Final 3 Tesis

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

24

Ang pangunahing layunin ng penomenolohiya ay upang maibsan ang mga

karanasan ng mga tao lalo na sa penomenon. Tinukoy ng mga mananaliksik ang

penomenon kasunod sa pagkalap ng datos galing sa mga taong mayroong karanasan

sa penomena at ang deskripsyong ito ay nagpapayabong ng mga karanasan sa lahat ng

indibidwal. Ang deskripsyon ay galing sa kanilang mga karanasan at kung paano nila

ito naranasan (Van Manen, 1990 itinala ni Lasco sa kanyang pag-aaral noong 2014).

Ang disenyong kwalitatibong penomenolohikal ay ang metodong ginagamit sa

pag – aaral na ito upang galugarin ang istruktura ng kamalayan sa karanasan ng bawat

indibidwal. Ang resulta sa penomenolohikal na pag–aaral ay deskripsyon sa istruktura

ng kanilang mga karanasan. Nagbigay ito ng malalim na pag-intindi sa mga

nabubuhay na karanasan (Holloway, 2000).

Karaniwan, ang penomenolohiya ay nag-aaral patungkol sa istruktura ng iba’t

ibang uri ng karanasan galing sa persepsyon, diwa, memorya, imahinasyon, emosyon

at sariling pasiwak tungo sa aksyon at pansosyal na aktibidades kabilang na ang

“Larong pangwika; Tulong sa kasanayang komunikatibo sa Filipino”, karagdagan

nito, ang metodolohiya ay siyang pinakaangkop na panggalugarin na pag-aaral sa mga

gurong sangkot sa pagkuha ng yunit sa kursong edukasyon upang makapagturo at ang

kanilang mga karanasan sa komunidad. Ayon naman kay Kvale noong 2005 sa

kanyang deskripsyon na ang penomenolohiya ay isang mababang pagnilay-nilay sa

pilisopiya na lumulwalhati sa pangkonkreto na relasyon ng tao sa mundo at kabilang

na ang pagkakaisa ng mga karanasan.


25

Mga Ginagampanan ng mga Mananaliksik

Sa pag -aaral na ito, kami kabilang na ang aming tagapayo ay ginampanan ang

isang papel bilang modereytor, isang kronista at isang tagapakinig lalo na sa pagkalap

ng datos. Isa sa mga suhestiyon ni Dornyei (2007) na ang panayam ay kadalasang

inihahambing sa “modereytor” sa mga focus group interview. Dagdag pa niya, na

kahit kailangan pa nilang magtanong, habang nasa sesyon sila ay magkakaroon pa rin

ng tungkulin bilang isang tagapamahala sa diskusyon bilang tagapanayam sa

tradisyunal na pamamaraan. Dahilan sa pagkadinamiko ng focused-group, isa sa mga

kakaibang pagmumukha sa ganitong pamamaraan ay ang paniniguro na ang bawat isa

ay makikiisa na kahit ang mga mahiyain ay magkakaroon ng pagkakataon upang

makapagbigay ng saloobin.

Bilang kronista, hindi man kami mga propesyonal, batid namin ang kanilang

napagdaanang karanasan at naintindihan namin ang kanilang saloobin. Samakatuwid,

ang aming personal na karanasan patungkol sa penomenon ay gagawan namin ng

pagtatag sa kredibilidad ng pasasaliksik.

Bilang tagapakinig, ibinigay namin ang pinakapunto sa mga interviewee na isa

sa mga idinidiin nina Legard, Keegan & Ward noong 2005 na ang unang papel na

ginagampanan ng mga tagapanayam sa in-depth interview ay ang tagapakinig. Ayon

naman kina Burgess (1982), Lofland (1995), makikita sa pag-aaral ni Lasco noong

2014 na ang in-depth interview ay isang paraan ng pag-uusap. Sa kabilang dako, ayon

kina Sidney at Beatrice Webb na ang paraan ng panayam bilang pag-uusap may

kalakip na layunin. Sa totoong pangyayari, kahit na mabuti ang paraang in-depth

interview ay masasabi pa ring ito ay isang natural na magdadala ng maliit na

pagkakatulad sa pang-araw-araw na pag -uusap.


26

Partisipante sa pag-aaral

Sa penomenolohiyang pag -aaral, ang mga partisipante ay galing sa iba’t ibang

paaralan na nasasakop sa probinsya ng Davao Del Norte na kasalukuyang nagtuturo

sa pribado at pampublikong paaralan. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng purposive

sampling dahil ito ang pinakaangkop na paraan para sa pag-aaral ng suliranin kabilang

na ang pananaliksik na ito. Sinabi ni Raagas noong 2010 na ang purposive sampling

na may lima (5) hanggang sa dalawampu’t limang (25) katao ay kailangan gamitan ng

penomenolohiyang pag –aaral. Dagdag pa ni Dornyei (2007) na ang bubuo na tao sa

focused–group ay aabot sa anim (6) hanggang sampu (10), kung minsan labindalawa

(12) katao. Magkakaroon ng limitadong kakayahan sa pagkolekta ng mga

impormasyon kung mayroong mababa sa anim (6) at kung marami naman ito ay

maaaring magkaroon ng kahirapan sa pakikilahok. Sa disenyo ng focus group na pag-

aaral, mayroong dalawang teknikal na katanungan sa pagdidisenyo nito

Sa pag–aaral na ito, binigyan ng pansin ang labing-apat na partisipante na

sangkot sa pag–aaral na ito. Bukod dito, mayroon lamang pito (7) na bukas ang

kalooban upang kapanayamin at gagamitan ito ng in–depth interview habang ang

focus–group discussion naman ay binuo nang pito katao (7). Ipinabatid naming

mananaliksik na kami ay mapagkakatiwalaan sa kanilang mga nabahaging karanasan.

Pag-aanalisa ng mga Datos

Matapos makolekta ang mga datos, ang sinunod na hakbang ay ikakategorya

na ang mga impomasyon. Ang layunin ngayon ay upang matukoy ang ibang huwaran

na kumakatawan sa konsepto na inilahad ng mga partisipante sa bahaging pagkalap ng

mga datos. Ang mga datos ay gagamitin bilang interpretative approach na bahagi ng

pag-aaral na ito. Upang simulan ang prosesong ito sa pag-aanalisa ng mga datos,
27

kinakailangan munang magsalin ng wika. Ang pag-aanalisa ayon kay Kuale noong

una ay ang paghihiwalay sa parte o elemento mula sa kabuuan. Ito ay isang proseso na

sangkot ang pagbibigayang kahulugan sa impormasyon na kinakailangan ng mga

mananaliksik. (Merriam, 1994)

Sa pag-aaral na ito, matutukoy natin ang tema kung ang isang partikular na

ideya o karanasan ay nangingibabaw sa mga partisipante sa grupo. Papangkatin ang

mga pahayag at ang magkatulad na pananaw ay kaklasipikahin. (Smith, et.al., 2009).

Lahat ng mga impormasyon na lumabas sa pag-aaral na ito ay susuportahan at

idudokumento sa pamamagitan ng pagrerekord at ang pagsasalin ng wika para sa mas

madaling paraan ng pag-aaral sa nilalaman nito. Sa paraang ito, ang pagbibigay-

kahulugan ng mga datos ay kailangang kontrolin kung ano ang bibigyang-kahulugan

at ano ang panturing bilang isang alternatibo.

Pagkamakatotohanan

Sa aming pag-aaral, kami ay bubuo ng pagtitiwala sa mga resulta sa

pamamagitan ng paglapat ng iba’t ibang estratehiya upang matugunan ang apat (4) na

halaga ng pagkamakapagkakatiwalaan na nangangailangan ng atensiyon: kredibilidad,

pagkamaaasahan, kompirmabiliti at paglilipat (Sheton, 2004). Ipinahayag din ni Suter

noong 2006 sa kanyang gawa na ang pagkamakapagkakatiwalaan sa kwalitatibong

pananaliksik ay maaaring madagdagan sa pagpapanatili ng mataas na kredibilidad at

pananaw.
28

Kredibilidad

Ayon kina Lincoln at Guba (2004) ito ay isang ebalwasyon kung talagang ang

pag–aaral na ito ay kredibol na interpretasyong konsepto na galing sa datos na

nakalap mula sa mga partisipante. Dagdag pa dito, ayon naman kay Houghton, et al.

(2013) na ang kredibilidad ay kinabibilangan ng dalawa: ang pagsaganap ng isang

pag–aaral sa makatotohanang paraan at ang pagpapakita ng pagkakrebilidad nito.

Upang mabigyan ng halaga ang kredibiliti, gagamitin namin ang ibang teknik: Una,

ilalahad namin ang kredibiliti ng mga karanasan na kung saan isa nito ang layunin ng

pag–alam sa katotohanan at paglalahad sa makatotohanang paraan lalong–lalo na sa

aming mga partisipante (Casey & Murphy, 2009). Ikalawa, upang magkolekta ng

datos sa mga taong kabilang sa aming pag–aaral maging ito man ay mga impormante

o partisipante na bukas sa kanilang mga loob ang kakapanayamin. Ikatlo, ay upang ito

ay aplikahin sa pamamaraang triangulagtion na ang obserbasyon, focus –group

discussions at ang panayam sa mga indibidwal ay makokontrol.

Triangulation

Nakatukoy sa paggamit ng higit sa isang approach sa gagawing imbestigasyon

sa mga katanungan sa aming pananaliksik upang magkaroon nang pagtaas ng tiwala

sa sarili batay sa resulta (Bryman 2003). Ang dalawang pangunahing layunin ng

triangulation ay upang ‘kompirmahin’ ang datos at siguruhin na ang datos ay

kumpleto na. Ang resulta ng triangulation ay magiging instrument o debays para sa

pagyabong ng kredibiliti at akawnt ng pag–aaral (Bryman, 2008).

At ang panghuli, ay upang maaplika ang iba’t ibang teknik upang siguruhin na

ang mga partisipante ay magbibigay at magbabahagi sa kanilang mga karanasan na

siyang sagot na maaaring makuha ng mga partisipante sa pananaliksik o pag-aaral na


29

ito. Napakahalaga rin na iyayabong o papausbungin ng mga mananaliksik ang

magandang katangian sa mga partisipante sa pag–aaral nang sa ganoon ang

magandang sagot galing sa kanila ay makukuha at makokolekta. Ito ay binigyan ng

diin ni Sherton (2004) na nagsabing ang ganitong mga pamamaraan ay napakahalaga

sa pagkuha ng datos.

Dependabiliti

Ayon kay Guba (2007), ito ay isang konspeto na sumasaklaw sa hindi–

makatotohanan kung pag–uusapan ang mabuting kahulugan at ang ibang pagbabago

na iniindorso ng mga imbestigador bilang disenyo ng pag–aaral. Sa kabilang dako,

ang kompormabiliti rin ay ang siyang susukat kung gaano sinusuportahan ang resulta

ng pag–aaral sa tulong ng nakolektang datos (Lincoln at Guba, 2007). Ang ganitong

istratehiya ay magiging daan sa paglinaw ng pag–aaral na ito sa anomaliya sa mga

mananaliksik at dapat ito’y maging patas sa lahat. Kahit na man mayroon kaming mga

haka–haka o mga ideya sa kung ano man ang resulta ng pag–aaral na ito, ang mga

partisipante ay magkakaroon pa rin ng iba’t iba at bagong ideya taliwas at kakaiba sa

aming iniisip. Kinonsidera nina Miles at Huberman noong 1994 na ang isa sa mga

panukat para sa kompormabiliti ay ang lawak na kung saan aaminin ng mga

mananaliksik ang kanyang mga pananaw o ideya. Sa isyung dependabiliti at

kompormabiliti sa pag–aaral na ito, sisiguruhin at gagawin namin ang lahat na ang

mga pagkakakilanlan ng aming partisipante ay mamanatiling kompidensyal.

Pagkatapos itala ang mga impormasyon o datos na nakuha sa pamamagitan ng video

at audio tape ay ibibigay muli sa mga respondente ang mga tinalang impormasyon

para sa beripikasyon at aalukin ng paglagda sa nasabing kompirmasyon o

beripikasyon. Para sa kompormabiliti, kasama namin ang aming data analyst para sa

pag–awdit ng datos na maaaring makalap ng mga mananaliksik sa pag–aaral na ito.


30

Ang aming data analyst ay gagabay sadependabiliti at kompormabiliti ng pag–aaral sa

pamamagitan ng paglagda sa liham–pamberipikasyon. Sa magkaparehong ideya,

nagbigay rin ng pahayag na ang auditor sa pag–aaral na ito ay may dalawang gawain,

una ay ang pagsusuri sa mga proseso ng pag–aaral at ang pagsuri sa resluta o

produkto (Lasco, 2014).

Transferabiliti

Ang digri na kung saan ito’y tumatalakay sa pag–aaplika o paglilipat ng mga

impormasyon, ito’y sinabi nina Lincoln at Guba (1985). Upang mas mabigyan pa ng

linaw ang terminong ito, isasali namin sa Appendix tungkol ang mga dukomentong

ginamit sa pag–aanalisa ng datos at bigyang kasagutan sa mga katanungan upang

makamit namin ang posibleng akses sa pag–aaral na ito. Ang pamamaraang ito ay

nakabatay kay Casey noong 2007. Sinabi niya, sa huling pag-uulat, ang detalyado at

angkop na deskripsyon ay ibibigay at ilalahad nang sa ganoon ang mga mambabasa

ay magkaroon ng desisyon at impormasyon tungkol sa resulta sa kontekstong pag–

aaral. Sa ganitong layunin, ang mga tahasang kasabihan galing sa mga partisipante ay

bibigyan ng ilustrasyon Houghton (2012). Dagdag pa rito, makatutulong din ang mga

kasabihan o quotes galing sa mga partisipante sa pagyabong ng tema galing sa mga

datos na nakuha at nakolekta. Ito ay magbibigay sa ibang mananaliksik ng abilidad o

kakayahan na gawin ang konklusyon at rekomendasyon na batayan sa iba pang pag–

aaral.

Etikal na Konsiderasyon

Ang etikal na konsiderasyon ay kadalasang balanse sa pamamagitan ng

dalawang pagpapahalaga, ang pagtangis sa siyentipikong kaalaman at ang karapatan

ng mga pinag-aralan o kasangkot sa pag-aaral (Neuman, 2006).


31

Ayon sa American Psychological Association (2004) ang layunin ng

pananaliksik ay upang mapadali ang pagkatuto sa pamamagitan ng pag-intindi nito at

paano ito nakaiimpluwensya. Dagdag nito, kailangang siguraduhin ng mga

mananaliksik na walang distruksyon o sagabal na mangyayari sa mga partisipante at

lahat ng mga partisipante ay mangangakong susuportahan at gagabayan ang mga

mananaliksik sa mga impormasyon na maaari nilang makuha. Sisiguruhnin ng mga

mananaliksik na hindi ipapahamak ang mga partisipante at bukas sa kanilang loob ang

maging impormante sa pag–aaral na ito. At sa mga taong hindi pumayag na

kapanayamin para sa pag-aaral ay rerespetuhin ang kanilang desisyon.

Kahit na ang paksa sa pag –aaral na ito ay hindi sensitibo, ilalahad pa rin

namin ang importansya ng pag–aaral na ito. Sisiguruhin din namin na bawat

katanungan ay itatanong sa kanila nang may galang o hindi man ito makasasakit ng

kanilang mga damdamin. Ito ay ginawa ng mga mananaliksik upang maging maayos

ang pagkakabanghay–banghay sa pagkalap ng datos na kakailanganin sa pag–aaral na

ito ngunit ang paglalahad ng proseso sa pananaliksik ay mas mainam at mas

mapadadali ang proseso sa pagkalap ng datos.

Ang mga katanungan sa focus group interview ay ikonokonsederang pasok at

angkop ito sa mga partisipante. Ang mga impormasyon at pagkakaiba ng mga

partisipante ay sinigurung hindi problema o sagabal sa pagkalap ng mga datos. Ang

mga partisipante ay ginabayan nang maayos ayon sa magalang at magandang batayan

sa pagsasagawa ng panayam.

You might also like