HE Q2 Module1
HE Q2 Module1
HE Q2 Module1
Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila
Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 5
1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit
ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit
ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
2
ARALIN: PANGANGALAGA SA KASUOTAN
INAASAHAN
Tatalakayin sa modyul na ito ang mga kaalaman sa pangangalaga sa kasuotan.
Mahalagang pangalagaan at isaayos ang kasuotan. Itoy tanda ng pagkakaroon ng
disiplina at pagiging masinop sa pangangatawan.
Ang pangangalaga sa kasuotan ay hindi mahirap na gawain. Ang kailangan
lamang ay pagsasanay at pagsisikap sa mga gawaing dapat gampanan. Isa ito sa mga
tungkuling dapat pag-aralan at gampanan ng batang nasa edad mo.
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Natatalakay ang wastong paraan sa pangangalaga sa kasuotan.
2. Natutukoy ang wastong pangangalaga sa kasuotan.
3. Nabibigyang halaga ang mga wastong paraan sa pangangalaga sa kasuotan.
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Isulat ang kung wasto at kung hindi wasto ang isinasaad nang
pangungusap.
____1. Ang damit na naisuot na ay inilalagay sa lagayan ng maruming damit o ropero.
___ 2. Ang uniporme ay maaaring pantulog kung walang ibang damit.
___ 3. Ang damit panloob ay dapat pinapalitan araw- araw dahil ito ay napapawisan.
___ 4. Ilagay agad sa ropero ang basang maruming damit.
___ 5. Ang wastong pangangalaga ng kasuotan ay nakatutulong sa pagkakaroon ng
tiwala sa sarili.
BALIK-TANAW
3
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN
Ang kasuotan ay dapat ingatan mula pagsuot hanggang sa paghubad ng mga ito.
Ang bawat isa ay naglalayong mapanatili ang kagandahan at kapakinabangan ng
kasuotan sa loob ng mahabang panahon. Narito ang mga dapat gawin upang tumagal
ang kasuotan.
1. Pahanginan ang kasuotan na basa ng pawis upang maalis ang amoy. Kapag natuyo
na ilagay sa lalagyan ng maruming damit o ropero.
2. Alisin ang mantsa habang sariwa pa.
3. Tahiin ang mga punit habang maliit pa bago labhan.
4. Ihanger ang mga malinis na kasuotang panlakad.
5. Tiklupin nang maayos ang mga kasuotang pambahay at isalansan sa cabinet ayon sa
kulay at gamit.
6. Iwasang umupo sa maruming lugar. Punasan muna o lagyan ng sapin bago umupo.
7. Huwag ipunas ang kamay, pawis, sipon, o libag ang mga hinubad na damit. Gumamit
ng panyo o labakara kung kailangan.
GAWAIN 1
Magsaliksik (Creativity)
Panuto: Iclick ang link na nasa loob ng kahon at panoorin at pag-aralan.
https://www.youtube.com/watch?v=GkE4fgwGQtQ
Pangangalaga sa kasuotan By: Angelica Mingaracal
4
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa tulong ng iyong kasama sa bahay na nakatatanda.
Isulat sa patlang ang inyong sagot.
1.Alin sa mga diyalogo ang naranasan mo rin? Bakit?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. Ano ang ginagawa mo sa iyong kasuotan pagkatapos mong hubarin?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
3. Maaari bang maiwasan ang nangyari kay Mark? Paano?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
P U N I T Z K V K R H
B U O O N E S A A B A
B D N C X P W B S A N
K A S U O T A N U N G
T U W I T R N A O S E
R R V X R S M G T A R
K A S I L I S A A R T
R U P E R O A D A G A
KASUOTAN 1
KASUOTAN 2
1. _____________ 1. ____________
2. _____________ 2. ____________
3.______________ 3.____________
4. ______________ 4. ____________
5. ______________ 5. ______________
5
TANDAAN
Ang kaalaman sa wastong pangangalaga ng kasuotan at pagkukusang gawain
ay tanda ng pagkakaroon ng disiplina at pagiging masinop. Ang maagap na
pangangalaga at pagkukumpuni ng mga kasuotan ay kailangan upang makatipid sa
pera, oras at lakas.
Maraming paraan ang isinasagawa para mapangalagaan ang kasuotan. Ang
bawat paraan ay naglalayong mapanatili ang kagandahan at kapakinabangan ng damit
sa loob ng mahabang panahon. Isa rin itong paran sa pagtulong sa magulang. Kailangang
isipan ninuman na ang wastong pangangalaga ng sariling kasuotan, kagamitan ay dapat
isapuso at mahalin upang mapakinabangan ng matagal.
3. Dahil sa covid-19 ikaw ay nasa bahay lang, tumutulong ka sa iyong nanay .Maraming
tuyong damit na galing sa sampayan. Ano ang dapat mong gawin sa mga damit?
______________________________________________________________________
________________________________________________________________
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
A. Panuto: Basahin at sagutan ng wastong sagot. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ito sa patlang bago ang bilang.
________1. Marumi ang kamay ni Mark dahil katatapos lang nyang kumain.
Ano dapat niyang gawin?
A. Ipahid ang kamay sa damit sapagkat hindi naman ito mahahalata
B. Ipahid sa panyo ang mga kamay.
C. Maghugas ng kamay at saka ipahid sa panyo.
D. Wala sa nabanggit
________2. Ano ang dapat gawin bago magsuot ng malinis na damit?
A. Magpatuyo ng pawis C. maligo o maglinis ng katawan
B. Magpabango D. maghilamos ng mukha
6
________3. Namantsahan ang damit ni Mariell mula sa katas ng prutas na kanyang
Kinain. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Hubarin agad at ilagay sa ropero C. Hubarin agad at labhan
B. Hubarin agad at isampay D. Hubarin agad at itago
________4. Ang damit na hinubad ay dapat ilagay sa_________.
A. Kama C. silya
B. ropero D. kahon
________5. Ang may sira o punit na damit ay kailangang sulsihan o tahiin _________
bago labhan
A. agad C. matapos
B. habang D. wala sa nabanggit
PAGNINILAY
Panuto: Isulat ang iyong pagninilay tungkol sa mga pangangalaga sa iyong kasuotan.
Maaari kang sumagot ayon sa iyong naiisip at nararamdaman sa malikhaing
pamamaraan. (Creativity & Critical thinking)
7
SANGGUNIAN
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan Isinulat nina: Evelyn D. Deliarte, Ana Ventura at
Randy Emen
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran (Batayang Aklat) Isinulat nina: Gloria A. Peralta, Ruth Arsenue
etal
Edukasyong Pangtahanan at Pangkabuhayan and Technology and Livelihood Education Grade 5
by: Olivarez, Reyes, Aragon
Bitmoji,
https://www.pinterest.ph/pin/714453928374397457/
https://www.pinterest.ph/pin/532058143482040,
https://www.pinterest.ph/pin/58786055
https://www.pinterest.ph/pin/532058143482040
https://www.pinterest.ph/pin/58786055
https://www.pinterest.ph/pin/791155859528890040/https://www.pinterest.ph/pin/791155859528890040/
https://cartoon-story-maker.informer.com/1.1/
https://www.youtube.com/watch?v=GkE4fgwGQtQ
Pangangalaga sa kasuotan By: Angelica Mingaracal
Acknowledgements
Editor: Fe B. Bele
Writer: Nelabell M.Ticzon, MT-II
8
9
1. 1. Ropero 1. C
2. 2. Agad 2. C
3. 3. Araw-araw 3. C
4. 4. Umupo 4. B
5. 5. Tumagal 5. A
P U N I T Z K V K R H
B U O O N E S A A B A
B D N C X P W B S A N
K A S U O T A N U N G
T U W I T R N A O S E
R R V X R S M G T A R
K A S I L I S A A R T
R U P E R O A D N G A
SUSI NG KASAGUTAN