LEKSIKON AT SEMANTIKA For
LEKSIKON AT SEMANTIKA For
LEKSIKON AT SEMANTIKA For
Matapos ang pagtalakay sa grammar ng wikang Filipino, maaari nang pag-aralan ang
kahulugang kargado ng mga nabanggit nang dimensiyon ng wika (ponolohiya, morpolohiya at
sintaks). Sa pagkakataong ito, kilalanin ang semantika o yaong pag-aaral sa kahulugan ng salita o
anumang pahayag. At ang tawag sa salitang iyon na Bahagi ng wika ay leksikon.
Marahil isang paglalaro sa wika kung itatanong ang kahulugan ng kahulugan ng wika.
Sinagot ni Lyons (1981), sa aklat nina Paz et.al (2003) na ang kahulugan sa wika ay mga ideya at
konsepto na maaring ilipat buhat sa isipan ng tagapagsalita patungo sa isipan ng tagapakinig. Ito
ang mga imaheng nabubuo sa isipan ng tao buhat sa mga paglalarawan. Kung gayon maaring
ilipat buhat sa mga ppaglalarawan. Kung gayon, masasabing interpretative ang nagiging
tunguhin ng semantika ng grammar (katulad ng binabanggit nina Katz at Fodor sa kanilang
Semantic theory).
Nagiging komplikado ang pag-aaral sa kahulugan sapagkat nararapat na magkaroon ng
pagkakatulad kung hindi man ay uganayan ng konsepto ng nagsalita at nakinig, ng nagsulat at
nagbasa.
Marahil, masasabi na maraming pagkakataon ang paglalarawan ng isang taong abala.
1. Hinding hindi mo siya makakausap ngayon.
2. Naktungo na naman siya sa tambak na papel ng kanyang mesa.
3. Dumaan ka man mamaya sa harap niya, hindi ka niya mapapansin
Ang mga nabanggit na pahayag ay tunay nga namang makapaglalarawan sa taong maraming
ginagawa o kasalukuyang may ginagawa. Ang mga konsepto sa tatlong bilang sa itaas ay
mailalagay sa isip ng tao. Nagiging komplikado lamang ang pagbibigay kahulugan sa pagpili
ng angkop na interpretasyon depende sa konteksto ng pagsasalita. Patunay ito na bagamat
hindi nagkakaiba ang gawain ng knsepto ng tao ay nagkakaiba naman sa paraan ng
pagpapahayag sa wika ng mga konseptong iyon (Paz et.al. 2003).
Narito ang mga paraan ng pagpapahayag ng kosepto.
Paraan Halimbawa Pagpapakahulugan
Sa paraang malinaw ang Bayani ng bayan Malinaw ang konsepto na
hanggahan para ituring na bayani ay
kailangang makagawa ng
sakripisyo at makapagbigay-
karangalan para sa bayan.
Sa paraang di-malinaw ang mabuti Hindi malinaw ang konsepto
hanggahan ng pagiging mabuti.
Hanggang sa anong
pagkakataon ang maaring
gawin ng tao upang matawag
na mabuti.
Paggamit ng metapora Anghel na dumating Ipinapakilala rito ang
Bukas ang palad konsepto ng pagtulong.
Ibinabahagi ang sarili
Samantala, nailalahad ang kahulugan sa pamamagitan ng denotasyon at konotasyon at intension
at ekstensyon.
Ang pagpapakahulugang denotasyon ay tahas o literal at ibinibigay ang mismong
tinutukoy o referent samantalang may iniuugnay namang ibang kahulugan at talinghaga sa
tinatawag na konotasyon.
Salita Denotasyon Konotasyon
ahas hayop na mapanganib na nasa mang-aagaw,
uring reptalya. trahidor
bato matigas na bagay na bunga ng ipinagbabawal na gamit
pormasyon ng lupa
krus Bagay na ipinadala at suliranin sa buhay
ipinagpakuan sa Dakilang
Manunubos.
Bahagi rin ng pag-aaral sa kahulugan ang ugnayan ng larang na ito (ang semantika) sa mga
salita. Ang relasyong ito ay maaaring synonym (magkasingkahulugan), antonym
(magkasalungat), polysemy (may dalawa o higit pang kahulugan na magkaugnay) o homophone
(pareho ng tunog ngunit magkaiba ang kahulugan).
Semantic na relasyon Halimbaw
Synonym Malaki-dambuhala
Antonym Mahina-malakas
Polysemy Tuta-tawag sa ama ng aso/ maari ring
tukuying sunod-sunuran
Homophone Bata-paslit at maari ring tukuying kasintahan
depende sa konteksto
May ugnayan din ang semantika sa mga pangungusap na tinatawag na lexical cohesion
(Halliday at Hasan, 1976).
Kakayahang Sosyolingwistik
Matutukoy ang kakayahang sosyolingwistik sa pagsasaprastika ng teorya tungkol sa
ethnography of Speaking or Communication. Sa eoryang ito na pinangunahan ni Dell Hymes,
ipinakita na ang bumubuo sa speech act nina Austin at Searly ay nagtatakda ng mga sumusunod
na component (Robinson sa Filione, 1993):
Ang magsasalita
Ang sasabihin
Ang paraan ng pagsasabi
Ang panahon
Ang kalagayang sosyal
Layon ng pag-uusap
Nakatuon din ito sa ugnayan ng wika at antropolohiya (magkaugnay ang wika at kultura).
Upang maunawaan ang komunikasyon sa tiyak na kultura, narito ang paglalahad sa mga
nabanggit na elemento na dapat isaalang-alang.
Elemento pagkilala Halimbawa:
sa konsepto
ng banal na wika
Speech community Ang mga taong Ang mga taong
kabilang sa proseso dumadalo at iba pang
komunikasyon mga kabahagi sa
pagdaraos ng misa.
Speech situation Ang kaganapan na Ang misa
kinapapalooban ng
pagsasalita at di
pagsasalita.
Speech event Ang tiyak na Ang palitan o
sitwasyon na tugunan, pagdarasal,
nagtataglay ng simula pag-awit.
at wakas at nakabatay
sa mga panlipunang
tuntunin sa pagsasalita
Communicative acts Ang mga aksiyong Ang mga sistemang
isinasagawa sa di-berbal, pagpila sa
paggamit ng mga para sa komunyon,
salita pagbasbas ng holy
water
Communicative style Ang estilo Pormal ang rehistro
ng paggamit ng wika
Ways of Speaking Ang pattern o paraan Sapagkat pormal, ang
ng pakikipagtalastasan pattern ng usapan ay
may seryosong tono
ay nakabatay sa
sinusunod na gawain-
bahagi ng misa.
Tiyak na ang
pagkakataon ng
pagsasalita ng pari at
hangganan ng
partisipasyon ng mga
dumadalo.
Kauganay nito, inihanda ni Farb (1975) ang akronim ng speaking upang ipakilala pang
lalo ang mga elementong inilahad ni Hymes.
S Setting/ Situation Panahon, lugar, pisikal at sikolohikal na
ugnayan sa istilong pormal o di-pormal
P Participant Panlipunang katayuan-edad, kasarian,
katungkulan, estado sa pamilya.
E Ends Layon ng pag-uusap, inasahang bunga.
A Act sequence Porma at nilalaman
K Key Tuno ng pagbigay ng pahayag
I Instrumentalities Ang midyum sa pagsasalita o sa
kabuuan ng komunikasyon
N Norms Nakagawiang gawain ng nakararami sa
paggamit ng wika
G Genre Ang estilo ng pagpapahayag
Kakayahan sa Pragmatics
Basahin at unawain ang mga sumusunod:
Ang ina ay siyang may hawak sa haligi ng tahanan.
Mauuawaan sa pangungusap sa itaas na hindi ang literal na hawak ng ina ang dingding ng
tahanan. Sa pagbasa at pag-unawa sa pangungusap, mahihinuhang ang ina ay siyang mag
nasusunod at hindi ang ama.
Isa pang pahayag:
Misis 1: Ang aking asawa ay sumakabilang buhay na.
Misis 2: Ang aking asawa naman ay sumakabilang bahay na.
Kung susundan ang pattern ng usapan, ang patambis na kahulugan ng sinasabi ng
pangalawang tagapagsalita ay patungkol sa asawang lalaki na nakisama sa ibang babae.
Sa mas lalong paglilinaw, isa pa.
Guro (sa kanyang mga mag-aaral) kailan kayo matututo sa mga aralin? Naghain ako sa
inyo ng maraming handa. Pero anong ginawa ninyo? Kailan ninyo kakainin ang lahat ng aking
hinanda? Kukunin niyo laman kapag panis na?
Nais tukuyin sa pahayag ng guro sa kanyang mga mag-aaral ang kahalagahan ng pag-aaral.
Hindi ang binanggit at literal na handa.
Mula sa mga halimbawa sa itaas, may malinaw na nais ipaliwanag kaugnay sa tinatawag
na pragmatiks.
Ang pragmatics ay ugnayan ng wika at ang taong gumagamit ng wika. Ito ay
nagpapahayag ng aksiyon o gawain. Ito rin ang pag-aaral sa kung paano naiimpluwensiyahan ng
konteksto ang paghahatid ng impormasyon ng mga pahayag (Paz et al., 2003) o ang pamaraan ng
paggamit ng wika.
Magiging magtagumpay ang palitang ugnayan o diskurso kung kapwa ang tagapaghatid
at tagatanggap ng mensahe ay nagkakaunawaan sa kahulugan ng pahayag ng isa’t isa.
Nakapaloob sa tinatawag na pragmatics ang pagpapaliwanag at pag-unawa sa wikang ginagamit
nabahagi ng konsteksto.
Namamasyal sa plasa si A nang makita ang pinagkakaguluhan ng mga bata na tindahan
ng mga mani at iba pang kutkutin. Ibinebenta ang mga iyon ayon sa nakasulat sa bangketa,
“sampung piso, isang baso.”
Nalalaman ni A ang konteksto ng “sampung piso, isang baso” sa paglapit o pag-
imbestiga kung ano ang tinutukoy niyon at ang mga pagkilos sa loob ng sitwasyon. Madali
para sa kanya o sa sinumang dadaan sa bangketa na maunawaan na hindi baso ang
ipinagbibili sa halagang sampung piso kundi ang kutkutin. Malinaw na may nagaganap
kasing pagtitinda at pagbili. Pinapayagan ng pragmatiks na alamin ng tao hindi lamang
ang semantikang aspeto o ang tuwirang kahulugan ng mga salita kundi ang konteksto o
ang kahulugan sa loob ng mga salita at kaugnay na sitwasyon.
Sa kabuuan ng pragmatics, mauunawaan ang mensahe ng pahayag ng tagapagsalita kung
nalalaman ang nangingibabaw na intensiyon sa pag-usal ng mensaheng iyon.
Tunay nga na may kaugnayan ang pahayag sa mga pagkilos ng tao. Ang wikang gamit ng
tao ay may kakabit na aksiyon. Ang mismong pahayag na ang nakagagawa ng pagkilos. Ito ang
tinatawag na speech act na kasama na kabuuan ng pragmatiks.
May dalang aksyon o pagkilos ang mga sumusunod sa pandiwang maaring gamitin sa
pagpapakahulugan at pag-unawa ng diskurso: ibinubuod, iniuulat, tinatanong, sinusubok, ipinag-
uutos, hinahamon, iniimbit, ipinipilit, hinihiling, ginagarantiya, ipinapangako, pinapahalagahan,
pinapasalamatan, kinukumusta, at iba pa. Batay sa pag-aaral nina Austin at Searle, ang konsepto
ng speech act sa paggamit ng wika ay hindi lamang simpleng paglalahad, ibinibigay rin ang
angkop na aksyong kailangan sa pag-unawa ng konteksto ng diskurso.
Ang mga pandiwa ay may mas dalang paggalaw kung gagamitin ang aspektong
imperpektibo kasunod o kasama ng panghalip na nasa unang panauhan. Madali ang pag-alam sa
konteksto ng pahayag kung gagamitin ang nabanggit sa itaas.
May tatlong gawi ng pagsasalita ang taong tagahatid ng pahayag. Ito ay maaaring
lokusyunaryo, ilokusyunaryo at perlokusyunaryo.
Lokusyunaryo ang gawi kung nagpapahayag ng literal na paglalarawan at pagkaunawa sa
ginamit na wika.
Halimbawa:
Iniuulat ko na ang tungkol sa komunikasyon. (Sinasabi ang aktuwal na ginagawa-nag-
uulat.)
Tinatanong ko sa iyo kung ano gusto mo?
Sinusubok ko lamang ang iyong kakayahan.
Ipinag-uutos ko ang kapayapaan sa ating pangkat.
Tinatawagan ko ang mga nagmamalasakit sa kalikasan.
Ako’y nangangako na hindi na uulit pa sa masasamang gawi.
Ilokusyunaryo ang akto kung nagpapahayag ng tungkulin sa pagsasakatuparan ng bagay o
mensahe batay sa nais o intensiyon ng tagahatid.
Halimbawa:
Samahan mo akong humarap sa dekana ng kolehiyo. (Ang ginagawa ay
pangangako)
Maaari mo ba akong samahang humarap sa dekana ng kolehiyo? (Pakiusap)
Samahan mo akong humarap sa dekana ng kolehiyo. (Pautos)
Perlokusyunaryo ang akto kung nagpapahayag ng bias, puwersa o epekto ng pahayag ng aktong
ilokusyunaryo. Ang puwersa ng komunikasyon ay nakikita sa layon at hindi sa gumawa ng
pagkilos.
Halimbawa:
Tinupad niya ang kanyang pangako.
Isinakatuparan ng binate ang Pakiusap ng dalaga.
Sinunod niya ang utos ng kamag-aral.
Kakayahang Discoursal
Isakonteksto ang susunod na paksa sa pamamagitan ng panimulang gawaing ito.
Ihanay sa talaan ang mga salita o pahayag sa ibaba batay sa angkop na domeyn/ larang
pangwika.
Cash o Card Suki, bili na.
Wala na bang tawad yan? Suki, ano hanap mo?
Wala akong panukli. Out na ko.
Kuya, pa print. Magkano hanggang Rosario?
Saan po bababa? Pakibilis lang ho. Bawal bumaba rito.
Pa-extend time… 20% less po ‘yan.
Size 7, please Saan po ‘to bababa?
May stock pa kayo nito? Papalit po.
Pa load nga po. Pa add po/pls.
Matigas ba yelo ninyo? Dito na suki.
Makikiurong na lang po sa kanan. Crossing! Crossing! Ilalim!
Grocery at Sa loob ng
Computer Shop Palengke Department Jeepney Tindahan
Store
Sa pisikal na konteksto
Isinaalang-alang ang lugar, pagkilos ng mga taong nakikipagdiskurso, mga bagay sa
paligid, personal na anyo.
Sa Kultural na konteksto
May pagsasaalang-alang sa paniniwala, tradisyon, kaugalian ng kasangkot na diskurso.
Sa linggwistik na konteksto
Tinitingnan at sinusuri ang mga naunang sinabi ng kausap
Sa sosyal na konteksto
Isinasaalang-alang dito ang ugnayan ng mga taong kasangkot sa diskurso.
Nakatutulong ang pag-alam sa konteksto ng diskurso upang maging tagumpay ang
kabuuang proseso ng komunikasyon. Dagdag pa, ang pagiging politically correct ng mga
pahayag ay nabibigyang-diin at pansin.
Ang konsepto ng politically correctness ng pahayag ay nakabatay sa pagsasalang-alang
ng damdamin at kalagayan ng tatanggap ng mensahe. Tinutugunan nito ng paggalang ang
namamayaning konteksto sa pagpapahayag.
Basahin ang susunod na mga Bahagi. May paghimay sa konsepto para sa mas lalong pag-
unawa sa aktuwal na diskurso.
“Mainit” S maraming pagkakataon maibibigay ang kahulugan ng pahayag na ito. Narito ang
mga pagpapalagay.
Konteksto Pagpapalagay sa Pahayag na Mainit
Pisikal Kung sa gitna ito ng maraming tao sa Divisoria
sinabi, maaring ang nais tukuyin ng umusal ay
damdamin ng taong nakikipagsiksikan.
Kultural Kung ang panonood ng bakbakang Pacquiao at
kalaban Mexicano, maaring naibulalas ito sa
walang tigil na suntukan ng dalawang boksingero.
Bahagi ng kulturang Pilipino na kahit sa telebisyon
pinanonood ang laban ay bumabanat ng mga
pahayag na parang nasa gitna rin ng aksyon.
Linggwistik Kung ang mga naunang pahayag ay naglalaman ng
mga gawain sa bakasyon, maaring nais na
ipahiwatig ang pagpunta sa beach.
Sosyal Kung ang ugnayan ng nagdidiskurso ay matalik na
Magkaibigan, nais ipahiwatig ng isa ang paghiling
ng maiinom na maaaring tugunan ng isa.
Dagdag pa, hindi maitatangging mahalaga rin ng mga kaugnay na sistemang ekstra at di-
berbal na komunikasyon sa Konteksto ng diskurso.