Modyul 2 Pangngalan, Panghalip, Pang-Uri

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Pangalan: ____________________________________ Pangkat: _________________

Petsa ng pagtanggap: ____________ Pagpasa:__________ Lagda ng guro: _____________


Kabuang puntos:

MODYUL 2: Pangngalan, Panghalip at Pang-uri Iskor


MGA LAYUNIN:
Sa pag-aaral ng modyul na ito ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga salitang pangngalan, panghalip at pang-uri.
2. Nasasagutan ang mga pagsasanay ukol sa pangngalan, panghalip at pang-uri.
3. Nakasusulat ng pangungusap gamit ang pangngalan, panghalip at pang-uri.

PANIMULANG PAGTATAYA:

Pagsasanay blg. 1-A: Magbigay ng halimbawa sa mga sumusunod na salita. Sundan ang ibinigay
na halimbawa.
Kriteria ng pagmamarka: 15 pataas na hal.- 10 pts., 10-19 hal.- 8pts., 9 pababa na hal.- 5pts.

ARTISTA (Pinoy) KOTSE TOURIST SPOT ASO PHIL.


FESTIVALS
Hal.
Coco Martin Revo Boracay Aspin Kadayawan

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

11.

12.

13.

14.

15.

Nota: Gumamit ng yellow paper para sa mga karagdagang kasagutan.


Pagsasanay blg.1-B: Uriin ang mga sumusunod na katawagan ayon sa kasarian (gender). Ihanay
sila sa nararapat na kahon sa ibaba.

bilas tita amain


hipag pinsan tiyo
biyenan ate balae
magulang kuya pamangkin
ama apo bayaw

PANLALAKI PAMBABAE DI-TIYAK

ALAMIN:

Ang pangngalan (noun) ay mga salitang pantawag sa tao, bagay, hayop, lunan, kalagayan o
ahpangyayari.

MGA URI NG PANGNGALAN

Pangngalang Pantangi – ito ay sadya, tiyak o tanging tawag sa tao, hayop, bagay, lunan o
pangyayari.

Halimbawa:

Pilipino
Sierra Madre
Juan
Perlas ng Silangan

Pangngalang Pambalana – ito ay karaniwan o balanang tawag sa tao, hayop, bagay, lunan o
pangyayari.

Halimbawa:

dayuhan
bansa
kaisipan

Uri ng Pangngalang Pambalana

Basal – ang basal ay nasa isip, diwa, o damdamin.

Halimbawa:
panaginip kuru- kuro
kuru-kuro kaligayahan

Tahas – ang mga bagay na nakikita o nahahawakan.

Halimbawa:
papel aklat
lapis relo

Lansak – ang lansak ay nagsasaad ng kaisahan sa karamihan o kabuuan.

Halimbawa:
Hukbo lupon
Langkay bigkis
Kailanan ng Pangngalan

Ang Pangngalan ay mayroon din tatlong kailanan – Isahan, Dalawahan, Maramihan. Nakikita ito
sa paggamit ng salitang-ugat, sa paglalapi, sa paggamit ng mga panandang – ang o ang mga, at sa
mga pang-uring pamilang.

Halimbawa:

Kapatid (isahan)

Magkapatid (dalawahan)

Magkakapatid (maramihan)

Kasarian ng Pangngalan

Kasarian ng Pangngalan

1.) Pambabae- kapag tumutukoy sa mga pangngalang nauukol lamang sa babae.


2.) Panlalaki- tumutukoy sa mga pangngalang nauukol lamang sa lalaki.
3.) Di- tiyak- kapag di matiyak kung ang tinutukoy ay babae o lalaki.
4.) Walang kasarian- kapag ang tinutukoy ay mga bagay na walang buhay.

Kayarian ng Pangngalan

1.) Payak- binubuo ng salitang- ugat lamang. Hal. halaman, awit, mata, hagdan
2.) Maylapi- binubuo ng panlapi at salitang- ugat. Hal. magkapatid, tindahan, tagabundok
3.) Inuulit- pag-uulit ng salitang- ugat na kadalasan ay nagkakaroon ng dagdag na panlapi. Hal.
laru- laruan, bahay-bahayan, gabi-gabi, pananampalataya.
4.) Tambalan- magkaibang salita na pinagsama upang makabuo ng salitang may kahulugan.
May dalawang uri: Tambalang di- ganap o malatambalan- kapag ang bawat isang salitang-
ugat na pinagtambal ay hindi nawawala ang kahulugan. Hal. babaeng- lansangan, dalagang-
bukid. Tambalang ganap- kapag nawawala ang kahulugan ng mga salitang pinagtambal. Hal.
dalagambukid (uri ng isda), anakpawis (taong mahirap), bahaghari (rainbow sa Ingles).

Pagsasanay blg. 2A: Tukuyin kung ang salitang may salungguhit ay tahas o basal. Isulat sa patlang
bago ang bilang.

___________ 1.) Ang kabutihan ay ginagantimpalaan.


___________ 2.) Umaangkat pa rin ng bigas ang ating pamahalaan.
___________ 3.) Maraming suliranin sa ating bansa.
___________ 4.) Pangunahin nating produkto ang asukal.
___________ 5.) Pula ang sagisag ng katapangan.

Pagsasanay blg. 2B: Sabihin kung ang anyo ng mga pangngalang sinalungguhitan ay payak,
maylapi, inuulit, tambalan. Isulat sa patlang bago ang bilang ang kasagutan.

__________ 1.) Nasa kabataan ang pag-asa.


__________ 2.) Iniingatan niya ang alaala ni Lolo Sendo.
__________ 3.) May laruang baril- barilan si Ronnie.
__________ 4.) Masaya nilang sinalubong ang balikbayan.
__________ 5.) Parang kambal- tuko ang magkaibigan.
Pagsasanay blg. 3A: Basahin ang komik strip. Pansinin ang kamalian sa usapan, ano ang dapat na
ipalit sa mga salitang sinalungguhitan? Muling isulat ang tamang dayalogo sa loob ng
kahon sa ibaba.

Patrick ba ang kumain ng burger patty Hindi Patrick ang kumain, wala Patrick
Spongebob? Patrick lang kasi ang nakitang burger patty sa mesa. Huwag
nakita Spongebob pumasok sa kusina... Spongebob Patrick pagbintangan!...

Meowww… Huwag Patrick at


Spongebob mag-away. Itinago Gary
ang burger patty para di makuha ni
Plankton.

_______________________________________________________________
Spongebob: _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Patrick: _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Gary: _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
ALAMIN:

Ang panghalip (pronoun) ay bahagi ng pananalita na panghalili sa pangngalan (noun).

MGA URI NG PANGHALIP


1.) Panghalip panao (personal pronoun) – panghalili sa ngalan ng tao. Ang mga panghalip ay
may mga kailanan at panauhan.
Kailanan- tumutukoy sa bilang ng taong kinakatawan ng panghalip.
Halimbawa: Ako ay bibili ng pandesal. (Ang tinutukoy ng ako ay isa lang kaya ang kailanan nito
ay Isahan).
Kaming magkapatid ang gumawa ng bangka. (Ang tinutukoy ng kami ay dalawang
tao, ang magkapatid, kaya ang kailanan nito ay Dalawahan).
Kami ang gumawa ng bangka. (Ang tinutukoy ng kami ay marami dahil walang
pinapaksang pangngalang pandalawahan ang panghalip, kaya ang kailanan nito ay
Maramihan).
Panauhan- nagsasaad kung sino ang kinakatawan ng panghalip.
Unang panauhan- tumutukoy sa kumakausap. Hal. Akin ang pagkaing ito. (Ang
tinutukoy ng akin ay ang nagsasalita mismo.). Maituturing na nasa unang panauhan
kapag kasama ang nagsasalita sa tinutukoy ng panghalip tulad ng tayo, kami, amin
atbp.
Ikalawang panauhan- tumutukoy sa kinakausap. Hal. Ikaw ay kailangan ko. (Ang
tinutukoy ng ikaw ay ang kinakausap.)
Ikatlong panauhan- tumutukoy sa pinag-uusapan. Hal. Siya ang kaibigang
maaasahan. (Ang tinutukoy ng siya ay ang pinag-uusapan ng nagsasalita at ng
kausap nito.)
2.) Panghalip pamatlig (demonstrative pronoun)- nagtuturo ng kinaroroonan ng pangngalan o sa
layo nito. Hal. ito, iyan, iyon, nito, niyan, dine, dito, diyan, doon, heto, hayan, hayun, ganito,
ganyan, ganoon, narito, nariyan, naroon, atbp.
3.) Panghalip Panaklaw (Indefinite pronoun) – mga panghalip na sumasaklaw sa kalahatan,
dami o kaisahan ng mga tao, bagay at iba pa. Hal. lahat, madla, kapwa, kulang, kaunti,
alinman, saanman, anuman, kailanman, atbp.
4.) Panghalip pananong (Interogative pronoun)- inihahalili sa mga ngalan ng tao, bagay, atb na
ginagamit sa pagtatanong. Hal. ano, magkano, sino, alin, ilan, ano- ano, magka- magkano
atbp.

Pagsasanay blg. 3B: Sabihin kung anong panghalip ang may salungguhit (Panao, Pamatlig,
Panaklaw, Pananong). Isulat sa patlang bago ang bilang ang kasagutan.

__________ 1.) Bibili rin ako niyan.


__________ 2.) Tayo ang kanilang inaasahan.
__________ 3.) Sino ang tinaguriang Dakilang Lumpo?
__________ 4.) Anuman ang ibigay mo ay mahalaga sa akin.
__________ 5.) Ang lahat ay nananabik sa resulta ng halalan.
__________ 6.) Namula ang aking pisngi sa narinig.
__________ 7.) Ikaw ba ang bagong sekretarya?
__________ 8.) Sila ay namamasukan sa pabrika.
__________ 9.) Kayo ang makakasagip sa bayan.
__________10.) Magkano ang kinain nya?

Pagsasanay blg. 3C: Tukuyin ang mga panghalip panao sa loob ng bawat pangungusap. Pagkatapos
ay uriin ito ayon sa kailanan, at panauhan tulad ng makikita sa tsart. Ang unang bilang ay
ginawa bilang halimbawa.

1.) Ang tiket mo ay nabili na.


2.) Siya ang dahilan ng lahat.
3.) Ang baon nila ay naririto pa.
4.) Tayo ang kanilang inaasahan.
5.) Ang kanilang bahay ay nasunog.
6.) Atin ang salaping ito.

PANGHALIP KAILANAN PANAUHAN


1.) mo Isahan Ikalawa
2.)
3.)
4.)
5.)
6.)
Pagsasanay blg. 4A: Masdan ang mga nasa loob ng kahon. Ilarawan ang kanilang mga katangian
ayon sa iyong nakikita at nalalaman. Magbigay ng hindi bababa sa limang salita sa bawat
larawan.

1 2
3

PICTURE PAGLALARAWAN
(Diskripsyon)
1 Pres. Rodrigo R. Duterte
2 Rosas
3 Tuta

ALAMIN:

Ang pang-uri (adjective) ay mga salitang nagbibigay- turing o naglalarawan sa mga


pangngalan o panghalip. Ito ay may apat na kayarian na tulad ng sa pangngalan:

1.) Payak- binubuo ng salitang- ugat lamang. Hal. ganda, sariwa, hinog, lanta atbp.
2.) Maylapi- binubuo ng panlapi at salitang- ugat. Hal.kamukha, singganda, malapalasyo atbp.
3.) Inuulit- pag-uulit ng salitang- ugat na kadalasan ay nagkakaroon ng dagdag na panlapi. Hal.
batambata, maputi-puti, pulang- pula, dala- dalawa atbp.
4.) Tambalan- magkaibang salita na pinagsama upang makabuo ng salitang may kahulugan. Hal.
anak- dalita, ngiting- aso, biglang- yaman.

Pang- uring Pamilang- mga bilang na panuring sa pangngalan. May limang uri ito:
1.) Patakaran o kardinal- ginagamit sa pagsasaad ng dami. Nag- uumpisa sa bilang na isa pataas.
2.) Panunuran- nagsasaad ng pagkakasunod- sunod ng mga tao, bagay atbp. Gumagamit ng
panlaping ika- at pang-. Hal. una, ikalawa… pataas, una, pangalawa… pataas.
3.) Pamahagi- ginagamit ito sa pagpapakita ng kabuuang ipinamamahagi o pinaghahati- hati.
Hal. kalahating kilo, isang kilo, isang yarda, kalahating hektarya at mga katulad nito.
4.) Palansak- nagsasaad ng bukod na pagsasama- sama ng anumang bilang. Hal. isa- isa, dala-
dalawa, iisa, dadalawa, isahan, dalawahan, tig-iisa, tigdadalawa at iba pang katulad nito.
5.) Pahalaga- nagsasaad ng halaga ng isang bagay. Hal. dalawang piso, sampung piso, atbp.
Pagsasanay blg. 4B: Tukuyin kung anong uri ng pang-uring pamilang ang nasasalungguhitan:
patakaran, panunuran, pamahagi, palansak, pahalaga. Isulat sa patlang bago ang bilang.

_________ 1.) Mga dalawang libong tao ang dumalo sa pagtitipon.


_________ 2.) Limanlibong boto ang lamang ng kalaban kay Carlos.
_________ 3.) Nanalo ng pangalawang gantimpla ang amng seksyon.
_________ 4.) Ikalawang karangalang- banggit ang nakuha ni Nenita.
_________ 5.) Bumili ka ng kalahating kilong baboy sa palengke.
_________ 6.) Kailangan ng nanay ng tatlo at isang kapat na yarda ng telang puti.
_________ 7.) Tigalawang piso ang bili ko ng mga ito sa Cubao.
_________ 8.) Isang milyong piso ang halaga ng natupok na apoy.
_________ 9.) Tinumpok nila ng apat- apat ang mga sibuyas.
_________ 10.) Pumila ang mga bata nang dala- dalawa.

Pagsasanay blg. 4C:Tukuyin kung ang mga salita sa loob ng kahon ay pang-uri o pangngalan.
Ihanay atbasang-
ibigay ang kayarian. Ang unang
sisiw bilang ay ibinigay na bilang halimbawa.
gamugamo
pag-ibig pira- piraso
pusong- bakal makulimlim
salamin piloto
pananalig kadalagahan
PANGNGALAN KAYARIAN PANG-URI KAYARIAN

Pagsasanay blg. 4D: Magbigay o gumawa ng limang pick- up lines na nagtataglay ng alinman sa
tatlong bahagi ng pananalita na iyong napag-aralan (Pangngalan, Panghalip o Pang- uri).
Hal: Straw ka ba? Bakit? Kasi hindi ka lang plastik, sipsip ka pa.

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

You might also like