Bahagi NG Pananalita 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

1.

Pangngalan
2.Panghalip
3.Pandiwa
4.Pang-uri
5.Pang-abay
6.Pantukoy
7.Pangatnig
8.Pang-ukol
9.Pang-angkop
10.Pandamdam
A.Salitang Pangnilalaman ( Content Words)
1.Mga Nominal
A.Pangngalan
B.Panghalip
2.Pandiwa
3.Mga Panuring
A.Pang-uri
B.Pang-abay
b. Mga Salitang Pangkayarian ( Function
Words)
1. Mga Pang-ugnay
A. Pangatnig
B. Pang-angkop
C. Pang-ukol
2. Mga Pananda
A. Pantukoy
B. Pangawing
Mga Salitang Pangnilalaman
A.Mga Nominal
• Ang salitang nominal ay
nangangahulugang pangngalan o
anumang salitang nauukol sa
pangngalan.
• Ang tinutukoy na nominal ay mga
pangngalan at ang mga panghalip.
1.Pangngalan
Dalawang pananaw ang gagamitin
sa pagbibigay katuturan sa pangngalan

A.Katuturang batay sa kahulugang


pansemantika na ginamit sa balarilang
tradisyunal
Ang pangngalan ay pasalitang simbolong
ang tinutukoy ay tao, hayop, bagay, pook
pangyayari at iba pa.
Gumagamit ng katawagang pansemantika,
pasalitang simbolo
Ang pangngalan ay ngalan ng tao bagay,
hayop, pook pangyayari
Karaniwang katuturan ang
ibinibigay ng balarilang tradisyunal.
Halimbawa:

1.Mga Pangngalang Ngalan ng Tao


Manolo Bong guro anak
2.Mga Pangngalang Ngalan ng Hayop
Tagpi Muning aso pusa tandang
3.Mga Pangngalang Ngalan ng Bagay
Mongol Bagong Balarilang Filipino
aklat pagkain
4.Mga Pangngalang Ngalan ng Pook
Pilipinas Bundok ng Apo lungsod
bundok
5.Mga Pangngalang Ngalan ng Katangian
bait tapang kabaitan katapangan

6.Mga Pangngalang Ngalan ng Pangyayari


Ikalawang Digmaang Pandaigdig
kasalan
pulong
B.Batay sa linggwistikang istruktural
Ang pagbibigay ng katuturan ay batay sa
kayarian at gamit sa pangungusap ng yunit ng
wika na binibigyang kahulugan.

Hindi isinaalang-alang dito ang kahulugang


tinutukoy o binibigyang-katuturan.
Ang kayarian ay tumutukoy sa anyo ng salita
at iba pang yunit ng wika. Ang karaniwang
salitang-ugat o anumang pagbabagu-bagong anyo
nito ay ayon sa kung ito ay inuulit, nilalapian o
pinagtatambal.

Ang anumang salitang maaring isunod sa ang/si,


(pananda ng mga pangngalan nasa palayo) ng/ni,
sa/kay ( pananda ng pangngalang nasa kaukulang
palayon) at mga anyong maramihan ng mga ito ay
isang pangngalan o dili kaya ay isang salitang
gumaganap sa tungkulin ng pangngalan.
Ang anyong maramihan ng ang/si- ang mga/sina,
ang maramihan ng ng/ni ay ng mga/nina

Ang mga anak sina Maria


Ng mga anak nina Maria
Sa mga ank kina Maria
1.Mga Pariralang ang
A.Sa opisyal na pulong ko na iuulat ang akin.
2.Mga Pariralang ng
A.Kalihim ko ang bumasa ng akin sa opisyal na
pulong.
3.Mga Pariralang sa
A.Hindi ko malilimot ang kanyang ginawang
tulong sa akin.
Sa unang pangungusap, ang pariralang ang
akin ay pinaikling anyo, isang elipsis. Ang
salitang akin ay isang panghalip na karaniwang
ginagamit na kasama ng isang pangngalang inaari
nito. Sa pangungusap na isinaalang-alang,
maaring ang pangngalang kasunod ng akin ay
ulat. Kung gayon, ang buong pangngalan ay
walang elipsis.
A)Mga Klasipikasyon ng Pangngalan

Ang mga Pangngalan ay mauuri ayon sa


kahulugan o kayarian ng mga ito bilang isang
salita.

1.Klasipikasyong Pansemantika

2.Pangkayarian o pang-istruktura
Mga Uring Pansemantika
Paraan:
1.Batay sa kung ang pangngalan ay may diwang
panlahat o hindi panlahat
A.Pangngalang pantangi
Pangtangi ang pangngalan kung tumutukoy
sa isang tanging tao, hayop, bagay, pook o
pangyayari.
Tangi- partikular na tao bagay hayop o
pangyayari.
Miguel Tagpi Mongol Ilog Pasig
Ang pangngalang pantangi ay sinisimulan sa
malaking titik kapag sinusulat.
Mga Uring Pansemantika
Paraan:
1.Batay sa kung ang pangngalan ay may diwang
panlahat o hindi panlahat
A.Pangngalang pantangi
Pangtangi ang pangngalan kung tumutukoy
sa isang tanging tao, hayop, bagay, pook o
pangyayari.
Tangi- partikular na tao bagay hayop o
pangyayari.
Miguel Tagpi Mongol Ilog Pasig
Ang pangngalang pantangi ay sinisimulan sa
malaking titik kapag sinusulat.
B.Pangngalang Pambalana
Pambalana ang mga pangngalang tumutukoy
sa pangkalahatang diwa. Ang pangngalang tao ay
tumutukoy sa lahat ng nilalang na may katawan at
kaluluwang rasyunal.

bata aso lapis ilog sayawan

Ang mga pangngalang pambalana ay


sinisimulan sa maliit na titik maliban kung simula
ng pangungusap.
2.Batay sa kung ang pangngalan ay tumutukoy sa
isang bagay na tahas o hindi tahas.

Tahas ang pangngalan kung tumutukoy sa


bagay na materyal
tao hayop puno
Ang mga pangngalang tahas ay mauuri sa dalawa

1. Palansak ay tumutukoy sa pangkat ng


iisang uri ng tao o bagay.

Halimbawa
Buwig kumpol
2.Di-palansak ay tumutukoy lamang sa mga bagay
na isinasaalang-alang nang isa-isa

Halimbawa
Saging bulaklak tao sundalo

Basal ang pangngalan kung ang tinutukoy ay


hindi materyal kundi diwa o kaisipan
Bait sama kaligayahan
Mga Uring Pangkayarian
2.Maylapi o Hinango
Ito ay kung binubuo ng salitang-ugat at
panlaping makangalan ( panlaping ginagamit sa
pagbubuo ng pangngalan). Binubuo ng
morpemang malaya ( salitang-ugat) at isang
morpemang di-malaya (panlapi)

Iklase kabuhayan pagbasa


Mga Uring Pangkayarian

3.Inuulit
Inuulit ang pangngalan kung ang kabuuan
nito o ang bahagi nito ay inuuli
Dalawang uri:

1.Di-ganap na pag-uulit o parsyal


-bahagi lamang ang inuulit
bali-balita sali-salita tagu-tagumpay
2.Ganap
-pag-uulit ng buong pangngalan
Kuru-kuro bayan-bayan buhay-buhay
Tandaan

May mga salitang likas na kayarian ay may


pag-uulit. Ang mga ganitong pangngalan ay hindi
kabilang sa inuulit

Alaala bulaklak lapulapu


Paruparo sarisari gamugamo
Mga Uring Pangkayarian

3.Tambalan
Tambalan ay binubuo ng dalawang
magkaibang salitang pinag-iisa. Binubuo ng
dalawang malayang morrpema.

Tambalang di-ganap o Malatambalan- nanatili ang


kahulugan

Balikbayan dalagang- bukid (tao)


Ang mga malatambalan ay binabaybay
nang may gitling sa pagitan ng dalawang
salitang pinagtatambal. Ang gitling ang
pumapalit sa katagang nawawala.
Tambalang ganap- nagkakaroon ng
pagbabagong kahulugan ang mga
itinatambal na salita

Halimbawa

Kapitbahay bahaghari hampaslupa


Mga Uring Pangkayarian

3.Tambalan
Tambalan ay binubuo ng dalawang
magkaibang salitang pinag-iisa. Binubuo ng
dalawang malayang morrpema.

Tambalang di-ganap o Malatambalan- nanatili ang


kahulugan

Balikbayan dalagang- bukid (tao)


Mga Kakanyahan ng Pangngalan
1.Kausapan
Ang kausapan o panauhan ng pangngalan ang
nagsasabi kung ang pangngalan ay tumutukoy sa taong
nagsasalita, taong kumakausapat taong pinag-uusapan.

2.Kailanan
Nalalaman kung ang pangngalan ay tumutukoy sa
isa, dalawa o higit pang ttao, bagay, hayop, pook o
pangyayari.

A.Isahan = kapatid
B.Dalawahan = kambal
C.Lansakan= kawan
Mga Pananda sa Pagpaparami ng Pangngalan

1.Ang mga pantukoy na ang/ ang mga at si/sina


-Ginagamit para sa pangngalang pambalana o
para sa mga pangngalang pantanging hindi ngalan
ng tao.

2.Ang mga panlapi at pag-uulit


3.Ang mga pang-uri
4.Ang mga pamilang

You might also like