Lesson Plan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

EKONOMIKS

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng isang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. naibibigay ang kahulugan ng impormal na sektor;


2. nakagagawa ng mga aktibi na nagpapakita ng kabutihan at hindi
kabutihan na dulot ng impormal na sektor; at
3. nabibigyang halaga ang impormal na sektor sa pamumuhay ng mga
Pilipino sa ating lipunan.

II. NILALAMAN

A. Paksa
Yunit IV – Mga Sektor Pang – Ekonomiya at mga Patakarang Pang –
Ekonomiya Nito
Aralin 5: Impormal na Sektor

B. Batayan
Batayang aklat, p.420 - 436
Bayang Aklat sa Ekonomiks 10

C. Kagamitan
Batayang Aklat
Manila paper, pen touch, metacards
Larawan, power point presentation

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagtsek ng attendance
 Balik - aral
Itanong: Bakit mahalaga ang sektor ng paglilingkod?
 Pagganyak na Gawain
Ipakita ang larawan sa mga mag-aaral
Itanong:
1. Ano ang nakikita mo sa larawan?
2. Bakit maraming gawain ang tulad nila sa ating
ekonomiya.

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
a. Bibigyan ng metacard ang mga mag-aaral na naglalaman ng
iba’t ibang uri ng gawain o hanapbuhay sa impormal na
sektor.
b. Uuriin ng mag-aaral kung ito ay legal o illegal na gawain o
hanapbuhay.
c. Pagkatapos ay ipoproseso ng mag-aaral ang ginawang gawain,
gagabayan ito ng guro.
d. Pagkatapos ay pangkatin ang klase sa tatlong pangkat.
e. Pipili ang pangkat ng kanilang lider para bumunot ng kanilang
gagawing aktibi.
 Dula-dulaan na nagpapakita ng mabuting dulot ng
impormal na sektor sa ating lipunan;
 Dula-dulaan na nagpapakita ng hindi mabuting dulot
ng impormal na sektor sa ating lipunan; at
 Dula-dulaan na nagpapakita ng kahalagahan ng
impormal na sektor sa ating lipunan.
f. Bibigyan ng labing limang minuto ang mag-aaral para ihanda
ang aktibi. Pagkatapos ay bibigyan ng sampung minuto para
ipresent sa klase ang mga gawain.

Gamitin and rubric sa ibaba sa pagwawasto ng mga gawain. (20 puntos)

Criteria Indicator Iskor


Nilalaman Ebidensiya ng kaalaman sa paksang
isasadula
Presentasyon Mapagpahiwatig ang mukha at
maganda ang posture
Projection ng Tinig Malinaw at malakas
Kabuuang Epekto Epekto sa Audience
Kabuuang Iskor ____________

Katumbas na Interprestasyon:

Iskala Katumbas na Interpretasyon Kabuuang Iskor


5 Magaling 17 -20
4 Lubhang Kasiya – siya 13 – 16
3 Kasiya – siya 10 – 12
2 Hindi gaanong kasiya – siya 7–9
1 Dapat pang linangin 4–6

2. Pagsusuri
Susuriin ng mga mag-aaral ang ginawang aktibi at iuugnay ito
sa aralin tatalakayin.

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ano ang epekto ng  Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis.
impormal na sector sa  Banta sa kapakanan ng mga mamimili.
ekonomiya?
Ano ang kahalagahan ng  Nagbibigay ng pagkakataon sa maraming
impormal na sector? Pilipino na makapaghanapbuhay.
 Malaki ang naitutulong sa mga konsyumer ang
mga kalakal at serbisyong mula sa impormal na
sector dahil sa mura nitong halaga.

3. Paghahalaw
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Bakit mahalaga ang  Nagbibigay ito ng murang presyo sa mga
impormal na sektor sa mamayan.
pamumuhay ng mga Pilipino
ating lipunan?
B. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat
Itatanong: Ano ang impormal na sektor?

2. Pagpapahalaga
Itatanong: Paano nakakatulong ang impormal na sektor sa isang
ordinaryong mamamayan at sa ating lipunan? Ipaliwanag.

3. Paglalapat
Buuin ang pangungusap: Kung ako ay isang vendor at may awtoridad
na manghuhuli sa akin, ang gagawin ko ay _________ sapagkat____.

IV. EBALWASYON

TAMA O MALI: Isulat ang salitang TAMA kung tama ang sinasabi sa
statement, at MALI kung hindi tama ang sinasabi sa statement.
_____________1.Ang impormal na sector ay sector ng ekonomiya na salat o walang pormal na
dokumentong kailangan sa pagsasagawa ng mga gawaing pang-ekonomiya.
_____________2.Ang impormal na sector ay nahahati o nauuri sa legal at illegal na Gawain.
_____________3.Ang sugal ay isang Gawain na nabibilang sa legal na Gawain.
_____________4.Ang hanap-buhay o Gawain na walang pormal na dokumento ay illegal na
masasabi?
_____________5.Ang lotto ba ay isang illegal na Gawain?

V. TAKDANG ARALIN
1. Alamin ang mga hanapbuhay sa iyong komunidad na kabilang sa
impormal na sektor.
2. Magsagawa ng isang interview ng isang taong nagtatrabaho sa impormal
na sektor.

Prepared by:

MARICEL N. IBASCO
Teacher I Applicant

You might also like