Wattpad Final Compilation

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 58

“Epekto ng pagbabasa ng wattpad sa mga mag aaral ng Junior High sa

SRNHS sa taong 2018-2019”

_____________________________________________________________

Isang Sulating Pananaliksik

na inaharap kay

Mr.Noel Antalan

ng San Roque National High School

____________________________________________________________

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa

Pangangailangan ng kursong Filipino 11, Pagbasa at Pagsulat

Tungo sa Pananaliksik

____________________________________________________________

Iniharap Nina :

Vanessa Gemida

Daiserie Reyes

Ducle Daan

Eva mae Betio

Mel dominic Consul

Noejie Nayaja

Enrogel Yama

Lloyd manuel Tabay

Jelly Mae Tienes

Marso 19, 2019

I.
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang sulating pananaliksik na ito ay may pamagat na “Epekto ng pagbabasa ng

wattpad sa mga mag aaral ng Junior High sa SRNHS sa taong 2018-2019”

na inihanda at iniharap nina Vanessa Gemida,Daiserie Reyes,Ducle Daan,Mel

dominic Consul,Noejie Nayaja,Enrogel Yama,Allan Obenita,Lloyd manuel

Tabay,Jelly Mae Tienes ay pinagtibay ng Lupon sa Pagsusulit na Oral noong

Marso 19,2019.

Lupon ng Tagasulit :

GNG.TERESA A. ABAY BB. Ma. YOCHABEL ABAQUITA


Guro Guro

Tinanggap bilang bahagi ng pagtupad sa isa sa mga

pangangailangan ng kursong Filipino 11, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa

Pananaliksik.

MR.NOEL B. ANTALAN MR.JOHNAS A. VILLAVER

Propesor Puno ng Departamento

II.
PAGKILALA

Sa pagsulat ng pananaliksik na ito,naging kaagapay ng mananaliksik ang mga

taong tumulong nang malaki upang ito’y maging matagumpay. Taos puso ang

kanyang pagkilala,pagpapahalaga at pasasalamat sa kanilang tulong, suporta,

panahon, kaalaman, karanasan at inspirasyon upang maisakatuparan ang pag-

aaral na isinagawa.

Mr.Noel Antalan, masinop na tagapayo ng mananaliksik sa kanyang panahon

na gumugol sa pagbibigay ng mga makabuluhang mungkahi, ideya,

pamatnubay at pagwasto upang mapaganda at mapagyaman ang nilalaman.

III.
PAGHAHANDOG

Buong puso at pagmamahal na inihandog ng mga mananaliksik ang pag-aaral

na ito sa mga taong tumulong, gumabay at nagging bahagi’t inspirasyon upang

matagumpay na maisagawa ang pananaliksik na ito.

Sa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng katatagan, lakas, patnubay at

walang hanggang biyaya upang maayos na maisakatuparan ang pag-aaral na ito

at ang siyang lumikha sa ating lahat.

Sa mga magulang ng bawat miyembro na kabilang sa pangkat na ito na

walang sawang umuunawa at sumusuporta para matapos ang pananaliksik na

ito.

At sa aming guro sa Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik, Mr.Noel

Antalan na siyang nagbigay gabay sa amin mula sa simula ng proyekto na ito at

nagging daan upang ito;y maging possible.

At sa lahat ng kabilang sa pangkat na ito na nagbuhos at namuhunan ng oras

at pagod upang ang pagsusuring ito ay maisaganap nang matagumpay.

IV.
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina ng Pamagat…………………………………………………….. I

Dahon ng Pagpapatibay……………………………………………….. II

Pagkilala…………………………………………………………………...III

Paghahandog……………………………………………………………. IV

Abstrak

Kabanata 1. Ang Suliranin at Kaligiran nito

Panimula………………………………………………………………. 1-3

Paglalahad ng Suliranin…………………………………………….. 4

Kahalagahan ng Pananaliksik……………………………………... 5

Balangkas Konseptwal……………………………………………… 6

Batayang Teoritikal…………………………………………………... 7-8

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral…………………………….. 9

Pagbibigay Kahulugan sa mga salita……………………………… 10

V.
Kabanata 2.Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

DAYUHAN NA LITERATURA………………………………..11-12

LOKAL NA LITERATURA…………………………………….12-14

DAYUHAN NA PAG-AARAL………………………………….15-16

LOKAL NA PAG-AARAL………………………………………16-19

Kabanata 3. METODOLOHIYA O PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pag-aaral………………………………………………….20

Respondente at Populasyon…………………………………………20

Teknik sa Pagpili ng Respondente……………………………….20-21

Instrumento sa Pananaliksik………………………………………….21

Hakbang sa Pagkilom ng mga Datos………………………………..21

Estatistikang Pamamaraan……………………………………………22

Kabanata 4. Presentasyon, Pagsusuri at

Interpretasyon ng mga Datos……………………………… 23-32

VI.
KABANATA 5. LAGOM NG MGA NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT

REKOMENDASYON

Lagom ng mga Natuklasan…………………………………………….33-34

Konklusyon ………………………………………………………………34

Rekomendasyon ……………………………………………………….35-36

Talasanggunian

Ang mga Apendiks

Pansariling Tala ng mananaliksik

VII
TALAHANAYAN NG PIGURA

Pigura 1………………………………………………………. 23

Pigura 2………………………………………………………. 24

Pigura 3………………………………………………………. 25

Pigura 4………………………………………………………. 26

Pigura 5………………………………………………………. 27

Pigura 6………………………………………………………. 28

Pigura 7………………………………………………………. 39

Pigura 8………………………………………………………. 30

Pigura 9. ……………………………………………………... 31

Pigura 10. ……………………………………………………. 32

VIII.
ABSTRAK

Ang pagbabasa ay isang mabisang sandata sa pag-aaral. Isa ring

magandang paraan upang malinang ang mga kasanayan sa pagbabasa at

pagsusulat.Hindi maikakaila na nakatulong ang pagbabasa para tayo ay

matuto.Isa na diyan ang pagbabasa ng wattpad. Ang pagbabasa ng wattpad ay

humuhubog sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbabasa at pagsusulat.

Nalilinang rin nito ang ating bokabularyo, nakakapagturo ng aral,

nakakapagpalawak ng kaisipan ukol sa realidad. Ito rin ay nakakatulong sa

kanilang mga proyekto at takdang aralin na may kaugnayan sa literatura. Ang

mga mambabasa ay nakakuha ng aral at nakakadagdag ng kaalaman. Ito rin ay

nakakapagpalawak ng isipan. Ang pagbabasa ay isang paraan upang tayo ay

matuto at madadagan ang kaalaman sa isang bagay. Ang pagbabasa ng

wattpad ay ginawang libangan ng mga mag-aaral upang mabawasan ang stress

na dala ng pag-aaral. Ang pagbabasa ay nagtuturo sa mga mababasa upang

maging kritikal sa pagbabasa at upang mas basahin at mas damdamin pa nila

ang kwento.Sa pagbabasa ng wattpad ito ay may mabuti at masamang epekto

sa mga mag-aaral pero sa kanila nakapedepende ito kung paano nila ibabalanse

ang oras sa pagbabasa at sa paggawa ng mahahalagang bagay.

IX.
Kabanata 1. . Ang Suliranin at Kaligiran nito

A. Panimula

Ang pagbabasa ay isa sa mga importanteng kasanayan na dapat taglayin

ng isang tao. Ito ay isa sa mahalagang pundasyon ng pagkatuto na dapat nating

paunlarin. Isa rin sa magandang gawain ang pagbabasa, sapagkat hinggil sa

inyong hilig at interes dito maraming magagandang bagay itong naidudulot. Higit

sa lahat, marami tayong napululot na kaalaman at aral. Nadagdagdagan din an

ating mga nalalaman. Ngunit dahil sa patuloy na pag unlad ng modernong

panahon marami ng nagsisilabasang bagay at pangyayari na nagging dahilan

kaya nawala ang interes ng tao sa pagbabasa. Ilan sa makabagong

teknolohiyang ito ay ang t.v, radio, kompyuter, cellphone, social media at iba pa.

Tila ang layo-layo na nga ng henerasyon noon sa henerasyon natin

ngayon. Maraming bagay na ang nagbago sa pamumuhay ng bawat tao dahilan

rin ng mga makabagong teknolohiya at dahilan para masabi nating tunay na

nasa modernong panahon na tayo. Isa na sa mga halimbawa ang aspeto ng

pagbabasa. Kung dati-rati lahat ng kabataan aklat ang ginagamit sa tuwing

nagbabasa ng mga babasahin at mas kinahihiligan nila ito pero sa panahon

ngayon ay nakapagbabasa na tayo ng maraming kwento mula sa magkakaibang

genre gamit ang mga laptop, computer at maging sa ating mga cellphone.

1
Isa sa pinakapopular na teknolohiyang tinatangkilik ng maraming kabataan

ngayon ay ang wattpad. At alam nyo ba kung ano ang wattpad. Sa panahon

natin ngayon, sino nga ba ang hindi nakakaalam kung ano ang wattpad. Marahil

alam natin ito lalo na sa mga kabataan.

Ang wattpad ay isang uri ng social networking site at isa ring uri ng online

community na itinatag noong 2006 nina Allen Lau at Ivan Yue ngunit naging

tanyag lamang sa lahat noong 2011. Kaya naman habang tumatagal lalong

dumarami ang mga taong nakikilala at sumusuporta dito. Ang pagbabasa ng

wattpad ay isang magandang paraan upang malinang ang mga kasanayan sa

pagbabasa at pagsusulat. Nalilinang rin nito ang ating bokabularyo. Ang

pagbabasa ng wattpad ay nakakpalawak ng isipan ukol sa realidad at

makakatulong ito ng pagkakaroon ng tamang kaalaman sa totoong nangyayari

sa mundo. Nakapagbibigay din ito ng kasiyahan at satispaksyon sa sarili.

Ito rin ay nakakatulong upang malinang ang limang aspeto ng isang

indibidual (pisikal, mental, emosyonal, sosyal ay espiritwal). Nakakatulong din ito

upang makalimutan ang problema sa bahay at paaralan at iba pang problema.

Kung may magandang naidudulot ang pagbabasa ng wattpad ay may hindi rin

itong magandang naidudulot ang pagbabasa ng wattpad ay may hindi rin itong

magandang aspeto. Tulad ng sa sobrang pagbabad ng mga mag-aaral ay

nakakalimutang ng maligo at kumain dahil sa pagbabasa ng wattpad. Bihira na

ring lumalabas ng bahay.

2
Bihira naring makausap ang mga kapamilya dahil sa pagiging at bawal pa ang

maistorbo. Kadalasan ay palagi silang huli sa klase at wala sa sarili dala ng

puyat.

Ngunit ano nga ba ang isyu tungkol sa wattpad.Tama ba na ang mga

mag-aaral ay magbasa na lamang sa lahat ng oras at pabayaan ang mga

importanteng bagay.

3
B.LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay naglalayong makapagbigay alam sa

kung anong maaring maging masama o mabuting epekto ng pagbabasa ng

wattpad. Nais rin ng mga mananaliksik na bigyang linaw na dapat nilang

malaman tungkol sa kanilang pagbabasa ng wattpad. Kaya naglalayon ang

pananaliksik na ito na magbigay ng kasagutan sa mga sumusunod na

katanungan.

1. Ano ang malaking kadahilanan sa pagkahumaling o pagtangkilik sa

wattpad?

2. Paano ito nakakapekto sa kanilang pag-aaral?

3. Ano ang mga positibong epekto ng natatamo ng mga mag-aaral sa

pababasa ng wattpad?

4. Ano ang mga negatibong epektong natatamo ng mga mag-aaral sa

pagbabasa ng wattpad?

5. Nakakatulong ba ito sa pagsulat ng mga kalayaan at lakas ng loob sa

pagpapahayag ng saloobin?

4
C. KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral na malaman

nila ang mabuti at masamang epekto nito. Ito rin ang siyang magsisilbing babala

sa labis-labis na pagbabasa ng wattpad at gabay na rin sa pagbabasa nito upang

hindu bumaba ang kanilang marka sa asignatura. Ang pag-aaral na ito ay

magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod.

1. Sa mga mag-aaral - Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang

malaman nila ang kahalagahan at epekto ng pagkahumaling sa

pagbabasa ng wattpad. Sa pamamagitan ng wattpad, natutunan din nila

ang ibat-ibang uri lumalawak ang kanilang kaalaman sa tulong ng

wattpad.

2. Sa mga guro - Ang pag-aaral na ito maaring nagsilbing gabay upang

malaman nila kung ano ang nakakapagpapukaw pansin sa bawat nag-

aaral sa larangan ng wattpad. At mga wattpad rin ay maaring maiugnay sa

makabagong panitikan ngayon.

3. Sa mga mamamayan - Ang pag-aaral na ito ay para matukoy nila ang

mabuti at masamang epekto ng pagbabasa ng wattpad at kung paano ito

makakatulong sa pag-unlad ng kanilang kasanayan.

5
D. BALANGKAS KONSEPTWAL

“Epekto ng pagbabasa ng wattpad sa mga mag-aaral ng


Junior High sa SRNHS sa taong 2018-2019”

WATTPADER

Pananaw ng respondent
Dahilan ng pagkahumaling
ukol sa pagtangkilik sa
sa pagbabasa ng wattpad
pagbabasa ng wattpad

EPEKTO

MABUTI
MASAMA
 Nalilinang ang mga
kasanayan sa  Nakakalimutan na
pagbabasa at nilang mag-aral at
pagsulat napababayaan ang
 Nalilinang ang pag-aaral
gating bokabularyo  Wala pa sarili dala
E. BATAYANG
NakapagbibigayTEOR 6 ng puyat
kasiyahan at
satispaksyon
E. BATAYANG TEORITIKAL

Ayon kay Emile Durkhein sa kanyang Evolutionary Theory ang isang lipunan ay

unti-unting nagbabago mula sa pinakasimple hanggang sa pinakakomplikadong

bagay, mula sa iisang porma hanggang sa magkakaiba, mula sa pagiging

primitibo hanggang sa mapalitan nang modernisasyon, mula rural na

pamumuhay hanggang urban. Angkop ang teoryang ito sa ebolusyon ng mga

babasahing aklatin hanggang sa pag-uusbong ng wattpad.kaalinsunod nito ang

lazarus theory ni Richard lazarus na tumutukoy aa stress na bunga ng

paglampas ng deman sa kapasidad o kakayahan ng isang taong maisagawa ang

isang bagay. Isang halimbawa ang pagkakaroon ng mataas na pamantayan ng

isang paaralan na kung minsan hindi na umaangkop sa abilidad at kapasidad ng

mag-aaral. Ang teoryang ito ang sumasalamin sa pagbili ng mananaliksik sa mga

nagging respondent kung saan ang naturang kurikulum ng mga mag-aaral na

siyang makapagbigay ideya sa akin upang alamin ang epekto ng pagbabasa ng

wattpad sa katulad nilang nakararanas ng kabigpitang ng pang-akademiko.

Ayon naman sa Labeling Theory ni Haward becker ang gawa ng bawat

tao ay binibigyan ng label o antas batay sariling opinion o pananaw ng

komunidad. Dito papasok ang iba`t-ibang pagpapakahulugan ng mga mag-aaral

sa kanilang mga sarili bilang mga wattpader. Sumunod ang rational decision

making theory on Neil Smelser na nagsasabing ang disesyon ng mga tao ay

nakabatay sa sariling gawi at kaugalian nila maging sa kondisyon o lagay ng

isang sitwasyon.

7
Sa teoryang ito papasok ang dahilan ng mga respondent sa pagkahumaling sa

pagbabasa ng wattpad.

Ang Psychological Exchange na Theory ni George homans naman na

naglalarawan sa interaksyon ang mabuti`t masamang epektong nadudulot ng

pagbabasa ng wattpad sa mga mag-aaral na nakabatay sa mismong interaksyon

nila.

Ang mga Teoryang Magkakaugnay sa inilahad ang siyang nagging

batayan ng mananaliksik sa pag-aaral na ito. Pinaniniwalan din na ang teoritikal

na balangkas na ito ang magiging daan sa maayos na daloy ng pag-aaral at sa

mas malinaw na mga impormasyon.

8
F.SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa paglalahad ng mga mabubuti at

masamang epekto ng pagbabasa ng wattpad. Saklaw ng pag-aaral na ito ang

mga mag-aaral ng Junior High sa SRNHS. Aalamin ng mga mananaliksik kung

gaano kadalas ang pagbabasa nila ng wattpad at kumuha ang mga mananaliksik

ng 20 respondente upang makabuo ng mga impormasyon.

Ang pananaliksik na ito ay nag-umpisa ng ikalawang semester na isinagawa sa

pagitan ng Pebrero 1 hanggang Marso 19, 2019.

Ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay ang

pagkalap ng mga impormasyon gamit ang internet upang makabuo ng

impormasyon na naayon sa pag-aaral na ito at ang pamimigay ng mga

talatanungan sa mga respondente.

9
G. PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA SALITA

Wattpad- isang makabagong midyum o aplikasyon kung saan malaya yung mga

gumagamit na magsulat at magbasa ng mga kwentong piksyunal.

Wattpadder- ang mga taong gumagamit o bumabasa ng wattpad.

Genre- ito yung tumugon sa anumang uri ng babasahin na nakasulat sa teksto.

Henerasyon- isang paglulusad ng isang bagong lahi

Kabihasnan- isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan

Modernisasyon- pagbabago dulot ng agham at pag develop ng

industriyalisasyon at teknolohiya

Literatura- Ang literatura, sa pinakamalawak na kahulugan nito, ay isang solong

katawan ng nakasulat na mga gawa.

Pagbasa-Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at

pagtataya ng mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo.

10
KABANATA 2. REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-
AARAL

Sa bahaging ito ng papel ay itinala ng mga mananaliksik ang ilang literatura at


pag- aaral na mahalaga at may kaugnayan sa paksang kanilang isinakatuparan.
Matutunghayan
dito ang mga literatura at pag-aaral na tumatalakay sa: katuturan at uri ng
panitikang Filipino; epekto ng elektronikong babasahin pati na rin ang
epekto ng Wattpad.

A.MGA KAUGNAY NA LITERATURA SA LOOB AT LABAS NG BANSA

DAYUHAN NA LITERATURA

Ayon sa isang tanyag na manunulat na si Stephen King, “Kung wala kang oras

para magbasa, wala kang oras (o mga gamit) para magsulat. Ganun lang

iyon kasimple.”

Hindi mapaghihiwalay ang pagbabasa at pagsusulat. Kaya may paniniwala na

para gumaling sa pagsusulat ay wag dapat kalimutan na magbasa. Maaring ang

mga binabasa mo ang makapaghubog ng iyong sinusulat. Isa ito sa mga

binibigay na payo sa mga nangangarap maging magaling na manunulat balang

araw at sa mga bagong nagsisimula pa lamang sa larangang ito.

Ang paggamit ng mga nobelang galing sa Wattpad ay di magandang desisyon.

Kakaunti lamang sa mga ito ang may mga kalidad na inaasahan ng mga kritiko

ng panitikan.

Base sa personal na karanasan na inilahad ng isa sa aming kagrupo na tatlong

taon ng manunulat ng Wattpad, noong mga panahong nahuhumaling pa siya sa

mga istoryang Wattpad na nagtataglay ng impormal na pagkakasulat ay

naimpluwensiyahan nito ng malaki ang kanyang istilo ng pagsusulat. Nang

ikinumpara niya ang kanyang dating istilo sa kanyang istilo ngayon ay malaki ang
11

pinagkaiba nito. Malayo na sa impormal na pagsusulat ang kanyang mga likha

ngayon. Malamang ay ito ay dahil sa umunlad ang kanyang istilo pero kundi dahil

sa pagkakaalam niyang hindi magandang basehan ang mga istorya sa Wattpad

ay magiging mabagal siguro ang pagunlad nito. Nakakasiguro kaming hindi siya

ang nag-iisang napapunta sa sitwasyong ganito. Marami ding mga bagong

manunulat na hindi naghahanap ng mga magagandang basehan na maaaring

mabasa. Ilang halimbawa dito ay ang mga sulatin na nagwagi ng Palanca

Awards for Literature. Bagaman magaganda, karamihan sa mga nagwagi dito ay

hindi pa nabibigyang-pansin na tulad ng mga kwento sa wattpad. Ang mga ito ay

masasabi nating nakapasa sa pitong literary standards for world literature.

Ayon sa pagsisiyasat ng Purse Asia International, tinatayang 1 sa 15 na mag-

aaral sa mataas na paaralan ay araw araw na gumagamit ng

WattPad. Tinatayang nasa 23 milyon ang mag-aaral ngayon taon kung kaya’t

nasa 1.5 milyon na estudyante ang gumagamit ng Wattpad.

LOKAL NA LITERATURA

Sa modernong panahon, ilang halimbawa ng mga makabagong literatura sa

social media ay ang nauuso ngayong mga nobela, maikling kwento, tula at iba

pang uri ng literatura sa sikat na sikat ngayong online storytelling website

na Wattpad.

12
Aktibong netizen man o hindi, siguro ay napakinig mo na ang komunidad na

Wattpad. Ito ay parte ng social media, kung saan ay malayang nakakapagbahagi

ang mga tao ng kanilang mga nalikhang sulatin. Wala itong pinipiling edad,

kasarian, nasyonalidad sa mga gustong magbahagi o magbasa dito. Wala rin

itong pinipiling dyanra, istilo at porma ng pagsusulat. Mabilis ding lumaganap ang

pagsikat nito sa Pilipinas, lalo na sa ating kabataan.

Noong 2013, umaksyon ang mga kompanyang naglilimbag ng mga libro (tulad

na lang ng PSICOM Publishing Inc. at Summit Books) at nalimbag sa Pilipinas

ang mga pinakaunang nobelang hango sa mga sulatin sa Wattpad. Sa simula'y

nais mag-eksperimento ng mga kompanyang ito kung magiging mabili ang mga

libro at sa katunayan ay nabansagan pang "#1 Best-Selling Book of 2013" ang

“Diary ng Panget” na sinulat ni Denny (di niya tunay na pangalan) or mas kilala

bilang HaveYouSeenThisGirl sa Wattpad. Dahil naging epektibo ito,

ipinagpatuloy ng mga kompanya ang paglilimbag ng mga librong ganito.Sa

katunayan ay lumaganap pa ang impluwensiya ng Wattpad, sa tulong na din ng

kasikatan nito sa kabataang Pinoy, at nagkaroon ng mga adaptasyon nito sa

pelikula at teleserye sa local channels.

Bago ang wattpad, una ng nauso ang mga nailalathalang libro sa mga blogs na

kung tawagin ay “blooks” at ang mga libro na nababasa sa e-book ng cellphone.

Dati-rati ay di

13
gaano napapansin ang wattpad ngunit dahil sa kakaiba nitong anyo at katangian

unti-unti nitong pinapantayan and mga mas kilalang social networking sites gaya

ng facebook at twitter. Kung ikukumpara ang blog sa Wattpad ay hiwa-hiwalay

ang mga blog. Ang ginawa sa wattpad ay pinagsama-sama nito ang lahat ng

may hilig sa pagbabasa at pagsusulat. Kaya’t naging isa itong komunidad sa

internet. Dahil ito ay isang uri ng social media kaya’t maipa-follow ang ibang

user.Kung nagustuhan mo ang kanilang isinulat ay maaaring mag-comment at

mag-vote. Pwede mo pang i-dedicate ang iyong istorya sa ibang Wattpaders.

Kumbaga, interactive talaga ang dating. Pwede ring i-share ang iyong akda sa

Facebook, Twitter, at Pinterest para makakuha ng karagdagang

views.

14
B.MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL SA LOOB AT LABAS NG BANSA

DAYUHAN NA PAG-AARAL

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ni Ashely Melinis, ang

pagbabasa sa elektronikong babasahin at nakadudulot sa magaaral ng

motibasyon sa pagiging mahusay na mambabasa. Mas nagkakaroon ng

motibasyon sa pagbabasa ang mga mag-aaral dahil sa binibigay ng

elektronikong babasahin . Gaganahanang isang mambabasa dahil sa dulot ng

makabagong teknolohiya. ( Melinis, Ashley, TheEffects of”Electronic Books on

the Reading Experience of First Grade Students”, Gayunpaman ayon naman sa

isang pag-aaral ana isinagawa nina Ya-Ling Chen, Sitong Fan at Zhongyuan He

ay may mga kahinaang dulot ito gaya ng sa kalusugan, tulad ng sa mata at sa

paggamit nito. Nangangailangan ng mabilisang back-up sa sandaling mawalan

18 ng data dahil nagiging dahilan ito ng distraksyon saoras ng pagbabasa.

(Chen, Ya-Ling; Fan,Sitong; and He, Zhongyuan, "Exploratory Research: The

Effects of Electronic Books onCollege Students", 2012, MBA Student

ScholarshipPaper 14,

15
Ayon sa isa pang pag-aaral natuklasan ni Heather Schugar at ng kanyang asawa

na si Jordan Schugar. Nagkakaroon ng motibasyon ang mambabasa ng e-book

o wattpad ngunit sa kabilang dako ay limitado ang pumapasok na impormasyon

sa kanilang mga isipan at hindi gaanong nailalahad ang kanilang mga

natututunan sa pagbabasa gamit ang e-book. Ito ay sakadahilanang

nagdudulot ito ng hindi maayos na pagka-unawa sa binabasa dahil sa mga

interaktibong disenyo ng nasabing babasahin.( Walker, Memet. “New study

suggests ebooks cound negatively affect how we comprehend what we read”,

2014, USA Today College.

LOKAL NA PAG-AARAL

Ang pangunahing paraan upang ma-access ang iba’t ibang social networking

sites ay internet. Ayon kay Young (1996), napag-alaman na 39 oras ang

gingugol sa internet ng kabataan at 5 oras para sa netsurfing o email lamang.

Sinasabi na kadalasan ang mga malungkot, binubukod o walang kakayahan sa

larangang social ang apektado ng ganitong uri ng adiksyon.Ngunit sa madalas

na paggamit nito lalo na ng kabataan, nagkakaroon itong malaking epekto sa

kanilang damdamin at pag-iisip. Ayon kay Kraut at kanyang mga kasamahan

(1998), sa isang pag-aaral na kanilang ginawa sa 73 na pamilya, napagtuklasan

na ang paggamit ng internet ay may malaking kontribusyon sa

pagtaas ng depresyon at pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan at pamilya.

(Jemenia,Lovely Rose. “Ang Positibo at Negatibong Epekto ng Social Networking

Sites sa mga Piling Mag-aaral sa Unang Taon ng Edukasyon ng

GingoogChristianCollege”,
Sa kabila ng mga negatibong epekto ng social media, mayroon naman itong

positibong epekto na naidudulot. Ayon sa mga pag-aaral ang mga social

networking sites na

ito ay magsisilbing “eye-opener”. Ibig sabihin, mamumulat at lalawak ang

kaisipan ng

kabataan sa pamamagitan ng mga nababasa nila mula sa mga ito.

Ang Wattpad ay isang popular na social networking site na kung

saan

17

nagkakaroon ng interaksyon sa pamamagitan ng manunulat at

mambabasa. Ang mga kabataang nagbabasa dito ay pwedeng ma-access ang

kahit anong uri ng babasahin.Sa pamamagitan din nito, nagkakaroon ka ng

pagkakataon upang makapagsulat. Ngunit dahil sa 23 ito ay madaling ma-access

lalo na ng kabataan, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng hilig

dito. Sa madalas na pagbabasa sa Wattpad, nagkakaroon ito ng

epekto sa kabataang gumagamit nito. Ayon sa pag-aaral ni Jasmine Bacurin

(2014) ang mga kabataang madalas na nagbabasa sa Wattpad ay tinatawag ang

kanilang mga sarili na Wattpadder. Ayon sa kanyang mga respondente, lubos

silang naaapektuhan sa mga kwentong kanilang nababasa na para bang sila

ang mismong gumaganap sa kwento. Dagdag pa ng mga

respondente, ang pagbabasa ng Wattpad ay nagbibigay kasiyahan kaya


naman sila ay nahuhumaling sa pagbabasa dito. Hindi lamang ito

nagbibigay ng kasiyahan, kung hindi nakapagtuturo din ito ng aral.

(Bacurin,Jasmine. “Epektong Dulot ng Wattpad sa mga Mag-aaralna Nasa

Unang Taon ng Kolehiyosa Kursong Pagtutuos”, 2014,

https://www.academia.edu/6454497/Epektong_Dulot_ng_Wattpad_sa_mga_Mag

aaral_na_Nasa _Unang_Taon_ng_Kolehiyo_sa_Kursong_Pagtutuos)

Subalit kahit na may mga mabuting naidudulot ang pagbabasa sa

Wattpad,mayroong mga negatibong dulot din ito. Dahil sa lubos na

pagkahumaling ng mga respondente ni Bacurin, nagbubunga ito ng

pagpapabaya sa kanilang pag-aaral. Imbis na ang

pagbabasa sa Wattpad ay pampalipas-oras lamang, mas inuuna nila ito kaysa sa

kanilang pag- 18

aaral. (Bacurin,Jasmine. “Epektong Dulot ng Wattpad sa mga Mag-aaralna Nasa

Unang Taon ng

Kolehiyosa Kursong

Pagtutuos”,2014,https://www.academia.edu/6454497/Epektong_Dulot_

ng_Wattpad_sa_mga_Mag-

aaral_na_Nasa_Unang_Taon_ng_Kolehiyo_sa_Kursong_Pagtutuos)
19

KABANATA 3

III.METODOLOHIYA O PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

A.DISENYO NG PAG-AARAL

Ang ginawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Sa maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ang descriptive

survey research design ang angkop na napili ng mananaliksik. Ang nasabing uri

ay ginagamitan ng mga survey questionnaires o talatanungan na pupunan ng

mga respondente at siyang panggagalingan ng mga datos. Naniniwala ang mga

mananaliksik na ang disenyong ito ang pinaka angkop gamitin sapagkat mas

madaling kumuha ng mga kinakailangang datos mula sa respondente. Ang mga


tanong dinisenyo upang malaman ang epekto ng pagbabasa ng wattpad sa mga

mag-aaral.

B.RESPONDENTE AT POPULASYON

Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral mula sa Junior

High sa SRNHS na mahilig magbasa ng wattpad na kung saan binubuo ito ng

20 na estudyanteng wattpadder.

C.TEKNIK SA PAGPILI NG RESPONDENTE

Upang makakuha ng mga impormasyon,ang mga mananaliksik sa pag-aaral na

ito ay gumamit ng mga piling mag-aaral upang maging respondenteng

kasangkapan sa pananaliksik na ito mula sa Junior High.

20

Kung kaya ang bawat mga datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga

respondente ay makikita sa bawat talahanayan na nasa Kabanata 4.

D.INSTRUMENTO SA PANANALIKSIK

Ang pangunahing instrumento na ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral ay

ang pagkalap ng mga impormasyon gamit ang internet upang makakuha ng mga

impormasyon at makatulong sa pag-aaral. Kasunod , talatanungan o kwestyoner

ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito. Binubuo ang talatanungan ng

10 bilang na kung saan may pagpipilian ang mga respondente sa pagsagot.

Sinagot ng mga kalahok na respondente ang bawat tanong sa pamamagitan ng

paglalagay ng tsek sa talatanungan. Sa kabuuan ang instrumentong ginamit ay


siyang maging daan para makakuha ng mga datos na susuporta sa pag-aaral ng

mananaliksik.

E.HAKBANG SA PAGKILOM NG MGA DATOS

Nagsimula ang mga mananaliksik na gumamit ng internet upang makakuha ng

mga impormasyon . Kasunod ay pangangalap ng datos sa pamamagitan ng

paggawa ng instrumentong ginamit sa pananaliksik-ang talatanungan o

kwestyoner na nagtataglay ng mga katanungang umaayon sa layunin ng pag-

aaral. Sumunod na rito ang pamamahagi ng talatanungan sa mga respondente

ng pag-aaral. At huli, ang pagbibigay interpretasyon sa mga nakalap na datos.

21

F.ESTATISTIKANG PAMAMARAAN

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito.

Dalawang istatistikal na tritment ang ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito.

Una, upang makuha ang resulta ng mga datos kinuha ang porsyento o bahagdan

gamit ang pormula sa ibaba.

Bahagdan = Bilang ng Respondenteng may magkakaparehong Sagot/Bilang ng

Kabuuang Respondente ( 20 ) x 100

Pangalawa, pagkatapos makuha ang porsyento, gumamit ang mga

mananaliksik ng pie graph dahil naniniwala ang mananaliksik na ito ay magiging


epektibo sa pag-aaral na ito dahil madaling maintindihan at madaling

magpresenta ng mga datos.

22

KABANATA 4

PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Pigura 1

1. Mahilig ka bang magbasa ng wattpad?


0

25%

75%

Mahilig na mahilig Hindi gaanong mahilig

Hindi mahilig

Batay sa aming mga nakalap na datos,75% na respondente ang sumagot

ng mahilig na mahilig at 25% naman ang hindi gaanong mahilig at walang

sumagot sa hindi mahilig.

23

Pigura 2.

2. Ilang oras ang iyong ginugugol sa pagbabasa ng wattpad?


15%
40%
20%

25%

Isang oras Dalawang oras


Tatlong oras Apat na oras

Batay sa aming mga nakalap na datos, 15% sa mga respondente ang

gumugugol ng isang oras sa pagbabasa ng wattpad, 20% sa dalawang

oras at 40% naman sa higit pa habang walang sumagot sa apat na oras.

24
Pigura 3.

3. Anong lenggwahe ang iyong binabasa sa wattpad?


5%

95%

Tagalog Taglish English

Batay sa aming mga nakalap na datos,5% sa mga respondente ang

nagbabasa ng tagalog na lenggwahe at 95% naman sa Taglish habang

wala namang respondente ang nagbabasa ng English na wattpad.

25
Pigura 4.

4. Saan ka madalas magbasa ng wattpad?


100%

Sa bahay Sa paaralan

Batay sa aming mga nakalap na datos, 100% sa mga respondente ang

madalas magbasa ng wattpad sa bahay habang wala namang nagbabasa

ng wattpad sa paaralan.

26
Pigura 5.

5. Ano ang iyong ginagamit sa pagbabasa ng wattpad?


20%

80%

Cellphone Tablet
Laptop Kompyuter

Batay sa aming mga nakalap na datos,80% sa mga respondente ang

gumagamit ng cellphone sa pagbabasa ng wattpad , 20% sa kompyuter at

habang sa tablet at laptop ay walang sumagot.

27
Pigura 6.

6. Bakit mo kinahuhumalingan ang pagbabasa ng wattpad?


Column1

10%
20%

70%

Libangan o pampalipas-oras Nakapagbibigay ng kasiyahan

Nakapagtuturo ng aral Nakapagbibigay ng satispaksyon

Batay sa aming mga nakalap na datos,70% sa mga respondente ang

nagsasabing kaya sila nahuhumaling sa pagbabasa ng wattpad dahil ito

ay pampalipas-oras,20% ng nagbibigay kasiyahan at 10% naman sa

nakapagtuturo ng aral habang walang sumagot sa nakapagbibigay ng

satispaksyon.

28

Pigura 7.

7. Sa iyong palagay, nakakabuti ba o nakakasama ang pagbabasa ng


wattpad?
15%

85%

Nakakabuti Nakakasama

Batay sa aming mga nakalap na datos,85% sa mga respondente ang

nagsasabing nakakabuti sa kanila ang pagbabasa ng wattpad

samantalang 15% naman ang nagsasabi na nakakasama ito para sa

kanila.

29

Pigura 8.

8. Ano sa tingin mo ang masamang naidudulot ng pagbabasa ng

wattpad sa mga katulad mong mag-aaral sa SRNHS?


Sales

20% 20%
5%

55%

Napapabayaan ang pag-aaral


Nawawalan ng disiplina sa sarili
Nalilipasan ng gutom
Nawawalan ng oras sa pamilya at iba pang mahahalagang tao

Batay sa aming mga nakalap na datos,20% sa mga respondente ang

nagsasabi na ang masamang naidudulot ng pagbabasa ng wattpad sa

mga katulad nilang mga mag-aaral ay napapabayaan ang pag-aaral,5%

ang nawawalan ng disiplina sa sarili,55%ang nalilipasan ng gutom at 20%

naman sa nawawalan ng oras sa pamilya.

30
Pigura 9.

9. Ano naman sa iyong palagay ang mabuting naidudulot ng

pagbabasa ng wattpad sa mga katulad mong mag-aaral sa SRNHS?


0

10%
20%

70%

Nadedelop ang 5 aspeto ng indibidwal (


Pisikal,Mental,Emosyonal,Sosyal at Espiritwal
Lumalawak ang kaisipan ukol sa realidad

Nagkakaroon ng kasiyahan at satispaksyon sa sarili

Batay sa aming mga nakalap na datos,70% sa mga respondente ang

nagsasabi na ang mabuting naidudulot ng pagbabasa ng wattpad sa

kanila ay nadedelop ang 5 aspeto ng indibidwal

(Pisikal,Mental,Emosyonal,Sosyal at Espiritwal ),20%ay sa lumalawak ang

kaisipan at 10% naman sa nagkakaroon ngkasiyahan at satispaksyon sa

sarili habang walang sumagot sa nakakalimutan ang problema.

31
Pigura 10.

10. Sa iyong palagay,nararapat lamang bang tangkilikin ng mga mag-

aaral sa SRNHS ang pagbabasa ng wattpad?


Sales

35%
45%

20%

oo,dahil maraming benipisyo ang makukuha sa pagbabasa nito


Hindi,dahil maraming dapat pagtuunan ng pansin kaysa pagbabsa ng wattpad

Di-masabi

Batay sa aming mga nakalap na datos,35% sa mga respondente ang

nagsasabing dapat tangkilikin ang pagbabasa ng wattpad dahil maraming

benipisyo ang makukuha dito,20% naman ang nagsasabing hindi ito dapat

tangkilikin dahil mas marami pang mahahalagang bagay na dapat

pagtuunan ng pansin kaysa pagbabasa ng wattpad habang 45% naman

sa mga respondentang sumagot ng di-masabi kung saan wala silang

opinion ukol dito ohindi nila alam kung ano ang mas inam gawin

32

KABANATA 5

V. LAGOM NG MGA NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT

REKOMENDASYON
A. LAGOM NG MGA NATUKLASAN

1.Ang pananaliksik na ito isinagawa sa layuning mapag-alaman at

mailahad ang iba’t-ibang dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral ng

mga respondente sa pagbabasa ng wattpad kaalinsunod ng mabuti’t

masamang epekto nito sa kanila.

2. Ito ang nagsisilbing libangan ng mga kabataan sa panahon ngayon

dahil nakapagbibigay ito ng kasiyahan o satispaksyon sa kanila.

3. Natuklasan na sa 20 na kabuuang respondente ay 100% sa kanila

madalas magbasa ng wattpad sa bahay at ang kadalasang ginagamit nila

sa pagbabasa ay cellphone.

4.Natuklasan rin ng mga respondente na sa pagbabasa ng wattpad at

taglish ang mas gusto nilang lenggwahe sa pagbabasa dahil basis a

resulta ng pananaliksik ito ay may malaking bilang ng mga respondent

ang sumagot.

33

4. Natuklasan din ng mga mananaliksik na ang mabuting naidududlot nito sa

kanila ay lumalawak ang kasipan naibibigay ng wattpad at kapabayaan

naman sa pag-aaral at nalilipasan ng gutom ang tugon ng mag-aaral ukol

sa masamang dulot nito sa kanila. Bawat datos na ito ay pinatotohanan ng

mga Pigura na nauuna nang inilahad.


B. KONKLUSYON

Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon at kaalinsunod

ng pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito, buong tapat na

inilalahad ng mananaliksik ang mga sumusunod na konklusyon.

1. Kinahuhumalingan ng mga mag-aaral ang pagbabasa ng wattpad dahil

nagsilbi na itong libangan o pampalipas-oras nila.

2. Sa oras naman na ginugugol ng mga respondente sa pagbasa ng wattpad

ay higit ng 4 na oras sila nagbabasa.

3. Napatunayan na ang pagbabasa ng Wattpad ay nagiging dahilan upang

palaging nalilipasan ng gutom at napapabayaan ng mga mag-aaral ang

kanilang pag-aaral.

4. Nakabubuti rin ang pagbabasa ng wattpad sa kanila dahil sinasabi nila na

nadedelop ang limang aspeto ng isang indibidwal ( Pisikal, Mental,

Emosyonal, Sosyal at Espiritwal ).Sinundan naman nito ang pagkakaroon

ng kasiyahan at satispaksyon sa bawat kuwento na binabasa nila

34

C .REKOMENDASYON

Kaugnay ng isinagawang pag-aaral at ng mga konklusyon iminumungkahi

ng mananaliksik nang may buong giliw at pagpakumbaba ang mga

sumunod na rekomendasyon.
1. Para sa mga respondente at maging sa iba pang Wattpadder,

ipagpatuloy lamang ang pagbabasa ng wattpad kasabay ng pag-aaply

ng time management o tamang paggugugol ng oras at prioritization o

pagtimbang sa kung ano ang mas mahalagang gawin.Sa ganitong

paraan mababalanse ang

oras sa pagbabasa ng Wattpad sa iba pang bagay.

2. Hindi masama ang magbasa ng wattpad ngunit isipin din na may mas

importanteng bagay na pagtuonan ng pansin tulad ng pag-aaral pag

may assignment o proyekto ay ipagliban mo na ang pagbabasa ng

wattpad saka na lamang magbasa kung natapos na ang mga

kailangang gawain.

3. Para sa mga respondente, kung sa palagay ninyo ay hindi na

nakakatulong ang pagbabasa ng wattpad sa inyong pag-aaral na kung

35
minsan pa’y nagiging produkto na nito ang mga mababa’t bagsak na

marka hinihikayat ng mananaliksik na itigil pansamantala ang

pagbabasa nito hanggang sa maaply ang mga bagay na nauuna nang

iminungkahi.
4. Para sa iba pang mag-aaral, buong pusong hinihikayat ng

mananaliksik na palawakin pa ang pag-aaral na ito upang makabuo ng

mga bagong tuklas ukol sa pagbabasa ng Wattpad.

5. Para sa lahat, mahalagang malaman natin na ang mabuti’t masamang

epektong maari nating matamo ay nakadepende sa kung paano natin

ito isinagawa dahil ang katotohanang tayo ang gumuhit sa sarili nating

kapalaran ay hindi na maikaila pa.Higit sa lahat, ang importante

malaman natin kung nakakabuti ba ito o nakakasama.

36

Talasanggunian
Google.com/search?source=hp&ei=WSyPXKjQKYr_rQHBoYfgAw&q=KAHULUG

AN+NG+WATTPAD&btnK=Google+Search&oq=KAHULUGAN+NG+WATTPAD

&gs_l=psy-

ab.3..0l3j0i22i30l2.2113.6752..7081...0.0..0.102.1843.17j3....2..0....1..gws-wiz....

(Bacurin,Jasmine. “Epektong Dulot ng Wattpad sa mga Mag-aaralna Nasa

Unang Taon ng

Kolehiyosa Kursong

Pagtutuos”,2014,https://www.academia.edu/6454497/Epektong_Dulot_

ng_Wattpad_sa_mga_Mag-

aaral_na_Nasa_Unang_Taon_ng_Kolehiyo_sa_Kursong_Pagtutuos)

https://www.academia.edu/23061910/POSITIBO_AT_NEGATIBONG

EKTO_NG_SOCIAL_NETWORKING_SA_MGA_KABATAAN)

https://www.wattpad.com/21953069-wattpad-bagong-daluyan-ng-popular-na-

literatura)22

https://www.google.com.ph/search?q=EPEKTONG+NG+PAGBABASA+NG+WA

TTPAD&oq=EPEKTONG+NG+PAGBABASA+NG+WATTPAD&aqs=chrome..69i

57j0l5.6826j1j7&sourceid=chrome&es_sm=122&ie=UTF-8

37
https://www.academia.edu/11939836/Epekto_at_Bunga_ng_pagbabasa_ng_watt

pad_sa_unang_taon_ng_mga_mag-aaral_sa_AB-Sociology

https://awputsapananaliksik.wordpress.com/2018/03/08/ang-mga-mabubuti-at-

masasamang-naidudulot-ng-pagbabasa-ng-wattpad-sa-mga-mag-aaral/

https://www.google.com.ph/search?ei=pjmPXNfxNejcz7sP2Oi5qAg&q=metodolo

hiya+ng+pananaliksik+HALIMBAWA&oq=metodolohiya+ng+pananaliksik+HALIM

BAWA&gs_l=psy-ab.3..0j0i22i30l2.1065.3505

https://www.google.com.ph/search?ei=1zmPXNKwFM76rQGkgaWIAQ&q=PAGB

ASA&oq=PAGBASA&gs_l=psy-

ab.3..0l3j0i3j0l6.7375.8768..9076...0.0..0.113.682.5j

https://www.google.com.ph/search?ei=EzqPXNvQFdKw9QPU0oXoBg&q=WATT

PAD+SAKLAW+AT+LIMITASYON&oq=WATTPAD+SAKLAW+AT+LIMITASYON

&gs_l=psy-

ab.3..33i22i29i30l10.9137.15156..15443...0.0..0.125.2930.16j13....2..0....1..gws-

wiz.......0i71j0j0i22i30j0i67j0i131j0i8i13i30.5VxHd-lilCo

38
ANG MGA APENDIKS

39
Larawan ng Paaralan

40

PANSARILING TALA NG MANANALIKSIK


Pangalan: Eva Mae Betio

Edad: 19

Address : Laray,San Roque, Talisay City, Cebu

Petsa ng Kapanganakan: February 19, 1999

Lugar ng Kapanganakan : Dumanjug, Cebu City

Pangalan ng Ina : Helen Betio

Pangalan ng Ama : Pedro Betio

Contact # : 09561476881

Email Address : [email protected]

Motto : Challenges are what make life interesting and overcoming them is what

makes life meaningful.

41

Pangalan: Dulce Daan


Edad: 17

Address : San Roque, Talisay City, Cebu

Petsa ng Kapanganakan: June 19, 2001

Lugar ng Kapanganakan : Pinamungajan, Cebu City

Pangalan ng Ina : Elsie Daan

Pangalan ng Ama : Alvin Daan

Contact # : 09082938066

Email Address : [email protected]

Motto : Be yourself because an original is worth more than a copy.

42

Pangalan: Mel Dominic Consul


Edad: 18

Address : Dawis, San Roque, Talisay City, Cebu

Petsa ng Kapanganakan: June 18, 2000

Lugar ng Kapanganakan : Cebu City

Pangalan ng Ina : Cheryll Consul

Pangalan ng Ama : Mel Consul

Contact # : 09180576030

Email Address : [email protected]

Motto : Time is gold.

43

Pangalan: Enrogel Yama


Edad: 19

Address :, Salvador ,Tanke,Talisay City, Cebu

Petsa ng Kapanganakan: November 14,1999

Lugar ng Kapanganakan : Misamiz Occidental

Pangalan ng Ina : Nida Yama

Pangalan ng Ama : Primo Cabando

Contact # : 09330495907

Email Address : [email protected]

Motto : Prove yourself to yourself not others.

44

Pangalan: Daiserie Reyes


Edad: 18

Address : San Roque, Talisay City, Cebu

Petsa ng Kapanganakan: March 2,2001

Lugar ng Kapanganakan : San Roque, Talisay City, Cebu

Pangalan ng Ina : Daisy Reyes

Pangalan ng Ama : Jiovanie Delima

Contact # : 093224822337

Email Address : Daiserie [email protected]

Motto : Education is the most powerful weapon which we can use to change the

world.

45

Pangalan:Noejie Navaja
Edad: 19

Address : Laray,San Roque, Talisay City, Cebu

Petsa ng Kapanganakan: August 31,1991

Lugar ng Kapanganakan : SIN-SIN

Pangalan ng Ina : Menjie Navaja

Pangalan ng Ama : Romel Sabroso

Contact # : 09776655049

Email Address : [email protected]

Motto : Pag-aaral ang tanging tulay patungo sa tagumpay

46

Pangalan: Vanessa Gemida


Edad: 18

Address :Sawsawan,San Roque, Talisay City, Cebu

Petsa ng Kapanganakan: September 7, 2000

Lugar ng Kapanganakan : Borbon,Cebu

Pangalan ng Ina : Marina Gemida

Pangalan ng Ama : Diomede Gemida

Contact # : 09225141657

Email Address : [email protected]

Motto : Ang grado ay hindi basehan ng talino. Ang mahalaga ay ang naiwan sa

ulo.

47

Pangalan: Jelly Mae Tienes

Edad: 19
Address : Laray,San Roque, Talisay City, Cebu

Petsa ng Kapanganakan: August 28. 1999

Lugar ng Kapanganakan : Laray, Inayawan, Cebu City

Pangalan ng Ina : Nemisia Tienes

Pangalan ng Ama : Bayanie Tienes

Contact # : 09972196698

Email Address :Jellymae442 @yahoo.com

Motto : If you believe, you can achieve.

48

Pangalan: Lloyd Manuel Tabay

Edad: 21
Address : San Roque, Talisay City, Cebu

Petsa ng Kapanganakan: September 24,1997

Lugar ng Kapanganakan : Longos, Cavite

Pangalan ng Ina : Melinda Tabay

Pangalan ng Ama : Lionel Tabay

Contact # : 09232489714

Email Address : [email protected]

Motto : Call my name and I’ll be there.

49

You might also like