Banghay Aralin Sa Filipino 8
Banghay Aralin Sa Filipino 8
Banghay Aralin Sa Filipino 8
Ni G. Dominic Arat
Kasanayang Pampagkatuto:
l. Layunin:
III. Pamamaraan:
A. Introduksyon
- Magbibigay ang guro ng gawain gamit ang Word Map na Graphic Organizer, ibibigay ng guro ang
pangunahing ideya at ibibigay ng ilang mag-aaral ang kanilang pananaw tungkol dito.
Word Map
KABATAAN
- Ibabahagi ng guro ang mga layunin sa klase
B. Interaksyon
- Tatalakayin ng guro kung ano ang tayutay at ang ilang pinakagamit ng uri nito
- Hahatiin ang klase sa apat at ipababasa sa bawat pangkat ang tulang “Sa Kabataang Pilipino”
- Babalikan ng guro ang isinagawang motibasyon at ipasusuri sa mga mag-aaral ang kanilang mga
isinulat sa Graphic Organizer
- Ipatutukoy sa bawat grupo ang mga tayutay na mababasa nila sa tula at ipasusulat ito sa papel
- Bawat grupo ay magbabahagi sa klase ng isang tayutay na kanilang nakita at tutukuyin ng
kanilang kaklase kung anong uri ng tayutay ito
- Magdaragdag ang guro ng impormasyon at paglilinaw kung kinakailangan
C. Integrasyon
- Magbibigay ang guro ng mga katanungan sa mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng tungkulin ng
kabataan sa lipunan
Halimbawa:
1. Anu-ano ang nararapat gawin ng kabataan sa kasalukuyang panahon para sa ikabubuti ng
ating lipunan?
D. Ebalwasyon
Gawain
Gumawa ng tula na may apat na saknong na naglalaman ng lima o higit pang tayutay.
Isulat sa isang kalahating papel. (15 puntos)
IV. Takdang-aralin
Magsaliksik ng iba pang uri ng tayutay at isulat sa kalahating papel.