2nd Quiz 2017

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Aralin 1

PANUTO: Isulat sa patlang ang tamang sagot.

____1. Isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula.

____2. Sa panahong ito nakilala ang Balagtasan.

____3. Ang nagmungkahi na tawaging Balagtasan ang pingkian ng talino.

____4. Kailan naganap ang unang Balagtasan.

____5. Lugar na pinagdausan ng unang Balagtasan.

____6. Ama ng Balagtasan.

____7. Hari ng Balagtasan.

____8. Dahilan kung bakit tinawag na “Huseng Batute” si Jose Corazon De Jesus.

____9-10. Sila ang pinakamagaling na mambabalagtas noong kanilang kapanahunan.

SUSI SA PAGWAWASTO

Aralin 1

1. Balagtasan
2. Panahon ng Amerikano
3. G. Jose Sevilla
4. Abril 6, 1924
5. Olympic Stadium sa Maynila
6. Francisco Balagtas
7. Jose Corazon de Jesus
8. Pinakamahusay siyang mambabalagtas sa kanyang kapanahunan
9. Jose Corazon de Jesus
10. Florentino Collantes
Aralin 2

I. PANUTO: Basahin at unawain ang mga pahayag.

1. Naglalarawan sa isa o isang pangkat ng tao, bagay o pangyayari.

2. Nagtutulad ng dalawang tao, bagay o pangyayari.

3. Ama ng Sarsuwela.

4. Si Severino Reyes ay kilala sa taguring______.

5. Elemento ng Sarsuwela na pinakakaluluwa ng isang dula.

II. PANUTO: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang letrang A-E.

____1. Hinuli ng mga bolutaryo ng Sta. Maria si Kapitan Inggo upang ikulong sa
Bulacan.
____2. Binuburdahan ni Julia ang panyong ibibigay kay Tenyong.
____3. Ipinagkasundo si Julia ng kanyang ina kay Miguel at nang ikakasal na sila ay
biglang dumating si Tenyong.
____4. Namatay si Tatang inggo na labis ikinagalit ni Tenyong at naging dahilan ng
kanyang paghihiganti.
____5. Nagpanggap na sugatan si Tenyong upang makasal kay Julia subalit matapos
ang kasal, sumigaw ang lahat ng “WALANG SUGAT!”.

SUSI SA PAGWAWASTO

Aralin 2

I. 1. Lantay II. 6. B
2. Pahambing 7. A
3. Severino Reyes 8. D
4. Lola Basyang 9. C
5. Iskrip 10. E
Aralin 3
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na pahayag.

1. Siya ang tinaguriang “Ama ng Sanaysay”.

2. Tinawag niya ang sanaysay na “Pagsasalaysay ng isang Sanay”.

3. Isang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon.

4. Isang uri ng sanaysay na nagsisilbing aliwan o libangan.

5. Panahon kung kailan muli sumibol o nakilala ang sanaysay.

6. Isa sa mga paraan ng pagpapahayag na may layuning ipakita ang


kabuuang anyo ng tao, bagay o pook.

7. Paraan ng pagpapahayag na may layuning magpaliwanag.

8. Paraan ng pagpapahayag na may layuning umakit ng iba sa pamamagitan


ng pagbanggit sa mga katuwiran.

9. Paraan ng pagpapahayag na may nais na maglahad ng mga pangyayari.

10. Isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang


sariling kaisipan, saloobin at damdamin.

SUSI SA PAGWAWASTO

Aralin 3

I. 1. Michel de Montaigne 6. Paglalarawan


2. Alejandro G. Abadilla 7. Paglalahad
3. Pormal na sanaysay 8. Pangangatuwiran
4. Di-pormal na sanaysay 9. Pagsasalaysay
5. Panahon ng Komonwelt 10. Sanaysay
Aralin 4
I. PANUTO: Basahin at unawain ang mga pahayag.

1. Ang maikling kuwento ay binubuo ng iba’t ibang bahagi. Ang bahaging


nagbibigay ng pinakamasidhi/pinakamataas na kapanabikan o interes
sa mambabasa ay______.

2. Ang maikling kuwento ay tinatawag ding ____.

3. Ang manunulat o may-akda ng Lupang Tinubuan ay si_____.

4. Uri ng maikling kuwento na nagbibigay diin sa tagpuan. Kuwento ng _____.

5. Tinaguriang ama ng maikling kuwento ay si______.

II. PANUTO: Tukuyin ang salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap


kung anong kayarian ng pang-uri ang ginamit.

6. Ang aking kapatid ay balat sibuyas.

7. Ang talino sa Math ng kanyang kamag-aral.

8. Magiging magaang-magaan ang pakiramdam kung ikaw ay magiging


daan sa pagtupad sa kanilang simpleng pangarap.

9. Tila mas marami raw kakambal na problema ang pag-usbong ng


makabagong teknolohiya.

10. Masipag at hindi napapagod sa gawaing bahay ang aking ina.

SUSI SA PAGWAWASTO

Aralin 4

I. 1. Kasukdulan II. 6. Tambalan


2. Maikling Katha 7. Payak
3. Narciso G. Reyes 8. Inuulit
4. Katutubong kulay 9. Maylapi
5. Deogracias A. Rosario 10. Maylapi
Aralin 5
I. PANUTO: Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1. Ang _____ ay tinatawag na bidang tauhan sa akda.


2. Ang _____ ay ang siyang nagpapahirap o nagpapasalimuot sa buhay ng bida.
3. Hindi nagbabago ang pag-uugali ng _____ sa simula ng akda hanggang katapusan.
4. Nagbabago ang _____ mula sa pagiging salbahe ay nagiging mabait.
5. Ang tauhang bilog ay natututong nang lumaban sa ______.

II. PANUTO: Piliin ang angkop na aspekto ng pandiwa batay sa pangungusap.

6. ______ niya ang kanyang kaalaman pagkatapos ng kanilang klase.

a. ibabahagi b. magbabahagi c. kababahagi d. nagbahagi

7. Kanina lang niya______ ang kanyang misyon.

a. isasakatuparan b. isinakatuparan
c. naisakatuparan d. maisasakatuparan

8. ______ sila sa parke mamaya.

a. nagkita b. magkikita c. kakikita d. magkikita

9. ______ niya ang kanyang sanaysay sa susunod na araw.

a. sinalaysay b. sinasalaysay c. isasalaysay d. kasasalaysay

10. Kahapon lang niya ______ ang kanyang proyekto.


a. natapos b. tinatapos c. tatapusin d. matatapos

SUSI SA PAGWAWASTO

Aralin 5

I. 1. Protagonista II. 6. A
2. Antagonista 7. C
3. Tauhang lapad 8. B
4. Tauhang bilog 9. C
5. Pagwawakas 10. A
Aralin 6

PANUTO: Ibigay ang hinihingi ng bawat patlang sa pahayag.

1. ______ sangkap ng dula kung saan nagaganap ang mga pangyayari


sa isang pagtatanghal.

2. ______ itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula.

3. ______ gumaganap at nagbibigay-buhay sa dula, sila ang bumibigkas


ng mga diyalogo, nagsasagawa ng mga aksyon at nagpapakita
ng mga emosyon sa mga manonood.

4. ______ nagbibigay ng interpretasyon at nagpapakahulugan sa isang iskrip.

5. ______mga saksi o nakapanood ng isang pagtatanghal.

6. ______ ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.

7. ______ ang pagpapalit ng mga pangyayari sa dula.

8. ______ ang isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan


ay naglalarawan ng isang kawil ng mga pangyayaring
naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao.

9. ______ kilala sa pagsulat ng dula.

10. ______ pamagat ng akda ni Dionidio S. Salazar

SUSI SA PAGWAWASTO

Aralin 6

I. 1. Tanghalan 6. Eksena
2. Iskrip 7. Tagpo
3. Aktor 8. Dula
4. Direktor 9. Dionisio S. Salazar
5. Manonood 10. Sinag sa Karimlan

You might also like