Panitikan Answers For Pharmacy

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Modyul Blg.

1
Pamagat: Ang Panitikan/Literatura

Ang isang bansa ay makikilala sa pamamagitan ng kanyang literatura. Ito ang humuhulma upang maging
matatag at mamayagpag sa mundong ating ginagalawan. Nasubukan mo na ba na tuklasin ang iyong
kakayahan sa pagkatha ng isang obra maestra? Naging madali ba sa iyo ang paglikha ng isang sulatin?

Ang pag-unlad ng isang bansa ay isang pagpapatunay na ang larangan ng ating literatura ay patuloy na
umaagapay upang imulat sa lahat na ang ating mga manunulat ay bukas sa mga pagbabago na nakikita
sa kasalukuyan.

Sa modyul na ito, matututunan at makikilala natin ang mga dapat na malaman sa literatura ng ating
sariling bansa.

Sa mga araling matatagpuan sa modyul na ito ay mababatid natin ang mga dapat matutuhan sa
paniniwala, tradisyon, kahalagahan ng panitikan, at malaman ang mga akdang isinulat ng mga Pilipinong
manunulat.

Ang layuning panlahat ng modyul na ito ay:

Malaman, matukoy at, makilala ang literatura ng iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas

Ano na ba ang alam mo?

Ang layunin ng pagsusulit na ito ay masukat ang dati mo nang kaalaman tungkol sa paksa kaya huwag
kang matakot sa pagsusulit na ito.

Handa ka na ba?

Magsimula ka na!

A. Panuto: Tukuyin ang genre/anyo ng sumusunod na teksto. Isulat ang titik ng sagot sa patlang.

a. maikling kwento f. sanaysay


b. dula g. talambuhay
c. alamat h. balita
d. pabula i. talumpati
e. parabula j. tula

1. Joel: Kailan ka pa dumating? 1. _ B___


Lucky: Nagulat ka no? Hindi mo akalaing magkikita po tau.
Joel: Ah, Eh…..

2. “Magtago ka na pusa!” galit na galit na sigaw ni aso. “ Miyaw! Miyaw!” 2. _ D___


Panunudyo ni pusa. “Hindi mo ako maaabutan.”
3. Mga kababayan hanggang kalian tayo paalipin sa isipang kolonyal? Kung tutuusin 3. _ I___
maraming mga produktong Pilipino ang maipagmamalaki sa buong daigdig ngunit
bakit tayong mga Pilipino’y patuloy na nahihirati sa mga gawang dayo.
4. Si dating pangulong Ramon Magsaysay ay isa lamang karaniwang mekaniko noon. 4. _ G___
Sa buong maghapon, ang kanyang palaging kasama’y mga dyip, kotse, at trak kaya’t sa
tuwing kanyang pag-uwi ay puro langis at grasa ang nasa kanyang mukha at katawan.
5. Sa isang kisap mata, ang matandang pulubi ay biglang nag-anyong magandang diwata. 5. _ C___
Inihampas niya sa hangin ang tangan niyang kumikislap at ginintuang patpat at nagwikang,
“simula sa araw na ito, ikaw Rosa ay magiging isang halamang may mga tinik sa tangkay.
Mamumulaklak ka ng mga pulang bulaklak na kasimpula ng galit mong mukha.”
6. Sa di kalayuan, ilang kumukislap na luha ang pumatak sa isang maliit na anino ng isang 6. _ A___
matipunong lalaki matapos gampanan ang utos ng kanyang nakatataas.
7. O Mariang sakdal dilag, Dalagang lubhang mapalad 7. _ J___
Tanging pinili sa lahat, ng Diyos Haring Mataas
8. Pinarangalan kahapon ng pangulo ang sampung pinakamahuhusay na mag-aaral sa buong 8. _ H___
bansa, sa Heroes Hall, Palasyo ng Malacanang. Ang sampung mag-aaral ay kumakatawan
sa iba’t ibang rehiyon, lalawigan, at larangan. Ang mga nahirang na pinakamahuhusay na
mag-aaral ay pinangungunahan ng isang mag-aaral sa pamantasang Normal ng Pilipinas na
nagtapos ng kursong Edukasyon.
9. Ang Diyos na nasa kalangitan ay nagpahayag ng ganito kay Abraham: “Ako’y naghirap nang 9. _ E___
daan-taon dahil sa mga gayong tao kahit kalian hindi nila ako pinararangalan. Bakit ikaw,
sa isang gabi lamang ay hindi nakatiis gayong hindi ka naman niya nililigalig?”
10. Pagkaraan ng isang buwan, may lumitaw na halaman sa pinaglibingan ng puso. Mabilis 10. _ F___
na lumaki ang halaman at nagkaroon ng mga bungang hugis puso. Ang mga nakikita ay
nagsabing ang halaman ay nanggaling sa puso ni Marga.

B. Panuto: Piliin sa ibaba ang sagot sa mga sumusunod na pahayag. Titik lamang ang isulat sa
nakalaang patlang.

Mga Pagpipilian:

a. niyog f. kangkong
b. dinuguan g. itlog
c. sako h. kampana
d. noo i. kawayan
e. banig j. sitaw

1. Mga kalooblooban ang pinaghalo-halo 1. _ B___


Na niluto sa init ng pagkakasundo
2. Isang bundok, hindi nakita ang tuktok 2. _ D___
3. Mapalangit, mapalupa 3. _ I___
Ang daho’y nananariwa
4. Dahon nang dahon, sanga nang sanga 4. _ F___
Ngunit hindi namumunga
5. Nang maliit ay paruparo 5. _ J___
Nang lumaki ay latigo
6. Manok ni San Pedro 6. _ H___
Tagatawag ng mga tao
7. Naipanganak na ngunit hindi pa rin 7. _ G___
Malaman kung babae o lalaki
8. Sa araw ay parang poste 8. _ E___
Sa gabi’y parang pagi
9. Hindi tatayo 9. _ C___
Pag hindi nabubusog
10. Ang dagat ay binalutan ng langit 10. _ A___
Ang langit ay binalutan ng buto
Ang buto ay binalutan ng buhok
Ang buhok ay binalutan ng balat

C. Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

1. Hindi makikilala ang bayani sa salita,


Kundi sa kanyang mga kilos at gawa.

Dahil kagaya nga ng sikat na kasabihan, “Unahin ang gawa kaysa salita”, mas tumatatak sa
isip ng tao ang mga ginawa ng kaniyang kapwa kaysa sa mga sinabi lamang nito. Kaya mas
madaling matandaan at makilala ng mga tao ang bayaning maraming nagawang bagay at
naipatupad kaysa sa bayaning puros salita lamang ang alam at wala namang ginagawa.

2. Ang katotohanan ay tulad ng uwak na hindi naitatago.

Kagaya nga ng uwak na itim ang kulay, mahirap itong itago dahil makikita at makikita parin
ito. Isa pa, ang uwak ay sumusulpot na lamang at gumagawa ng ingay kahit saan man ito
itago. Kung kaya’t kung tatangkain itong itago ay mahirap dahil makikita ito agad. Kaya ang
katotohanan ay maihahaluntulad sa uwak dahil kahit anong tago mo ay lalabas at lalabas
parin at kalaunang malalaman ng iba ang katotohanan. Maaari mo itong matago nang
matagal ngunit kalauna’y lalabas parin ang katotohanan.

3. Ang taong bihirang mangusap


Di nakasasakit ng damdamin ng ibang tao.

Kapag hindi ka masyadong nagsasalita o nagbibigay ng opinyon mo tungkol sa isang tao,


bagay o pangyayari, mas maliit ang tyansang makasakit ka ng damdamin dahil sa mga sinabi
mo. Ito ang totoo dahil karamihan sa mga taong maraming sinasabi ay nakakasakit ng
damdamin ng kanilang kapwa kaya mas magandang manahimik nalang o limitahan ang mga
sinasabi ng iba.

Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.
Aralin 1: Kaligirang kasaysayan ng Panitikan/Literatura

Ang Literaturang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila

Ang Literatura sa Panahon ng Kastila

Aralin 2: Depinisyon at Tungkulin ng Panitikan/Literatura

Ang panitikan ay mga bungang isip na isinatitik at sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa
wastong ikauunawa sa kahapon, ngayon, at bukas ng isang bansa. (Rufino Alejandro at Juliana C. Pineda)

Masasabi ring ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin at mga karanasan ng sangkatauhan na


nasusulat sa masining at makahulugang mga pahayag.

Ang panitikan ay nasusulat na mga tala ng pinakamabubuting kaisipan at damdamin ng tao. (W. J. Long)

Ang Webster’s Dictionary ay nagbigay ng ganitong depinisyon:


Ang ano mang nasusulat sa anyo mang tuluyan o patula sa isang particular na panahon, lalo na yaong
nasulat bunga ng imahinasyon at kritikal na pag-iisip, nagtataglay ng permanenteng kahalagahan o balyu
at nagbibigay ng mabuting epekto sa damdamin ay matatawag na panitikan.

Ang panitikan ay isang paraan ng pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan sa paraang


ipinararanas sa mambabasa ang kaisipan at damdamin ng manunulat. (Gonzales)

Ang panitikan sa tunay nitong kahulugan at sa malawak nitong saklaw ay nagiging deskripsyon,
interpretasyon at ekspresyon ng kagandahan, kalungkutan, kasiyahan, kasalatan, at kapayakan sa
pamamagitan ng matalas at mayamang guniguni o imahinasyon ng tagagawa ng panitikan (Lopez 1936).
Umano’y inihahanda nito ang tao sa pagbabago. Nagbibigay linaw rin ito kung bakit mahalaga ang
pagbabago at kung paano ito naisasakatuparan. Samakatwid, ang panitikan ay isang makapangyarihang
paraan ng pakikipag-ugnayang panlipunan.

Ang panitikan/literatura ay isa sa mga mabisang ekspresyon ng lipunan, isa ito sa mga pangunahing
institusyon ng pagsasalin ng kultura sa mga henerasyon ng bumubuo sa bawat lipunan. Hindi salamin o
repleksyon ang literatura kundi institusyon at kasangkapan na nakatudla sa pagkakamit ng
enkulturatibong pag-unlad ng pag-iisip at kakayahan ng mga bata sa loob ng isang lipunan. ( Hornedo
2004)
Pagsasanay
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na pahayag/katanungan. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

1. Ang literatura ay isang makapangyarihang paraan ng pakikipag-ugnayang panlipunan. Ipaliwanag.

Ang literatura o panitikan ay isa sa mga mabisang ekspresyon ng lipunan dahil sa


pamamagitan ng literatura ay naipapahayag ng isa ang kaniyang damdamin, hinaing at mga
impormasyong gustong ipabatid sa iba, isa ito sa mga pangunahing institusyon ng pagsasalin
ng kultura sa mga henerasyon na bumubuo sa bawat lipunan. Ito ay ginagamit upang
paunlarin at palalimin ang ugnayan ng bawat lipunan sa paraang mahihikayat din ang iba na
makibahagi. Kaya isang kasangkapan ang literatura o panitikan sa pagkamit ng kaunlaran sa
pag-iisip, kakayahan at ugnayan ng bawat isa sa lipunan.

Panuto: Bumuo ng mga salitang maglalarawan o magpapaliwanag sa salitang PANITIKAN. Angkupan


ang bawat titik ng pangungusap na tutugon sa hinihingi ng gawain.

P- Pagpapahayag
A- Aral
N- Napapanahon
I – Interpretasyon
T- Tuluyan
I- Imahinasyon
K- Karunungan
A- Angkop
N- Nagbibigay ugnayan

Aralin 3: Uri at Anyo ng Literatura

Ang Literatura sa mga Anyong Patula

1. Tulang Pasalaysay – pumapaksa sa mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay, ng kagitingan at


kabayanihan ng tauhan.

a. Awit at Kurido – pumapaksa sa mga pakikipagsapalaran at karaniwang ginagalawan ng mga tauhang


prinsipe at prinsesa (ang halimbawa ng awit ay Florante at Laura at ang kurido naman ay Ibong Adarna).
b. Epiko – tungkol pa rin sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan at ang mga
pangyayaring nakapaloob ditto ay kagila-gilalas at hindi kapani-paniwala.

2. Tulang Liriko o Pandamdamin – tumatalakay sa mga paksang nauukol sa damdamin ng tao

a. Elihiya – ito’y awit na punumpuno ng damdamin patungkol sa isang namatay o namayapa na


b. Dalit – isang awit na pumupuri sa Diyos
c. Soneto – isang awit na may hatid ng aral
d. Awit – pumapaksa sa iba’t ibang uri ng damdamin gaya ng pag-ibig, kalungkutan, kasiyahan at iba pa
e. Oda – may himig ng pamumuri at naghahatid ng damdaming nagbibigay-kasiglahan

3. Tulang Pandulaan

a. Melodrama – ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit nagtatapos nang masaya para sa
pangunahing tauhan
b. Komedya – karaniwang nagtatapos ito nang masaya, may tunggalian ang mga tauhan sa umpisa
subali’t ito’y nalulunasan kung kaya masaya ang wakas ng dula
c. Parsa – isang uri ng dula na nagpapasaya
d. Trahedya – kabaliktaran ito ng komedya kung saan ang wakas ay nagtatapos sa kamatayan ng
pangunahing tauhan sa dula
e. Saynete – paksa ng dulangn ito ang paglalahad ng kaugalian ng isang lahi, sa kanyang pamumuhay,
pangingibig at iba pa

4. Tulang Patnigan

a. Karagatan – ito’y batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na inihulog sa dagat upang
mapangasawa niya ang kasintahang mahirap
b. Duplo – isang paligsahan sa husay ng pagtula at pangangatwiran na siyang pumalit sa karagatan
c. Balagtasan – ito’y isang pagtatalo sa paraang patula na nahango sa duplo at karagatan, ang salitang
“Balagtasan” ay hinango mula sa pangalang “Balagtas” na si Francisco Balagtas na siyang “Ama ng
Panulaan”

Pangkalahatang Katangian ng Literatura sa mga Anyong Tuluyan

1. Maikling Kwento
2. Dula
3. Sanaysay
4. Nobela
5. Alamat
6. Anekdota
7. Pabula
8. Parabula
9. Balita
10. Talumpati
11. Tlambuhay

Mga Akdang Pampanitikan na nagdadala ng malaking impluwensiya sa daigdig.

1. Banal na Kasulatan – nagiging batayan ng pananampalatayang Kristiyano


2. Koran (Arabia) _ Bibliya ng mga Muslim
3. Iliad at Odyssey ni Homer (Gresya) – siyang kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya
4. Mahabharata (Indiya) – Kasaysayan ng pananampalataya
5. Divina Comedia ni Dante (Italya) – nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya, at pag-uugali ng
mga Italyano
6. Aklat ng mga Araw ni Confucious (Tsina) – naging batayan ng kalinangan at pananampalatayang Intsik
7. Aklat ng mga patay (Ehipto) – kinapapalooban ng mitolohiya at teolohiya ng mga taga-Ehipto
8. Counterburry Tales ni Chaucer (Inglatera) – naglalarawan ng mga ugaling Ingles at ng kanilang
pananampalataya
9. El Cid Campeador (Espanya) – nagpapahayag ng kanilang mga alamat, pag-uugali, at kasaysayan
10. Uncle Tom’s Cabin – si Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos na nagbukas ng mata ng mga
Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at ang simula ng paglaganap ng demokrasya sa daigdig
11. The Song of Roland (Pransya) – Kinapapalooban ito ng mga kwentong Roncevalls at ang lalong
kilalang Doce Pares ng Pransia
12. Five Classics at Four Books (Tsina) – na kinatititikan ng magandang panahon ni Confucius

Mga akdang Pampanitikan sa Pilipinas

1. Florante at Laura – Francisco Balagtas


2. Noli Me Tangere at El Filibusterismo - Jose Rizal
3. Nena at Neneng – Valeriano H. Pena
4. Banaag at Sikat – Lope K. Santos
5. Maganda Pa ang Daigdig – Lazaro Francisco
6. Kahapon, Ngayon, at Bukas – Aurelio Tolentino
7. Isang Dipang Langit - Amado V. Hernandez
Mga Ibong Mandaragit
Luha ng Buwaya

A. Pagsasanay:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan/pahayag. Piliin sa loob ng kahon ang tamang
sagot at isulat ito sa nakalaang patlang.

Karagatan Balagtasan Karagatan Dalit

Awit Melodrama Duplo Elehiya

Epiko Parsa

Karagatan
1. Ito ay tulang pasalaysay na tumatalakay sa mga paksang nauukol sa damdamin ng tao. __________
2. Ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na inihulog sa dagat upang mapangasawa niya ang
kasintahang mahirap. Karagatan
__________
3. Ang sangkap ng uri ng dula ay malungkot ngunit nagtatapos nang masaya para sa pangunahing
tauhan.Melodrama
__________
Elehiya
4. Ito ay awit na punumpuno ng damdamin patungkol sa isang namatay o namayapa na. __________
5. Ito ay isang paligsahan sa husay ng pagtula at pangangatwiran na siyang pumalit sa karagatan. Duplo
6. Ito ay tungkol sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan at ang mga pangyayaring
Epiko
nakapaloob ditto ay kagila-gilalas at hindi kapani-paniwala. __________
7. Ito ay pumapaksa sa iba’t ibang uri ng damdamin gaya ng pag-ibig, kalungkutan, kasiyahan at iba pa.
Awit
__________
Dalit
8. Ito ay isang awit na pumupuri sa Diyos. __________
9. Ito’y isang pagtatalo o paraang patula na hango sa duplo at karagatan. Balagtasan
__________
Parsa
10. Ito ay isan uri ng dula na nagpapasaya. __________

B. Pagsasanay

Panuto: Ibigay kung saang bansa nabibilang ang mga sumusunod na akda. Isulat ang sagot sa
nakalaang patlang.

1. The Songs of Roland -_Pransya____________________


2. El Cid Campeadir _Espanya___________________
3. Aklat ng mga Patay _Ehipto____________________
4. Divina Comedia _Italya____________________
5. Koran _ Arabia____________________
6. Mahabharata _Indiya____________________
7. Five Classic of Four Books _Tsina________________
8. Uncle Tom’s Cabin _Estados Unidos_____________
9. El Cid Campeador _Espanya____________________
10. Iliad at Odyssey _Gresya____________________

Aralin 4: Maikling kasaysayan ng Literaturang Pilipino

Ang kasaysayan ay mahalagang salik sa pag-unlad ng literatura. Sa kasaysayan nakabatay ang iba’t ibang
kaalamang panliteratura dahil umaalinsunod ang literatura sa takbo ng kasaysayan. Sa patuloy na
pagbabago ng panahon, kasabay ring nagbago ang layunin, tema, nilalaman, anyo, at maging ang wikang
ginagamit sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng tao sa lipunan. Ito ay sa kadahilanag ang bawat
tao’y nakakatagpo ng iba’t ibang buhay at mga karanasan sa patuloy na pakikibaka sa daigdig na
kanyang ginagalawan. Ang mga karanasang ito ang magbibigay tanglaw sa mga pagbabago at pag-unlad
ng ating sariling pagkakakilanlan.

ANG LITERATURANG PILIPINO BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

Ayon sa kasaysayan bago pa man din masakop ng Imperyo ng Madjapahit ang Pilipinas ay may literatura
nang maituturing ang ating mga ninuno at ito ay nagsimula sa pasalitang tradisyon. Ang mga aral ay
patnubay na nalikha ng mga matatanda nating ninuno na natagpuang nagpasalin-salin sa bibig noon ang
siyang itinuturing na pinagmulan ng Literaturang Pilipino. Likas sa mga Pilipino ang kagandahan sa
pagpapahayag ng ano mang kanilang iniisip kaugnay ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ano
mang katanungan ay kanilang nasasagot sa pamamagitan ng magagandang paliwanag na bunga ng
kanilang matalinong pag-iisip. Ang mga tanong na bakit ganito/ganoon ang isang bagay na napapansin
sa kapaligiran ay natutugunan ng mga paliwanag na ibinabatay sa kanilang mga matatalinong
obserbasyon at marahil doon nagsimula ang mga alamat na sinasabing isa sa matandang anyo ng
literaturang nakilala. Karamihan sa mga panitikan nila ay yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong,
tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain, at awiting bayan na anyong patula; mga kuwentong –bayan,
alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylang bilang
pinakaunang anyo ng dula sa bansa.

Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring nasulat sa mga piraso ng
kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga
arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang
dumating sila sa bansa.

ANG MGA ITA

 Unang nanirahan sa ating mga pulo


 Nakilala sa tawag na ita, ayta o agta at kung minsa’y beluga
 Sila ay walang pamahalaan, panulat, sining, siyensya, bagamat sanay sa gamit ng busog at pana
sa paghahanap ng makakain

ANG MGA INDONESYO

 Nakarating sa Pilipinas may 8,000 taon na


 Nang sumapit sila rito’y may malalaking pangangatawan, maitim na balat, makapal na labi,
malaking ilong, at pangahan
 May kabihasnan silang higit sa mga Negrito
May pamahalaan
Nagsusuot ng damit
Nagluluto ng pagkain
Nagsasaing sa tukil
Marunong magpaningas ng apoy
 Mayroon silang alamat at mga epiko, mga pamahiin, at mga bulong na pangmahiya

ANG MGA BUMBAY

 Ang mga Bumbay o Hindu ay nakarating sa Pilipinas noong ika-12 siglo. Ang unang sapit ng mga
Bumbay ay nanggaling sa Borneo at sila’y nagdala ng pananampalatayang Budismo. Epiko, at
Mahiya.
 Ang Ikalawang sapit ay nanggaling sa Java at Borneo din noong ika-14 na siglo, nagdala sila ng
pananampalatayang Bramanistiko at panitikang epiko, awiting bayan at liriko. Marami ding mga
salitang Bumbay o Hindu na bahagi na ng wikang Pilipino. Ang mga ito’y guro, bansa, mukha,
likha, hukom, dukha, at iba pa.

ANG MGA ARABE AT PERSYA

 Dumating ang mga Arabe sa Pilipinas noong ika-12 siglo, ngunit ang nagdala ng
pananampalatayang Muslim ay ang tinatawag na “Hadramaut Sayyids” mga misyonerong Arabe
na nanggaling sa Malaysia at dumating sa Pilipinas noong ika-16 na siglo.
 Kasama nila ang maraming mangangalakal na Arabe at Persiyano, sila’y nanirahan sa Mindanao
at Sulu. Nagdala rin sila ng mga epiko, kuwentong-bayan, dula, at alamat.

ANG MGA MALAY


 Tatlong pangkat ng mga Malay ang nakarating sa Pilipinas

1. Ang mga Malay na ito’y nagdala ng kanilang pananampalatayang pagano at mga awiting
pangrelihiyon. Sila’y nangagitara sa kabundukan ng Luzon at sila ang mga ninuno ng mga
Igorot, Bontok, at Tinguianes. (kumulang humigit sa 200 taon bago namatay si Kristo at 100
taon pagkamatay ni Kristo)
2. Mga ninuno ng mga Tagalog, Bisaya, Ilokano, at mga iba pa. Sila’y may dalang wika,
alpabeto, awiting bayan, kuwentong-bayan, mga alamat, at mga karunungang bayan. Ang
mga ito bagamat mga tubong Malaysia ay kung saan-saan nanggaling na mga kalapit bansa
gaya ng Borneo, Malacca at Indonesya at pagdating sa Pilipinas ay kumalat sila sa iba’t ibang
lalawigan ng Luzon at Visayas. Sila ang nagdala ng Barangay. (100 hanggang 1300 taon
pagkamatay ni Kristo)
3. Ikatlong pangkat ay ang mga Malay na Moslem. Nagsidating sila noong 1300 at 1500 taon.
Nanggaling sila sa Malaysia at nanirahan sa Mindanao at Sulu. Nagdala sila dito ng epiko,
alamat, kuwentong-bayan, at pananampalatayang Moslem.

ANG MGA INTSIK

 Ang mga Intsik ay nakarating sa Pilipinas sa pagitan ng ikatlo hanggang ikawalong siglo. Ang mga
Intsik ay nagdala ng kanilang wika-kaya’t mahigit 600 salitang Intsik ay bahagi na ng wikang
Pilipino.
 Ang mga salitang gusi, susi, mangkok, talyasi, kawali, kawa, bakya, tingi, Ingkong, Impo, bayaw,
inso, kuya, diko, sangko, at mga iba pa ay nanggaling sa Intsik. Ang ilang kaugaliang sosyal ay
galing din sa kanila. Ang Pilipinas ay nasakop ng mga Intsik noong taong 1405 hanggang 1417
noong panahon ni Yonglo.

Impluwensya ng Imperyo ng Madyapahit/Kambodya

 Ang Imperyo ng Madyapahit na ang pinakasentro ay Java sa Indonesya ay naging


napakamakapangyarihan at maraming mga kalapit bansa ang nasakop. Kabilang dito ay Indo
Tsina, Cambodia, Siam, Anam, Tonkin at Pilipinas. Kaya’t ang Pilipinas ay nagkaroon ng
impluwensya ng mga bansang nabanggit lalo na sa panitikan.
 Ang mga kuwentong bayan ng Cebu, Panay, Negros at Palawan ay katulad ng mga kuwentong
bayan ng mga nabanggit na mga bansa.

ANG KAHARIAN NG MALACCA

 Sa pagbagsak ng Imperyo ng Madjapahit ay ang Imperyo naman ng Malacca ang naging


makapangyarihan sa Silangan.
 Nagtatag sila ng pamahalaang pinamumunuan ng mga Sultan o Rajah. Tumagal ang
kapangyarihan ng Malacca ng may 20 taon mula noong 1430 hanggang 1450.
 Nagtatag sila ng pamahalaang pinamumunuan ng mga Sultan o Rajah.
 Sinasabing ang karaniwang pahayag na “Alla-eh” sa Batangas ay impluwensya ng Imperyo ng
Malacca.
ANG LITERATURA SA PANAHON NG KASTILA

Nang sakupin tayo ng mga Kastila sa panahon ni Miguel Lopez de Legaspi noong 1565 bilang kauna-
unahang Gobernador Heneral ay nagkaroon ng pagbibihis ang literaturang Pilipino kasabay ng maraming
pagbabago sa buhay ng mga Pilipino. Mahigit sa tatlong dantaon tayong sinakop ng mga Kastila at ang
mahabang panahong iyon ay nagdulot ng maraming impluwensiya ang mga Kastila sa Panitikang Pilipino.
Ang Alibata na siyang kauna-unahang alpabetong Pilipino ay pinalitan ng mga Kastila ng alpabetong
Romano. Ang wikang Kastila ay naging wika ng literature sa panahon ng mga Kastila. Maraming wikang
napahalo sa wikang Pilipino. Pumasok ang mga alamat ng Europa at mga tradisyong Europeo sa bansa at
naging bahagi ng Panitikang Pilipino ang awit at korido, moro-moro at iba pang akda.

Ang matandang literaturang Pilipino ay sinuri ng mga Kastila. Pinili nila ang mga kathnang maaaring
makatulong sa kanilang layunin na mapalaganap ang Kristiyanismo. Ang mga kathang hindi magiging
kapakipakinabang sa kanila ay kanilang sinunog.

Sa kanilang pananakop napansin nilang malaking bahagi ng pamumuhay ng mga matatandang Pilipino
ang literatura. Nakita nilang mahilig tumula ang mga Pilipino, mahilig umawit at gumagamit ng mga
salawikain, kawikaan, at mga kasabihan sa kanilang pangangaral upang mahubog ang kagandahang asal
sa mga kabataan. Ang pagtula ay ginagawang laro at ang mga bugtong ay ginagamit nila sa pagpapatalas
ng isip.
Pinalitan ng mga misyonerong Kastila ang mga sinunog na literaturang Pilipino ng mga sariling akda na
sila mismo ang nagsisulat. Sumulat sila ng mga akdang tiyak na magagamit nila sa pagpapalaganap ng
Kristiyanismo. Tatlong paksa lamang ang kanilang pinairal at pinalaganap – mga paksang panrelihiyon,
pangkagandahang - asal, at pangwika. Nanatili ang anyong tuluyan at patula sa mga akda. Nanatili ang
anyong patula at tuluyan sa mga akda. Sa panulaan ay lumabas ang mga tulang nasulat nasulat sa
dalawang wika, sa Kastila at sa Tagalog na sinulat ng mga tinatawag na Ladino. Noon nakilala ang
mahahabang tulang pasalaysay na makarelihiyon, ang awit at korido at iba pang mga akdang may
tradisyong Europeo. Dumating na rin sa Pilipinas ang mahahabang kasaysayang tuluyan na panrelihiyon
na siyang itinuring na pinagmulan ng nobela, ang Barlaan at Josapat.

Nagsimula na rin ang pagtatanghal ng mga dulang patula tulad ng duplo, moro-moro, at senakulo na
pawang ang tema ay panrelihiyon. Ang duplo ang ginawa ng mga Kastilang panumbas sa katutubong
dulang Karagatan na kinagiliwan sa matandang panahon sapagkat ito ay itinatanghal sa paraang patula
ng mga dalaga at binata.

Nagkaroon na rin ng mga sanaysay tungkol sa kagandahang – asal at mga pag-aaral tungkol sa wika.
Nabasa sa panahongn ito ang katipunan ng mga liham nina Urbana at Feliza, mga anekdota at sermon ni
Padre Modesto de Castro.

Sa panahong din ito lumabas at nabasa ang salin sa Tagalog ng buhay at papapakasakit ni Hesukristo sa
anyo ng mahabang tulang pasalaysay – Ang Mahal na Pasyon ni Hesukristong Panginoon Natin ni
Gaspar Aquino de Belen na kanyang sinulat sa wikang Tagalog. Ayon sa ginawang pagsusuri, ang Pasyon
ay maaaring epiko sa panahon ng Kastila. Si Gaspar Aquino de Belen din ang kauna-unahang umawit ng
Pasyon sa Tagalog.

Iba pang manunulat ng Pasyon


1. Padre Mariano Pilapil
2. Aniceto dela Merced
3. Don Luis Guian
3. Pari Manuel L. Grijalba

Padre Francisco Blancas de San Jose- sumulat ng aklat na ang pamagat ay Arte y Reglas dela Lengua
Tagala.
Padre Francisco Pedro de San Agustin-sumulat ng aklat na ang pamagat ay Compendio del Arte de la
Lengua Tagala

Sa panahong ito nagkaroon ng iba’t ibang aklat pambalarila sa mga wikang Tagalog, Bikolano,
Kapampangan, Ilokano, at Bisaya.

Pagsasanay/Gawain

A. Panuto. Suriin ang mga sumusunod na halimbawa ng mga karunungang bayan. Isulat sa patlang
kung ang halimbawa ay salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan, bulong, kasabihan, at kawikaan.

1. Ang nagpapakataas ay ibababa at ang nagpapakababa ay itataas. Salawikain


2. Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka’t nasa pugad Kasabihan
3. Huwag magagalit kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag-utusan. Bugtong
4. May isang prinsesang sa tore ay nakatira, balita sa kaharian, pambihirang
ganda. Bawal tumingala upang siya’y makita. Ano ang gagawin ng binatang
sumisinta. Palaisipan
5. Ang tunay na kaibigan sa gipit nasusubukan. Salawikain

B. Panuto. Magbigay ng sariling halimbawa ng mga sumusunod.

1. Salawikain (2)
- Pulutin ang mabuti, itapon ang masama.
- Ang katotohanan kahit na ibaon ay mabubulgar din.

2. Sawikain (1)
- Nabuhusan ng asin. (Nagulat)

3. Bugtong (3)
- Nakahiga kung gutom, Nakatayo kung busog.
- Mahaba kapag hindi gamit, maiksi kapag ginagamit.
- Dalagang maganda, masakit sa mata kung titigan.

4. Palaisipan (2)
- Ano ang makikita mo sa gitna ng bahay? Sagot: H
- Hindi tao at hindi rin hayop ngunit marunong tumawag? Sagot: Cellphone

5. Kawikaan (2)
- Huwag kang managhili sa taong marahas, at huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga
lakad.
- Siya ay punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya: at mapalad ang bawa't isa
na nangamamalagi sa kaniya.

C. Panuto. Magbigay ng sariling impormasyon/nalalaman sa mga sumusunod na paksa.

1. Kasunduan sa Paris
- Ang Kasunduang Paris ng 1898 ay pormal na tratadong nilagdaan ng España at ng Estados
Unidos sa Paris noong 10 Disyembre 1898. Nilagdaan ito noong 10 Disyembre 1898 at
naipatupad noong 11 Abril 1899. Ito ang naging wakas ng imperyo ng España sa America at sa
Pasipiko at simula naman ng imperyalismong Americano.

2. Paglaganap ng Alpabetong Romano


- May sarili na tayong alpabeto noon at ito ay ang Alibata, ang kauna-unahang alpabetong
Pilipino. Ang Alibata ay mayroong 14 katinig at 3 patinig. Ngunit nang dumating ang mga
Kastila noong dantaon 16, pinalitan nila ang Alibata ng Alpabetong Romano.

3. Humanidades
- Ito ay tungkol sa mga araling nauukol sa tao o mga araling pantao, mga disiplinang
akademiko na nag-aaral sa mga kondisyong pangtao na ginagamitan ng mga paraan ng
malawakang pagsusuri, pagpuna at pagbabakasakali. Ang Humanidades ay mula sa
imperikong gawi na ginagamit sa mga likas na agham at mga agham panlipunan. Ilan sa mga
halimbawa ng mga disiplina may kinalaman sa humanidades ang mga pag-aaral ng mga
sinauna at makabagong mga wika, panitikan, kasaysayan at pilosopiya.

4. Literasi sa Kompyuter
- Ang literasi sa kompyuter ay anumang anyo ng pakikipagtalastasan sa pagitan ng dalawa o
higit pa na mga indibiduwal na mga tao na nakikipagusap at/o nagbibigay ng impluwensiya sa
bawat isa sa pamamagitan ng magkahiwalay na mga kompyuter. Hindi kabilang dito ang mga
pamamaraan na kung saan nag-uusap ang dalawang kompyuter, sa halip kung papaano
makipagtalastasan ang mga tao na gamit ang kompyuter. Kabilang sa maibubunga ng pagpalit
ng komunikasyon na mas ginagamit ang kompyuter na anyo ang binagong: pagbubuo ng
impresyon, paglinlang at pagsisinungaling na pag-uugali, daynamikong grupo, di pagpipigil at
lalo na ang pagbubuo ng ugnayan.

5. Edukasyong Pangkabuhayan
- Ito ay naisasagawa nang may sapat na kaalaman, saloobin at kasanayan sa kamalayan ng
isang indibidwal sa pagpapahalaga ng sariling kultura, kakayanan, positibong pananaw sa
likas na yaman, maka agham at makabagong teknolohiya, at praktikal na pag-gamit ng sining
para sa pangangalaga sa sarili, sa tahanan at sa kabuhayan. Naisasagawa ito para sa pag-
unlad ng sarling kabuhayan at pati ng panlipunang pamumuhay.

Ang Literatura Sa Panahon Ng Propaganda At Himagsikan


Layunin ng Kilusang Propaganda.

1. Magkaroon ng pantay na-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas.


2. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
3. Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya.
4. Gawing mga Pilipino ang mga kura paroko.
5. Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon o pagpupulong, at
pagpapahayag ng kanilang mga karaingan.

Ang kilusang ito ay binubuo ng pangkat ng mga intelektuwal sa gitnang uri na tulad nina.

1. Jose Rizal (Laong Laan at Dimasalang)


a. Noli Me Tangere
b. El Filibusterismo
c. Mi Ultimo Adios
d. Sobre La Indolencia de Los Filipinos (Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino)
e. Filipinas Dentro De Cien Anos (Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon)
f. A La Juventud Filipino (Sa Kabataang Filipino)
g. El Consejo De Los Dioses (Ang Kapulungan ng mga Bathala)
h. Junto Pasig (Sa Tabi ng Ilog)
i. Me Piden Versos(Hinilingan Nila Ako ng mga Tula)
j. Notas A La Obra Sucesos De Las Filipinas Por El Dr. Antonio Morga (Mga Tala sa Akdang mga
Pangyayari sa Pilipinas ni Dr. Antonio De Morga)
k. P. Jacinto. Memorias de Un Estudiante de Manila (P. Jacinto. Memorias de Un Estudiante de Manila.
Mga Gunita ng Isang Estudyante sa Maynila)
l. Diario de Viaje de Norte Amerika (Talaarawan ng Paglalakbay sa Hilagang Amerika)

2. Marcelo H. del Pilar (Plaridel, Pupdoh, Piping Dilat, at Dolores Manapat)


a. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
b. Kaiingat Kayo
c. Dasalan at Tocsohan
d. Ang Cadaquilaan ng Dios
e. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
f. Dupluhan…Dalit…Mga Bugtong
g. La Soberana en Filipinas
h. Por Telepono
i. Pasiong Dagat Ipag-Alab ng Puso ng Taong Babasa

3. Graciano Lopez Jaena


a. Ang Fray Botod
b. La Hija del Praile , at ang “Everything is Hambug”
c. Sa mga Pilipino
d. Talumpating Pagunita kay Kolumbus
e. En Honor del Presidente Marayta dela Asociation Hispano-Pilipino
f. Amor A. Espana o Alas Jovenas de Malolos
g. El Bandolerismo En Pilipinas
h. Honor En Pilipinas
i. Pag-aalis ng Buwis sa Pilipinas
j. Isang Paglinang sa “Institucion ng Pilipinas”
k. Mga Kahirapan ng Pilipinas

4. Antonio Luna (Taga-ilog)


a. Noche Buena
b. Se Divierten (Naglilibang Sila)
c. La tertulia Filipina (Sa Piging ng mga Pilipino)
d. Por Madrid
e. La Casa de Huespedes (Ang Pangaserahan)
f. Impresiones

5. Mariano Ponce (Tikbalang, Kalipulako, at Naning)


a. Mga Alamat ng Bulacan
b. Pagpugot kay Longino
c. Sobre Filipinas
d. Ang Mga Pilipino Sa Indo-Tsina

6. Pedro Paterno
a. Ninay
b. A Mi Madre ( Sa Aking Ina)
c. Sampaguitas Y Poesias Varias

7. Jose Ma. Panganiban (Jomapa)


a. Ang Lupang Tinubuan
b. Sa Aking Buhay
c. Su Plun de Estudio
d. El Pensamiento

Mga Manunulat Sa Panahon ng Tahasang Paghihimagsik

1. Andres Bonifacio (Ama ng Demokrasyang Pilipino), (Ama ng Katipunan)


a. Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan
b. Huling Paalam (Salin sa Tagalog)
c. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa (isang tulang naging katulad din ng pamagat ng kay Marcelo H. del Pilar)

2.Emilio Jacinto (Utak ng Katipunan)


a.Kartilya ng Katipunan
b.Liwanag at Dilim
c. A Mi Madre (Sa Aking Ina) isang madamdaming oda
d. A La Patria (obra maestra ni Jacinto)

Pagsasanay

A. Panuto. Isulat sa patlang ang may-akda ng mga sumusunod.

1. Sobre La Indolencia de los Filipinos _Jose Rizal____________________________


2. Dasalan at Tocsohan _ Marcelo H. Del Pilar______________________
3.Ninay _ Pedro Paterno____________________________
4. Fray Botod _ Graciano Lopez Jaena____________________
5. Se Divierten _ Antonio Luna_____________________________
6. Sa Aking Buhay _ Jose Ma. Panganiban________________________
7. El Verdadero Decalogo _ Apolinario Mabini________________________
8. Mga Alamat ng Bulakan _ Mariano Ponce_____________________________
9. Liwanag at Dilim _ Emilio Jacinto_____________________________
10. Noche Buena _ Antonio Luna_____________________________

B. Panuto. Isulat sa nakalaang patlang kung kani-kaninong sagisag ang mga sumusunod.

1. Dolores Manapat _ Marcelo H. Del Pilar ______________________


2. Taga-Ilog _ Antonio Luna _____________________________
3. Piping Dilat _ Marcelo H. Del Pilar _____________________
4. Tikbalang _ Mariano Ponce __________________________
5. Pupdoh _ Marcelo H. Del Pilar ______________________
6. Laong Laan _ Jose Rizal ______________________________
7. Jomapa _ Jose Ma. Panganiban __________________
8. Plaridel _ Marcelo H. Del Pilar _____________________
9. Dimasalang _ Jose Rizal _____________________________
10. Kalipulako _ Mariano Ponce _____________________________

Panahon ng Amerikano

Bagamat nakadama ng bahagyang kalayaan ang mga Pilipino sa panahong ito, ang mga manunulat ay
hindi pa rin nagkaroon ng ganap na kalayaang makasulat ng mga nais nilang sulatin sapagkat sa
pamamagitan ng Batas Sedisyon ay pinagbawalan pa ring sumulat o pumaksa sa mga bagay na may
kinalaman sa pamamahala ng mga Amerikano na maaaring makapagpaalab ang kanilang mga karapatan.

Sa panahong ito ipinipilit ang pagbabasa at pag-aaral ng talambuhay nina Lincoln, Washington,
Roosevelt, at iba pang lider na Amerikano. Ipinakita at ikinintal sa isipang Pilipino ang Literaturang
dayuhan at kagandahan ng Amerika.

Ang Bahay Kubo, Leron-Leron Sinta, at iba pang awiting katutubo na inaawit sa mga paaralan ay
pinalitan ng Jack and Jill at iba pang awiting Ingles. Naging hadlang ito sa pag-usbong ng Literaturang
Pilipino subalit sa kabila ng mga hadlang na ito ay may mga manunulat na nagsikap sumulat ng mga
akdang makabayang nang maramdaman nila na may pansariling interes ang mga Amerikano sa ating
bansa.

Si Lope K. Santos ay sumulat ng mga akdang makabayan samantalang sina Juan K. Abad at Aurelio
Tolentino ay sumulat at nagtanghal ng mga dulang nagpapakita rin ng damdaming makabayan. Ang
Tanikalang Ginto ni Juan K. Abad at ang Kahapon, Ngayon, at Bukas ni Aurelio Tolentino ay itinuring na
mapanghimagsik kaya naging dahilan ito ng kanilang pagkakakulong.
Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang lahat ng larangan ng panitikan tulad ng lathalain, tula,
kwento, dula, sanaysay, nobela, at iba pa. Maliwanag na mababasa sa mga akda nila ang pag-ibig sa
bayan at pag-asam ng kalayaan.

Ang masiglang kilusan sa larangan ng panitikan ay nagsimulang mabasa sa mga sumusunod na


pahayagan.

1. El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) – Sergio Osmena


2. El Grito del Pueblo (Ang Sigaw ng Bayan) – Pascual Poblete
3. El Renacimiento (Muling Pagsilang) – Rafael Palma

Mga dula
1. Kahapon, Ngayon, at Bukas – Aurelio Tolentino
2. Tanikalang Ginto – Juan Abad
3. Malaya – Tomas Remegio
4. Walang Sugat – Severino Reyes

Panahon ng Hapones

Kung ang panahon ng mga Amerikano ay Panahon ng Ginto ng nobelang Tagalog, ang Panahon ng mga
Hapones ay naging Gintong panahon ng mga maikling katha at dulang Tagalog sapagkat nabigyan ang
maikling katha ng pagkakataon sa Liwayway. Ang mga akda sa panahong ito ay nagtaglay ng damdaming
makabayan. Nabigyang-diin ang katutubong kulay sa mga maikling kwento at ang mga ito ay pumaksa sa
uri ng pamumuhay noon na medyo may kahirapan.

Isang magandang pangyayari sa panahon ng mga Hapones ang ginagawang panunuri sa mga maikling
kwento na isinagawa ng Surian ng Wikang Pambansa. Pinili ang tatlong pinakamahuhusay na maikling
kwentong nasulat. Nanguna ang “ Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes, pangalawa ang “ Uhaw ang
Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo, at pangatlo ang “Lunsod, Nayon, at Dagat-dagatan” ni N.V.M.
Gonzales.

Ang karaniwang paksa ng mga tula noong Panahon ng Hapon ay tungkol sa bayan o sa pagkamakabayan,
pag-ibig, kalikasan, buhay lalawigan o nayon, pananampalataya, at sining.

Dalawang uri ng tula ang lumaganap sa panahong ito. Kinabibilangan ito ng.

a. Haiku – isang tulang may malayang taludturan na kinagiliwan ng mga Hapones Ito’y binubuo ng
labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod.

b. Tanaga – ito ay binubuo ng apat na taludtod . Ang bawat taludtod ay binubuo ay may pitong pantig at
ito ay nagtataglay ng tugma at sukat.

You might also like