Mga Karaniwang Kamalian Sa Morpolohiya

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 116

BENDALAN,

NILDA
B. October, 2006. Panlinggwistikang Pagsusuri sa
mga Talaarawan ng mga Kadete ng Philippine Military Academy. Benguet State
University, La Trinidad, Benguet.

Tagapayo: Faustina O Gualdo, Ed. D.


ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay nagtangkang suriin ang kakayahang panlinggwistika
ng mga 4th class kadete ng Philippine Military Academy. Layunin ng pananaliksk
na ito na: 1) masuri ang mga kamalian sa gramatika at mekaniks na nagagawa ng
mga kadete sa pagsulat ng talaarawan; 2) masuri ang pinagmulan ng mga
kamaliang nagagawa ng mga kadete sa pagsulat ng talaarawan; 3) masuri ang
epekto ng kasarian, unang wika, paaralang pinagtapusan ng hayskul at antas ng
edukasyon bago pumasok sa PMA sa kamalian ng mga kadete.

Sa pamamagitan ng mga ipinasulat na talaarawan ay sinuri ang


nagagawang kamalian sa pagsulat at inuri ang mga ito gamit ang modelo ni
Hendrickson (1980). Ang pag-uuri ay ayon sa kamalian sa morpolohiya, leksikon at
sintaks. Ang pag-uuring ito ay hinati sa maling gamit at paglalaktaw. Idinagdag din
sa pag-uuri ang mekaniks na tumukoy naman sa pagbabaybay at pagbabantas.
Sinuri rin ang pinagmulan ng mga kamalian sa pagsulat gamit ang "intralingual" na
pinagmulan ng kamalian gamit ang modelo ni Richards (1974). Ito ay ang labis na

paglalahat, kasalatan sa kaalaman sa tuntunin, di lubos na paggamit ng tuntunin at


kamalian sa pagpapakahulugan na saklaw ang paghihinuha ng maling konsepto.
Ang mga kamaliang nagawa ay iniugnay sa kanilang kasarian, unang wika,
paararalang pinagtapusan ng hayskul at antas ng edukasyon bago pumasok sa
PMA.
Para sa istatistikang pagsusuri sa mga kamalian at pinagmulan ng kamalian,
ginamit ang frequency counts, percent, mean at ranking. Ang epekto ng salik ay
ginamitan ng Chi-Square.
Sa ginawang pagsusuri ng mga datos ay natuklasan ang mga sumusunod:
1. a. Sa kabuuang bilang ng kamalian na 2,615, pinakamarami ang
kamalian sa leksikon (42.72%), pangalawa ay ang kamalian sa sintaks (27.64%),
pangatlo ang kamalian sa morpolohiya (19.43%) at pang-apat ang kamalian sa
mekaniks (10.21%).
b. Sa kabuuang bilang na 1,117 kamalian sa leksikon, nanguna ang
kamalian sa pandiwa (29.99%), pangalawa ang kamalian sa pang-uri (27.93%),
pangatlo ang kamalian sa pang-abay (23.99%), pang-apat ang kamalian sa
pangngalan (12.98%) at panghuli ang kamalian sa panghalip (5.11%).
c. Sa kabuuang bilang na 723 kamalian sa sintaks, nanguna
ang kamalian sa pang-angkop (23.51%), pangalawa ang kamalian sa pangatnig
(20.75%), pangatlo ang kamalian sa pantukoy (18.67%), pang-apat ang kamalian
sa paggamit ng panandang "ay" (16.46%), panglima ang kamalian sa pang-ukol
(12.86%) at panghuli ang kamalian sa pagkakaayos ng mga salita (7.75%).

ii

d. Ang kamalian sa morpolohiya naman ay may kabuuang bilang na 508.


Dito'y nanguna ang panlapi (40.19%), pangalawa ang pagbabanghay (30.31%)
pangatlo ang gamit ng pokus (19.09%) at pang-apat ang pananda (10.43%).
e. May naitalang 267 bilang na kamalian sa mekaniks. Nanguna ang
kamalian sa pagbabantas (68.91%) at sumunod ang maling bantas (31.09%).
2. Sa mga pinagmulan ng kamalian, 70.86% ay dulot ng intralingual.
Nanguna sa pinagmulan ng kamalian ay ang labis na paglalahat (47.22%),
pangalawa ang kasalatan sa kaalaman ng tuntunin (20.62%), pangatlo ang di lubos
na paggamit ng tuntunin (17.49%) at pang-apat ang kamalian sa
pagpapakahulugan o paghihinuha ng maling konsepto ang (14.68%).
3. a. Nanguna sa mga babae ang pagkakamali sa leksikon (40.0%),
pangalawa sa sintaks (26.67%) at pangatlo ay sa morpolohiya (20.0%). Sa mga
lalaki, nanguna ang leksikon (47.62%), pangalawa ang
mekaniks (26.78%) at pangatlo ang sintaks (17.26%).
b. Sa salik na unang wika, sa morpolohiya, nanguna sa pagkakamali ang
mga Waray (40.0%), sumunod ang mga Hiligaynon (38.46%) at pangatlo ang
pangkat ng iba pang wika (28.57%). Sa kamalian sa leksikon naman ay nanguna
ang Bicol (83.33%), pangalawa ang Bisaya (61.36%), pangatlo ang mga Waray
(60.0%). Sa kamalian sa sintaks, nanguna ang mga Tagalog (30.30%), sumunod
ang Ilocano (23.08%) at pangatlo ang pangkat ng iba pang wika (19.05%). Sa
kamalian sa mekaniks ay nanguna uli ang mga Tagalog (19.70%), sumunod ang
mga Ilocano (17.95%) at pangatlo ang mga Bisaya (9.09%).

iii

c. Batay sa paaralang pinagtapusan ng hayskul, sa kamalian sa


morpolohiya, mas malaki ang bahagdan ng mga kadeteng nagtapos sa publikong
paaralan (15.45%) kaysa sa mga nagtapos sa pribadong paaralan (12.0%). Sa
kamalian sa leksikon, mas malaki ang bahagdan ng nagtapos sa publikong
paaralan (55.58%) kaysa sa mga nagtapos sa pribadong paaralan (48.0%). Sa
kamalian sa sintaks ay mas malaki naman ang bahagdan ng nagtapos sa
pribadong paaraalan (20.0%) kumpara sa nagtapos sa publikong paaralan
(18.70%). Maging sa kamalian sa mekaniks ay mas malaki ang bahagdan ng
nagtapos sa pribadong paaralan (20.0%) kaysa sa mga nagtapos sa publikong
paaralan (10.57%).
d. Sa antas ng edukasyon, nanguna sa kamaliang morpolohiya ang mga
katatapos pa lang ng hayskul (29.41%), pangalawa ang mga nasa ikalimang taon
(25.0%) at pangatlo ang mga nasa unang taon ng kolehyo (19.40%). Sa kamalian
sa leksikon, nanguna na naman dito ang katatapos ng hayskul (58.82%), sumunod
ang nasa ikalimang taon na o nakatapos na ng pag-aaral.(56.25%) at pangatlo ang
nasa ikalawang taon (54.54%). Sa kamalian sa sintaks, pinanguhan ito ng mga
nasa ikatlong taon (33.33%), sumunod ang nasa ikaapat na taon (12.5%) at
pangatlo ang nasa unang taon ng pagkokolehyo (11.94%). Sa mekaniks naman ay
nanguna sa pagkakamali ang mga nasa ikaapat na taon ng kolehyo (25.0%),
pangalawa ang mga nasa ikalawang taon (23.63%) at pangatlo ang mga nasa
unang taon (14.92%).
Batay sa resulta ng pananaliksik ang mga sumusunod na konklusyon ay
nabuo:

iv

1. Sa sinuring talaarawan ng mga kadete, naipamalas na ang kamalian nila


sa pagsulat ay una, sa leksikon, pangalawa sa sintaks, pangatlo sa morpolohiya at
pang-apat sa mekaniks. Sa leksikon ay nanguna ang kamalian sa pandiwa,
pangalawa ang kamalian sa pang-uri pangatlo ang kamalian sa pang-abay, pang-
apat ang kamalian sa pangngalan at panglima ang kamalian sa panghalip. Sa
sintaks ay nanguna ang kamalian sa pang-angkop, pangalawa ang kamalian sa
pangatnig, pangatlo ay ang kamalian sa pantukoy, pang-apat ang kamalian sa
paggamit ng panandang "ay", panglima ang kamalian sa pang-ukol at panghuli ang
kamalian sa pagkakaayos ng mga salita. Sa kamalian sa morpolohiya ay nanguna
naman ang kamalian sa panlapi, pangalawa ang sa pagbababanghay, pangatlo
ang gamit ng pokus at pang-apat ang sa pananda.
2. Sa intralingual na pinagmulan ng kamalian, nanguna ang labis na
paglalahat, pangalawa ang kasalatan sa kaalaman ng tuntunin, pangatlo ang di
lubos na paggamit ng tuntunin at pang-apat ang kamalian
sa pagpapakahulugan o paghihinuha ng maling konsepto.

3. Ang mga salik na kasarian, unang wika, paaralang pinagtapusan ng


hayskul at antas ng edukasyon bago pumasok sa PMA ay hindi nakaapekto sa
kamalian ng mga kadete sa pagsulat ng kanilang talaarawan.

Batay sa naging resulta ng pag-aaral at nagawang konklusyon, ang mga


sumusunod ay iminumungkahi:
v

1. Sa pagtuturo ng wika, pagtuunan ng pansin ang bahaging leksikon


dahil natuklasan hindi lang sa pag-aaral na ito kundi maging sa mga naunang pag-
aaral sa kamalian na ito kahinaan ng mga mag-aaral.

2. Sa mga pinagmumulan ng kamalian, iminumungkahi ring magkaroon ng


pag-aaral ukol sa iba pang pinagmumulan ng kamalian liban pa sa intralingual na
pinagmumulan ng kamalian tulad ng interlingual o kaya’y enduced errors na
pinagmumulan ng kamalian.

3. Iminumungkahi ring magkaroon pa sana ng mas malawak na pang-


unawa ang mga guro na nagtuturo ng wika maging ito ay Filipino o Ingles upang
lalong maging matagumpay ang pag-aaral ng alin mang pangalawang wika.

vi

TALAAN NG NILALAMAN

Nilalaman
Pahina
Bibliograpiya……………………………………………….…….. i
Abstrak ….………………………………………………………… i
Talaan ng Nilalaman ……………………………………….……. vii
PANIMULA
Sanligan ng Pag-aral.................................................…. 1
Paglalahad ng Suliranin ….......………………..……..… 6
Layunin ng Pag-aaral …………………..……………….. 6
Kahalagahan ng Pananaliksik ………………………… 7
Saklaw at Delimitasyon ……………………………..…… 9
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Teorya ng Kakayahang Pangwika……………………… 11

Sosyolinggwistika………………………………………… 14

Saykolinggwistika………………………………………… 18

Interlanguage……………………………………………… 20
Pagsusuri sa Kamalian…………………………………… 25

Pinagmumulan ng Kamalian ……………………………. 29

Mga Lokal na Pag-aaral…………………………………. 32

Balangkas ng Teorya ………………………………… 43

vii

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit ………………. 46


Haypotesis ng Pag-aaral ………………………………… 50
PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Kinaganapan ng Pananaliksik ………………………….. 52
Mga Respondente …………..…………………………… 52
Paraan ng Pananaliksik …………………………………. 56
Pangungulekta ng Datos ……………………………….. 57
Pagsusuring Estatistika …………………………………. 57
PAGTALAKAY SA MGA RESULTA
Uri ng Kamalian sa Pagsulat……………………………. 59
Kamalian sa Leksikon……………………………………. 60
Kamalian sa Sintaks …………………………………….. 69
Kamalian sa Morpolohiya ………………………………. 79
Kamalian sa Mekaniks .……………………………….. 86
Lagom ng Kamalian . . . .. . . . . . . . . . .. . . . . . . . . . . . . 90
Pinagmumulan ng mga Kamalian ……………………... 92
Labis na Paglalahat ……………………………………… 93
Kasalatan ng Kaalaman sa Tuntunin…………………… 94
Di Lubos ng Paggamit ng Tuntunin ……………………. 95
Paghihinuha ng Maling Konsepto………………………. 97
Epekto ng mga Salik sa Kamalian…………………….… 100

viii

Epekto ng Kasarian ……………………………………… 100


Epekto ng Unang Wika …………………………………. 102
Epekto ng Paaralang Pinagtapusan …………….……... 107
Epekto ng Antas ng Edukasyon. ……………….……..... 111
PAGLALAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON
Paglalagom …………………………………………….…. 117
Konklusyon…………………………………………..….… 122
Rekomendasyon………………………………………..… 123
SANGGUNIAN ………………………………………………….… 125
APENDIKS……………………………………………………....… 132
Apendiks A - Talatanungan …………………………..…. 132
Apendiks B - Panuto sa Pagsulat ……………………… 134
Apendiks C - Talambuhay………………………………. 135

ix

PANIMULA
Sanligan ng Pag-aaral

Ang mga kadete sa Philippine Military Academy ay inihahandang


maging tagapagtanggol ng bayan. Nasasaad ang tungkuling ito sa vision
statement ng paaralan na “To be an institution of excellence and
professionalism for the future military leaders dedicated to a selfless
service to the nation”. Batay sa pahayag na ito, inaasahan ng akademya
na ang mga kadeteng magtatapos dito ay may taglay na kahusayan at
propesyunal hindi lamang sa larangan ng pagsusundalo kundi sa lahat ng
larangan ng buhay dahil sa kanilang katungkulang magbigay ng di-
makasariling paglilingkod sa bayan. Mabigat at mapanghamon ang
pangarap na ito ng akademya ngunit pinagsisikapang matamo ng bawat
kabataang makapasok sa akademyang ito. Dahil sa nabanggit,
kailangang ang bawat kadete ay may mayamang karanasan at
kakayahang makipag-uganayan sa bayan. Sila ay makikipag-ugnayan
hindi lamang sa kanilang mga nasasakupan kundi maging sa kanilang
mga katunggali ng edeyolohiya at pananaw ukol sa paglilingkod sa bayan.
Gayundin, makikipag-ugnayan sila sa lahat ng uri ng tao sa lipunan - sa
mga matatanda, kabataan, propesyunal, maging sa mga di propesyunal at
pati na rin sa mga itinuturing na problema ng lipunan. Kung ganoon,
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

2
kinakailangan nilang magtaglay ng kahusayan sa pakikipagtalastasan
gaya ng binanggit ni Hymes (1970).
“Communicative competence is a concept introduced
by Dell Hymes and discussed and redefined by many
authors. Hymes' original idea was that speakers of a
language have to have more than grammatical competence
in order to be able to communicate effectively in a language;
they also need to know how language is used by members
of a speech community to accomplish their purposes”.

Sa PMA Road Map 2015 isinasaad ang limang tungkulin ng mga


kadeteng magtatapos sa akademyang ito. Ito ay ang pagiging: “leaders of
character, combatants, partners in nation development, managers and
military professionals”.
Kaugnay ng nabanggit, hindi maisasantabi ang pahayag ni Molloy
(1981) na kapakinabangang maidudulot ng mabisang pakikipagtalastasan.
“Effective communication is one of the most
important functions of management”. It is important in
increasing productivity, improving employee satisfaction,
and being recognized as an understanding leader (Graham,
Unruh, and Jennings). In addition, it is “closely related to
managerial effectiveness”(Jackson) and it is “a strong
predictor of promotability” (Sypher and Zorn).

Communicating effectively is a “requisite to success in


contemporary business life” (Inman)

Gayundin, upang lubos na magampanan ang tungkulin bilang


tagapagtanggol ng bayan, kailangan nilang taglayin ang kakayahang
makipagtalastasan gamit ang wika ng mamamayang Filipino. Dalawa ang
itinuturing nating opisyal na wika sa ating bansa - English at Filipino.
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

3
Nasasaad ito sa artikulo XIV seksyon 7 ng konstitusyon ng Pilipinas.
“Sa layuning pangkomunikasyon at pagtuturo, ang
mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at Ingles hanggat
hindi pa binabago ang batas”
Isinulong din ng edukasyon ang Patakarang Bilinggual ng 1987 na
nagsasaad na pantay na lilinangin ang paggamit na wikang Filipino at
wikang Ingles.
Alinman sa dalawang wika ang gagamitin, ito’y pangalawang wika
pa rin nating mga Filipino. At dahil pangalawang wika lamang, hindi
maiiwasan ang mga pagkakamali sa paggamit ng mga wikang ito.
Nabanggit nga ni Myles (1970) ang mga sumusunod na pahayag ukol sa
paggamit ng pangalawang wika:

Students writing in second language generally


produce texts that contain varying degrees of grammatical
and rhetorical errors. In fact, depending on proficiency level,
the more content-rich and creative the text, the greater the
possibility there is for errors at the morphosyntactic level.
These kinds of errors are especially common among L2
writers who have a lot of ideas, but not enough language to
express what they want to say in a comprehensible way.
What we classify as an error, which is associated with
learner competence, may actually be a mistake, or more
specifically in an EAP context, a “derallment” related to
learner performance (Shaughnessy, 1977).
Nabanggit din sa pag-aaral ni Cortez (2000) ang mga sumusunod
na pananaw ni Corder (1971) :
Ang mga kamalian ng mga mag-aaral ang
nagpapakilala ng kalagayan ng kaalaman niya sa pinag-
aaralang wika kasama ang paraan ng pag-aaral niya nito.
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

4
Matutuklasan ang naabot niya sa pag-aaral at ang
kinakailangan pang ituro sa kanya. Sa pag-uuri ng kaniyang
kamalian, nalalaman ang kaniyang suliranin sa pag-aaral ng
target na wika.

Bagamat hindi nga makaiiwas sa pagkakamali ang isang


manunulat sa isang pangalawang wika, hindi rin mainam na hahayaan na
lamang ang mga kamaliang ito. Kinakailangang tukuyin ang mga
karaniwang kamaliang ito upang maiwasto.
Sa pahayag ni Myles (1970) sa kanyang “Second Language Writing
and Research: The Writing and Error Analysis in Student Texts ay
nabanggit niya ang mga sumusunod:
Repeating a previous mistake, or backsliding, is a
common occurrence in L2 writing. More important, though,
is the issue of fossilization- when “learner interlanguage
competence diverges in more or less permanent ways from
the target language grammar” (Odlin, 1994, p.13).

Fossilized errors can be problematic in writing because the


errors become ingrained, like bad habits, in a learner
repertoire, and they reappear despite remediation and
correction. They can be common among immigrants who
have learned much of the L2 “on the street,” where the
emphasis is on fluency and not linguistic correctness. Errors
in writing, fossilized or otherwise, can be glaring, especially
to the reader who has had little experience interacting with
L2 speakers and texts.
Idinagdag pa niyang ipinaliwanag ang pananaw niya ukol sa pag-
aaral ng mga kamalian sa paggamit ng pangalawang wika.

From behaviorist and mentalist perspectives of error,


which have emphasized the product (the error itself) to more
constructivist views, which focus on underlying process (why
error is made), researchers have attempted to understand
the errors in writers’ texts by hypothesizing their possible
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

5
sources (Bartholomae, 1980; Hull, 1985). Although reading
an error-filled text can be tiring and disconcerting, errors can
help us identify the cognitive strategies that the learner is
using to process information. According to Ellls (1985). It is
through analyzing learner errors that we elevate “the status
of errors from undesirability to that of a guide to the inner
working of the language learning process”
Sa mga nabanggit ni Myles (1970), ang mga hindi naiwawastong
pagkakamali na nagiging permanente ay maaaring makaagaw ng pansin
sa mga gumagamit ng wikang yaon. Gayun din sa pamamagitan ng
pagsusuri ng mga kamalian sa wika ay nagagamit itong lunsaran sa pag-
unawa sa proseso ng pagkatuto ng pangalawang wika.

Binigyan pansin ni Richards (1974) ang pinakabagong paraan ng


pagsusuri ng mga kamalian ng mag-aaral sa wika na ito ay ang pag-alam
sa intralingual at paunlad o debelopmental na kamalian. Ang naturang
kamalian ay nagaganap sa isang antas ng pag-aaral ng pangalawang
wika. Ganundin, nagagawa ang mga kamaliang ito ng lahat ng mag-aaral
ng wika sa alinmang dako at hindi maaaring idahilan ang kabiguan sa
pagsasaulo, pagod at iba pa. Ang mga kamaliang ito ay maaaring
indikasyon o palatandaan ng transisyunal o pansamantalang kakayahan.
Dahil dito’y angkop itong gamitin sa pagsusuri ng kamalian sa pagsulat.
Ang nabanggit ni Richards (1974) ay ginamit sa pananaliksik na ito.
Tinukoy ang mga kamalian ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang
Filipino sa pagsulat at inalam din ang pinagmulan ng mga kamaliang ito.
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

6
Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri sa mga kamalian
sa pagsulat ng talaarawan ng mga kadete at ang pinagmulan ng mga
kamaliang ito. Inaasahang sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay
masagot ang mga sumusunod na katanungan:
1.
Ano ang mga uri ng kamalian sa gramatika at mekaniks na
nagagawa ng mga kadete sa pagsulat ng talaarawan?
2.
Ano ang pinagmulan ng mga kamalian sa pagsulat ng
talaarawan ng mga kadete?
3.
Ano ang epekto ng mga sumusunod na salik sa mga
kamalian sa pagsulat ng talaarawan ng mga kadete?
a. kasarian
b. unang wika
c. paaralang pinagtapusan ng hayskul
d. antas ng edukasyon bago pumasok sa PMA
Layunin ng Pag-aaral
Nilalayon ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod:
1. Masuri ang mga kamalian sa gramatika at mekaniks na
nagagawa ng mga kadete sa pagsulat ng talaarawan.
2. Masuri ang pinagmulan ng mga kamaliang nagagawa ng mga
kadete sa pagsulat ng talaarawan.
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

7
3. Masuri ang epekto ng mga sumusunod na salik sa nagagawang
kamalian ng mga kadete sa pagsulat ng talaarawan:
a.

kasarian

b. unang wika

c. paaralang pinagtapusan ng hayskul


d. antas ng edukasyon bago pumasok sa PMA

Kahalagahan ng Pananaliksik
Ayon kay Svartik (1973), ang pagsusuri sa mga kamalian ng mga
mag-aaral ng wika ay may mahalagang kaugnayan sa tungkulin ng
istratehiya ng pag-aaral ng wika. Nagbibigay ang naturang pagsusuri ng
mahalagang kaalaman sa proseso ng pagtuturo ng wika. Ang pagkilala
ng mga kamalian ang simula ng pag-aaral ng mga mag-aaral at umpisa
ng pagtuturo ng mga guro. Umaasa ang mananaliksik na makatutulong
nang malaki ang kinalabasan ng pag-aaral na ito sa lahat ng kinauukulan
upang maging matagumpay sa kanilang tungkulin sa pagtuturo ng Filipino
sa mga mag-aaral.
Inaasahan ng mananaliksik na ang resulta ng pananaliksik na ito ay
makatutulong sa anumang paraan sa mga tagapamahala ng kurikulum.
Sa mga gagawing pagrebisa ay inaasahang maiangkop ang kurikulum ng
akademya sa kasalukuyang pangangailangan ng Sandatahang Lakas ng
Pilipinas at sa antas ng kakayahan ng mga mag-aaral na pumapasok sa
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

8
Philippine Military Academy.
Ang resulta ng pananaliksik na ito ay makatutulong sa pagbibigay
ng gabay sa mga mangangasiwa ng “curriculum revision”. Ito ay
magbibigay ng hinuha sa mga administrador kung kailangan pa nilang
baguhin ang kasalukuyang asignatura na may kinalaman sa paglinang ng
kasanayan at kaalaman sa pagsulat ng mga kadete.

Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay inaasahang magiging


lunsaran ng mga direktor ng kurso sa paggawa ng silabus ng kurso. Ang
anumang kinalabasan nito ay magsisilbing sanggunian ng mga direktor ng
kurso upang maiangkop ang layunin at makapaghanda ng makabuluhang
gawain na lalong lilinang sa kanilang kasanayan sa pagsulat na tunay
ngang mahalaga sa propesyong kanilang napili.
Inaasahan ding ang resulta ng pag-aaral na isinagawa ay
magsisilbing pamukas sa isipan ng mga mag-aaral na ang pagsulat ay
isang mahalagang kasanayang dapat linangin lalung-lalo na sa
propesyong kanilang tinatahak. Ang pag-aaral na ito ay inaasahang
maging daan tungo sa pagbabago ng maling pananaw at saloobin sa
pagsulat ng mga kadete lalo na sa paggamit ng wikang Filipino at
magkakaroon ng paghahangad na mapabuti at mahikayat na pag-uukulan
ng atensyon, panahon at kawilihan ang gawaing pagsulat bilang paraan
ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

9
Yamang sa talaarawan ay malayang naipapahayag ng tao ang
kaniyang saloobin, ito ay mabisang kasangkapan sa pagkilala sa saloobin
ng mga sumusulat nito at magsisilbi rin bilang isang mahalagang
kasangkapan sa pag-aaral ng wika.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagsusuri sa mga


linggwistikang kamalian sa pagsulat ng talaarawan ng mga 4th class na
kadete ng Philippine Military Academy ng taong panuruan 2006-2007 o
class 2010. Ang mga kadeteng ito ay kumukuha ng aralin sa Filipinong
sumasaklaw sa mga kasanayang makro - pagsasalita, pakikinig, pagbasa
at pagsulat.
Ginamit na lunsaran sa elisitasyon ng kamalian sa wika ang mga
talaarawang isinulat ng mga kadete. Mula sa mga talaarawan, sinuri ang
mga kamalian sa paggamit ng wika gamit ang modelo ni Hendrickson
(1980) na nagbibigay tuon sa mga lokal na kamalian tulad ng kamalian sa
morpolohiya, leksikon at sintaks at kamalian sa mekaniks na sumasaklaw
sa pagbabaybay at pagbabantas. Pagkatapos masuri ang mga uri ng
kamalian ay sinuri naman ang mga pinagmulan ng mga kamaliang ito
ayon sa modelo ni Richards (1974). Ang Intralingual na pinagmulan ng
kamalian ang ginamit na modelo sa pag-aaral na ito. Ito ay ang labis na
paglalahat, kasalatan sa kaalaman sa tuntunin, di lubos na paggamit ng
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

10
tuntunin at kamalian sa pagpapakahulugan na saklaw ang paghihinuha ng
maling konsepto.
Tinukoy ang mga kamaliang nagawa ng mga mag-aaral sa
pagsulat at iniugnay ang mga sumusunod na salik na maaaring
nakaapekto sa mga kamaliang nagawa ng mga kadete sa pagsulat ng
talaarawan. Ang mga nasabing salik ay kasarian, unang wika, paaralang
pinagtapusan ng hayskul at ang antas ng edukasyon ng mga kadete bago
pumasok sa PMA.
Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay ang 30 na mga
babae at 168 na mga lalaki na sa kabuuan ay 198 na 4th class na kadete
(Class 2010) ng taong panuruang 2006-2007 ng Philippine Military
Academy.
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay ibinatay sa mga teorya ng wika


kaugnayan ng unang wika sa pagtatamo ng pangalawang wika at pag-
unawa sa mga kamalian sa paggamit ng pangalawang wika. Minarapat
na isinama ng mananaliksik ang mga pag-aaral ukol sa mga salik na
ginamit.
Teorya ng Kakayahang Pangwika

Isa sa mga pinagbatayan ng pag-aaral na ito ay ang pag-aaral ng


mga kaisipan ng kakayahang pangwika (language competence). Iba-iba
ang pananaw ng mga linggwista ukol dito. Sa mga istrukturalista ang
paglalarawan ng kayarian ng wika ang binibigyan-pansin (Bayo,1994).
Pinaniniwalaan nila na ang wika ay isa lamang code na binubuo ng
istruktura. Dahil ang diin ay ang kawastuan ng istruktura o lingguistic
accuracy, iginigiit nila na ang kakayahang panlinggwistik ay ang
pagkabihasa at masteri sa paggamit ng wika - ng kanyang ponolohiya,
morpolohiya at sintaks. Ayon kay Hufana (1982) sa pagabanggit ni
Tibagacay ((2001) ang kompetent sa pangalawang wika ay ang kawalan o
halos kawalan ng kamalian sa balarila, talasalitaan, kagalingan at kadalian
sa pagsasalita at pagbasa.

Subalit mayroon ding binanggit ang ilang mga linggwista na hindi


Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

12
sumasang-ayon sa unang nabanggit.

Sina Campbell at Wales (1970) ay nagpahayag ng mga


sumusunod na kaisipan:

“Knowing a language involves not only the ability to


compose correct sentences but also the ability to use them
appropriately in acts of communication”

Nangangahulugang
ang
pag-alam ng wika ay hindi lamang ang
kakayahang bumuo ng wastong pangungusap na siyang diin ng
istrukturalismo kundi pati na rin ang kakayahang gamitin ang mga
pangungusap na ito sa iba’t ibang pagkakataon.

Binanggit ni Hamada (2001) na mapapansing isinusulong ng


linggwista ng 1970 ang kaisipan ukol sa mas malalim na pag-unawa sa
mag-aaral ng pangalawang wika. Nagtulak ito ng mas marami pang pag-
aaral.

Ang Generative Transformational Linguistics ni Chomsky (1965) ay


nagsusulong sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay hindi lamang sa
pamamagitan ng “habit”, “imitation”, conditioning o stimulus-response”
kundi ito ay malikhaing proseso. Ipinakilala niyang ang taglay na
kaalaman sa wika ay nagbibigay sa kanya ng kakayahang bumuo ng mga
pangungusap na katanggap-tanggap sa nagmamay-ari ng wika at ang
kakayahang kumilala nang tama sa maling pangungusap (Hamada,2001).

Subalit napansin ni Oller (1971) na nabigong isama ni Chomsky sa


Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

13
kanyang teorya ang kakayahan ng isang taong gamitin ang wika sa
pagbibigay at pagtanggap ng impormasyon gaya ng enkoding at dekoding
ng mensahe. Hindi niya nabigyang kasagutan ang katanungan kung
paano nabubuo ng nagsasalita ang isang bagong pahayag sa isang
sitwasyon at paano naman ito natatanggap ng nakikinig.

Ang pananaw na ito ni Oller (1971) ay sinusugan ni Bollinger


(1971) nang kanyang ipahayag na may mga tuntuning sinusunod para sa
pag-unawa at pagpapahayag at sinasabing ang nag-uusap ay
nagkakaintindihan ayon sa konteksto. Napakahalaga ng konteksto
sapagkat marami ang maaaring ipakahulugan sa isang pahayag sa iba’t
ibang konteksto, at dagdag pang suliranin ang kung aling konteksto ang
naangkop.

Si Savignon (1972) ay nagpahayag naman ng kanyang pananaw


ukol sa kakayahang komunikatibo. Ayon sa kanya ang binabanggit ng
mga istrukturalista na kakayahan sa tamang pagbigkas, bokabularyo at
gramatika ay isa lamang sa mga pangunahing salik na bumubuo sa
pakikipagtalastasan.
....the ability to function in a truly communicative
setting- that is an a dynamic exchange in which linguistic
competence must adapt itself to the total information input,
both linguistic and paralinguististic, of one of more
interlocutors”

Batay sa mga naunang nabanggit, malinaw na pinagkakaisahan


Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

14
nina Campbell at Wales (1970), Savignon (1972), Oller (1971) at
Bollinger (1971) na ang komunikasyon ay hindi lamang sumasaklaw sa
linggwistika o kaalaman sa istruktura kundi maging ang iba pang salik ng
pakikipagtalastasan tulad ng kakayahang gamitin ang pangungusap sa
iba’t ibang pagkakataon.
Sosyolinggwistika. Ginamit ni Holmes (1978) ang salitang
kakayahang sosyolinggwistika sa kakayahang umunawa ng wika at ng
kaugnayan nito sa lipunan. Sa larangang ito, ang isang tao ay hindi lang
nagtataglay ng kakayahang linggwistika kundi nakauunawa ng
kontekstong sosyal ng isang wika.

Sa pagpapaliwanag ni Hymes (1967) ukol sa kakayahang


komunikatibo binanggit niya ang mga sumusunod na kaisipan;

We have then to account for the fact that a normal


child acquires knowledge of sentences not only as
grammatical, but also as appropriate. He or she acquires
competence as to when to speak, when not, and as to what
to talk about with whom, when, where, in what manner. In
short, a child becomes able to accomplish a repertoire of
speech acts, to take part in speech events, and to evaluate
thier accomplishments by others. This competence,
moreover, is integral with attitudes, values, and motivations
concerning language, its features and uses, and integral with
competence for, and attitude towards the interrelation of
language with the other code of communicative conduct.

Ang nabanggit na pananaw ni Hymes ay nagpapaliwanag na hindi


lang ang gramatikang aspeto ng wika ang natatamo ng bata sa kanyang
pag-aaral ng wika. Binanggit niyang maging ang konteksto o ang
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

15
sitwasyon o ang kalagayan kung saan magaganap ang
pakikipagtalastasan ay isinasaalang-alang. Lalong malinaw ang kaisipan
niyang ito sa kanyang akronim na SPEAKING (Palazo, 2003).
S – etting

(Saan – lugar kung saan nag-uusap)


P – articipants

(Sinu-sino ang mga kausap o nag-uusap)


E – nds

(Ano ang layunin sa pag-uusap)


A – ct Sequences
(Paano ang takbo ng usapan)
K – eys

(Pormal ba o di-pormal ang pag-uusap)


I – nstrumentalities
(Pasalita ba o di-pasalita)
N – orms

(Ano ang paksang pinag-uusapan?)


G – enre

(Nagsasalaysay, nakikipagtalo ba o
nagmamatwid)

Ang mga nabanggit sa itaas ay mga salik ng sosyokultural na


pinaniniwalaan niyang dapat isaalang-alang sa pakikipagtalastasan.

Mapapansing sa pag-aaral ng wika ay may paglilipat ng tuon, mula


sa kakayahang linggwistika tungo sa kakayahang komunikatibo
(Hamada, 2001).

Makikita sa modelo ni Allwright (1977) sa Figyur 1 ang malinaw na


kaugnayan ng kakayahang linggwistika at kakayahang komunikatibo.
Mamamalas na may bahagi ang kakayahang linggwistika na tinatalakay
sa kakayahang komunikatibo at mayroon ding bahagi ng kakayahang
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

16

kakayahang

kakayahang
komunikatibo

linggwistika
Figyur 1. Modelo ni Allwright sa kaugnayan ng kakayahang komunikatibo
at kakayahang linggwistika

Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete


ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

17
komunikatibo na napasasama sa pagtalakay sa kakayahang linggwistika.

“The diagram implies that some areas of linguistic


competence are essentially irrelevant to communicative
competence, but in general, linguistic competence is a part
of communicative competence. This modified part-whole
relationship implies, in turn, that teaching comprehensability
for linguistic competence will necessarily leave a large area
of communicative competence untouched, whereas teaching
equally comprehensively for communicative competence will
necessarily cater to all but a small part of linguistic
competence. If this way of specifiying the relationship is
generally correct then, if we have communication as a major
aim of our language teaching, we would be well-advised to
focus on communicative skills, in knowledge that this will
necessarily involve developing most of the product, rather
than focus on linguistic skills and risk failing to deal with
major part of whatever constitutes communicative
competence”.

Ipinapakita sa dayagram na kung ang pagtutuunan ng pansin sa


pagtuturo ng wika ay ang kakayahang linggwistika lamang, may malaking
bahagi ng kakayahang komunikatibo ang hindi mapapasama. Gayundin
naman kung ang pagtutuunan ng pansin ay ang kakayahang
komunikatibo, mayroon ding bahagi ng kakayahang linggwistika ang hindi
masasaling. Subalit, iminungkahi ni Allwright (1977) na yamang
komunikasyon ang tuon ng pagtuturo at pag-aaral ng wika, marapat
lamang na ang kakayahang komunikatibo ang ipagpauna sa proseso.
Ipinaliwanag din niyang ang kakayahang komunikatibo ay proseso
sa pagitan ng mga tao. Hindi lang mensahe ang sangkot dito kundi
kinasasangkutan din ng mga salik-sosyolinggwistika tulad ng mga
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

18
kasangkot sa komunikasyon (tagahatid-tagatanggap), ang sitwasyon at
ang mensahe.

Sa kabuuan ang pagtalakay ng kakayahang komunikatibo,


mahihinuha natin na walang isang tuntunin para dito yamang marami ang
dapat isaalang-alang dito. Ayon nga kay Finochiarro (1979) isaalang-
alang din ang sosyal na tungkulin at sikolohikal na aspeto ng mga
kasangkot sa komunikasyon.
Saykolinggwistika. Si Skinner (1957) ay kilalang behaviorist na
naniniwalang ang pagkatuto ng wika ay depende sa kaniyang kapaligiran.
Sa pag-aaral ni Palazo (2003) isinaad ang paniniwala ni Skinner na
kailangang alagaan ang intelektwal na pag-unlad sa pamamagitan ng
pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang kilos o gawi.
Tinukoy niya na maaaring isagawa ng bata ang anumang gawain kung
tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksyon. Ang teoryang
behaviorism sa pagkatuto ay nagbibigay sa mga guro ng set ng simulain
at mga pamaraang madaling isagawa at ituro. Natututo ang bata sa mga
panutong ibinibigay sa kanya at naniniwala siyang mapapaunlad ang
intelek sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at
pagpapatibay sa anumang mabuting gawi o kilos.
Taliwas naman ito sa pagkakilala ni Chomsky (1965) dahil
ipinaliwanag niyang pagkapanganak pa lamang ng bata ay mayroon na
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

19
siyang kakayahang pangwika na nalilinang na lamang sa kanyang
pakikisalamuha sa kanyang kapaligiran habang siya ay lumalaki.
Ayon pa rin kay Palazo (2003) pinaniniwalaan ni Chomsky na dahil
sa Language Acquisition Device ( LAD) nagkakaroon ng sariling pag-
aanalisa ang bata sa mga pahayag na naririnig niya. Nabubuo sa
kanyang isipan ang mga tuntunin ng wika na kanya namang ginagamit sa
pagpapahayag.

Nabanggit din ni Palazo (2003) ang pananaw ni Krashen(1985) na


ang akwisasyon ng wika ay nagaganap nang hindi namamalayan ng
mag-aaral tulad ng kung paano niya natututunan ang kanyang unang
wika. Ito ay nagaganap sa isang sitwasyong ang mag-aaral ay
nahaharap sa maraming pagkakataon na natural na ginagamit ang wika.
Napupulot ng mag-aaral ang wikang naririnig na sa palagay niya’y
kailangan sa komunikasyon.
Ayon naman kay Stern (1983), sa labas ng klasrum, ang isang
mag-aaral ng pangalawang wika ay natututo nang natural. Dito ay wala
pang pormal na pagtuturo, inilarawan na impormal, malaya, hindi
pinatnubayan at natural na pagkatuto. Nabanggit ito ni Stern sa kanyang
sumusunod na pahayag;
“The distinction between learning from exposure to
the second language in the target language environment and
learning from a teacher is not right. The conditions can be
visualized as a continuum. At one extreme, we may find
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

20
learners learning without external help and direction purely
from exposure to the second language environment, and at
the other, we find learners learning a second language
exclusively in a language teaching setting. In the main,
however, we are likely to find that L2 learners receive input
to varying degrees both from exposure and from educational
treatment”.

Ang kaugnayan ng kakayahang komunikatibo sa interlanguage ay

nabanggit ni Hamada (2001) sa kaniyang pag-aaral.

“It becomes clear that communicative competence


cannot be in a state of flux inasmuch as there is a different
one for different stages in a learner’s interlanguage thereby
rendering it susceptible to errors since it would have to
depend on the particular state of interlanguage”.

Interlanguage. Isa sa mga pagbabatayan ng pag-aaral na ito ay


ang Interlanguage Theory ni Selinker (1972) na mula terminolohiyang
“interlingual” ni Weinrich (1953). Ang konsepto ng interlanguage ay
nagpapalagay na ang mag-aaral ay nakabubuo ng sariling pamamaraan
ng pagkatuto ng pangalawang wika. Sa proseso ng pag-aaral ay
nakabubuo ng isang bagong wika na kaiba sa unang wika at pinag-
aaralang wika ng mag-aaral. Ang wikang ito ay tinawag ni Selinker (1972)
na “interlanguage”. Makikita sa dayagram ng interlanguage sa Figyur 2
na ang nabuong wika ay nagtataglay ng mga istruktura na matatagpuan
sa unang wika at mayroon din naman sa pangalawang wika subalit
mayroon din itong elemento na wala sa parehong wika.
Ang panukalang interlanguage ay nagsasaad ng mga sumusunod:
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

21
Unang Wika Target na Wika


Interlanguage

Figyur 2. Modelo ng Interlanguage ni Selinker (1972)

Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete


ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

22
“Second language speech rarely conforms to what
one expects native speakers of the target language to
produce, that it is not an exact translation of the
nativelanguage, that it differs from the target language in
systematic ways and that forms of utterances produced in
the second language by a learner are not random. This
interlanguage hypothesis proposes that the relevant data of
a theory of a second language learning must be the speech
forms which result from attempted expression of meaning in
a second language. (Selinker, Swain and Dumas, 1975)”

Ang interlanguage ay isang sistema ng pag-aaral ng pangalawang


wika na sa pagtatangkang matuto ng pangalawang wika ay nakabubuo
ang mag-aaral ng pangalawang wika ng mga pahayag na maaaring
hawig sa mga pahayag ng ibang mag-aaral subalit iba sa mga pahayag
ng taal na tagapagsalita ng pinag-aaralang wika.
Ipinahayag ni James (1971) sa pagbanggit ni Tibagacay (2001) na
ang pag-aaral ng wika ay proseso ng pagpapalawak ng dayalekto at
ipinakilala ang “phenomenang interlingua”. Ito ay nagbibigay diin sa
intermedyang kalagayan ng wikang nabuo ng mag-aaral kung
ihahambing sa kanyang unang wika at pangalawang wika. Ito rin ang
dahilan kung bakit hindi pareho ng pagpapahayag ang isang natuto
lamang ng wika at ng isang taal na nagsasalita ng wika. Inilarawan
niyang ang interlanguage ay pag-unlad ng mag-aaral ng pangalawang
wika mula sa walang kamuwangan (zero competence) hanggang sa
malapit sa taal na tagapagsalita ng wika (near-native competence).
Ang ganitong pangyayari ay tinawag ni Selinker (1972) na
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

23
“interlanguage”. Ito rin ang tinutukoy ni Nemser (1971) na “approximative
systems” at ni Corder (1971) na “idiosyncratic dialects” and “transitional
competence”. Sa pag-aaral ni Casino (1994) ay nabanggit niyang muling
tinawag ni Corder (1978) ang pangyayaring ito na learner-language.
Ginamit ni Nemser (1971) ang katawagang “approximative system”
dahil pinaniniwalaan niyang ang pagkatuto ng wika ay debelopmental. Ito
ay nangangahulugang patuloy na nililinang ang pangalawang wika
habang natututo siya mula sa kanyang kamalian sa proseso ng pag-aaral
ng wika.
Tinawag naman itong “transitional competence” ni Corder (1971)
sa pagbabanggit ni Tibagacay (2001) dahil pinaniniwalaan niyang ang
isang mag-aaral ng pangalawang wika ay mayroong kakayahang
pansamantala (transitional competence). Ito’y tumutukoy sa kamalayang
panggramatika na kanyang nagagamit sa anumang panahon. Sa
pakikipagtalastasan, ang mag-aaral ng pangalawang wika ay bumubuo
ng natatanging sistematikong wika. Anumang pagkakamali sa kanyang
pakikipagtalastasan ay hindi kababakasan ng kanyang unang wika
maging ng kanyang pangalawang wika kundi ng ibang wika.
Ipinahayag din ni Corder (1971), sa pagbanggit ni Palazo (2003)
na may mga hakbang sa pagkakabuo ng interlanguage. Una, ang
random error o “presystematic”, pangalawa ay ang “emergent”, pangatlo
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

24
ay ang “systematic stage” at ang panghuli ay ang “stabilization”.
Sa “presystematic”, hinuhulaan lamang ng mag-aaral ang
kaniyang sinasabi dahil hindi pa niya alam ang sistematikong
pagkakaayos ng mga salita sa pangungusap.
Sa “emergent”, mayroon na siyang kaalaman sa tuntuning
pangwika ngunit pinagdududahan pa niya.
Sa “systematic stage”, lubos nang nauunawan at naiintindihan ang
mga tuntunin.
Sa “stabilization”, buo na ang sistema ng interlanguage. Bilang na
lang ang nagagawang pagkakamali ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng
wika.
Kung pagbabatayan ang haypotesis ni Selinker (1972), ang mga
Pilipinong mag-aaral ay nakabubuo ng sistematikong set ng mga tuntunin
ng wikang Ingles - pangalawang wika ng mga Pilipino, sa kanilang
pagtatangkang gamitin ito sa komunikasyon.
Sa paggamit ng mag-aaral ng pangalawang wika ng interlanguage,
natural lamang na makagagawa siya ng kamalian. Ang mga kamaliang
nagagawa ay naglalahad ng hangganan ng kanyang kagalingan o kaya’y
kahinaan sa pangalawang wika.
Ipinahayag ni Corder (1971) na ang mga nagagawang
pagkakamali o mga deviant utterances ay mahalaga sa kaalaman sa
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

25
pagtatamo ng wika.
Sumasang-ayon ito sa naunang ipinahayag ni Strevens (1969) na
naniniwalang ang mga pagkakamaling nagagawa ng isang mag-aaral ng
pangalawang wika ay hindi dapat ituring na sagabal sa pagkatuto
manapa’y ituring itong normal at hindi maiiwasan. Ang mga kamaliang ito
ay nagpapakita hindi ng kabiguan ng pag-aaral kundi tagumpay sa
proseso ng pag-aaral ng wika.
Itinuturing ni Richards (1974) na ang interlanguage ay ginagamit
ng mga mag-aaral ng pangalawa at banyagang wika. Ito ay binubuo ng
mga korpus ng mga pangungusap at mabibigyan ng kahulugan sa
kalikasan ng pag-aaral ang pangalawang wika. Sa lahat ng katawagang
ito, iisa ang ipinapahayag: na ang mag-aaral ay nakalilikha ng ibang wika
at tinatawag nating kamalian. Nakalilikha siya ng pansamantalang
wikang nagpapatunay ng transisyon tungo sa kakayahan sa
pangalawang wika. Ito rin ang tinawag ni Corder (1971) na “Transitional
Dialects”.
Pagsusuri sa Kamalian. Ang mga kamalian sa wika ay hindi dapat
ituring ng isang mag-aaral, ng isang guro at ng isang mananaliksik na
kahinaan ng mag-aaral manapa’y ituring itong paraan ng pagkatuto.
Ipinahayag ito ni Selinker (1972) na sinang-ayunan naman ni George
(1972) na dapat intindihin ng guro ang kamalian ng kaniyang mag-aaral
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

26
sa paggamit ng wika.

“ a teacher realizes that his learner’s productive use


of the language depends on prediction from given
information, and that the basis for prediction is the
perception of regularity and order, his expectations from the
learners may be more realistic, and his attitude to error more
understanding.”

Pinagkakaisahan ng maraming linggwista tulad nina Corder,


Corbert, Dulay at Krashen, Selinger at Hendrickson na dapat intindihin ng
mga guro ang mga pagkakamaling nagagawa ng mga mag-aaral na
gumagamit ng isang pangalawang wika dahil ang pagkakamaling ito ay
normal sa hindi taal (non native speaker) na gumagamit ng wikang yaon.
Sinabi nina Burt at Kiparsky (1972) na ang mga mag-aaral ay
hayaang magkamali at magpahayag gamit ang pinag-aaralang wika
upang magkaroon sila ng tiwala sa sarili sa paggamit nito.
Sa isang sarbey na isinagawa ni Walker (1973) sa 1200 mag-aaral
sa unibersidad ng banyagang wika ay inilahad nito na mas pinipili ng mga
mag-aaral na huwag itala ang kanilang pagkakamali pasulat man o
pasalita. Lumalabas sa sarbey na nawawalan ng tiwala sa sarili ang mga
mag-aaral kung laging napupuna ang pagkakamali.
Idinagdag din ni George (1972) na nakakakain ng oras kung bawat
pagkakamali ng mag-aaral ay pagtutuunan ng pansin.
Iminungkahi ni Lange (1977) na gawin ang pagwawasto ng
kamalian paminsan-minsan. Gawin lamang ito sa pagkakataong bibigyan
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

27
na ng ulat ang mag-aaral gaano na kalawak ang natutunan at gaano pa
kadami ang dapat matutunan.
Para naman kay Streven (1978), ang pagkakaroon ng kamalian ay
normal at di-maiiwasang aspeto ng pagkatuto. Para sa kanya ang
kamalian ay dapat tingnan bilang patunay na may nagaganap na
pagkatuto at hindi isang pagkukulang sa panig ng mga mag-aaral.
Kailangang matutunang tanggapin ng mga guro na ang kamalian sa
paggamit ng pangalawang wika ay natural at likas sa pagkatututo ng
wikang ito.
Ganunpaman, hindi naman makabubuting hahayaan na lamang
ang mga kamaliang ito dahil kung hindi ito maiwawasto ay mananatiling
kamalian ito sa paggamit ng pangalawang wika.
Ayon kay Richards (1974) na binanggit ni Cortez (2000), may
tatlong kahalagahan ang pagsusuri ng kamalian. Una, ang guro ay
nabibigyan ng kaalaman kung ano ang dapat pang pag-aralan ng mga
mag-aaral. Pangalawa, ang mananaliksik ay nabibigyan ng katibayan
kung paano napag-aaralan o natututunan ang wika. Pangatlo, mahalaga
ang mga kamalian sa mismong mag-aaral dahil ang pagkakaroon ng
kamalian ay isang paraan upang matuto ang mga mag-aaral. Bilang
suporta nito sinabi ni Corder (1971) na ang kalikasan at kalidad ng mga
kamalian ng mag-aaral ay mahalagang pinagmumulan ng impormasyon
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

28
tungkol sa kalikasan ng kaalaman niya sa pinag-aaralang wika.
Sa aklat pa rin ni Cortez (2000) ay binanggit ang pahayag ni
Corder (1974) na may mga praktikal na gamit ang kamalian. Una, ang
mga kamalian ay nagbibigay ng fidbak sa kabisaan ng teknik sa
pagtuturo at nailalahad kung anong bahagi ng sinusundang silabus ang
di-gaanong napag-aralan o naituro. Pangalawa, ang kamalian ay
nakatutulong sa pagpapasiya kung maaari nang tumungo sa susunod na
bahagi ng silabus. Ang mga kamalian kung ganun ay nakatutulong sa
pagtataya ng silabus at batayan sa pagsasama ng mga aytem na
idaragdag sa silabus.
Para kay Brown (1987), may mga kahinaan naman ang pagsusuri
ng mga kamalian. Una, labis na pagbibigay pansin sa mga kamalian ng
mag-aaral. Ang guro ng mga pangalawang wika ay maaaring nakapokus
lamang sa pagpansin sa mga kamalian at nakakaligtaan ang mga
wastong pahayag ng mag-aaral. Totoong ang pagkabawas sa kamalian
ay isang kriteryon para sa kahusayan ngunit ang pangunahing layunin ng
pag-aaral ng pangalawang wika ay upang makamit ang kahusayang
pangkomunikatibo. Pangalawa, labis na pagbibigay-diin sa mga datong
pamproduksyon. Ang wika ay sinasalita, pinakikinggan, sinusulat at
binabasa at ang pag-unawa sa wika ay singhalaga ng produksyon.
Ipinapakita ng mga mananaliksik na ang pagsusuri ng kamalian ay
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

29
nabigong bigyan-pansin ang pag-iwas o avoidance strategy na
karaniwang nakapokus sa tiyak na aspekto ng wika kaysa sa unibersal na
aspekto ng wika. Pagtuunan dapat ng pansin ng mananaliksik ang mga
salik panlinggwistika na karaniwan sa lahat ng wika. Ang sistemang
interlanguage ng mga mag-aaral ay maaaring nagtataglay ng mga
elementong hindi repleksyon ng una o pangalawang wika kundi unibersal
na anyo.
Sa pag-aaral ni Chaudron (1986) tungkol sa reaksyon ng mga guro
sa mga kamalian ng mga bata sa wikang Prances sa Canada na
binanggit ni Cortez (2000), ipinahayag niyang ang kamalian ay maaaring;
una, mga anyo o nilalamang panlinggwistikang naiiba sa mga tuntuning
panlinggwistika ng mga kabutubong tagapagsalita, pangalawa, ang mga
gawing panlinggwistikang sa pagkakaalam ng guro ay mga ponolohikal,
leksikal, morpolohikal, sintaks, diskorse at kamaliang pangnilalaman. Sa
kabuuan, binanggit niya ang mga suliraning kinakaharap ng mga
mananaliksik at guro sa pagkilala ng mga kamalian ng mga mag-aaral sa
pangalawang wika.
“The determination of errors is clearly a difficult
process that depends on the immediate context of the
utterance in question as well as on the understanding of the
content of the lesson so with the intent of the teacher or
student at times, the prior learning of students”.

Pinagmumulan ng Kamalian. Mula sa aklat ni Abisamra (2003),


Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

30
pinamagatang “An Analysis of Errors in Arabic Speaker’s English
Writings”, kinilala ni Selinker (1972) ang limang pinagmumulan ng
kamalian. Ang mga ito ay ang paglilipat-wika (language transfer),
paglilipat ng pagsasanay (transfer training), mga istratehiya sa pagkatuto
ng pangalawang wika (strategies of second language learning),
istratehiya ng komunikasyon sa pangalawang wika (strategies of second
language communication) at labis na paghihinuha ng pangalawang wika
(overgeneralization of second language linguistic material).

Mula pa rin sa nasabing aklat ni Abisamra (2003), nagpahayag si


James (1998) ng tatlong pangunahing kategorya ng pinagmumulan ng
kamalian ng wika. Ang mga ito ay ang “interlingual”, “intralingual” at
“induced errors”.

Sa “interlingual”, sinabi ni James (1998) na nagkakaroon ng


pagkabalam sa pag-aaral kapag ang isang aytem o istruktura ng
pangalawang wika ay may pagkakaiba at pagkakahawig sa aytem o
istruktura ng unang wika ng mag-aaral. Dahil dito, nagkakaroon ng
pagkalito ang mag-aaral.

Sa “intralingual” ay nahahati sa dalawang kategorya: ang mga


pagkakamali habang pinag-aaralan ang wika (learning strategy-based
errors) at mga pagkakamali sa komunikasyon (communication strategy-
based errors). Sa learning strategy -based errors kasama ang maling
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

31
paghahambing, maling pagsusuri, hindi ganap na pagsunod ng tuntunin,
pag-uulit, hindi pagpansin sa mga limitasyon ng tuntunin, labis na
pagwawasto at labis na paghihinuha. Ang communication strategy-based
errors naman ay sumasaklaw sa mga kamalian sa pangkalahatang
istratehiya (holistic strategy), pagtataya, kamalian sa analitik na
istratehiya at maligoy na pagpapahayag.

Sa “Induced Errors” ang mga pagkakamali ay bunga ng mga iba


pang salik na hindi kasama sa nabanggit na dalawa katulad ng klasrum.
Kasama sa uring ito ang mga pagkakamaling dulot ng mga kagamitan
(material induced errors), mga pagsasanay (exercise-based errors),
pananalita ng guro (teacher-talk induced errors), pamamaraan ng
pagtuturo (errors enduced by pedagogical priorities) at iba pang maaaring
sanhi ng pagkakamali na wala sa nabanggit (look-up errors).

May pag-uuri si Brown (1987) sa mga pinagmumulan ng kamalian


na kahawig ng pag-uuring ginawa ni James; ang transfer of

interlanguage o impluwensya ng unang wika, interlingual transfer o


impluwensya ng pinag-aaralang wika, at konteksto ng pag-aaral.

Tumutukoy ang konteksto sa lugar, guro, silid-aralan, mga material o at


iba pang katulad nito na kalagayang sosyal ng pag-aaral.
Sa aklat nina Richards at Simpson, (1974) “The Study of Learner
English”, nagpalabas sila ng pitong pinagmumulan ng kamalian. Ito ay
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

32
ang mga sumusunod: paglilipat-wika (language transfer), impluwensya ng
intralingual (intralingual interference), kalagayang sosyolinggwistik
(sociolinguistic situation), kaparaanan ng pagkatuto ng wika (modality),
gulang (age), sistema ng akwisasyon (successions of approximate
systems) at unibersal na kahirapan (universal hierarchy of difficulty). Sa
intralingual errors ay nahati sa apat na kategorya (batay sa modelo ni
Richards, 1970): labis na paglalahat (overgeneralization), kasalatan ng
kaalaman sa tuntunin (ignorance of rule restrictions), di lubos na
paggamit ng tuntunin (incomplete application of rules) at kamalian sa
pagpapakahulugan (semantic errors).
Mga Lokal na Pag-aaral
Nagbigay ng gabay ang mga kinalabasan ng mga naunang pag-
aaral ukol sa pagsusuri ng kamalian upang magkaroon ng kahawig na
pag-aaral ang mananaliksik.
Sa pag-aaral ni Uc (1998) sa kaniyang artikulong “Natural
Language Learning and Learning Foreign Language in the Classroom”na
nailathala sa British Journal of Language Teaching, natuklasan na ang
lahat ng kamalian ng mag-aaral ay yaong nakaligtaan at labis na
paglalahad. Hindi ito bunga ng pagpapabaya kundi bunga ng
sistematikong pagsisikap na makapagpahayag.
Subalit nakalulungkot malaman na marami pa sa mga mag-aaral at
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

33
lalong nakapanlulumo na maging sa kolehiyo ang hindi pa ganap na
marunong sumulat. Sa artikulo ni Regana (1990) “Writing - Major
Problem” na nalathala sa Philippine Journal of Education ay nasasaad
ang mga sumusunod na kaisipan:
“Ang hindi mahusay sa pagsulat ay isang kadustaan
sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Libu-libong
kabataang lalaki at babae ang nagtapos ng haiskul at libu-
libo ring mag-aaral sa kolehiyo ang hindi man lamang
makasulat ng 500 makabuluhang salita tungkol sa isang
paksa”.

Ayon naman kay Baylon (1987) ang pagsusulat ay isang masining


na paraan ng pagpapahayag ng iniisip, nadarama, niloloob, nakikita at
naguguniguni. Samakatwid, ang pagsulat ay nagbibigay ng isang
sitwasyong kinalalagyan ng disiplinang intelektwal at pagkamalikhain.
May kaugnayan ang kawilihan sa kakayahan ng mag-aaral sa
pagsulat kakayahan ng gurong nagtuturo. Ganoon din ang saloobin ng
mga mag-aaral sa Filipino at maging ang kawalang ingat sa pagsulat at
kasahulan ng kaalaman sa mga tuntuning pangwika at mga hakbang sa
wastong pagsulat ng komposisyon ay may kinalaman sa gawaing
pagsulat ng mga mag-aaral.
Natuklasan ni Gabriel (1990) sa kanyang ”Mga karaniwang
Kamalian sa Sulating Pormal sa Filipino ng mga Mag-aaral sa Ikalawang
Taon, Sangay ng Rizal” na ang karaniwang pagkakamali ay sa
pagsasangkap, pagbabaybay, wastong gamit ng mga salita at pagbuo ng
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

34
mga pangungusap dahil sa kakulangan ng aklat, bihirang pagsasanay sa
mga gawaing pagsulat, kapabayaan at walang ingat sa pagsulat.
Idinagdag na isang dahilan din ang maling palagay ng mga guro’t mag-
aaral na madali lamang ang wikang Filipino dahil sa impluwensya ng
medya na karaniwang mali ang pamamahayag.
Sinabi ni Abarca (1985) sa kanyang “Errors in the Formal Themes
of the First Year Secondary Trade School Students of the Isabela School
of Arts and Trades” na malala ang kamalian sa pagbabaybay dahil sa
impluwensya ng diyalektong ginagamit sa pakikipagtalastasan, kamalian
sa kayarian ng pangungusap, kamalian sa gramatika dahil sa maling
pantukoy, panghalip at paggamit ng tamang bantas.
Natuklasan ni Montera (1989) sa kanyang pananaliksik na ”The
Common Errors in Formal Theme Writing in English, Cantella Carrascal
District, Division of Surigao Del Sur” na malala ang kamalian sa paggamit
ng panghalip, pagdadaglat at wastong gamit ng mga salita sa pagbuo ng
komposisyon.
Sa pag-aaral ni Sibayan (1995) na “Mga Kahinaan sa Pagsulat ng
Komposisyon ng mga Mag-aaral sa Ikaanim na Baitang sa Distrito ng
Alcala” natuklasan niyang ang kahinaan ng kaniyang mga respondente ay
sa pagbuo ng pangungusap, pagbabantas at kaisahan ng kaisipan.
Natukoy ni Perez (1973) sa kanyang “A Study of the Common Error
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

35
in the Written English Composition Committed by Freshmen College of
MSAC” na may kahinaan ang kanyang mga respondente sa pagsulat ng
komposisyon dahil sa hindi bihasa ang mga mag-aaral sa wastong pagpili
at paggamit ng mga salita ayon sa tungkulin ng wika, at sa larangan ng
gramatika ay kababakasan ng kahinaan na nasasaklaw ng iba’t ibang
larangan sampu ng wastong pagbuo ng pangungusap.
Sa pag-aaral ni Hufana (1982) “Evaluation of Composition Errors in
Rhetorical Acts Used In Agricultural Science by Freshmen college
Students” nabanggit niyang ang mga natukoy niyang sa leksikal at
morpolohikal na kamalian ay sa pagkakaiba ng pandiwa samantalang sa
sintaktika naman ay kinasasaklawan ng kamalian sa paggamit ng mga
pantukoy at kamalian sa paggamit ng subordinasyon. Ayon kay Hufana,
ang mga kamaliang ito ay maituturing na unibersal na kahinaan ng mga
mag-aaral ng pangalawang wika dahilan sa kalikasang pagkakakilanlan
(idiosyncratic) ng target na wika.
Sa pag-aaral na isinagawa ni Epistola (2000) sa "Pambalarilang
Kamalian sa Pagsulat ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng Kursong
Edukasyon ng Baguio colleges Foundation" sa pagbanggit ni Tibagacay
(2001) ay natuklasang ang pinakamataas na pagkakamali ay sa aspekto
ng pandiwa, sumunod ang kailanan ng pandiwa. Sa sintaks ay sa
wastong gamit ng salita, pagkakaltas ng pangatnig partikular sa paggamit
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

36
ng nang at ng. Natuklasan ding nagkakamali sa paggamit ng pang-ukol at
pantukoy. Sa aspektong leksikal, pinakamataas ang kamalian sa wastong
gamit ng salita, sumunod ang kaayusan ng mga salita at ang
pinakamababa ay ang paggamit ng panuring.
Nabanggit naman ni Mayos (1988) sa kanyang ”Mga Kahirapan sa
Balarilang Pilipino ng mga Mag-aaral sa Ikaapat na Taon ng Mataas na
Paaralan ng Pamantasan ng Benguet sa Panuruang Taon 1987-1988” na
ang kahirapan ng kanyang mga respondente ay sa kayarian ng
pangngalan, ang hindi sapat na pagkaunawa sa tungkulin ng pantukoy at
pang-ukol, maling paggamit ng malaking titik at wastong gamit ng bantas.
Sa pag-aaral ni Lubrica (1978) ”Communicative Competence in
Pilipino Among Freshmen College Student in Benguet State University”
natuklasan niyang ang mga kamalian sa pagsulat ng mga mag-aaral ay sa
pagsasangkap, pagbabaybay, wastong gamit ng mga salita, wastong
anyo ng pandiwa at sa pag-aaangkop (na, ng, g).
Natuklasan ni Aromin (1995) sa kanyang ”Mga Kahirapan sa
Hekasi ng mga Batang nasa Ika-limang Baitang- Benguet State University
Elementary Laboratory Scholl at Balili Elementary Laboratory High
School” na ang kahirapan ng mga mag-aaral ay sa pagpapahayag ng
kanilang saloobin, wastong gamit panggramatika ng mga salita at
kakayahan sa talasalitaan. Ang lawak ng paggamit ng mga salita ay
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006
37
maaaring sanhi ng kakulangan ng kaalaman sa talasalitaan at may
kinalaman sa retorika.
Sa resulta ng pag-aaral na isinagawa ni Tibagacay (2001) ay “Mga
karaniwang Kamalian sa Pagsulat sa wikang Filipino ng mga Kadete sa
Akademya Militar ng Pilipinas” lumabas na ang karaniwang kamalian ng
mga kadete ay nanguna ang kamalian sa sintaks, sumunod ang leksikal at
panghuli ang morpolohikal.
Ang mga sumusunod na kinalabasan ng lokal na pag-aaral ang
naging hulwaran sa pagkakaroon ng pag-aaaral sa pinagmumulan ng
kamalian.
Sa magkasanib na pag-aaral ni Hufana at Minong (1983) sa
kanilang ”Errors committed by MSAC College Freshmen in Dicto-Comp
Exercises” natuklasan nilang ang karaniwang kamalian ay karaniwang
nagagawa ng mga mag-aaral ng pangalawang wika. Ang kabatirang pang
wika ng mga respondente ay ginagamitan ng estratehiyang katulad ng
overgeneratization, hindi ganap na pagkaunawa sa mga tuntuning
panggramatika, maling paghihinuha sa konsepto at di ganap na
paglalapat ng mga tuntuning panggramatika. Ang kamaliang nagagawa
nila ay nagpapakita ng hindi ganap na pagkaalam sa target na wika na
nahanay sa kadalasan ng maling pagkakagamit ng mga pandiwa, pang-
ukol at pantukoy.
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

38
Sa pag-aaral na isinagawa ni Tibagacay (2001) lumabas na ang
karaniwang pinagmumulan ng kamalian ng mga kadete ay labis na
paghihinuha, hindi ganap na pagkaunawa sa mga tuntuning gramatika, at
hindi ganap na paglalapat ng mga tuntuning gramatika.
Magkakaiba ang mga mag-aaral kaya’t isinaalang-alang ng
mananaliksik na kilalanin ang kaibahan ng mga respondente dahil
maaaring makabuluhang salik ito sa kalalabasan ng pag-aaral. Bagamat
malayong kakaunti ang bilang ng mga babaeng kadete sa bilang ng mga
lalaking kadete, minabuti pa ring isama ng mananaliksik ang salik na ito
dahil sa mga sumusunod na kinalabasan ng mga naunang pag-aaral.
Sa “Psychological, Antropological and Sociological Foundation of
Education” nina Bustos at Espirito (1996) binanggit na magkaiba ang pag-
uugali, kasikhayan, kakayahan at kawilihan ng magkasalungat na
kasarian.
Ipinahayag naman ni Kelly (1965) sa kanyang “Educational
Psychology” na higit na aktibo at agresibo ang mga lalaki at higit na
nangingibabaw sa larangan ng matematika at agham samantalang ang
mga babae ay nangunguna naman sa komunikasyon, sining at
pagbabaybay at sa pagsulat. Ganun din nangunguna ang lalaki sa
pangkalahatang impormasyon samantalang ang mga babae nama’y
nakauungos sa bilis at kawastuan ng pagkatuto.
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

39
Sa pag-aaral na ginawa ni Pannig (1989), sa kanyang “Mga Salik
na Nag-uugnay sa Kakayahan sa Pagsulat sa Filipino ng mga Mag-aaral
ng Pangalawang Taon ng Isabela National High School” napag-alamang
mas malala ang kamalian ng mga lalaki kaysa sa mga babae.
Taliwas naman sa resulta ng mga naunang pag-aaral ang
natuklasan sa pananaliksik na ginawa ni Palazo (2003)
“Sikolinggwistikang Pagsusuri sa Pagsulat ng Talaarawan ng mga Mag-
aaral sa Unang Taon ng Benguet State University” dahil lumabas na mas
maraming pagkakamaling nagawa sa pagsulat ang mga babae kaysa sa
mga lalaki.
Isinaalang-alang sa pag-aaral na ito ang salik na unang wika. Dahil
wika ang pinag-aaralan sa pananaliksik na ito, hindi maisasantabi ang
epekto ng unang wika sa pag-aaral na ito.
Sa “Linggwistika at Panitikan” ni Santiago (1985) ang uri ng wika ay
nakaaapekto sa pagkakaiba ng mga mag-aaral lalo na sa pagkatuto,
gayundin ang lahing kinabibilangan ay maituturing na salik ng pagkakaiba-
iba dahil ang bawat wika ay may sariling istruktura.
Sa pag-aaral ni Tacorda (1989) “Mga Karaniwang Kamalian sa
Kathang Pagsulat ng mga Piling Mag-aaral sa Filipino 1 sa Pamahalaang
Kolehiyo ng Catanduanes”, natagpuan niyang ang unang wika o dayalekto
ng mga mag-aaral ay nakakaimpluwensiya nang malaki sa pagsulat.
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

40
Subalit lumabas sa pag-aaral ni Palazo (2003) na ang unang wika
ng mga mag-aaral ay hindi nakaapekto sa performans nila sa pagsulat.
Maging ang paaralang pinagtapusan ng mga kadete ay isinamang
salik sa pag-aaral dahil sa mga sumusunod na resulta ng pag-aaral na
may kinalaman ukol sa salik na ito:
Sa pag-aaral ni Antonio (2000) sa kanyang “Pagsusuri ng
Komposisyon ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng Mataas na Paaralang
Pambansa ng Tabuk, Saint Louis College of Bulanao” ay natuklasan
niyang walang makabuluhang kaugnayan ang antas ng pagganap ng mga
mag-aaral sa pagsulat pribado man o publikong paaralan ang
pinagtapusan.
Maging sa pag-aaral ni Hamada (2001) “An Error Analysis of
Written Compositions in Four Rhetorical Acts by Fourth Class Cadets” ay
napag-alaman niyang ang uri ng paaralang pinagtapusan ng mga kadete
ay hindi nakaapekto sa nagawa nilang kamalian sa pagsulat.
Natuklasan ni Bautista (1995) sa kanyang pag-aaral “Motivations
and English Proficiency Level of Student Teaching Training Institutions In
Cordillera Administrative Region” na hindi nakaapekto ang paaralang
pinagtapusan ng mga mag-aaral sa kanilang kamaliang morpolohikal,
subalit nakaapekto ito sa kanilang kamaliang sintaks.
Subalit sa “Competence in English Grammar of the First Year
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

41
Students of the Mt. Province General Comprehensive High School” ni
Milan (1992), ang uri ng paaralang pinagtapusan ng mga mag-aaral ay
nakaapekto sa antas ng kanilang kakayahan sa mga asignatura. Sa pag-
aaral niya ay mas mataas ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral na
nagtapos sa pribadong paaralan kaysa sa mga mag-aaral na nagtapos sa
publikong paaralan.
Ganundin, iniulat ni Corpuz (1987) sa kanyang “A communication
Needs Profile of Pre-Service Teacher Education Students of the University
of Baguio” na ang paaralang pinagtapusan ng mga mag-aaral ay
nakaapekto sa kakayahang komunikatibo ng kanyang mga respondente.
Maging sa pag-aaral ni Lunes (1999) “Performance in Two-Word
Verbs of Freshman College Students of the University of Baguio” ay
naglahad na ang paaralang pinagtapusan ng kanyang mga respondente
ay may kaugnayan sa antas ng pagganap. Natuklasan niyang
pinakamataas ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral na nagtapos sa
paaralang pribadong non-sectarian sumunod ang pribadong sectarian at
pangatlo ang publikong paaralan.
Ipinahayag ni Taguba (1987) sa kanyang “An Evaluation of the
Written Compositions of Fourth Year High School Students as Elicited
through Non-Verbal Stimuli” na ang mga mag-aaral na nagtapos sa
pribado at mga mag-aaral na nagtapos sa publiko ay magkaiba ng paraan
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

42
ng pagpapahayag pangkomunikatibo sa kanilang pagsulat.
Dahil sa iba-iba ring resulta ng mga naunang pag-aaral, isinama ng
mananaliksik ang antas ng edukasyon bilang salik sa pag-aaral na ito.
Sa resulta ng pag-aaral ni Hamada (2001) ay naipakitang hindi
nakaapekto ang antas ng edukasyon ng mga kadete sa mga nagagawang
kamalian sa pagsulat. Binanggit niyang ang kadeteng katatapos lamang
ng hayskul at ang kadeteng nakatapos ng isang kurso sa kolehyo ay
parehong nagtataglay ng kakayahan sa paggamit ng wika.
Sa mga magkakaibang pag-aaral nina Abarca (1985), Montera
(1989), Cauinanian (1995) at Ullero (1987) ukol sa pagsulat ay
nagpapakita ng pagkakaiba ng kamalian sa wika batay sa antas ng
edukasyon ng mga mag-aaral.
Maging sa pag-aaral ni Dumpayan (2005) sa ”Performans sa
Pagbasa sa Tatlong Pampanitikang Genre ng Class 2006 sa Philippine
Military Academy” ay lumabas na hindi nakaapekto ang antas ng
edukasyon sa antas ng performans ng mga kadete sa pagsulat.
Taliwas naman ang resulta ng pag-aaral ni Tibagacay (2001) na
naglahad na may mahalagang kaugnayan ang antas ng edukasyon sa
nagawang kamalian sa pagsulat ng kanyang mga respondente.
Sa pag-aaral ni Alano (1979) “Toward a Description of the
Functions of Cognitive and Non-Cognitive Meaning in the Communicative
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

43
Competencies of Second Language Learners” ay ipinahayag niyang ang
antas ng edukasyon ng mga mag-aaral ay may epekto sa kanilang
kakayahang komunikatibo. Pinatunayan niya ito sa magkaibang resulta
ng kanyang mga respondente na nasa ikaapat na taon ng hayskul,
ikalawang taon ng kolehyo at mga nakatapos na ng kurso sa kolehyo.
Ang lahat ng mga nabanggit na pag-aaral ay may kaugnayan at
naging batayan sa ginawang pananaliksik. Tinuklas kung alin sa mga
naunang pag-aaral ang kahawig o kaibahan ng pag-aaral na ito.

Balangkas ng Teorya
Ang pag-aaral na ito ay batay sa mga teorya ng mga linggwista ukol
sa wika. Ang mga kaisipan ukol sa linggwistika, sosyolinggwistika at
saykolinggwistika ay binigyan pansin sa pag-aaral na ito. Makikita ang
paradim ng pag-aaral na ito sa Figyur 3.
Sa linggwistikang aspeto ng pag-aaral, binabanggit dito ang teorya
ng mga istrukturalista na nagbibigay tuon sa istruktura ng wika. Sa
sosyolinggwistikang aspeto ay binanggit ang mga pananaw ng mga
linggwista na kailangang isaalang-alang ang kapaligiran ng nag-aaral ng
wika. Sa saykolinggwistika naman ay ipinaliliwanag kung paano natatamo
at natututunan ang wika.
Maliban sa nabanggit, ang teorya ng interlanguage at kakayahang
komunikatibo ay isinaalang-alang. Mababasa ang ilan sa mga kaisipan
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

44
Input

A. Mga Teorya

1. Linggwistika
2. Sosyolinggwistika

3. Saykolinggwistika
B. Talaarawan
C. Talatanungan ukol mga salik

1. kasarian
2. unang wika
3. paaralang pinagtapusan ng hayskul

4. antas ng edukasyon bago pumasok sa PMA


Proseso
A. Pagsusuri sa:
1. uri ng kamalian sa gramatika at mekaniks

na nagagawa sa pagsulat ng talaarawan

2. pinagmulan ng kamalian

3. epekto ng mga salik sa mga kamaliang


nagagawa

Output
A. Pagtukoy sa:

1. kamalian sa gramatika at mekaniks na


nagagawa sa pagsulat ng talaarawan

2. pinagmulan ng kamalian
3. e

pekto ng mga salik sa kamaliang


nagagawa

Figyur 3. Paradim ng pag-aaral na nagpapakita sa pagkakaugnay ng mga salik

Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete


ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

45
ukol sa mga kamalian sa paggamit ng pinag-aaralang wika. Maging ang
mga pinagmulan ng kamalian ay isinama rin sa input ng pag-aaral na ito.
Ang sinuri sa pag-aaral na ito ay ang mga talaarawang ipinasulat
sa mga kadete. Ipinasagot sa mga kadete ang isang talatanungan upang
matukoy ang ilang salik na maaaring nakaapekto sa resulta ng pag-aaral
na ito gaya ng mga sumusunod: kasarian, unang wika, paaralang
pinagtapusan ng hayskul at antas ng edukasyon bago pumasok sa PMA.
Sa proseso ng pag-aaral ay sinuri ng mananaliksik ang talaarawan
ng mga kadete. Ang pagsusuring ginawa ay sa linggwistikang bahagi ng
wika gamit ang modelo ni Hendrickson (1980). Binigyan-pansin ang mga
kamalian sa gramatika tulad ng kamalian sa morpolohiya, leksikon at
sintaks at isinama rin sa pagsusuri ang kamalian sa mekaniks na
sumasaklaw sa pagbabaybay at pagbabantas. Tinukoy ang pinagmulan
ng mga kamaliang ito gamit ang modelo ni Richards (1970) na inilalathala
nina Richards at Simpson (1974). Binigyan pansin sa pag-aaral ang
intralingua lamang na pinagmulan ng kamalian sa paggamit ng wika. Ito
ay ang labis na paglalahat, kasalatan sa kaalaman sa tuntunin di lubos na
paggamit ng tuntunin at kamalian sa pagpapakahulugan na saklaw ang
paghihinuha ng maling konsepto.
Bilang output ng pag-aaral, natukoy ang mga kamalian sa
gramatika at mekaniks at pinagmulan ng mga kamaliang nagagawa at
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

46
inaasahang maituwid ang mga pagkakamaling ito. Inilahad din ang mga
epekto ng mga salik sa pag-aaral na ito.

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Antas ng edukasyon. Tumutukoy sa pinakamataas na antas ng


edukasyon na kanilang natamo bago pumasok sa Akademya. Maaaring
ito ay gradweyt ng hayskul, umabot ng unang taon, pangalawang taon,
pangatlong taon sa kolehiyo, o kaya’y nakatapos na ng kolehiyo.
Approximative systems. Itinawag ito ni Nemser (1971) sa sistema
ng wika na nabubuo ng mag-aaral ng pangalawang wika (Hamada, 2001).
Developmental Errors. Tinukoy ito ni Richards (1974) na mga
kamalian sa paggamit ng pangalawang wika dulot ng kasalatan ng
kaalaman sa pinag-aaralang wika (Abisamra, 2003).
Direktor ng kurso. Isang guro na nagtuturo ng isang kursong
inatasang manguna sa nasabing kurso. Siya ang tagagawa ng mga
banghay-aralin, tagaplano ng mga gawain sa kurso at nagsasagawa ng
pagpulong sa kapwa mga guro sa nasabing kurso upang magkaugnay sa
lahat ng gawain (PMA, Integritas 1994).
Elicitation Technique. Tumutukoy ito sa pamamaraan o teknik ng
pagkuha ng impormasyong kailangan mula sa gawain ng mga
respondente na sa pag-aaral na ito ay ang kanilang talaarawan.
Filipino. Tumutukoy sa pambansang wika ng Pilipinas. Ito’y bunga
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006
47
ng maraming wika at wikain mula sa kapuluan ng Pilipinas.
Idiosyncratic Dialects. Ito ang itinawag ni Corder sa wikang
nabubuo ng mag-aaral ng pangalawang wika ( Abisamra, 2003).
Ignorance of Rule Restrictions. Ito ay paggamit ng tuntunin sa mga
kontekstong hindi nararapat. Isinalin sa pag-aaral na ito bilang “kasalatan
sa paggamit ng tuntunin”.
Intralingual. Tumutukoy ito sa kaalaman ng mag-aaral sa kaniyang
pinag-aaralang wika (James, 1998).
Interference. Tumutukoy sa negatibong impluwensya ng unang
wika sa proseso ng pag-aaral ng pangalawang wika (Lado, 1964).
Interlanguage. Tumutukoy sa sistematikong karunungan sa
pangalawang wikang nalilikha ng mag-aaral na wala sa anyo ng kanyang
una at target na wika (Brown,1987).
Interlingual errors. Tumutukoy sa mga kamalian sa paggamit ng
pangalawang wika dulot ng nakasanayan na sa unang wika (Corder,
1971).
Intralingual errors. Tumutukoy sa mga kamalian sa paggamit ng
pangalawang wika dulot ng kasalatan sa kaalaman sa pinag-aaralang
wika. Walang kinalaman dito ang unang wika (James, 1998).
Kadete. Tumutukoy sa mga mag-aaral ng isang pangmilitar na
paaralan at nagsasagawa ng pagsasanay ukol sa kanilang propesyon
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

48
maliban pa sa kanilang academics (Tibagacay, 2001).
Kakayahang Komunikatibo. Tumutukoy sa pag-aaral na ito sa
bilang kahusayan sa paggamit ng wika upang makipagkaunawaan
(Wardhaugh, 1977).
Kakayahang Linggwistika. Tumutukoy sa kahusayan o kaalaman
sa istruktura ng wika, kasama dito ang tunog at semantika.
Kahusayan. Tumutukoy sa kadalubhasaan sa paggamit ng wika
(Antonio, 2000).
Kamalian. Sa pag-aaral na ito’y tumutukoy sa mga hindi pagsunod
o kaya ay paglabag sa mga kasalukuyang umiiral na tuntunin sa paggamit
ng wika (Antonio, 2000).
Komposisyon. Pasulat na pagpapahayag o pagsasatitik ng naiisip
at nadarama ng mga mag-aaral batay sa kanilang karanasan, pakikinig,
pagbabasa, panonood at pakikisalamuha sa kapwa.
Labis na Paglalahat. Sa pag-aaral na ito’y tumutukoy sa
“overgeneralization“ ni Richards (1970). Ito ay isa sa mga pinagmumulan
ng kamalian kung saan ang mag-aaral ay nakagagawa ng kamalian sa
paggamit na wika dulot ng kanyang karanasan sa istruktura ng pinag-
aaralang wika (Abisamra, 2003).
Paaralang Pinagtapusan ng Hayskul. Tumutukoy sa uri ng
paaralang pinagtapusan ng hayskul, kung pribado o publikong paaralan.
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

49
Pagkakamaling Leksikal. Tumutukoy sa pagkakakaltas o maling
pagkakagamit ng mga morpema ng pangngalan, pandiwa, pang-uri at
pang-abay (Casino, 1994).
Pagkakamaling Morpolohikal. Tumutukoy sa paggamit ng maling
pananda ng pangngalan, maling aspekto ng pandiwa (Casino, 1994).
Pagkakamaling Sintaktika. Tumutukoy sa hindi maayos na
pagkakasunod ng mga bahagi ng panalita upang mabuo ng isang
makabuluhang pahayag (Casino, 1994).
Pakikipagtalastasan. Pakikipag-ugnayan sa ibang tao upang
makibahagi sa kanilang kaalaman, ideya o saloobin.
Pangalawang Wika. Wikang ginagamit na natutunan pagkatapos
ng unang wika. Tumutukoy sa pinag-aaralang wika sa pag-aaral na ito.
Philippine Military Academy. Paaralan ng mga kadete na
hinuhubog maging opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa
hinaharap (PMA Handbook, 1997 ed.). Dito isinagawa ang pag-aaral.
Saykolinggwistika. Tumutukoy sa sangay ng pag-aaral ng wika na
tumatalakay sa pagtatamo at pagkatuto ng wika (Casino, 1994).
Semantic Errors. Isa ito sa apat na pinagmumulan ng kamalian ni
Richards (1970). Tumutukoy ito sa kamaliang dulot ng maling
pagpapakahulugan. Saklaw nito ang paghihinuha ng maling konsepto
(Abisamra, 2003).
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

50
Sosyolinggwistika. Ito ay ang sangay ng linggwistikang tumatalakay
sa tungkulin ng wika sa lipunan (Casino, 1994).
Talaarawan. Nakasulat na karanasan, alaala at pangyayari sa
buhay ng bawat tao. Itinatala ito araw-araw (Palazo, 2003).
Transformational_Generative Grammar. Sistema ng mga tuntunin
upang matukoy ang deep at surface structure ng isang wika. Teorya ito ni
Chomsky (Tibagacay, 2001).
Transitional Language. Katawagang ibinigay ni Corder (1971) sa
wikang nabubuo ng mag-aaral habang nag-aaral ng pangalawang wika.
Iba pa ito sa kanyang una at pangalawang wika (Tibagacay, 2001).
Unang Wika. Tumutukoy sa wikang katutubo ng isang tao.
4th Class. Tumutukoy ito sa pinaka-unang lebel ng pagkakadete
katumbas ng unang taon sa kolehyo.
Wika. Isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili
at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
napapabilang sa isang kultura (Gleason, 1961).

Haypotesis ng Pag-aaral

Batay sa mga tiyak na suliranin ng pag-aaral, ang mga sumusunod


na hakahaka ay nabuo:
1. May malaking pagkakaiba ang mga kamalian sa gramatika at
mekaniks sa pagsulat ng mga kadete ng kanilang talaarawan.
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

51
2. May pagkakaiba ng pinagmulan ng mga kamalian sa pagsulat
ng mga kadete ng kanilang talaarawan.
3. May epekto sa nagawang kamalian sa gramatika at mekaniks
sa pagsulat ng mga kadete ng kanilang talaarawan ang mga sumusunod
na salik:
a. kasarian
b. unang wika
c. paaralang pinagtapusan ng hayskul
d. antas ng edukasyon bago pumasok sa PMA
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006
PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Kinaganapan ng Pag-aaral

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa Philippine Military Academy


na matatagpuan sa Fort Del Pilar, na nasa bahaging Hilaga ng Lungsod
ng Baguio. Mula sa pinakasentro ng lungsod ang Philippine Military
Academy ay humigit kumulang 11 kilometrong layo.

Mga Respondente ng Pag-aaral


Ang respondente sa pananaliksik na ito ay may 30 na babae at 168
na lalaki na sa kabuuan ay 198 na 4th Class na kadete na kabilang sa
Class 2010. Sila ang mga kadete sa akademya na kumukuha ng
asignaturang Filipino 1 - Sining ng Pakikipagtalastasan at sa asignaturang
ito ay pinagsasanayan ang pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.
Ang lahat ng mga babae na umabot ng 30 na bilang ay isinama na lahat
sa pananaliksik na ito yamang maliit na bilang lamang ito kumpara sa
bilang mga mga lalaki. Ang respondenteng mga lalaki ay ginamitan ng
random sampling at sa kabuuan ng mga respondente ay 2/3 ng kabuuang
bilang ng mga kadete.
Makikita sa Talahanayan 1 ang profile ng mga respondente. May
30 (15.15%) kabuuang bilang ang mga respondenteng babae at 168
(84.85%) na respondenteng lalaki. Ayon sa unang wika, pinakamarami
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

53

Figyur 4. Kinaganapan ng Pag-aaral


Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

54
Talahanayan 1. Profile ng mga respondente
KASARIAN
BILANG
BAHAGDAN

Babae

30

15.15
Lalaki
168

84.85_
Kabuuan
198

100.00
___________________________________________________________

UNANG
WIKA
Bicol

3.03
Bisaya

44

22.22
Hiligaynon

13
6.57
Ilocano

39

19.70
Pampagueno

1.00
Pangasinense
2

1.00
Tagalog

66

33.33
Waray

2.54
Iba pa

21

10.61_
Kabuuan

198

100.0
__________________________________________________________

PAARALANG PINAGTAPUSAN

Pribado
75

37.88
Publiko

123

62.12_
Kabuuan

198

100.00
__________________________________________________________

ANTAS NG EDUKASYON BAGO PUMASOK SA PMA

Nagtapos ng Hayskul

17

8.58
Unang Taon ng Kolehiyo
67

33.84
Ikalawang Taon

55

27.78
Ikatlong Taon

27

13.64
Ikaapat
na
Taon
16
8.08
Ikalimang Taon/Nagtapos
16

8.08_
Kabuuan

198

100.00

Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete


ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006
55
ang mga kadeteng Tagalog na may bilang na 66 (33.33%). Sumunod na
pinakamarami ay ang Bisaya na may kabuuang bilang na 44 (22.22%).
Pangatlo sa ranggo ang Ilokano na may bilang na 39 (19.70%). Pang-
apat sa dami ng bilang ang pinagsama-samang wikain na wala sa
nabanggit na walong pangunahing wika at wikain sa Pilipinas.tulad ng
Itawes (9), Kankanaey (3), Ibanag (2), Ibaloi (2), Chavakano (2), Ifugao (2)
at Samal (1), na may kabuuang bilang na 21 (10.61%). Panglima sa
ranggo ang Hiligaynon na may 13 (6.57). Sumunod ang Bicol na may 6
(3.03), Waray na may bilang na 5 (2.53%) at parehong may tigalawang
respondenteng Pampangueno (1.0%) at Pangasinense (1.0%). Sa
kabuuan ay may 198 na respondente.

Sa kabuuang bilang ng mga respondenteng 198, ang nagtapos ng


hayskul sa paaralang pribado ay may bilang na 75 (37.88%) at 123
(62.12) sa paaralang publiko.

Sa antas ng edukasyon ng mga kadete bago pumasok sa PMA,


pinakamarami ang nakaabot ng unang taon sa pagkokolehyo na may
bilang na 67 (33.84%). Sumunod sa dami ng bilang ang mga nakaabot ng
ikalawang taon na may bilang na 55 (27.78%). Pangatlo ang nakaabot ng
ikatlong taon na may bilang na 27 (13.64). Pang-apat ang mga nakatapos
ng hayskul na 17 (8.58%) at ang mga nakaabot ng ikaapat na taon sa
kolehyo ay 16 (8.08%). Pareho rin ang bilang ng mga nakaabot ng
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

56
ikalimang taon na kasama ang nakatapos na ng kurso, 16 (8.08%).

Paraan ng Pananaliksik
Pinasulat ang mga kadete ng talaarawan. Mula sa mga talaarawan
ay binigyan-pansin sa pagsusuri ang kanilang kamalian sa gramatika
batay sa Modelo ni Hendrickson (1980). Ang mga kamaliang ito ay
kamalian sa morpolohiya, leksikon at sintaks at isinamang sinuri ang
kamalian sa mekaniks na saklaw ang kamalian sa pagbabaybay at
kamalian sa pagbabantas.
Batay sa mga pagkakamali sa pagsulat ng talaarawan, sinuri ng
manaliksik ang pinagmulan ng mga kamaliang ito. Ang mga ito ay ang
intralingual ni Richards (1970) na nakasaad sa aklat nina Richards at
Simpson (1974). Ito ang ginamit na modelo sa pag-aaral na ito. Ito ay
ang labis na paglalahat (overgeneralization), kasalatan sa kaalaman sa
tuntunin (ignorance of rule restriction), di lubos na paggamit ng tuntunin
(incomplete application of rules) at kamalian sa pagpapakahulugan
(semantic error) na saklaw ang paghihinuha ng maling konsepto
(hypothesizing false concepts). Halimbawa ng kamalian dahil sa labis na
paglalahat ay ang pahayag na “Si Mario at Lian ay mabilis sa takbuhan"
sa halip na “Sina Mario at Lian ay mabibilis sa takbuhan". Sa kasalatan
ng kaalaman sa tuntunin ay halimbawa ang pahayag na “Malalampasan
ang lahat na ito” sa halip na “Malalampasan ang lahat ng ito”. Ang
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

57
halimbawa ng kamalian dahil sa di lubos na paggamit ng tuntunin ay ang
kamalian sa pahayag na “Umalis araw-araw ang ama ng tahanan” sa halip
na “Umaalis araw-araw ang ama ng tahanan”. At ang panghuli ay ang
kamalian sa pagpapakahulugan. Ang halimbawa nito ay ang pahayag na
“Nahulog na ang bata”. Ang “bata” dito ay maaaring ipakahulugang
musmos, damit, tagasunod o kaya ay kabit. (Tibagacay, 2001)
Iniugnay ang mga kamalian sa pagsulat ng talaarawan at
pinagmulan ng kamalian sa mga salik na kasarian, unang wika, paaralang
pinagtapusan ng hayskul at antas ng edukasyon bago pumasok sa PMA.
at sinuri kung ang mga ito ay may epekto sa kamaliang nagawa sa
paggamit ng wikang Filipino sa pagsulat ng kanilang talaarawan.

Pangungulekta ng datos
Pinasulat ang mga kadete ng isang linggong talaaraan upang
masusri ang kamalian sa pagsulat at ang mga pinagmumulan ng mga
kamalian ito. Bukod dito, pinasagutan sa kanila ang inihandang
talatanungan upang makuha ang hinihinging impormasyon gaya ng
kasarian, unang wika, paaralang pinagtapusan ng hayskul at antas ng
edukasyon bago pumasok sa Philippine Military Academy.

Pagsusuring Istatistika

Ginamit ang elicitation technique sa mga talaarawang sinulat ng


Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006
58
mga kadete. Sa mga sinuring uri ng kamalian at pinagmulan ng kamalian
ay ginamit ang frequency counts, percent, mean at ranking. Sa epekto ng
mga salik sa nagawang kamalian sa pagsulat ay ginamit ang Chi-Square.

Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete


ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

PAGTALAKAY SA MGA RESULTA

Ang bahagi ng pag-aaral na ito ay tumatalakay sa resulta ng mga


datos na nakalap batay sa mga layunin ng pag-aaral na ito na ang mga
sumusunod:
1. Masuri ang mga kamalian sa gramatika at mekaniks na nagawa
ng mga kadete sa pagsulat ng talaarawan.
2. Masuri ang pinagmulan ng mga kamaliang nagawa ng mga
kadete sa pagsulat ng talaarawan.
3. Masuri ang epekto ng mga sumusunod na salik sa nagawang
kamalian ng mga kadete sa pagsulat ng talaarawan:
a. kasarian
b. unang wika
c. paaralang pinagtapusan ng hayskul
d. antas ng edukasyon bago pumasok sa PMA

Uri ng Kamaliang Nagawa ng mga Kadete


sa Pagsulat ng Talaarawan
Tinatalakay sa bahaging ito ang mga uri ng kamaliang nagawa ng
mga kadete sa pagsulat ng kanilang talaarawan. Ginamit sa pagsusuri ng
kamalian ang modelo ni Hendrickson (1979) - kamalian sa morpolohiya,
leksikon at sintaks. Sa pag-aaral na ito'y isinama ang pagsusuri sa
mekaniks na sumasaklaw sa pagbabaybay at pagbabantas.
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

60
Kamalian sa Leksikon

Sa apat na uri ng kamaliang sinuri sa pag-aaral na ito, nanguna


ang kamalian sa leksikon sa pinakamaraming kamaliang nagawa ng mga
kadete. Sinuri sa bahagi ng kamalian sa leksikon ang mga maling gamit
at paglalaktaw sa paggamit ng mga salitang pangnilalaman na gaya ng
pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at pang-abay. Makikita sa
talahanayan 2 ang lagom ng nagawang kamalian ng mga kadete sa
leksikon sa pagsulat nila ng kanilang mga talaarawan. Sa kabuuang
bilang ng kamalian sa leksikon na 1117 ay 335 (29.99%) ang nagawang
kamalian sa pandiwa. Sa maling gamit ng pandiwa ay may naitalang 261
(77.91%) at 74 (22.09%) sa paglalaktaw. Pangalawa ang kamalian sa
pang-uri na may bilang na 312 (27.93%). Sa maling gamit ay umabot ng
258 (82.69%) at 54 (17.31%) sa paglalaktaw. Pangatlo ang kamalian sa
pang-abay na may kabuuang bilang na 268 (23.99%). Sa ilalim nito ay
may naitalang 203 (75.75%) sa maling gamit at 65 (24.25%) naman sa
paglalaktaw. Pang-apat ang kamalian sa pangngalan na may kabuuang
bilang na 145 (12.98%) na ang 122 (84.14%) dito ay sa maling gamit at 23
(15.86%) sa paglalaktaw. Pinakamababa sa bilang ng kamalian sa
leksikon ang kamalian sa panghalip na mayroon lamang kabuuang bilang
na 56 ( 5.11%). Sa ilalim nito ay may naitalang 37 (66.07%) sa maling
gamit at 19 (33.93%) sa paglalaktaw.

61
Talahanayan 2. Kamalian ng mga kadete sa leksikon

Kamalian
Bilang
Bahagdan
Ranggo
___________________________________________________________

1.

Pangngalan
145
12.98
4

a. maling gamit
122
(84.14)

b. paglalaktaw
23

(15.86)

2. Panghalip

56

5.11

a. maling gamit
37

(66.07)

b. paglalaktaw
19

(33.93)
3.

Pandiwa
335
29.99
1

a. maling gamit
261

(77.91)

b. paglalaktaw
74

(22.09)

4.

Pang-uri
312
27.93
2

a. maling gamit
258

(82.69)

b. paglalaktaw
54

(17.31)

5.

Pang-abay 268
23.99
3
a. maling gamit
203

(75.75)

b. paglalaktaw
65

(24.25)
___________________________________________________________

Kabuuan
1117
100.00

Kamalian sa pandiwa. Nanguna sa ranggo ng kamalian sa


leksikon ang pandiwa na umabot sa bilang na 335 (29.99%). Naitalang
may 261 (77.91%) sa maling gamit at 74 (22.09%) sa paglalaktaw.

Narito ang ilan sa mga naitalang halimbawa ng mga kamalian sa


leksikon na nagawa ng mga kadete sa pagsulat ng kanilang talaarawan.
Maling Gamit:
Malungkot akong sumama sa klase ko sa IT.
Pagwawasto:
Malungkot akong pumasok sa klase ko sa IT.

62
Maling Gamit:
Kinaharap kami ng aming pinuno upang pagpayuhan.
Pagwawasto:
Hinarap kami ng aming pinuno upang pagpayuhan.
Paglalaktaw:
Pagkatapos ng pananghalian, ^ lahat ng plebo sa
Grandstand.
Pagwawasto:
Pagkatapos ng pananghalian, tinipon lahat ng plebo
sa
Grandstand.
Paglalaktaw:
^ Parada kaninang umaga.
Pagwawasto:
Nagkaroon ng parada kaninang umaga.

Sa pananaliksik na ito ay nanguna sa bilang ang pandiwa sa


kamalian sa leksikon. Pareho sa resulta ng pag-aaral nina Palazo (2003)
at Epistola (2000) na nanguna sa ranggo ng kamalian sa leksikon ang
pandiwa. Maging sa pag-aaral ni Hufana (1982) ay nanguna rin ang
pandiwa sa kamalian sa leksikon. Nabanggit din ni Palazo (2003) na sa
pag-aaral ni Taguba (1987) ay natuklasan niyang nanguna sa kamalian sa
leksikon ang paggamit ng pandiwa at maging sa pag-aaral ni Jamison
(1995) ay lumabas na sa paggamit ng pandiwa nagkakaroon ng
kadalasang pagkakamali sa pagsulat.

Hindi man nanguna subalit natuklasan sa pag-aaral ni Hamada


(2001) na pangalawa sa ranggo ng kamalian sa leksikon ang pandiwa.
Maging sa pag-aaral ni Catimo (1999) ay pangalawa rin sa ranggo ang
kamalian sa pandiwa. Sinusugan pa ito ng pag-aaral nina Minong at

63
Hufana (1983) na sa ranggo ay pumapangalawa ang pandiwa sa
kadalasang kamalian sa pagsulat. Nabanggit din nila na maaaring ang
kamalian sa pandiwa ay dulot ng walang kamuwangan sa gamit ng
pandiwa sa teksto kaya't inuunawa na lamang ito batay sa pandinig ng
mag-aaral (Hamada, 2001).

Ang resulta ng pananaliksik na ito ay pinagtitibay ng naunang pag-


aaral nina Scott at Tucker (1974) na binanggit ni Hamada (2001) na ang
kadalasang pagkakamali sa pandiwa ay bunga ng "rule-generated
language" na binabanggit ng mga dalubhasa sa pagsusuri sa kamalian
tulad nina Corder (1971) sa kanyang idiosyncratic dialects at transitional
competence, Nemser (1971) sa kanyang approximative systems at ni
Selinker (1972) sa kanyang interlanguage.

Kamalian sa Pang-uri.
Sumunod sa pandiwa ang pang-uri sa
dami ng kamalian sa leksikon. Sa kabuuang bilang na 312 (27.93%) ng
kabuuang kamalian sa leksikon ay 258 (82.69%) ang naitala sa maling
gamit at 54 (17.31%) sa paglalaktaw.
Ang sumusunod ay ilan sa mga naitalang kamalian sa pang-uri.
Maling Gamit:
Pamagan kasi ng aking assistant squad leader kaya
lagi akong natutulala.
Pagwawasto:
Napakahigpit/Napakaistrikto kasi ng aking assistant
squad leader kaya lagi akong natutulala.

64
Maling Gamit:
Ang aking buddy ay hindi naman masyadong mataas.
Pagwawasto: Ang aking buddy ay hindi naman masyadong
matangkad
Paglalaktaw:
Bagamat ^ sa likod ang head-up, kailangan ko pa rin
itong gawin.
Pagwawasto: Bagamat
masakit sa likod ang head-up, kailangan ko
pa rin itong gawin.
Paglalaktaw:
Naranasan ko dito ang ^ buhay sundalo na iba sa
pagkakaalam ko bago ako pumasok dito.
Pagwawasto:
Naranasan ko dito ang tunay/totoong buhay sundalo
na iba sa pagkakaalam ko bago ako pumasok dito.
Sa bahagi ng pang-uri ay napansin ng mananaliksik na iba-iba ang
naging ranggo ng pang-uri sa kamalian sa leksikon. Sa pananaliksik na
ito ay lumabas na pangalawa sa ranggo ng kamalian sa leksikon ang
pang-uri. Sa pag-aaral ni Hamada (2001) ay nanguna ang pang-uri,
pangatlo ito sa pananaliksik ni Palazo (2003) samantalang panghuli
naman kay Tibagacay (2001).
Nabanggit ni Hamada (2001) na ang mga kamalian sa pang-uri ay
maaari nating iugnay sa tinatawag nating "fossilization of errors". Ito ay
ang permanenteng paggamit ng maling kayarian ng pangalawang wika na
maaaring dulot ng mga hindi naiwastong kamalian. Ito ang dahilan kung

65
bakit maging ang mga lokal na kamalian o kamaliang hindi nakasasagabal
sa pag-unawa sa teksto ay kailangang iwasto.
Kamalian sa Pang-abay. Pangatlo sa ranggo ng kamalian sa
leksikon ang pang-abay na may kabuuang bilang na 268 (23.99%). Sa
maling gamit ay 203 (75.75%) at 65 (24.25%) naman sa paglalaktaw.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng kamalian sa pang-abay.
Maling Gamit:
Lubos na naman akong tumakbo upang makaabot sa
klase.
Pagwawasto: Matulin/Mabilis na naman akong tumakbo upang
makaabot sa klase.
Maling Gamit:
Malalim akong nananalangin lagi sa Diyos na lagi
sana niya akong bigyan ng lakas ng loob.
Pagwawasto: Taimtim akong nananalangin lagi sa Diyos na lagi
sana niya akong bigyan ng lakas ng loob.
Paglalaktaw:
Tumakbo kami nang ^ upang hindi mahuli sa klase.
Pagwawasto:
Tumakbo kami nang mabilis upang hindi mahuli sa
klase.
Paglalaktaw:
Dito ko naranasan ang matulog ^ mahimbing kahit
isang minuto lang dahil sa pagod.
Pagwawasto:
Dito ko naranasan ang matulog nang mahimbing kahit
isang minuto lang dahil sa pagod.

66

Pangatlo sa ranggo ng kamalian sa leksikon ang pang-abay sa


pananaliksik na ito. Naiiba ang resultang ito dahil sa pag-aaral ni Hamada
(2001) at Palazo (2003) ay parehong nasa panghuling ranggo ang
paggamit na pang-abay sa kamalian sa leksikon.

Kamalian sa Pangngalan. Ang kamalian sa pangngalan ay pang-


apat na umabot ng 145 (12.98%) na kamalian. Sa maling gamit ay 122
(84.14%) at sa paglalaktaw ay 23 (15.86%).

Narito ang halimbawa ng kamalian sa pangngalan ng mga kadete.


Maling
Gamit:
Ipinaliwanag na ang mga kamalasan ay hindi
nawawala habang nagsasanay sa pagkasundalo.
Pagwawasto:
Ipinaliwanag na ang mga problema ay hindi
nawawala habang nagsasanay sa pagkasundalo.
Maling Gamit:
Gusto kong magkaroon ng katatagan ng katawan
kaya't lagi akong nag eehersisyo.
Pagwawasto:
Gusto kong magkaroon ng kalakasan ng katawan
kaya't lagi akong nag eehersisyo.
Paglalaktaw:
Sabado ngayon, kaya't araw ng pagsusuri ^.
Pagwawasto:
Sabado ngayon, kaya't araw ng pagsusuri ng baraks.
Paglalaktaw:
Isinama ako ng aking pinuno na magpalakas ^.
Pagwawasto:
Isinama ako ng aking pinuno na magpalakas ng
katawan.

67

Ang pangngalan ay pang-apat sa limang kamalian sa leksikon.


Sumasang-ayon ang resulta ng pag-aaral na ito sa resulta ng pag-aaral ni
Altamarino (2000) na binanggit ni Hamada (2001) kung saan ang
pangngalan ay mayroon lamang 2.11% na kamaliang nagawa ng kanyang
mga respondente.
Kung sa ranggo ang pagbabatayan, taliwas ang resulta ng
pananaliksik na ito sa natuklasan ni Mayos (1988) na ang pangunahing
kahirapan ng mga mag-aaral ay sa paggamit ng pangngalan. Maging sa
pag-aaral ni Hamada (2001) ay nanguna ang pangngalan sa ranggo ng
kamalian sa leksikon at kay Palazo (2003) pangalawa naman ang
pangngalan.
Kamalian sa Panghalip. Panghuli ang kamalian sa panghalip sa
kamalian sa leksikon batay sa resulta ng pananaliksik na ito. Ang
kabuuang bilang ng kamalian sa panghalip ay 56 (5.11%) lamang. May
naitalang 37 (66.07) sa maling gamit at 19 (33.93) sa paglalaktaw.
Makikita ang halimbawa ng mga kamaliang ito sa mga sumusunod
na pahayag:
Maling gamit:
Nilinis ko nang mabuti ang aking riple upang
kumintab siya.
Pagwawasto:
Nilinis ko nang mabuti ang aking riple upang
kumintab ito.

68
Maling Gamit:
Ipinasaulo kami ng mga pangalan ng mga opisyal na
namumuno sa amin.
Pagwawasto:
Ipinasaulo sa amin ang mga pangalan ng mga opisyal
na namumuno sa amin.
Paglalaktaw:
Hindi ^ namalayan na nakatulog na pala ako sa
sobrang pagod.
Pagwawasto: Hindi
ko namalayan na nakatulog na pala ako sa
sobrang pagod.
Paglalaktaw:
Umiikot lamang sa isipan ko ang ^ nagawa.
Pagwawasto:
Umiikot lamang sa isipan ko ang aking nagawa.

Sa pananaliksik na ito ay panghuli sa ranggo ang kamalian sa


panghalip na hindi nalalayo sa naging resulta ng pag-aaral ni Palazo
(2003) na pang-apat sa limang kamalian sa leksikon. Nabanggit niya
nagkakaroon ng kamalian sa panghalip dahil ginagamit ng mga mag-aaral
ang mga panghalip na pamatlig bilang panghalip na panao o bise bersa.

Batay sa banggit ni Palazo (2003), sinabi ni Corder (1967) na


makabuluhan ang pagkakamali ng mga mag-aaral sa mga guro dahil dito
niya nalalaman ang proseso ng pagkatuto. Idinagdag pa ni Burt (1975) sa
pagbanggit pa rin ni Palazo (2003) na ang ilan sa mga pagkakamali ng
mga mag-aaral ay dapat na ipahintulot at pagpasensyahan upang maging
malaya ang mag-aaral na makapagpapahayag ng sarili sa target na wika.
69
Sa aklat ni Cortez (2000) ay binanggit ang pahayag ni Corder
(1974) na praktikal na gamit ang kamalian. Una, ang mga kamalian ay
nagbibigay ng fidbak sa kabisaan ng teknik sa pagtuturo at nailalahad
kung anong bahagi ng sinusundang silabus ang di-gaanong napag-aralan
o naituro. Pangalawa, ang kamalian ay nakatutulong sa pagpapasya
kung maaari nang tumungo sa susunod na bahagi ng silabus. Ang mga
kamalian kung ganun ay nakatutulong sa pagtataya ng silabus at batayan
sa pagsasama ng mga aytem na idaragdag sa silabus.

Kamalian sa Sintaks.

Ang kamalian sa sintaks ay pumapangalawa sa leksikon sa


dami ng kamaliang nagagawa ng mga kadete sa pagsulat ng kanilang
talaarawan. Makikita sa talahanayan 3 ang tala ukol resulta ng pag-aaral
sa kamalian sa sintaks. Sa bahaging ito ay sinuri ang kamalian sa
paggamit ng mga pang-angkop, pang-ukol, pangatnig, pantukoy at
panandang "ay". Isinama dito ang pagkakaayos ng salita (Tibagacay,
2001). Dito ay may naitalang 723 (27.64%) na kamalian sa sintaks.
Sa kamalian sa sintaks, nanguna sa ranggo ang kamalian sa pang-
angkop na may kabuuang bilang na 170 (23.51%). May naitalang 108
(63.53%) sa maling gamit at 62 (36.47%) sa paglalaktaw. Pangalawa
ang kamalian sa pangatnig na may bilang na 150 (20.75%). Dito may 88
(58.67%) na kamalian sa maling gamit at 62 (41.33%) sa paglalaktaw.

70
Talahanayan 3. Kamalian ng mga kadete sa sintaks
Kamalian

Bilang Bahagdan
Ranggo
___________________________________________________________

1.

Pang-angkop
170
23.51
1
a. Maling Gamit

108
(63.53)

b. Paglalaktaw

62
(36.47)

2.

Pang-ukol

93
12.86
5

a. Maling Gamit

38
(52.05)

b. Paglalaktaw

35
(47.95)

3.

Pangatnig
150
20.75
2

a. Maling Gamit

88
(58.67)
b. Paglalaktaw

62
(41.33)

4.

Pantukoy
135
18.67
3

a. Maling Gamit

38
(28.15)

b. Paglalaktaw

97
(71.85)

5.

Panandang
"ay"
119
16.46
4

a. Maling Gamit

47
(35.78)

b. Paglalaktaw

72
(64.42)
6. Pagkakaayos ng mga salita 56
7.75

6
___________________________________________________________
Kabuuan
723

100.00

Pangatlo sa ranggo ang kamalian sa pantukoy na may kabuuang bilang


na 135 (18.67%), 38 (28.15%) sa maling gamit at 97 (71.85%) sa
paglalaktaw. Pang-apat ang kamalian sa paggamit ng panandang "ay" na
may bilang na 119 (16.46%). Sa maling gamit ay 47 (35.78%) at sa
paglalaktaw ay 72 (64.42%). Panglima ang kamalian sa pang-ukol na
mayroon bilang na 93 (12.86%) at 38 (52.05%) nito ay sa maling gamit at

71
35 (47.95%) sa paglalaktaw. Panghuli sa ranggo ang maling pagkakaayos
ng mga salita na mayroon lamang naitalang 56 (7.75%).

Kamalian sa Pang-angkop. Nanguna sa dami ng bilang ng


kamalian sa sintaks ang kamalian sa pang-angkop. Ito ay tumutukoy sa
mga pang-angkop na 'na', '-ng' at '-g'. Sa 170 (23.51%) na kamalian sa
pang-angkop ay 108 (63.53%) ang naitala sa maling gamit at 62 (36.47%)
sa paglalaktaw.
Nakatala sa ibaba ang ilan sa mga halimbawa ng kamalian sa
paggamit ng pang-angkop.
Maling Gamit:
Panatilihing ko na lamang ang aking determinasyong
makatapos ng kurso dito sa PMA.
Pagwawasto:
Panatilihin ko na lamang ang aking determinasyong
makatapos ng kurso dito sa PMA.
Maling Gamit:
Itinatanong ko sa sarili ko kung kaya ko pa kaya
ang nangyayari na ito sa buhay ko?
Pagwawasto:
Itinatanong ko sa sarili ko kung kaya ko pa kaya
ang nangyayaring ito sa buhay ko?
Paglalakataw:
Pabalik na kami sa baraks nang makita ko ang pinsan
ko ^ tumatakbo.
Pagwawasto:
Pabalik na kami sa baraks nang makita ko ang pinsan
kong tumatakbo.

72
Paglalaktaw:
Nais ko sanang matutunan^ mabuti ang lahat ng mga
itinuturo dito.
Pagwawasto:
Nais ko sanang matutunang mabuti ang lahat ng
mga itinuturo dito.

Nanguna ang pang-angkop sa kamalian sa sintaks sa pagsulat ng


mga kadete. Mapapansing wala ito sa wikang Ingles na siyang ginagamit
ng mga kadete sa akademya. Ito marahil ang dahilan kung bakit nanguna
ito sa ranggo ng kamalian sa sintaks dahil hindi na binibigyan-pansin ng
mga kadete ang wastong panggamit ng pang-angkop. Napansin ng
mananaliksik na karamihan sa mga kadete ay ang pang-angkop lamang
na 'na' ang ginagamit sa kanilang pagsulat.

Kamalian sa Pangatnig. Pangalawa kamalian sa pangatnig sa


ranggo ng kamalian sa sintaks na may kabuuang 150 (20.75%). Sa
kamalian sa pangatnig 88 (58.67%) ay sa maling gamit at 62 (41.33%) ay
sa paglalaktaw.

Narito ang halimbawa ng mga kamalian sa pangatnig ng mga


kadete sa kanilang pagsulat ng talaarawan.
Maling Gamit:
Pinagalitan ako ng upperclass ko at ako ay na "low
morale"
Pagwawasto:
Pinagalitan ako ng upperclass ko kaya ako ay na "low
morale".

73
Maling Gamit:
Naiinis ako at naiintindihan ko rin naman dahil
alam kong para ito sa kabutihan ko.
Pagwawasto: Naiinis
ako
subalit naiintindihan ko rin naman dahil
alam kong para ito sa kabutihan ko.
Paglalaktaw:
Ang lahat ng pagsasanay ay ^ ikatatatag din namin.
Pagwawasto:
Ang lahat ng pagsasanay ay para sa ikatatatag din
namin.
Paglalaktaw:
Titiisin ko ang lahat ^ makatulong ako sa pamilya ko.
Pagwawasto: Titiisin
ko ang lahat upang/ para makatulong ako sa
pamilya ko.

Sa resulta ng pananaliksik, napansin ng mananaliksik na hindi


naglalayo ang bilang ng maling gamit ng pangatnig at paglalaktaw nito sa
mga pahayag. Ibig sabihin nito'y hindi talaga kabisado ng mga
repondente kung anong uri ng pangatnig ang gagamitin. Pasubali?
Panapos? o Pandagdag?

Kung ihahambing sa ibang pananaliksik, nagkapalit lamang ng


ranggo ang dalawang kamalian sa sintaks na natalakay na. Sa resulta ng
pananaliksik na ito ay nanguna ang pag-angkop at pangalawa ang
pangatnig, samantalang kay Palazo (2003) ay nauna ang pangatnig at
pangalawa ang pang-angkop.

Kamalian sa Pantukoy.
Pangatlo lamang sa ranggo ng kamalian

74
sa sintaks ang pantukoy na may kabuuang bilang na 135 (18.67%). Sa
135 na kabuuang bilang, 38 (28.15%) ang naitala sa maling gamit
samantalang 97 (71.85%) sa paglalaktaw. Mapapansing mas marami ang
bilang ng paglalaktaw kaysa sa maling gamit.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga kamalian sa pantukoy.


Maling Gamit:
Lumiban na sila Cdt Tan at Cdt Culanggo.
Pagwawasto:
Lumiban na sina Cdt Tan at Cdt Culanggo.
Maling Gamit:
Sa totoo lang, ang asignatura dito sa PMA ay hindi
mahirap aralin at intindihin.
Pagwawasto:
Sa totoo lang, ang mga asignatura dito sa PMA ay
hindi mahirap aralin at intindihin.
Paglalaktaw:
^ Pangkakaroon ng lakas ngloob ang tunay na
sandata sa pakikihamok dito.
Pagwawasto:
Ang pangkakaroon ng lakas ng loob ang tunay na
sandata sa pakikihamok dito.
Paglalaktaw:
^ sobrang pagod at kakulangan ng oras ^ tanging
kalaban dito.
Pagwawasto: Ang sobrang pagod at kakulangan ng oras ang
tanging kalaban dito.

Ang resulta ng pananaliksik sa bahaging sintaks ay nagpapakita na


karamihan sa mga respondente ay hindi pa marunong gumamit ng mga

75
pantukoy sa simula ng mga pangungusap at hindi rin marunong gumamit
ng pantukoy na maramihan. Ganito rin ang matuklasan nina Hamada
(2001), Tibagacay (2003) at Palazo (2003) sa kanilang pag-aaral.

Kamalian sa panandang "ay". Pang-apat sa ranggo ang


kamalian sa paggamit ng panandang "ay" na may bilang na 119 (16.46%).
Katulad ng pantukoy, mas marami ang paglalaktaw kaysa sa maling
gamit. Ang paglalaktaw ay may bilang na 72 (64.42) samantalang 47
(35.78%) lang ang maling gamit.

Ilan sa mga halimbawa nito ay makikita sa sumusunod na pahayag.


Maling gamit:
Kung minsan na di maiiwasan talaga ang makatulog
sa klase.
Pagwawasto:
Kung minsan ay di maiiwasan talaga ang makatulog
sa klase.
Maling Gamit:
Marami na ang bilang ng kadete ay gustong umuwi.
Pagwawasto:
Marami na ang bilang ng kadete na gustong umuwi.
Paglalaktaw:
Pananghalian na ^ di ko pa tapos ang pamamalantsa.
Pagwawasto:
Pananghalian na'y di ko pa tapos ang pamamalantsa.
Paglalaktaw:
Kami ^ nakatanggap ng maraming "endorsement".
Pagwawasto:
Kami ay nakatanggap ng maraming "endorsement".

Ayon kay Palazo (2003) ang pagkakamaling nagawa ng mga mag-


aaral sa panandang "ay" ay tanggapin dahilan sa itinuturing itong

76
prosesong kailangan sa pagtatamo ng target na wika. Ang pag-aaral ng
kamalian ay nagbibigay ng kaalaman kung paano natututo sa target na
wika ang isang tao at kung paano ito gagamitin sa pagtuturo. Idinagdag
pa niyang ang pagkakamali sa target na wika ay maaaring dahilan ng
interlingual transfer. Ibig sabihin nito'y naaapektuhan ng kanyang unang
wika ang kanyang pangalawa o target na wika.

Kamalian sa Pang-ukol. Panlima sa ranggo ng kamalian sa


sintaks ang kamalian sa pang-ukol. May naitalang kamalian sa pang-ukol
na kabuuang bilang na 93 (12.86%) na 38 (52.05%) ay sa maling gamit at
35 (47.95%) sa paglalaktaw.

Mababasa sa halimbawa ang ilan sa mga kamalian sa pang-ukol


na nagawa ng mga kadete sa pagsulat ng kanilang talaarawan.
Maling gamit:
Isang oras na naman nang pagpapalakas ng katawan
ng isang mandirigma ang lumipas.
Pagwawasto:
Isang oras na naman para sa pagpapalakas ng
katawan ng isang mandirigma ang lumipas.
Maling Gamit:
Kinausap kami ng aming Company Commander
ayon sa pinagdadaanan naming buhay.
Pagwawasto:
Kinausap kami ng aming Company Commander
ukol sa pinagdadaanan naming buhay.
Paglalaktaw:
Ang talakayan ng pangkat ay ^ Cadet Empowerment.

77
Pagwawasto:
Ang talakayan ng pangkat ay ukol sa "Cadet
Empowerment"
Paglalaktaw:
Puyatan na naman mamaya ^ pagbabalik-aral.
Pagwawasto:

Puyatan na naman mamaya sa pagbabalik-aral.

Sa pag-aaral ni Tibagacay (2001) ay nanguna ang kamalian sa


pang-ukol sa kamalian sa sintaks ng kaniyang mga respondente.
Binanggit din niya na nadiskubre ni Maglinte (1983) na sa kanyang pag-
aaral sa pagsusuri sa komposisyon ng mga mag-aaral na nasa ikatlo at
ikaapat na taon na antas ng hayskul ay kadalasang ang kamalian sa
sintaks ay kinabibilangan ng pang-ukol. Ang isa sa mga dahilan kung
bakit marami ang nahihirapan o nagkakamali sa paggamit ng mga pang-
ukol ay kakulangan sa kaalaman ukol sa wastong paggamit nito dahil
hindi ito nabibigyan ng pansin sa mga pagtuturo ng mga guro. Nabanggit
din ni Tibagacay (2001) na ayon kay Eaton (1992) nagkakaroon ng
kamalian sa paggamit ng pang-ukol dahil kadalasang ginagamit ito
pagkatapos ng pandiwa.

Kamalian sa pagkakaayos ng mga salita. Ito ang may


pinakamababang naitalang bilang ng kamalian sa sintaks. Mayroon
lamang naitalang 56 (7.75%) na kamalian. Sa bahaging ito ng pagsusuri
sa sintaks ay napansin na pinagsasama na mga kadete ang mga salitang
dapat hilaway o kaya naman ay pinaghihiwalay nila ang dapat magsama.

78
Narito ang halimbawa ng mga pahayag na may kamalian sa
pagkakaayos ng mga salita.
Paghihiwalay: Naa
wa ang upperclass ko nang makita ako kaya
pa lihim niya akong inabutan ng pagkain.
Pagwawasto: Naawa ang upperclass ko nang makita ako kaya
palihim niya akong inabutan ng pagkain.
Paghihiwalay:
Kahit panahon ng tag-ulan ^, patuloy pa rin ang buhay
dito sa akademya (ngayon).
Pagwawasto:
Kahit panahon ng tag-ulan ngayon, patuloy pa rin ang
buhay dito sa akademya.
Pagsasama:
Salamat po Diyos ko, isang araw nanaman ang
lumipas sa buhay ko.
Pagwawasto:
Salamat po Diyos ko, isang araw na naman ang
lumipas sa buhay ko.
Pagsasama:
Anuman ang magiging desisyon mo sa buhay, ikaw
parin ang piloto ng sarili mong buhay.
Pagwawasto:
Anuman ang magiging desisyon mo sa buhay, ikaw
pa rin ang piloto ng sarili mong buhay.
Ipinapakita ng resultang mas marami ang kamalian sa pagsasama
ng mga salita kaysa sa paghihiwalay at sa pagsasama ay karaniwan ang
paggamit ng "nanaman" at "parin" sa halip na "na naman" at "pa rin". Ito

79
ay isang halimbawa ng overgeneralization sa kaisipan sa wikang Filipino
na "kung ano ang bigkas ay siya rin ang baybay" .
Ang mga natalakay ay mga kamalian sa gramatika na ayon kay
Savignon (1972) ay hindi natin maiiwasang bigyan-pansin dahil sa banggit
ng mga istrukturalista na kailangan ang kakayahang panggramatika dahil
ito ay isa sa mga pangunahing bumubuo sa pakikipagtalastasan.
Maalalang binanggit ni Hufana (1982) na ang competence sa
pangalawang wika ay ang kawalan o halos kawalan ng kamalian sa
bararila, talasalitaan, kagalingan at kadalian sa pagbigkas at pagbasa.
Ang Generative Transformational Linguistics ni Chomsky (1965) ay
nagsusulong din ng kaisipang ang pagkatuto ng wika ay hindi lamang sa
pamamagitan ng “habit”, “imitation”, conditioning o stimulus-response”
kundi ito ay malikhaing proseso. Ipinakilala niyang ang taglay na
kaalaman sa wika ay nagbibigay sa kanya ng kakayahang bumuo ng mga
pangungusap na katanggap-tanggap sa nagmamay-ari ng wika at ang
kakayahang kumilala nang tama sa maling pangungusap (Hamada,
2001). Dahil sa pahayag na ito, marapat lamang na pagtuunan ng pansin
ang kamalian ng mga mag-aaral sa bahaging gramatika.

Kamalian sa Morpolohiya

Pangatlo ang morpolohiya sa ranggo ng mga kamalian sa


gramatika sa pagsulat ng mga kadete ng kanilang talaarawan. Makikita

80
sa talahanayan 4 na mayroon lamang naitalang 508 (19.23%) na
kamalian sa bahaging ito. Naitala dito ang mga kamalian sa
pagbabanghay, kamalian sa gamit ng pokus, kamalian sa pananda at
kamalian sa panlapi. Sa gamit ng pananda at panlapi ay sinuri ang
maling gamit at paglalaktaw. Makikitang pinakamarami ang kamalian sa
panlapi. Sa kabuuang bilang ng kamalian sa morpolohiya na 508 ay 204
(40.16%) ang nagawang kamalian sa panlapi na 153 (75.0%) sa maling
gamit at 51 (25.0%) naman sa paglalaktaw. Pangalawa ang
pagbabanghay na may bilang na 154 (30.31%). Pangatlo ang kamalian
sa pokus na may bilang na 97 (19.09%). Pang-apat ang kamalian sa
pananda na mayroon lamang naitalang 53 (10.43%) na sa ilalim nito'y 31
(58.49%) ang maling gamit samantalang 22 (41.51%) ang paglalaktaw.
Kamalian sa panlapi. Pinakamarami ang naitalang kamalian sa
panlapi sa kamalian sa morpolohiya. Sa kabuuang 204 na kamalian sa
panlapi ay 153 (75.0%)nito ay sa maling gamit at 51 (25.0%) ay sa
paglalaktaw.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga naitalang kamalian sa panlapi.
Maling Gamit:
First Aid ang itatalakay sa klase namin sa PE 131.
Pagwawasto:
First Aid ang tatalakayin namin sa klase ng PE 131.
Maling Gamit:
Igugugol ko na lang sa ibang bagay ang panahon.
Pagwawasto:
Gugugulin ko na lang sa ibang bagay ang panahon.
81
Talahanayan 4. Kamalian ng mga kadete sa morpolohiya
Kamalian

Bilang
Bahagdan
Ranggo
___________________________________________________________
1. Pagbabanghay 154
30.34

2. Gamit ng Pokus
97

19.09

3.

Pananda

53
10.43
4

a. Maling Gamit
31

(58.49)

b. Paglalaktaw
22

(41.51)

4.

Panlapi
204
40.16
1

a. Maling Gamit
153

(75.00)

b. Paglalaktaw
51

(25.00)
___________________________________________________________
kabuuan

508
100.00

Paglalaktaw:
Nabigyan ako ng pagkakataong ^kasabay ang Alfa
Company Staff sa hapunan.
Pagwawasto:
Nabigyan ako ng pagkakataong makasabay ang Alfa
Company Staff sa hapunan.
Paglalaktaw:
Hindi ko napansin ang ^tulin na paglipas ng araw.
Pagwawasto:
Hindi ko napansin ang matulin na paglipas ng araw.

Sa mga pahayag ng mga kadete ay hindi na isinasaalang-alang


ang wastong paglalapi. Hangga't nagkakaintindihan sila ay sapat na iyon.
Ito ang binabanggit ng mga sosyolinggwista na ang isang tao ay
nagtataglay ng kakayahang umunawa ng isang pahayag batay sa
konteksto. Sa mga kadete, nagkakaintindihan sila dahil pareho sila ng

82
lipunang ginagalawan at maging ng wikang ginagamit. Subalit hindi rin
naman mabuting hindi na isaalang-alang ang lingwistikang bahagi ng
wika. Ayon sa modelo ni Allwright, ang kakayahang komunikatibo at
kakayahang linggwistika ay magkaugnay tungo sa ikatatamo ng mabisang
komunikasyon. Hindi maaaring hindi papansinin ang kawastuan ng
istruktura ng wika. Maging ang kawastuan ng pahayag ayon sa konteksto
ay kailangang isaalang-alang din sa mabisang komunikasyon.
Kamalian sa Pagbabanghay.
Ang kamalian sa pagbabanghay
ang sumunod na pinakamaraming bilang ng kamalian sa morpolohiya. Sa
kabuuang bilang na 508 kamalian sa morpolohiya ay 154 (30.34%) ang
itinalang kamalian sa pagbabanghay.

Narito ang ilan sa mga kamalian sa pagbabanghay.


Maling Gamit:
Katulad ng nakaraang araw ay gumigising ako ng
3:00 am para maghanda para sa buong araw.
Pagwawasto:
Katulad ng nakaraang araw ay gumising ako ng 3:00
am para maghanda para sa buong araw.
Maling
Gamit:
Sa bawat pagpunta namin sa Mess Hall ay
nasubukan namin ang aming katatagan.
Pagwawasto:
Sa bawat pagpunta namin sa Mess Hall ay
nasusubukan namin ang aming katatagan.
Maling Gamit:
Palagi kaming namamalas sa Mess Hall.

83
Pagwawasto:
Palagi kaming minamalas sa Mess Hall.
Maling Gamit:
Dito ko maranasang natulog ng tigdadalawang oras
sa gabi sa loob ng isang linggo.
Pagwawasto: Dito
ko
naranasang natulog ng tigdadalawang oras sa
gabi sa loob ng isang linggo.

Katulad din ng kamalian sa panlapi, ang kamalian sa


pagbabanghay ng mga kadete ay hindi na inaalintana. Bagamat sa pag-
aaral na ito ay pangalawa lamang sa ranggo ng kamaliang morpolohikal
ang kamalian sa pagbabanghay, sa pag-aaral ni Tibagacay ay nagkamit
ito ng unang ranggo sa kamaliang morpolohikal. Ipinapahiwatig nito na
hindi bihasa ang mga kadete sa pagbabanghay ng pandiwa. Kahit hindi
wasto ang panahunan basta't nagkakaintindihan sila ay sapat na.
Kamalian sa Gamit ng Pokus.
Ang kamalian sa gamit ng pokus
ay pangatlo sa ranggo ng mga kamalian sa morpolohiya. May naitalang
97 (19.09) na kamalian sa gamit ng pokus.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng kamalian sa gamit ng pokus.
Maling Gamit:
Inilabhan ko ang damit ng aking upperclass.
Pagwawasto:
Nilabhan ko ang damit ng aking upperclass.
Maling gamit:
Pinamalantsahan ko ang aking katilap.
Pagwawasto: Ipinamalantsa ko ang aking katilap.
Maling Gamit:
Ang aking leksyon ay ipinag-aralan ko nang mabuti.

84
Pagwawasto:
Ang aking leksyon ay pinag-aralan ko nang mabuti.
Maling Gamit:
Katulad ng dati, mahirap magtanggap ang mga
masasakit na salita ng mista.
Pagwawasto: Katulad
ng dati, mahirap tanggapin ang mga
masasakit na salita ng mga mista.
Bagama't 19.09% lang sa kabuuang bilang ng kamaliang
morpolohikal ang kamalian sa gamit ng pokus, mapapansing hirap ang
mga kadete sa pagkilala sa pokus ng pandiwa upang maging wasto ang
gagamiting pandiwa. Subali't ayon nga kay Palazo (2003) sa kanya ring
pag-aaral ng mga kamalian sa pagsulat ng talaarawan, "huwag tingnan
ang pagkakamali bilang kamalian dahilan sa ang pagkakamali ay
nagagawa sa relasyon ng tiyak na layunin. Iyon ay kung isang istruktura
ng pagkakamali ay ayon sa ibang layunin ngunit tinatanggap pa rin basta
hindi nakasasagabal sa konteksto at sitwasyon ng pakikipagtalastasan"
(Nickel,1970). Sa sitwasyon ng mga kadete, ang mga kamaliang
nabanggit ay maituturing na lokal na kamalian yamang hindi ito
nakasasagabal sa pag-uunawaan ng mga kasangkot sa komunikasyon.
Kamalian sa Pananda. Ang kamalian sa pananda mayroon
lamang naitalang 53 (10.43%) na bilang, 31 (58.49) dito ay sa maling
gamit at 22 (41.51%) sa paglalakataw.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng kamalian sa pananda.

85
Maling Gamit:
Kasama ko sa baraks si Cdt Pajel at Cdt Bazar.
Pagwawasto: Kasama ko sa baraks sina Cdt Pajel at Cdt Bazar.
Maling Gamit:
Mayroon akong gagawin para kay Cdt Tan at Cdt Go.
Pagwawasto: Mayroon akong gagawin para kina Cdt Tan at Cdt Go.
Paglalaktaw:
Naiinis siya sa ^ mista naming mayayabang.
Pagwawasto:
Naiinis siya sa mga mista naming mayayabang.
Maling
Gamit:
Isa sa aking hinihintay sa bawat araw ^ ang
pagkakaroon ng klase.
Pagwawasto:
Isa sa aking hinihintay sa bawat araw ay ang
pagkakaroon ng klase.

Ang mga nabanggit na kamalian ng mga kadete sa pananda ay


nakita ng mananaliksik na kahawig ito sa natuklasan ni Palazo (2003) sa
kanyang pag-aaral. Napansin at binanggit niya na ang karaniwang
kamalian sa pananda ay ang paggamit ng maramihan nito na siya ring
napatunayan ng mananaliksik sa pag-aaral na ito. Ganundin, kung
minsan ay nakakalimutan ang panandang ay. Ipinaliwanag din niya na ito
ay dahil nasanay na ang mga mag-aaral sa pagbubuo ng pangungusap sa
kabalikang ayos kaya't nalilimutan na ang paglalagay ng panandang ay.

Ang parehong resulta ng kamalian sa morpolohiya ay napansin din


sa iba pang pag-aaral hinggil sa pagsusuri ng kamalian (error analysis).

Sa pananaliksik na ito ay nanguna sa ranggo ng kamalian sa

86
morpolohiya ang kamalian sa panlapi na sumasang-ayon sa resulta sa
pag-aaral ni Palazo (2003).
Sa pag-aaral ni Tibagacay (2001), nanguna sa kamalian sa
morpolohiya ang pagbabanghay at pinakahuli ang pokus ng pandiwa.
Sa pag-aaral ni Hamada (2001) ay natuklasan niyang ang mga
kamalian sa morpolohiya ng kaniyang mga respondenteng mga kadete ay
nanguna sa ranggo ang pagbabanghay, pangalawa ang pananda at
pangatlo ang gamit ng pokus.
Hindi man pareho sa ranggo ang resulta ng pananaliksik na ito,
hindi naman nalalayo sa naging resulta ng mga nabanggit na pag-aaral.

Kamalian sa Mekaniks

Sa pananaliksik na ito ay isinamang sinuri ang mekaniks sa


pagsulat. Matutunghayan ang tala ukol dito sa talahanayan 5. Dito ay
makikita ang kamalian ng mga kadete sa pagbabaybay at maling
paggamit at paglalaktaw ng mga bantas. Sa kabuuang bilang ng
kamalian ng mga kadete sa pagsulat na 2615 ay 267 (10.21%) lamang
ang naitala sa mekaniks. Sa maling pagbabaybay ay may naitalang bilang
na 83 (31.09%) at sa pagbabantas naman ay 184 (68.91%). Sa
pagbabantas ay may naitalang 85 (46.20%) na maling gamit at 99
(53.80%) naman sa pagkakalatas o paglalaktaw.
Ilan sa mga kamalian sa mekaniks ay ang sumusunod:

87
Talahanayan 5. Kamalian ng mga kadete sa mekaniks
Kamalian

Bilang Bahagdan
Ranggo
___________________________________________________________

1.

Pagbabaybay

83
31.09
2

2.

Pagbabantas
184
68.91
1

a. Maling Gamit

85
(46.20)

b. Pagkakaltas

99
(53.80)
__________________________________________________________
Kabuuan

267 100.00

Maling Baybay:
Hindi ko masisise ang ilan sa aking mga mista kung
naiisip na nilang umorong.
Pagwawasto:
Hindi ko masisisi ang ilan sa aking mga mista kung
naiisip na nilang umurong.
Maling Baybay:
Hindi ko lubus maisip ang ginawa kung disisyon.
Pagwawasto:
Hindi ko lubos maisip ang ginawa kong desisyon.
Pagbabantas
Maling Gamit:
Simula ngayon ng pagpapatupad ng bagong
patakaran ng PMA. Na sa hapon ay "study period".
Pagwawasto: Simula
ngayon ng pagpapatupad ng bagong
patakaran ng PMA na sa hapon ay "study period".
Maling Gamit:
Sa tingin ko ay ikagaganda naman para sa kadete
para magkaroon ng sapat na panahon sa pag-aaral.

88
Pagwawasto:
Sa tingin ko ay ikagaganda naman para sa kadete
para magkaroon ng sapat na panahon sa pag-aaral.
Pagkakaltas: Pinanood
namin ang "Buhay Kadete" ipinakita dito
ang magiging buhay namin bilang kadete.
Pagwawasto:
Pinanood namin ang "Buhay Kadete". Ipinakita dito
ang magiging buhay namin bilang kadete.
Pagkakaltas:
Asar din ako sa araw na ito dahil pinagbawalan na
kaming pumunta sa Post Commissary doon na nga
lang kami nakakakain at nakakausap ang mga mahal
sa buhay Sige dito na lamang ang maisusulat ko
__inaantok na talaga ako.
Pagwawasto:
Asar din ako sa araw na ito dahil pinabawalan na
kaming pumunta sa Post Commissary. Doon na nga
lang kami nakakakain at nakakausap ang mga mahal
sa buhay. Sige dito na lamang ang maisusulat ko.
Inaantok na talaga ako.
Ang parehong kamalian sa mekaniks ay natuklasan din ng mga
naunang pag-aaral ukol sa pagsusuri sa kamalian.
Sinabi ni Abarca (1985) sa kanyang “Errors in the Formal Themes
of the First Year Secondary Trade School Students of the Isabela School
of Arts and Trades” na malala ang kamalian sa pagbabaybay dahil sa

89
impluwensya ng diyalektong ginagamit sa pakikipagtalastasan, hindi lang
kamalian sa kayarian ng pangungusap, kamalian sa gramatika kundi
maging paggamit ng tamang bantas.
Natuklasan ni Montera (1989) sa kanyang pananaliksik na ”The
Common Errors in Formal Theme Writing in English, Cantella Carrascal
District, Division of Surigao Del Sur” na malala ang kamalian sa paggamit
ng panghalip, pagdadaglat at wastong gamit ng mga salita sa pagbuo ng
komposisyon.
Sa pag-aaral ni Lubrica (1978) natuklasan niyang ang mga
kamalian sa pagsulat ng mga mag-aaral ay sa pagsasangkap,
pagbabaybay, wastong gamit ng mga salita, wastong anyo ng pandiwa at
sa pag-aaangkop (na, ng, g).
Para kay Streven (1978), ang pagkakaroon ng kamalian ay normal
at di-maiiwasang aspeto ng pagkatuto. Para sa kanya ang kamalian ay
dapat tingnan bilang patunay na may nagaganap na pagkatuto at hindi
isang pagkukulang sa panig ng mga mag-aaral. Kailangang matutunang
tanggapin ng mga guro na ang kamalian sa paggamit ng pangalawang
wika ay natural at likas sa pagkatututo ng wikang ito.
Iminungkahi ni Lange (1977) na gawin ang pagwawasto ng
kamalian paminsan-minsan. Gawin lamang ito sa pagkakataong bibigyan
na ng ulat ang mag-aaral gaano na kalawak ang natutunan at gaano pa

90
kadami ang dapat matutunan. Gayundin, hindi makabubuting hahayaan
na lamang ang mga kamaliang ito dahil kung hindi ito maiwawasto ay
mananatiling kamalian ito sa paggamit ng pangalawang wika.

Ipinapahayag sa bahaging ito na kailangang ingatan ng mga


kadete ang kanilang pagbabaybay at pagbabantas upang maiwasang ang
ganitong kamalian. Bagamat maituturing na maliit na bagay ito subalit
nananatili pa ring kamalian ang mga ito sa pagsulat kung hindi maiwasto.

Lagom ng Kamalian
Sa Talahanayan 6 ay makikita ang lagom ng pagkakamaling
nagawa ng mga kadete sa pagsulat ng kanilang talaarawan. Mauunawan
sa talahanayan na may apat na uri ng kamalian na sinuri sa pag-aaral na
ito. Ito ay ang kamalian sa morpolohiya, kamalian sa leksikon, kamalian
sa sintaks at kamalian sa mekaniks. Ang kabuuang bilang ng naitalang
kamalian ay 2615. Nanguna sa dami ng kamalian ang kamalian sa
leksikon na may kabuuang bilang na 1117 ( 42.72%). Sumunod sa dami
ang kamalian sa sintaks na ma'y kabuuang bilang na 723 (27.64%).
Pangatlo sa ranggo ng kamalian sa pagsulat ng mga kadete ay ang
morpolohiya na may kabuuang bilang na 508 (19.43%). Panghuli sa
ranggo ng kamalian ay ang kamalian sa mekaniks na may kabuuang
bilang ng kamalian na 267 (10.21%). Ang mga nakapaloob sa panaklong
ay bahagdan ng mga kamalian sa kabuuang bilang ng lahat ng kamalian.

91
Talahanayan 6. Lagom ng mga kamalian sa pagsulat ng talaarawan

Kamalian
Bilang
Bahagdan
Ranggo
___________________________________________________________

1. Morpolohiya

508
19.43

2. Leksikon
1117
42.72

3. Sintaks
723
27.64

4. Mekaniks

267
10.21

4
___________________________________________________________

Kabuuan
2615
100.00

Ang kinalabasan ng pananaliksik na ito ay sumasang-ayon sa


binanggit ni Hendrickson (1980) na ang karaniwang kamalian sa
pagsusuri ng kamalian sa gramatika ay nangunguna ang kamalian sa
leksikon, pangalawa ang kamalian sa sintaks at pangatlo ang kamalian sa
morpolohiya. Ganoon din ang kinalabasan ng pag-aaral ni Palazo (2003).
Una sa ranggo ang kamalian sa leksikon, pangalawa sa ranggo ang
kamalian sa sintaks at pangatlo sa ranggo ang kamalian sa morpolohiya.
Maging ang resulta ng pag-aaral ni Epistola (2001) ay nanguna rin ang
kamalian sa leksikon, sumunod ang kamalian sa sintaks at panghuli ang
kamalian sa morpolohiya. Sa isinagawang pag-aaral ni Tibagacay (2001)
ay may kaibahan lang sa una at pangalawang ranggo dahil nanguna sa
pag-aaral niya ang kamalian sa sintaks, sumunod ang kamalian sa
leksikon. Subalit kagaya rin ng resulta ng pagnanaliksik na ito at mga

92
pag-aaral nina Palazo (2003), Hamada (2001) at Epistola (2001) ay
pangatlo sa ranggo ang kamalian sa morpolohiya. Batay sa mga
nabanggit na resulta ng pag-aaral ng kamalian mahihinuhang pare-pareho
ang kamaliang nagagawa ng mga mag-aaral sa paggamit ng isang
pangalawang wika.

Ang Pinagmulan ng mga Kamaliang Nagawa


ng mga Kadete sa Pagsulat ng Talaarawan

Ang bahaging ito ay tumutugon sa pangatlong layunin ng pag-aaral


na ito na masuri ang pinagmulan ng kamalian ng mga kadete sa pagsulat
ng talaarawan. Layunin ng pag-aaral na ito na maipakita ang mga
kamaliang nagagawa sa pagsulat dulot ng mga intralingual na pinagmulan
ng kamalian. Ang intralingual na pinagmulan ng kamalian ni Richards
(1974) ang ginamit na modelo sa pag-aaral na ito. Ito ay ang labis na
paglalahat, kasalatan sa kaalaman sa tuntunin, di lubos na paggamit ng
tuntunin at kamalian sa pagpapakahulugan na saklaw ang paghihinuha ng
maling konsepto. Naging batayan ang pag-aaral ni Tibagacay (2001) sa
bahaging ito.

Makikita sa talahanayan 7 ang lagom ng naitalang pinagmulan ng


kamalian ng mga kadete. Makikita dito na nanguna sa pinagmulan ng
kamalian ang labis na paglalahat na umabot ng bilang na 875 (47.22%).
Pangalawa ang kasalatan sa kaalaman ng tuntunin na may 382 (20.62%).

93
Talahanayan 7. Pinagmulan ng mga kamalian sa pagsulat ng talaarawan

Pinagmulan ng Kamalian

Bilang Bahagdan Ranggo


___________________________________________________________

1. Labis na Paglalahat

875
47.22
1

2. Kasalatan ng Kaalaman sa Tuntunin 382


20.62
2

3. Di Lubos na Paggamit sa Tuntunin 324


17.48 3

4. Paghihinuha ng Maling Konsepto


272
14.68 4

___________________________________________________________

Kabuuan

1853 100.00

Pangatlo ang di lubos na paggamit ng tuntunin na may naitalang 324


(17.48%) at panghuli ang paghihinuha ng maling konsepto na umabot ng
bilang na 272 (14.68%).
Labis na Paglalahat.
Nanguna sa dami ng pinagmulan ng kamalian
ang labis na paglalahat. May naitalang 875 (47.22%) na kamaliang dulot
ng labis na paglalahat.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng mga pahayag na ito.
Maling pahayag:
Nagsitakbo na si Cdt Hiblawan at Cdt Martinez.
Pagwawasto:
Nagsitakbo na sina Cdt Hiblawan at Cdt Martinez.
Maling pahayag:
Mabibilis ang pagtakbo ng manlalaro ng bawat
koponan.
Pagwawasto: Mabibilis
ang pagtakbo ng mga manlalaro ng bawat
koponan.

94
Maling pahayag:
Pinagsesesehan ko ang aking nagawang desesyon.
Pagwawasto: Pinagsisisihan
ko ang aking nagawang desisyon.
Maling pahayag:
Lagi nalang ako ang tinatawag ng aking upperclass.
Pagwawasto:
Lagi na lang ako ang tinatawag ng aking upperclass.
Ang labis na paglalahat ang pinakamaraming bilang ng pinagmulan
ng kamalian dahil sinisikap ng mga mag-aaral na gawing simple ang
wikang kanilang pinag-aaaralan. Dahil dito, ang mga pahayag na
nabubuo ay taliwas sa istruktura ng wikang pinag-aaralan o pangalawang
wika. Halimbawa dito ay ang maling gamit ng mga pananda, kamalian sa
mekaniks (pagbabaybay), kamalian sa pakakaayos ng mga salita na
nakita sa mga halimbawang naitala.
Kasalatan ng Kaalaman sa Tuntunin. Pangalawa ito sa malimit na
pagmulan ng kamalian ng mga kadete sa pagsulat. May naitalang 382
(20.62%) kamaliang dulot nito. Sa bahaging ito ay nagkakamali ang nag-
aaral ng wika dahil sa hindi ganap na batid ang tuntunin sa pinag-aaralang
wika. Ang mga halimbawa nito'y ang maling paggamit ng mga pang-ukol,
pangatnig, pantukoy at lalo na ng pang-angkop.
Ang sumusunod ay ilan sa mga halimbawa ng mga pahayag na
may kamalian dulot ng kasalatan ng kaalaman sa tuntunin.
Maling pahayag:
Malayu na malayo ang aming tinakbo nuong Sabado.
Pagwawasto:
Malayung malayo ang aming tinakbo nuong Sabado.

95
Maling pahayag:
Inalis nila Cdt Lobo at Cdt Lila ang kanilang kapote.
Pagwawasto:
Inalis nina Cdt Lobo at Cdt Lila ang kanilang kapote.
Maling pahayag:
Ang leksyon namin sa History ay para sa kultura.
Pagwawasto:
Ang leksyon namin sa History ay ukol sa kultura.
Maling pahayag:
Inaantok ako talaga at hindi ko lubos na naintindihan
ang leksyon.
Pagwawasto:
Inaantok ako talaga kaya hindi ko lubos na

naintindihan ang leksyon.

Katulad ng nabanaggit, napansin ng mananaliksik na hindi batid ng


mga respondente kung anong angkop na pangatnig ang gagamitin sa
pangungusap kung ang sumusunod na pahayag ay pasubali o dagdag na
kaisipan o iba pang kauri nito. Maging sa paggamit ng pang-angkop ay
nagkakamali dahil hindi batid kung kailan gagamitin ang pang-angkop na
"ng" o "g" kaya't ang pang-angkop na "na" ang kadalasang ginagamit.
Ganoon din sa pang-ukol ay nagkakakaroon ng kamalian dahil sa
kasalatan ng kabatiran kung ano ang dapat gamitin sa pangungusap.
Halimbawa ay pinagpapalit ang "para sa", "ukol sa", dahil sa". Maging
ang pantukoy na "nina" at "nila", "si" at "sina" ay pinapagpapalit ng gamit
sa pangungusap dahil hindi alam kung ano ang angkop na gamitin.
Di Lubos na Paggamit ng Tuntunin.
Pangatlo ito sa ranggo na
umabot sa bilang na 324 (17.49 %) lamang. Dito ay hindi ganap na

96
naisasagawa o nailalapat ang mga tuntuning pangwika kaya nagkakaroon
ng kamalian sa paggamit ng pangalawang wika. Halimbawa nito'y mga
kamalian sa morpolohiya katulad ng maling pagbabanghay, maling gamit
ng pokus, at maling paglalapi.
Makikita sa mga halimbawang naitala ang kamaliang dulot ng di
lubos na paggamit ng tuntunin.
Maling pahayag:
Nakakapagod ang araw na ito dahil maraming
aktibidades ang ginaganap.
Pagwawasto:
Nakakapagod ang araw na ito dahil maraming
aktibidades ang ginanap.
Maling pahayag:
Ika nga nila " pagsimulan mo nang tama, magtatapos
nang tama".
Pagwawasto:
Ika nga nila " kapag sinimulan mo nang tama,
magtatapos nang tama".
Maling pahayag:
Kinagalitan ng squad leader namin kami dahil hindi
kami tumupad sa usapan.
Pagwawasto: Pinagalitan kami ng aming squad leader dahil hindi
kami tumupad sa usapan.
Maling pahayag:
Sana sa susunod ay makakuha ako ng mataas na
marka para mapasama sa mga umaakyat sa
entablado at sabitan ng pin.

97
Pagwawasto:
Sana sa susunod ay makakuha ako ng mataas na
marka para mapasama sa mga aakyat sa entablado
na sasabitan ng pin.

Mahihinuha natin mula sa mga halimbawang nailahad na hindi


ginagamit ng mga kadete ang tuntunin sa panahunan ng pandiwa kaya't
nagkakamali sila sa pagbabanghay. Maging sa kung ano ang pokus ng
pandiwa at maging sa wastong paglalapi ay hindi rin nila binibigyan ng
pansin kaya't nagkakaroon ng kamalian tulad ng mga nabanggit.
Paghihinuha ng Maling Konsepto. Panghuli ito sa apat na pinagmulan
ng kamalian. May naitalang bilang na 272 (14.68%) kamalian dahil sa
paghihinuha ng maling konsepto. Ito'y kamalian dulot ng maling
pagkaunawa sa tuntunin ng wika. Kabilang sa mga halimbawa dito ay
ang mga paglalaktaw ng panandang "ay" at maging ng iba pang
sinasadyang paglalaktaw.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kamalian dulot nito.


Maling pahayag:
Magigising ako ng maaga bukas upang tapusin ang
takdang-aralin.
Pagwawasto: Magigising
ako
nang maaga bukas upang tapusin ang
takdang-aralin.
Maling pahayag:
Ganyan pala ang maging kadete ng PMA.
Pagwawasto: Ganito pala ang maging kadete ng PMA.

98
Maling pahayag:
Kung minsan ^ hindi talaga maiiwasan ang mawalan
ng pag-asa.
Pagwawasto:
Kung minsan ay hindi talaga maiiwasan ang mawalan
ng pag-asa.
Maling pahayag:
Salamat at araw na ng linggo, araw na ng pagsamba.
Pagwawasto:
Salamat at araw na ng Linggo,araw na ng pagsamba.
Napansin ng mananaliksik na marami sa mga respondente ang
hindi batid ang gamit "ng" at "nang". Malaya nila itong pinagpapalit dahil
para sa kanila ay pareho ang kahulugan ng dalawang katagang ito.
Maging ang "Linggo" na uanang araw at ang "linggo" na tumutukoy sa
kanuuan ng pitong araw ay pareho lamang sa mga respondente. Ang
"ay" ay lagi ring nalalaktawan sa mga pahayag ng mga kadete. Sa
bahaging ito, ipinaliwanag ni Palazo (2003) na ito'y dahil sanay tayo sa
karaniwang ayos g pangungusap na walang "ay". Maaaring maliit na
bagay ito sa paningin ng ilan, subalit maituturing pa rin itong kamalian na
dapat iwasto upang hindi manatiling kamalian.

Ang naitalang kabuuang bilang ng kamalian ng mga kadete sa


pagsulat ay 2,615. Sa kabuuang bilang na nabanggit, nasuri ng
mananaliksik na 1853 sa mga kamaliang ito ay dulot ng mga intralingual
na pinagmulan ng kamalian. Ito ay 70.86% ng kamalian ay dulot ng
intralingual na pinagmulan ng kamalian. Ang nalalabing 29.14% ay dulot

99
ng iba pang pagmulan ng kamalian liban sa intralingual.
May tatlong pangunahing kategorya ng pinagmulan ng kamalian ng
wika ayon kay James (1988). Ang mga ito ay ang “interlingual”,
“intralingual” at “induced errors”. Ipinaliwanag niyang ang intralingual na
pinagmulan ng kamalian ay hinati niya sa dalawang kategorya: ang mga
pagkakamali habang pinag-aaralan ang wika (learning strategy-based
errors) at mga pagkakamali sa komunikasyon (communication strategy-
based errors). Sa learning strategy-based errors kasama ang maling
paghahambing, maling pagsusuri, hindi ganap na pagsunod ng tuntunin,
pag-uulit, hindi pagpansin sa mga limitasyon ng tuntunin, labis na
pagwawasto at labis na paghihinuha. Ang communication strategy-based
errors naman ay sumasaklaw sa mga kamalian sa pangkalahatang
istratehiya (holistic strategy), pagtataya, kamalian sa analitik na istratehiya
at maligoy na pagpapahayag.
Sa “interlingual”naman ay ipinaliwanag niyang nagkakaroon ng
pagkabalam sa pag-aaral kapag ang isang aytem o istruktura ng
pangalawang wika ay may pagkakaiba at pagkakahawig sa aytem o
istruktura ng unang wika ng mag-aaral. Dahil dito, nagkakaroon ng
pagkalito ang mag-aaral.

Sa “Induced Errors” ang mga pagkakamali ay bunga ng mga iba


pang salik na hindi kasama sa nabanggit na dalawa katulad ng klasrum.

100
Kasama sa uring ito ang mga pagkakamaling dulot ng mga kagamitan
(material induced errors), mga pagsasanay (exercise-based errors),
pananalita ng guro (teacher-talk induced errors), pamamaraan ng
pagtuturo (errors enduced by pedagogical priorities) at iba pang maaaring
sanhi ng pagkakamali na wala sa nabanggit (look-up errors).

Kung pagbabatayan lamang ang mga nabanggit ni James (1988)


na pinagmulan ng kamalian, at batay sa nasuri ng mananaliksik na
70.86% ng mga kamalian ay sanhi ng intralingual na pinagmumulan ng
kamalian, ang 24.19% ay dulot ng interlingual at induced errors na
pinagmulan ng kamalian.

Epekto ng mga Salik sa mga Kamaliang Nagawa


ng mga Kadete sa Pagsulat ng Talaarawan.

Ang pangatlong layunin ng pananaliksik na ito ay upang masuri ang


epekto ng mga sumusunod na salik sa kinalabasan ng pananaliksik na ito
ukol sa kamaliang nagawa ng mga kadete sa pagsulat ng talaarawan:
a. kasarian
b. unang wika
c. paaralang pinagtapusan ng hayskul
d. antas ng edukasyon bago pumasok sa PMA
Epekto ng Kasarian sa Kamaliang sa Pagsulat. Sa Talahanayan 8 ay
makikita ang buod ng resulta ng kamalian ng mga kadeteng babae at

101
Talahanayan 8. Epekto ng kasarian sa kamalian sa pagsulat

Kamalian
Babae Ranggo Lalaki Ranggo

1. Morpolohiya
6
3

14
4

2. Leksikon 12
1

80
1

3. Sintaks 8
2
29
3

4. Mekaniks
4
4

45
2
___________________________________________________________
Kabuuang Bilang 30

168
Total: 198

X2 c=6.77
ns-not significant
X2 c0.05 = 7.815
df = 3
at kadeteng lalaki. Sa mga babae, nanguna ang kamalian sa leksikon,
pangalawa ang kamalian sa sintaks, pangatlo ang kamalian sa
morpolohiya at pang-apat ang kamalian sa mekaniks. Sa mga kalalakihan
naman ay pareho ring nanguna sa ranggo ang kamalian sa leksikon,
pangalawa ang kamalian sa mekaniks, pangatlo ang kamalian sa sintaks
at pang-apat naman ang kamalian sa morpolohiya.
Sa kabuuan ay makikita na ang computed value na 6.77 ay mas
mababa kaysa sa tabular value na 7.815 sa .05 level of significance at sa
degrees of freedom na 3. Ito ay nangangahulugang hindi tinatanggap ang
haypotesis na may epekto ang kasarian sa kamalian ng mga kadete sa
pagsulat ng kanilang talaarawan. Kung ganoon walang epekto ang
kasarian sa kamalian ng mga kadete sa pagsulat ng kanilang talaarawan.
Sumasang-ayon ang resulta ng pananaliksik na ito sa naging

102
resulta ng pag-aaral ni Palazo (2003) na walang epekto ang kasarian sa
kamalian ng kanyang mga respondente. Maging sa pag-aaral ni Lunes
(1999) ay lumalabas din na walang epekto ang kasarian sa mga kamalian
ng mga respondente. Taliwas naman sa natuklasan nina Lopez (1987) at
Milan (1991) na binanggit ni Palazo (2001) na may epekto ang kasarian
sa kamalian ng mga mag-aaral.
Epekto ng Unang Wika sa Kamalian sa Pagsulat. Ang
pangalawang
salik sa pananaliksik na ito ay ang unang wika ng mga kadete. Sa salik
na ito ay isinama ng mananaliksik ang walong pangunahing wika sa
Pilipinas yamag ang mga respondente ay nanggaling sa buong kapuluang
Pilipinas. Ang iba pang wikain liban sa walong wika ay pinag- isa sa
pangkat ng "iba pa".
Makikita sa talahanayan 9 ang buod ng isinagawang pagsusuri ukol
sa epekto ng unang wika sa kamalian ng mga kadete sa pagsulat ng
kanilang talaarawan. Ang anim na kadete na nasasalita ng wikang Bicol
ay naitalang nanguna sa pagkakamali sa leksikon at mekaniks. Ang
limang respondente ay sa leksikon nagkaroon ng madalas na
pagkakamali at mayroon lamang isang nanguna sa kamalian sa
mekaniks. Ang 44 na mga kadete naman na nagsasalita ng Bisaya ay sa
leksikon din ang nangunang kamalian nila. Sumunod ang sintaks,
pangatlo ang morpolohiya at pang-apat din ang kamalian sa mekaniks.

103
Talahanayan 9. Epekto ng unang wika sa kamalian sa pagsulat

Kamalian
Bicol Bisaya Hiligaynon Ilocano Pampangueno

Morpolohiya 0 5(11.36%) 5(38.46%) 3(07.69%) 0


Leksikon
5(83.33%) 27(61.36%) 6(46.15%) 20(51.28%) 1(50.00%)

Sintaks
1(16.67%) 8(18.18%) 2(15.38%) 9(23.08%) 1(50.00%)

Mekaniks
0 4(09.09%) 0
7(17.95%) 0
___________________________________________________________
Kabuuan
6
44
13 39 2

Kamalian
Pangasinensi
Tagalog
Waray
Iba pa

Morpolohiya 0
7(10.61%) 2(40.00%) 6(28.57%)

Leksikon
1(50.00%) 26(39.39%) 3(60.00% 11(52.38%)

Sintaks
1(50.00%) 20(30.30%) 0

4 (19.05%)

Mekaniks
0
13(19.70%) 0

Kabuuan
2
66

5
21

X2c 0.05 = 36.415


ns- not significant X2c=35.72
df
24

Ang labintatlong kadeteng ang unang wika ay Hiligaynon ay nagkaroon ng


kamalian una, sa leksikon, pangalawa sa morpolohiya at pangatlo sa
sintaks. Ang mga kadeteng Ilokano na pangatlo sa dami ng bilang ng
respondente ay nanguna rin sa kanilang ranggo ang kamalian sa
leksikon, pangalawa sa sintaks, pangatlo sa mekaniks at pinakakaunti ang
sa morpolohiya. Ang tigdadalawang Pampangueno at Pangasinensi ay

104
nasuri ng mananaliksik na parehong nagkaroon ng kamalian sa leksikon
at sa sintaks lamang. Ang Tagalog na may pinakamaraming bilang na 66
na kadete ay sa leksikon ang pinakamaraming kamalian, sumunod ang
sintaks na hindi nalalayo ang bilang sa kamalian sa leksikon, pangatlo ang
mekaniks at pang-apat lamang ang morpolohiya. Ang limang Waray ay
nagkaroon naman ng kamalian sa leksikon at sa sintaks lamang. Ang
panghuling pangkat ng mga kadete na may 21 na kabuuang bilang ay ang
pinagsamasamang wika at nanguna ang kanilang kamalian sa leksikon,
pumangalawa ang morpolohiya, pangatlo ang sintaks. Walang naitalang
nanguna sa kamalian sa mekaniks sa pangkat ng mga kadeteng ito.
Kung ang kamalian naman ang pag-uusapan, sa morpolohiya ay
nanguna sa kamalian ang Waray na may 40.0%, pumangalawa ang
Hiligaynon na may 38.46% at pangatlo ang pangkat ng pinagsama-
samang wika na may 28.57% sa kabuuang bilang ng kamalian sa
morpolohiya. Sa leksikon naman ay pinangunahan ng mga Bicol na
umabot sa 83.33%, sumunod ang Bisaya na may 61.36% at pangatlo ang
Waray na may 60.0% sa kabuuang bilang ng kamalian sa leksikon. Sa
sintaks ay Tagalog ang nanguna sa dami ng kamalian na umabot ng
30.30%, sumunod ang Ilocano na may 23.08% at pangatlo ang
pinagsama-samang wika na umabot ng 19.05% sa kabuuang bilang ng
kamalian sa sintaks. Sa bahaging mekaniks ay nanguna ang Tagalog na
105
may 19.7%, sumunod ang Ilocano na mayroon ding 17.95% at pangatlo
ang Bisaya na may 9.09% sa kabuuang bilang ng kamalian sa mekaniks.
Mapapansing hindi na isinama sa ranggo ang Pampanggueno at
Pangasinensi dahil tigdadalawa lang mga ito kaya ang isa ay 50.0% na.
Sa kabuuan, batay sa istatistikang pagsusuri ng epekto ng unang
wika sa mga kamalian ng mga kadete sa pagsulat ng talaarawan, ang
computed value ng mga kamalian ng mga kadete kaugnay ng kanilang
unang wika ay X2c 35.72. Ang tabular value naman nito ay sa 24 degrees
of freedom ay X2c0.05 36.415. Mapapansing mas mababa ang computed
value X2c 35.72 kaysa sa tabular value X2c0.05 36.415 kaya't hindi
tinatanggap ang haypotesis na may epekto ang unang wika sa kamaliang
nagawa ng mga kadete sa pagsulat ng talaarawan. Nangangahulugang
walang epekto ang unang wika ng mga kadete sa kamaliang nagawa nila
sa pagsulat ng kanilang talaarawan.
Ang resulta ng pag-aaral na ito na walang epekto ng ang unang
wika sa kamalian sa wika ay hindi umaayon sa tinuran nina Santiago
(1985) at Tacorda (1989).
Sa “Linggwistika at Panitikan” ni Santiago (1985) ang uri ng wika ay
nakaaapekto sa pagkakaiba ng mga mag-aaral lalo na sa pagkatuto,
gayundin ang lahing kinabibilangan ay maituturing na salik ng pagkakaiba-
iba dahil ang bawat wika ay may sariling istruktura.

106
Sa pag-aaral ni Tacorda (1989) “Mga Karaniwang Kamalian sa
Kathang Pagsulat ng mga Piling Mag-aaral sa Filipino 1 sa Pamahalaang
Kolehiyo ng Catanduanes”, natagpuan niyang ang wika o dayalekto ay
hadlang sa mahusay na pagsulat. Malaki ang impluwensiya ng unang
wika sa maraming kamalian sa pagsulat.

Gayunpaman, umaayon naman ito sa resulta ng pag-aaral na


isinagawa nina Palazo (2003), Tibagacay (2001) at Lubrica (1986) na ang
unang wika ng mga respondente ay walang epekto sa kamaliang
nagagagawa sa pagsulat.
Hindi lahat ng kamalian sa wika ay maiiugnay sa unang wika dahil
mayroon pang ibang pinagmulan ng kamalian maliban sa unang wika.

Mula pa rin sa aklat ni Abisamra (2003), nagpahayag si James


(1998) ng tatlong pangunahing kategorya ng pinagmumulan ng kamalian
ng wika. Ang mga ito ay ang “interlingual”, “intralingual” at “induced
errors”. Ang "intralingual at induced error" ay walang kinalaman sa unang
wika ng mag-aaral ng pangalawang wika.

May pag-uuri rin si Brown (1987) sa mga pinagmulan ng kamalian.


Ito ang transfer of interlanguage o impluwensya ng unang wika,
interlingual transfer o impluwensya ng pinag-aaralang wika, at konteksto
ng pag-aaral na nangangahulugang lugar at iba pang salik tulad ng tulad
silid-aralan at ang presensya ng guro.

107

Sa mga kadeteng naging respondente ng pananaliksik na ito,


maaaring ang konteksto o kaya ang lipunang ginagalawan ng mga kadete
ang higit na nakaapekto sa kanilang kamalian. Lalo na at sa kanilang
pangkat ay may tinatawag silang cadet lingo na tunay ngang
pinakagamitin sa kanilang lipunan at maging sa kanilang
pakikipagtalastasan sa mga hindi kadete ay nadadala nila. Maging sa
mga pormal na uri ng pakikipagtalastasan, pasulat man o pasalita ay
hindi nila maiiiwasang gamitin ang kanilang sariling cadet lingo.
Epekto ng Paaralang Pinagtapusan ng Hayskul. Ang paaralang
pinagtapusan ng hayskul ay isa rin sa salik ng pag-aaral na ito.
Mapapansin sa talahanayan 10 ang buod ng ginawang istatistikang
pagsusuri ukol sa epekto ng paaralang pinagtapusan ng mga kadete sa
kamalian sa pagsulat. Sa nasabing talahanayan ay makikita na sa 75 na
mag-aaral na nagtapos sa hayskul mula sa pribadong paaralan ay
pinakamadalas magkaroon ng kamalian sa leksikon ang 48.0% sa mga
ito. Pumangalawa sa nagagawa nilang kamalian ay sa sintaks at
mekaniks na parehong tig - 20.0%. Pinakaunti naman ang bilang ng
nagkaroon ng kamalian sa morpolohiya na 12.0%. Mapapansing pareho
rin ang kinalabasan sa mga kadeteng nagtapos sa publikong paaralan.
Pinakamataas sa bahagdan ng kamalian ay sa leksikon na may 55.28%.
Sumunod ang kamalian sa sintaks na may 18.70%. Pangatlo ang sa

108
Talahanayan 10. Epekto ng paaralang pinagtapusan sa kamalian sa
pagsulat ng talaarawan
Kamalian
Pribadong % Ranggo Publikong % Ranggo

Paaralan

Paaralan

Morpolohiya
9 12.0 4 19
15.45
3

Leksikon
36 48.0 1

68 55.28
1

Sintaks
15
20.0 2.5
23
18.70
2

Mekaniks
15
20.0 2.5
13
10.57
4
___________________________________________________________
Kabuuan
75

123

=198
X2 c=3.84 ns-not significant
X2 c0.05=7.815
df=3

mekaniks na may 10.57% at pang-apat ang kamalian sa morpolohiya na


5.45% lamang. Mapapansin din natin na bagamat pareho ang
kadalasang nagagawang kamalian ng mga kadete, makikita natin sa
talahanayan na sa panig ng morpolohiya mas malaki ang bahagdan ng
mga kamalian ng mga nagtapos sa pribado (12.0%) kumpara sa mga
nagtapos sa publikong paaralan (5.45%). Sa kamaliang leksikon, mas
marami namang nakagagawa ng kamalian sa kadeteng nagtapos sa
publikong paaralan (55.28%) kaysa sa nagtapos sa pribadong paaralan
(48.0%). Sa kamalian sa sintaks, mas maraming kamalian ang nagagawa
ng mga nagtapos sa pribadong paaralan (20.0%) kaysa sa mga nagtapos
sa publikong paaralan (18.70%). At sa mekaniks naman, mas marami
ang kamalian ng mga nagtapos sa pribadong paaralan (20.0%) kaysa sa

109
mga nagtapos sa publikong paaralan (10.57%).
Sa pagsusuring istatistika sa epekto ng uri ng paaralang
pinagtapusan ng kadete ng hayskul sa kamaliang nagagawa sa pagsulat
ay mapapansing mas mababa ang computed value kaysa sa tabular
value. Ang computed value ay X2 3.84 samantalang ang tabular value ay
X2c0.05 7.815. Dahil dito, hindi tinatanggap ang haypotesis na may epekto
ang uri ng paaralang pinagtapusan ng hayskul ng mga kadete. Batay sa
resulta ng pananaliksik na ito, ang paaralang pinagtapusan ng mga
kadete ay hindi nakakaapekto sa kamaliang nagawa sa pagsulat ng nila
ng kanilang talaarawan.

Ang resulta ng pananaliksik na ito ay umaayon sa mga


binabanggit ng mga sumusunod na pag-aaral.
Sa pag-aaral ni Antonio (2000) sa kanyang “Pagsusuri ng
Komposisyon ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng Mataas na Paaralang
Pambansa ng Tabuk, Saint Louis College of Bulanao” ay natuklasan
niyang walang makabuluhang kaugnayan ang antas ng pagganap ng mga
mag-aaral sa pagsulat pribado man o publikong paaralan ang
pinagtapusan.
Si Hamada (2001) naman ay napag-alaman niya sa kanyang pag-
aaral na ang uri ng paaralang pinagtapusan ng mga kadete ay hindi
nakaapekto sa nagawa nilang kamalian sa pagsulat.

110
Natuklasan naman ni Bautista (1995) sa kanyang “Motivations and
English Proficiency Level of Student Teaching Training Institutions In
Cordillera Administrative Region” na hindi nakaapekto ang paaralang
pinagtapusan ng mga mag-aaral sa kanilang kamaliang morpolohikal,
subalit nakaapekto ito sa kanilang kamaliang sintaks.
Subalit sa pag-aaral ni Milan (1992) sa kanyang “Competence in
English Grammar of the First Year Students of the Mt. Province General
Comprehensive High School” ang uri ng paaralang pinagtapusan ng mga
mag-aaral ay nakaapekto sa antas ng kanilang kakayahan sa mga
asignatura. Sa pag-aaral niya ay mas mataas ang antas ng kakayahan ng
mga mag-aaral na nagtapos sa pribadong paaralan kaysa sa mga
mag-aaral na nagtapos sa publikong paaralan.
Ganoon din, iniulat ni Corpuz (1987) sa kanyang “A communication
Needs Profile of Pre-Service Teacher Education Students of the University
of Baguio” na ang paaralang pinagtapusan ng mga mag-aaral ay
nakaapekto sa kakayahang komunikatibo ng kanyang mga respondente.
Maging sa pag-aaral ni Lunes (1999) “Performance in Two-Word
Verbs of Freshman College Students of the University of Baguio” ay
naglahad na ang paaralang pinagtapusan ng kanyang mga respondente
ay may kaugnayan sa antas ng pagganap. Natuklasan niyang
pinakamataas ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral na nagtapos sa

111
paaralang pribadong non-sectarian sumunod ang pribadong sectarian at
pangatlo ang publikong paaralan.
Ipinahayag din ni Taguba (1987) sa kanyang “An Evaluation of the
Written Compositions of Fourth Year High School Students as Elicited
through Non-Verbal Stimuli” na ang mga mag-aaral na nagtapos sa
pribado at mga mag-aaral na nagtapos sa publiko ay magkaiba ng
pagpapahayag pangkomunikatibo sa kanilang pagsulat.
Epekto ng Antas ng Edukasyon sa Kamalian Pagsulat. Sa pananaliksik
na ito ay pang-apat ang salik na antas ng edukasyon ng mga kadete bago
pumasok sa PMA.

Sa talahanayan 11 ay makikita ang buod ng pagsusuri ukol sa


epekto ng antas ng edukasyon sa kamaliang nagawa ng mga kadete sa
pagsulat ng kamalian. Makikita dito na ang mga katatapos pa lamang ng
hayskul ay may malaking kamalian sa leksikon (58.82%). Pumangalawa
ang morpolohiya (29.41 %) at pareho ang ranggo ng sintaks at mekaniks
(5.88%) Sa mga nakaabot naman ng unang taon ng kolehyo, nanguna
ang kamalian sa leksikon (53.75%). Di na nagkakalayo sa bahagdan ang
morpolohiya (19.40%), mekaniks (14.92%) at sintaks (11.94%). Sa mga
nasa Ikalawang taon ng kolehyo, nanguna ang kamalian sa leksikon
(54.54%), sumunod ang sa mekaniks (23.64%) at pareho sa ranggo ang
kamalian sa morpolohiya at sintaks (10.9%). Sa mga nasa Ikatlong taon

112
Talahanayan 11 Epekto ng antas ng edukasyon sa kamalian sa pagsulat

Kamalian

Bilang ng mga Kadeteng Nakagawa ng Kamalian

Katatapos % Ranggo 1st Taon % Ranggo 2nd Taon % Ranggo


ng Hayskul
Kolehyo

Kolehyo

Morpolohiya 5 29.41 2 13 19.40 2 6 10.9 3.5


Leksikon
10 58.82 1 36 53.73 1 30 54.54 1
Sintaks
1 5.88 3.5 8 11.94 3 6 10.9 3.5
Mekaniks
1 5.88 3.5 10 14.92 4 13 23.64 2
___________________________________________________________
Kabuuan
17

67

55
Kamalian

Bilang ng mga Kadeteng Nakagawa ng Kamalian

3rd Taon % Ranggo 4th Taon % Ranggo 5th Taon % Ranggo

Kolehyo Kolehyo

Kolehyo

Morpolohiya 4 14.81 3 3 18.75 3 4 25.0 2


Leksikon
11 40.74 1 7 43.75 1 9 56.25 1
Sintaks
9 33.33 2 2 12.5 4 1 6.25 4
Mekaniks
3 11.11 4 4 25.0 2 2 12.5 3

Kabuuan
27
16

16
=198

X2c=21.96
ns- not significant X2c 0.05 = 24.996
df= 15
na ng kolehyo, nanguna uli ang leksikon (40.74%), pangalawa ang sintaks
(33.33%), pangatlo ang morpolohiya (14.81%) at panghuli ang mekaniks
(11.11%). Sa mga nasa ikaapat na taon na ng kolehyo, nanguna uli ang
leksikon (43.75%), pangalawa ang mekaniks (25.0%), pangatlo ang

113
morpolohiya (18.75%) at panghuli ang sintaks (12.5%). Sa nakapagtapos
na ng kurso sa kolehyo at mga nasa ikalimang taon na sa kolehyo,
nanguna pa rin ang leksikon (56.25%), pangalawa ang morpolohoya
(25.0%), pangatlo ang mekaniks (12.5%) at panghuli sa kanila ang sintaks
(6.25%). Kung papansinin kung sino ang may pinakamataas na
bahagdan ng madalas magkamali sa bawat uri ay sa morpolohiya,
pinakamataas ang mga katatapos lang ng hayskul (29.41%). Sumunod
ang nakatapos na ng kurso at yaong mga nasa ikalimang taon na
(25.0%). Sumunod ang nasa unang taon (19.40%). Pang-apat ang mga
nasa ikaapat na taon (18.75%). Panglima ang mga nasa ikatlong taon
(14.81%) at panghuli ang mga nasa ikalawang taon (10.9%). Sa kamalian
sa leksikon, halos pare-pareho lang ang lahat ng antas sa bahagdan ng
mga nagkamali sa kamaliang ito at napansing ito lahat ang naging
pinakamaraming bilang ng kamalian ng bawat antas. Nanguna dito ang
mga katatapos ng hayskul (58.82%), pangalawa ang nasa ikalimang taon
na ng kolehyo o mga nakatapos ng kurso (56.25%), pangatlo ang mga
nasa ikalawang taon (54.54%), pang-apat ang mga nasa unang taon
(53.73%), panglima ang mga nasa ikaapat na taon (43.75%) at panghuli
ang mga nasa ikatlong taon (40.74%). Sa sintaks, malaking bahagdan ng
mga kadeteng nakaabot na ng ikatlong taon sa kolehyo ang naitalang
nakagawa ng kamalian dito (33.33%). Samantala’y halos, parepareho na

114
rin ang bahagdan ng mga nasa ikaapat na taon (12.5%), unang taon
(11.94%) at pangalawang taon ng kolehyo (10.9%). Maliit na bahagdan
sa mga nakatapos ng kurso o mga nasa ikalimang taon na (6.25%) at
yaong mga katatapos ng hayskul (5.88%) ang nakagawa ng kamalian
dito. Sa mekaniks, yaong mga nasa ikaapat na taon naman ang may
malaking bilang ng kamalian dito (25.0%). Sumunod ang mga nasa
ikalawang taon (23.64%). Pangatlo sa bilang ng pinakamaraming
nakagawa ng kamalian sa bahaging ito ang mga nasa unang taon
(14.92%), pang-apat ang mga nasa ikalimang tao at mga nakatapos ng
kurso, panglima ang mga nasa ikatlong taon (12.5%) at panghuli sa dami
ang mga kadeteng katatapos pa lamang ng hayskul (5.88%).

Sa istatistikang pagsusuri sa mga datos, ang computed value ay


X2c=21.96 at ang tabular value naman ay X2c0.05= 24.996. Katulad ng iba
pang mga salik sa pag-aaral na ito, mas mababa pa rin ang computed
value kaysa tabular value kayat hindi tatanggapin ang haypotesis na may
epekto ang antas ng edukasyon sa kamaliang nagawa ng mga kadete sa
pagsulat ng talaarawan. Samakatuwid, sa pananaliksik na ito,
babanggiting walang epekto ang antas ng edukasyon sa kamaliang
nagawa ng mga kadete sa pagsulat ng talaarawan.
Umaayon ang resulta ng pananaliksik na ito sa mga sumusunod na
naunang pag-aaral o pananaliksik ukol sa kamalian:
115
Sa resulta ng pag-aaral ni Hamada (2001) ay naipakitang hindi
nakaapekto ang antas ng edukasyon ng mga kadete sa mga nagagawang
kamalian sa pagsulat. Binanggit niyang ang kadeteng katatapos lamang
ng hayskul at ang kadeteng nakatapos ng isang kurso sa kolehyo ay
parehong nagtataglay ng kakayahan sa paggamit ng wika.
Maging sa pag-aaral ni Dumpayan (2005) sa Performans sa
Pagbasa sa Tatlong Pampanitikang Genre ng Class 2006 sa Philippine
Military Academy” ay lumabas na hindi nakaapekto ang antas ng
edukasyon sa antas ng performans ng mga kadete sa pagsulat.
Ipinahayag ni Corder (1971) na ang mga nagagawang
pagkakamali o mga deviant utterances ay mahalaga sa kaalaman sa
pagtatamo ng wika. Ang mga kamalian sa wika ay hindi dapat ituring ng
isang mag-aaral, ng isang guro at ng isang mananaliksik na kahinaan ng
mag-aaral manapa’y ituring itong paraan ng pagkatuto. Ipinahayag din ito
ni Selinker (1972) na sinang-ayunan naman ni George (1972) na dapat
intindihin ng guro ang kamalian ng mga mag-aaral sa paggamit ng wika.
Ipinahayag din ni Strevens (1969) na naniniwalang ang mga
pagkakamaling nagagawa ng isang mag-aaral ng isang pangalawang
wika ay hindi dapat ituring na sagabal sa pagkatuto manapa ay ituring
itong normal at hindi maiiwasan. Ang mga kamaliang ito ay nagpapakita
hindi ng kabiguan ng pag-aaral kundi tagumpay sa proseso ng pag-aaral

116
ng isang wika.
Ganoon pa man, hindi naman makabubuting hahayaan na lamang
ang mga kamaliang ito kaya't nagkakaroon ng ganitong pag-aaral ukol sa
pagsusuri sa mga kamalian o error analysis (EA).
PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Paglalagom

Sa pag-aaral na ito ay sinuri ang mga talaarawan ng mga 4th Class


na kadete na Class 2010 ng Philippine Military Academy upang
mailarawan ang kanilang kakayahang panlinggwistika. Layunin ng pag-
aaral na ito na maisagawa ang mga sumusunod:
1. Masuri ang mga kamalian sa gramatika at mekaniks na
nagagawa ng mga kadete sa pagsulat ng talaarawan.
2. Masuri ang pinagmulan ng mga kamaliang nagagawa ng mga
kadete sa pagsulat ng talaarawan.
3. Masuri ang epekto ng mga sumusunod na salik sa kamalian ng
mga kadete sa pagsulat ng talaarawan:
a. kasarian
b. unang wika
c. paaralang pinagtapusan ng hayskul
d. antas ng edukasyon bago pumasok sa PMA
Sa pamamagitan ng mga ipinasulat na talaarawan ay sinuri ang
nagagawang kamalian sa pagsulat at inuri ang mga ito gamit ang modelo
ni Hendrickson (1980). Ang pag-uuri ay ayon sa kamalian sa
morpolohiya, leksikon at sintaks. Sa pag-uuring ito ay hinati sa maling
gamit at paglalaktaw. Idinagdag sa pag-uuri ang mekaniks na tumutukoy
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

118
naman sa pagbabaybay at pagbabantas. Sinuri rin ang pinagmulan ng
mga kamalian sa pagsulat gamit ang "intralingual" ni Richards (1974). Ito
ay ang labis na paglalahat, kasalatan ng kaalaman sa tuntunin, di lubos
na paggamit ng tuntunin at kamalian sa pagpapakahulugan na saklaw ang
paghihinuha ng maling konsepto. Ang mga kamaliang nagawa ay
iniugnay sa kanilang kasarian, unang wika, paararalang pinagtapusan ng
hayskul at antas ng edukasyon bago pumasok sa PMA.
Para sa istatistikang pagsusuri ng mga kamalian at pinagmulan ng
kamalian ay ginamit ang frequency counts, percent, mean at ranking. Sa
epekto ng mga salik sa mga nagawang kamalian ay ginamit ang Chi-
Square.
Sa ginawang pagsusuri sa mga datos ay natuklasan ang mga
sumusunod:
1. a. Sa kabuuang bilang ng kamalian na 2,615, pinakamarami ang
kamalian sa leksikon (42.72%), pangalawa ang kamalian sa sintaks
(27.64), pangatlo ang kamalian sa morpolohiya (19.43%) at pang-apat
ang kamalian sa mekaniks (10.21%).
b. Sa kabuuang bilang na 1117 kamalian sa leksikon, nanguna
sa dami ng bilang ang kamalian sa pandiwa (29.99%), pangalawa ang
kamalian sa pang-uri (27.93%), pangatlo ang kamalian sa pang-abay
(23.99%), pang-apat ang kamalian sa pangngalan (12.98%) at panghuli

119
ang kamalian sa panghalip (5.11%).
c. Sa kabuuang bilang na 723 na kamalian sa sintaks,
nanguna sa dami ng bilang ng kamalian ang kamalian sa pang-angkop
(23.51%), pangalawa ang kamalian sa pangatnig (20.75%), pangatlo ang
kamalian sa pantukoy (18.67%), pang-apat ang kamalian sa paggamit ng
panandang "ay" (16.46%), panglima ang kamalian sa pang-ukol (12.86%)
at panghuli ang kamalian sa pagkakaayos ng mga salita (7.75%).
d. Ang kamalian sa morpolohiya naman ay may kabuuang
bilang na 508. Dito'y nanguna sa dami ng kamalian ang panlapi
(40.19%), pangalawa ang pagbabanghay (30.31%) pangatlo ang gamit ng
pokus (19.09%) at pang-apat ang pananda (10.43%).
e. May naitalang 267 kabuuang bilang ng kamalian sa
mekaniks. Sa bahaging ito ay nanguna sa bilang ng kamalian ang
kamalian sa pagbabantas (68.91%) at sumunod ang maling baybay
(31.09%).
2. Sa mga pinagmulan naman ng kamalian, batay sa modelo ni
Richards, ay nanguna sa dami ng bilang ang labis na paglalahat
(47.22%), pangalawa ang kasalatan sa kaalaman ng tuntunin (20.62%),
pangatlo ang di lubos na paggamit ng tuntunin (17.49%) at pang-apat ang
kamalian sa pagpapakahulugan o paghihinuha ng maling konsepto
(14.68%).

120
3. a. Sa salik na kasarian, ang mga babae ay nagkakamali una sa
leksikon (40.0%), pangalawa sa sintaks (26.67%), pangatlo ay sa
morpolohiya (20.0%) at pang-apat sa mekaniks (13.33%). Ang mga lalaki
nama'y nagkakamali una sa leksikon din (47.62%), pangalawa sa
mekaniks (26.79%), pangatlo sa sintaks (17.26%) at pang-apat sa
morpolohiya ( 8.33%).
b. Sa salik na unang wika, sa morpolohiya, nanguna sa
pagkakamali ang mga Waray (40.0%), sumunod ang mga Hiligaynon
(38.46%) at pangatlo ang pangkat ng iba pang wika (28.57%). Sa
kamalian sa leksikon naman ay nanguna ang Bicol (83.33%), pangalawa
ang Bisaya (61.36%), pangatlo ang mga Waray (60.0%). Sa kamalian sa
sintaks, nanguna ang mga Tagalog (30.30%), sumunod ang Ilocano
(23.08%) at pangatlo ang pangkat ng iba pang wika (19.05%). Sa
kamalian sa mekaniks ay nanguna uli ang mga Tagalog (19.70%),
sumunod ang mga Ilocano (17.95%) at pangatlo ang mga Bisaya (9.09%).
c. Batay sa paaralang pinagtapusan ng hayskul, sa kamalian
sa morpolohiya, mas malaki ang bahagdan ng mga kadeteng nagtapos sa
publikong paaralan (15.45%) kaysa sa mga nagtapos sa pribadong
paaralan (12.0%). Sa kamalian sa leksikon, mas malaki ang bahagdan ng
nagtapos sa publikong paaralan (55.58%) kaysa sa mga nagtapos sa
pribadong paaralan (48.0%). Sa kamalian sa sintaks ay mas malaki

121
naman ang bahagdan ng nagtapos sa pribadong paaraalan (20.0%)
kumpara sa nagtapos sa publikong paaralan (18.70%). Maging sa
kamalian sa mekaniks ay mas malaki ang bahagdan ng nagtapos sa
pribadong paaralan (20.0%) kaysa sa mga nagtapos sa publikong
paaralan (10.57%).
d. Sa antas ng edukasyon, nanguna sa kamaliang morpolohiya
ang mga katatapos pa lang ng hayskul (29.41%), pangalawa ang mga
nasa ikalimang taon (25.0%), pangatlo ang mga nasa unang taon ng
kolehyo (19.40%), pang-apat ang nasa ikaapat na taon (18.75%),
panglima ang nasa ikatlong taon (14.81%) ang panghuli sa ranggo ang
mga nasa ikalawang taon (10.9%). Sa kamalian sa leksikon, nanguna na
naman dito ang katatapos ng hayskul (58.82%), sumunod ang nasa
ikalimang taon na o nakatapos na ng pag-aaral (56.25%), pangatlo ang
nasa ikalawang taon (54.54%) pang-apat ang mga nasa unang taon
(53.73%), panglima ang mga nasa ikaapat na taon (43.75%) at panghuli
ang mga nasa ikatlong taon (40.74%). Sa kamalian sa sintaks,
pinanguhan ito ng mga nasa ikatlong taon (33.33%), sumunod ang nasa
ikaapat na taon (12.5%), pangatlo ang nasa unang taon ng pagkokolehyo
(11.94%), pang-apat sa ranggo ang mga nasa ikalawang taon (10.9),
panglima ang mga nasa ikalimang taon at nakatapos na ng kurso (6.25%)
at pinakahuli ang mga katatapos ng hayskul (5.88%). Sa mekaniks

122
naman ay nanguna sa pagkakamali ang mga nasa ikaapat na taon
(25.0%), pangalawa ang mga nasa ikalawang taon (23.63%), pangatlo
ang mga nasa unang taon (14.92%), pang-apat ang mga nasa ikalimang
taon na at nakatapos ng kurso (12.5%), panglima ang mga nasa ikatlong
taon (11.11%) at panghuli ang mga katatapos ng hayskul (5.88%).

Konklusyon
Batay sa resulta ng pananaliksik ang mga sumusunod na
konklusyon ay nabuo:
1. Sa sinuring talaarawan ng mga kadete, naipamalas na ang
kamalian nila sa pagsulat ay una, sa leksikon, pangalawa sa sintaks,
pangatlo sa morpolohiya at pang-apat sa mekaniks. Sa leksikon ay
nanguna ang kamalian sa pandiwa, pangalawa ang kamalian sa pang-uri
pangatlo ang kamalian sa pang-abay, pang-apat ang kamalian sa
pangngalan at panglima ang kamalian sa panghalip. Sa sintaks ay
nanguna ang kamalian sa pang-angkop, pangalawa ang kamalian sa
pangatnig, pangatlo ay ang kamalian sa pantukoy, pang-apat ang
kamalian sa paggamit ng panandang "ay", panglima ang kamalian sa
pang-ukol at panghuli ang kamalian sa pagkakaayos ng mga salita. Sa
kamalian sa morpolohiya ay nanguna naman ang kamalian sa panlapi,
pangalawa ang sa pagbababanghay, pangatlo ang gamit ng pokus at
pang-apat ang sa pananda.

123
2. Sa intralingual na pinagmulan ng kamalian, nanguna ang labis
na paglalahat, pangalawa ang kasalatan sa kaalaman ng tuntunin,
pangatlo ang di lubos na paggamit ng tuntunin at pang-apat ang kamalian
sa pagpapakahulugan o paghihinuha ng maling konsepto.

3. Ang mga salik na kasarian, unang wika, paaralang


pinagtapusan ng hayskul at antas ng edukasyon bago pumasok sa PMA
ay hindi nakaapekto sa kamalian ng mga kadete sa pagsulat ng kanilang
talaarawan.

Rekomendasyon
Batay sa naging resulta ng pag-aaral at nagawang konklusyon, ang
mga sumusunod ay iminumungkahi:

1. Sa pagtuturo ng wika, pagtuunan ng pansin ang bahaging


leksikon dahil natuklasan hindi lang sa pag-aaral na ito kundi maging sa
mga naunang pag-aaral ukol sa kamalian na ito kahinaan ng mga mag-
aaral.

2. Sa mga pinagmumulan ng kamalian, iminumungkahi ring


magkaroon ng pag-aaral ukol sa iba pang pinagmumulan ng kamalian
liban pa sa intralingual na pinagmumulan ng kamalian. Maaaring
saliksikin ang interlingual o kaya’y enduced errors na pinagmumulan ng
kamalian.

3. Iminumungkahi rin ng mananaliksik na magkaroon pa ng mas

124
malawak na pang-unawa ang mga guro na nagtuturo ng wika maging ito
ay Filipino o Ingles upang lalong maging matagumpay ang pag-aaral ng
alin mang pangalawang wika.

SANGGUNIAN
ABARCA, L.J. 1985. Errors in the Formal Themes of the First Year
Secondary Trade School Students of the Isabela School of Arts
and
Trades.

Unpublished Master’s Thesis, Isabela Colleges


Foundation, Isabela.

ABISAMRA, N. 2003. An Analysis or Errors in Arabic Speakers’ English


Writings. American University of Beirut. Beirut.

ALANO, A.C. 1979. Toward a Description of the Functions of Cognitive


and Non-Cognitive Meaning in the communicative Competencies of
Second Language Learners. Unpublished Dissertation, University
of the Philippines.

ALLWRIGHT, R.L. 1977. English as an International Language. Reading


in EIAL.

ANTONIO, M.L.B. 2000. Pagsusuri sa Komposisyon ng mga Mag-aaral sa


Unang Taon ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Tabuk. Di
nailathalang Tesis. Saint Louis University, Baguio City.

ARIBUADA, C.P. 1986. Common Difficulties in the English Work of


Mariano Marcos’ State University Laboratory High School, 4th Year.
Unpublished Master’s Thesis, Mariano Marcos State University,
Laoag City.

AROMIN, L.M. 1995. Mga Kahirapan sa Hekasi ng mga Batang nasa


Ika-limang Baitang - Benguet State University Elementary
Laboratory School at Balili Elementary School. Unpublished
Master’s Thesis. Benguet State University, Benguet.

BAUTISTA, A. 1995. Motivations and English Proficeincy Level of Student


Teacher Training in the Cordillera Administrative Region.

Unpublished Dissertation, University of Baguio.

BAYLON, N. 1987. Pamamaraan sa Pagsulat ng Komposisyon, Hand


out, Seminar Workshop, Makati, Metro Manila.

BOLLINGER, D. 1971. Semantic Overloading: A Study of the Verb


Remind. Language in Society.
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006

126

BROWN, D.H. 1987. Principles of Language Learning and Teaching.


Prentice-Hall, Inc., Englewood Cliffs, New Jersey.

BURT, M. AND KIPARSKY, C. 1972. The Gooficon: A Repair Manual for


English. Rowley Massachusetts: Newbury House.

BUSTOS, A.S. and ESPIRITU S.C. 1996. Psychological, Antroplogical


and Sociological Foundations of Education. Quezon City: Katha
Publishing Co. Inc.

CAMPBELL, T. at WALES. 1970. Halaw mula kay TAGUBA, R.K. 1987.


Evaluation of the Written Compositions of 4th Year High School
Student as Elicited the Non-Verbal Stimuli. Unpublished Ph.D.
Dissertation. Saint Louis University. Baguio.

CASINO, C.J. 1994. Linguistic Analysis of Sermons Among Evangelical


Preachers in Baguio City. Unpublished MA Thesis. Benguet State
University, La Trinidad, Benguet.

CAUINIAN, C.R. 1995. Common Errors in English Written composition of


Freshmen College Students of Isabela State University and their
Ability to Detect Errors in a Weak Prose Compositions: A
Correlation Study. Unpublished Master’s Thesis, Saint Mary’s
College, Bayombong, Nueva Viscaya.

CHAUDRON. 1986. Second Langauge Classroom Research in Teaching


and Learning. Cambridge: Cambridge University Press.

CHOMSKY, N. 1965. Aspects of the Theory Syntax. The Hague: Newton.

CORDER, S.P. 1967. The Significance of Learner’s Errors. Reprinted in


J.C Richards (ed) 1974, 1984) Error Anaysis Perspective on
Second Language Acquisition. London: Longman.

____________ 1971. Idiosyncratic Errors and Error Analysis. IRAL


Reprinted Richards 1974.

____________ 1978. Learner-Language-Learner. In Understanding


Second and Foreign Language Learning. J.C. Richards (Ed.)
Rowley, Massachusetts: Newbury House Publishers, Inc.
127
CORPUZ, J.F. 1987. A communication Needs Profile of Pre-Service
Teacher Education Students of the University of Baguio.

Unpublished Master’s Thesis. University of Baguio.

DUMPAYAN, V.A. 2005. Performans sa Pagbasa sa Tatlong


Pampanitikang Genre ng Class 2006 sa Philippine Military
Academy. Di-Nailathalang Master’s Tesis, Benguet State
University. Benguet.

EPISTOLA, L.C. 2000. Pambalarilang Kamalian sa Pagsulat ng Mag-


aaral sa Unang taon ng Kursong Edukasyon ng Baguio Colleges
Foundation, Baguio City. Unpublished Master's Thesis, Benguet
State University, La Trinidad, Benguet.

FINNOCHARRO, M. 1979. The Notional Syllabus. English Teaching


Forum.

GABRIEL, C.C. 1990. Mga Karaniwang Kamalian sa Sulating Pormal sa


Filipino ng mga Mag-aaral sa Ikalawang Taon, Sangay ng Rizal.
Di-Nailathalang Tesis, National Teachers College, Manila.

GEORGE, H.V. 1972. Common Errors in Language Learning. Rowley,


Massachusetts: Newbury House.

HAMADA, I.B. 2001. An Error Analysis of Written Compositions in Four


Rhetorical Acts by Fourth Class Cadets. Unpublished Master’s
Thesis, Saint Louis University, Baguio.

HENRICKSON, J.M. 1980. The Treatment of Error in Written Work.


Modern Language Journal.

HOLMES, J. 1978. Sociolingguistic Competence in the Classroom. In


Understanding Second and Foreign Language, J.C. Richards (Ed.)
Rowley Massachusetts: Newbury House Publishers, Inc.

HUFANA, E.R. 1982. Evaluation of Composition Errors in Rhetorical Acts


Used In Agricultural Science by Freshman College Students.
Unpublished PH.D. Dissertation. Saint Louis University, Baguio
City.

HUFANA, E.R. at MINONG. 1983. Errors Committed by MSAC College


Freshmen in Dicto-Comp Exercises. PES Forum.

128

HYMES, D. 1967. Communicative Competence in Socciolinguistics: An


Interactional Handbook of the Science of Language and Society.
Ed. Ulrich Ammon – Berli: de Gruyter.

_________ 1970. Directons in Sociolingguistics, eds. J. Gumpez and Dell


Hymes. NewYork: Holt Rinehart and Winston.

JAMES, V.D. 1998. "The Study of Learning English" Rowley Mass:


Newburry House.

KELLY, W.A. 1965. Educational Psychology. Milwauke: Bruce


Publishing Com.

KRASHEN, S.D. 1985. Second Language Acquisition and Second


Language Learning. Oxford: Pergamon Press. Inc.

LADO, R. 1964. Language Teaching: A Scientific Approach. Mc Graw


Hill.

LANGE, D. L. 1977. Thoughts from Europe about Learning a Second


Language in the Classroom. Modern Language Journal.

LUNES, R. 1999. A Communication Needs Profile of Pre-Service Teacher


Education Student of the University of Baguio. Unpublished
Master’s Thesis. University of Baguio.

LUBRICA, C. 1986. Communicative Competence in Pilipino Among


Freshmen College Students in Benguet State University.

Disertasyong Pandoktoral sa Edukasyon, University of Baguio.


MAYOS, N. 1988. Mga Kahirapan sa Balarilang Pilipino ng mga Mag-
aaral sa Ikaapat na Taon ng Mataas na Paaralan ng Pamantasan
ng Benguet sa Panuruang Taon 1987-1988. Di-Nailathalang
Masteral Tesis, Baguio Central University, Baguio City.

MILAN, R. 1992. Competence in English Grammar of the First Year


Student of the Mt. Province General Comprehensive High School.
Unpublished Thesis, University of Baguio.

MONTERA, A.A. 1989. The Common Errors Committed in Formal Theme


Writing in English, Cantela Carrascal District, Division of Surigao

129
del Sur. Unpublished Master’s Thesis, South Western University,
Cebu City.

MYLES. 1970. Second Language Writing and Research: The Writing and
Error Analysis in Student Texts.

NEMSER, W. 1971. Approximative Systems of Foreign Language


Learners. IRAL.

OLLER, J. 1971. Transformational Grammar, Pragmatics and Language


Teaching. English Teaching Forum.

PALAZO, M.Z. 2003. Sikolinggwistikang Pagsusuri sa Pagsulat ng


Talaarawan ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng Benguet State
University, Unpublished PH.D. Dissertation, Benguet State
University, La Trinidad, Benguet.

PANNIG, A. A. 1989. Mga Salik na Nauugnay sa Kakayahan sa Pagsulat


sa Filipino ng mga Mag-aaral ng Ikalawang Taon ng Isabela
National High School. Di-Nailathalang Tesis, Pampamahalaang
Kolehiyo ng Catanduanes.

PEREZ, U. 1973. A Study of the Common Error in the Written English


Composition Committed by Freshmen College Student of MSAC,
1st Sememster 1972-1973. Unpublished Master’s Thesis. Benguet
State University. Benguet.

REGANA J. 1990. Writing – Major Problem. PhilippineJournal of


Education. Volume XLVII, No.2, August 1990.

RICHARDS, J.C. 1974. Error Analysis on Second Language Strategies in


Focus on the Learner: Pragmatic Perpectives for the Language
Teacher. Rowley Mass: Newburry House.

RICHARDS and SIMPSON. 1974. The Study of Learner English. In J.C.


Richards ed. Error Analysis. Perspective in Second Language
Acquisition. London: Longman.

SANTIAGO, A. O. 1985. Linggwistika at Panitikan. Manila: Rex Printing


company, Inc.

SAVIGNON, S.J. 1972. Communicative Competence: An Equipment in

130

Foreign Language Teaching. Philadelphia: Center for Curriculum


Development.

_____________ 1993. Communicative Language Teaching: State of the


Art. TSEOL Quarterly.

SELINKER, L. 1972. The Interlanguage Hypothesis Extended Children


Language Learning. Oxford University Press.

SIBAYAN, E.S. 1995. Mga Kahinaan sa Pagsulat ng Komposisyon ng


mga Mag-aaral sa Ikaanim na Baitang sa Distrito ng Alcala. Di-
nailathalang Tesis, Saint Louis College of Tuguegarao,
Tuguegarao, Cagayan.

SKINNER, B.F. 1957. Verbal Behavior. New York. Appletons. Century


London.

STERN, H.H. 1983. Fundamental Concepts of Linguistics Teaching.


Oxford. Oxford University Press.

STREVENS P. 1969. Two Ways of Looking Error Analysis. ERIC ;


03774.
____________ 1978. The Nature of Language Teaching. In
Understanding Second and Foreign Language Learning. J.
Richards (ed), Rowley, Massachusettes: Newbury House
Publishers, Inc.

SVARTIK, JAN. (ed) 1973. Errata: Papers in Error Analysis. Lund. CWK.
Gleerup.
TACORDA, A. 1989. Mga Karaniwang Kamalian sa Kathang Pagsulat ng
mga Piling Mag-aaral sa Filipino I sa Pamahalaang Kolehiyo ng
Catanduanes. Di-nailathalang Tesis, Pampamahalaang Kolehiyo
ng Catanduanes.

TAGUBA, R.K. 1987. An Evaluation of the Written Compositions of Fourth


Year High School Student. Di-nailathalang Disertayong Pandoktoral
sa Pilosopiya, Saint Louis University, Baguio City.

TIBAGACAY, T.B. 2001. Karaniwang Kamalian sa Pagsulat sa Wikang


Filipino ng mga Kadete sa Akademya Militar ng Pilipinas.
Unpublished MA Thesis, Benguat State University, Benguet.

131
UC, M. 1998. Natural Language Learning and Learning Foreign
Language in the Classroom. British Journal of Language Teaching.

ULLERO T.1987. Mga Salik na may Kaugnayan sa Kakayahan ng


Pagsulat ng Komposisyon ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng
Kolehiyo ng University of Northern Phillipines. Di-nailathalang
Tesis, Pamantasan ng Hilagang Pilipinas, Vigan Ilocos Sur.

UMALI, M.D. 1991. Wikang Filipino. Modern Teacher August 1991.

VARGAS S.C.1989. Socio Demographic Characteristics and


Performance in Written English Composition of Fourth Year High
School Students in Bicol University College of Fisheries, Tabaco
Albay. Di-Nailathalang Tesis, Bicol University.

WALKER J.C. 1973. Opinions of University Students About Language


Teaching. Foreign Language Manuals.

WEINRICH, U. 1953. Language in Contact. The Hague. Mouton.

You might also like