Banghay Sa Pagtuturo Sa Filipino 7 Final
Banghay Sa Pagtuturo Sa Filipino 7 Final
Banghay Sa Pagtuturo Sa Filipino 7 Final
“Tayutay”
I. MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
Naibibigay ang kahulugan ng tayutay gayundin ang mga uri nito
Nailalahad ang mga uri ng tayutay
Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng pangungusap ayon sa mga uri nito
PAGLINANG:
a. Panimulang Gawain:
Pagbati
Paguulat ng liban at Takdang-Aralin
b. Pagganyak
Bago tayo tuluyang pumalaot sa ating aralin, nais ko
munang sagutin ninyo ang mga sumusunod na
Tanong na inihanda ko para sa inyo.
Sagot:
1. Ang pinaniniwalaang kinatatayuan ngayon ng
Halamanan ng Eden. -Turkey
2. Siya ang bayaning namuno sa Rebolusyon ng
ating bansa laban sa Espanya. Siya ay may sagisag
na “Magdiwang.” -Andres Bonifacio
3. Ito ay makikita sa India, inialay ni Emperor Shah
Jahan para sa kaniyang asawang si Mumtaz Mahal. -Taj Mahal
4. Siya ang manunulat na sumulat ng tulang
“Isang Dipang Langit”. Kilala rin siya sa bansag na
“Ang Manunulat ng mga Manggagawa”. -Amado V. Hernandez
5. Ito ay isa sa mga larong kontribusyon ng mga
Pilipino sa buong mundo. -Yoyo
6. Ang elementong mayroong simbolong U. -Uranium
7. Siya ang kauna-unahang taong nakapaglakbay -Yuri Gagarin
sa kalawakan.
TANONG:
mababasa n’yo sa unahan ang mga salitang TATAY UY.
Ano ang mabubuo ninyo salita buhat dito?
Sagot: TAYUTAY
c. Paglalahad ng Aralin:
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o
damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o
paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.
Mga uri ng Tayutay:
1. Paglalahad
2. Pagwawangis
3. Pagsasatao
4. Pagtawag
5. Pag-uulit
6. Pagmamalabis
7. Panghihimig
8. Panguyam
d. Pagpapalawak ng Gawain
Panuntunan:
Ang guro ay may inihandang walong pahayag at tutukuyin ng mag-aaral kung saang Tayutay ito
nabibilang. Ang klase ay mahahati sa dalawang pangkat. Magkakaroon ng tig-isang kinatawan sa
bawat pahayag. Paunahan ang mga kinatawan sa pagsulat ng tamang sagot sa pisara. Matapos
na maibigay ang tamang sagot, pipili ang nanalong kinata-wan ng isang lobo at papuputukin niya ito.
Sa loob ng lobo nakalagay ang kanilang puntos at mayroon ding sorpresa
para sa kaniya.
e. Paglalahat
1. Ano nga ulit ang Tayutay?
2. Ano-ano ang mga uri ng tayutay?
f. Pagtataya