Epekto NG Facebook Sa Bokabularyo - Konseptong Papel

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Mindoro State University

Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

Ang Epekto ng Facebook sa pagpapalawak ng bokabularyong Ingles

ng mga Sekondaryang Mag-aaral ng BSEd- Major

in English sa Grace Mission College

Isang Konseptong Papel bilang pagtupad sa mga pangangailangan ng Asignaturang

Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Inihandog ni:

Ricci Angela A. Gasic

Inihandog kay:

Ginang Joan F. Politico

Guro sa Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Hunyo 2023
I. PAKSA

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa Epekto ng Facebook sa pagpapalawak ng

bokabularyong Ingles ng mga Sekondaryang Mag-aaral ng BSEd- Major in English

sa Grace Mission College.

II. RASYONAL/LAYUNIN

Mahalaga ang paksang ito sapagkat isa sa mahahalagang parte ng pag-aaral ng

lenggwaheng Ingles ay ang bokabularyo. Kaya naman, ang pagpapalawak nito ay

maaaring sumalamin sa kabihasaan ng isang mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa wikang

Ingles.

Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

a. Nakatutulong ba ang Facebook sa pagpapalawak ng bokabularyo ng isang mag-aaral?

b. Ano ang epekto ng Facebook sa pagpapalawak ng bokabularyo ng isang mag-aaral?

c. Ano ang mga hakbang upang maging instrumento ang Facebook sa pagpapalawak ng

bokabularyo?

III. PAMAMARAAN

Isasagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sarbey. Sa

kadahilanang naka-Distance Learning o uma-attend ang mga estudyante ng Grace

Mission College sa pamamagitan ng mga birtwal na klase, napagpasyahan ng

mananaliksik na online sarbey ang pinaka-produktibong instrumento ang gamitin sa


pagkalap ng datos. Google forms ang ispesipikong ginamit sa paggawi ng nasabing

sarbey.

IV. PANIMULA

Sa makabagong panahon, hindi maikakaila na karamihan sa mga tao ay may iba’t

ibang social media platforms sa kani-kanilang mobile cellphones. Ito ang modernong

pamamaraan ng paghahatid ng mensahe, pagtuklas ng iba’t ibang pumapanahong mga

sikat na penomena at nagiging entablado sa pagpapahayag ng sarili ng mga users nito.

Ayon kay Soriano L. (2016), ang social media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag

ugnayan na kung saan lumilikha, nagbabahagi at nakikipag palit ng impormasyon at mga

ideya ng isang virtual na komunidad at mga network. ‘Tila nagsisilbi na ang social media

na isa sa mga pang-araw araw na kagamitan ng mga tao maging ang layunin man nila ay

makipag-usap, mag-aliw, matuto o iba pang layunin.

Kapag pag-uusapan ang social media, isa sa mga hindi malilimutan at sikat na

platporm ay ang Facebook. Ang Facebook ay isang social networking site na maaaring

magamit ng sinuman mapa-bata o matanda, sa iba’t ibang parte ng mundo sapagkat ito ay

libre. Ito ay itinatagtag at pagmamay-ari ni Mark Zuckerberg. Ang nasabing platporm ay

inilunsad noong taong 2004 at patuloy na naging tanyag sa paglipas ng taon at hanggang

ngayon patuloy maraming gumagamit at nakikinabang. Ayon sa sarbey ng statista,

Facebook pa rin ang nagungunang social media site na ginagamit ng mga Pilipinong

internet users. Ang impromasyon na ito ay ayon noong 3rd quarter ng taong 2022.
Sa kadahilanan na maraming impormasyon ang nakalagay sa Facebook, hindi

maiiwasang maraming hindi pamilyar na salita ang makakaharap natin dito. Tiyak na ang

Facebook ay isang sikat na platporm ngunit sa pag-aaral na ito ay nais nating malaman

kung ito ba ay ibang silbi bukod sa pagiging kagamitan sa pag-uusap at pag-eexpress ng

sarili. Ang partikular na nais alamin ng pananaliksik na ito ay kung may epekto ba ito sa

pagpapalawak ng bokubularyo ng mga mag-aaral ng BSED- Major in English ng Grace

College Mission.

V. PAGTALAKAY

Ayon kay Ma. Fe Gannaban, PhD (2013), ang social media o social networking

sites ay isa sa mga dulog-teknolohikal na magagamit ng mga guro sa pagtuturo sa

kanilang mga estudyante. Maaaring magbigay ito ng oportunidad sa mga guro upang

komonekta sa kaniyang mga mag-aaral. Ayon kay Pascual L (2016), na may pamagat na

“Ang Epekto ng Facebook sa mga Mag-aaral at Edukasyon”, mas pinaliit ng Facebook

ang mundo dahil inuulan tayo ng maraming impormasyon, mas malawak na kaalaman at

mas mabuting oportunidad upang magamit ang mga ito.

Ayon kina Hyllegard,Ogle.Yan at Rietz (2011), nalaman nilang madalas gamitin

na social media ng mga estudyante ay ang mga Facebook. Ito’y ginagamit nila upang

magtatag ng personal na koneksyon sa ibang tao, mailbas ang tunay napagkatao, at

makilala ang kanilang sarili.


Ayon kay Wasta Fari (2010), ang pinaka sikat na website ngayon ay ang

Facebook, dahil sa patuloy na pagtangkilik at pagdami ng mga aktibong gumagamit nito.

Hindi matatawaran ang kabutihang naidudulot nito upang pag-ugnayin ang iba’t ibang

uring indibiduwal.

Ayon kina Naughton at Oblak (2011), ang internet ay nakabubuo ng relasyong

panlipunan na hindi nangyari noong hindi pa ito dumadating. Ang internet na higit na

kinakailangan upang magkaroon ng access sa iba’t ibang social media.

VI. LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay nalalayong malaman kung mayroon nga bang epekto ang

Facebook sa pagpapalwak ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay

gumamit ng deskriptibong pananaliksik, upang makakalakap ng mga datos na hahanguan

ng interpretasyon upang makamit ang layunin ng pananaliksik. Nakipanayam ang

mananaliksik sa pamamagitan ng sarbey sa pangkat ng BSED- Major in English gamit

ang Facebook Messenger upang kumuha ng mga impormasyong magagamit sa pag-

aanalisa ng paggamit ng Facebook ng mga respondente.

Batay sa isinagawang pakikipanayam sa dalawampung (20) respondente ng

BSED- Major in English at sa pamamagitan ng sarbey na kanilang sinagutan. Nakagawa

ng isang malinaw na interpretasyon ang mananaliksik ukol sa paksang napili. Natuklasan

na bagaman hindi malaki pero tiyak na mayroong epekto ang Facebook sa pagpapalawak

ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Natuklasan ng mananaliksik na kapag may nakikitang


bagong salita ang mga respondente ay sini-search nila ito ngunit hindi sa Facebook kung

hindi sa ibang platporm.

VII. KONGKLUSYON

Mga natuklasan sa pananaliksik na ito:

a. Tunay na nakakatulong sa pagpapalawak ng bokabularyo ng mga mag-aaral ang

paggamit ng Facebook.

b. Sa pagpapalawak ng bokabularyo, positibo at produktibo ang dulot ng Facebook.

c. Natuklasan ng mananaliksik na imbes na Facebook ay Google ang search engine

na ginagamit ng mga mag-aaral sa paghahanap ng kahulugan ng mga bagong salitang

kanilang na-eencounter sa unang nasabing platporm.

VII. REKOMENDASYON

Buong pagpapakumbabang iminumungkahi ng mananaliksik ang mag sumusunod:

a. Para sa mga mag-aaral, gawing produktibo at makabuluhan ang paggamit ng

Facebook. Sa tuwing may makikitang hindi pamilyar na salita ay ugaliing alamin ang

kahulugan nito para sa pagpapalawak ng bokabularyo.

b. Para sa mga bumubuo ng Facebook, mainam kung may sariling search engine, na

nagbibigay ng tamang impormasyon, ito upang hindi na lilipat sa iba pang site ang

mga user na nais alamin ang mga pakahulugan.


c. Para sa mga susunod na mananaliksik, maaaring ibang platporm naman ang pag-

aralan gaya ng Tiktok na ngayon ay sumisikat na rin.


VIII. TALAAN NG MGA SANGGUNIAN
Luzande, C. From https://ph.theasianparent.com/epekto-ng-social-media-sa-kabataan.
Retrieved June 8, 2023.
Zerna, A. (2023, April 3) From
https://www.scribd.com/document/635688584/Impluwensya-Ng-Social-Media-Sa-
Pagpapaunlad-Ng-Bukabularyo-Sa-Wikang-Filipino-Ng-Mga-Mag. Retrieved June 8,
2023.
Devera, I. (2019, October 22) From https://www.scribd.com/document/431406967/Mga-
Epekto-Ng-Paggamit-Ng-Facebook. Retrieved June 8, 2023.
The Editors of Encyclopedia Britannica (2023, June 6). From
https://www.britannica.com/biography/Mark-Zuckerberg. Retrieved June 14, 2023.

Statista Research Department (2023, February 21). From


https://www.statista.com/statistics/1127983/philippines-leading-social-media-platforms/.
Retrieved June 14, 2023.
IX. APENDIKS

Ang aking
biodata
Ako si Ricci Angela A. Gasic

Personal na Impormasyon Edukasyon

Polytehcnic University of the Philippines


E-mail:
[email protected]
Isang taong nag-aral ng kursong BA Political Science
Cellphone number: 09167071787
Divine Word College of Calapan
Tirahan: Poblacion 3, Victoria,
Oriental Mindoro Nagtapos ng Senior High School

With Honors

Good Shepherd Academy


Personal Skills
Nagtapos ng Junior High School
Dating debater at newswriter.
With Honors

Work Experience

 Nag-summer job sa Munisipyo ng Victoria sa opisina ng


Sangguniang Bayan ng dalawang beses.
 Naging assistant sa isang pribadong online shop.

You might also like