FILIPINO Lesson Plan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XI
Dibisyon ng Davao Del Sur
Distrito ng Padada
PAARALANG SENTRAL NG PADADA

BANGHAY- ARALIN SA FILIPINO VI


Ikalawang Markahan

I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
napakinggan.
B. Pamantayan Sa Pagganap
Naisasakilos ang isang direksyon o panuto.
C. Mga Kasanayang Pagkatuto
Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pakikipag-usap sa
iba’t ibang sitwayson. (F60L-IIf-j-5)
II. Nilalaman:
A. Paksa: Pagamit ng wasto ng pandiwa sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.
Pandiwang Pawatas
B. Sanggunian:
 K to 12 Gabay PangCurriculum sa Filipino 6
 Landas sa Wika, pahina 126, 129-130
C. Iba pang kagamitang pampagtuturo:
 Larawan
 Laptop, projector, slides (power point presentation)
D. Integrasyon: Science
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagsasanay
 Ipakita ang mga larawan na ito:

 Papag-usapan ang karaniwang ginagawa ng mga bata sa mga nabubulok


na basura sa kanilang bahay at paligid.
2. Balik-aral:
Anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagsunod sa panuto?
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Ipabasa ang tungkol sa “Paggawa ng Pataba o Abono sa Halaman”
2. Paglalahad ng Gawain:
 Tungkol saan ang direksyon o panutong binasa ng mga mag-aaral?
 Malinaw ba ang direksyon?
3. Pagtatalakay:
Ang mga salitang ginamit sa pagbibigay ng direksyon o panuto ay mga pandiwa
rin na nasa anyong pawatas. Ginagamit ang pawatas na anyo ng pandiwa sa pagbibigay
ng direksyon o panuto at sa pag-uutos o pakikiusap.
4. Panlinang na Gawain:
a. Pangkatang Gawain
Pangkatin sa apat ang klase. Ganyakin ang bawat grupong magbigay ng
direksyon o panuto para sa mga sumusunod:
 Unang Pangkat- Pagpunta sa bahay ninyo.
 Pangalawang Pangkat- Pagluluto/Pagsasaing ng bigas.
 Pangatlong Pangkat- Paglalaba ng maruming damit na puti at may kulay.
 Pang-apat na Pangkat- Gagawin kapag may sunog.
b. Pagsusuri
Ipapresent ang awtput ng bawat grupo. Magbigay ng karagdagang input kung
kailangan.
5. Paglalapat:
Bakit mahalagang alam ang pagkakasunod-sunod ng mga panuto sa
pagsasagawa ng gawain?
6. Paglalahat:
Ano ang Pandiwang Pawatas? Kailan ginagamit ang pandiwang pawatas?

IV. Pagtataya:
Panuto: Gamitin sa pagbibigay ng direksyon o panuto ang sumusunod na mga
pandiwang pawatas:
1. takpan
2. isara
3. punasan
4. hintayin
5. tawagan
6. dalhin
7. matulog
8. sagutin
9. umalis
10. damputin
V. Takdang- Aralin:
Panuto: Magbigay ng utos o payo ayon sa sumusunod na sitwasyon. Gamitin ang mga
pandiwa sa pawatas na anyo.
1. Paglilinis ng bahay
2. Pagsagot sa klase
3. Pagdidilig ng halaman
4. Pagsasara ng pinto
5. Pagbabasa sa aklatan

Inihanda ni:

GNG. ANNALIZA A. ANUTA


Teacher-I

Iwinasto ni:

G. DOMINADOR N. GOLEZ, JR.


Master Teacher-II

You might also like