Panimula. Matet

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

I.

Panimula

Ang mga nilalaman nitong Critical Analysis Paper ay tungkol sa Suliraning

Pang-ekonomiya na kung saan ipapakilala ang paksa, ang depinisyon kung ano

ang Migrasyon at ang mga dahilan kung bakit ito naging suliranin. Nakalagay

rin dito angpaglalahad at pagsusuri ng mga datos, konklusyon at solusyon sa

Migrasyon.

II. Suliraning Pang-ekonomiya

Migrasyon

Sinasabing ang migrasyon ang tawag sa pagpunta o pagdayo ng isang tao o grupo

ng tao sa isang lalawigan, barangay, bayan, ibang bansa o isang mas malayong lugar. Sa

pananaw ng maraming Pilipino, talagang isang oportunidad ito para sa kanila. Maraming

maaaring benepisyong hatid ang pagpunta o paglipat ng isang tao sa isang pook. Ngunit

sa kabila ng maraming maganda at mabuting epekto nito, may nakaabang din itong

masamang resulta o panganib sa buhay. Subalit marami parin ang nakikipagsapalaran at

sumusubok sa pagnanais na gumanda ang buhay. May mga uri ang migrasyon, hindi

lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos lahat ng mga bansang

nakapaloob sa usapang ito


III. Paglalahad at Pagsusuri ng Datos

Datos ng migrasyon ay naaapektuhan dahil sa bilang ng mga lokal na

mamamayan na nagpupunta o lumilipat upang magtagal sa ibang bansa.

Karamhian sa kanila ay may dahilang magtrabaho. Ang iba naman ay doon na

naninirahan. Halos taun-taon ay tumataas ang datos nito. Higit na mataas ang

umaalis at lumalabas kaysa sa bumabalik at umuuwi.


IV. Konlusyon

Ang paglipat ng tao ay ang paggalaw ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa

isa pa na may mga intensyon ng pag-aayos, permanente o pansamantala sa isang

bagong lokasyon. Ang kilusan ay madalas sa paglipas ng mahabang distansya at

mula sa isang bansa papunta sa isa pa, ngunit posible rin ang panloob na

paglilipat sa katunayan, ito ang nangingibabaw na anyo sa buong mundo. Ang

mga tao ay maaaring lumipat bilang indibidwal, sa mga yunit ng pamilya o sa

mga malalaking grupo. Ang isang tao na gumagalaw mula sa kanilang tahanan

patungo sa ibang lugar dahil sa natural na kalamidad o gulo sa sibil ay maaaring

inilarawan bilang isang refugee o, lalo na sa loob ng parehong bansa, isang taong

nawawalan. Ang isang taong naghahanap ng kanlungan mula sa pampulitika,

relihiyoso o iba pang anyo ng pag-uusig ay kadalasang inilarawan bilang isang

naghahanap ng pagpapakupkop. Ang napakahalagang implikasyon nito ay ang

impresyon sa atin na nagiging rekisito o matinding pangangailangan talaga ang

pangingibang bansa upang bigyang linaw sa mga dayuhan ang sitwasyong

pulitikal at ekonomikal ng Pilipinas, at ang humingi ng tulong na rin lalo na ang

seguridad, ang kalayaang intelektwal at ang pag-iwas sa isang mapanupil na

estado
V. Solusyon

Sa suliraning migrasyon ay ang pagtatalaga ng gobyerno ng mas maraming

oportunidad para sa magandang trabaho upang mahikayat ang mga nasasakupan

nitong manatili na lamang at huwag ng umalis sa kanilang bayan.

Maari rin naman magtayo ng negosyo kung mayroon magagamit na puhunan

upang masuportahan hindi lamang ang pamilya, kundi na rin ng kanyang

bansang kinabibilangan sa pagbibigay pagkakaton sa iba na magkaroon rin ng

trabaho. Para sa gobyerno, maaring magsagawa ng mga programang

makakapagbigay ng dagdag at angkop na trabaho upang hindi na kailanganin ng

iba na umalis ang mandayuhan sa iba pang bansa.


Critical Analysis
Paper

(Migrasyon)
Bilang Pangalawang Proyekto sa
AP10

Ipinasa ni:
Rissie B. Ballesteros

Ipinasa kay:
Gng. Jenryl De Jesus

You might also like