Banghay Aralin Sa Ekonomiks IV
Banghay Aralin Sa Ekonomiks IV
Banghay Aralin Sa Ekonomiks IV
I. LAYUNIN
1. Natutukoy ang mga bahaging ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa larangan ng paghahalamanan,
pangingisda, paggugubat, at paghahayupan sa ekonomiya at sa bansa
2. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura
3. Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang ekonomiya na nakakatulong sa sektor ng agrikultura
II. NILALAMAN
A. Paksa: Mga Sektor ng Pang Ekonomiya at Mga Patakarang Pang-Ekonomiya Nito
B. Konsepto: Sektor ng Agrikultura
C. Balangkas ng Aralin
1. Uri ng Sektor ng Agrikultura
2. Kahalagahan ng Sektor ng Agrikultura
3. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
D. Babasahin: Ekonomiks IV pp. 360-383
E. Kagamitan: Modyul sa Ekonomiks, LCD Projector at Laptop
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pang Araw-araw na Gawain
a. Pagdadasal
b. Pagbati
c. Attendance Checking
d. Checking of Assignments
2. Balik-Aral
Sa saliw ng musika, pagpapasa-pasahan ang isang bola ng mga mag-aaral sa klase, ang mag-
aaral na may hawak ng bola sa pagtigil ng tugtog ay sasagot sa katanungan ng guro.
Mga tanong:
a. Ano ang pag-unlad?
b. Anu-ano ang mga antas ng pambansang kaunlaran?
c. Ano ang pagkakaiba ng pag-unlad at pag-sulong?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ang guro magtatanong sa mga mag-aaral ng mga sumusunod na katanungan;
a. Ano ang tatlong bagay na pumapasok sa isip mo habang inaawit ang ang Magtanim ay Di
Biro?
2. Talakayan
Gamit ang Power Point Presentation, tatalakayin ng guro ang isa sa mga sektor ng
ekonomiya, ang agrikultura.
1. Ano ang Agrikultura?
2. Ano ang mga uri ng agrikultura?
3. Bakit mahalaga ang Agrikultura?
4. Ano-anu ang mga suliranin na kinahaharap ng Agrikultura?
C. Pangwakas na Gawain
1. Pagpapahalaga
a. Paano ka makakatulong sa paglago sa sektor ng agrikultura?
2. Paglalahat
a. Bakit ang Pilipinas ay tinatawag na bansang agricultural?
3. Paglalapat
a. Bilang isang mag-aaral, paano ako makatutulong sa pagpapatupad ng mga patakarang pang-
ekonomiya tungo sa pambansang pagsulong at pagunlad?
IV. PAGTATAYA
Panuto. Isulat kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag..
1. Ang Pilipinas ay pinagkalooban ng mahigit 3,000 isla sa buong parte ng bansa. MALI
2. Napabilang ang bansang Pilipinas sa mga bansang agricultural dahil sa malaking bahagi nito ang
ginagamit sa mga gawaing pang=agrikultura. TAMA
3. Nahahati ang sektor ng agrikultura sa paghahayupan, paghahalamanan, pagaartista at
pangingisda. MALI
4. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain. TAMA
5. Para makabuo ng produkto, kinakailangan ang sektor ng agrikultura para sa mga gagamitin na
mga hilaw na materyales. TAMA
6. Hindi kabilang ang sektor ng agrikultura sa kitang panlabas. MALI
7. Ang agrikultura ay pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. TAMA
8. Ang pag-unlad ng bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng ekonomiya. TAMA
9. Itinuturing na ang Pilipinas sa may pinakamababang tagatustos ng isda sa buong mundo. MALI
10. Hindi suliranin ang paggamit ng teknolohiya sa pagsasaka. MALI