart ng katanungan . Ipahanap sa Hanay B ang
kasagutan sa mga tanong sa Hanay A.
* Itaas ang larawan ng Santo Papa kung sang-ayon kayo sa sagotat itaas ang larawan
ng hari kung hindi sang-ayon.

Hanay A Hanay B
1. Ano ang Patronato Real ? A. dahil katangianat layunin ng
2. Sino ang nagbigay ng pamumunong Espanyol ang pag-
karapatang patronata Real ugnayin ang simbahan at estado .
sa hari ng Espanya ?
3. Ano – ano ang
kapangyarihang B. Ang Gobernador- heneral ang
taglay ng Patronato Real ? kinatawan ng hari ng Espanya na
4. Ano ang tawag sa hari ng tinawag na Vice Royal Patron o
Espanya na pinagkalooban Patron ng Simbahan sa Kolonya.
ng Papa ng kapangyarihang
palaganapin ang
Katolisismo sa bansa ?
5. Ano ang tawag sa C. ito ay kasunduan sa pagitan ng
kinatawan ng hari sa Santo papa at ng hari ng
kolonya ? Espanya
6. Bakit nagkaroon ng na palaganapin ang Katolisismo
pagsasanib ang simbahan sa mga lupaing sakop ng
at ang estado ? Espanya.
7. Paano napatunayan na
nagkaroon ng pagkakaisa
ang simbahan at ang D. Ang hari ng Espanya Ay tinawag
estado ? na Real Patron o Patron ng
Simbahan .

E. Ang Santo Papa ang nagbigay ng


kapangyarihang patronata Real
sa hari ng Espanya.

F. Ang pagpapalaganap ng
Katolisismo sa mga lupaing
sakop ng Espanya , pagtatalaga
ngmga Arsobispo o Obispo sa
mgakolonya

G. Ginamit ng Gobernador- Heneral


ang kanyang kapangyarihan sa
pagbuo ng kura-paroko at
tumatayong Gobernador –
Heneral ang Arsobispo o Obispo

8. Sang-ayon ba kayo sa pagkakaisang ito ng Estado at simbahan ?


Bakit ?
9. Ipaliwanag sa iyong sariling pang-unawa ang katagang ito .
“ Tinangkilik ng gobyerno ang simbahan at gayundin naman ,
tinangkilik ng simbahan ang gobyerno. “

3. Paghahalaw: “ Jumbled Words “


* Ipaayos sa mga bata ang mga salita at ipalagay sa patlang upang mabuo ang konsepto ng
aralin.
kasunduan palaganapin Santo Papa

Hari ng Espanya buong daigdig Katolisismo

pagkaisahin Estado simbahan

 Ang kapangyarihang Patronata Real ay isang


_________________________ ng________________ at ng
______________ na palaganapin ang ____________ sa
buong daigdig at ____________ ang ___________ at ang
________________.
4. Paglalapat : Grupo ko , kasangga ko !
* Ipakikita ng mga mag-aaral ang pagsasagawa ng pangkatang gawain upang lubos na
maunawaan ang aralin.
Pangkat 1
“ Isulat mo “
Gawin :
Lumikha ng isang kasunduan tungkol sa pagkakaloob ng Santo Papa sa Hari ng Espanya na
palaganapin ang katolisismo sa bansa .
Pangkat 2
“ Awitin mo “
Gawin :
Awitin ang saknong sa himig ng “ Ako ay may Lobo “ at ipaliwanag kung ano ang nilalaman
ng awit.
Kami ay may alam tungkol sa simbahan
Pati ang Estado napagkaisahan
Magsanib sila at magtulungan
Upang ang pagsakop ay may
kapuntahan

Ang Santo Papa at ang hari ng Espanya


May kasunduan na ipinakilala
Patronata Real ang may kapangyarihan
Katolisismo dapat raw malaman
Pangkat 3
“ Buuin mo “
Gawin :
Punan ang tsart ng kaukulang impormasyon sa araling tinalakay.
Ako ay ang na ___________
______________.

1. Santo Papa

2. Hari ng Espanya

3. Gobernador –
Heneral
Pangkat 4
“ Mangako ka “
Gawin :
Ipagpalagay na kayo ang mga taong nasa likod ng kasunduan sa Patronata Real . Gumawa ng
pangako na ipatutupad ang kasunduan nang may katapatan.

Kami ‘y nangangako na _________

______________________________
______________________________
_____________.
IV. PAGTATAYA
* Ipahanap sa mga mag-aaral ang tamang sagot sa Hanay B na tinutukoy sa Hanay A.
HanapinsaHanay b ang kaukulang sagot na hinihingi sa HanayA.
Hanay A Hanay B
___1. Nabgigay ng karapatang patronata Real A. estado
sa hari ng Espanya .
____2. Kilala siya bilang Vice Royal patron o B. kura -paroko
Patron ng Simbahan sa Kolonya .
____3. Siya ang Patron ng Simbahang Katoliko C. Santo Papa
____4. Katangian ng pamumunong Espanyol D. Hari ng Espanya
ang pagsasanib ng simbahan at ____ .
____5. Ginagamit ng gobernador-heneral ang F. Gobernador –
kanyang kapangyarihan sa pagbuo ng Heneral
kanyang kapangyarihan sa pagbuo ng G. Espanyol
H. Dominikano

V.TAKDANG ARALIN
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawaing bahay
Sumulat ng inyong sarling reaksyon tungkol sa kapangyarihang taglay ng Patronata Real .
( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng kaukulang puntos )
Rubrics :
5 - Malinaw ang naibigay na reaksyon .Malinis at maayos ang sinulat,
nakasunod sa pamantayan ng pagsulat.

3. - Hindi lubos ang ideyang ipinahahayag .


Hindi lahat ng pamantayan ay nasunod.

1 - Kulang sa ideya at hindi nakasunod sa mga pamantayan sa pagsulat


Petsa: _______________________________
Oras: 12:50- 1:30 PMGr.V- Panganiban
2:20 - 3:00 PM- Gr.V- Ponce

I. LAYUNIN
Natatalakay ang mga tungkulin o papel ng mga prayle sa ilalim ng Patronato Real. ( 8.2.2
Nauunawaan ang pagiging tapat sa tungkulin

II. Paksang Aralin


Paksa : Mga Tungkulin o Papel ng mga Prayle sa Ilalim ng Patronato Real
Sanggunian : AP5PKE-IIg-h-8 ( 8.2.2 )
Ang Pilipinas sa Iba’t Ibang Panahon V pahina 70-71
Isang Lahi..Isang Mithi Ikalimang Baitang pahin
Kagamitan : graphic organizers, magic box, tsart
Pagpapahalaga : Pagiging tapat sa tungkulin

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Watch mo Balita ko !
* Pakikinig ng balita tungkol sa ugnayan ng simbahan at pamahalaan.
2. Balik – Aral : “ Spider Web “
* Ipatala sa mga mag-aaral ang mga tungkulin ng mga prayle sa ilalim ng Patronato
Real. Ipasulat ang sagot sa mga kahon.

AN AN

MGA TUNGKULIN NG
MGA PRAYLE SA ILALIM AN
AN NG PATRONATO REAL

AN
AN

3. Pagganyak - “Magic Box“


* Pabunutin ang mga mag-aaral sa isang munting kahon, ipabasa nang malakas. Itanong kung
ang salitang kanilang nabunot ay maykasingkahulugan ng salitang tungkulin.

Gampanin Suliranin Responsibilidad

Tungkulin AN AN AN
Problema Papel Kaguluhan
AN
AN AN

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1 : Teks ko basahin mo “
* Ipabasa sa klase ang talatang nakasulat sa tsart.
Mga Tungkulin o Papel ng mga Prayle sa Ilalim ng Patronato Real
Mahalaga ang bahaging ginampanan ng mga prayle (mga paring
Kastila) upang lubusang masakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Ilan sa
mga tungkuling kanilang ginampanan ay ang mga sumusunod:
1. Ipaliwanag ang mga kautusan ng Diyos at mga aral ng
simbahang Katoliko.Itinuro nila ang kabanalan, ang pagiging
maka-Diyos at pagiging relihiyoso.
2. Mamahala sa sistemang pang-edukasyon sa bansa.
Kinontrol nila ang pamamahayag at ang pagpasok sa bansa ng
mga aklat at iba pang nilimbag.
3. Mangasiwa sa mga gawaing pambayan at mga gawaing
pangkultura. Ginawa nilang makulay ang pagdaraos ng
kapistahan ng mga patron ng ibat ibang lugar upang lalong
mapalapit sa kanila ang loob ng mga Pilipino.
4. Makilahok sa mga gawaing pampulitika. Maari nilang
ipalipat o ipaalis sa tungkulin ang sinumang opisyal ng
pamahalaan o maging ang gobernador-heneral. Malimit, ang
mga kura na ang nangangasiwa sa paniningil ng buwis at
nagsasagawa ng senso.
5. Humalili sa gobernador-heneral kung ito ay wala o may sakit.
Walang maaaring gawin ang mga katutubo na hindi alam at
walang basbas ng mga prayle.
6. Magparusa sa mga taong napatunayang lumabag sa mga
batas ng simbahan. Dahil sa lawak ng kanilang naging
kapangyarihan, maraming pang-aabusong ginawa ang mga
prayle sa mga Pilipino.

Gawain 2 “Group Activity”


* Ipagawa sa mga mga-aaral ang pangkatang gawain upang lubos na magkaroon ng
pagkaunawa sa aralin.

Pangkat 1: Network Tree


Ipaliwanag ang mga
kautusan ng Diyos at
mga aral ng
simbahang Katoliko

. . .

Mamahala sa
sistemang pang-
edukasyon sa bansa

. .
Pangkat 2: Discussion Web

Mangasiwa sa mga gawaing


pambayan at mga gawaing pangkultura

.
.
Makilahok sa mga gawaing pampulitika

.
.
.
Pangkat 3: Cluster Organizer

.
Humalili sa
gobernador-
heneral kung
ito ay wala o
may sakit

. .
.
Magparusa sa
mga taong
napatunayang
lumabag sa mga
batas ng
simbahan

. .
2. Pagsusuri : Tanong ko , sagutin mo !
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong upang malaman kung may pagkaunawa
sa aralin.
a. Batay sa Gawain 1, ano-ano ang mga tungkulin o papel ng mga prayle sa ilalim
ng Patronato Real?
b. Sa paanong paraan ipinaliwanag ng mga prayle ang mga kautusanng Diyos at
mga aral ng simbahang Katoliko?
c. Ano-ano ang mga naging hakbangin ng mga prayle sa sistemangpang-
edukasyon ng bansa?
d. Bilang tagapangasiwa ng mga gawaing pambayan at mga gawaing
pangkultura, ano-anong aktibidad ang kanilang idinaos?
e. Sa kanilang pakikilahok sa gawaing pampulitika, anong kapangyarihan ang
hawak ng mga prayle?
f. Sa pagkawala ng gobernador-heneral, maaaring pumalit sa ang mga prayle,
anong tungkulin ang dapat nilang gampanan?
g. Sa palagay ninyo, anong parusa ang ipinapataw ng mga prayle sa mga
napatunayang lumabag sa batas ng simbahan?
h. Batay sa Gawain 2, ano-anong patunay ang itinala ng Pangkat 1upang
ipaliwanag ang mga tungkulin ng mga prayle sa ilalim ng Patronato Real?
i. Ano-anong paliwanag naman ang isinulat ng Pangkat 2 upang mabigyang
impormasyon ang mga tungkulin ng mga prayle na nabanggit sa ginawa nila?
j. Sa gawain ng Pangkat 3, paano nila binigyang diin ang mga tungkulin ng mga
prayle sa ilalim ng Patronato Real

3. Paghahalaw : Punan mo !
* Papunan sa mga mag-aaral ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang konsepto ng
aralin.
* Ipakita ang tanong at hayaang sagutin ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpili ng mga
salita na nasa loob ng kahon.

Paano isinagawa ng mga prayle ang kanilang tungkulin


sa ilalim ng Patronato Real?

Marubdob ang _________ ng mga prayle na


__________ ang mga tungkuling nakaatang sa
kanila upang __________nila ang tunay na layunin
ng pananakop.

isagawa hangarin pananakop

nakaatang makamit

4. Paglalapat : Ang aking opinyon !


* Ipabigay sa mga mag-aaral ang kanilang opinyon sa paksang tinalakay.

Sa inyong palagay, mas makabubuti ba ang pakikilahok ng mga pari sa iba’t ibang
sistema at gawain sa pamahalaan bukod sa mga gawaing pansimbahan? Bakit?
IV. PAGTATAYA
* Pasagutan sa mag-aaral ang maikling pagusulit upang mataya ang natutuhan sa aralin.
Piliin ang angkop na salita sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Tungkulin ng mga prayle na pangasiwaan ang mga gawaing pambayan at mga gawaing
pangkultura. Ginawa nilang ________ ang pagdaraos ng kapistahan ng mga patron ng ibat ibang
lugar upang lalong mapalapit sa kanila ang loob ng mga Pilipino.
a. magulo
b. makulay
c. maingay
d. tahimik

2. Ipinaliwanag ng mga prayle ang mga kautusan ng ______ at mga aral ng simbahang
Katoliko.Itinuro nila ang kabanalan, ang pagiging maka-Diyos at pagiging relihiyoso.
a.pamahalaan
b. paaralan
c. Diyos
d. Mamamayan

3. Maaaring humalili sa __________________ ang mga prayle kung ito ay wala o may sakit.
a. gobernador-heneral
b. pangulo
c. alkalde
d. kapitan

4. Isa sa gampanin ng mga prayle ang mamahala sa sistemang pang- edukasyon sa bansa.
Kinontrol nila ang pamamahayag at angpagpasok sa bansa ng mga _________ at iba pang
nilimbag.
a. gamot
b. pagkain
c. produkto
d. aklat

5. Tungkulin pa rin ng mga prayle na ________________ sa mga taongnapatunayang lumabag sa


mga batas ng simbahan.
a. magpatawad
b. magparusa
c. magpasaya
d. maglingkod

V. TAKDANG ARALIN
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang gawaing bahay upang lubos na maunawaan ang aralin.
Gumawa ng paghahambing ng mga tungkulin ng mga pari noon atngayon. Magpatulong sa
magulang sa pagsagot.

Tungkulin ng mga Prayle Noon Tungkulin ng mga Pari Ngayon


Petsa: _______________________________
Oras: 12:50- 1:30 PMGr.V- Panganiban
2:20 - 3:00 PM- Gr.V- Ponce

I. LAYUNIN
Natutukoy / nasusuri ang mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga
prayle. ( 8.3.1 )
Nakapagbibigay ng sariling opinyon tungkol reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala
ng mga prayle
Nauunawain ang pagiging makatao.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa : Mga Naging Reaksyon ng mga Pilipino sa Pamamahala ng mga Prayle
Sanggunian : AP5PKE-IIg-h-8 ( 8.3.1 )
Pilipinas:Bansang Malaya pahina 90-94
Kagamitan : meta cards, puzzle, puppet, activity envelopes, tsart
Pagpapahalaga : Pagiging makatao

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Balita Patrol
* Pakikinig ng balita tungkol sa mga pag-aaklas .

2. Balik – Aral : “ Kard ng Ideya”


* Ipasulat sa mga mag-aaral ang mga tungkulin ng mga prayle sa ilalim ng Patronato
Real at ipadikit ito sa pisara.

AN AN

AN AN
AN AN
3. Pagganyak : “Puzzle”
* Ipabuo sa mga mag-aaral ang larawan at ipadikit ito sa pisara .
Itanong kung ano ang ipinahihiwatig nito.

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1 “ Pandulang Pagtatanghal“
*Pangkatin ang mga mag-aaral sa 5 pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng sitwasyon
na itatanghal.

Pangkat 1- Isadula ang pag-aalsang ginawa ni Lakandula, raha ng Tondo dahil sa pang-aabuso
ng mga kawal na Espanyolsa mga Pilipino.

Pangkat 2- Isadula ang pag-aalsang ginawa ni Magalat sa Cagayandahil sa pagtutol sa hindi


makatarungang pagbubuwis.

Pangkat 3- Isadula ang pag-aalsang ginawa nina Francisco Maniago sa Pampanga at pangkat ni
Sumuroy sa Samar sanhi ng sistemang Polo.

Pangkat 4- Isadula ang pag-aalsang pinamunuan ng mag-asawangDiego at Gabriela Silang


hinggil sa hinihiling nilang reporma sa mga Espanyol.

Pangkat 5-Isadula ang pag-aalsang ginawa ng mga taga-Cordillera at ng mga Boholano sa


pamumuno ni Tamblot kaugnay ng pagtutolsa Kristiyanismo.

Gawain 2 “Pagbasa ng Teksto”


* Ipabasa ang teksto upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang aralin .

Reaksiyon ng mga Pilipino sa Pamamahala ng mga Prayle


Saanman sa kapuluan, nadama ang pang-aapi at pang- aalipin ng
mga Espanyol sa mga Pilipino. Matagal na tiniis ng mga karaniwang
mamamayan ang ganitong pakikitungo sa kanila ng espanyol. Ngunit ang
tinimpi nilang poot ay ipinahayag din nila sa iba’t ibang paraan.
Mga Pag-aalsa
 Si Lakandula, raha ng Tondo, ang namuno sa unang pag-
aalsa. Nag-alsa sila dahil sa pang-aabuso ng mga kawal na
Espanyol sa mga Pilipino.
 Pagtutol sa hindi makatarungang pagbubuwis ang dahilan ng
pag-aalsa ni Magalat sa Cagayan noong 1596

 Samantala, isang pag-aalsa ang pinamunuan ni Francisco Maniago sa


Pampanga noong 1660-1661. Sanhi ito ng sistemang polo at bandala.
Ang polo rin ang dahilan ng pag-aalsa ng pangkat niSumuroy sa Samar
noong 1649-1650.
 Noong 1762-1763, naganap ang pag-aalsang pinamunuan ng mag-
asawang Diego at Gabriela Silang sa Ilocos. Mga reporma ang
hinihiling nila sa mga Espanyol.
 Kaugnay naman ng pagtutol sa Kristiyanismo ang pag-aalsa ng mga
taga-Cordillera noong 1601 at ng mga Boholano sa pamumuno ni
Tamblot noong 1621-1622.

Ipabuod ang aralin gamit ang tsart sa ibaba.


Mga Pag-
aalsa Namuno Taon Lugar
2. Pagsusuri : Tagisan ng Talino
* Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong.
a. Batay sa Gawain 1, ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga
prayle?
b. Sa pangkatang gawain, ano ang ipinakita ng Pangkat 1? Pangkat 2? Pangkat 3?
Pangkat 4? Pangkat 5?
c. Batay sa Gawain 2, ano-ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng
mga prayle?
d. Sino-sino ang namuno sa mga pag-aalsang naganap sa bansa?
e. Ano-ano ang kanilang mga dahilan sa kanilang pag-aalsa?

3. Paghahalaw : Off the wall


* Papunan ng datos ang konsepto ng aralin upang lubos na maunawaan ang aralin.

Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa


Pamamahala ng mga prayle?

May iba’t-ibang reaksyon ang mga Pilipino sa


ng mga prayle na nagbunsod upang maganap ang mga
pag-aalsa.

4. Paglalapat : Sa aking palagay …


* Ipabasa sa mga mag-aaral ang sitwasyon at hayaang ibigay nila ang kanilang saloobin.

Kung babalikan natin ang pamamahala ng mga Prayle


noon, anoang iyong saloobin hinggil dito? Pumili ng
isang larawan sa ibaba na nagpapakita ng iyong
reaksiyon. Ipaliwanag kung bakit.

IV. PAGTATAYA
* Pasagutan sa mag-aaral ang maikling pagusulit.

Punan ng nawawalang impormasyon ang tsart sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Isulat ang inyong reaksyon at magbigay ng maikling paliwanag tungkol dito.

Mga Pag-aalsa Taon Lugar

1. __________-
Pag-aalsa sa pamumuno ni
Lakandula 1. ______________
Pag-aalsa sa pamumuno ni
Magalat 2._______________ Cagayan

3.___________________
1649-1650 Samar
Pag-aalsa sa pamumuno ng
mag-asawang Diego at
1762-1763 4._______________
Gabriela Silang
__
Pag-aalsa sa pamumuno ni
Tamblot
5.________________ Bohol

V. KASUNDUAN

Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapahayag ang iyong pagtutol sa pamamalakad ng


namumuno sa inyong lugar ?
Petsa: _______________________________
Oras: 12:50- 1:30 PMGr.V- Panganiban
2:20 - 3:00 PM- Gr.V- Ponce

I. LAYUNIN
Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto sa lipunan ng
pamamahala ng mga prayle.

Nauunawaan ang konsepto ng paggalang sa opinyon ng iba.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa : Sariling Pananaw Tungkol sa Naging Epekto sa Lipunan ng Pamamahala ng mga
prayle
Sanggunian : AP5PKE-IIi-9
Ang Pilipinas sa Iba’t – Ibang Panahon 5 ph. 75
Pilipinas : Bansang Malaya V. ph. 90 - 94
Kagamitan : task kard , tsart ng pagsasanay , puzzle , plaskard
Pagpapahalaga : Paggalang sa opinyon ng iba

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : “ Mock Patrol “
* Pakikinig ngbalita na nauukol sa paraan ng pamamahala ng isang pinuno.

2. Balik – Aral : “ Puzzle “


* Ipahanap sa mga mag-aaral angmga pangalan ng mga Pilipinong nag-alsa sa paraan
ng pamamalakad ng mga prayle

T B L A K A N D U L A
A A H S U M U R O Y S
M E G A B R I E L A W
B F R A N C I S C O X
L B L S L U E A S B C
O L K P E A N K A B V
T D I E G O T G P Y B

3. Pagganyak : “ Jumbled Letters “ / “ Picture Study “


* Ipaayos sa mga mag-aaral ang mga titik upang mabuo ang salita ?
W A N P A A N

* Sabihin sa mga bata na pag-aralan ang larawan at pasagutan ang mga tanong .

Ano ang nakikita ninyo sa larawan ?


Ano ang nais ipahiwatig ng lawaran?
Alam ba ninyo ang kanyang iniisip ?

* Ipaugnay sa mga mag-aaral ang salitang pananaw sa larawan.


B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : “ Boses ko pakinggan ninyo “
Ipabasa sa mga bata ang boses ngkatutubo.
Kailangang ituloy
na natin ang pag-
aalsa laban sa mga
kawal naEspanyol
Umaabuso ang mga
kawal na Espanyol

Hindi nila tinupad ang


na ibalik ang ating
pribilehiyo ng hindi
pagbabayad ng buwis.

Pag-aalsa nina RahaLakandula

Tutol ako sa hindi


makatarungang pagbubuwis
dito sa Cagayan . Hindi ko
kayang palampasin ang mga
maling gawaing ito ng mga
prayle.

Ako si Magalat ng Cagayan

Pinahirapan ng mga Espanyol ang mga


Pilipino sa sistemang Polo . Inabuso
nila ang mga tao sa maling sistemang
kanilang ipinatutupad. Kailangan na
nating lumaban at patunayang tayo ay
matatapang .

Ako si Francisco Maniego

Galit ako sa maling


ginagawa ng mga Espanyol
Kailangan ang sama-samang
pagkilos upang ipakita sa
mga prayle na sila ay mali.
Ako si Diego Silang .

Katuwang mo ako sa
paglaban sa di
makatarungang
pamamalakad ng
mga prayle.

Gabriela Silang

Tutol kami sa
pagpapalaganap ng
mga prayle ng
kristiyanismo. sa mga
katutubo.

2. Pagsusuri : Talino mo , gamitin mo !


* Talakayin ang mga larawan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na
tanong :
a. Ano ang dahilan ng pag-aalsa ng pangkat ni Lakandula?
b. Ano naman ang sanhi ng pag-aalsa ng pangkat ni Magalat ?
c. Bakit nagkaroon ng pag-aalsa sa Pampanga ? Sino ang namuno sa naturang
pag-aalsa ?
d. Sino naman ang namuno sa Samar ? Anong dahilan ng pag-alab ng kanilang
damdamin ?
e. Bakit nagkaroon ng pag-aalsa ang pangkat ng mag-asawang Diego at Gabriela
Silang ?
f. Bukod sa mga pangyayaring ito saan pang lugar nagkaroon ng malawakang
pag-aalsa ?
g. Ano ang sanhi ng reaksyon nilang ito sa mga Espanyol .Makatarungan bang
mangyari ang ganitong uri ng pag-aalsa ? Bakit ?
h. Kung ikaw ay isa sa mga taong nakaranas ng hindi magandang pangyayari ,
lalaban ka rin bas a mga Espanyol ? Bakit ?
i. Batay sa mga pag-aalsang naganap , ano ang epekto nito sa mga Pilipino ?
j. Ano ang epekto sa lipunan ng pamamahala ng mga prayle ?

3. Paghahalaw - “ Data Retrieval Chart “


* Papunan sa mga mag-aaral ng kanilang pananaw
Ano ang iyong pananaw sa mga epektong ito ng pamamahala ng mga prayle ?
Reaksyon ng Epekto
mga Pilipino sa Pananaw
Mabuti Di- Mabuti
pamamalakad
ng mga prayle
Pag-aalsa * Naipakita ng * Lalong
mga Pilipino ang pinag-
katapangan at ibayo
pagmamahal sa ng mga
bansa. prayle ang
paraan ng
* Nanatili pa rin sa kanilang
maraming pananakop.
mga Plipino ang
pagiging isang
masunurin sa * Hindi sila
kabila ng natakot sa
pagpapahirap mga pag-
sa kanila ng aalsang
mga prayle. ginawa ng
ilang mga
katutubo.

4. Paglalapat : “May kakampi “


*Ipabigay sa bawat pangkat ang kanilang pananaw sa epekto
ng pamamalakad ng mga prayle.
Pangkat I - “ Artist ako ! “
Gawin :
Iguhit mo ang inyong sariling pananaw sa
naging epekto sa lipunan ng pamamahala ng
prayle.

Pangkat II - “ Light, Camera , Action “


Gawin :
Isadula ang inyong pananaw sa
naging epekto sa lipunan ng pamamahala ng
prayle.

Pangkat III – “ Makata ako ! “


Gawin :
Lumikha ng isang saknong ng tula tungkol sa
iyong pananaw sa naging epekto sa lipunan ng
pamamahala ng prayle .

Pangkat IV – “ Singer ako “


Gawin :

Gumawa ng isang linya ng awit tungkol sa iyong


pananaw sa epekto sa lipunan ng pamamahala ng
prayle.

IV. PAGTATAYA
* Pasulatin ang mga mag-aaral ng kanilang pananaw sa naging epekto sa lipunan ng
pamamahala ng mga prayle.
Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap ng iyong sariling pananaw sa
naging epekto sa lipunan ng pamamahal ng mga prayle .

( Gagamit ng rubrics sapagbibigay ng kaukulang puntos )


Rubrics :

5 - Maayos at malinaw na naipaliwanag ang pananaw


sa paksang tinalakay.
3 - Malinaw na naibigay ang pananaw sa paksang
tinalakay , subalit hindi nakasunod sa pamantayan
ng pagsulat.
1 - Hindi naibigay nang malinaw ang pananaw
sa paksang tinalakay.

V. KASUNDUAN
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang takdang aralin upang lalong maunawan ang natapos na aralin.
1-
Magtanong sa iyong isang kamag-anak ng kanyang pananaw sa naging epekto sa lipunan ng
pamamahala ng prayle.

You might also like