Metodolohiya

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Metodolohiya

inilahad ditto ang mga pamamaraan na ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral ng paksang “ Mga
kwento sa likod ng kawalang kumpiyansa sa pag-aaral at pagsasalita ng lenggwaheng Ingles ng mga
piling mag-aaral sa Meneses Campus Bulacan State University” matatagpuan ditto ang disenyo ng
pananaliksik, pamamaraan ng pag-pili ng mga respondent, instrument ng pananaliksik at pamamaraan o
tritment na nakalap sa datos.

Ang isinasagawang pananaliksik ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya.Napili ng mga mananaliksik


ang deskriptibong pamamaran na gumagamit ng talatanungan upang makalikom ng mga datos.
Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito, sapagkat sa
pamamagitan ng disenyong ito ay mabibigyang linaw ang mga rason sa kawalan ng kumpiyansa sa pag-
aaral ng lingwaheng Ingles ng mga mag-aaral sa kolehiyo.Ayon kina Cassell & Symon, (2004), ang
layunin ng deskriptibong metodolohiya ay makapagsustento ng analisadong konteksto at proseso na
makapagsusuplay sa mga teoryang napag-aralan at higit na maunawaan ang proseso at impluwensiya ng
pananaliksik. Nakatuonang pag-aaral sa pagbibigay interpretasyon sa mga nakalap na opinyon, sagot at
impormasyon mula sa mga piling mag-aaral na kolehiyo. Ang disenyong deskriptibo ay mabisa sa pag-
aaral na ito upang makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik.

Ang napiling respondente sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral sa kolehiyo ng Bulacan State
Univerity, Meneses Campus. Sila ang napiling populasyon dahil ninais ng mga mananaliksik na makuha
ang pananaw at opinyon ng mga mag-aaral sa kolehiyo ukol sa mga pangunahing suliranin na nagiging
epekto ng kawalan ng kumpiyansa sa lingwaheng Ingles, at ito ay batay na rin sa konteksto ng pag-iisip
ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Malayang pumili ang mga mananaliksik ng sampong (10) mag-aaral sa
kolehiyo upang kumatawan sa buong pag-aaral.

Upang mapagtibay ang aming mga nahanap at hinahanap na datos, impormasyon at kasangkapan ukol sa
kanilang napiling paksa, ang mga mananaliksik, gagamit ng isang instrumento para sa kanilang
pagsisiyasat. Ang talatanungan(Interbyu) na naglalaman ng limang (5) katanungan na itinanong sa
sampong (10)mga piling mag-aaral ng nasabing Unibersidad.

Ang talatanungan ay nagtataglay ng mga tanong na maaaring magkaroon ng mga pagkakaiba-iba ng


reaksiyon, opinion, kuro-kuro at pakiramdam ng mga tagatugon na kinapapalooban ng pagsisiyasat na
kung ano-ano ang mga kwento sa likod ng kawalan ng kumpiyansa sa pag-aaral at pag-sasalita ng
lengwaheng ingles sa mga nasabing mag-aaral.

Sa kadahilanang ang pamanahong papel ay panimulang pag-aaral lamang at hindi isang


pangangailangan sa pagtamo ng isang digri, ay walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga
datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istadistika.
1. Anu-ano ang mga pangunahing dahilan kung bakit nahihirapan sa pagsasalita at pag-aaral ng wikang
Ingles?

1.0Mayroon ka bang karanasan na hindi malilimutan na naging dahilan ng kawalang kumpiyansa sa


linggwaheng Ingles?

(malayang papili ng pagsagot base sa unang tanong)

1.1 May takot ba na mabatikos ng iba sa pamamaraan ng hindi pa g konstratibong kritisismo?

2. Anu-ano ang mga kaakibat na epekto sa iyo ng kawalang kumpiyansa sa linggwaheng Ingles? Bakit?

3. Anu-anong mga hamon/Challenges ang kinakaharap kung bakit hindi mapagtagumpayan ang kawalang
kumpiyansa sa pagsasalita at pag-aaral ng wikang Ingles?

4. Para sa iyo gaano kahalaga ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa paggamit ng wikang Ingles?

5. Nakikitaan mo ba ang pagkatuto ng wikang Ingles ng bepisyo at Interest. Ano ang kinalaman nito sa
mababang kumpiyansa sa pag-sasalita ng wikang Ingles?

You might also like