Cot 3RD Quarter
Cot 3RD Quarter
Cot 3RD Quarter
Department of Education
Region V
Schools Division of Sorsogon
Donsol East 1 District
SEVILLA ELEMENTARY SCHOOL
Sevilla, Donsol, Sorsogon
I. Layunin:
1. Natutukoy ang mga uri ng pangungusap batay sa binasang kwento.
2. Nagagamit ang ibat- ibang uri ng pangungusap sa usapan o dayalogo.
3. Nasusulat ang pangungusap gamit ang ibat- ibang uri nito.
II. Paksang- Aralin:
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT
a. Sangunian: K-12 Filipino Teacher’s Guide Page 378-379
b. Kagamitan: Laptop, Power point presentation, monitor, chalk and board, pictures,
Bluetooth speaker, activity charts, activity sheets, at papel.
III. Pamamaraan:
A. Balik- Aral:
Magbalik tanaw sa kwentong binasa “ALAMAT NG PINYA”
Itaas ang kanang kamay kapag letrang A ang sagot at kaliwang kamay kapag letrang B.
1. Ano ang hinahanap ni Pinang?
a. Sandok b. Kutsara
2. Ano ang tumubo sa bakuran ni Aling Rosa?
a. Damo b. Puno
3. Anong ugali mayroon si Pinang?
a. Masipag b. Tamad
4. Bakit napilitan si Pinang na sumunod sa autos ng kanyang Ina?
a. Maysakit b. Galit
5. Bakit biglang naglaho si Pinang?
a. Nagtago b. Naging halaman na may maraming mata
B. Pagganyak
a. Panonood ng Balita
1. Tungkol saan ang inyong napanood?
2. Ano ang sakit na nilalabanan ng bakuna na ito?
3. Ano kaya ang maaring mangyari kung walng bakuna laban sa sakit na ito?
b. Pakikinig sa isang dayalogo.
1. Pagbibigay ng pamantayan sa pakikinig
Huwag makipag- usap sa katabi.
Making ng Mabuti.
Intindihin mabuti ang kwento.
Magbigay respeto sa nagkukuwento.
2. Pakikinig sa dayalogo tungkol sa bakuna.
C. Paghabi ng Layunin:
1. Ano ang paksa ng usapan ng mag- ina?
2. Ano daw ang bakuna?
3. Bakit kaya ayaw ni Lani na magpabakuna ang kanyang nanay?
4. Dapat ba tayong matakot sa pagbabakuna bakit?
D. Pagtatalakay:
Balikan ang mga pangungusap mula sa usapan.
1. Inay, may bakuna na po pala sa Covid- 19.
2. Magpapabakuna po ba kayo Inay?
3. Halika rito sa tabi ko Lani.
4. Inay, pwede po bang wag na kayong magpapabakuna?
5. Natatakot po kasi ako!
Ang limang yan ang mga uri ng pangungusap. Talakayin natin isa- isa ang mga uri ng pangungusap.
1. Pangungusap na Paturol
Ang pangungusap na nagssasalaysay ay tinatawag na paturol o pasalaysay.
Ito ay ginagamitan ng tuldok (.) sa hulihan.
Halimbawa.
-Nag punta kami sa Mall.
-Masarap mabuhay ng tahimik .
2. Pangungusap na Patanong
Patanong ang tawag sa pangungusap na nagtatanong. Ginagamitan ito ng tandang pananong
(?) sa hulihan ng pangungusap.
Halimbawa:
-Nakita mo ba ang bag ko?
- Saan kayo nagpunta kahapon?
-Sino ang iyong mga magulang?
3. Pangungusap na pautos o pakiusap
Ang pangungusap na naguutos ay tinatawag nap autos at ang pangungusap ay nakikiusap
naman ay tinatawag na pakiusap. Ginagamitan ito ng tuldok (.) sa hulihan. Ang pinagkaiiba
ng pautos o pakiusap, ang pautos ay diretsong naguutos samantala nag pakiusap ay
nakikiusap ng may paggalang at gumagamit ng paki
Halimbawa ng pautos
-Maghugas ka ng plato.
-Maglinis ka ng bahay.
-Kunin mo ang lapis.
4. Pangungusap na padamdam
-padamdam ang pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin o
nararamdaman.
Nagsasaad ito ng galit, tuwa, sakit, takot, paghanga, lungkot, paghihinayang at iba pa.
Halimbawa:
Wow! ang galling mo naman kumanta.
Naku! Naiwan ko ang aking baon.
Aray! Ang sakit ng tiyan ko.
E. Pangkatang Gawain
Isang araw, habang naglalaro kayo ng mga kaibigan mo napag- usapan Ninyo ang tunkol
sa pagbabakuna laban sa Covid-19. Napansin mong halos lahat sa kanila ay ayaw at tako
rito. Doktor ang nanay mo kaya alam mong makakabuti ito. Paano mo sila hihikayatin o
kumbinsihin na magpabakuna?
Pangkat 1
Iarte o itanghal ang usapan na napapalooban ng mga uri ng pangungusap tungkol sa
pagkumbinsi sa iyong mga kaibigan na magpabakuna laban sa Covid-19.
Pangkat 2
Gumawa ng komiks strip na napapalooban ng mga uri ng pangungusap tungkol sa
pagkumbinsi sa iyong mga kaibigan na magpabakuna laban sa Covid- 19.
Pangkat 3
Buuin ang pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ito.
1. May magandang epekto ang bakuna nilalabanan nito ang ________________________.
2. Gusto mo bang _________________?
3. Natatakot ako __________________!
4. Gusto kong malaman ang ______________________.
5. Pakidala mo sa akin ___________________________.
F. Paglalapat:
Ang pangungusap ay may ibat ibang uri, may nagtatanong ginagamitan ng bantas na
patanong(?), pangungusap na paturol na gingamitan ng tuldok(.) sa hulihan, may pautos na
diretsong naguutos, may pakiusap na may paggalang at gumagamit ng "paki", at pangungusap
na nagsasaad ng matinding damdamin na ginagamitan ng tandang padamdam (!).
IV. Pagtataya
Basahing mabuti ang mga sumusunod at tukuyin kung anong uri ng pangungusap ito.
Inihanda ni:
Noted:
SHIRLEY B. WARDE
HT-III