DLP Esp 8 2nd Quarter Module 5 Day 3
DLP Esp 8 2nd Quarter Module 5 Day 3
DLP Esp 8 2nd Quarter Module 5 Day 3
Department of Education
REGION VIII- Eastern Visayas
DIVISION OF BILIRAN
TABUNAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Baitang/Antas 8 Einstein
Pang-araw-araw na Guro Viviene Ann B. Estanislao Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo Petsa September 6 Markahan Ikalawa
I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pag-aaral bilang paghahanda para
Pangnilalaman sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang plano ng paghahanda para sa minimithing kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay batay sa pamantayan sa pagbuo ng Career Plan
C. Mga kasanayan sa 1. Nahihinuha na:
Pagkatuto. a. Ang tao ay likas na panlipunang nilalang kaya’t nakikipag-ugnayan siya sa kanyang kapwa
upang malinang siya sa aspektong intelektuwal, panlipunan, pangkabuhayan at politikal.
b. Ang birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay kailangan sa pagpapatatag ng
pakikipagkapwa
c. Ang pagiging ganap niyang tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapwa - ang tunay na
Bago simulan ang eksperimento, binigyan muna sila ng paunang pagsusulit sa sumusunod na
aspekto: visual memory, information processing, verbal fluency at suggestibility. Pagkatapos ng 2
gabi at 2 araw, nakaranas ng guni-guni (hallucinations) ang tatlo sa kanila; ang paniwala naman ng
isa sa kanila, basa ang kanilang higaan at dalawa sa kanila ang maayos na napagtagumpayan ang
sitwasyon. Upang malaman kung may epekto, binigyan muli sila ng pagsusulit sa mga naunang
nabanggit na aspekto. Batay sa resulta, bumaba at humina ang kakayahan nila sa pagkompleto ng
simple at payak na mga gawain. Ang memorya ng isa sa kanila ay bumaba ng 36% at lahat sa kanila
ay nagkaroon ng suliranin sa pagtatantya ng oras at pag-iisip ng mga salita, lalo na ng mga salitang
nagsisimula sa titik F. Tumaas naman ang suggestibility ng apat na lalaking nagboluntaryo.
Matapos mapanood ang video, ipaunawa sa mga mag-aaral na mahalagang maunawaan nila na
kailangan ng ating utak ang regular na istimulasyon. Makakamit lamang ito ng isang tao kung
magkakaroon siya ng ugnayan sa ibang tao at sa kanyang kapaligiran. Ang pangmatagalang
pagkakait ng pagkakataon sa isang tao na makipag-ugnayan ay may negatibo at masamang epekto
sa kanyang pagkatao. Mahirap para sa tao ang mabuhay nang normal kung ang kakayahan niyang
makipag-ugnayan ay ipagkakait sa kanya. Ang resulta ng eksperimento ay isa lamang sa maraming
pagpapatunay na ang tao ay isang panlipunang nilalang. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Inquiry-
Based Approach)
C. Pag-uugnay ng mga Mula sa pinanood na video, sagutan sa notbuk ang sumusunod na katanungan. (gawin sa loob ng 5
halimbawa sa bagong aralin minuto) (Reflective Approach)
1. Ano ang ipinahahayag ng isinagawang eksperimento sa napanood sa video?
2. Ano ang iyong naramdaman habang ito ay pinapanood? Bakit?
3. Ano-ano ang magiging epekto sa tao kung hindi siya nakikisalamuha sa kapwa?
D. Pagtalakay ng bagong Gamit ang pagpapangkat sa isinagawang takdang aralin, bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat upang
konsepto at paglalahad ng makapag-ulat ng paksang itinalaga para sa kanila. (gawin sa loob ng 20 minuto) (Collaborative Approach)
bagong kasanayan #1 Unang Pangkat - Ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang at Golden Rule
Dahil nais mong mapanatili ang kalinisan sa inyong lugar at makaiwas sa dengue, ikaw at ang iyong mga
kaibigan ay nagkusang maglinis. Kahit may mga taga-linis ang barangay, hindi ninyo iniaasa lamang sa mga
taga-linis ang responsibilidad na ito - ang iyong paglilingkod ay nagpapakita ng pagmamahal.
May isa kang kaklase na nahihirapan sa Math. Ikinuha siya ng kanyang magulang ng tutor. Pagkatapos ng
pagtuturo, binabayaran ang tutor nang ayon sa haba ng oras ng kanyang pagtuturo. Makatarungan iyon dahil
hanapbuhay niya iyon bilang tutor. Subalit kung tinutulungan mo ang iyong kaklase sa pag-unawa sa
asignaturang kaya mong ituro nang walang anumang kapalit na materyal na bagay, halaga man o pabor, ang
ginagawa mo ay isang paglilingkod sa kapwa, isang pagpapakita ng pagmamalasakit at pagmamahal.
Maraming naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at kalamidad. Nagpakita ka ba ng pagmamalasakit at
pagmamahal? Nagbigay ka ba ng donasyon o nagboluntaryong naglingkod sa mga nangailangan ng tulong?
Sa paglalahat, kung ang pagkikipag-ugnayan mo sa iba ay nag-uudyok sa iyo upang ikaw ay maglingkod sa
kapwa nang walang hinihintay na kapalit at nakahanda kang ibahagi ang sarili sa iba, ito ay pagpapakita ng
pagmamalasakit at pagmamahal. Ang mabuting bagay na ginawa mo sa iyong kapwa ay may katumbas na
mabuti. Laging tandaan na naapektuhan ng mga ginagawa natin ang mga tao sa ating paligid; gayundin
naman, tayo ay naaapektuhan nila, dahil tayo ay magkakaugnay. Kaya bilang paggalang at pagmamahal sa
kapwa, bago magpasiya, magsalita o kumilos, mahalagang itanong mo sa iyong sarili: Ano ang mararamdaman
ko kung ako ang nasa lugar niya?
Pangkat 2- Ang Kahalagahan ng Pagkakaisa, Komunikasyon at Pagtutulungan, mga Katangian ng
Mabuting Pakikipagkapwa.
Naranasan mo na bang magkaroon ng kasama na hindi mo makasundo? Maaaring dahil mayabang siya o
makasarili, na iniisip niya na siya’y mas magaling, mas matalino o mas mataas siya kaysa sa iyo? Paano mo siya
pakikisamahan? May mga pagkakataon na kahit likas sa tao ang makipag-ugnayan sa iba, humahantong ang
ugnayan o samahan sa di pagkakasundo. Dahil dito, sinisikap ng lipunan na sa pamamagitan ng iba't ibang
samahan o organisasyon nito, na makamit ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagtataguyod ng
ugnayang may pagkakaisa (solidarity), komunikasyon o diyalogo, at kooperasyon o pagtutulungan.
Ang pagmamalasakit sa ikabubuti ng sarili at ng kapwa ang nagiging dahilan ng pagkakaisa upang makamit ang
kabutihang panlahat. Kung mayroong hidwaan at di pagkakasundo, nilalayon ng pangkat na matulungan ang
mga kasangkot upang mapanumbalik ang maayos na samahan. Halimbawa sa klase, mayroon kang
nakasamaan ng loob na kasama mo sa pangkat. Dahil sa sitwasyon, hindi nagkakaroon ng maayos na output
ang inyong pangkat. Makatutulong ang ibang kasapi ng pangkat upang kayo ay magkaayos, dahil nalalaman
nila na naaapektuhan ang inyong gawain dahil sa hindi ninyo pagkakaunawaan. Kung isasaalang-alang ang
pagpapahalaga sa kabutihang panlahat, maaaring isakripisyo ang pansariling damdamin o pangangailangan,
magkakaroon ng pagkakaisa at kapayapaan.
Ang iba’t ibang samahan o organisasyon sa lipunan ay inaasahang makapagtataguyod ng ugnayang may
pagkakaisa (solidarity), komunikasyon o diyalogo, at kooperasyon o pagtutulungan, bilang paglilingkod sa
kapwa at sa pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat.
Naipahahayag ng tao sa iba’t ibang paraan ang panlipunang aspekto ng kanyang pagkatao. Ang kabutihang
panlahat ay nakasalalay sa pagkakaisa at pagkakasundo ng iba’t ibang yunit ng lipunan, na kung saan kayang
pamahalaan at pag-ingatan ng bawat yunit ang sariling pagkakakilanlan at kasarinlan nito. Ang mga yunit,
katulad ng pamilya, samahan ng mga laiko at relihiyoso, ay dagling tumutugon sa pangangailangan ng tao,
samantalang tumutugon naman ang ibang yunit sa pamamagitan ng bolunterismo katulad ng Red Cross at
mga pribadong organisasyon (NGOs).
Ang pagtataguyod ng mga boluntaryong samahan at institusyon sa loob at labas ng bansa ay kailangan upang
mas maraming tao ang makibahagi at makiisa sa mga gawaing panlipunan na tutugon sa pagkamit ng mga
layuning pangkabuhayan at panlipunan, pangkultural at panglibangan, pampalakasan o isports,
panghanapbuhay, at pangpolitikal (halimbawa, samahan ng mga Overseas Filipino Workers, Partylists.) Sa
pamamagitan ng mga ganitong samahan, natutugunan ang ibang mahahalagang pangangailangan ng tao, na
hindi niya makakamit kung siya ay nag-iisa. Dahil sa pakikiisa at pakikibahagi ng tao sa mga ganitong samahan,
nalilinang ang kanyang pagkatao, lalo na ang pagkakaroon niya ng kusa at pananagutan. Nakatutulong din ito
sa pagtataguyod ng kanyang mga karapatan.
Kaya bilang panlipunang nilalang, ang tao ay –
1. kasapi ng isang pamilya at lipunan na kung saan inaasahan siyang makikibahagi sa pagtatakda ng mga
layunin nito at sa pagkamit ng kabutihang panlahat;
2. kabilang sa mga gawaing pangkabuhayan, produksyon at pagkunsumo, na tumutugon sa
aspektong pangkabuhayan; at
3. isang mamamayan na inaasahang makikibahagi sa pagkamit ng panlipunang pag-unlad (social progress), na
tumutugon sa aspektong politikal.
Ayon kay Licuanan (1992), ang pakikipagkapwa tao ay isa sa mga kalakasan ng mga Pilipino. Naipakikita ito ng
mga Pilipino sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa kapwa, kakayahang umunawa sa damdamin ng iba
(empathy), pagtulong at pakikiramay, bayanihan, at sa pagiging mapagpatuloy (hospitable). May kakayahan
ang mga Pilipino na makiramdam, magtiwala at tumanaw ng utang na loob. Sensitibo sila sa uri ng pakikipag-
ugnayang kanilang nabuo at dito nakabatay ang kanilang kaligayahan at kapanatagan. Dahil nagdudulot ng
pagkakalapit-lapit ang pakikipagkapwa-tao, ito ay nagiging saligan ng pagkakaisa at katarungang panlipunan.
Ngunit ang labis na pagpapahalaga sa personal na ugnayan ay nagdudulot ng kawalan ng malinaw na
paghihiwalay sa obhektibong gawain at emosyonal na pakikisangkot. Dahil dito, hindi
nagiging madali ang pagsunod at pagpapasunod sa mga patakaran, dahil ang lahat ay nagiging
impersonal. Hindi rin maiiwasan ang pagtanggap ng pabor at ang pagtatanggi sa mga kamag-anak
at kaibigan sa pagbibigay ng trabaho, paghahatid ng serbisyo, pati na sa pagboto. Ang labis na personalismo
(extreme personalism) o labis at di makatwirang pakikisama ay maaaring magdulot ng katiwalian at kabulukan
(graft and corruption) sa lipunan.
2. Pagpapahayag ng mga damdamin. Susi sa isang maayos na pakikipag-ugnayan ang pagkakaroon ng malaya
at mapanagutang pagpapahayag ng damdamin, ideya at pangangailangan sa isa’t isa nang hindi nangangamba
na huhusgahan. Maraming ugnayan ang nasira dahil sa pagtatago at pagkimkim ng tunay na nararamdaman
na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng agwat sa ugnayan, na kapag tumagal ay kadalasang nauuwi sa
paghihiwalay. Maiiwasan ang mga di magagandang karanasan kung (a) mapaghahandaan ang pagkakaroon ng
diyalogo, na ang layunin ay ang pagkakasundo ng bawat panig, (b) gagamit ng epektibong kasanayan sa
pakikipagtalastasan, at (c) matamang makinig sa kausap (Attentive Listening) at maging laging handa sa pag-
unawa. Narito ang mga dapat tandaan:
a. Simulan ang pagkikipag-usap sa isang positibong paraan.
b. Ilahad ang problema sa paraang makahihikayat ng kooperasyon at solusyon. Halimbawa, sa halip na
sabihing, “Ang aksaya mo naman!” sabihin na, “Paano kaya tayo makakatipid?”
c. Gumamit ng “I - statements” at iwasan ang mapagparatang na “YOU-statements.” Halimbawa, sa halip na
sabihing, “Lagi ka na lang late!” sabihin na, “30 minuto na akong naghihintay.”
d. Ang pag-uusap ay gawing may pokus, maikli, at malinaw. Iwasan ang magpaligoy-ligoy.
e. Magtanong kung kailangan ng paglilinaw. Iwasang isipin na nababasa ng kausap mo ang iyong iniisip.
f. Laging isaalang-alang ang pagkakasundo sa mga bagay-bagay. Maghanap ng kalutasan sa mga suliraning
kinakaharap.
g. Pakitunguhan ang bawat isa nang may paggalang at kabutihan sa lahat ng pagkakataon.
3. Pagtanggap sa kapwa. Bahagi ng paggalang sa dignidad ng tao ang pagtanggap sa kanyang pagkatao – sa
kanyang kalakasan, pati na kahinaan. Di dapat husgahan ang kapwa batay lamang sa pansariling pamantayan.
Lalawak ang iyong pag-unawa kung iiwasan ang panghuhusga at ang pagpupumilit na ipasunod sa iba ang
pansarili mong pamantayan at pananaw. Nagsisimula ang mapanagutang pagtanggap sa kapwa kung ikaw ay
nagkaroon na ng pagtanggap sa iyong sarili. Sa pamamagitan ng pagninilay, mapauunlad mo ang kamalayang
pansarili na makatutulong sa iyo upang matanggap mo ang iyong kapwa.
4. Pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapwa (confidences). Isang napakalaking karangalan ang
mapagkatiwalaan ka ng mga sensitibo at personal na impormasyon ng iyong kapwa. Bilang paggalang,
tungkulin mo na ingatan ang mga ito sa pamamagitan ng di pagbabahagi o di pagkukuwento sa iba. Maraming
tao na ang napahamak at mga ugnayang nasira dahil sa paglabag sa prinsipyong ito. Maging maingat sa
pagbabahagi sa iba at iwasan ang tsismis. Pagsumikapan mong maingatan ang anumang bagay na
ipinagkatiwala sa iyo ng iyong kapwa lalo na ang mga bagay na personal at sensitibo na maaaring maglagay sa
kanya sa kapahamakan.
Ikaw ay may gampaning maglingkod sa iyong kapwa. Upang mapanatili ang isang makabuluhan at matatag na
pakikipagkapwa, kailangan ang pagsasabuhay ng paggalang, katarungan, at pagmamahal sa kapwa. Kaya mo
itong maipakita sa pamamagitan ng paglilingkod. Oo, kaya mo. Huwag kang mawalan ng pag-asa kung
nararamdaman mo na parang kulang pa ang kasanayan mo sa pakikipagkapwa. Sa halip, tukuyin at
pagsumikapang paunlarin pa ang mga kailangang kasanayan dahil mas magiging makabuluhan ang iyong
buhay at pakikipagkapwa habang lumalalim at nalilinang ang mga kasanayang ito
E. Pagtalakay ng bagong Tatalakayin ng guro ang isinagawang pag-uulat ng bawat pangkat. Tumawag ng 3 mag-aaral upang magbahagi
konsepto at paglalahad ng ng kasagutan sa mga tanong. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
bagong kasanayan #2 1. Ano ang mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang? Ipaliwanag.
2. Ano-ano ang pangangailangan ng tao ang natutugunan at nalilinang dahil sa kanyang pakikipagkapwa?
Ipaliwanag ang bawat isa.
3. Bakit kailangan ng taong mapabilang sa mga samahan o organisasyon? Patunayan batay sa iyong karanasan.
4. Ipaliwanag kung bakit ang pakikipagkapwa ay kalakasan at kahinaan din ng mga Pilipino.
5. Ano-ano ang katangiang matatagpuan sa isang makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa?
Ano ang mga maaaring gawin upang ito ay mapaunlad?
6. Gaano kahalaga ang pakikipagkapwa? Paano ito mapatatatag? Paano nalilinang ang mga pagpapahalaga sa
pamamagitan ng pakikipagkapwa?
F. Paglinang sa Kabihasahan Panonoorin ng mag-aaral ang video na may titulong Golden Rule. Bigyan sila ng panahon upang makapagnilay
(Tungo sa Formative at sumagot sa sumusunod na tanong. Tumawag ng 3 mag-aaral na magbabahagi ng sagot sa klase. (gawin sa
Assessment) loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano ang inyong naunawaan sa inyong pinanood?
2. Ano ang Golden Rule? Ipaliwanag.
3. Ano ang halaga nito sa pakikipagkapwa? Pangatuwiranan
4. Ano ang mangyayari kung ang bawat isa ay lalabag sa Golden Rule?
G. Paglalapat sa aralin sa Pasagutan sa notbuk ang sumusunod na tanong. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
pang-araw-araw na buhay 1. Itala ang mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kaya’t nakikipag-ugnayan siya sa
kanyang kapwa upang malinang siya sa aspektong intelektuwal, panlipunan, pangkabuhayan at politikal.
2. Paano napatatatag ng birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ang
pakikipagkapwa?
3. Paano matatamo ang pagiging ganap na tao sa paglilingkod sa kapwa? Ano ang tunay na indikasyon ng
pagmamahal sa kapwa.
H. Paglalahat sa aralin Kung ang pakikipag-ugnayan mo sa iba ay nag-uudyok sa iyo upang ikaw ay maglingkod sa kapwa nang walang
hinihintay na kapalit at nakahanda kang ibahagi ang sarili sa iba, ito ay pagpapakita ng pagmamalasakit at
pagmamahal. Ang mabuting bagay na ginawa mo sa iyong kapwa ay may katumbas na mabuti. Laging tandaan
na naaapektuhan ng mga ginagawa natin ang mga tao sa ating paligid; gayundin naman, tayo ay
naaapektuhan nila, dahil tayo ay magkakaugnay. Kaya bilang paggalang at pagmamahal sa kapwa, bago
magpasya, magsalita o kumilos, mahalagang itanong mo sa iyong sarili: Ano ang mararamdaman ko kung ako
ang nasa lugar niya?
I. Pagtataya ng aralin Sumulat ng sanaysay na binubuo ng lima o higit pang pangungusap na nagpapaliwanag tungkol sa
kahalagahan ng pakikipagkapwa sa aspektong panlipunan, pangkabuhayan at intelektuwal gamit ang
sumusunod na kraytirya. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)
Kraytirya:
a. Nilalaman -50%
b. Kaugnayan sa Paksa -30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita-20%
J. Karagdagang gawain para sa Alamin ang mga organisasyon sa inyong komunidad na naglalayong makapagbigay ng anumang tulong sa
takdang aralin at remediation kapwa. Itala sa notbuk at maghanda para sa pagbabahagi.
IV. Pagtatala at Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-aaral
na nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nanang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
Inihanda ni: