Home Economics LM

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 100

LEARNING

MATERIAL
(EPP- Home Economics)
GRADE 5

(Quarter 2)
Department of Education
Schools Division Office
Cabanatuan City

LEARNING MATERIAL

EPP 5
Home Economics

Author/Developer:

Bernalyn G. Eugenio
Teacher III, FA Reyes ES

Mary Jane C. Demesa


Teacher III, JP Melencio ES

Quality Assurance:

Alexander D. Neri, Ph.D.


EPS-I EPP/TLE

Ever M. Samson
EPS-I LRMDS

Priscilla D. Sanchez, Ph.D.


Chief ES, Curriculum Implementation Division

This Learning Material is a property of DepEd Schools Division Office of Cabanatuan City.
Outside of the public schools in this Division, no part of this Learning Material may be sold,
distributed or reproduced in any means without its explicit consent.
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

HE TUNGKULIN SA SARILI
Aralin 1

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.
Naisasagawa ang kasanayan sa
pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa
pagsasaayos ng tahanan.
Code: EPP5HE-0a-1

Nilalaman:
Sa araling ito, malalaman natin ang mga tungkuling pansarili upang
mas mapapangalagaan at mapapabuti ang ating mga sarili.

Layunin:
1. Nagagampanan ang tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o
pagbibinata.
2. Naiisa-isa ang mga tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga at
pagdadalaga

ALAMIN NATIN:

Bawat isang mag-aaral ay lumalaki, may mga tungkulin ka sa sarili na


dapat mong gampanan para mas mapabuti ang iyong sarili. Ito ay
makatutulong sa iyo sa pang-araw mong gawain.

LINANGIN NATIN:

Sa tulong ng mga sumusunod na gawain, matutupad at


magagampanan natin ang ating mga tungkulin sarili.

1. Paglilinis at paliligo araw - araw.


2. Pagsusuot ng malinis at maayos na damit.
3. Paglilinis ng ngipin.

Page | 1 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

4. Pag-aalaga ng buhok.
5. Paggugupit ng kuko sa kamay at paa.
6. Pagkain ng masusustansyang pagkain.
7. Pag-iwas sa mga pagkaing junk foods at pag inom ng soft drinks at iba
pang pagkaing may maraming sangkap na kemikal.
8. Magkaroon ng 8-10 oras na pagtulog sa loob ng isang araw.
9. Paglalaan ng sapat na oras sa pag-eehersisyo at paglalaro.
10. Pag-inom ng 8 o higit pang baso ng tubig sa araw- araw.

TANDAAN NATIN:

Ang bawat isa ay naghahangad ng maayos at kaakit-akit na paningin


ng kapwa. Ang pagtupad sa mga tungkuling pansarili ay pagpapakita at
pagpapaunlad ng personalidad ng isang tao kaya ito ay nararapat lamang na
bigyan ng pansin ng bawat isa.

GAWIN NATIN:

Basahin at kompletuhin ang sumusunod na pangungusap.

1. Kumain ng pagkain upang gumanda at lumakas


ang katawan.
2. Magkaroon ng na oras ng pagtulog sa loob ng isang
araw.
3. Magiging kaakit-akit ka kung ikaw ay maliligo _.
4. Ang pagkain ng ay hindi makabubuti sa katawan.
5. Uminom ng baso ng tubig araw-araw.

PAGYAMANIN NATIN:

Magtala ng mga gawi o gawain na makabubuti upang mas maging


maayos ang sarili. Halimbawa, magsuklay bago pumasok sa eskwela,
ugaliing maghilamos bago matulog.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP Umunlad sa Paggawa 5

Page | 2 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

HE
Aralin 2 PAGBABAGONG PISIKAL SA SARILI

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.
Naisasagawa ang kasanayan sa
pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa
pagsasaayos ng tahanan.
Code: EPP5HE-0a-2

Nilalaman:

Ating tatalakayin ngayon ang mga pagbabagong pisikal sa panahon ng


pagdadalaga at pagbibinata. Ang araling ito ay makakatulong upang lubos
na maunawaan ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa iyong sarili
upang hindi ka matakot sa mga pagbabagong ito.

Layunin:

1. Naipaliliwanag ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa


sarili sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
2. Natutukoy ang mga pagbabagong pisikal sa sarili tulad ng
pagkakaroon ng tagiyawat, pagtubo ng buhok sa iba’t-ibang bahagi
ng katawan, at labis na pagpapawis.

ALAMIN NATIN:

Maraming pagbabago ang nagaganap sa pangangatawan mula sa


gulang na 10 hanggang 16. Tingnan ang larawan. Anu-ano ang iyong
napapansin sa pangangatawan ng dalawang bata? Pagmasdan mo ang iyong
sarili at mga kamag-aral. Anu-anong pagbabago ang iyong napapansin?

Page | 3 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

Panahon ng pagdadalaga at pagbibinata o puberty ang tawag sa yugto


ng buhay kung kalian maraming pagbabagong nagaganap sa iyong
pangangatawan. Ito ang panahon kung kailan ang pangangatawang pisikal
ng tao ay umuunlad. Normal lamang sa kabataang hahantong sa pagiging
tinedyer ang makaranas ng mga pagbabago sa pangangatawan. Ito ay hindi
dapat ikahiya at sa halip ay pag-aralan at unawain. Inihahanda sa yugto ng
buhay na ito ang katawan upang maging ganap na lalaki o babae.

Mga Pagbabago sa Nagdadalaga at Nagbibinata


1. Pagsulong ng taas at bigat.
Ang higit na pagsulong sa taas at bigat ay nagaganap bago
maging pangkasariang ganap. Sa panahon na ito ang isang normal at
malusog na batang lalaki ay karaniwang tatangkad ng mula sa 7
hanggang 12 sentimetro at ang babae mula 6 hanggang 11 sentimetro.
Ang biglaang paglaki ay unang mapapansin sa mga babae kaysa lalaki
lalo na kung magsisimula nang magkaregla. Ngunit sa gulang na 14
hanggang 19, mabilis na humahabol sa taas at timbang ang mga
kalalakihan.
2. Pagbabago sa sukat ng katawan.
Kasabay ng pagsulong sa taas at timbang ang mga pagbabagong
sukat ng iba’t-ibang bahagi ng katawan. Mabilis na umuunlad ang laki
at komposisyon ng pangangatawan.
3. Pag-unlad ng mga pangunahing bahaging pangkasarian.
Unti-unting ginigising ng pituitary glandsang iba’t-ibang
bahaging pangkasarian ng isang nagbibinata o nagdadalaga upang
magsimulang gampanan ang kani-kanilang tungkulin. Sa mga babae,

Page | 4 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

nagsisimulang lumaki at magkahugis ang dibdib. Sa panahong ito rin


nagkakaroon nan g buwanang daloy o menstruation. Ang ari naman ng
mga kalalakihan ay unti-unti ring lumalaki at nagbabago upang
maging pangkasariang ganap.
4. Pagtubo ng buhok sa iba’t-ibang bahagi ng katawan
May mga pagbabagong nangyayari sa panlabas na anyo ng
nagdadalaga at nagbibinata na nagbibigay sa kanila ng mga
katangiang higit na nagpapatunay ng kanilang kasarian. Ang mga
kababaihan ay tinutubuan ng buhok sa kilikili at sa ibabaw ng ari.
Bukod sa nagkakahugis ang dibdib, lumalapad ang balakang ng
nagdadalaga. Ang mga kalalakihan din ay tinutubuan ng buhok sa
mukha tulad ng bigote, sa kilikili, sa ibabaw ng ari, binti at dibdib.
5. Pagtubo ng tagihawat
Ang mga kababaihan ay nagkakaroon ng tagihawat lalo na
kapag malapit na ang buwanang daloy dahil sa glandular
disturbances.Ang mga kalalakihan din naman ay nagkakaroon din ng
tagihawat sanhi ng pagbabagong dulot ng pagbibinata.
6. Pagiging pawisin
Ang mga kalalakihan ang labis na nagiging pawisin kapag sila
ay nagbibinata na.

TANDAAN NATIN:

Ang pagbabago sa pisikal na anyo ng mga nagbibinata at nagdadalaga


ay isang normal na pangyayari sa buhay ng isang tao. Walang dapat ipag-
alala bagkus ito ay ipagpasalamat sapagkat ang ating katawan ay umuunlad
ng normal bilang paghahanda sa pagiging isang ganap na lalaki at babae.

GAWIN NATIN:

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang Tama kung


ito ay nagpapakita o tumutukoy sa pagbabagong pisikal ng mga nagbibinata
o nagdadalaga at isulat ang Mali kung hindi.

1. Pagkulubot ng balat sa katawan.


2. Pagtubo ng buhok sa kilikili at iba pang bahagi ng katawan.
3. Paglabas ng sobrang pawis sa katawan.
4. Pagputi ng buhok.
5. Pagtubo ng ngipin.
6. Pagkakaroon ng tagihawat sa mukha at leeg.

Page | 5 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

7. Pag-alsa ng dibdib.
8. Pagkakaroon ng buwanang daloy.
9. Pagbigat ng timbang.
10. Pagbaluktot ng likuran.

PAGYAMANIN NATIN:

1. Magdala ng iyong bagong larawan na nagpapakita ng mga pagbabago


sa iyong pisikal na anyo.
2. Isulat sa iyong kwaderno ang mga pagbabagong napansin sa iyong
katawan.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5

Page | 6 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

HE MGA PARAANG DAPAT ISAGAWA SA PANAHON NG


Aralin 3 PAGBABAGONG PISIKAL

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.
Naisasagawa ang kasanayan sa
pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa
pagsasaayos ng tahanan.
Code: EPP5HE-0a-2

NILALAMAN:

Mahalagang maging kaugalian ang wastong pangangalaga sa sarili


pagkat dito magsisimula ang pangkalusugang pangangalaga sa sarili. Sa
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata kailangan sila ay handa sa mga
dapat gawin na may kinalaman sa kung bakit nangyayari ang mga ito.

LAYUNIN:
Natatalakay ang mga paraang dapat isagawa sa panahon ng
pagbabagong pisikal

ALAMIN NATIN:

Panahon ng Pagreregla
Sa gulang na 10 taon pataas ay nagsisimulang dumating ang
buwanang daloy o regla sa isang babae na siyang tanda ng kaniyang
kasarian. Ito’y isang pahiwatig o hudyat na ang bahay-bata ng isang babae ay
handa nang bumuhay ng isang sanggol sa sinapupunan.

Ang dumadaloy na dugo ay nagsisimula sa loob ng bahay bata. Ito’y


kumakapal at dumarami sa loon ng 26-30 araw. Kung hindi ito mapupunlaan
ng sihay-punlay o sperm cell galling sa lalaki, unti-unti itong hihiwalay sa
balat ng bahay-bata kasama ang maraming dugong nakakapit at hinog na
itlog ng babae na siyang lumalabas na regla. Ang buwanang daloy ay

Page | 7 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

karaniwang nagtatagal ng tatlo hanggang pitong araw. Ito ang normal at


mahalagang tungkulin ng kasarian ng mga babae.

Sa unang pagdaloy ng dugo o paglabas ng regla ay tunay na


nakakagulat at nakakabahala sa isang bata na hindi alam kung ano ang
nangyayari. Ito ay dapat na malaman at maintindihan ng isang nagdadalaga
bago sumapit ang ganitong mga karanasan. Ang mga pangyayaring ito’y
dapat ipagbigay-alam sa mga magulang o nakatatandang kapatid upang
maktulong sa dapat gawin. Sa uang taon, ang buwanang daloy ay maaaring
palaktaw-laktaw at hindi regular, ngunit pagkatapos ng ilang buwan ay
magiging regular na rin.

Panahon ng pagtutuli

Ang pagtuli ay isinasagawa sa lalaki upang maging makinis at maalis


ang kulubot ng dulo ng tunod. Ang pagtutuli ay isang simpleng operasyon
kung saan inaalis ang sobrang balat na bumabalot sa gland o ulo ng tunod.
Ito’y ginagawa upang mapanatiling malinis ang dulo ng tunod at maiwasan
ang impeksyon. May mga batang tinutuli matapos ipanganak, ngunit may
paniniwala rin na ang pagtutuli ay palatandaan ng pagbibinata kaya’t
ginagawa ito sa gulang na 10 hanggang 14 na taong gulang.
Maaaring isagawa ang pagtuli sa ospital o sa klnika. Mayroon mga
albularyo sa probinsya na nagsasagawa ng simpleng operasyon na ito.
Habang sariwa pa ang sugat, ang pinakuluang dahon ng bayabas ang
pinanlalagas o ipinanghuhugas upang gumaling agad. Kapag ang sugat ay
namaga, kailangang ikunsulta agad sa doktor upang malapatan ng dagliang
lunas ng antibiotics laban sa impeksyon.
May makabagong pamamaraan din ng pagtuli upang maiwasan ang
impeksyon. Higit na mabuti na sa klinika o ospital isagawa ang pagtutuli
upang mapagpilian ang nais na anyo ng pagtuli tulad ng German cut,
lasercut, at iba pa. Ang wastong pangangalaga at gamot na kakailanganin ay
naibibigay ayon sa pagrereseta ng doctor. Ang pagpapagaling ay mas madali
at maiiwasan din ang mga di kanais-nais na sakit o kirot dahil may wastong
pampamanhid at antibiotics.
Kung kulang ang badget ng magulang pwede namang maghintay ng
medical mission sa mga barangay na tinatawag nilang "Operasyon Tuli". Ito
ay libre o walang bayad at ginaganap ito tuwing bakasyon o summer, para
ang mga batang lalaki ay nasa bahay lang. Mga doktor at nars ang
gumagawa ng operasyon kaya ito ay ligtas.

Page | 8 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

Unang Araw

Panahon ng Pagreregla
Upang maihanda ang iyong sarili sa mga pagbabagong pisikal na
magaganap mahalagang iyong maunawaan na iyong mararanasan ang mga
sumusunod:

Dysmenorrhea
Ang dysmenorrheal ay ang pamimintig ng puson o ang pagkirot nito
tuwing magkakaroon ng regla ang babae sanhi ng pag-urong ng laman ng
bahay-bata at ang unti-unting pagdaloy ng dugo mula sa paligid nito.
Mababawasan ang pagsakit ng puson sa pamamagitan ng tamang pag-
eehesisyo at pag-lalagay ng hot water bag sa ibabaw ng puson. Ito’y normal
na nararanasa ng ilang dalagita at maaaring kumunsulta sa doktor para
maresetahan ng gamot na pampaginhawa sa kirot ng puson.

Menopause
Sa isang babae, ang menopause ay ang paghinto ng pagreregla. Ito’y
hudyat din na kawalan ng kapasidad upang magka-anak sa gulang na 45-50
kung wala ng pagdaloy ng regla.

Paghahanda sa Panahon ng Pagreregla


Ang regla ay dumarating minsan isang buwan ayon sa bilang ng
menstrual cycle. Ang menstrual cycle ay bilang ng araw na pagitan sa
pagkakaroon muli ng regla. Ang karaniwang cycle ay 25 hanggang 29 na
araw na pagitan. Mahalagang magkaroon ng pansariling kalendaryo ukol sa
pagreregla upang malaman ang iyong cycle at kung kalian ka magkakaroon
muli ng regla. Makakatulong ito upang makapaghanda ng mga
kakailanganin s panahon na muling pagregla.

Pag-aralan ang halimbawa sa ibaba.

Si Marion Jane ay nagkaroon ng regla noong ika-12 ng Enero,


kalian siya daratnan muli kung siya ay mayroong 27 araw na pagitan?
Maaari siyang datnang muli sa ika-7 ng Pebrero.

Pagpapanatiling Malinis at Maayos sa Panahon ng Pagreregla

Ang tiyak na paraan upang mapanatiling maginhawa ang pakiramdam


ay ang araw-araw na paliligo kahit mayroong regla. Hindi nakakasama ang

Page | 9 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

magshampoo ng buhok at paliligo kahit mayroong regla, at hindi rin titigil


ang daloy nito. Maaaring gumamit ng maligamgam na tubig sa pagligo at
huwag magtagal sa paliligo para hindi sipunin. Ugaliin na linisin ang iba
pang bahagi ng katawan tulad ng ngipin, kuko, tainga, kilikili, singit, at
tuhod. Sa panahon na mayroong regla, higit na kailangan ang madalas na
paghuhugas at pagpapalit ng napkin upang maiwasan ang malansang amoy
ng dugo. Magpalit ng pasador tuwing ikatlo o ika-apat na oras o kung
kinakailangan. Ang paggamit ng tawas o kalamansi sa kilikili at singit ay
nakakabawas ng amoy ng katawan. Maaari ring gumamit ng deodorant.
Dalasan ang paghihilamos upang maiwasan ang pagkakaroon ng tagihawat.

Magpalit ng damit at panty bago matulog. Gumamit ng mas makapal


na sanitary napkin o mga lumang kamiseta at magpalit ayon sa
pangangailangan.

Kumain ng masustansiyang pagkain at uminom ng sariwang katas ng


prutas. Mag-ehersisyo rin nang wasto, makakatulong ito sa maayos na
pagdaloy ng regla.

Kailangang paghandaan ang susunod na pagreregla upang maiwasan


na marumihan ng dugo ang pag-ibabang kasuotan. Ang pagmamarka sa
sariling kalendaryo ay makatutulong upang makapaghanda ng mga
kailangan tulad ng pasador at panty. Ugaliing magbaon ng panty at sanitary
napkin sa bag.

Wastong Paggamit ng Pasador o Sanitary Napkin

Ginagamit ang pasador o sanitary napkin sa panahon ng pagdadaloy


ng dugo o pagreregla. Ang pasador ay maaaring mga lumang kamiseta o
halfslip sa inilupi upang ilagay na sapin sa panty. Kailangang ito ay
sumisipsip ng dugo na dapat palitan nang mas madalas at labhan kaagad
pagkaalis upang di manatili ang mantas at amoy. Ibabad kaagad pagkaalis
upang di manatili ang mantas at amoy. Ibabad ito s mabulang sabon at tubig
at banlawang mabuti.
Mayrron din naming sanitary napkin na mabibili at mas maginhawang
gamitin kaysa sa pasador dahil ito’y idinidikit lamang sa panty upang hindi
gumalaw. Ang sanitary napkin ay may iba’t ibang laki, lapd, at kapal na
mapagpipiliang angkop sa iyong pangangailangan. Magpalit ng napkin kung
kinakailangan o apat na oras na pagitan sa loob ng isang araw at hugasan ang
sarili, pwedeng gumamit ng feminine wash para presko ang pakiramdam.
Ibalot nang maayos ang pinagpalitang napkin at itapon sa basurahan.
Maghugas ng kamay bago magpalit at pagkatapos hawakan ang sanitary
napkin.

Page | 10 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Pangalawang Araw

Pangangalaga sa Bagong Tuli

Mahalagang pangalagaan nang wasto ang sarili kapag bagong tuli


upang mapabilis ang paghilom ng sugat. Dapat gumamit ng maluwag na
pantalon, shorts o padyama, upang mahanginan at matuyo agad ang sugat.
Kailangan palitan ang balot ng tunod at linisin ito araw-araw.

Mga dapat tandaan kapag bagong tuli:

 Magsabon at banlawang mabuti ang mga kamay bago hawakan ang


sugat.
 Linisin ang sugat ng katas ng pinakuluang dahon ng bayabas habang
ito ay sariwa pa.
 Kumain ng masustansyang pagkain upang mapabilis ang paghilom ng
sugat.
 Iwasang kumain ng malalansang pagkain tulad ng hipon, bagoong,
malasadong itlog, at iba pa. Ito’y magiging sanhi ng pangangati at
kapag di na mapigilan ang pagkamot, ito’y maaaring maimpeksyon.
 Kumunsulta sa doktor kapag namaga ang tuli.

TANDAAN NATIN:

Ang mga pagbabago sa pangangatawan ng mga nagdadalaga at


nagbibinata ay tanda ng pagdagdag ng gulang at paglaki ng isang bata sa
pagiging binata o dalaga.

Maging handa sa pagdating ng regla at ganun din sa mga


magpapatuli. Ugaliin ang pagsasagawa ng mga pamamaraang pangkalinisan
sa saril.

GAWIN NATIN:

Isulat ang Tama, kung ang isinasaad ng pangungusap ay wastong


ugali; Mali kung di wasto, at isulat ang wastong salitang ipapalit sa may
salungguhit na mga salita.
Halimbawa:
Mali, sanitary napkin 1. Sa panahon ng pagreregla gumamit ng tissue paper
upang di matagusan.

Page | 11 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

1. Ibalot nang maayos sa isang papel ang ginamit na sanitary


napkin at itapon sa basurahan.
2. Magpalda kung bagong tuli kahit may maluwag na shorts.
3. Ikunsulta sa doktor ang mga di-karaniwang karamdaman
sa panahonng pagreregla.
4. Hugasan ng dahon ng kamias at sampalok ang sugat sa
pagtuli.
5. Magtala sa kalendaryong pansarili ng unang araw ng
pagdaloy ng regla at huling araw nito.

PAGYAMANIN NATIN:

Panayamin ang mga taong Health workers sa inyong barangay


tungkol sa kahalagahan ng pagreregla at wastong pangangalaga ng katawan
sa panahon ng pagreregla at ganoon din ang mga paghahandang gagawin. Sa
mga lalaki naman alamin kung kailan ang kanilang Medical Mission
"Operasyon Tuli" sa inyong barangay. Tanungin din kung ano ang dapat
ihanda ng magpapatuli.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5

Page | 12 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

HE EPEKTO NG PAGBABAGO NG PAGDADALAGA AT


Aralin 4 PAGBIBINATA

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.
Naisasagawa ang kasanayan sa
pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa pag-
aayos ng tahanan.
Code: EPP5HE-0b-3

Nilalaman:
Sa araling ito, matutukoy ang mga epekto ng mga pagbabago sa isang
nagbibinata at nagdadalaga at kung paano ito haharapin.

Layunin:

Naipapakita ang kamalayan sa pang-unawa sa pagbabago ng sarili at


sa pag iwas sa panunukso.

ALAMIN NATIN:

Humarap sa inyong kamag-aral. Tanungin ang kapag-aral kung anu-


anong mga pagbabago ang kanyang napapansin sa kanyang sarili.
Paghambingin ang mga pagbabagong nagaganap sa inyong dalawa at iulat sa
buong klase.

LINANGIN NATIN:

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga mapapansing pagbabago dulot


ng pagdadalaga at pagbibinata:

Page | 13 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Epekto sa katawan.
Ang mga nagdadalaga ay karaniwang nakararanas ng di-mabuting
kondisyon ng katawan bago o tuwing darating ang buwanang daloy tulad ng
sakit ng ulo at pagkahilo, pagsusuka,pananakit ng dibdib at puson.
Sa mga nagbibinata, ang paglaki ng mga kalamnan sa braso at binti ay
nagdudulot ng ibayong lakas at resistensya kaya’t nahihilig sila sa iba’t-ibang
uri ng laro at isports.

Epekto sa Ugali.
Kasabay ng pagbabago ng katawan ay unti-unti nagbabago rin ang
ugali. Nauuna ang mga babae kaysa sa mga lalaki. Ang mga babae ay
nagiging mahiyain at maramdamin.Nagiging mapansinin sa sarili o self-
concious. Madalas nag-aayos sa katawan lalo na sa pananamit.Nagkakaroon
na sila ng mga taong iniidulo at nais maging modelo.
Sa panahon din na ito nagiging mapaghanap ng pagkilala at
pagtanggap maging babae man o lalaki. Natatanto nilang hindi na sila bata
ngunit hindi pa sapat sa gulang o mature. Ang ibang kabataan naman ay
gumagawa ng mga bagay upang makuha ang atensiyon ng mga magulang,
kaibigan, at hinahangaan. Ang ibang nagbibinata ay nagkakaroon ng ugaling
mapaghimagsik lalo na kung naguguluhan sila at hindi nila naiintindihan ang
mga pagbabagong nagaganap sa sarili. Ang mga kilos nila ay nagiging
palaban at mapusok. Kailangan nila ng sapat na pamamatnubay at pang-
unawa ng mga magulang at nakatatanda upang maintindihan nila ang
kanilang sarili.

Epekto sa pakikitungo.
Ang pakikisama at impluwensya ng kapwa kabataan ay matindi sa
panahon ng pagdadalaga at pagbibinta. Ito ang panahon kung kailan ninanais
matatag ng nagdadalaga o nagbibinata ang kanyang sarili iba sa kanyang
magulang at mga kapatid. Ang pakikihalubilo sa ibang kabataang
kasinggulang niya ay tumutulong upang makilala niyang lubusan ang sarili
at matutunan kung paano siya makikitungo sa ibang tao. Nagiging mapag-
isip din tungkol sa iba’t ibang pananaw sa pamumuhay ang kabataan.
Maaring sumasalungat ang ilang kabataan tungkol sa pamamalakad ng
pamumuhay ng kanilang magulang na nagiging sanhi ng alitan at di-
pagkakaunawaan. Ito ay maaaring iwasan sa pamamagitan ng maayos at
mahinahong pag-uusap ng anak at magulang.

TANDAAN NATIN:

Ang lahat ng mga mag-aaral ay makakaranas o nakakaranas ng epekto


ng pagbibinata at pagdadalaga. Dahil dito, napakahalagang bigyang pansin
at nangangailangan ng malawak na pang-unawa sa mga pagbabagong ito.

Page | 14 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

Sumulat ng isang talata kung paano ninyo haharapin ang mga epekto
ng mga pagbabagong nagaganap sa isang nagdadalaga at nagbibinata.

PAGYAMANIN NATIN:

Pagdating sa inyong bahay, humarap sa inyong salamin at itala sa inyong


kwaderno ang mga pagbabagong iyong napansin sa iyong sarili.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5

Page | 15 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

H.E PAG-IWAS SA PANUNUKSO DAHIL SA MGA


Aralin 5 PAGBABAGONG PISIKAL

Naipamamalas ang pang-unawa sa


Pamantayang Pangnilalaman: kaalaman at kasanayan sa mga “gawaing
pantahanan” at tungkulin at
pangangalaga sa sarili.
Naisasagawa ang kasanayan sa
Pamantayan sa Pagganap: pangangalaga sa sarili at gawaing
pantahanan na nakatutulong sa pag-
aayos ng tahanan.
Code: EPP5HE-0b-4

Nilalaman:

Ang araling ito ay naglalayong makatulong sa mga bata upang


matamo ang karagdagang kaalaman, kasanayan at saloobin upang
matugunan at mapahalagahan ang wastong pang-unawa at pangangalaga sa
sarili. Maipakita at mapahalagahan ang wastong ugali at paninindigan sa
pagpapaunlad sa sarili.

Layunin:

Naipapaliwanag kung paano maiiwasan ang panunukso dahil sa


pagbabagong pisikal.

ALAMIN NATIN:

Ang nagdadalaga’t nagbibinata’y may pusong mapagmahal at


maunawain. Sila’y bukas palad at mapagbigay. Ang pakikipagkapwa-tao
nila’y yumayabong habang silay pinakikitaan ng halimbawa at binigiyan ng
pagkakataong maglingkod, tumulong, at mamuhay nang ayon sa nararapat.
Sino sa inyo ang may mga karanasan tungkol sa panunukso ng kamag-
aral? Ano ang iyong ginawa para ito ay maiwasan?

Page | 16 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

Bunga ng Pagbabagong Pisikal:

1. Ang mga nagdadalagat, nagbibinata’y malimit mauhaw, malakas


kumain at mahimbing matulog
2. Dahil sa likas na kaliksihan at walang tigil na pagkilos silay
medaling pagpawisan
3. Mapili sa kasuotan at kadalasay sunod sa muda o uso ang ayos ng
buhok.
4. Tunay na silay aktibo – mabilis, maliksi, malakas at masigla, kaya’t
sa musika higit na gusto nila ang mabibilis na tugtuging rock.

Pagbabagong Mental, Emosyonal at sosyal

1. Higit na magiging mausisa tungkol sa buhay at pangyayari sa


kapaligiran.
2. Ang pagiging malapit sa mga kaibigan.
3. Pagkatiwalaang gumanap ng mga gawaing makapagpapabuti sa
sarili.

TANDAAN NATIN:

Ang pagdadalaga at pagbibinata, pagbabago sa sarili, di man hintayin,


dumarating ng kusa. Ang pagtanggap sa sarili na ang pagbabagong
nagaganap ay kailangang mangyari sa buhay ng tao.

GAWIN NATIN:

Sagutin ng TAMA o MALI ang sumusunod na pangungusap.

1. Ang mga gulang 10 – 13 taon ay panahon ng pagdadalaga’t


pagbibinata.
2. Ang nagdadalaga’y karaniwang lumalapad ang balikat at lumalalim
ang tinig.
3. Ang pagreregla ay hudyat na ang nagdadalaga’y may kakayahang
maging ina.

Page | 17 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

4. Ang puso at baga ay nadaragdagan ang sukat upang bigyan ng


karampatang alalay ang mabilis na pagsulong ng katawan.
5. Dapat ikabahala ang pababago ng katawan.
6. Madaling mauhaw at pawisan ang mga nagdadalaga at nagbibinata.
7. Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata nagbabago rin ang
kanilang damdamin.
8. Nagiging mapili sa kasuotan ang mga nagdadalaga.
9. Pintasan o hiyain sila sa harap ng ibang tao.
10. Malapit sa kaibigan ang mga batang nasa edad 10 -16

PAGYAMANIN NATIN:

Gumawa ng sariling kuro-kuro o reaksyon tungkol sa aspektong


emosyonal sa pagbabago sa sarili.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP Umunlad sa Paggawa 5

Page | 18 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

HE MGA KAGAMITAN AT WASTONG PARAAN SA


Aralin 6 PAGLILINIS AT PAG-AAYOS NG SARILI

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.
Naisasagawa ang kasanayan sa
pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa
pagsasaayos ng tahanan.
Code: EPP5HE-0c-5

Nilalaman:

Sa araling ito, matututunan natin ang iba’t-ibang kagamitan na maaari


nating gamitin sa upang mapanatili natin ang kalinisan at kaayusan sa ating
sarili. Malalaman natin kung ano,saan at paano ang gamit ng mga ito.
Tatalakayin din sa araling ito ang wastong paraan sa paglilinis ng ating
mga sarili. Maaaring ito ay gawin at sundin pag-uwi sa ating bahay.

Layunin:
1. Naisasaugali ang pagtupad ng tungkulin sa sarili.
2. Nasasabi ang mga kagamitan at wastong paraan sa paglilinis at pag-
aayos ng sarili.

ALAMIN NATIN:

Tingnan at suriing mabuti


ang mga kagamitan sa paglilinis ng
katawan na nasa larawan.
Alin sa mga ito ang ginagamit
mo araw-araw? Alin ang ginagamit
mong isang beses sa isang linggo?

Page | 19 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Palagi mong isaisip na kailangan mong maging malinis at maayos.


May mga kagamitan na dapat mong gamitin para sa iyong sarili lamang at
may mga kagamitang maaari ring gamitin ng iba pang kasapi ng pamilya.
I. Lagyan ng tsek (/) kung pansarili o pampamilya ang mga kagamitang
nakahanay.

Kagamitan Pansarili Pampamilya


1.mouthwash
2.toothpaste
3.hair dryer
4.tuwalya
5. sipilyo
6.suklay
7.pulbos
8.bimpo
9.sabon
10.shampoo

LINANGIN NATIN:

May mga akmang kagamitan sa paglilinis at pag-aayos sa sarili.


Suriin at pag-aralan ang wastong paggamit sa sumusunod na larawan.

Bahagi ng Kagamitan Wastong Paggamit


Katawan
Buhok Shampoo Ito ay nagbibigay ng kaaya-ayang
amoy sa ating buhok. Ito rin ang
nag-aalis ng mga kumapit na dumi
at alikabok sa ating buhok.

Suklay o Ito ay ginagamit sa pagsusuklay ng


Hairbrush buhok upang matanggal ang mga
buhol-buhol o gusot sa ating
buhok.

Kuko Panggupit sa Ito ay ginagamit sa pagpuputol o


kuko o nailcutter paggugupit ng kuko sa kamay at
paa. Dapat pantayin ang kuko na
ginupit gamit ang nail file o
panliha.

Bibig at Ngipin Sipilyo Ito ay ginagamit kasama ang


toothpaste upang linisin at

Page | 20 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

tanggalin ang mga pagkaing


dumidikit o sumisingit sa pagitan
ng mga ngipin pagkatapos kumain.

Toothpaste Nagpipigil sa pagdami ng


mikrobyo sa loob ng bibig.
Pinatitibay nito ang mga ngipin
upang hindi ito mabulok.

Mouthwash Sa pagmumumog dapat gumamit


rin ng mouthwash upang lalong
makatulong sa pagpapanatili ng
mabangong hininga. Ito rin ay
nakatutulong sa pagpupuksa sa
mga mikrobyong namamahay sa
loob ng bibig sanhi ng mabahong
hininga.

Ito ay nag-aalis ng dumi at libag sa


Sabong
Katawan katawan at nagbibigay ng mabango
Pampaligo
at malinis na amoy sa buong
katawan.
Bimpo
Ito ay ikinukuskos sa buong
katawan upang maalis ang libag sa
ating buong katawan.
Tuwalya
Ito ay ginagamit na pamunas sa
buong katawan pagkatapos maligo
para matuyo.

TANDAAN NATIN:

Mahalaga ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa sarili. May


mga kagamitan na maaari nating gamitin na makatutulong upang maging
malinis at maayos ang ating sarili tulad ng suklay, nailcutter, sipilyo, bimpo,
tuwalya at iba pa.

Page | 21 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

Punan ang patlang upang makumpleto ang pangungusap. Piliin sa


loob ng kahon ang sagot.

nailcutter bimpo suklay toothpaste


tuwalya sabon shampoo sipilyo

1. Gumagamit ng upang kumintab at maalis ang dumi at


alikabok ng buhok.
2. Linisin ang ngipin pagkatapos kumain gamit ang at
.
3. Kung ang kuko ay mahaba na, ito’y putulin gamit ang
na matalim.
4. Ikuskos ang sa buong katawan upangito’y luminis at
libag ay maalis.
5. Katawan ay patuyuin pagkatapos maligo gamit ang
malambot at malinis.
6. Iba-iba ang kulay at lasa, ngunit parehong nagpapalinis ng ngipin
kung ika’y gagamit ng .

PAGYAMANIN NATIN:

Magkaroon ng sariling cleaning kit na naglalaman ng mga kagamitang


panlinis sa sarili. Tulad ng nailcutter, suklay, bimpo, toothbrush, toothpaste at
iba pa. Maaaring dalhin ito araw-araw sa inyong pagpasok sa paaralan.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5

Page | 22 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

HE WASTONG PAMAMARAAN SA PAGLILINIS AT


Aralin 7 PAG-AAYOS NG SARILI

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.
Naisasagawa ang kasanayan sa
pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa
pagsasaayos ng tahanan.
Code: EPP5HE-0c-5

Nilalaman:
Sa araling ito, malalaman natin ang wastong pamamaraan sa paglilinis
at pag-aayos ng sarili upang matupad natin ang tungkulin natin sa ating
sarili.

Layunin:
1. Naisasaugali ang pagtupad ng tungkulin sa sarili.
2. Naipakikita ang wastong pamamaraan sa paglilinis at pag-aayos.

ALAMIN NATIN:

Ang batang maayos at malinis ang pangangatawan at pananamit ay


kaakit-akit tingnan. Ipinahihiwatig ng panlabas na anyo ng tao ang
pangangalagang ginagawa niya sa kanyang sarili.
Tingnan ang dalawang larawan sa ibaba. Anu-ano ang pagkakaiba na
nakikita mo sa kanilang itsura at pananamit?

Page | 23 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

Kaakit-akit tingnan ang isang tao kapag lagi siyang malinis at maayos.
Ang kalinisan ng katawan ay mahalaga upang mapanatili ang pansariling
kalusugan. Maraming pamamaraan ang dapat gawin upang mapanatiling
malinis at maayos ang sarili.

1. Maligo araw-araw.
Upang maiwasan ang di kanais-nais na amoy sa katawan,
kinakailangan ang paliligo araw-araw. Nakagiginhawa at nakagagaan
ng pakiramdam ang paliligo lalo na kung ito ay gagawin sa umaga pa
lamang.
2. Alagaan ang buhok
Sa pamamagitan ng paggugo gamit ang shampoo at tubig,
maaalis ang dumi at alikabok na nasa ating buhok. Gawin ito tatlong
beses o higit pa sa isang lingo. Suklayin ang buhok pagkatapos upang
mapanatili itong tuwid at maayos.

3. Pagsipilyo ng ngipin
Sipilyuhin ang ngipin nang maraming ulit sa isang araw lalo na
matapos kumain. Nakadaragdag nang malaki sa kagandahan ng
mukha ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin. Kailangang
dumalaw din sa dentist dalawang beses o higit pa sa isang taon upang
matiyak na walang sira ang mga ngipin.

4. Pagkain ng sapat
Kumain nang sapat at tama sa oras. Ang timbang na pagkaing
masustansya ay kailangan ng katawan upang manatiling malusog.
5. Mag-ehersisyo araw-araw.
Ang pag-eehersisyo ay tumutulong sa mabilis na pagtunaw ng
pagkain sa katawan, regular na pagbabawas ng dumi, maayos na
sirkulasyon, at matibay na kalamnan.
6. Matulog nang tama sa oras
Iwasan ang pagpupuyat upang maging masigla ang katawan at
pag-iisip at panatilihing makinis ang balat.
7. Uminom ng anim hanggang walong baso ng tubig araw-araw
Kailangan ng katawan ang tubig upang lumabas ang mga dumi
sa loob ng katawan.
8. Putulan at linisin ang mga kuko sa kamay at paa
9. Magpalit ng mga damit panloob araw-araw.
10. Para sa mga kababaihan, bunutin ang mga balahibo sa kilikili na
maaaring maging sanhi ng anghit. Gumamit ng deodorant tulad ng
dinidikdik na tawas o mga produktong nabibili sa tindahan.

Page | 24 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

May kasabihan tayo na “Ang Kalusugan ay Kayamanan.”


Mapananatili nating malusog an gating katawan kung tayo ay naliligo,
nagsusuklay ng buhok, nagsisipilyo ng ngipin at gagawin ang iba pang
gawaing pangkalusugan araw-araw.

GAWIN NATIN:

Gawain A

1. Bumuo ng grupo na may limang miyembro.


2. Ang bawat miyembro ay makakakuha ng pirasong papel na
naglalaman ng isang paraan sa paglilinis at pag-aayos ng
sarili.
3. Iarte ang sinasabi sa papel at hayaang hulaan ito ng mga
kagrupo.

Gawain B

Basahin ang mga sitwasyon. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang
tauhan ay nagpapakita ng pamamaraan ng paglilinis at pag-aayos sa kanyang
sarili. Lagyan ng ekis (X) kung hindi.

1. Si Allan ay naliligo araw-araw ngunit ang suot na damit ay


paulit-ulit.

2. Ang buhok ni Sandra ay mahaba at makapal, kaya naman


pinananatili niya ito na malinis, maganda at maayos.

3. Payat at laging nanghihina ang batang si Jessica dahil sa hindi


pagkain ng masusustansyang pagkain.

4. Mahilig sa matatamis na pagkain ang magkapatid na Lito at


Ana. Kaya naman ang paalala ng kanilang ina na laging magsipilyo ng ngipin
ay kanilang sinusunod.

5. Tuwing gabi ng Linggo, nakagawian na ni Lando ang gupitin


ang kanyang kuko upang sa pagpasok sa kinabukasan sa paaralan ay malinis
ang mga ito.

Page | 25 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

PAGYAMANIN NATIN:

Sa iyong journal o dayari, itala o isulat kung ano-ano ang ginagawa


mong mga paraan ng paglilinis at pag-aayos ng sarili.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5

Page | 26 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

H.E TALATAKDAAN SA PAGLILINIS AT PAG - AAYOS


Aralin 8 NG SARILI

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga “gawaing
Pamantayang Pangnilalaman:
pantahanan” at tungkulin at pangangalaga
sa sarili.
Naisasagawa ang kasanayan sa
pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa pag-aayos
ng tahanan.
Code: EPP5HE-0c-5

Nilalaman:

Sa araling ito , mabibigyang pansin ang pagbibigay ng oras at panahon sa


paglilinis at pag-aayos ng sarili.

Layunin:

1. Naisasaugali ang pagtupad ng tungkulin sa sarili.


2. Nakagagawa ng sariling talatakdaan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili.

ALAMIN NATIN:

Ano - ano ang mga bagay o gawain na ginagawa mo bago ka pumasok


sa paaralan? Gaano kadalas o kabilis mo ito ginagawa?

Page | 27 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

Tingnan ang ipinakikitang mungkahing plano sa paglilinis at pag-


aayos ng sarili. Nakatala rito ang bahagi ng katawan na dapat linisin at
ayusin sa loob ng takdang panahon. Punan ang bawat hanay ng mga gawaing
pangkalusugan na nararapat isagawa ng bawat isa. Sipiin ito upang maging
gabay sa pagpaplano ng mga gawaing pangkalinisan at pagaayos.

Bahagi ng Tuwing Tuwing Matapos Lingguhan Buwanan


Katawan ang Ilang
Umaga Gabi Araw

Pag-aayos Pag-brush Paggugo


at nang
Buhok pagsuklay maraming ng buhok
ng buhok beses

Mukha at
Kutis

Kamay

Paa

Ngipin

Katawan

Kuko

Page | 28 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

Kinakailangang paglaanan ng oras ang mga gawaing pangkalinisan


sapagkat mahalaga ito upang makamtan ang kaiga-igayang panlabas na
kaanyuan.
Malaki ang maitutulong ng paghahanda ng plano sa paglilinis at pag-
aayos ng sarili upang matiyak na walang gawaing makakaligtaan. Sa
pamamagitan ng isang plano, mabibigyang pansin ang mga gawaing ito sa
araw-araw na gawain ng isang tao.

GAWIN NATIN:

Isulat kung anu-ano ang ginagawa mong paraan ng paglilinis at pag-


aayos ng sarili. Itala ito sa isang tsart at lagyan ng tsek (√) ang iskedyul ng
pagsasagawa ng nga ito.
Mga Tuwing Tuwing Matapos Lingguhan Buwanan
Gawain Umaga Gabi ang Ilang
Araw
Paggugo ng
buhok
Pagsisipilyo

Paliligo

Pagpuputol
ng Kuko

PAGYAMANIN NATIN:

Gumawa ng eskedyul para sa pag-aayos at paglilinis ng sarili sa loob


ng isang Linggo.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP Umunlad sa Paggawa 5

Page | 29 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

HE
PANGANGALAGA NG KASUOTAN
Aralin 9

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.
Naisasagawa ang kasanayan sa
pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa
pagsasaayos ng tahanan.
Code: EPP5HE-0c-6

Nilalaman:

Sa araling ito, matutuhan natin kung paano pangalagaan ang ating


sariling kasuotan. Malalaman natin ang kaparaanan upang mapanatiliang
mga ito na malinis.

Layunin:
1. Napangangalagaan ang sariling kasuotan.
2. Naiisa-isa ang mga paraan upang mapanatiling malinis at maayos
ang kasuotan.

ALAMIN NATIN:

Isa sa pangunahing pangangailangan ng tao ay ang kasuotan. Upang


mapanatili ang init at linis ng katawan nagsusuot tayo ng damit. Sa mga uri
ng kasuotan na nasa ibaba. Alin ang madalas at mas komportable mong
isinusuot?

Page | 30 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

Ang matalinong pagpili ng angkop na kasuotan sa iba’t-ibang panahon


ay mawawalan ng halaga kung hindi naman ito aalagaan nang wasto. Ang
pangangalaga ng kasuotan ay mahalaga sapagkat ipinapakita rito ang
pagpapahalaga ng taong may suot nito. Nakadaradag din ito sa iyong
kaayusang panlabas.

Lahat ng bagay na isinusuot sa katawan ay nangangailangan ng pang-


araw-araw na pag-aalaga. Sikaping maglaan ng ilang oras para rito.
Nakapagtitipid ng oras, pagod at salapi kung uugaliing pangalagaan ang mga
damit araw-araw. Tatagal pa ang pakinabang mo rito.

Narito ang ilang paraan ng pangangalaga ng kasuotan.

1. Dapat ingatan ang kasuotan mula sa oras na isuot ito hanggang sa


ito ay iyong hubarin. Isuot nang maingat ang damit upang
maiwasan ang mga tastas at punit. Mag-ingat sa pagkilos upang
hindi masabit sa pako o iba pang bagay na matulis ang damit.
2. Iwasang maupo sa mga lugar na marurumi.
3. Huwag gamiting pamunasan ng kamay, pawis, o tumutulong sipon
ang damit. Gumamit ng panyo para sa mga ganitong gawain.
4. Hubarin kaagad ang damit pampasok at magpalit ng damit
pambahay pagkagaling sa paaralan.
5. Ilagay sa sisidlan ng maruming damit o ropero ang damit na
pinaghubaran.

Narito naman ang ilang mga paraan upang manatiling malinis at


maayos ang kasuotan.

1. Paglalaba
Kailangang labhan ang mga
damit na naisuot na upang matanggal
ang dumi, alikabok at pawis na kumapit
dito. Nakarurupok ng tela ang mga
duming ito bukod sa nagging sanhi ng
di-kanais-nais na amoy. Napananatiling
maayos ang damit kapag ito ay
nilalabhan kaya nagagamit pa ito nang
matagal na panahon. Mahalagang
isagawa nang maayos ang paglalaba
upang matiyak na malinis ang mga
damit.

Page | 31 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

2. Pamamalantsa

Ang mga bagong labang damit ay


gusut-gusot kapag natuyo na. Hindi
maayos tingnan ang damit kung isusuot
na lukut-lukot kaya dapat plantsahin
muna.Sa pamamagitan ng
pamamalantsa, bumabalik ang dating
hugis at ayos ng damit. Kaiga-igayang
tingnan ang kasuotan kung maayos at
wasto ang pagkakaplantsa nito.

3. Pagsusulsi
Kung minsan ay hindi maiwasang
magkaroon ng punit ang damit lalo na
kung luma na ito at hindi nagging
maingat sa pagkilos ang nagsuot.
Sulsihan kaagad ang mga punit sa damit
upang hindi lumaki pa ang sira.

4. Pagtatagpi
Ang butas sa damit na gawa ng upos ng sigarilyo, kagat ng
daga at mapanirang mga kulisap ay kinukumpuni sa pamamagitan ng
pagtatagpi.

5. Pag-aalis ng Mantsa
Dapat tanggalin kaagad ang mga
mantsa sa damit sapagkat ito ay hindi
magandang tingnan. Bukod pa rito, mas
mahirap tanggalin ang mantsa kapag
nagtagal o natuyo na sa damit. Tiyaking
natanggal na ang mantsa ng damit bago ito
labhan upang hindi masayang ang lakas at
oras sa pagtatanggal ng mga ito habang
naglalaba.

6. Pag-aayos ng mga Damit


Mahalagang magkaroon ng sariling
lalagyan ng mga damit. Higit na
mapangangalagaan ang mga
kasuotan kung may cabinet o
aparador na paglalagyan ng mga ito.
Kung walang cabinet o aparador,
maaaring
ilagay rin sa malinis at malaking
kahon ang mga kasuotan.

Page | 32 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

Ang malinis at maayos na pananamit ay bahagi ng pag-aayos sa sarili.


Dapat maging gawi ng bawat isa na panatilihing malinis at maayos ang mga
kasuotan. Ang malinis at maayos na pananamit ay kaakit-akit tingnan kahit
na hindi ito sunod sa moda.

GAWIN NATIN:

Piliin sa Hanay B ang paraan na dapat gawin upang mapanatiliang


kalinisan at kaayusan ng kasuotan na binabanggit sa Hanay A. Isulat ang titik
sa patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B

1. Kung ang kasuotan ay natapunan a. Pagsusulsi


ng pagkain, pintura, at iba pang likidong b. Pag-aayos ng mga
bagay. damit
2. Pagkakaroon ng punit o tastas sa damit. c. Paglalaba
3. Pagkatapos malabhan ang damit, ito ay d. Pag-aalis ng Mantsa
gusot-gusot at hindi magandang tingnan e.Pamamalantsa
kung ito ay nakasuot na lukot-lukot.
4. Gawin ito matapos maisuot ang damit
Upang maalis ang dumi at alikabok na kumapit.
5. Gawin ito matapos labhan at plantsahin
ang mga damit.

PAGYAMANIN NATIN:

Pagdating sa inyong bahay. Siyasatin ang iyong kasuotan. Sundin ang


natutunang mga paraan upang ito ay mapanatiling malinis at maayos.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5

Page | 33 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

H.E. PAG-AAYOS NG PAYAK NA SIRA NG DAMIT SA


Aralin 10 PAMAMAGITAN NG PANANAHI SA KAMAY

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman: “gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.

Naisasagawa ang kasanayan sa


pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa pag-
aayos ng tahanan.
Code: EPP5HE-0c-6

Nilalaman:
Sa araling ito, matutugunan kung paano maisasaayos ang payak na
sira ng mga damit sa pamamagitan ng pananahi sa kamay.

Layunin:
1. Napangangalagaan ang sariling kasuotan.
2. Naisasa-ayos ang payak na sira ng damit sa pamamagitan ng pananahi
sa kamay(halimbawa: pagsusulsi ng punit sa damit o pagtatahi ng
tastas.
3. Naisasagawa ang pagsusulsi ng iba’t-ibang uri ng punit.

ALAMIN NATIN:

Hanapin at bilugan ang limang (5) kagamitan sa pananahi.

D K H G P R W E
K A R A Y O M M
L V S D T F N E
C Y S X H M O R
B L I A B E S Y
G U N T I N G B
S D U F E I N A
N O L A D I D G
A W I M H K A T
T S D G L R K M

Page | 34 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

Ang Pagsusulsi
Ang pagsusulsi ay isang paraan ng pagkukumpuni ng mga punit sa
kasuotan. Tahing patutos ang ginagamit sa pagsusulsi sa kamay.

Mga Hakbang sa Pagsusulsi

Tuwid na punit Pahilis na punit Tatlong sulok na punit


1. Gumamit ng manipis na karayom na may mahabang mata at matulis at
matalas na dulo.
2. Gumamit ng sinulid na kasing-uri at kakulay ng damit na susulsihan.
3. Hawakan ang damit sa karayom o sa harapan nito.
4. Magsimulang manahi sa kananpatungong kaliwa. Gawing pantay-pantay
ang laki ng bawat tahing patutos. Sundan ang habi ng tela.
5. Iwasang maging patay pantay ang haba ng bawat linya ng tahi. Gawing
salit-salitan ang haba ng tahi pagdating sa dulo upang maiwasan ang
panibagong punit sa dakong pinagsulsihan.
6. Gawing lapat at katamtaman ang higpit ng mga tahi. Kukulubot ang sulsi
kung sobrang higpit. Magkakaroon naman ng siwang ang punit na bahagi
kung masyadong maluwang.
7. Plansatahin ang sinulsihan nap unit upang maging malinis at lapat.

Pagtatagpi

Ang pagtatagpi ay ginagawa sa mga butas na damit na ang dahilan ay


maaring nasunog na sigarilyo, kinagat ng daga , at iba pang insekto. Ang
kapirasong telang gagamitin sa pagtatagpi ay dapat katulad ng damit na may
butas upang hindi mapansin ang ginawang tagpi. kung walang katulad na
retaso, maaring gumupit sa laylayan ng damit na tatagpian.

Mga Hakbang sa Pagtatagpi

1. Gupitin ang mga himulmol sa gilid


ng butas ng hugis parisukat. Tanggalin
ang mga sinulid na nakalawit sa tela.

Page | 35 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

2. Bahagyang gupitin ang mga sulok ng


parisukat na may dalawa’t kalahating
milimetro.

3. Tupiin papaloob ang apat na gilid ng


parisukat. Diinan ang tupi upang
maging lapat at tuwid.

4. Gupitin ng hugis parisukat ang retasong


gagamitin. Kailangang limang sentimetro
mahigit ang laki nito kaysa butas ng
damit na tatagpian. Tupiin ng dalawa’t
kalahating sentimetro ang gilid nito
at diinan upang lumapat

5. Ilapat sa ilalim ng butas ang telang panagpi.


Ihilbana ang panlabas na gilid nito bago tahian
ng slip stitch.

6. Ang damit ay baliktarin sa karayagan.


Tahian ng slip stitch ang paligid ng
parisukat matapos itong ihilbana.

Page | 36 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

Malaki ang naitutulong ng ng maayos na pananamit sa isang


personalidad ng isang tao. Nararapat lamang na ito ay ating pahalagahan at
ingatan. Sa panahon ng pagkasira o pagkapunit ng kasuotan , dapat itong
tahiin kaagad bago ito labhan upang magamit na muli at mapakinabangan.

GAWIN NATIN:

Ilabas ang mga kagamitan sa pananahi kasama ang may sirang damit
at subuking kumpunihin ang mga ito sa tulong ng mga hakbang sa pananahi
ng sirang damit.

Rubric sa Pagmamarka

Pamantayan 1 2 3
Nakapagdala ng walang hindi kumpleto
kumpletong kagamitan dala kumpleto ang dala
sa pananahi ang dala
Nakasunod sa tamang hindi nakasunod nakasunod
hakbang ng nakasunod ng bahagya at maayos
pagkukumpuni ang gawa

PAGYAMANIN NATIN:

Magsanay sa inyong tahanan sa pagkukumpuni ng mga sirang kasuotan.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5

Page | 37 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

HE
Aralin 11 WASTONG PARAAN NG PAGLALABA

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.
Naisasagawa ang kasanayan sa
pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa
pagsasaayos ng tahanan.
Code: EPP5HE-0c-7

Nilalaman:

Sa araling ito, makikita at matututunan natin ang wastong paraan ng


paglalaba. Malalaman din natin ang kahalagahan ng paghihiwalay ng mga
putting damit mula sa de-kulay na kasuotan.

Layunin:

1. Naisasagawa ang wastong paraan ng paglalaba.


2. Napaghihiwalay ang puti at di-kulay.

ALAMIN NATIN:

Tingnan ang larawan sa itaas. Ito


ay maruruming damit na naisuot na. Ano
ang kinakailangang gawin upang ito ay
muling maging malinis?
Napagmasdan mo na ba ang iyong ina sa
kanyang paglalaba? Paano niya
pinaghihiwa-hiwalay ang mga kasuotan
bago simulan ang paglalaba?
Anu-ano ang mga paraan ng paglalaba
na kanyang ginagawa?

Page | 38 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

Ang paglalaba sa maruruming damit ay isang paraan ng pangangalaga


sa damit. Sa paglalaba inaalis ang kumapit na dumi, pawis, at alikabok na
nakarurupok sa tela. Napananatili ang ayos at tumatagal ang mga damit
kapag ito ay nilalabhan.

Narito ang mga hakbang na dapat sundin kapag naglalaba:

Pagbukod-bukurin ang mga damit.


Ihiwalay ang mga puting damit sa may
kulay, mga maruming-marumi sa di-
gaanong marumi, at ang mga damit na
may mantsa o dapat kumpunihin.
Tahiin muna ang mga sirang damit at
alisin ang mantsa bago ito labhan.

Ibabad sa tubig ang mga damit na lalabhan upang


lumambot ang pagkakakapit ng dumi. Unahin ang mga puti at di-
gaanong marurumi bago ang mga may kulay at maruming-
marumi. Sundin ang ganitong pagkakasunud-sunod ng paglalaba

Sabunin ang mga damit.


Kusuting mabuti ang mga bahaging
karaniwang kinakapitan ng dumi
tulad ng kuwelyo, manggas, likod, at
laylayan.

Page | 39 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Ikula sa araw ang mga puting


damit matapos itong sabunin nang
pangalawang beses. Manaka-nakang
wisikan ng tubig na may sabon ang
nakakulang damit upang huwag
matuyo.

Banlawan ng tatlong beses


ang mga damit na may kulay
hanggang ma-alis lahat ng bakas ng
sabon. Isampay ang mga damit sa
malilim na lugar upang hindi
kumupas ang mga kulay nito.

Matapos ikula ang mga puting


damit, sabunin itong muli at
pagkatapos ay banlawan nang ilang
ulit hanggang maalis ang bakas ng
sabon. Isampay ang mga puti sa
maaraw na lugar upang lalong
pumuti.

Page | 40 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

 Ang mga damit na naisuot na at marumi ay kailangang labhan.


Sa paglalaba, ang dumi at alikabok ay naaalis gayundin ang di
kanais-nais na amoy. Magaan at maginhawa ang pakiramdam
sa pagsusuot ng damit na bagong laba lalo na ang mga damit
panloob. Ang damit kapag nilalabhan ay tumatagal ang gamit
kaya dapat isagawa nang maayos ang paglalaba upang matiyak
na malinis at maayos ang mga ito.
 Ang wastong paglalaba ay nagbibigay ng bagong anyo sa
kasuotan at nagpapahaba ng pakinabang sa mga ito.
 Ang kasuotan ay magtatagal kung ito’y pinangangalagaan at
susundin ang wastong pamamaraan ng paglalaba.

GAWIN NATIN:

Basahin ang mga pangungusap. Gumuhit ng nakangiting mukha sa


linya kung ang pangungusap ay nagpapakita ng wastong paraan ng
paglalaba at malungkot na mukha kung hindi.

1. Ang kulay pula, asul, dilaw, berde at itim na kasuotan ay


pinaghihiwa-hiwalay upang hindi mamantsahan.

2. Ihiwalay ang mga damit na di gaanong marumi mula sa maruming-


maruming damit.

3. Hindi na kinakailangang ibabad pa sa tubig ang mga damit. Maaari


na itong sabunin agad-agad.

4. Banlawan ng tatlong beses ang mga damit na may kuay hanggang


maalis lahat ng bakas ng sabon.

5. Mas lalong nakapuputi sa mga damit na puti ang pagkula at


pagbibilad sa araw ng mga ito.

Page | 41 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

PAGYAMANIN NATIN:

Sa inyong mga tahanan, gawin at sundin ang wastong pamamaraan ng


paglalaba. Sa tulong ng iyong magulang, kuhanan ito ng video upang
maipakita sa guro.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5

Page | 42 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

H.E
PAG-AALIS NG MANTSA SA DAMIT
Aralin 12

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.
Naisasagawa ang kasanayan sa
pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa pag-
aayos ng tahanan
Code: EPP5HE-0c-7

Nilalaman:
Kaaya-aya tingnan ang may malinis na kasuotan. Nakakatulong ito sa
pag-angat ng isang personalidad ng isang tao. Ang mga paraan ng pag-aalis
ng matsa sa damit at pagkilala sa mga ito ang ating tatalakayin sa araling ito.

Layunin:
1. Naiisa-isa at nakikilala ang mga uri ng matsa sa damit.
2. Natutukoy ang mga paraa ng pag-aalis ng mantsa sa damit.

ALAMIN NATIN:

Masdan ang mga nasa larawan. Ano ang iyong napansin? Sa iyong
palagay, ano anong uri ng dumi o matsa ang iyong nakikita?

Page | 43 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

Mga karaniwang mantsa at mungkahing paraan kung paano ito aalisin:

1. Dugo - Ibabad kaagad ang sariwang matsa sa malamig na tubig bago ito
labhan. Ang natuyong mantsa ay kusutin sa tubig na may asin.
2. Tsokolate o kape - labhan sa sabon at tubig ang mantsa. Kung hindi
matanggal ang matsa, gamitan ng katas ng kalamansi at asin. Labhan at
patuyuin.
3. Tinta - Banlawan sa malamig na tubig bago labhan at sabunin. Maaring
lagyan din ng katas ng kalamansi at asin kung di matanggal sa unang
paraan.
4. Chewing gum - Lagyan ng yelo ang mantsa upang tumigas bago kaskasin ng
mapurol na gilid ng kutsilyo.
5. Putik - Gumamit ng brush upang maalis ang mantsa bago labhan tulad ng
ibang maruming damit.
6. Kalawang - Lagyan ng katas ng kalamansi at asin o pinitpit na kamyas at
ibilad sa araw. Ulitin nang ilang beses kung kinakailangan hanggang

Page | 44 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

maalis ang mantsa.


7. Mantika o langis - Buhusan ng mainit na tubig ang bahaging may mantsa
bago ito sabunin at labhan.
8. Kandila - Kaskasin ng mapurol na kutsilyo. Takpan ng mamasa-masang
pirasong papel at plantsahin ang lugar na may mantsa nang ilang ulit
hanggang masipsip ng papel ang natutunaw na kandila.
9. Tagulamin - Ibilad sa araw ang mantsang nilagyan ng katas ng kalamansi
at asin. Ulitin ito nang ilang beses hanggang matanggal lahat ng mantsa.
10. Prutas - Budburan ng asin ang sariwang mantsa upang huwag kumalat
bago banlawan sa kumukulong tubig.
11. Ihi - Sabunin sa tubig na may suka hanggang maalis ang mantsa.
12. Pintura - Kuskusin ng bulak na may turpentina bago labhan ang matsa.

TANDAAN NATIN:

Ang damit na may matsa ay hindi magandang. Ito ay nagpapakita


ng kapabayaan ng maysuot. Dapat tanggalin kaagad ang mantsa habang bago
pa dahil mahirap na itong tanggalin kapag luma at natuyo na.
Mayroon ding mga kemikal na maaring gamitin sa mga mantsang
mahirap tanggalin tulad ng asetona, peroxide, ammonia, glycerine at
zonrox.Bago gamitin ang kemikal, siguraduhin muna itong hindi
makapipinsala. Maaaring subukan muna ito sa laylayan ng damit o kuwelyo.
Gumamit ng bulak sa paglalagay ng kemikal . Ang paglalagay nito ay mula
sa gilid ng matsa patungo sa gitna upang hindi na ito kumalat pa. Gawing
marahan lamang ang pagkukuskos.

GAWIN NATIN:

Isulat sa tapat ng mga larawan kung paano ang pamamaraan sa pag-aalis


ng mantsa na tulad ng mga ito.

Page | 45 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

PAGYAMANIN NATIN:

Sa inyong tahanan, kumuha ng damit na marumi na


namantsahan. Subukan itong alisin ayon sa paraan ng pag-alis na natutunan.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5

Page | 46 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

HE
Aralin 13
WASTONG PAMAMARAAN NG PAMAMALANTSA

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.

Naisasagawa ang kasanayan sa


pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa
pagsasaayos ng tahanan.

EPP5HE-0d-8
Code:

Nilalaman:

Sa araling ito, matututunan natin ang wastong paraan ng


pamamalantsa. Hinahamon tayo ng araling ito na sumunod, isagawa at
ipakita ang tamang paraan ng pamamalantsa at paggamit ng plantsa.

Layunin:

1. Naisasagawa ang wastong paraan ng pamamalantsa.


2. Nasusunod ang batayan ng tamang pamamalantsa.
3. Naipakikita ang wastong paraan ng pamamalantsa at wastong
paggamit ng plantsa.

ALAMIN NATIN:

Nakatutuwang makita na ang isang mag-aaral na tulad mo ay


nakasuot ng uniporme na malinis at maayos. Ipinapakita nito ang sipag at
kasiyahan mo sa iyong pag-aaral. Ngunit paano kung ito ay malinis at
maayos pero ito ay gusot at wala sa dating hugis. Masdan ang kasuotan na
nasa larawan sa ibaba.

Page | 47 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Tanong:

1. Sa iyong palagay, malinis ba ang unipormeng nasa larawan?


2. Maganda bang tingnan ang kalagayan ng uniporme?
3. Ano sa palagay mo ang dapat gawin upang manumbalik ang ganda at
ayos ng uniporme?

LINANGIN NATIN:

Angmga damit na bagong laba ay kailangang plantsahin. Hindi


magandang tingnan ang damit kung isusuot na hindi pinaplantsa. Ang
pamamalantsa ay isang paraan ng pangangalaga at pag-aayos ng damit
upang bumalik ang dating hugis at ayos nito.

Sa pamamagitan ng mga kagamitang dala ng iyong guro tulad ng


plantsa, kabayo, ilang piraso ng damit o tela na lukot. Pakinggan at panooring
mabuti ang guro habang ipinapakita at isinasagawa ang wastong paraan ng
pamamalantsa.

Mga Hakbang sa Pamamalantsa


1. Ihanda ang plantsa at mga damit na paplantsahin,
malinis na tubig, at bimpo na gagamitin sa
pamamalantsa.
2. Ilagay sa tamang temperature ang control ng plantsa.
Ang init ng plantsa ay inaayon sa uri ng damit na
paplatsahin. Ang telang koton at linen ay kailangang
ilagay sa mataas na temperature samantalang sa seda
ay katamtaman ang kailangang init.
3. Unahing plantsahin ang makakapal na damit at
isunod ang maninipis. Baligtarin ang damit at

Page | 48 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

plantsahin ang tupi, bulsa, hugpungan, kuwelyo at laylayan.


4. Plantsahin ang mga manggas.
5. Ipasok ang balikat ng polo o bulsa sa dulo ng
plantsahan at plantsahin. Gawin ito sa kabilang
balikat.
6. Ipasok o ilusot ang buong damit sa plantsahan at
plantsahin ang harap at likod ng bulsa o polo.
7. Simulang plantsahin ang palda sa ibaba ng
baywang. Kung may pileges ang palda, ayusin ito at
padaanan ng basang bimpo bago plantsahin mula
laylayan patungong baywang.
8. Isabit sa hanger ang mga naplantsang damit tulad
ng bestida, pantalon, polo, at blusa. Ang mga damit
pambabae ay tiklupin at patasin ayon sa uri at itago
sa kahon o aparador.
9. Ang iba pang kagamitang tulad ng panyo at mga
damit panloob ay kailangang plantsahin.
10. Huwag iwanan ang plantsa sa ibaba ng tela o sa
ibabaw ng kabayo. Ilagay ito sa bakal na lalagyan .
Kung tapos na sa pagpaplantsa, alisin ang plug
kung de-kuryente ang ginagamit na plantsa.
Palamigin ang plantsa at langisan bago ito itago.
Itiklop ang plantsahan.

TANDAAN NATIN:

Ang pamamalantsa ay isang paraan ng pag-aalis ng mga gusot sa


damit na nakuha dahil sa paglalaba. Kailangang plantsahin ang damit bago
isuot upang maging malinis at maayos itong tingnan. May mga wastong
paraan ng pamamalantsa na maaari nating sundin upang mas maging
maayos, tuwid at bumalik sa dating hugis an gating mga damit.

GAWIN NATIN:

1. Bumuo ng pangkat na may limang miyembro.


2. Pag-usapan ang natutunang aralin.
3. Pumili ng dalawang miyembro na haharap sa klase. Ang isa ay
upang ipakita ang wastong paraan ng pamamalantsa gamit ang
mga kagamitan at ang isang miyembro ay ang siyang
tagapagpaliwanag.

Page | 49 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Rubric sa Pagmamarka

3 2 1
Kooperasyon Bawat isa ay Karamihan sa May mga hindi
sa grupo nakibahagi sa grupo ay nakibahagi sa
panggrupong nakibahagi sa talakayan ng
talakayan. talakayan. grupo.

Presentasyon Naipakita ng wasto Naipakita ang Ilan lamang na


at kumpletong karamihang paraan ng
paraan ng paraan ng pamamalantsa
pamamalantsa pamamalantsa ang wastong
naipakita.
Gawain B

Sagutin ang mga sumusunod na tanong

1. Bakit mahalagang matutunan ang mga tamang paraan sa


pamamalantsa ng damit?

2. Bakit kailangang ilagay sa tamang temperature ang kontrol ng


plantsa?

3. Anu-ano ang mga hakbang sa pamamalantsa ng damit?

PAGYAMANIN NATIN:

1. Sa tahanan, plantsahin ang polo at pantalon ng iyong Tatay. Mag-


ulat sa klase kung ano ang nangyari.
2. Sumulat ng maikling talata tungkol sa iyong karanasan sa
pamamalantsa.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6 Umunlad sa Paggawa 5

HE
PA
agra
e l|in
5014 PAGPAPANATILIGNraGdeM5AHoAmYeOEScoNnA
omTicIsNLD
eaIG
rning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.

Naisasagawa ang kasanayan sa


pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa
pagsasaayos ng tahanan.

Code: EPP5HE-0d-9
Nilalaman:

Malalaman natin sa araling ito kung paano maging maayos ang


sariling tindig tulad ng angkop na pag-upo, pagtayo,at paglakad kasama na
ang pagsasalita at pananamit. Matututunan din natin ang kahalagahan ng
pagkain ng masustansyang pagkain, pag-iwas sa sakit at di-mabuting gawain
sa kalusugan.

Layunin:

1. Napananatiling maayos ang sariling tindig


2. Naipakikita ang maayos na pag-upo, pagtayo at paglakad, wastong
pananamit at magalang na pananalita.
3. Naisasaugali ang pagkain ng masusustansyang pagkain, pag-iwas sa
sakit at di-mabuting mga gawain sa kalusugan.

ALAMIN NATIN:

Gawin ang mga sumusunod:

1. Umupo sa inyong kinalalagyang upuan.


2. Tumayo sa harap ng inyong upuan.
3. Lumakad ng limang hakbang palayo sa inyong upuan.
4. Markahan ang inyong sarili gamit ang pamantayan sa ibaba. Lagyan
ng tsek (/) sa tapat ng hanay ng inyong sagot.

Page | 51 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

PAMANTAYAN SA GAWAIN
1. Umupo na nakasandal ng tuwid sa Nagawa Hindi
upuan. Nagawa
2. Nakatayo ng tuwid at nakataas ng
katamtaman ang ulo.
3. Nanatiling tuwid ang katawan sa
paglakad habang nakabaluktot ng
bahagya ang mga tuhod.
4. Naigalaw ng Malaya ang mga kamay at
braso sa paglakad.

LINANGIN NATIN:

Ang maayos at mabikas na tindig ay tumutulong upang mapaganda


ang panlabas na anyo at ang pagdadala sa sarili. Mula sa pagkabata, simulant
nang magsanay na magkaroon ng mabikas na tindig at panatilihin habang
lumalaki dahil tumutulong ito na mapangalagaan ang katawan lalo na ang
likod kapag tumatanda na. Bukod ditto, tumitingkad ang kagandahan sa
mabikas na tindig.

Mahalagang naisasagawa ang mga sumusunod upang magkaron nang


maayos at mabikas na tindig/tikas tulad ng:

a. Pagkain ng masustansyang pagkain


b. Paggamit ng magagalang na pananalita.
c. Maayos na pagtayo, paglakad at pag-upo

A. Pagkain ng Masustansyang Pagkain


Kumain ng sapat at Wastong pagkain- Ang isang batang tulad mo ay
kailangan kumain ng tatlong mahahalagang pagkain- ang agahan, tanghalian
at hapunan upang matugunan ang pangangailangan ng katawan. Mainam
na gawing gabay ang tatlong pangkat ng pagkain sa pagbabalak ng pang-
araw-araw na pagkain. Ang pagkain sa bawat pangkat ay nagtataglay ng mga
sustansyang kailangan ng katawan tulad ng protina, carbohydrates,
biatamina at mineral.

B. Pagtulog at Pagpapahinga
Magkaroon ng sapat na oras ng tulog at pahinga- kinakailangan ang
sapat at tulog kung nais na lumaki nang maayos at maging maliksi at
maginhawa ang kalagayan ng katawan.Dahil sa ika’y bata pa, mas mahabang
oras ang kinakailangan mong pahinga. Magagawa mo ang paglalaro, pag-

Page | 52 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

aaral, at ibang Gawain nang hindi ka napapagod agad kung ikaw ay


nakapagpapahinga ng walo hanggang sampung oras araw-araw.

C. Pag-eehersisyo
Mag-ehersisyo- ito ay dapat na ugaliin upang ang katawan upang ang
katawan ay lumakas at tumibay. Dagdag pa rito, ang regular na ehersisyo ay
nakapagpapagana sa pagkain, nakatutulong sa maayos na pagdumi, at
pagkakaroon ng magandang tindig.

D. Tamang Pag-upo, Pagtayo at Paglakad

1. Ang Pag-upo


Sa pag-upo, sumandal nang tuwid sa upuan.

Idaiti ang balakang sa sandalan ng silya.

Iliyad ang dibdib at ihanay ang leeg at bandang itaas ng likod.

Ilapat ang mga paa sa sahig at ilagay ang mga kamay na
nakatikom sa kandungan.
 Iwasang nakahukot ang katawan kahit walang sandalan ang
silya.
2. Ang Pagtayo

 Tumayo ng tuwid at pag-agapayin ang mga paa ng 15


sentimetro.

Page | 53 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

 Itaas nang katamtaman ang ulo na parang nagbabalanse ng


aklat sa ibabaw nito at huwag hayaang lumaylay ang mga
balikat.
 Iliyad ang dibdib, patatagin ang tiyan at balakang.
 Panatilihing nakadiretso ang likod, kapantay ng likod ang ulo at
ang likurang bahagi ng katawan.
 Ang isang paa ay bahagyang ilagay sa unahan at ianggulo nang
bahagya ang isang paang nasa likuran.
 Ilagay ang bigat ng katawan sa dalawang paa.

3. Ang Paglakad

 Ibaluktot nang bahagya ang mga tuhod habang pinapanatiling


tuwid ang katawan.
 Hayaang gumalaw ang balakang sa paglakad subalit iwasan
ang labis na paggalaw ng katawan.
 Ihakbang ang mga paa ng katamtamang layo at panatilihing
magkaagapay ang dalawang paa sa paglakad.
 Ilapat o ibagsak nang dahan-dahan ang sakong sa sahig habang
naglalakad.
 Hayaan ang malayang paggalaw ng mga kamay at braso nang
salitan sa gilid ng katawan.

Malaki rin ang naitutulong ng pagkakaroon ng wastong pananamit


upang mapaganda ang panlabas na anyo at ang pagdadala sa sarili. Malaki
ang nagagawa ng mahusay na pagdadala ng kasuotan sa personalidad ng
isang tao. Higit na kahali-halinang tingnan ang taong may maayos at mabikas
na paggayak. Ang taong may maayos at mabikas na paggayak ay nagsusuot
ng mga damit na tama at angkop sa okasyon at lugar. Isinasaalang-alang din
niya ang gulang, kulay, pangangatawan, at pagkatao sa pamimili ng damit na
kanyang isusuot.

Hindi kinakailangang maging mamahalin ang mga kasuotan upang


matamo ang maayos at mabikas na paggayak. Sapat na ang malaman mo ang
uri ng kasuotan na nababagay sa iyo at angkop sa okasyon o lugar na

Page | 54 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

pupuntahan. Ang kagandahan ng damit ay nakikita sa paraan ng pagsusuot


at pangangalagang ibinibigay rito.

TANDAAN NATIN:

Malaki ang naitutulong sa kaaya-ayang personalidad ng maayos at


mabikas na pagdadala ng sarili. Lalong tumitingkad ang kagandahan ng
napiling kasuotan kapag may maayos na tindig. Dapat panatilihin ng batang
katulad mo ang maayos na tindig sa lahat ng pagkakataon. Higit na
magandang tingnan ang batang may maayos na tindig.

GAWIN NATIN:

A. Sagutin ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng maayos na paglakad?

2. Alin naman sa mga larawan ang nagpapakita ng wastong pagtayo?

Page | 55 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

3. Alin sa tatlong larawan ang nagpapakita ng maayos na pag-upo?

B. Bumuo ng isang talata kung paano natutulong ang pananamit ng


wasto at pagsasalita ng may paggalang.

PAGYAMANIN NATIN:

Sa iyong pag-uwi sa inyong tahanan. Subuking sundin ang wastong


paglakad. Sigurading ang mga panuntunan sa paglakad ay iyong
masusunod. At sa pagdating sa inyong bahay, ay sagutin ang nasa ibaba.

OO HINDI
Nakabaluktot ba ng bahagya ang mga tuhod
habang pinapanatiling tuwid ang katawan?
Malaya bang gumalaw ang balakang sa
paglakad ngunit nakaiwas sa labis na
paggalaw ng katawan?
Sa paghakbang ng mga paa katamtaman
bang ang layo at napanatiling magkaagapay
ang dalawang paa sa paglakad?
Nailapat ba o naiibagsak nang dahan-dahan
ang sakong sa sahig habang naglalakad?

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5

Page | 56 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT PAGSASAAYOS NG TAHANAN AT PAGLIKHA


Aralin 15
NG MGA KAGAMITANG PAMBAHAY

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.

Naisasagawa ang kasanayan sa


pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa pag-
aayos ng tahanan.

Code:
EPP5HE-0d-9

Nilalaman:
Sa araling ito, matutunan natin kung ano ang tungkulin ng bawat
miyembro ng pamilya sa tahanan upang mapanatili itong maayos at malinis.

Layunin:

Natutupad ang mga tungkulin sa pag-aayos ng tahanan.

ALAMIN NATIN:

Ang bawat kasapi ng mag-anak ay may tungkuling dapat gampanan


upang maging tahimik at kasiya-siya ang pagsasamahan sa loob ng tahanan.
Mahalagang malaman ng bawat isa ang kanilang tungkulin at tuparin ito
nang maluwag sa kalooban. Hindi dapat iasa ang lahat ng mga gawain sa
nanay. Ang mga anak na babae ay may tungkuling tumulong sa mga
gawaing bahay sa kanilang in tulad ng pagluluto,pamamalengke,paghahanda
ng pagkain,paghuhugas ng pinggan, paglalaba, at pagsusulsi. Ang mga anak
n a lalaki ay dapat tumulong sa ama at sa mga mabigat na Gawain tulad ng
pag-iigib,pagbubunot,pagkukumpuni ng mga payak na sira sa tahanantulad
ng pagpapalit ng ilaw, piyus, at sirang gripo ng tubig. Ang pag-aalaga ng
mga hayop, pagdidilig ng mga halaman, pagtatanim at pag aayosng mga
halaman at bakuran ay dapat magampann ng nakatatandang kapatid na

Page | 57 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

lalaki. Maaari na ring tumulong ng mga bunsong kapatid sa mga maliliit na


gawaing makakayanan tulad ng pag-aalis ng alikabok, pag-aayos ng laruan,
at pag-aabot ng maliliit na bagay at sumunod a ibang pang inuutos na kaya
nang gawain.

Kung ang bawat kasapi ng mag-anak ay may takdang tungkuling,


may kani-kaniyang ring karapatan ang bawat isa. May karapatang igalang
ang bawat isa, matanda man o bata. Ang mga bata ay maaaring humingi ng
pahintulot sa kanilang mga magulang na lumabas kapag walang pasok sa
paaralan. Ang paggamit ng ari-arian ng kapatid ay dapat ihingi ng
pahinutulot sa may ari. Iwasan ang magbukas ng liham ng iba o paggamit ng
kasuotan nito. Igalang anng pamamahinga ng mga kasama at huwag mag-
ingay. Ang bawat isa ay dapat kusang-loob na gumanap sa tungkulin ng mga
ksapi na hindi makatupad sa kanilang tungkulin. Maaaring paghati-hatian
ang mga tungkulin ayon sa bkakayahan, gulang, oras at kalusugan ng taong
gaganap nito. Kung ang isang mag-anak ay nagtutulungan at tumutupad sa
kanilang mga tugkulin, magiging maayos at masaya ang kanilang
pagsasamahan sa tahanan.

LINANGIN NATIN:

Tungkulin ng isang Ama

1. Haligi ng tahanan
2. Naghahapbuhay upang magkaroon ng ligtas na
tirahan,
sapat at wastong pagkain, maayos na pananamit, at
masayang pagsasama.
3. Gawin ang mabibigat na gawain sa bahay katulong
ang panganay na anak na lalaki

Tungkulin ng isang Ina

1. Ilaw ng tahanan
2. Gumawa ng badyet para sa pangangailangan
ng mag-anak.
3. Nagluluto ng pagkain, naghahanda ng damit
na isusuot, nag-aayos, at naglilinis ng tahanan.
4. Nangangasiwa sapag-aaral ng mga bata at
pag-tingin kapag ang mga ito’y nagkakasakit.

Page | 58 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Tungkulin ng Nakatatandang anak na Babae

Tungkuling tumulong sa mga gawaing bahay


tulad ng pagluluto, pamamalengke, paghahanda ng
pagkain, paghuhugas ng pinggan, paglalaba, at
pagsusulsi.

Tungkulin ng Nakakatandang anak na lalaki

Tumutulong sa ama at sa mga mabibigat na


gawain tulad ng pag-iigib, pagbubunot,
pagkukumpuni ng mga payak na sira sa
tahanan tulad ng pagpapalit ng ilaw, piyus, at sirang
gripo. Ang pag-aalaga ng mga hayop, pagdidilig ng
mga halaman, pagtatanim,
at pag-aayos ng mga halaman at bakuran ay gawain
din ng nakata-tandang anak na lalaki.

Tungkulin ng mga bunsong anak

Maari na ring tumulong ang mga bunsong


kapatid sa mga maliliit na gawaing makakayanan
tulad ng pag-aalis ng alikabok, pag-aayos
ng laruan, at pag-aabot ng maliit na bagay at
sumunod sa iba pang inuutos na kaya nang gawain.

TANDAAN NATIN:

Magiging maayos, masaya, at matiwasay ang pagsasamahan ng mag-


anak kung alam ng bawat kasapi ang kanyang mga tungkulin, karapatan, at
pananagutan at ang pagtupad sa mga ito.

Page | 59 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

Ipasagot ang tseklis ayon sa pamantayan.


Mga Katanungan Hindi Paminsan- Palagi Walang
minsan Kasiguraduhan
1. Tumutulong ba ako ng kusa
sa
mga gawain?
2. Hand aba ako sa pagtupad
ng
mga tungkulin sa aking
pamilya?
3. Ginagawa ko baa ng inuuto
ng aking magulang?
4. Masaya ba akong
tumutulong sa mga
gawaing bahay?
5. Kusang-loob ba akong
tumutupad sa anumang
tungkulin bilang kasapi ng
mag-anak?

PAGYAMANIN NATIN:

Sumulat ng limang (5) tungkulin na nais mong gawin sa inyong


tahanan. Ipaliwanag kung bakit mo pinili ang mga ito.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5

Page | 60 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

HE
MGA BAHAGI NG TAHANAN AT MGA GAWAIN
Aralin 16

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.

Naisasagawa ang kasanayan sa


pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa
pagsasaayos ng tahanan.

Code: EPP5HE-0d-11

Nilalaman:

Sa araling ito, matututunan natin ang mga bahagi ng tahanan at mga


gawain dito.

Layunin:

Natutukoy ang mga bahagi ng tahanan at mga gawain dito.

ALAMIN NATIN:

Ang mga gawaing


pantahanan ay hindi para sa
nakakabata o
nakatatandalamang o sa
sinumang kasambahay na
tumatanggap ng kanilang
buwanang kita. Ang bawat
kasapi ng pamilya ay
kailangan tumulong sa
pagpapanatili ng kalinisan

Page | 61 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

atkaayusan ng tahanan. Sa ganitong paraan, magiging madali ang paglilinis,


at pag- aayos ng mga silid na kinabibilangan ng salas, silid-tulugan, kainan, at
banyo.
Ang bigat o gaan ng trabaho sa paglilinis ay hindi nababatay sa liit o
laki ng tahanan at sa bilang ng tao na gumagawa dito. Magiging tila maliit
lang ang bahayna iyong nililinis, at magaan kung ang lahat ay tutulong.
Halimbawa magiging mabigatpara sa isang tao ang linisin ang kabahayan na
may lima o higit pang bilang ng silid.Subalit, kung ang bawat silid ay may
isang kasapi na magpapanatili ng kalinisan nito ito ay magiging magaan at
mabilis.

LINANGIN NATIN:

Iba’t ibang Silid sa Tahanan


Ang tahanan ay binubuo ng maraming silid na kinabibilangan ng sala,
silid-tulugan, silid-kainan,kusina at banyo. May mga silid sa tahanan tulad ng
salas, silid kainan na nagsisilbing tipunan ng pamilya. Kung minsan sa mga
silid ding ito pinauunlakan ang mga kaibigan at panauhin. May mga silid
naman tulad ng silid-tulugan na pribado at tanging pamilya lamang ang
pinapapasok.

Sala o Silid Tanggapan


Dito unang pumapasok ang
mga tao, ang may-ari ng bahay at
bisita. Kailangang panatilihin itong
malinis atmaayos sapagkat sa silid na
ito ginagawa ang mga sumu-sunod
na mga gawain:
a. Pagtanggap at pagpapaunlak
ng mga bisita
b. Pakikipagkwentuhan sa mga
kapamilya at kaibigan
c. Pagbabasa ng mga libro,magasin, at iba pang kapaki-pakinabang na
babasahin
d. Pagdiriwang ng iba’t iubang okasyon
e. Paglilibang tulad ng panonood ng telebisyon at pakikinigsa radio.

Page | 62 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Silid-tulugan
Ang silid-tulugan ay silid na
pahingahan. Ito ay itinuturing na
pribadong silid kung kaya’t tanging
may-ari lamang o ang pinaglalaanan
nito ang maaring maglabas-masok dito.
Sinumanang nais pumasok ay
kailangan humingi muna ng permiso sa
pamamagitan ng pagkatok o
pagpapaalam sa may-ari. Ito ay isang
tanda ng paggalang sa karapatan ng isang tao.
Ilan sa mga gawaing ginagawa sa silid-tulugan ay ang mga
sumusunod:
a. Pagtulog o pamamahinga
b. Pagbibihis
c. Pagbasa o pag-aaral
d. Pakikinig ng musika

Silid-kainan
Ang silid-kainan ay itinuturing
ding silid-tipunan sapagkat katulad ng
salas, nagtitipon-tipon din ditto ang
pamilya. Sa silid na ito nila
pinagsasaluhan ang kanilang
inihandang pagkain. Ito ay karaniwang
katabi ng salas at kusina. Kung minsan
kapag maliit lamang ang bahay ng mag-
anak, ang isang silid ay nagsi-silbing salas, kainan, at tulugan.
Narito ang mga gawaing maaring gawin sa silid-kainan:
a. Pagsasalo-salo ng pamilya sa pagkain ng almusal,
Tanghalian, at hapunan.
b. Pag-aasikaso ng mga kaibigan , kaanak o kakilala tuwing
May kaaraawan, reunion o anumang handaan.
c. Pagpupulong ng pamilya upang lutasin ang isang mabigat
Na problema
d. Pagbabasa o paggawa ng mga takdang aralin kung walang
Lugar para sap ag-aaral
e. Paghahanda ng pagkain kung
walang sapat na lugar sa kusina

Kusina
Ang kusina ang itinuturing na
pinalamahalagang bahagi ng bahay
sapagkat ditto inihahanda ang pagkain
ng pamilya. Ito rin ang dapat na
pinakamalinis at pinakamaayos na

Page | 63 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

bahagi ng tahanan.Ang sinumang gumamit ng kusina ay may tungkuling


panatilihin itong malinis,maayos, at ligtas sa sakuna. Ang kusina ay lugar
para sa sumusunod na mga gawain:
a. Paghahanda ng pagkain
b. Pagluluto ng pagkain
c. Pagtatabi ng pagkain
d. Pagtatago ng mga kagamitang pangkusina
e. Paghuhugas ng pinggan at iba pang kagamitan.

Banyo at Palikuran
Ang banyo at palikuran ang
karaniwang sumasakop sa
pinakamaliit na bahagi ng tahanan.
Dito ginagawa ang mga gawaing tulad
ng paglilinis at pagbabawas.

TANDAAN NATIN:

1. Hindi kailangang ito ay Malaki at magara. Ang mahalaga ito ay


malinis,maayos at higitsa lahat masaya ang mga naninirahan.
2. Ang tahanan ay binubuo ng maraming silid na kinabibilangan
ng sala,silid-kainan,silid-tulugan,kusina at banyo.
3. Ang bigat o gaan ng trabaho sa paglilinis ay nakabatay sa liit o
laki ng tahanan at sa bilangng tao na gumagawa dito.

GAWIN NATIN:

A. Isulat ang mga bahagi ng tahanan kung saan matatagpuan ang


sumusunod na mga kagamitan. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Kama 6. Kabinet ng gamut
2. Kaldero 7 mesang kainan
3. Sofa 8. Dutsa
4. Kabinet 9. Paminggalan
5. China cabinet 10. Muwebles

Page | 64 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

B. Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B upang matukoy ang angkop


na gawain sa bawat bahagi ng bahay.

Hanay A Hanay B
1. Makapagpahinga at makatulog. a. kusina
2. Makakain ng almusal,tanghalian at b. banyo
hapunan. c. sala
3. Makapaglinis ng katawan. d. silid-kainan
4. Mapatuloy ang mga bisita upang e. silid-tulugan
makipagkwentuhan.
5. Makapagluto ng masarap na ulam.

PAGYAMANIN NATIN:

Gumawa ng album na naglalaman ng larawan ng iba’t ibang uri ng


bahay at mga bahagi nito.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5

Page | 65 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT IBA’T – IBANG PARAAN NG PAG-AAYOS NG


Aralin 17 TAHANAN

Naipamamalas ang pang-unawa sa


Pamantayang kaalaman at kasanayan sa mga “gawaing
Pangnilalaman: pantahanan” at tungkulin at
pangangalaga sa sarili.

Naisasagawa ang kasanayan sa


pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa
pagsasaayos ng tahanan.

Code: EPP5HE-0e-12

Nilalaman:

Sa araling ito, matututunan ng mga mag-aaral ang iba’t ibang paraan


at tuntuning dapat tandaan sa pag-aayos ng mga silid sa tahanan, mga
akmang kagamitan at kasangkapan na magbibigay ganda sa tahanan
gayundin ang kabutihang dulot ng pagsasaayos nito.

Layunin:

1. Natutukoy ang iba’t ibang paraan ng pag-aayos ng tahanan, mga


kagamitan at kasangkapan.
2. Nasasabi ang kabutihang dulot ng pagsasaayos ng tahanan.

ALAMIN NATIN:

Ang maayos at magandang tahanan ay kagigiliwang tirahan ng


lahat ng mag-anak kung ang bawat kasapi ay magtutulung-tulong sa
pagpapaganda at pagpapanatili ng kaayusan nito. May mga tuntuning dapat
tandaan sa wastong pagsasaayos ng mga kasangkapan sa tahanan at wastong
pagpili ng mga gamit na angkop sa uri ng bahay at pamumuhay ng mag-
anak.

Ang mga gamit sa iba’t ibang silid ng tahanan ay dapat maging


angkop sa silid. Ang mga ito’y kailangang isaayos ayon sa laki at gamit.

Page | 66 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Sala o Silid-Tanggapan

Dito unang pumapasok ang


mga tao, ang may-ari ng bahay at
bisita. Kailangang magmukhang
kaaya-ayang pasukin ito, laging
malinis at maaliwalas. Ang
malalaking muwebles ay dapat na
nakaayon sa dingding, ang sulok na
bahagi ay may angkop na muwebles,
at ang mga silya ay magkakaharap
upang maayos na magkausap ang
sinumang uupo rito.

Mainam na may sapat na kaluwagan at bentilasyon ang salas upang ito


ay maging maaliwalas. KailaIwasang magkabungguan ang mga taong
magdaraan o mababangga ang mga kasangkapan upang maiwasan ang
sakuna. Laging isaalang-alang ang ganda at kaligtasan ng tahanan.

Karaniwan na sa mga tahanan ang may radyo at telebisyon kaya


maaaring ilagay sa silid-tanggapan ang mga ito upang maging libangan ng
mga bisita. Sa oras ng paglilibang ng mag-anak, dito rin sila nagtitipon
upang magsaya, umawit, tumugtog, at manood.

Silid-Tulugan

Ang silid-tulugan ay silid na


pahingahan. Ito ay itinuturing na pribadong
silid kung kay’t tanging may-ari lamang o
ang pinaglaanan nito ang maaaring
maglabas-pasok dito. Sinuman ang nais
pumasok ay kailangan humingi muna ng
permiso sa pamamagitan ng pagkatok o
pagpapaalam sa may-ari. Ito ay isang tanda
ng paggalang sa karapatan ng ibang tao.

Ang silid-tulugan ay kailangan na makapagbigay ng kaginhawahaan


at pribadong pakiramdam sa sinumang gumagamit nito. Sa pag-aayos ng
silid tulugan, sundin ang mga sumusunod na mga alituntunin upang
maginhawa at maaliwalas ito.

1. Lagyan ang silid ng malinis at maayos na kasangkapan.


2. Ayusin ang mga kasangkapan sa pamamaraang ito ay makapagbibigay
ng kaginhawaan at kaluwagan sa silid-tulugan.
3. Ilagay ang kama sa isang sulok o isang bahagi ng nakasandig sa
dingding. Tiyakin na ang ulunan ay malayo sa ihip ng hangin at
ilawan.

Page | 67 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

4. Maglaan ng sapat na espasyo na maaaring pag-ayusan ng kubrekama.


Tiyakin na madaling abutin at linisin ang kabinet at bintana.
5. Ilagay ang kabinet sa sulok na nakasandig sa dingding kahilera ng
kama.
6. Ang tokador ay mainam ilagay malapit sa ulunan ng kama o sa isang
panig na malapit sa ilawan.
7. Sabitan ng kurtina o blinds ang mga bintana upang maging pribado
ang silid.
8. Kung nais, maaaring maglagay ng sopa sa paanan ng kama o
mababang mesa at silya sa isang sulod upang mas lalong maginhawa
ang silid. Tiyakin lamang na may sapat na espasyo para sa mga
kagamitan ito.
Ang silid-tulugan ay nagagamit ding silid-aralan. Kailangan lamang
isaayos ang mesa at upuan sa isang sulok ng silid at maaari rin itong lagyan
ng bookshelf. Dito rin nakalagay ang aparador at salamin at mga kagamitan
sa pagbibihis. Ang malalaking muwebles na ito ay dapat malapit sa dingding
upang maging maaliwalas ang pagkilos ng tao. Ang silid-tulugan ay dapat
malapit sa palikuran upang madali itong puntahan sa gabi.

Silid-Kainan

Ang silid-kainan ay kailangang


paantilihing malinis at maayos upang
matiyak ang kalusugan ng pamilya.
Mainam din kung may sapat na ilaw at
bentilasyon upang matiyak ang
masayang pagsasalo-salo at pag-uusap
ng pamilya. Ilan sa mga kasangkapang
makikita sa silid-kainan ay kainang mesa
at mga silya, kabinet para sa mga plato,
baso, at iba pang babasaging gamit na
kailangan sa salu-salo at maliit na mesa
na karaniwang nakalagay sa gilid ng
malaking mesang kainan. Kung minsan
ay dito inilalagay ang mga inihandang pagkain at kung minsan naman ay
dito inilalagay ang mga babasaging palamuti.

`Narito ang ilang gabay sa pag-aayos ng mga kasangkapan sa silid-


kainan:

1. Ipuwesto ang mesa sa gitnang bahagi ng silid, malayo sa dingding


upang magkaroon ng sapat na espasyo sa pagkilos habang
naghahanda ng pagkain o paglabas at pagtayo mula sa mesa.
2. Ang china cabinet ay kailangang nakalagay sa pwestong malayo sa
mesa, bintana, at daanan.
3. Mainam na gumamit ng kurtinang may matitingkad na kulay o valance
upang maging maliwanag ang silid-kainan.

Page | 68 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

4. Upang maiwasan ang langaw, lamok, at alikabok, lagyan ng screen


ang mga bintana at pintuan.
5. Maglagay ng palamuti sa mesa o bintana. Maaaring gumamit ng
sariwang bulaklak o prutas sa mga mesa at mga tanim naman para sa
bintana o sa mga sulok ng silid.

Silid-Lutuan o Kusina

Ang kusina ang pinakamahalagang


silid ng isang bahay at dapat itong maging
maayos at malinis dahil dito inihahanda
ang pagkain ng mag-anak. Ang mga
pangunahing kasangkapan sa pagluluto ay
mesang paggawaan, kalan, oven, lababo,
paminggalan, at palamigan o refrigerator.
Ang malalaking kasangkapan ay nakaayos
ayon sa uri at gamit ng mga ito. Iwasang
pagtabihin ang oven at refrigerator, isaalng-alang ang tatlong sentro ng
gawaan sa pagkilos mula kanan pakaliwa. Ang mga ito’y sentro ng
paghahanda ng mga pagkain, sentro ng paglilinis ng pagkain at paghuhugas
ng mga ito at ang sentro ng pagluluto. Ang patatsulok na ayos o hugis U na
ayos ng kusina ay makatutulong sa madaling pagkilos at paghahanda ng
lulutuin. Ang mga kabinet ay maaaring nasa ilalim ng mga gawaang lugar o
itaas na bahagi ng pinaggagawaan upang madaling makuha ang kailangan
kasangkapan. Kailangan ay may laging malinis na lalagyan ng tubig o may
gripo. Kung ang lutuan ay ginagamitan ng uling o kahoy, ito’y dapat may
singawan ng usok palabas na malapit sa bintana o pintuan. Ang mga gamit
sa pagluluto ay dapat na may sadyang taguan at natatakpan.

Pagpapaganda ng Tahanan

May mga palamuting maaring gamitin sa pagpapaganda ng tahanan


ngunit hindi kailangan na mamahalin ang mga ito. Pumili ng mga bagay na
maliliit, kaakit-akit, at nakapagpapasigla saanman ito ilagay. Mayroong mga
palamuting nababagay sa iba’t ibang bahagi ng tahanan. Narito ang mga
paraan ng pagpapaganda ng tahanan.

a. Paglalagay ng Kurtina

Ang kurtina ay mahalagang palamuti ng tahanan. Dapat na


nababagay ito sa lugar at yari o uri ng pamamahay. Ang kurtina’y ginagamit
bilang pananggalang sa labis na liwanag ng araw, pansangga sa sobrang
alikabok o hangin. Ito’y ginagamit din na panghati ng silid at pantabing din
sa dingding at nagsisilbing palamuti.

Page | 69 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Ang cornice ay kahoy na may disenyo na inilalagay sa mataas na


bahagi ng kurtina upang di makita ang mga kawad na ginamit sa pagsabit
nito. Ang kahoy na ito ay nakadaragdag sa kaayusan ng paglalagay ng
kurtina. Makabubuting gamitin ang metal o kahoy na sabitan upang hindi
lumundo ang kurtina lalo na kung ito’y mabigat.

Mga dapat tandaan sa paglalagay ng kurtina:

1. Isaalang-alang ang kaayusan at sukat ng pamamahay. Alamin kung


gaano ang gustong haba para sa bahagi na lalagyan ng kurtina. Kung
nais na hanggang pasilyo na bintana lamang, bigyang pansin ang
kulay at disenyo ng kurtinang gagamitin, ang sukat at hugis ng
bintana at ang laki at sukat ng silid.
2. Ang kuritnang tuloy-haba o drapes ay maaari rin sa mga bintanang
may pasilyo. Ang manipis na uri ng kurtina ay sa gitnang bahagi at
ang makapal na mahabang kuritna ay sa magkabilang gilid ng bintana.
Ito’y maaaring kumbinasyon ng mga disenyo at walang disenyong
mga panig.
3. Ang paglalagay ng kurtinang tuloy-haba o drapes at ng glass curtain o
manipis na yari sa lace ay maaaring lagyan ng valance. Ang valance ay
kurtinang maikli at isinasabit sa pagitan ng dalawang mahabang
kurtina sa itaas na bahagi ng unang kurtina.
4. May mga kurtinang pleated, sadyang kulubot o may sheering, may
continental design, at kurtinang may valance. Maaaring pumili sa mga
ito ng kurtinang nais gawin at gamitin sa tahanan.
5. Kung may malalaking bintana sa inyong bahay at nais mong
magmukhang maliit ang bahagi o lugar na iyon, gumamit ng
kumbinasyon na kurtina. Subalit kung madilim ang silid, pumili ng
kurtinang mapusyaw ang kulay na magbibigay ng saya at liwanag
tulad ng dilaw, rosas, dalandan o puti. Kapag makitid at mataas ang
bintana, ang kurtinang dapat gamitin ay may hati o sash at valance sa
itaas na bahagi at sumasakop sa magkabilang bahagi ng dingding.
b. Pagsasaayos ng Bulaklak

Ang inayos na mga bulaklak ay nakadaragdag ng kagandahan sa loob


ng pamamahay. Maaaring mga sariwang bulaklak ang ilagay sa isang plorera
upang palamuti sa gitnang mesa, sa isang sulok ng lamesita o sa ibabaw ng
kabinet at sa iba pang bahagi ng tahanan. Ang
halamang berde o luntian sa paso ay maaaring
ipasok sa loob ng bahay upang maging sariwa
ang hangin na malalanghap.

Ang iba’t ibang paraan ng pagsasaayos


ng bulaklak ay ang mga sumusunod:

1. Mass Flower Arrangement – halu-


halong maramihang bulaklak. Ito’y

Page | 70 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

inaayos sa isang plorera na may kabuuang sama-sama ngunit may


pabilog na anyo sa paningin at hindi nakikita ang mga pinagtusukan.

2. Floating Arrangement – palutang na


bulaklak. Ito’y mga bulaklak na pinutulan
nang malapit sa talutot at ipinatong sa bowl
na kristal na may tubig. Ito’y ginagamit sa
mga mesang may mga nag-uusap nang
harapan.

3. Line Arrangement – ang mga bulaklak ay


may kaayusang may simbulo na ang
pinakamataas ay tinatawag na Langit, ang
napapagitnang ayos sa plorera ay Tao, at ang
pinakamababa ay Lupa.

4. Ikebana – ito’y pagsasaayos ng bulaklak mula sa


bansang Hapon. Ito’y may sinusunod ding
simbulo ayon sa damdamin at interpretasyon ng
nag-aayos. Karaniwan nitong gamit ang
pinagsamang sariwa at tuyong bahagi ng
halaman.

5. Bouquet Arrangement - ito ay pag-aayos ng


bulaklak na kinapapalooban ng ternong
sariwang bulaklak at ribbon upang
mapaanyong bouquet. Ito ay karaniwang
ginagamit na dekorasyon sa mahahalagang
okasyon tulad ng debut, anibersaryo,
kaarawan, binyagan, pista, at iba pa na
inilalagay sa mga pintuan o hagdanan.
Maaaring ring magamit ang bouquet
arrangement na hinahawakan para sa kasal,
mga abay, pagsagala sa santakrusa, debut, at kaarawan. ito rin ay
ibinibigay sa mga babaeng nananalo sa mga timpalak at paligsahan o
inaalay sa piling panauhin o ikinakabit sa
damit.

6. Crescent Arrangement – ang kaayusan ng


bulaklak ay parang bagong sikat na buwan ang
anyong makikita sa linya sa mababang plorera.
Magandang ilagay ito sa hapag-kainan,

Page | 71 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

mesang pangkomperensya o pansulok na palamuti kung malaki ang


paghahanda.
Ang mga inayos na bulaklak ay nagsisilbing dekorasyon sa isang silid.
Subalit ang piniling kulay, tekstura, at halimuyak ay magpapasigla ng
damdamin ng taong makakakita rito. Ang kaayusan ng bulaklak ay dapat
angkop sa uri ng plorera at lugar na paglalagyan upang maging kasiya-siya at
mapayapa ang damdamin ng mga taong lalagi sa sil

LINANGIN NATIN

A. Bumuo ng pangkat na may tatlo miyembro at gumawa ng mga


bugtong tungkol sa mga kasangkapan at kung saan ito
matatagpuan.

Halimbawa: Ako ay pahingahan, himlayan sa gabi. Ano ako at saan


naroroon?

B. Bumuo ng grupong may 3 hanggang 5 miyembro pagkatapos ay pumili ng


isang pag-aayos ng bulaklak na isasagawa ng inyong pangkat. Sundin
ang Rubrics para sa pagtataya.

TANDAAN NATIN:

 Ang pagpili ng mga kasangkapan ay dapat naaayon sa uri ng


pamamahay, lugar, at pamumuhay ng mag-anak.
 Ang kurtina at mga sapin ay dapat angkop ang kulay at kumbinasyon sa
iba pang kasangkapan.
 Nakapagpapaganda ng tahana ang mga sariwang halaman o bulaklak sa
tahanan.

Page | 72 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

Punan ng angkop na salita ang mga patlang. Piliin sa ibaba ang


tamang kasagutan.

1. Ang nag-aanyong damit ng tahanan ay ang paglalagay ng


.
2. Ang ay kahoy na tumatakip sa kawad na sabitan ng
kurtina.
3. Ang ay maaaring ipasok sa loob ng bahay upang maging
sariwa ang hanging malalanghap.
4. Sa pag-aayos ng kasangkapan sa tahanan dapat isaalang-alang ang
.
5. Ang silid-tulugan ay nagagamit ding .
kaligtasan halamang berde kurtina

cornice valance silid-aralan

PAGYAMANIN NATIN:

Ayusin ang inyong tahanan ayon sa prinsipyo ng pag-aayos ng mga


kasangkapan.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5

Page | 73 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

HE
Aralin 18
PAGSASAAYOS AT PAGPAPAGANDA NG TAHANAN

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.

Naisasagawa ang kasanayan sa


pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa
pagsasaayos ng tahanan.

Code: EPP5HE-0e-13

Nilalaman:

Sa araling ito, matututunan ng mga mag-aaral ang pagsasagawa ng


pag-aayos at pagpapaganda ng tahanan sa pamamagitan ng paggawa ng
talatakdaan.

Layunin:

3. Naisasagawa ang pag-aayos at pagpapaganda ng tahanan sa


pamamagitan ng talatakdaan
4. Nakagagawa ng plano ng pag-aayos ng tahanan
5. Naitatala at nagagawa ang mga kagamitan at kasangkapan sa pag-
aayos ng tahanan
6. Nasusuri ang ginawang pagsasaayos at nababago ito kung
kinakailangan

Page | 74 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ALAMIN NATIN:

Masdan ang mga larawan sa ibaba. Hanapin kung ano ang


pagkakaiba.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang masasabi ninyo sa unang larawan? Sa pangalawang larawan?


2. Sa palagay ninyo bakit kaya magulo ang ayos ng nasa unang larawan?
3. Ano kaya ang dapat niyang gawin upang ito ay maging maayos?

LINANGIN NATIN:

Ang paghahanda ng talatakdaan ng gawain ay makatutulong upang


maisagawa ng bawat kasapi ang mga tungkuling dapat gampanan sa tamang
oras. Dito ay inilista ang mga gawaing pambahay at pampamilya. Narito
ang ilang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng talatakdaan ng gawain.

1. Gumawa ng talaan ng mga tungkuling kailangang isagawa. Sa paggawa


ng talaan, tiyakin na ang mga mahahalagang bagay ang dapat mauna.
Samantala, maaari namang isunod ang iba pang tungkulin ayon sa hilig,
libreng oras, at kaluwagan ng pagsasagawa.

2. Maglaan ng tamang oras o panahon upang maisagawa ang mga tungkulin.


Mainam na palagiang maging handa sa pagbabago ng talatakdaan lalo kung
may mga hindi inaasahang pangyayari.

3. Ang mga gawaing pareho ang proseso sa paggawa ay maaari nang


pagsamahin upang makatipid sa oras at lakas.

Page | 75 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

4. Tiyakin na may oras ng pamamahinga at paglilibang na nakapaloob sa


talatakdaan upang maiwasan ang pagkabagot at mabigyan ng tamang
pahinga ang katawan. Sa ganoon, nagkakaroon ng sapat na lakas ang
katawan para sa susunod na gawain.

5. Isulat ang talatakdaan sa isang malaking papel at idikit ito sa bahagi ng


tahanan na palagingang nakikita ng mga kasapi ng mag-anak.

Narito ang isang halimbawa ng talatakdaan:

TALATAKDAAN

Petsa:

Oras Magsasagawa Gawain


6:00 n.u. Ate Maghahanda ng almusal
7:00 n.u. Kuya at Bunso Magliligpit o mag-aayos ng silid-
tulugan
7:00 n.u. Nanay Maglilinis ng salas at kusina
8:00 n.u. Buong mag-anak Pagkain ng almusal
9:00 n.u. Kuya Paghuhugas ng kinainan
9:00 n.u. Nanay at Ate Pamamalengke
10:00 n.u. Tatay Pagkukumpuni ng kasangkapan
sa bahay
11:00 n.u. Nanay, Bunso, Ate Paghahanda ng pananghalian
12:30 n.h. Buong mag-anak Pananghalian
1:30 n.h. Buong mag-anak Pamamahinga/panonood ng
television

Mga Salik na Dapat Tandaan sa Paghahanda ng Talatakdaan

1. Gulang – Ang mga bata’y mas maliksi at mabilis kumilos kaysa sa mga
nakatatanda at maaari silang bigyan ng maraming gawain.

2. Kakayahan at karanasan – Makabubuti na alam natin ang kakayahan at


akalaman ng taong gaganap sa mga tungkulin upang mapagkatiwalaan siya
sa mga gagawin.

3. Lakas – May mga gawaing kailangan ang higit na lakas upang maging
mabuti ang paggawa, tulad ng pagbubuhat o paglilipat ng mga kasangkapan
kapag nag-aayos ng pamamahay.

4. Oras – Oras sa pagsasagawa o bilang ng oras na maaaring ilaan sa


pagsasagawa ng mga gawain.

Page | 76 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Sa paghahanda ng talatakdaan ng gawain ay dapat itala ang mga


gawaing inaasahang matatapos ng isang araw at ang oras na gugugulin sa
paggawa, gayundin ang mga taong tutulong at gaganap sa mga gawain.

UNANG ARAW

Gawain A. Bumuo ng pangkat na may apat na miyembro at ipatala ang mga


tiyak na kasangkapan ayon sa bahagi ng bahay.

Unang Pangkat: Silid-Tanggapan


Ikalawang Pangkat: Silid-Kainan
Ikatlong Pangkat: Silid-Tulugan
Ikaapat na Pangkat: Kusina

IKALAWANG ARAW

Gawain B. Sa pangkatang gawain, mag-brainstorming tungkol sa paggawa


ng talatakdaan.

 Paano ginagawa ang talatakdaan?


 Bakit kailangan ang talatakdaan na gawain ng mag-anak?
 Anu-anong gawain sa inyong tahanan ang kailangan pagtulungan ng
buong mag-anak?


TANDAAN NATIN:



 Ang paghahanda at paggawa ng talatakdaan ng gawain ay dapat isagawa
ng buong mag-anak ayon sa kanilang mga kakayahan at oras na
maibibigay.
 Ang talatakdaan ng gawain ay makatutulong sa mabuting samahan ng
mag-anak upang matapos agad ang mga gawain sa tahanan.
 Ang pagmamahal sa paggawa, sipag, tiyaga at pagkamalikahain ay
nakapagpapaundlad sa sarili at nakatutulong sa pag-unlad ng mag-anak
at ng pamayanan.

Page | 77 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

Ipasagot kung TAMA o MALI

1. Ayusin ang mga kasangkapan sa pagluluto ng magkakalapit sa isa’t-


isa.
2. Ilagay ang maliit na kasangkapan ayon sa laki, uri at gamit nito.
3. Isaayos ang mga upuan sa paligid ng hapag-kainan.
4. Pangkatin ang mga kasangkapan ayon sa laki, uri at gamit nito.
5. Ilagay ang kama sa gitna ng silid-tulugan.

PAGYAMANIN NATIN:

Bumisita sa mga kabahayan ng iyong kaklase. Alamin ang kanilang


pamamaraan ng pag-aayos ng bahay. Ibahagi ang pamamaraang sa tingin
mo ay pinakamabisa. Ibigay ang iyong kadahilanan kung bakit ito ang iyong
napili.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5

Page | 78 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

HE PAGLIKHA NG KAGAMITANG PANGHALILI MULA SA


Aralin 19 IBA’T-IBANG MATERYALES

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.

Naisasagawa ang kasanayan sa


pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa
pagsasaayos ng tahanan.

EPP5HE-0e-14
Code:

Nilalaman:

Sa araling ito, matututunan ng mga mag-aaral ang makalikha ng mga


kagamitang panghalili mula sa iba’t ibang uri ng materyales na magagamit sa
pag-aayos ng tahanan. Ang paggawa ng mga kagamitang ito ay magbibigay
ng kasanayan sa mga mag-aaral na mamulat sa mga kapaki-kapakinabang na
gawain upang umunlad ang pagiging malikhain at magbukas ng isipan sa
maaaring pagkakitaang gawain.

Layunin:

Nakagagawa ng kagamitang panghalili mula sa iba’t ibang uri ng


materyales na magagamit sa pag-aayos ng tahanan.

ALAMIN NATIN:

Maaliwalas ang pakiramdam at nakararagdag sa kagandahan


ng tahanan ang paglalagay ng palamuti.

May mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng palamuti


para sa tahanan at paggawa ng isang kagamitang pantahanan. Ito ay ang
mga sumusunod:

Page | 79 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

1. Uri at laki ng silid na paglalagyan


2. Gamit o tungkulin
3. Bumabagay sa mga kasangkapan
4. Tampulan ng pansin o focus of attention
5. Pampukaw sa imahinasyon at pagkamausisa ng tao

LINANGIN NATIN:

Bumuo ng pangkat na may tatlo miyembro at sundin ang nakasaad sa


activity card.

Activity Card 1 : Gumawa ng kurtina

Activity Card 2 : Gumawa ng ash tray

Activity Card 3 : Gumawa ng bulaklak na yari sa drinking straw

Activity Card 4 : Gumawa ng simpleng kwadro para sa


larawang parisukat

TANDAAN NATIN:

Ang mga palamuti ay mga bagay na maliit, kaakit-akit at nagdaragdag


ng kasiglahan sa anumang silid na kinalalagyan nito. Mahalagang piliin ang
mgga palamuti sa tahanan. Dapat iayon ang mga palamuti sa uri at laki ng
pinaglalayan nito. Hindi magandang tingnan kung masyadong maraming
palamuti sa tahanan lalo na kung hindi ito nakapangkat sa uri.

Page | 80 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

Ipasagot ng Oo, Hindi Gaano o Hindi

Hindi
Mga Pamantayan Oo Hindi
Gaano

1. Kapakipakinabang ba ang proyektong


napili?

2. Gumamit ba ng materyales na matibay?

3. Naging matipid ba sa paggamit ng


materyales?

4. Naipakita ba ang wastong pamamaraan


at hakbang sa pagbuo ng kagamitang
pantahanan?

5. Natapos ba sa takdang oras ang


kagamitang pantahanan?

6. Angkop ba sa lugar ng bahay na


paglalagyan nito?

PAGYAMANIN NATIN:

Magpagawa ng simpleng kwadro para sa larawang isasabit sa silid-


tulugan.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5

Page | 81 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

HE KASALUKUYANG KALAKARAN SA PAMILIHAN


Aralin 20 NG MGA KAGAMITAN SA BAHAY

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin at
pangangalaga sa sarili.

Naisasagawa ang kasanayan sa


pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa
pagsasaayos ng tahanan.

Code: EPP5HE-0f-15

Nilalaman

Sa araling ito, ay lilinangin ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman


at kasanayan sa pananaliksik gamit ang internet, magasin, aklat atbp upang
malaman ang kasalukuyang kalakaran sa pamilihan ng mga kagamitang
pambahay at paraan ng paggawa nito.

Layunin:

1. Nakapagsasaliksik gamit ang internet, magasin, aklat at iba


pa
2. Nalalaman ang kasalukuyang kalakaran sa pamilihan ng
kagamitang pambahay tulad ng kurtina, table runner, glass
holder, cover, throw pillow, table napkin.

ALAMIN NATIN:

Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at kasanayan? Tsekan


(/) ang thumbs up icon kung taglay mo na o thumbs down icon kung hindi pa.

Kasanayan/Kaalaman
1. Nakapagsasaliksik ako gamit ang internet?
2. Alam ko ang iba’t ibang kagamitang pambahay?
3. Alam kong gumawa ng iba’t ibang kasangkapang
pambahay?
4. Marami na akong nabasang aklat at magasin sa
pagsasaliksik?

Page | 82 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Tingnan at suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba, ito ba ay madalas


nating nakikita sa bahay?

Alin sa mga ito ang ginagamit mo sa araw-araw? Alin ang pinapalitan


kung kinakailangan?

LINANGIN NATIN:

Sa kasalukuyan ang pagsunod sa mga trend sa Market Trends ay


nangangahulugan ng pag-alam kung ano ang nangyayari sa iyong
merkado. Ayon sa negosyante, upang matukoy ang mga trend sa iyong
merkado, isipin ang tungkol sa mga uri ng mga bagay na nakakaapekto sa
iyong iba't ibang mga segment ng merkado. Halimbawa, kung nagbebenta
ka ng mga punda ng unan, apron, kurtina cover, table napkin atbp dapat
isaalang-alang ang anumang mga mapagkumpitensyang mga banta o mga
pagkakataon para sa paglago kapag makilala mo ang mga trend sa iyong
merkado.

Page | 83 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Upang malaman natin ang kasalukuyang kalakaran kailangang


maging mapamaraan, maghanap sa internet, mga babasahin, aklat at
magasin ng magagandang disenyo at alamin ang tamang pamamaraan ng
paggawa sa mgakagamitang pambahay(soft furnishings).

Kasalukuyang Kalakaran sa Pamilihan ng mga Kagamitan sa Bahay(Market


Demands/Trends)

1. Gobyerno
2. Pakikipagkalakalan sa ibang bansa
3. Mga panghinaharap na kalakaran
4. Dami ng produktona kayang ipagbili at mga nangangailangan nito
5. Maayos na plano ng produksyon
6. Paghingi ng payo sa eksperto
7. Pinag-aaralang mabuti ang gagawing hakbang
8. Iniisip ang kapakanan ng konsyumer
Paraan ng Paggawa ng Kagamitang Pambahay ( soft furnishing)

Kurtina

1. Isipin kung anong uri ng kurtina ang nais gawin.


2. Pag isipan kung gaano kalaki ang gagawing kurtina.
3. Tingnan kung gaano kadaming tela ang kakailanganin
4. Kung nagawa na ang na ang una hanggang ikatlong hakbang ihanda
na ang mga materyales na kakailanganin.
5. Gupitin na ang kurtina sa tamang sukat nito.
6. Tahiin sa nais na disenyo.

TANDAAN NATIN:

Isang mahalagang kasanayan ang pangangalap ng impormasyon gamit


ang internet, aklat, magasin atbp. Sa tulong ng mga ito maaari tayong
makapagsaliksik at mangalap ng makabuluhang impormasyon sa mabilis na
paraan.

Halimbawa, kung nagbebenta ka ng mga punda ng unan, apron,


kurtina cover, table napkin atbp dapat isaalang-alang ang anumang mga
mapagkumpitensyang mga banta o mga pagkakataon para sa paglago
kapag makilala mo ang mga trend sa iyong merkado.

Tandaan na hindi lahat ng mababasang impormasyon sa Internet ay


totoo at tama. Kailangang maging mapanuri pa rin tayo sa mga
impormasyong nakakalap.

Page | 84 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

A. Itanong ang mga sumusunod:


1. Anu-ano ang mga halimbawa ng kagamitang pambahay?
2. Ipaliwanag ang kahalagahan nito.
3. Magsaliksik sa aklatan ng tamang paraan ng paggawa ng
punda ng unan.

B. Lagyan ng bilang 1-6 ang Paraan ng Paggawa ng Kagamitang


Pambahay ( soft furnishing)

Tahiin sa nais na disenyo


Pag isipan kung gaano kalaki ang gagawing kurtina.
Tingnan kung gaano kadaming tela ang kakailanganin
Isipin kung anong uri ng kurtina ang nais gawin.
Gupitin na ang kurtina sa tamang sukat nito
Kung nagawa na ang na ang una hanggang ikatlong hakbang ihanda
na ang mga materyales na kakailanganin.

PAGYAMANIN NATIN:

GAWAIN A

Magsaliksik tungkol sa paraan ng paggawa ng apron.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5

H.E IBA’T IBANG URI AT PARAAN NG PAGGAWA


Page A
| 8ra5lin GrIaT
dAeN
5H
NG MGA KAGAM GomeM
PA EcB
on
AoH
mAicY
s Learning Materials
21
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.

Naisasagawa ang kasanayan sa


pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa
pagsasaayos ng tahanan.

Code: EPP5HE-0f-15
Nilalaman:

Sa araling ito, tatalakayin ang iba’t- ibang paraan ng paggawa ng mga kagamitang
pambahay. Sa pamamagitan nito maaari na natin itong gawin at upang magamit sa
bahay. Maari din itong pagkakitaan.

Layunin:

Natutukoy ang uri at paraan ng paggawa ng mga kagamitang pambahay.

Naiisa-isa ang tamang paraan ng paggawa ng mga kagamitang pambahay.

ALAMIN NATIN:

Ano - anong mga kagamitang pambahay ang mayroon kayo? Gaano ninyo ito
kadalas gamitin? Iguhit ninyo sa kahon mga kagamitang ito at ilagay kung saan ito
ginagamit.

LINANGIN NATIN:
____________ ____________________________
Page | 86 Grade 5 Home Economics Learning Materia ls
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Paggawa ng mga kagamitang pambahay

Pot Holder

1. Pagpatung -patungin ang mga piraso ng telang retaso upang gawing palaman sa
loob ng pot holder. Gumawa ng dalawang pardon na kasinghugis ng pot holderna nais
gawin. Dapat maliit ito ng isang sentimetro kaysa gagawing pot holder. Maaari itong
pabilog, pakuwadrado, o biluhaba.

2. Ayusin ang pinagpatong patong na retaso ayon ayon sa hugis sa isang patron.
Tiyakin na pantay-pantay ang pagakakabahagi ng mga retaso upang huwag
magkaroon ng manipis na bahagi o nagbubukul-bukol na bahagi

3. Lagyan ang kabilang pardon ng mga linya na may dalawang sentimetro ang
pagitan hanggang mapuno ito ng mga kuwadrado. Ipatong ang pardon na ito sa
pardon na may inaayos na mga retaso.

4. Ihilbana ang magkapatong na padron at retaso.

5. Tanggalin ang hilbana, tabasin ang mga gilid, at putulin ang mga himulmol ng
sinulid at tela. Putulin din ang mga papel na padron.

6. Tahiin ng overcastting ang mga gilid ng palaman upang malinis tingnan.

7. Kunin ang tinabas na tela para sa pot holder. Tupian ang mga tuwid na gilid ng
dalawang likurang bahagi ng pot holder. Ihilbana muna ito bago tahiin sa makina.

8. Gumawa ng silo o loop na magiging sabitan ng pot holder. Tupiin ng kalahating


sentimetro ang magkabilang gilid ng gagawing silo. Tupiin ang tela patungong gitna
upang magdikit ang unang ginawang mga tupi. Ihilbana muna ito bago tahiin.

9. Ilapat ang harapang bahagi ng pot holder sa mesa na nakaharap sa iyo ang
karayagan. Itupi ang ginawang silo at ihilbana ito sa gitna ng isang dulo ng
harapang piraso.

10. Ilagay ang mas malaking likurang piraso ng pot holder sa ibabaw ng harapang
bahaging nasa mesa. Dapat magkaharap ang mga karayagan ng dalawang piraso.

11. Ilagay naman ang maliit na likurang piraso sa kabilang dulo ng harapang bahagi.
Tiyakin na nakalapat nang maayos ang tatlong piraso bago ito lagyan ng aspili sa
paligid.

12. Ihilbana ang paligid ng kalahating sentimetro mula sa mga gilid.

13. Tahiin sa makina ang paligid na may isang milimetro ang layo mula sa hilbana.
Padaan nang ilang beses ang mga lugar na pinaglalagyan ng silo at
pinagpapatungan ng dalawang piraso ng likurang bahaging pot holder .

14. Tanggalin ang mga tahing hibana. Tahian ng blanket stitch ang mga gilid upang
malinis at maayos itong tingnan.

Page | 87 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

15. Ilapat ang palaman sa natapos na pot holder bago ito baligtarin.

TANDAAN NATIN:

Sa paggawa ng mga kagamitang pambahay siguraduhing maayos at tama ang


pagkakagawa upang magamit ito ng matagalan.

GAWIN NATIN:

Ilabas ang mga kagamitan at gumawa ng pot holder.

Rubric sa Pagmamarka

1 2 3

Nakapagdala ng walang hindi kumpleto


kumpletong kagamitan dala kumpleto ang dala
ang dala
Nakasunod sa tamang hindi nakasunod nakasunod
hakbang sa paggawa nkasunod ng bahagya at maayos
ang gawa

PAGYAMANIN NATIN:

Gumawa ng iba pang kagamitan sa bahay na kapakipakinabang.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5

PAGGAWA NG PLANO PARA SA PAGBUO NG MGA


HE
Aralin 22 KAGAMITANG PAMBAHAY

Page | 88 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Nilalaman

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.

Naisasagawa ang kasanayan sa


pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa
pagsasaayos ng tahanan.

Code: EPP5HE-0f-16
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay makabubuo ng bagong
plano sa pagbuo ng kagamitang pambahay. Ang mga mag-aaral ay
makapag-iisip ng iba pang kapaki-pakinabangna gawain. Sila ay
gagabayan ng guro sa pagpaplano upang kanilang matukoy ang
mga proyektong maaari nilang gawin. Tinatalakay sa araling ito
ang wastong pamamaraan sa paggawa ng mga sumusunod:

1. Paghahanda ng kagamitang gagamitin.


2. Paggawa ng padron.
3. Paglalatag ng padron sa tela.
4. Pagtatabas ng tela.
5. Paglilipat ng marka sa tela.

Layunin

1. Nakagagawa ng plano ng kagamitang pambahay tulad ng


apron.
2. Naipakikita ang kasanayan sa pagpaplano ng kagamitang
pambahay.
3. Nakagagawa ng padron at nailalatag ito upang matabas sa
wastong pamamaraan.
4. Napahahalagahan ang pagpaplano para sa pagbuo ng
kagamitang pambahay.

ALAMIN NATIN:

Page | 89 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Ang alinmang gawain o proyertong binabalak ay kailangan ng


pagpaplano. Ang paggawa ng kagamitang pambahay ay lubhang
nakatutulong upang maging maayos ang isang tahanan. Sa paggawa ng
plano kailangang sundin una ang paghahanda ng kagamitang
gagamitinpaggawa ng padron, paglalatag ng padron sa tela, pagtatabas ng
tela at paglilipat ng marka sa tela.
Ang isang batang tulad mo ay kayang kayang magplano ng
kagamitang ito, upang umunlad ang kasanayan at kaalaman. Ang mga
kagamitang pambahay ay gaya ng mga sumusunod:
1. Throw pillow
2. Kurtina
3. Cover
4. Glass holder
5. Table Napkin,
6. Pot holder
7. Apron

LINANGIN NATIN:

Narito ang mga hakbang sa pagplano para sa pagbuo ng mga


kagamitang pambahay tulad ng apron. Kailangan mong matutunan
ang paraang ito upang maging maayos ang paggamit ng panahong
gugugulin mo sa paggawa.

1. Telang tatahiin
2. Paraan ng paghahanda ng tela
3. Pagsipi ng Batayan ng padron
4. Paglalarag ng padron sa tela
5. Pagtatabas ng padron sa tela

Page | 99 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

6. Pagtatabas ng tela
7. Paglilipat ng marka sa tela

Mga Bahagi ng Plano Para sa Paraan ng paggawa ng kamitang pambahay.

Pangalan ng Proyekto: Apron


Layunin: Ito ay tumutukoy sa mithiin sa paggawa ng plano sa pagbuo ng
mga kagamitang pambahay.
Sketch: drowing ng apron na yari sa katsa
Talaan ng materyales: dito makikita ang kompletong listahan ng matryalers at
halaga nsa pagbuo ng plano.
Hakbang sa Paggawa: ang sunud-sunod na detalye sa pagbuo ng proyekto.
Talaan ng kasangkapan: kasangkapang kailang sa sa pagbuo ng plano.

TANDAAN NATIN:

Ang pagpaplano nang mabuti ay kailangan sa pag-uumpisa ng


isang proyekto o gawain. Kung may pagpaplano at planong nagawa,
magiging madali ang paggawa ng anumang gawain. Ang plano ay
karaniwang ginagawa ng arkitekto o inhinyero bilang batayan sa gagawing
proyekto maliit man o malaki. Ang pagpaplano o paggawa nito ay naayon sa
pamamagitan ng mahusay at maingat na pagsusuri upang ang gagawing
proyekto o gawain ay magiging maayos.
Kung maihahandang mabuti ang disenyo at plano, magiging
madali ang paggawa ng isang gawain.

GAWIN NATIN:

Kumpletuhin ang sumusunod na bahagi ng plano ng paggawa ng


kagamitang pambahay.
1. Pamagat/Pangalan ng Proyekto
2. Layunin
3. Sketch
4. Talaan ng materyales
5. Hakbang sa paggawa
6. Talaan ng kasangkapan

PAGYAMANIN NATIN:
____________ _____________________________
Page | 91 Grade 5 Home Economics Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

A. Ang pagsunod sa mga bahagi ng plano sa pagbuo ng kasangkapang


pambahay ay mahalaga upang maging ganap na maayos ang gawain.

B. Sagutin ang tanong:


1. Ano-ano ang mga bahagi sa pagbou ng isang plano ng proyekto o
gawain?
2. Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa mga bahagi ng isang plano
ng proyekto o gawain?

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5

HE
MGA BAHAGI NG MAKINANG DE-PADYAK
Aralin 23

Page | 92 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Nilalaman

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.

Naisasagawa ang kasanayan sa


pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa
pagsasaayos ng tahanan.

Code: EPP5HE-0f-17
Tinatalakay ng araling ito ang iba’t ibang bahagi ng makina at mga gamit
ng bawat isa.Ipinakikta rin sa araling itp ang mga paraan ng pangangalaga ng
makina upang ito’y matagal na mapakinabangan sa mahabang panahon.

Layunin

1. Natutukoy ang mga bahagi ng makinang de padyak.


2. Naiisa isa ang mga bahagi ng makina.
3. Nalalaman ang kahalagahan ng bawat bahagi nito.

ALAMIN NATIN:

Tingnan ang inyong kasuotan.


Sino sa tingin nyo ang tumahi ng mga
iyan? Ang nakikita nyo sa larawan ay
isang makinang de padyak na panahian.
Ang makinang iyan ay nakatutulong
upang ang ating kasuotan ay mabuo ng
maayos, Hindi magiging maayos ang
damit na tatahiin kung may kulang sa
mga bahagi nito. Kaya kailangan
malaman ang ibat’ibang bahagi nito
upang magamit sa wastong
pamamaraan.

LINANGIN NATIN:
______________
Page | 93 Grade 5 Home Economics Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Tingnan ang makina at pag-aralang mabuti ang bawat bahagi nito.

Naririto ang iba’t ibang bahagi ng makina at mga gamit ng bawat isa.

1. Spool pin- lagayan ng karete ng sinulid na pang-itaas.


2. Presser foot - umiipit sa tela habang tinatahi
3. Tension regulator - bahaging nagpapaluwag o nagpapahigpit ng tahi.
4. Thread guide - gabay ng sinulid mula sa spool pin hanggang karayom
upang hindi mawala sa lugar.
5. Thread take up lever- humuhila sa sinulid na panahi sa tela.
6. Needle Clamp – humahawak sa karayom ng makina.
7. Presser bar lifter – nagbababa o nagtataas ng presser foot.
8. Feed dog – bahaging nasa ilalaim ng presser foot na nagtutulak sa tela
habang ito ay tinatahi.
9. Bobina o bobbin – lagayan ng pangilalim na sinulid.
10. Bobbin case – kaha na lalagyan ng bobina.
11. Balance wheel – gulong sa ibabaw na hinahawakan kung sisimulan ang
pagpapaandar o ihihinto ang pananahi.
12. Stop motion screw – ang malaking turnilyo na nakakabit sa balance
wheel na siyang nagpapahinto.
13. Bobbin winder – kidkiran ng sinulid sa bobina.
14. Stich regulator- bahaging nagpapaikli o nagpapahaba sa tahi.
15. Belt – koriyang nag-uugnay sa balance wheel at drive wheel.
16. Drive wheel – malaking gulong na pang-ilalim.
17. Treadle – tapakan na nagpapaandar sa malaking gulong habang nananahi.
18. Belt guide – pumapatnubay sa koriya upang hindi ito mawala sa lugar.

_____________
Page | 94 Grade 5 Home Economics Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

1. Ang kaalaman sa mga bahagi ng makina at ng gamit ng bawat isa ay


kailangan upang magamit itong mabuti sa pananahi ng iba’t ibang
kasuotan at iba pang pangangailangan.

2. Mapakikinabangan mo ng matagal ang makinang panahian kapag ito’y


gagamitin sa wastong paraan at pangangalagaan nang mabuti.

GAWIN NATIN:

Bilugan ang wastong letra kung ito ang bahagi ng makina na tinutukoy.

a. Needle Clamp b. Belt c. Bobbin


Case

a. Threadle b. Presser foot c.


Feed Dog

a. Balance wheel b. Spool pin c.


Tension Regulator

a. Presser foot b. Bobbin winder c.


Belt

a. Thread Guide b. Thread take up lever


c. Balance wheel

___________
Page | 95 Grade 5 Home Economics Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

PAGYAMANIN NATIN:

GAWAIN A

Ang una at ikalawang pangkat ay maglalagay ng mga bahagi ng


makina na nasa tsart sa loob ng 10 minuto.

GAWAIN B

Ang ikatlo at ika-apat na pangkat naman ay tutukuyin sa harap ng


klase ang bawat bahagi ng aktwal na makina at ang gamit nito.

SANGGUNIAN:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5

HE WASTONG PAGGAMIT NG MAKINANG DE-PADYAK


Aralin 24
Page | 96 Grade 5 Home Economics Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa mga
Pamantayang Pangnilalaman:
“gawaing pantahanan” at tungkulin
at pangangalaga sa sarili.

Naisasagawa ang kasanayan sa


pangangalaga sa sarili at gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
pantahanan na nakatutulong sa
pagsasaayos ng tahanan.

Code: EPP5HE-0f-17

Nilalaman

Ang makina ay kailangang pangalagaan. Mapapanatili nito ang


tiyak na magandang kondisyon kapag ginagamit. Sa pamamagitan
din nito maaring magamit ang makinang panahian sa matagal na
panahon.

Layunin

1. Natatalakay at naipapakita ang wasto at maingat na paggamit ng


makina.
2. Napahahalagahan ang mga paraan sa paggamit ng makina

ALAMIN NATIN:

Page | 97 Grade 5 Home Economics Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Ang makinang panahian ay naimbento noong 1846 ni Elias Howe at lalo


itong pinagbuti ni Isaac Merrit noong 1851. Ang pagkakaimbento ng makina
ay isang malaking hakbang upang mapabuti at mapabilis ang gawaing
pananahi. Kumpara sa pananahi gamit ang kamay, mas makatitipid ng oras,
pagod, at salapi kung mananahi sa makina. Makatitiyak pa na matibay at
maayos ng pagkakatahi ng kasuotan o kagamitan.

May iba’t ibang pamamaraan sa paggamit ng makina. Maaari itong


panahian gamit ang kamay o kuryente. Anuman ang uri ng makinang
gagamitin, ang mahalaga ay maayos at masinop ang magbibigay nitong
serbisyo sa pananahi.

LINANGIN NATIN:

Wasto at Maingat na Paggamit ng Makina


1. Palagiang punasan ang makina bago at matapos itong gamitin.
2. Lagyan ng langis ang makina
3. Tanggalin kaagad ang putol na sinulid at retaso upang hindi ito
bumuhol pa sa gulong ng makina
4. Panatilihing malayo ang kamay sa karayom habang ito ay pinapaikot
5. Iwasang magalaw ng ibang tao ang v-belt ng inyong makina
6. I-check ang bobbin ay umiikot sa direksyon ng arrow, kung saan ang
sinulid ay hinihila
7. Maging maayos at maingat sa pagnbababa at pagtatas ng ulo ng
makina.
8. Mag-iwan ng kapirasong tela sa pagitan ng presser foot at feed dog
bago itago ang makina
9. Ilagay ang makina sa lugar na hindi na hindi mapaglalaruan ng bata
10. Iwasan ang palagiang paglilipat ng makina
11. Tiyakin na ang lugar ng makina ay malinis, maayos at ligtas sa ulan at
palagiang pagkabangga.
12. Maglaan ng panakip upang mapanatili ang kalinisan ng makinang
panahian.

Pagpapakita ng guro ng wastong paraan ng paggamit ng makina

______________ ____________________________
Page | 98 TANDAAN NATIN: Grade 5 Home Economics Learning Materia ls

You might also like